Begging For Your Love [Isla F...

By eternalqueen_

11.1K 303 3

Amarantha San Diego wants to become a professional model that's why she does not want any distraction in her... More

Begging For Your Love
Prologue
1
2
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
Epilogue

3

303 9 0
By eternalqueen_

Intimidate

"You're blushing, Amara. Don't tell me you have a crush with that actor?" Tita Amely pointed out while we were on our way home.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at tiningnan ang sarili sa side mirror ng sasakyan. Wala naman akong napansing kakaiba sa mukha ko. Ang putla ko nga eh, kaya paano nasabi ni tita na namumula ako?

"Of course not, Tita. Kinabahan lang talaga ako kanina," sabi ko.

Hindi ko naman crush ang lalaking iyon. Yes, he's attractive but I'm not interested with him. Sa itsura pa lang niya, alam ko nang dapat ko talaga siyang iwasan.

Men like him will only bring distraction to me. And I don't want that.

Kagaya nang sinabi ko ay pinabasa ko kay dad ang kontrata pag-uwi. Medyo kinakabahan pa ako dahil anytime puwedeng magbago ang isip niya kaya nga sinama ko rito si Tita Amely para naman may kasama akong magpaliwanag.

Kapag ako lang kasi mag-isa, kaunting tanong pa lang ni dad ay halos hindi na ako makasagot.

"Bakit kailangan ng kontrata? I need the real answer, Amely?" dad asked while staring at Tita Amely.

Ngumisi si Tita na parang hindi man lang naaapektuhan sa awra ni Daddy. Samantalang ako, kinakabahan na naman. My Dad is a very loving father but strict at all times. Pareho sila ni kuya na overprotective.

"Ramsey, it's for the protection of Amarantha—

"The. Real. Answer. Amely." Dad cut her words.

Tita Amely rolled her eyes. "That's the truth. Wala na akong ibang dahilan. Ikaw lang ang nag-iisip nang ganiyan, Ramsey."

Daddy sighed then he returned the contract to me. Nakahinga ako nang maluwag dahil mukhang ayos naman sa kaniya. Tama talaga ang desisyon ko na isama si Tita dito.

"You better not let my daughter get harm," daddy warned Tita Amely.

I signed the contract already before he could change his mind. Ibinigay ko iyon kay Tita Amely dahil siya ang magbibigay nito kay Mr. Lacuesta. Sa weekend na ang unang photoshoot ko together with Jordan. Sana maging maayos ang lahat lalo na at first time ko.

I hate to admit it but I really feel intimidated whenever he's around. Gano'n naman siguro kapag first time mong may makatrabahong sikat, 'di ba?

Nang gabing iyon ay napagpasiyahan kong hanapin sa social media si Jordan.

I'm not stalking him, okay? I'm just curious about him. Gusto kong makita kung ganoon na ba talaga siya kasikat. 

I searched some information about him and because he is quite popular, it is easy for me to find something about him.

"Oh, so he's twenty-five years old? Almost five years ang tanda niya sa akin pero hindi naman halata," bulong ko sa sarili.

I visited his Instagram account and he has one-million followers already. His latest post was a few hours ago in the office of Mr. Lacuesta. Naalala kong nag-picture pala kaming apat nila Tita Amely kanina. I didn't expect that he will actually upload it.

The caption is 'New workmate? Looking forward to it'.

Does he really need to upload it? Dapat next time niya na lang in-upload kapag nag-start na kaming magtrabaho. Hindi naman halatang excited siya. Note the sarcasm, please.

The post had gained thousand likes. Famous, huh? I checked the comments because I want to read what people are saying about this photo.

'Who's the girl? She's gorgeous, huh.'

'OMG! Buti pa siya nakapagpa-picture sa 'yo kanina.'

'New project together?'

'Lakas ng chemistry. Artista rin ba 'yung girl?'

Iilan lang 'yan sa mga nabasa kong comments. Muli kong tinitigan ang picture naming apat. Nasa gitna kasi kaming dalawa ni Jordan at hindi ko maintindihan kung saan banda ang chemistry dito. Ang tanging sinang-ayunan ko lang ay iyong nag-comment na maganda ako. I know, right?

Habang nagbabasa ng comments ay may isa akong napansin. Siya lang kasi ang katangi-tanging nag-comment ng like emoji. Her username is AireenFuegoE. I've stalked his other post and consistent ang comment ng babaeng 'to. Iyon nga lang, puro like kapag may kasama si Jordan kapag solo pictures naman heart ang comment niya.

Well, maybe she's a fan. Baka trip lang talaga niya 'yon. Nag-scroll ako sa feed niya hanggang sa nakatulugan ko na lang ang pang-stalk kay Jordan.

Mabilis na lumipas ang ilang araw at weekend na pala. Ibig sabihin, ito na ang unang araw ng photoshoot ko. Kasama ko si Tita doon sa studio ng Scarlett at sabi niya nandoon na ang mga damit na isusuot ko para sa photoshoot.

"Amara, this is Celine. She'll be your makeup artist from now on," Tita Amely said then she gestured to a middle-aged woman.

I smiled at her. "Hi, nice meeting you."

"Likewise, Miss Amara," she said.

Pinaupo na niya ako sa harap ng salamin para raw maayusan niya ako. Since the clothes are casual, she just put a natural makeup look on my face. My hair was on a french braid style.

"Sobrang ganda mo naman. May ibang lahi ka ba, iha?" tanong ni Ate Celine.

Bahagya akong natawa. "Thank you. May spanish blood po ang mother side ko. Pure Filipino naman po si dad."

"Kaya pala. Halika na sa dressing room at nang mabihisan na kita," pagyaya niya sa akin.

Sumunod ako sa kaniya sa loob ng dressing room at nandoon na nga ang isusuot kong damit. It is a white off-shoulder top tucked in a blue button down midi skirt. Typical teenager outfit but I love it.

Nang masiguro ni Celine na maayos na ako ay saka niya ako iginiya sa isang silid kung saan kami kukuhaan ng picture.

There are at least ten people inside the room. The makeup artists, photographers, managers and other staffs. Nandoon na rin si Jordan na nakaupo sa may sofa. He's also wearing a casual outfit like me.

"Great! Nandito na si Amarantha, let's start," Tita Amely said when she noticed that I'm here already. Nauna kasi siya rito kanina habang inaayusan pa ako.

"Okay, Amara and Jordan pumwesto na kayo sa gitna," sambit ng photographer na agad naming sinunod. May nag-iisang high chair doon sa gitna. "Amara dear, umupo ka sa high chair. Ikaw naman Jordan, tumayo ka lang sa tabi niya."

Sinunod namin ang sinabi niya. Dahil may katangkaran ako ay madali lang akong nakaupo sa high chair pero umalalay pa rin si Jordan.

The first shot was formal. Nakangiti lang kami ni Jordan sa camera. Then we did another four shots with different poses. Mayroong nakaakbay ako sa kaniya, nakatayo kami pareho at magkatalikuran.

"Solo shots tayo. Si Amara na muna," sabi ng photographer kaya umalis muna si Jordan. Kinabahan tuloy ako kasi mag-isa na lang ako at ang dami pa nilang nanonood.

First solo photoshoot ko ito kaya dapat hindi ako pumalpak. Nakakahiya namang magkamali lalo pa at ang daming nanonood sa akin.

"I will let you pose on your own. Just feel the clothes you're wearing."

Tumango ako at nag-umpisang mag-pose sa harap ng camera kahit na kinakabahan ako. Ginawa ko lang ang madalas kong makita sa mga magazines.  Humarap ako sa kabilang side at nagtama ang paningin namin ni Jordan at muntik na akong mawalan ng balanse.

Nakakainis naman siya! Nai-intimidate ako sa mga titig niya. Nang lingunin ko siya ulit ay nakangisi na siya ngayon. He's enjoying his effect on me, huh?

"That was nice, Amara! Now, it's Jordan's turn."

Ako naman ang umupo sa may sofa at pinanood si Jordan. He looked so professional. Kaya tuwang-tuwa ang photographer sa kaniya dahil alam na alam na niya ang gagawin. And whenever he smiles, parang natutunaw ang mga nanonood sa kaniya. Except for me.

Nang matapos siya kuhaan ay saka na kami pinagpalit ng bagong outfit. Bumalik ako sa dressing room at naghihintay na doon si Ate Celine.

This time I was wearing a gray V-neck fitted top that has a ruffled sleeves matched with a blue denim pants. Ate Celine removed my braid and just let the curls flow down my shoulder.

Bumalik ako sa loob at muli akong kinuhaan ng solo shots. At pagkatapos ay saka sumama sa akin si Jordan. Inulit lang namin ang ginawa kanina hanggang sa matapos. Parang napakadali ng ginagawa namin pero ang totoo nakakapagod.

Pero ito talaga ang gusto kong gawin kaya nag-e-enjoy naman ako. Gano'n naman talaga siguro, kapag masaya ka sa ginagawa mo, hindi mo papansinin ang pagod.

"That would be all. Bukas ko na kayo kukuhaan ng ibang shots. Since hindi naman puwede ng weekdays itong si Amara, tuwing weekend lang," sabi ng photographer.

Kasama iyon sa kontrata na kapag may pasok ako ay hindi ako puwedeng magpunta rito. Bilin iyon nila mommy at daddy kaya hindi na ako nakatanggi. Ayos na sa akin ang weekends.

"Grabe, ang guwapo ni Jordan, 'no?" biglang sambit ni Ate Celine habang pabalik kami sa dressing room. Tapos na ang photoshoot kaya magbibihis na ako ulit.

"Do I really have to answer that question?" I asked her. Guwapo naman talaga si Jordan pero ayaw kong sambitin iyon. Labag iyon sa batas ko.

She shrugged. "Hindi naman. Pero ang suwerte mo kasi nakatrabaho mo siya."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. I crossed my arms when I faced her.

"Siya yata ang suwerte, ang ganda ko kasi," pagbibiro ko at nagtawanan kaming dalawa.

"I agree."

Napahinto ako sa pagtawa nang may magsalita sa bandang likuran ko. Nilingon ko iyon at nakita si Jordan na nakangisi. 

Oh damn! Narinig niya yata ang sinabi ko.

"Ah, I was just joking," I muttered.

"But it's true. Masuwerte ako na nakatrabaho ka. I'm looking forward for more projects with you," he said then he smiled again.

Hindi na ako nakasagot hanggang sa nakalayo na siya. Habang si Ate Celine ay halos mahimatay sa kilig. Pumikit ako nang mariin para pakalmahin ang sarili ko.

Habang pauwi kami ni Tita Amely ay hindi ko tuloy maalis sa isip ko ang sinabi ng lalaking 'yon. Looking forward, huh? Sana wala na!

"Amara, upload some behind the scenes photos earlier on your social media accounts. May mga kuha na diyan sa phone mo," sabi ni Tita kaya agad kong kinalkal ang gallery ko.

Mayroon ngang mga pictures doon habang photoshoot. Stolen shots lang lahat at may isa akong mirror shot sa dressing room. Pumili lang ako ng tatlo at iyon ang in-upload ko. Iniisip ko lang kung ita-tag ko ba si Jordan since kasama siya sa pictures.

"Do I have to tag him?" I asked my Aunt.

"Si Jordan?" I nodded. "If you want. Pero kung ayaw mo iyong account na lang ng Scarlett."

I sighed. Hindi ko na lang siya ita-tag dahil hindi naman ako naka-tag doon sa pinost niya nung nakaraan. Bawian lang.

First photoshoot. Thank you @Scarlett.

That was the caption that I wrote on my post. Nang ma-upload ang pictures ay agad kong pinatay ang phone ko. Wala pang ilang minuto ay sunod-sunod na notifications ang natanggap ko.

"Jordan Emerson really catches the attention of the crowd, huh? Mukhang tamang desisyon talaga na siya ang makasama mo sa Scarlett," biglang sambit ni Tita kaya napatingin ako sa kaniya.

"Bakit po?" tanong ko.

"Sigurado ako na mas maraming makakakilala sa 'yo kung siya ang makakasama mo. I'm not saying that you should use him for fame but he would be a great help."

Napakunot ang noo ko. Parang hindi naman maganda na sumikat ako nang dahil sa lalaking 'yon. Mas gusto ko pa rin na ako ang magdala sa sarili ko sa kasikatan. Nang walang ginagamit na ibang tao.

I decided to open my phone again and my post already gained twenty thousand likes. Dati, hindi naman umaabot sa ganito karaming likes ang post ko. Kilala lang naman ako ng mga tao bilang pamangkin ni Tita Amely na international model. Pero ngayon, mukhang makikilala na rin nila ako bilang model.

I scrolled through the comment section. I love reading their comments about me. Kahit pa may negative comments, ayos lang din. Hindi naman mawawala iyon.

'Wow, so she's the new model of Scarlett'

'It's really true. Siya pala iyong babae sa post ni Jordan'

'Nice pair, huh'

'I hate to admit this but their chemistry is overflowing'

'No way, hindi naman sila bagay'

Natawa ako saglit sa nabasa kong bitter comment. Well, hindi talaga kami bagay, tao kami. I understand that there are people who won't be satisfied with what I do. Hahayaan ko na lang sila. Ang mahalaga, masaya ako sa ginagawa ko.

"You're now on your first step of fulfilling your dreams. Ngayon pa lang, proud na ako sa 'yo, Amara."

Nginitian ko si Tita. "Thank you, Tita Amely."

Continue Reading

You'll Also Like

11.3K 522 33
Traditional na sa pamilya ng mga Ong ang arrange marriage, marriage for convenience. Hindi exempted na bunso sya at ang Kuya naman ang sasalo ng laha...
172K 3.1K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
302K 5.1K 41
"I'm not yours anymore" -Astraia
9.3K 494 33
When Rei wanted to have a peaceful life without complications, but her family background made it happen. Never had knew that her family had some 'oth...