FLAMES (Short Story )

بواسطة LaChiclumsyme143

14.7K 399 62

Having a CRUSH on someone is normal,but being so obsessed? To the point na pati FLAMES idadamay mo pa? That'... المزيد

Prologue
Author's Short Note:
Chapter 1: Survey
Chapter 2: Feel At Home -_-
Chapter 3: Unspoken Reasons
Chapter 4: Sticky Note & Fries MONSTERS
Chapter 5 : Puzzled
Chapter 6:Survival Training.
Chapter 7: Hero is my Hero
Chapter 8: Coincidence or Destiny?
Chapter 9: Revealations!
Chapter 10:Mutual Feelings
Chapter 11 : F-L-A-M-E-S <3
Chapter 13: True love is Letting Go. :(
Chapter 14: Let me Love you until..
Epilogue <3

Chapter 12: Harah's Prayers :(

589 16 3
بواسطة LaChiclumsyme143

Harah's P.O.V.

      Tulala ako ngayon at nag-iisip kung ano na ang kasalukuyang kalagayan ni Hero. Ayaw ko mang isipin pero alam kung nasa piligro siya.. Kitang-kita ko sa mga mata niya kanina ang sakit na nararamdaman niya. Gustuhin ko mang huwag umalis sa tabi niya,hindi ko nagawa dahil pinagbawalan ako ng doctor.

 (Insert "If only tears could bring you back" song here--------->>>>>)

"Harah " napalingon ako sa kung sino man ang nag-abot ng panyo sa akin. Si big boss pala. Namumugto din dahil sa pag-iyak ang kanyang mga mata. Inikot ko ang atensyon ko sa paligid ng hospital, karamihan sa mga andito ay ang mga taong malalapit kay Hero. Lahat sila ay panay ang pag-iyak at paghikbi..

***~~Is it too late

Are you too far gone to stay?
This one's forever
Should never have to go away ~~**

"Harah,wala tayong mapapala sa pag-iyak nating to. Halika,samahan mo ako sa praying room " tumayo na ako at sumunod kay BIG BOSS. Pumasok kami sa praying room at umupo sa unahan nito malapit sa altar. Pinikit ko ang aking mga mata at nagdasal ng mataintim at tahimik.

"L*rd,have mercy on me.Please hear my prayers. I am totally weak now form battling the sins that come at me and the thoughts of my own mind.My body and heart aches because of Hero's situation. L*rd, alam kong hindi ako naging mabuting anak mo dahil  naging masama ako kay Hero noon  at ang dami kong sinuwayy na utos mo.. Minsan ko na ding hiniling sa iyo noon na sana mamatay na lamang si Hero dahil galit ako sa kanya. Palagi ko din siyang minumura at kinukulam sa aking isipan pero pinagsisihan ko na lahat ng iyon.

I am here to beg forgiveness for all  my mess.

I know I tore two worlds apart but I can't change the way I felt.  Nasasaktan ako ngayon,parang nadudurog ang puso ko. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kung may masamang mangyari sa kanya.. L*rd please heal him.. Ako na lang, ako na lang ang parusahan mo.. Kung hindi,isama mo na lang ako sa sakit na nararamdaman niya ngayon.. Gusto kong makihati sa sakit na meron siya ngayon.. L*rd, mahal ko na talaga ng sobra ang lalaking iyon.. Please hear my prayers.. Kahit ngayon langg,nagmamakaawa ako sa inyo.. Kahit hindi na kami ang magkatuluyan,okkay lang sa akin bsta't ang importante ay buhayin niyo siya.. Please.."

Patuloy ang pagdaloy ng aking mga luha na parang ulan sa aking mga pisngi.. Hindi ko man gustuhing umiyak pero nagkukusa itong nagsilabas...Naiiyak ako dahil ang sabi ng doctor kanina, we should prepare ourselves daw dahil malaki ang posibilidad na mamatay si Hero.. Syetteee lang,bakit ngayon pa siya nagkasakit? Ngayon pa na mahal ko na na siya ng sobra sobra.. I love him more than I loved my self.. He's my everything now.. 

~If only tears could bring you back to me,If only love can find  a way ~

Letcheng kanta yan eh, sino bang nagpatugtog niyan.. Iniiinis ako lalo.. Nakakarelate ako medyo,syetee! 

Galit ba talaga ang tadhana sa akin? Pinaparusahan na ba ako ni L*RD at Cupid dahil sa pagiging masama ko kay Hero noon? Ito na ba ang tinatawag nilang karma? Ito na ba iyon? Kung ito na nga ang karma ko, syettee lang.. Ang sakit pala, nakakabaliw.. Bakit ako pinaparusahan ng ganito? Bakit sa lahat pa ng tao sa mundo,si Hero pa? OO, masama siya,masyadong mayabang,lagi akong inaaway noon,galit sa mga bobo at haliparot pero sa kabila ng lahat ng iyon, mahal ko pa rin siya.. Naging mabuting tao din naman siya kahit papaano! Marami din naman siyang naging kaibigan! Bakit?  Bakit siya pa ang dinaputan ng sakit na alzheimer? Bakit ang sakit pa na iyon ang dumapo sa kanya? 

**~~ What I would do, what I would give

If you returned to me someday
Somehow, someway
If my tears could bring you back to me~~**

Sana heart disease ,skin disease or stage 2 cancer lang ang meron siya.. Pero hindi eh.. :((  Okkay lang sana kung ang mga sakkit na iyon ang meron siya dahil magiging mas panaatag pa ako.. Mayroon pa kasing cure ang mga iyon. Kung may sakit ka sa puso pwde kang mag transplant, kung sa skin disease at cancer naman may teraphy.. Pero ang alzheimer's disease? It has no cure!! It's not curable! It will just make the person suffer until they die.. Kung mabubuhay man sila, 2-8 years interval lang.. Si hero kaya? Kakayanin niya kaya ang p*st*ng alzheimer niya? Paano kung hindi?

Ang saya pa namin nun eh,tapos ngayon bigla na lang naging ganito.. Namiss ko tuloy siya,yung kakulitan niya at pagiging seloso niya.. Sana maibalik pa namin ang lahat dati kagaya ng nasa picture na ito na hawak-hawak ko.. 

(See the picture---->)

Ito yung pumunta siya sa kwarto ko para lang kulitin ako dahil na miss daw niya ako.. Ito yung pangyayaring nalaman ko na matagal na pala siyang nanliligaw sa mga parents ko! Ang saya pa namin ni Hero dito...

"Harah ija, kumain ka muna.. Kami na muna ang magbabantay sa anak ko." pinahid ko kaagad ang luha ko at nilingon si Tita Amy,mommy ni HERO at high school friend ni Mommy ko.

"Wala pa po akong gana tita,dito muna po ako sa tabi ni HERO." matamlay kong sabi. 

"Harah ija, nag-alala na sa iyo ang mommy mo,pati kami at ang mga kaibigan mo. Ang payat-payat mo na ija.. Baka ikaw na naman ang magkasakit niyan .. Gusto mo bang magalit sa iyo si Hero dahil pinapabayaan mo ang sarili mo?  Ija, mahal ka ni Hero at ayaw niyang nagkakaganyan ka kaya---" 

"Tita *Sobs* *hik*   Gustohin ko mang kumain pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang lumamon ng mga pagkain dahil bumabagabag sa isipan ko ang kalagayan ni Hero.. Tita, halos tatlong buwan na siyang nakahiga diyan sa kama niya.. Tatlong buwan na siya andito sa  hospital na ito pero hindi pa rin siya gumigising.. Ang unfair naman kasi eh *Sobs* Ba--ba *Sobs* Bakit ba kasi hindi pa siya gumigising? Hindi ba niya ako namimiss? Ayaw *HIK *  na ba niya akong makapiling? Sumusuko na ba siya? Ayaw na ba niyang patunayan na may forever pa? " napa-upo na ako sa sahig ng kwarto ni Hero habang sinasabi ko iyon sa mommy niya.. Nanghihina na ako.. Nag break down na iyong katawan ko, gusto ko ng sumuko.. Pagod na din akong umiyak araw araw at gabi-gabi.. Nauubos na ang luha ko.. 

"Harah, please stay strong and keep the faith ija.. Lahat ng mga ito ay may dahilan "

"Anong dahilan tita? Bakit si Hero pa? Kakasagot ko pa nga lang sa kanya,Day 01 pa nga lang ang relasyon namin,bigla naman siyang nagkaganyan.. Ganun ba talaga ka BITTER ang tadhana sa amin? Napaka AMPALAYA naman ni Cupid eh! Nakakainis " yinakap ako ng mommy ni Hero habang ako ay patuloy sa pag-iyak. Kung sana lang may magagawa nag pag-yak kong ito pero wala eh.. Walang magaga---

"Tita,tingnan niyo.. " tinuro ko ang direksyon ni Hero.. Lumapit kami ni Tita sa kanya at tinitingnan ng maigi ang mukha niya.. May mga luhang dumadaloy sa mga mata niya.

"Harah,naririnig niya tayo.. Kausapin mo siya ija, e -encourage mo siya, let him feel na may marami pang rason para mabuhay siya.. " tumango ako kay tita at hinawakan ko ang malalamig na kamay ni Hero. Hinalikan ko iyon, kasabay ng paghalik ko sa kamay niya ay ang pagtulo ng luha naming dalawa... Naririnig at nararamdaman niya ako.. Alam kong nasasaktan din siya.. Siguro pareho lang kami ng nararamdaman ngayon.. 

"Maiwan ko muna kayo ija,tatawagin ko muna ang doctor at ang mga kaibigan ninyo.. Baka sakaling makatulong din sila." lumabas na si Tita at naiwan kami ni Hero..

Pinagmamasdan ko lang siya habang hawak hawak ko ang mga kamay niya.. Hindi ko kayang magsalita.. Gustuhin ko man pero walang kahit anong lumalabas sa bibig ko.. Na pipi na ata ako!.. 

Isinubsob ko na lamang ang aking mukha sa bed sheet ng kama niya.. Nakakainis,ang sakit sakit! Gusto ko nang mamatay din.. Ganito ba talaga ang buhay ng tao? After all the happiness that you've felt ay may katumbas na sadness?  Sana forevr happy lang.. Sana wala nalang mga ganitong scenario kung saan may iyakan,iwanan at mga sakit na epal!

"Oh emm geee! Harah yung kamay ni Hero gumagalaw"  napatigil ako sa pag-iisip ng kun anu-ano ng dumating si Big boss.. Gulat ang kanyang mukha habang tinuturo ang kamay ni Hero.. Gumagalaw nga ito ng dahan dahan...Hindi lang iyon, unti-unti ding bumubuka ang dalawa niyang mga mata.. Gising na siya!

"Shockness overload! Oh my  ! I'll call the doctor,dito ka lang Harah.. This is a miracle, oh my g*Dness! " mabilis na lumabas ng kwarto si Big boss at pumasok naman si Aryana. May dala si Aryana ng maraming bulaklak..Inilapag niya iyon sa table malapit sa higaan ni Hero at pumwesto sa TABI ko.. Sabay kaming binaggit ang pangalan ni Hero ng tuluyan na itong nagising..

Tiningnan kami sandali ni Hero at unti-unti siyang nagsalita..

"Ha-- " ito na, babanggitin na niya ang pangalan ko! Ang saya ko,naalala niya parin ako.. Akala ko sa paggising niya ay tuluyan ng mabubura ang memorya niya dahil iyon ang sabi sa amin ng doctor.

"Ha-Aryana " aryana? Bakit si Aryana ang unang binaggit niya? Bakit?

"Aryana, masaya ako-- masaya ako at hindi ka umalis sa tabi ko.. " nagulat si Aryana dahil sinabi ni Hero.. Batid din sa mukha ni Aryana na naguguluhan siya.. Hinawakan ni Hero ang mga kamay niya ng napakahigpit kaya lumingon sa akin si Aryana.. Lumihis na lamang ako ng tingin at pinipigilang umagos ang aking mga luha.

"Hero,ahh ano.. Hindi ako ang ano mo.. Ahmmm... Si Harah,siya ang--k--"

"Harah? Sino siya? Naging kaibigan ko ba siya?" tiningnan ako ni Hero diretso sa mata na para bang hindi niya talaga ako kilala.. Prank jokes ba to? Baka gi-no-goodtime lang niya ako,kaya dapat lumapit ako sa kanya.. Tama!

Nginitian ko si Hero at hahalik na sana sa pisngi niya ng bigla niya akong awatin.. Hindi lang iyon, nagbitiw pa siya ng masasakit na salita na hindi ko inaasahan.

"Miss,please huwag kang lumapit sa akin.. Baka magselos ang girlfriend kong si ARYANA, please lang kung pwde umalis ka na.. Wala akong maalala tungkol sa iyo.. Hindi kita kilala" 

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

10.5M 567K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
49.5K 200 8
Dalawang lalaki ang makikipag agawan sa dalagang kanilang inalagaan. Si Arthur, ay ang Ama ni Celia. Minahal at inaruga niya ang dalaga hanggang sa t...
137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
SPG بواسطة Precious Heart Story

القصة القصيرة

75.6K 177 15
SPG