Class Zero

By Penguin20

7.2M 432K 181K

Isa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga ka... More

Class Zero
Teaser
Chapter 1: Prominent School
Chapter 2: Exam Result
Chapter 3: Different Treatment
Chapter 4: Class Zero
Chapter 5: Strange Encounter
Chapter 6: Real mission
Chapter 7: Physical training
Chapter 8: Awakening power
Chapter 9: Against Lawbreakers
Chapter 10: Leaving class zero
Chapter 11: Back to sense
Chapter 12: Back in Class Zero
Chapter 13: First Mission
Chapter 14: Investigating
Chapter 15: Pochi Monster
Chapter 16: Missing Post
Chapter 17: Lockup
Chapter 18: Against Lawbreakers
Chapter 19: Urgent Meeting
Chapter 20: Affected by her Death
Chapter 21: Warning
Chapter 22: Foundation Week
Chapter 23: Winning without cheating
Chapter 24: Change of Plan
Chapter 25: Seven Versus Ace
Chapter 26: Suspended
Chapter 27: Brilliant Plan
Chapter 28: Scouting the Place
Chapter 29: Class Zero VS. Lupin
Chapter 30: Seize the day
Chapter 31: Review
Chapter 32: Phoenix Necklace
Chapter 33: Forgotten
Chapter 34: Aftermath
Chapter 35: Getting better
Chapter 36: The twelve members
Chapter 37: The party
Chapter 38: Servant of Fire
Chapter 39: Servant of Elements
Chapter 40: Mission done
Chapter 41: Zero base
Special: Girly Tapang
Chapter 42: The alliance
Chapter 43: Let's compact!
Chapter 44: Seven's Mission
Chapter 45: The search
Chapter 46: Class Zero Vs. Hanzo
Chapter 47: Enemy in good term
Chapter 48: Saying the truth
Chapter 49: Knowing Vincent
Chapter 50: Servant of Illusion and Dreams
Chapter 51: Jamie Vs. Evan
Chapter 52: Revenge
Chapter 53: Compact
Chapter 54: Zero equals family
Chapter 55: Shaken Trust
Chapter 56: A New Mission
Chapter 57: The Teacher's Love
Chapter 58: Pressure of Leader
Chapter 59: Guarding her
Chapter 60: Dressing Up
Chapter 61: Leaders plan
Chapter 62: The Blind and The Steel
Chapter 63: Accepting Defeat
Chapter 64: The Greatest Enemy
Chapter 65: Final Exam
Chapter 66: Fun and Terror
Chapter 67: Part of the Society
Chapter 68: Let's Go Training!
Chapter 69: Clash of Leaders
Chapter 70: Decision He Made
Chapter 71: Train hard
Chapter 72: Progress
Chapter 73: Girls Bonding
Chapter 74: Sudden Energy
Chapter 75: Must Protect
Chapter 76: Unexpected Power
Chapter 77: Unforeseen Betrayal
Chapter 78: Class Magnus
Chapter 79: Royal Blood
Chapter 80: New Semester, New Chance
Chapter 81: New Challenge
Chapter 82: The Competition
Chapter 83: Dodgeball
Chapter 85: The Good Effect
Chapter 86: Pavilion Date
Special Chapter: Preparation
Chapter 87: The Young Glitches
Chapter 88: Never Abandon
Chapter 89: Her Reason
Chapter 90: The Final Play
Chapter 91: Tears with Pain
Chapter 92: Out of Control
Chapter 93: Monsters
Chapter 94: Mole in the Dark
Chapter 95: His Escape
Chapter 96: Give and Take
Chapter 97: A day before War
Chapter 98: Start of War
Chapter 99: Kiryu Versus Hugo
Chapter 100: Fight until the End
Chapter 101: Preventing the Worst
Chapter 102: We are Class Zero
Epilogue
Last Note
Special Chapter: Black and White
Class Zero Book version!
Class Zero Book Details
BOOK SIGNING (MIBF 2022)
BOOK SIGNING (Grand Fans Day)
Manila International Book Fair 2023

Chapter 84: Merton VS. Sahandra

38.8K 3.1K 2.8K
By Penguin20

I mited some accounts who constantly spamming "update na po" in comment box. Please, kailangan ko rin ng inner peace. You guys can still read the story pero 'di lang kayo makakapag-comment. 🥺

NAKABALIK na kaming dalawa ni Teddy kanila Seven. Inilapag niya ang lunch namin sa may telang nilatag ni Jessica. This food was prepare by our school kung kaya't thankful ako doon. "Parang ang sarap mag-samgyup," sabi ni Mild.

Ace agreed. "Wala bang malapit na samgyupsalan malapit sa village na tutuluyan natin?" He asked while he setup his camera.

"Ay speaking of village," binuksan ko ang lunch ko, nasabi ko na bang the best ang barbecue sa Merton Academy? Isa ito sa mga favorite kong order-in kapag lunch break namin. "Ini-invite tayo ng taga-Prolus Academy. Magpapakain daw sila mamayang gabi, invited lahat ng school." Kuwento ko sa kanila.

"May nakausap kang taga-Prolus?" Kunot-noo na tanong ni Seven.

"Oo, pati 'yong taga-Sahandra Academy, nakausap din ni Jamie." Sabat ni Teddy sa usapan namin. "Hiningi pa nga niya 'yong number ni Jamie, eh. Ano nga ulit pangalan no'n? Wait... Si Topher!"

"Famous naman po." Sabi ni Kiryu. Inagaw ko ang pochi na kinakain niya.

"Lunch na po, mamaya ka na kumain ng pochi mo." Sabi ko sa kanya.

"Akala yata nila Jamie, brainy ka." Natawa si Ace sa kanyang sinabi.

Hindi ko in-expect na mauuto sila ni Teddy. Noong akmang sasabihin kong niloloko lang sila ni Teddy ay pinapakyu ako ni Teddy kaya 'di na lang ako nagsasalita.

In Class Zero, binu-bully namin ang isa't isa pero gusto pa rin naman namin na magkakasama. Walang nagtatampo or nagagalit kapag inaasar. Tsaka mas sanay kami na ganito namin kausapin ang isa't isa. We don't need to sugarcoat words para lang maka-close ang isa.

"Bakit hiningi ni Topher 'yong number mo?" Tanong ni Seven. Busy sa pagkain ang iba kung kaya't hindi naman sila nakikinig sa usapan naming dalawa.

"Para lang i-update ko siya kung makapupunta tayo mamayang gabi." Sabi ko.

"Ha? Siya ba ang taga-Prolus Academy at number niya ang ibinigay sa 'yo?" Iritableng sabi ni Seven. "Ibigay mo sa akin 'yong number niyan. Ako ang makikipag-usap diyan sa Topher na 'yan."

Sana ay hindi nabibilaukan si Topher ngayon. Ako ang nahihiya sa tao, wala namang ginagawang masama pero dinamay ni Teddy sa kalokohan niya.

"Seven, alam mo, mas okay din na may kaibigan si Jamie outside Class Zero," epal ulit ni Teddy sa usapan namin. "Tsaka mukhang mababait naman sila. Huwag kang mag-alala, ako bahala kay Jamie. Sasakalin ko 'yan kapag may ginawang kalokohan." Sino kaya ang may ginagawang kalokohan sa aming dalawa ngayon?"

"Talaga ba?" Tanong ni Mild at sumubo noong Tocino. "E'di okay lang na kinausap ni Ronan si Claire kanina?"

"Ay putangina no'n, ah!"

"K-Kinausap lang din ako ni Ronan para i-invite tayo sa dinner mamayang gabi." Sabi din ni Claire.

"Since they invited us at sa iisang village lang din naman tayo tutuloy. Pumunta na tayo 'di ba?" Sabi ni Ace.

"Gusto mo lang nang content sa vlog mo, ulol." Barumbadong sagot ni Teddy.

"Tanga, gusto ko lang silang maka-bonding din. Hindi naman kami magtatagal ni Claire dito," kuwento ni Ace. Oo nga pala, Kailangan nilang pumunta sa Fladus Academy para tulungan si Claire na makipag-compact sa Servant of holliness.

"Claire, good luck sa 'yo," nakangiting sabi ni Teddy sa kanya. "Kaya mo 'yan."

"Feeling niya talaga tatanggapin pa siya sa langit kapag mabait siya kay Claire." Epal ni Kiryu.

"Gago."

Nagpatuloy kami sa pagkain dahil ilang minuto na lang bago matapos ang lunchbreak. Mamaya pang hapon ang next game namin sa dodgeball.

Matapos naming kumain ay naglakad na kami sa hallway ng arena. Unexpectedly ay nakasalubong namin ang mga taga-Sahandra Academy, may iba sa kanila na ngumiti sa amin at ganoon din naman ang ginawa namin. We tried to be friendly as possible. Sabi nga ni Sir Joseph, dapat ay alam namin kung sino ang kakampi namin sa labanang ito.

Habang naglalakad kami ay nagkatungguan si Seven at si topher. Napahinto kaming lahat sa nangyari.

"May problema ka ba sa akin?" Malamig na tanong ni Topher, ito ang unang beses na narinig kong magsalita si Topher ngayong araw. Napatingin ako kay Teddy na nagpipigil ng tawa ngayon, hayop na Teddy 'to. Tuwang-tuwa pa siya sa nakikita niya.

"Paano kung mayroon? May magagawa ka ba?" Maangas na tanong ni Seven.

Bago pa tuluyang magkainitan ang dalawa ay mabilis ko nang hinawakan sa braso si Seven at hinatak. "S-Sige na, babye na, Topher. Kitakits na lang tayo sa dinner mamayang gabi."

Naglakad na kami paalis.

"Sinong may sabi na pupunta tayo roon?" tanong ni Seven.

"Kami." sabay-sabay naming sabi nila Mild. Napabuntong-hininga na lang si Seven at napamasahe ng kanyang sentido.

Bumalik na kami sa loob ng arena, Al-Rashia Academy at Kirenai University ang naglalaban ngayon. We are just seating and watching them. Marami rin pa lang malakas na glitches mula sa ibang school.

Habang nanonood kami ay biglang nag-text sa akin si Jason (buti na lang may charge na ang phone ko).

From: Jason
Ate! Nakakita kami ng lawbreakers! Hindi naman namin sila nakalaban dahil may mga teachers kaming kasama.

To: Jason
Hindi ka naman nasaktan?

From: Jason
Hindi naman, kumusta na kayo diyan? May pupunta ritong Taga-Merton Academy sa Thursday para raw turuan kami. Kasama ka ate?

To: Jason
Hindi, dalawang kaklase ko ang pupunta diyan.

"Ngiting-ngiti ka sa pakikipag-text, ah." Biglang nagsalita si Seven sa aking tabi.

"Wala lang, manood ka na oh. Mamaya may game pa tayo." Turo ko sa mga naglalaro.

Napatigil ulit ako noong makatanggap ako ng text galing kay Teddy.

From: Teddy Bear 🐻
Gago sabi ko sa 'yo, effective HAHAHAHA

To: Teddy Bear 🐻
Baliw ka, kapag nalaman ni Seven 'yang mga pinaggagawa mo. Ewan ko na lang kung anong mangyayari sa 'yo. 😂

***

SA final round ay kami ng Sahandra Academy ang nagkatapat. Hindi ko inaasahan na magaling ang school nila pagdating sa ganitong laro. Hindi ko nga rin alam kung bakit nakaaway ni Sir Joseph 'yong adviser nitong Class Terra dahil ang cool lang nila. Kinausap din nila kami kanina before the fight at ang nice nila. Ito lang talagang si Topher ang hindi kumakausap ng ibang tao. Attitude din, eh.

The referee whistled at inihagis niya ang bola sa ere. Mataas na tumalon si Seven para makuha ang bola, nauna siyang makuha ang bola kaysa kay Topher.

"Everyone, position!" Sigaw ni Topher at pumosisyon ang anim na manlalaro sa kabilang court.

Nilaro ni Seven ang bola sa kanyang kamay. Diretso lang siyang nakatingin kay Topher na mukhang ito talaga ang ta-target-in niya.

Naaawa ako sa tao, naiinis sa kanya si Seven ng wala man lang siyang alam. Ito kasing si Teddy, kung ano-anong pakulo sa buhay.

Malakas na inihagis ni Seven ang bola. Humawak si Topher sa lupa at may mga iyelong biglang umangat mula rito. Ito ang nagsilbing shield niya mula sa bola dahil isa-isang nawasak ang pader na ginawa niya na gawa sa yelo.

Mabagal na lamang ang takbo ng bola noong mapunta sa kanyang direksyon at mabilis niya naman itong nasalo.

"Everyone, focus! Huwag kayong magpapatama sa bola!" sigaw ni Seven sa amin kung kaya't diretso akong nakatingin kay Topher. Iniiwasan niyang makipag-eye contact sa akin dahil mukhang alam na niya ang ability ko.

Topher aimed for Teddy, mababa ang bato ni Topher kung kaya't bago pa man makapagtago si Teddy sa kanyang anino ay natamaan na siya nito.

"Teddy of Class Zero, out!" malakas na sigaw noong emcee.

"Tangina, may galit ba sa akin lahat ng tao rito?!" Reklamo ni Teddy at naglakad papaalis sa court.

"Sorry, I just aimed for the weakest," sabi sa kanya ni Topher. Hindi naman sa mahina si Teddy, pero kasi ang magagawa niya lang sa game na ito ay magtago sa kanyang anino. But definitely, Teddy have a cool ability.

"Tanga, ako pinakamalakas sa Class Zero. Ginagamit ko lang 'yang mga 'yan!" Isa-isa kaming tinuro ni Teddy. Ayaw talaga magpatalo.

Nagpatuloy ang game at isa-isa na kaming nataya. Ang natira na lamang sa loob ng court ay si Seven at si Topher. Ilang minuto na rin ang game at ayaw nilang magpatalo na dalawa. Siguro ay nainis na rin si Topher kay Seven dahil sa biglaang pagtunggo nito sa kanya.

Nakatutok ang mata ng lahat kay Seven at Topher, na kay Seven ang bola at seryosong nakatingin kay Topher.

"Sa tingin mo, may kinalaman 'yong mga pinagsasabi mo kanina sa tensyon nilang dalawa ngayon?" Bulong ko kay Teddy.

"Siguro. Hindi naman selosong tao si Seven pero tingnan mo... puta, parang ipapalunok niya 'yong bola kay Topher," sabi ni Teddy.

"May ginawa ka na naman ba, Teddy?" Tanong sa kanya ni Claire.

Mabilis na umiling si Teddy. "H-Ha? Ano namang gagawin? Ang tahi-tahimik ko—"

"Teddy of Class Zero. Ang ingay mo na naman. Pang-ilang saway ko na 'to sa 'yo." Sabi noong referee. At natahimik si Teddy, bidang-bida naman 'tong lalaking ito sa kakulitan. Kilala na siya ng buong association sa pagiging madaldal niya.

Seven threw the ball but he controlled it's movement. Tutok lang si Topher at hindi nawawala ang atensyon niya sa bola.

Bumabagal at bumibilis ang lipad ng bola sa ere. Hindi ko alam kung kailan ito tatama kay Topher.

Suddenly, Topher stomped his right foot at may yelong lumabas sa tapat ng bola. Hindi rin ito inasahan ni Seven kung kaya't nawalan siya ng control sa bola. While the ball is in the mid-air, mataas na tumalon si Topher.

Habang nasa ere ay hinagis na niya pabalik kay Seven ang bola. Nahirapan man si Seven, pinabagal niya ang bilis ng bola gamit ang kanyang kapangyarihan hanggang sa masalo niya. Ang intense nang labanan nila ngayon, parehas silang ayaw magpatalo. Well, they are both leader of Sahandra and Merton. May pride talagang pinanghahawakan ang dalawa.

"Seven will do it," nakangiting sabi ni Ace.

"Anong he will do it?" Tanong ko.

"Hindi pa naman nilalabas ni Seven lahat ng ability niya. Panalo tayo sa larong ito, Jamie-girl. Sayang nga lang at hindi ko mabi-video-han ang pangyayari." Nati-thrill na sabi ni Ace kung kaya't nabalik ang atensyon ko sa court.

Malakas na hinagis ni Seven ang bola pero kataka-takang medyo malayo ito kay Topher. Hindi tatamaan si Topher. Mukhang pumalpak ang pinaplano niya, ah.

Sumigaw ang Sahandra Academy dahil sa nangyari. But suddenly, Seven swayed his index finger at kumilos ang katawan ni Topher patungo sa bola. Natamaan si Topher sa braso at bigo siyang masalo ang bola.

Oo nga pala, bukod sa mga bagay, kaya na rin pagalawin ni Seven ang isang tao.

The referee make a long whistle. "Class Zero won!" Malakas nitong sigaw at nagtatalon naman kami sa tuwa.

Siguro eto 'yong unang laro na sinalihan namin na nanalo kami sa hindi nandadayang paraan. (nasa rules naman ang paggamit ng powers, eh)

"Nice game!" Sahandra said to us habang kinakamayan kami isa-isa. Sports naman sila sa naging resulta ng laban. Wala akong narinig na kahit isang reklamo which is good para sa competition na ito.

"Nice game, Topher," hindi kami close pero feeling close na rin ako. In-introduce naman ako ni Takinsa kanya, eh. He just nodded and walked away. Nasasanay na rin ako na ganoon talaga soya makitungo sa ibang tao maliban sa mga kaklase niya.

The game today ended at kanya-kanya na kaming kuha ng mga gamit namin sa waiting area. Papunta na kami ngayon sa Village na tutuluyan namin para magpahinga.

"Jamie," dumungaw si Taki sa pinto namin at kumaway. Lumapit ako sa kanyang direksyon. "Nice game kanina. Congrats!"

"Salamat!"

"Pupunta ba kayo mamaya? Ipe-prepare na kasi namin 'yong mga food mamaya kung gaano kadami ang gagawin namin."

"Ah yes pupunta kami!" I answered.

Dumating si Jessica. "Tutulong na rin kami sa pag-prepare tutal wala naman na kaming gagawin after this competition, eh." She suggested.

"Okay lang sa inyo?" Tanong ni Taki.

"Yup! Kitakits na lang sa village mamaya." Paalam ni Jessica at naglakad na paalis si Taki.

Bago kami umalis sa waiting area, saglit kaming binati ni Sir Joseph dahil sa pagkakapanalo namin at nagbigay din siya ng speech para sa amin.

"Remember, kaaway ninyo lang ang taga-ibang school kapag nasa loob kayo ng arena pero kapag nasa village kayo... try to be friendly as possible. They are your allies in this war." Paalala ni Sir.

"Luh, galit ako doon sa Ronan ng Prolus." Inis na sabi ni Teddy.

"Teddy, ilang beses akong napagalitan dahil sa kaingayan mo. 15 laps pagdating sa village." Naglakad na kami palabas ng arena. Inagaw sa akin ni Seven ang duffle bag ko at siya ang nagbitbit, ang corny man pero kinikilig ako sa ganitong gesture dahil kahit papaano ay binibigyan ako ng atensyon ni Seven.

"H-Ha? Pero, sir! Nagchi-cheer lang ako!"

"Teddy, magkaiba ang nagchi-cheer sa nambubuwisit."

***

NAKARATING kami sa village na aming tutuluyan. Isang street ito na magkakatapat ang bahay ang aming tutuluyan. May open field din para makapag-practice at may basketball court at volleyball court din para may mga paglibangan ang iba sa pananatili rito.

Saglit lang akong nagbihis at tumungo sa open field kung saan naghahanda ng pagkain ang taga-Prolus Academy. They are all nice to accommodate us. Nagkukuwentuhan din kami tungkol sa mga lawbreaker encounters namin.

Alam ninyo kung sino ang pinakamaraming naging kaibigan? Si Ace at Mild! Ang dalawang nagsasalitang facebook sa Class Zero, napaka-social grabe!

Habang nagbabalat ako ng sibuyas ay biglang tumabi sa akin si Topher. Dumating kasi ang mga taga-Sahandra Academy para tumulong din para sa dinner mamaya. "Tutulong ka, Topher?" Tanong ni Ronan at tumango lang si Topher. "Pakitulungan naman silang magbalat ng patatas."

Pinagmamasdan ko si Ronan at Teddy na masayang nagkukuwentuhan. Kanina lang ay inis na inis si Teddy bear sa kanya pero ngayon parang mag-bestfriend sila ng ilang taon.

Topher coughed at nakuha no'n ang atensyon ko kung kaya't saglit akong napatigil sa aking ginagawa. "Puwedeng magtanong?" He asked.

"Ano 'yon?"

"May problema ba sa akin 'yong leader ninyo?" He asked again.

Napatigil ako sa aking ginagawa. Kasalanan ni Teddy lahat 'to. Na-guilty naman ako dahil walang kaalam-alam si Topher sa nangyayari.

"G-Ganoon lang talaga—"

Napatigil ako sa pagkausap sa kanya noong biglang pumagitna sa amin si Seven. Ang sabi niya ay wala siyang balak tumulong dito dahil napagod siya paggamit ng magic kanina... pero ngayon bogla siyang susulpot.

"May problema ka ba sa akin?" Tanong ni Topher at napatigil sa pagbabalat ng patatas.. "Be brave enough to say it in front of me."

"May problema ako sa 'yo." Magkaharap silang dalawa ngayon at feeling ko ay may kidlat sa dalawa nilang mata dahil sa talim nang titigan nila sa isa't isa. "May magagawa ka ba?"

Padabog na inilapag ni Topher ang kutsilyo sa lamesa at nakuha noon ang karamihan ng atensyon ng mga estudyante rito.

"G-Guys... chill na—"

"Theb let's settle this. Let's have a duel." Seryosong sabi ni Topher.

Shit ano bang nangyayari? Mukhang hindi magandang sakyan ang trip ni Teddy.

"Sige lang. ipapamukha ko sa 'yo na mas malakas kaming Class Zero sa inyo." Sagot ni Seven.

"Putangina..." dinig kong bulong ni Teddy. "Ano 'tong ginawa ko?"

Napahilotnna lang ako sa aking sentido. Gulo 'to, panigurado.

Continue Reading

You'll Also Like

5.9M 173K 54
White Academy Sa paaralang ito nag-aaral ang mga hindi ordinaryong tao dahil meron silang natatanging kapangyarihan. At tanging Whitenians lamang ang...
21.2M 787K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...
742K 64.7K 68
To discover the secrets of her silver lifestone and fight against demons, Eris Gromov, a demigod, must do everything to save her newfound family--eve...
266K 20.2K 32
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...