NAMELESS 2: SAY MY NAME (ON-H...

By MaidenDione

1.1K 40 25

NAMELESS BOOK #2 Synopsis: It's not the end. We must end the evil. Si Diana Arbellia, ang prinsesa ng Arbelya... More

AUTHOR'S NOTE
Prologue
Searching the Artifact
Famous But Unknown
Questions
His Ability
AUTHOR'S NOTE
Bringing Back
Who Killed Who?
Everything Has Changed
Save Him

That Man

82 5 2
By MaidenDione

Chapter 2

Diana's POV

Napakamot ako ng ulo habang binabasa ang listahan ng mga  kailangan kong bilhin. Ako ang napagutusan na mag-grocery dahil may kaniya kaniya silang ginagawa. Yung iba nagti-tiktok, may nagmo-mobile legends, may naglalaro ng among us, tag-iisa sila ng ginagawa kaya ako ngayon ang nandito. Dapat pagkain lang ang bibilhin ko pero nagpabili pa sila. Dumami tuloy.

Inisa-isa ko ang mga pinabili nila. Sinubukan kong magpasama kay Angel pero may pupuntahan daw sila ng mama niya. Kaya ayon, ako lang ang nandito.

Inuna ko muna puntahan ang department store para bumili ng grocery, mamaya ko nalang iisa-iisahin ang mga pinapabili nila.

Panghapunan lang naman ang kailangan kong bilhin ngayon. Binilisan ko ang pagkuha ng mga kailangan kong bilhin at dumiretso na sa counter. Maya maya ay nakalabas na ako dala dala ang mga pinamili ko.

Tumigil ako saglit at tinignan ang listahan na dala ko. Mabilis akong naglakad patungo sa bibilhan ko.

Nakita ko ang sarili sa loob ng Watson para mamili ng make up ni Rhaine. Napakunot pa ako ng noo dahil kung ano anong pangalan ang nakalista dito. Naramdaman kong may lumapit sa'kin.

Inangat ko ang paningin ko at nakita ang isang sales lady. Nagtaka pa 'ko dahil parang nanlaki ang mata nito. Tila nagulat at nakatingin sa mukha ko.

"May dumi ba ako sa mukh----"

"O my ang ganda ganda niyo po ma'am!"

Bahagya akong napanganga, "Ha?"

"Anong gamit niyong make up ma'am? Skin care? Ano rin pinangkulay niyo sa buhok niyo at bakit ang ganda? Tips naman diyan ma'am!"

Nalaglag ang panga ko sa sinabi nito. Wala akong linalagay sa mukha ko. Yung buhok ko naman ay nagbago ang kulay nang nasa Arbelya ako.

"Ah.. eh.. Wala po akong ginagamit.", nahihiyang sagot ko.

Kumunot ang noo nito, "Imposible naman iyon ma'am.", saad nito at biglang hinawakan ang pisngi ko kaya mapaatras ako.

Nanlaki ang mata nito nang mahawakan ang mukha ko, "O my oo nga! Paano nangyari 'yon ma'am?", nanlalaking matang saad nito habang hinahaplos ang mukha ko. Inangat ko ang kamay ko para hawakan ang mukha ko. Natauhan naman ito at inilayo agad ang kamay sa mukha ko at nagpaumanhin.

Napakagat ako ng labi, "Anong ibig mong sabihin?"

"Sobrang ganda niyo po kasi ma'am. Parang hindi na kayo tao.", namamanghang saad nito.

Hindi naman talaga ako ordinaryong tao, "Tao pa rin naman ako."

"Seryoso ma'am. Mas maganda ka pa sa mga sikat na artista. Mukha kang dyosa", pagpupuri nito. Nakaramdam naman ako ng ilang.

Ilang sandali pa ako nitong kinausap tungkol sa itsura ko. Nakaramdaman ako ng hiya at sa tingin ko ay napansin niya 'yon. Tinanong na ako nito kung anong kailangan kong bilhin kaya pinakita ko sa kaniya ang listahan ng mga pinapabili ni Rhaine. Tumango naman ito at umalis.

Hindi naman nagtagal ay bumalik na ito dala dala lahat ng nasa listahan ko. Nagtanong pa ito kung sino gagamit. Nang makabayad ako ay agad akong lumabas at nagtungo sa mga kailangan ko pang bilhin. 

Nahagip ng mata ko ang isang kumpol ng mga tao. Siningkitan ko ang mata ko para makita kung anong pinagkakaguluhan nila. Napansin kong parang may pinapanood ang mga ito. Dahil sa kuryosidad ay napalapit ako.

Tama nga akong may pinapanood sila. Isang malaking screen iyon pero natatabunan dahil sa nagkukumpulan ang mga tao. 

"Totoo ba yung kasabihan na seswertehin yung mga makakahawak ng vase na 'yon?"

"Oo. Iyong mga bilyonaryo ngayon, dati daw ay nahawakan nila 'yon."

"Pati mga sikat na artista ngayon ganoon din ang kwento."

"Parang gusto ko hawakan, malay mo yumaman ako."

"Hindi lang malay, sigurado 'yon."

Napakunot ang noo ko nang marinig ang usapan ng tatlong babaeng nasa tabi ko. Isang vase na nagbibigay ng swerte? May ganoon ba? Akmang lalapit sana ako pero mas dumami ang tao at nagkagulo. Nagsisiksikan na kaya nahirapan na akong makagalaw. Takte, paano ako makakalabas dito?

Pinilit kong makalabas pero hindi ko magawa dahil halos siksikin ako pa-gitna ng mga tao. Kung wala lang ako sa Earth ginamitan ko na ng abilidad lahat ng nandito. Naramdaman ko na lang na may humatak sa kamay ko palabas.

Muntikan pa akong matumba nang makalabas ako sa kumpol ng mga tao. Maluwag na ang paghinga ko hindi katulad kanina na maubusan ako. Inangat ko ang ulo ko habang nasa dibdib ko ang kanang kamay ko.

Nagkasalubong ang kilay ko nang makita ang isang pamilyar na lalaki. Nakaputing polo ito at may coat na itim, nakaitim ito na pantalon at itim na sapatos."

"You okay miss?"

Napataas ang kilay ko nang marinig ang boses nito. Pamilyar pati ang paraan ng pananalita niya. Teka.. hindi ba ito yung---

"Tititigan mo nalang ba 'ko miss?"

Bumalik ako sa wisyo at napaayos ng tayo. Napansin kong nabitawan ko ang mga pinamili ko kaya agad agad kong kinuha 'yon. 

"You need help?"

Napatingala ako at nakita itong nakatitig sa'kin. Pilit lang akong ngumiti kasabay ng pagangat ko ng mga pinamili ko.

"Ikaw ba yung lalaki doon sa museum noong nakaraan?", tanong ko nang makaayos na ng tayo.

Itinaas nito ang isang kilay pero kalauna'y bumuka ang labi nito na parang may naalala, "You're with that girl?", tanong nito.

Dahan dahan akong tumango. Nilagay nito ang isang kamay sa baba ng ilong at tumigil saglit. Bigla naman itong bumuntong hininga at nilagay ang dalawang kamay sa bulsa.

"Pauwi ka na ba? I'll drive you home."

Nanlaki ang mata ko, "Hindi nga kita kilala tapos sasabay ako sa'yo?"

Natigilan din ito at napalagay ang isang kamay sa ulo, "My bad, sorry. I'm Killian, Killian Prosberg.", saad nito at inabot ang kamay.

Nagdalawang isip pa ako kung tatanggapin ko ang kamay nito. Tinignan ko ito at at nakitang inaantay nito ang pagtanggap ko sa kamay niya. Wala naman akong maramdamang masama sa kaniya kaya tinanggap ko iyon.

"Diana, Diana Arbellia.", nakangiting sagot ko.

Napansin kong nagtaka ang mukha nito, "Ar..bellia?"

Kumunot ang noo ko at dahan dahang tumango, "Bakit?"

Kumarap ang mga mata nito, "Nothing. Anyway, uuwi ka na ba?"

Nagsalubong ang kilay ko, "Ihahatid mo talaga 'ko?"

"If that's okay with you. ", saad nito at tumaas ang gilid ng labi.

Wala naman akong nararamdamang panganib sa kaniya at sa tingin ko ay mapagkakatiwalaan ito. May abilidad naman ako na magagamit kung may gawin man itong masama.

"Sige. Pero may bibilhin pa kasi ako, ayos lang ba?", tanong ko rito.

Pinaglapat nito ang labi at tumango, "Wala naman akong gagawin. Let me help you carry that.", saad nito at yumuko para kunin ang mga pinamili ko.

Nagulat pa ako dahil lahat ng pinamili ko ang binitbit nito. Nauna itong naglakad pero biglang tumigil. Lumangon ito sa'kin na magkasalubong ang kilay.

"Ano pa ang bibilhin mo?"

Hindi ako makapagsalita sa inaasal nito. Hindi ko naman ito inutusan at kusa itong tumutulong sa'kin kaya nagtataka ako. "S-sundan mo nalang ako.", mabilis na sabi ko at madaling inunahan ito. Naramdaman ko namang sumunod ito sa'kin.

Habang namimili kami ay pansin ko ang pagtitig sa'min ng mga tao lalo na sa kasama ko. Nagbubulungan pa ito kapag nakikita kami. Una silang tumitingin sa lalaking kasama pagkatapos ay sa'kin at nakasalubong na ang mga kilay.

Napalingon ako sa kasama ko ngayon na sumusunod lang sa'kin. Marami na itong dala-dala dahil marami pa kaming pinamili. Sa tuwing may binibili kami ay kinukuha niya agad sa'kin 'yon para siya ang magbitbit. Kahit nagtataka ay hinayaan ko nalang.

"Ito na ba lahat ng bibilhin mo?", tanong nito.

Tinignan ko ang listahan ko at nakitang lahat ng nakalista ay may tsek na, ibig sabihin ay kompleto na lahat. Tumingala ako at tumango.

Nagtungo kami sa parking lot. Sinundan ko siya dahil siya ang may alam kung nasaan ang kotse niya. Nakahanda na rin ako kung ano ang maaaring gawin nito. 

Napanganga ako nang tumigil kami sa tapat ng isang itim na lamborghini. Napatitig ako sa lalaking kasama ko at maya maya ay linagay lahat ng pinamili namin sa kanang kamay niya. Halos sampung bag ang hawak ng kanang kamay niya. Binuksan naman ng kaliwang kamay niya pinto ng itim na lamborghini. 

Nagtaka pa ako nang hindi ito pumasok sa loob na para bang may hinihintay. Napatingin ako na ngayon ay nakatingin din sa'kin kaya nagtama ang mata namin.

"May inaantay ka?", takang tanong ko.

Nagtaas ang isang kilay nito, "Ikaw? May inaantay ka pa?"

Kumunot ang noo ko, "Wala."

"Edi sumakay ka na. Ikaw nalang inaantay ko."

Nakaramdam ako ng hiya. Hindi ko man lang naisip na inaatay ako nitong sumakay. Nahagip naman ng mata ko ang kanang kamay niya.

"Hindi ba mabigat?"

Sinulayapan nito ang kanang kamay, "Ofcourse it's heavy, but I can handle. Kaya sumakay ka na para hindi na 'ko mabigatan pa."

Agad agad akong sumakay sa sasakyan. Nang makaupo ako ay sinara agad nito ang pinto at linagay sa likod ang mga pinamili bago sumakay at umupo sa driver's seat. Hindi nito pinaandar ang sasakyan kaya nagtaka ako.

"Your address?"

Bahagya pa akong nagulat sa biglang pagtanong nito. Binigay ko na lamang ang hinihingi nito kaya tumango ito at agad agad na pina-andar ang sasakyan. Nanatili kaming tahimik sa buong byahe. Nakatuon ang atensyon nito sa daan habang ako ay hindi alam ang gagawin. Bakita ba kasi nakalimutan kong dalhin ang cellphone ko?

Napatingin na lamang ako sa kasama ko. Kitang kita ko ang side profile nito. Matangos ang ilong nito at may mahaba na mga pilik mata. Nakababa ang buhok nito at kapansin pansin ang nunal nito sa gilid ng mata. 

"Ganoon ba ako kagwapo para obserbahan mo 'ko?"

Natigilan ako napaiwas ng tingin, "A-anong sinasabi mo diyan?", bakit ba kasi ako nakatitig?

Napatawa ito nang marahan at sumulyap sa'kin, "Huwag ka nang magdeny, hahayaan naman kita e.", ngising saad nito at kumindat.

Napabuka ang labi ko sa sinabi nito. Sasagot sana ako nang maramdaman ko ang pagtitig ng sasakyan. Tumingin ako sa labas at nakita ang bahay na tinutuluyan namin. 

Akmang bubuksan na ng kasama ko ang pinto ng sasakyan nang pigilan ko ito.

"Ayos na. Ako nalang.", pilit na ngiting saad ko at madaling binuksan ang pinto at lumabas. Kinuha ko na rin ang mga pinamili ko sa likod. Napansin ko namang bumaba siya ng sasakyan.

Humarap ako dito at ngumiti, "Salamat sa paghatid. Babawi ako sa'yo pag nagkita ulit tayo."

"No need. I'm glad I helped."

Dahan dahan akong tumango, "Pasok na ko. Salamat ulit.", saad ko habang tinuturo ang bahay likod ko.

Sinulyapan nito ang bahay at tumingin muli sa'kin, "You're welcome, Diana Arbellia."

Ngumiti ako, "Ingat ka, Killian Prosberg. Nice meeting you."

Ngumiti ito at bahagyang yumuko. Sumakay muli ito sa kotse at pinaandar iyon. Tumayo lang ako sa labas habang pinapanood itong umalis. Nang hindi ko na ito makita ay saka ako tumalikod.

Nagulat pa ako dahil nakita ko si Angel na naniningkit ang matang nakatingin sa'kin. Lumapit ito na nakakrus ang dalawang kamay at nakatitig sa'kin. 

"Sino 'yon Diana?"

Umuwang ang labi ko, "A.. ano.. kaibigan ko.", wala sa sariling sagot ko.

Ngumuso ito at sinulyapan ang daang dinaanan ni Killian kanina at tumingin muli sa'kin, "Kaibigan? Sure ka?", tanong nito at mas lumapit sa'kin kaya napaliyad ako.

Dahan dahan akong tumango. Sandaling tumahimik si Angel at umayos ng tayo. Nakahinga naman ako nang maluwag.

"Pamilyar siya... tapos parang may gusto sa'yo.", biglang hula nito.

Nanlaki ang mata ko. Imposible dahil kakakilala lang namin kanina, "Imposible 'yang sinasabi mo Angel."

Nagtaka ito, "Kakakilala niyo palang?"

Tumango ako.

"Tapos nagpahatid ka? Sumakay ka sa kotse niya?"

"O-oo?", dahan-dahang wika ko.

Umiling iling ito, "Sabagay, hindi ka nga pala normal na tao. Baka na love at first sight sayo."

Napataas ang isa kong kilay, "Imposible."

"Posible 'yon. Ang ganda ganda mo kaya. Parang hindi ikaw yung Diana na nakilala ko dati. Halos hindi na kita nakilala."

Totoo ang sinabi nito. Hindi ito naniwala na ako si Diana na kaibigan niya noong unang balik ko dito. Pero imposible naman na magustuhan agad ako ni Killian.

"Basta imposible 'yon Angel.", sagot ko nalang.

Nagkibit-balikat na lamang ito. Tinulungan niya ako sa pagdala ng mga pinamili ko at nagtungo na sa loob ng bahay. Nakita ko ang iba na nakatutok mukha sa cellphone. Napalingon naman lahat ng ito sa'kin. 

"Ang tagal mo naman Diana.", reklamo ni Nikole.

"Ang dami dami niyong pinabili e.", sagot ko dito. Totoo naman, kung hindi ako hinatid ni Killian marahil mas nahuli ako ng uwi dahil magcocommute ako.

Kinuha nila ang mga gamit na pinabili nila. Nagtungo na ako sa kusina at linagay doon ang iba ko pang pinamili. Ang mga katulong na ang bahalang magluto ng hapunan.

Pagkabalik ko sa sala ay nakita ko ang lahat na ginagamit ang mga pinamili ko. Si Rhaine ay nagme-make up, nakasuot sa ulo ni Victoria ang pinabili niya sa'king headset, si Nikole ay may sinusulat gamit ng mga pinabili niyang notebook at ballpen, habang si Eros at Ethan ay may pinag-uusapan habang hawak ang mga cellphone.

"Guys look!"

Napalingon kami sa sumigaw. Nakita namin si Thylane  na papalapit at hawak hawak ang cellphone. 

"Bakit Thylane?", tanong ni Victoria habang sinasabit ang headset sa leeg.

"Look at this guy. Super gwapo niya.", kinikilig na sabi ni Thylane habang nakaturo sa screen ng cellphone niya.

"Sino?", sabay na tanong ni Nikole at Victoria at lumapit kay Thylane at tumingin sa cellphone nito. Nakita ko ang pagbabago ng ekpresyon ng dalawang lalaking kasama namin.

Wala na rin akong nagawa kundi tumingin din. Nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ito.

"Wait, siya yung lalaki na nakasagutan ni Rhaine noong nakaraan.", saad ni Nikole.

"The asshole?", saad ni Rhaine at umirap ang mata.

"Nakausap niyo siya? Why didn't you tell me?", nanghihinayang saad ni Thylane.

"Why? What's the big deal?", takang tanong ni Victoria.

"He's Attorney Killian Prosberg! A famous lawyer! Marami rin siyang fans because of his looks! Dagdag mo pa katalinuhan niya. And also, wala pa siyang napapatalong case.", pagmamayabang ni Thylane habang nakataas ang hintuturo.

Nalaglag ang panga ko. That explains everything! Kaya kami pinagtitinginan kanina. Kaya nagbubulungan ang mga taong nakakakita sa'min kanina. Kasama ko ang isang sikat na tao, pinabuhat ko pa ng mga bilihin ko. 

"That jerk!? Seryoso ka?", tanong ni Rhaine.

"Uh huh. I can't believe na naka-usap mo siya, I mean naka-away.", sagot ni Thylane.

"Diana okay ka lang?"

Nabigla akong tumingin kay Victoria, "O-oo. Bakit?"

"Para kang binuhusan ng malamig na tubig diyan.", saad ni Nikole.

Pilit lamang akong ngumiti. Naalala ko ang nangyari kanina. Siya mismo ang nagkusang tumulong sa'kin. Siya rin ang nag-alok na maghatid sa'kin. Tapos malalaman kong isa siyang sikat na tao.

Pero ang pinagtataka ko ay hinayaan ko lang siya at tinanggap ang alok nito. Magaan ang loob ko sa kaniya na parang nagtitiwala ako sa kaniya. Naalala ko pa ang sinabi ni Victoria noong nakaraan.

There's something powerful in him.

Is it a coincidence na nagkita kami kanina ni Killian? Bakit ganoon ang naramdaman ni Victoria sa kaniya? Bakit mabilis akong nagtiwala sa kaniya?

Sino si Killian?

*****

Meet our new character! Attorney Killian Prosberg! (Baby ko 'yan. char!)

Sino nga ba siya sa buhay ng ating bida? 

Sinipag po ako hehe. Stay tune sa next UD. Lovelots







Continue Reading

You'll Also Like

281K 5.9K 33
WATTPAD BOOKS EDITION You do magic once, and it sticks to you like glitter glue... When Johnny and his best friend, Alison, pass their summer holid...