Just Your Liability (Accounti...

By xxialej

462K 13.9K 3.3K

Accounting Series #2 (COMPLETED) Rosemarie Quejano is an example of a strong independent woman despite all th... More

Just Your Liability
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Wakas
Accounting Series PREORDER

Chapter 4

11.2K 446 118
By xxialej

"Adjusting entries consists of five types; deferrals, accruals, depreciation, uncollectible accounts or can also called doubtful or bad debt and lastly, merchandise unsold at year or on hand. . ."

I yawned as our Professor continued to explain the lesson in front of us.

"Nahahati sa dalawa ang Deferrals. Ang una nito ay Deferred Expense, nilalaman nito ang office supplies, prepaid rent, prepaid income and any prepaid expense. For example, the amount of office supplies in the trial balance was 20,000 and in the adjusting entries, unused supplies amounted to 5,000. The entry will be Office Supplies Expense, 15,000, debited. Office Supplies, 15,000, credited. . ."

"Huh?" naguguluhang saad ko habang hindi inaalis ang tingin sa whiteboard.

Langyang 'yan! Nawaglit lamang nang saglit ang atensyon ko tapos hindi ko na ma-gets iyong tinuturo sa unahan!

"Pucha, paano naging 15,000? Eh 20,000 iyong nakalagay na amount sa trial balance, 'di ba?" I heard one of my classmates uttering.

"Baka corrupt iyong nagre-record pre?"

Umingay ang buong classroom dahil sa mga samu't-saring mga tanong. Our Professor laughed and clapped her hands to get our attention.

"Guys, use your common sense! Ang sabi sa transaction 20,000 ang amount noong Office Supplies, right? Then ang sabi naman sa problem, unused supplies amounted 5,000. Therefore, 20,000 minus 5,000 is 15,000. 15,000 was the used supplies kaya iyon ang ilalagay niyong amount. Did you get me?"

Tumango kaming lahat kahit malinaw naman sa iba na naguguluhan pa rin sila.

"Medyo naiintidihan ko na. Bakit mo nga naman ire-record kung hindi mo pa nagagamit, 'di ba?" ani Joana at napakamot naman ako sa ulo.

"Next is Deferred Income. Unearned Rental Income amounted 120,000 and the problem is December 31, unearned rental income is for a one-year rent and started on June 1. So, what will be the entry?" She roamed her eyes around the classroom.

Mas lalo kaming natahimik. Tanging panghinga lamang ng bawat isa ang maririnig sa palagid. Palihim kaming taimtim na nagdadasal na sana ay hindi kami matawag. Ang iba ay nagkunwari pang abala sa pagsusulat habang ang iba naman ay kani-kaniyang paraan ang ginagawa para lamang huwag magtama ang mga mata sa guro.

Nahigit ko ang aking hininga nang tumigil ang mga mata nito sa akin.

"Quejano, stand up!" she commanded and so I stood up with full confidence. Though to be honest, I was already muttering a different curse in my mind. "What do you think is the answer, hmm?"

She arched her brows. A small smile formed in my lips as it was followed by an awkward laugh. "Uhm. . ." Tangina, ano nga ba? Hindi ko naman kasi masyado pang naiintindihan. Naglo-loading pa rin sa utak ko iyong mga pinagsasabi niya.

Palihim kong sinipa ang paa ni Joana sa gilid ko ngunit umiwas siya ng tingin sa akin habang nagpipigil ng tawa. Mukha ring may lahing tarsier yata 'tong professor namin dahil nakita niya iyong ginawa ko.

She did even shake her, disappointed at me.

"Sit down!" She threw me a death glare and went back to her table. "Akala ko ba naiintidihan niyo ang mga pinapaliwanag ko rito sa unahan? Simpleng tanong lang at paggamit ng common sense hindi niyo pa nagagawa. Ang basic lang ng mga examples na binibigay ko."

Disappointed siyang umiling. Nanatili namang tahimik ang buong klase. Nang ma-realize niya na wala na talaga siyang mapipigang sgot sa amin ay nagpakawala siya ng isang malalim na buntonghininga at kaulanan ay siya na rin mismo ang sumagot sa sarili niyang tanong.

"Okay. Unearned Rental Income, 70,000, debited. Rental Income, 70,000, credited. Why? Paano naging 70,000? 120,000 divided 12 months is 10,000 and 10,000 times 7 months is 70,000. Saan ang galing ang seven months? Kasi ang sabi sa problem, started on June 1 up to December 31. . ."

The discussion continued while my mind was flying somewhere. Fifteen minutes ahead, our Professor dismissed us already. Agad kaming lumabas ni Joana ng campus at kumain sa karinderya sa labas. Medyo punuan na ang mga lamesa dahil oras na talaga ng lunch break. Mabuti na nga lamang ay mayroon akong kakilala na saktong katatapos lamang kumain kaya roon na kami sa pwesto niya umupo. Si Joana na ang umorder ng sisig para sa 'kin, nagpadagdag pa ako ng isang extra rice at soft drink.

Habang hinihintay ang kaibigan ay may sakto ring pumasok sa karinderya ang grupo ng mga SHS students. Iyong barkadahan na naman nina Luke. It has been two weeks since the last time I saw that guy. Iyon pa 'yong time na bigla siyang sumulpot sa harapan ko para hingin ang number ko tapos bigla ring nag-walk-out.

Weird at mukha siyang tanga sa part na 'yon. Ewan ko rin ba kung bakit simula noong intramurals ay madalas nang nagkru-krus ang aming landas. Well, masiyado naman akong assuming at makapal ang mukha kung iisipin kong sinusundan niya 'ko?

So I must better think that all of these happenings were just coincidence.

Hindi ko sila nilulubayan ng lantarang tingin hanggang sa makapasok. Nahihirapan silang humanap ng table kaya naman itinaas ko ang kamay ko para kunin ang kanilang atensyon. Unang lumingon sa akin ay si Luke na nanlaki ang mga mata nang makita ako tapos pasimpleng tumago sa likuran ng isa pa niyang kaibigan na lalaki.

My forehead creased with so much confusion.

Kasunod na lumingon sa akin ay iyong mga kaibigan niyang babae. Malawak ang kanilang ngiti at hindi na nag-atubiling lumapit sa akin.

"Hi po!" pagbati sa akin ng isang babae na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan.

Sa kanilang apat ay si mahiyaing Luke pa lamang ang nakikilala ko sa pangalan at ang iba ay pamilyar lamang sa mukha.

"Hi!" My lips stretched to form a wide smile. Inilahad ko ang aking kamay sa bakante naming lamesa. "Gusto niyong maki-share sa amin ng table? May space pa naman at saka dalawa lang kami rito."

"Sige ate, sure!" sagot muli ng babae at akmang ipapatong na sa upuan ang kaniyang bag nang pigilan siya ni Luke.

"S-Sa iba na lang kaya tayo kumain?" bulong niya sa kaibigan na hindi naman nakatakas sa aking pandinig.

Sinamaan siya ng tingin ng babae at bahagya pang pinalo sa braso. "Ano ka ba naman! Hindi naman malalaman ng Mommy mo na sa karinderya ka kakain unless sasabihin mo," tugon nito.

"Oo nga pre at saka gutom na gutom na talaga ako. Hindi kaya ako kumain ng almusal!" nakangusong dagdag pa noong isang kaibigan niyang lalaki.

Luke heaved a sigh. I could clearly see the frustration in his eyes like he would like to say something but he couldn't. "Hindi kasi 'yon ang problema eh. . ." mahinang sagot niya at tinapunan ako ng tingin.

Nang tanguan ko siya nang matipid ay muling siyang bumuntonghinga at tumango sa kaibigan. "Sige na nga!"

Inilagay muna nila sa table namin ang kanilang bag bago pumila para maka-order na. Naiwan si Luke na tahimik na nakaupo sa harapan ko. Nakayuko siya habang pinaglalaruan ang mga kamay niya. Kaming dalawa lamang ang naiwan sa table. Si Joana naman ay hindi pa rin bumabalik dahil medyo mabagal ang usad ng pila.

Itinungkod ko ang aking siko sa lamesa at ipinatong ang baba sa kamay habang tinititigan ang mahiyaing si Luke. Gusto kong matawa dahil kapansin-pansin ang pamumula ng kaniyang mukha at tainga kahit hindi naman ito nakatingin sa akin.

"Ba't nangangamatis ka?" I blurted out of nowhere.

His eyes widened as he looked at me.

"Ano?!" gulat na aniya.

I bit my lip to suppress my laugh. Ang cute, tangina.

"I mean, bakit namumula ka? Okay ka lang ba? Naiinitan ka ba? Kailangan mo ba ng aircon–"

"O-Okay lang ako Ate," he cut me off and so my smile faded.

Nakaramdam ako ng inis hindi dahil sa pagputol n'ya sa sinasabi ko kundi dahil sa pagtawag na naman niya sa akin ng Ate. For heaven's sake, I am just one year older than him! Puwede naman niya akong tawagin na sa pangalan ko lang!

Umarko ang aking kilay bago sumilay ang mumunting ngisi sa labi. I then crossed my arms and tilted my head just to look at him intently.

"Puwede bang huwag mo 'kong matawag-tawag na Ate dahil una sa lahat, isang taong lamang ang agwat natin at ang pangalawa, hindi naman kita kapatid," litanya ko.

He bit his lower lip while nodding his head. "Okay, sorry. Ano po bang puwede kong itawag sa inyo?"

I groaned and bit my lip before answering him. "And puwede ba? Just remove the 'po'. Call me Rose. That would do."

Hindi rin nagtagal ay bumalik na rin si Joana pati ang mga kaibigan ni Luke dala ang mga inorder na pagkain.

"Guwapo no'ng Luke ah," bulong ni Joana nang maupo ito sa aking tabi.

"Pangit ka. Hindi ka type niyan," I whispered back that made her frown.

"Sinabi ko lang naman na guwapo!"

Nagsimula na kaming kumain. Ayos at masaya naman kausap 'tong mga magkakaibigan. Nakilala ko na rin sila sa pangalan. Iyong palaging ngumingiti at bumabati sa akin ay si Aivee. Iyong isa niyang kasamang babae ay si Mella at ang isang lalaki ay si Jovani.

Grade twelve students, STEM.

Matapos namin kumain ay sabay-sabay na rin kaming lumabas ng karinderya at bumalik sa campus. Magpapaalam na sana kami ngunit tinawag ako ni Aivee at pinalapit muli sa kanilang magkakaibigan.

"Bakit?" nagtatakang tanong ko.

Nahihiyang ngumiti si Mella sa akin at siniko si Jovani. Ngumiti rin sa akin si Jovani at siniko naman si Luke. Nanlaki ang mga mata ng lalaki nang ituro ang sarili.

"Kayo na ang magsabi," saad niya sa mga kaibigan na mas lalo kong ipinagtaka.

"Sabihin ang alin?"

"Ako na nga! Ako na ang magsasabi!" Aivee hissed at them and marched towards me. "Ganito kasi iyan ate. Mayroon kasi kaming performance task para sa isang subject at kailangan naming mag-interview ng isang college student. So naisip namin na baka puwedeng ikaw–"

"Puwede naman," I cut her off. "Kailan ba? Hindi kasi ako available ng weekdays."

She flashed an amusement grin. " Sa Saturday ate. G ka?"

Sandali akong nag-isip bago dahan-dahang tumango bilang pagsang-ayon. "Sure. No problem."

"Nice! Si Luke kasi ang mag-i-interview sa 'yo kaya kayo na lang dalawa ang mag usap," masayang usal naman ni Jovani at tinapik pa sa balikat ang kaibigang lalaki.

Magrereklamo pa sana si Luke ngunit agad nang kumaripas ng takbo palayo ang mga kaibigan niya. Tila natuod naman si Luke sa kinatatayuan niya. Kagaya ng palaging nangyayari, hindi niya hinahayaang magtama ang mga mata naming dalawa.

His lips were trembling for I don't know why and I could see how uncomfortable and nervous he was. I pursed my lips and put my hands inside the secret pocket of my blouse.

Sumulyap ako sa aking wristwatch at nang mapagtantong malapit nang magsimula ang kasunod na klase ay ako na ang unang bumasag sa katahimikan. "Sabihin mo sa akin kung saan tayo magkikita at anong oras," panimula ko.

Unti-unting umangat ang tingin niya sa akin

"Uh. . ."

Sumimangot ako at kumamot sa ulo kahit hindi naman makati. Nagsisimula na 'kong mainis sa lalaking ito! Ang hirap kausapin nang maayos!

Nawe-weirduhan na talaga ako sa kaniya, ha. Hindi naman ako nangangagat pero parang kung makaasta siya takot na takot siya sa akin. Wala naman akong gagawin na hindi maganda sa kaniya.

"Alam mo, mukha namang hindi ka interesado. Humanap na lang kayo ng iba nyong i-interview-hin." Akmang tatalikuran ko na siya ngunit bigla siyang tumakbo sa harapan ko habang nakadipa ang mga braso para pigilan ako sa paglalakad.

"Wait lang!" sigaw niya.

I arched my brows. Mabilis din naman Nanginginig ang kamay niyang kinuha ang cellphone sa bulsa at inabot sa akin.

"I-Ilagay mo riyan number mo. Ite-text kita kung saan at kailan,"

Sandali ko siyang tinitigan bago tinanggap ang nakalahad na cellphone. Tinipa ko ang numero ko at ibinalik agad sa kaniya.

"Ahm, ite-text na lang kita, ha?" he said and forced a smile.

"Sige. Una na 'ko." Ginulo ko ang buhok niya at mabilis na naglakad palayo.

Mukhang nainip yata si Joana kaya hindi na niya ako hinintay. Naroon na sa loob ng classroom ang Professor nang makarating ako.

Late na naman, pucha.

Matapos ang pang-hapon na klase ay dumiretso na 'ko ng uwi sa dorm. Habang nagtitimpla ng kape ay biglang nag-vibrate ang phone ko na nakapatong sa lamesa. Binitawan ko ang kutsara at chineck ang message.

It was from an unknown number.

"This is Luke. Save my number. Infinitea, 2pm."

Iyon lamang ang nilalaman ng text. Magrereply na sana ako nang makatanggap na naman ako ng kasunod na mensahe mula sa kaniya.

"Tell me your location. Sunduin na lang kita sa Saturday."

My forehead knotted and typed my reply. Sasabihin ko sa kaniya na huwag na lamang niya akong sunduin ngunit sa kasamaang palad ay naalala kong wala nga pala akong load.

I took a deep sigh and shrugged my shoulders. Bahala na, pupuntahan ko na lang siguro siya bukas.

Continue Reading

You'll Also Like

209K 2.9K 24
[ PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS | Wattys 2019 Romance Winner ] THIS STORY IS INCOMPLETE. THE PUBLISHED BOOK IS AVAILABLE IN BOOKSTORES NATIONWIDE. For P...
266K 16.6K 54
Ikaw ang tahanan. © 2021 isipatsalita.
4.1K 177 40
A story of a college instructor, Nita, who doesn't want to commit with anyone.