ELAINE'S POV
"huminto kana!" sabi ko naman at tumingin siya sakin, pag harap palang niya ay mahahalata mong lasing na lasing na. pulang pula na nga yung mukha niya eh.
"Ela." Sabi niya sabay Tingin sakin.
"Halika na Uwi na tayo." Sabi ko at Hinawakan ang kaliwa nitong kamay. Pero laking gulat ko nung hihilain ko siya palabas, ay Inagaw niya Bigla ang kamay niya. Kaya gulat akong napalingon sakanya.
"Umalis kana!" Lasing na sabi sabay Abot dun sa bote pero pinigilan ko ulit siya.
"Sabing Uuwi na tayo diba, Lasing na Lasing ka na oh." Nag aalalang Sabi ko Sakanya.
"Ano naman Pake mo Ha! EH gusto ko ngang Uminom!"
"Andami mo ng Uminom at kaibigan mo Ako Ayokong mapano ka pa dito, Kaya halikana Uwi na tayo." Sabi ko pa at Hinawakan ulit ang Kamay niya.
"Sabing ayaw Nga diba!" Sabi niya sabay Tinangal ang pagkahawak ko sakanya. "Dun ka na nga Lang sa Boyfriend mo at hayaan mo na ako dito!" Inis na Sabi niya sakin. BoyFriend? SI Jericho ba tinutukoy nito? Sino pa nga ba? Mukhang tama nga ako na nakita niya yung kanina.
"Nababaliw ka ba hindi ko pa boyfriend si Jericho, at Hindi porket Siya ang prom date ko ay siya agad magiging boyfriend ko. Kaya Kumalma kana at umuwi na tayo." Inis ko namang sabi sakanya at hinila na siya pa tayo. Muntik pa siya mahulog pero sinalo ko siya.
"So May Pag asa pa ako?" Naka pikit nitong tanong.
"Uhhh Oo." Sagot ko nalang, kasi Totoo naman May Pag asa parin siya. Kasi hindi pa naman ako napapamahal Kay Jericho kaya siguro May Pag asa din siya. Ilang segundo Lang ay pumasok narin si Timothy.
"Oh Mukhang Lasing na Lasing ah, ito oh wallet ko bayaran mo muna yung ininum niya habang buhatin ko na siya papunta sa kotse." Sabi ni Timothy at Kinuha na si Axel sakin at binigay ang Wallet.
Binayaran ko naman na yung iniinom ni Axel na medyo mahal, kasi kung ano anong mamahalin na alak ang Ininum niya. Tumungo narin ako pagkatapos sa labas At nakita kong nasa Likod si Axel. Umupo narin ako sa likod para makita ko yung kalagayanniya.
"Tim Pano yung kotse ni Axel?"
"Pina Tow ko na dadalihin nalang dun sakanila." Sagot ni Timothy at pinaadar na ang kotse. Habang nag Biyabiyahe ay Napahiga nalang si Axel sa hita ko, knockout na yata sa sobrang pag ka Lasing.
"Siguraduhin mong Hindi Sumuka yan, kakapalit ko palang ng Seats nitong sasakyan ko." Sabi naman ni Timothy Habang nag mamameho.
"Wag kang mag alala Tulog na oh, tsaka pag kakaalam ko eh Kahit mabilis tong Malasing eh hindi naman daw sumusuka."
"Siguraduhin mo Lang yun." Sabi pa niya. Hindi na kami nag usap pa ni Timothy Habang nagbiyabiyahe pauwi. Ako naman ay Nakatitig Lang sa pulang pula na Mukha ni Axel na nakahiga sa hita ko. Ang Cute niya pag Tulog.
~ ~ ~
Pagdating namin ay Binuhat na ni Timothy si Axel papunta sa kwarto niya, ang nagpapasok samin sa bahay nila ay ang Mom niya. Pagkatapos ehiga ni Timothy si Axel ay sinabihan ko narin siyang Mauna na sa bahay, kaya umalis narin siya.
Sinabihan ko narin ang mom ni Axel na magpahinga na, at Mukhang pagod siya. Sinabi ko nalang na ako na Bahala Kay Axel at Umoo nalang siya at umalis na.
Tumitig muna ako Kay Axel na Tulog ngayon, kahit nung bata pa kami ang Cute talaga niya matulog. Naka Jacket Pa siya kaya Tinangal ko na iyon at Baka Mainitan pa siya. Pinuksan ko narin yung aircon niya Para naman Hindi mainit dito sa kwarto niya.
Habang nakatingin ako sakanya ay naisip ko nalang ang sinabi ni mom. Nag Handa pala siya ng surpise sakin. Akala ko ay Wala na siyang intension Na tanongin ako for Prom. Kaso nga Lang naunahan na siya ni Jericho, at sweet rin naman ang ginawa ni Jericho.
Kung nauna si Axel Alam kong Oo rin ang Sagot ko, kaso nga Lang Hindi siya ang nauna at huling Araw narin kasi ngayon na magkapartner. Kaya no choice naman Ako kung sasabihin ko Kay Jericho ay Hindi pa ako nakakapili ng partner. At Hindi ko naman kasi alam na mag susurpise rin si Axel, Edi sana nag isip pa ako kung sino ba talaga magiging partner ko.
Pero kung magiging Totoo ako ay Si Axel ang nasa isip ko kanina, kahit si Jericho ang kasama ko. Mahal parin ba kita ng kagaya ng dati, kaya ikaw parin nasa isip ko iba ang kasama ko? Kinumutan ko na si Axel, at sumulyap pa sakanya ng huling beses bago umuwi narin samin.
Kakalabas ko palang ng pinto ng bahay nila Axel, ay napansin ko ulit yung mga plastic dito malapit sa basurahan nila Sa labas. Nakita ko naman ang mga Candles, Rose petals, Bouquet at mga pictures namin. Naiimagine ko palang yung surprise dapat niya ay napapangiti na ako. Kinuha ko naman yung mga picture at nakita ko ang mga picture namin magkasama.
Tandaan ko tuloy lahat ng pinagdaanan namin dati, nakakamiss tuloy nung mga batang Makukulit pa kami. Tandaan ko yung patakbo-takbo kami tuwing Umuulan, at parehas rin kaming napapagalitan kasi nagkakasakit din kami. Kinuha ko naman yung ibang pictures at pumasok na ng bahay, dumeretsyo na muna ako sa Kusina at umupo na muna.
Habang tinitignan ko yung mga pictures at iniisip mga Alala, ay May Biglang Nag lapag ng Brownies at Glass ng milk. Pagtingin ko naman ay si mom yun.
"So nakausap mo na siya?" Tanong naman niya.
"Hindi pa Ma, Lasing na kasi Sobrang Lasing. Sinundo nga namin ni Timothy at Dinala na dun sakanila." Kwento ko naman.
"Nag mana siya sa Nanay niya, si tita Candice mo kasi ay parehas na parehas Kay Axel. Tuwing May Problema hilig uminom pero Ang bilis naman malasing, kaya ako Tuloy ang nag bubuhat at gumagabay sakaniya pauwi dati."
"Alam mo Elaine Mahal ka nung Si Axel, pero Hindi naman sa pinipilit kita sakanya at Gusto ko ay ikaw ang mamili kung sino ang mamahalin mo. Pero isipin mo rin si Axel, oo siguro nasaktan ka niya dati pero lahat ng tao ay pwedeng mag bago."
"Alam ko naman Ma eh, pero kahit ganoon ay swempre kailangan ko ring isipin ang Nararamdaman ko Kay Jericho." Sabi ko naman Kay Mom.
"Basta Ela Anak, Sunduin mo Lang ang puso mo kasi alam niya kung Saan ka nararapat. Oh Sige na aakyAt na ako at inaantok narin ako. Inumin mo yang Gatas ah at kainin mo narin yang brownies bago ka matulog." Paalam naman ni Mom at tumungo na siya sa kwarto nila ni Dad.
Sumubo naman na ako ng brownies at uminom ng gatas. Na Tandaan ko tuloy nung bata kami at dapat naming tutulungan si mom mag bake ng Brownies, pero sa huli Ay inubos namin yung hindi pa lutong brownies. Tapos Puro Brownie Dough yung kamay at mukha naming pareho.
Natawa ako sa mga alala naming dalawa, lahat ng picture ay May sariling Alala akong natatandaan. Pagkatapos ng ilang minuto ay niligpit ko na ang pinagkainan ko at Tumungo na sa Kwarto at natulog.
~ ~ ~
Pagkagising ko ay maghahanda na sana ako Para sa school, pero naalala kong wala kaming pasok ngayon. May Event kasi mga Teachers namin na pupuntahan kaya canceled and classes today. Ilang minuto palang nakakalipas ay Biglang tumunog na ang CP ko kaya naman sinagot ko iyon.
"Hello."
"Hello Ela."
"Oh Sam Bakit?"
"Mall Tayo Para makabili na tayo ng susuotin natin for Prom nila Jane."
"Ahhh Sige Sige, anong oras tayo mag kikita kita?" Tanong ko naman.
"Suinduin ka nalang namin ni Jane bago mag 11:30 diyan sa bahay niyo, sa mall na tayo mag lulunch ah." Sagot naman niya. Si Sam Kasi Ay marunong mag drive Pero bihira lang rin Siya mag drive.
"Sige." Sagot ko naman at pinatay na ang tawag.
~ ~ ~
Kakasundo Lang sakin ni Sam at ni Jane at patungo na kami ngayon sa Mall. Habang papunta kami sa mall ay nagkwekwentuhan Lang kami.
Pagdating sa mall ay naisipan naming kumain na muna at nagugutom na kasi kami. Sa isang Fast food chain kami kumain para mabilis lang rin. Habang kumakain na kami Ay bigla.
"Hoy Ela Wala ka bang Kwekwento sakin?" Taas kilay na tanong ni Sam. Napahinto naman ako sa pagkain at napaisip.
"Huh Wala naman." Sagot ko naman sakanya at parang sumimangot naman siya.
"Sigurado ka bang walang nangyAre KAGABI?" Tanong ulit niya at Nilakas yung pagkasabi sa KAGABI. napaisip pa ulit ako saglit pero tumama na sakin. Yung Kay Axel ang gusto niyang malaman. Pero pano naman niya malalaman yun?
Wait Nakalimutan kong Si Jerome nga pala jowa nito at mahilig Silang mag Chismisan.
Kaya bagay sila sa isat isa Eh.
"Sige na nga Kwekwento ko na." Sabi ko at nag kwento na ako. Naawa rin sila Kay Axel, at si Jane naman ay medyo nasayahan at Akala rin niya ay walang Plano si Axel na maging partner ako. Pagkatapos namin mag kwentuhan ay Tumungo na kami dun sa Bilihan ng prom Dress namin.
Pagkatapos ng halos dalawang oras ng kung anong anong Dress ang sinusuot at Sinusubukan namin ay Nakapili narin kami.
Para Nga kaming mga baliw na Mga model na pag May sinuot na Dress Eh Rarampa pa Kung Saan saan dun sa Shop at Sabay tawanan.
Ang Napili ni Jane ay Blue Na Dress, Kay Sam ay Silver Habang sakin ay bright Red na Dress. Habang nag lalakad kami sa mall ay Bigla akong hinatak ni Sam at ni Jane sa isang tabi.
"Oh Bakit?!" Taka kong sabi.
"Hindi ba Yung Dad mo yun." Turo ni Sam at paglingon ko ay Si Dad nga.
"Oo bakit?"
"Eh Hindi Ba Si Jericho yung Kasama niya?" Nagulat naman ako sa sinabi ni Sam at pag Tingin ko ulit ay si Jericho nga.
TO BE CONTINUED...
[ANO NGA BA ANG GINAGAWA NI JERICHO KASAMA ANG DAD NI ELAINE?]
(SALAMAT PO SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT PAGBASA NG STORY MALAPIT NARIN PONG MATAPOS.)
VOTE
COMMENT
SHARE