Unbreak My Heart

By BhebeCheekay

41.8K 990 130

SYNOPSIS Bata pa lang si Scarlett ay pinagkaitan na siya ng pagmamahal ng tadhana. Walang sinuman ang gustong... More

S Y N O P S I S
E X C E R P T
A N O T H E R E X C E R P T
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Epilogue
😅PROMOTION😅

Chapter Thirty Three

965 22 2
By BhebeCheekay

Dedicated to user954439430811

Twisted Fate

Nang sumunod na mga araw ay naging abala si Scarlett sa pag-aasikaso ng restaurant na bubuksan niya sa Baler. It is a two-hour drive from Casiguran kaya pansamantala siyang tumutuloy sa isang hotel sa Baler.

Kasalukuyan siyang kumakain ng hapunan sa isang restaurant sa ibaba ng hotel nang biglang may lumapit sa pwesto niya.

"Mind if I join you?" Tinig ng isang babae.

Tiningala niya ito at laking gulat niya nang makita niya si Penelope. May hawak itong frappe sa isang kamay nito.

Hindi siya naniniwalang nagkataon lang ang pagtatagpo nilang iyon. Nasisiguro niyang alam na ng babae ang kinaroroonan niya. At talagang may sadya ito sa kanya.

Nagdadalawang isip siya kung kakausapin niya ito ngunit sa huli ay nagpasya na rin siyang kausapin ito. Pormal niya itong pinaupo sa kaibayong upuan.

For a while, they are just oddly staring at each other. Pinagmasdan ni Scarlett ang kaharap. Ang maganda ngunit mapagmataas na si Penelope ay nasa kanyang harap ngayon na animo isang anghel dahil walang mababakas na tapang sa mukha nito. Maamong-maamo ang mukha nito na dati-rati ay laging nakaangil sa kanya.

"Daddy's sick, Scarlett. And he wants to see you." Umpisa ni Penelope. Her voice was full of pain and agony.

But she remains stiff. Walang mababakas na kahit na anumang emosyon sa kanyang mukha.

"Daddy badly wants to see you, Scarlett. Sabi niya, gusto niyang makita at makausap ka. And I came here to convince you." Anito saka marahang inabot ang kamay niya. "And to apologize." She sincerely added. "Alam kong hindi ako naging mabuti sa'yo sa kahit saang aspeto ng buhay natin simula noong mga bata pa tayo. At alam kong hindi magiging madali sa'yo ang magpatawad. Pero hindi kami magsasawang humingi ng tawad sa'yo until you have forgiven us all." She softly added.

Bumitaw ito sa kanya saka umayos ng upo. Ibinabadya ng mukha nito ang matinding lungkot.

"Kung tutuusin, parehas lang naman tayo na pinagsinungalingan. Parehas lang tayong pinaglaruan ng tadhana. Iyon nga lang, naging masaklap ang buhay mo. And I feel sorry for that." Deklara ni Penelope. "You know how I love Dad so much. He had given me everything. He spoiled me. At ni minsan man ay hindi ko pinagdudahang hindi ko siya tunay na ama." Dagdag ni Penelope saka pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi nito.

She looked away. Pilit na nilalabanan ang damdamin. Tama na ang mga panahong ipinakita niya sa mga ito ang kahinaan niya. Na kahit kailan man ay hindi siya nanalo sa mga ito. Ngunit hindi sa pagkakataong ito.

"Had I known about all these earlier, hindi na sana ako nakidagdag pa sa gulo." Punumpuno ng pagsisisi ang boses nito. "But those ifs will do nothing good to us now. All we have is future. Na pwede nating baguhin." Anito saka alanganing ngumiti sa kanya. "Sana hindi pa maging huli ang lahat at mahanap mo pa rin sa puso mo ang kapatawaran. Alam kong hindi madali at maiintindihan ko kung matatagalan ang kapatawaran mo but we ate willing to wait for your acceptance." Then she leans forward. Muling inabot ang kanyang kamay. "Just please know that my apology is sincere. That is the least that I can offer you, for now." Anito saka tumayo at walang lingon likod na iniwan na siya.

Naiwan siyang napapaisip. Everybody wants her forgiveness. Sa panahong hindi niya inaasahan. Sa panahong iniisip niyang hindi na niya kailangan. But if she truly wants the peace and freedom that she is longing for, isn't this the right time to grab it? Isn't it the right time to have it? Baka sa pagkakataong ito, mahanap na niya ang bagong simula na nais niyang makamtan.

At natagpuan na lang niya ang sarili na nasa harap ng pinto ng isang kwarto sa isang kilalang ospital sa Maynila. Nagdadalawang-isip kung bubuksan ba ang pinto. Sa nanginginig na kamay, hinawakan niya ang doorknob ngunit hindi talaga siya ang tuluyang nagbukas niyon kundi ang taong nasa loob. Isang babaeng nurse.

"Bisita po kayo ng pasyente, Ma'am?" Magalang na tanong nito sa kanya.

At bago pa siya makasagot ay puno ng kasiglahang tinawag siya ng inang si Carlotta. At nakakapagtaka ang presensya doon ng ina lalo pa nang makita niyang magkahawak ang mga kamay ni Carlotta at Frederick.

"Scarlett, anak!" Tawag ni Carlotta sa kanya.

Doon na tuluyang lumabas ng silid ang nurse. Nag-aatubili man kung papasok sa loob, sa huli ay nanaig ang kagustuhan niyang matuldukan na ang lahat.

Dahan-dahan siyang lumapit sa kinaroroonan ng dalawa. Agad na inabot ng ginang ang kanyang kamay at mariin iyong pinisil saka ipinasa sa kamay ni Frederick.

"A-Anak ko..." Mahinang tawag sa kanya ni Frederick bago inabot ang kamay niya. Kasabay niyon ay ang pagtulo ng luha ng matandang lalaki.

Lumapit siya hanggang sa gilid ng kama ng matanda. Pinagmasdan niya ito. Bagaman mukhang nadagdagan ang katandaan sa mukha nito ay hindi naman maikakailang may kakaibang ningning ang mga mata nito. May kinalaman ba ang kanyang ina sa kasiyahang natatanaw niya sa mga mata nito?

Wala na ring mababakas na katapangan sa mukha nito. Wala na ang poot na nakikita niya sa mga mata nito sa tuwing tinitignan siya. Wala na ang tikas at awtoridad ngunit parang may napalaya ito sa sarili.

"P-Patawarin mo ako, anak..." Hingi nito ng tawad sa kanya at nagsimula ng umiyak sa kanyang mga kamay na mahigpit nitong hawak. "Patawarin mo ako... Patawarin mo ako..." Paulit-ulit nitong sambit.

At ang ilang araw niyang pagpipigil ng emosyon ay humulagpos ng parang sa isang bukal. Hanggang sa maramdaman niya ang pag-abot ng kanyang ina sa bakante niyang kamay at doon ay tumagis din ng pag-iyak.

At sa loob ng silid na iyon ay walang ibang maririnig kundi ang pagkawala ng sakit at pait na matagal na nanahan sa kanilang mga puso. Tuluyan na nilang pinalaya ang kapighatian na namagitan sa kanilang buhay sa loob ng mahabang panahon. Tuluyan na nilang tinuldukan ang mapait na parte ng kanilang kahapon. Tinanggap na nila ang kapatawaran ng bawat isa.

"I met your mother when I had a business deal near at her place." Maya-maya ay kwento ni Frederick sa kanya na taimtim naman niyang pinakikinggan. "Nagkaroon kami ng relasyon. And I promised to marry her." Sabi nito saka tumingin sa kanyang ina habang nagniningning ang mga mata. "Everything is fine but not when I am about to lose everything." Patuloy nito saka bumitaw sa kamay niya at tumingin sa may bintana.

"I was doing well in the company. I get promoted every now and then. And I was Orlando's pet." Tukoy nito sa ama ng asawang si Paloma. "Hanggang sa ginipit niya ako."

"Fred, I know that you are doing very well and I admire your dedication to work." Puri ni Orlando sa kanya isang araw habang nasa loob sila ng opisina nito. "And you know very well na isang pitik lang ng daliri ko," Orlando flicked his fingers."it's either you'll stay or you'll go away." With that, his conniving face showed up. "And this time, I have a very big offer to you." Anito saka ipinagsalikop ang mga kamay sa ilalim ng baba nito.

Pinakatitigan ni Frederick si Orlando. Ang chief executive officer ng Orlando's BioDrug Laboratories. And by the flickering of Orlando's eyes show something very serious and confidential.

"Marry my daughter Paloma and be my chief operating officer." Seryosong deklara ni Orlando na ikinabigla ni Frederick.

He knew his daughter. In fact, he'd met Paloma a couple of times and she is an epitome of a gorgeous and lovely woman. But just like a typical rich daughter, she is really a brat one. And why would his father asked him to marry her daughter?

"Hindi naman kaila sa'yo na gusto ka ng anak ko, 'di ba? She really likes you." Saad ni Orlando na punumpuno ng kasiguraduhan dahil totoo namang hindi itinanggi ng babae ang pagkagusto sa kanya. Paloma is very blunt about it. "At sa nakikita ko sa'yo, you are a very dignified man who chase after your dreams. And I am telling you that it is a good thing, Fred." Patuloy nito. "Hindi ko na itatago sa'yo ang katotohanan because sooner or later, malalaman mo rin naman." Sabi nito habang mataman siyang tinititigan. "Paloma's pregnant. With a man she barely knows. And partly, sinisisi ka niya dahil hindi mo siya mapagbigyan. Hindi mo siya pinapansin. And this is part of her rebellious acts against you and me." Saad nito saka sumandal sa upuan at tumanaw sa labas.

"This is surely a big disgrace to the family and a big begrime to the company. And I can't lose both." Nanghihinang paliwanag nito. "By now you should know that life's a gamble. It's either you win or you lose. And if you intend to always win, then cheat. By that, you wouldn't miss anything in life." Nanghihikayat na sabi nito saka muling humarap sa kanya. "So, I'm laying my cards now, Fred. Marry Paloma and be the COO of this company. In no time, all of these will be yours." Anito na ikinukumpas pa ang kamay na ang tinutukoy ay ang Orlando's BioDrug Laboratories na kalaunan ay naging Sandoval's BioDrug Laboratories.

"I have left with no choice dahil kung hindi ko tatanggapin, sisirain niya ang reputasyon at pangalan ko. Tinanggap ko ang kanyang offer without knowing na nasa sinapupunan ka na ng iyong ina." Anito na hinaplos pa ang kanyang mukha.

"I feel betrayed, anak." Dugtong ng kanyang ina at ito naman ang kanyang pinakinggan ang pagkukwento nito. "Napakabata ko pa nang mga panahong iyon. Tipikal na laki sa hirap. At nang magtagpo ang landas namin ni Fred, akala ko, makakaahon na ako sa kahirapan. Nangako siya. Hanggang sa isilang na kita ay hindi pa rin siya nagpapakita. Isang araw, nabasa ko sa diyaryo ang pangalan niya at doon ko napag-alaman na ikinasal na nga pala siya. Pakiramdam ko, nawasak ang mundo ko. Kaya lahat ng galit ko ay ibinuhos ko sa'yo. Pakiramdam ko, pinagkaitan ako ng tadhana. Hanggang sa magdesisyon akong ibigay ka na lang sa kanya dahil hindi rin naman kita kayang buhayin." Kwento ng kanyang ina.

"But I didn't gave you the life you deserve." Singit ni Frederick. "Ni hindi kita naipakilalang lehitimo kong anak." There was regret in his voice. "Pero alam ni Paloma ang lahat. Alam niyang may minamahal akong Carlotta. And she eventually learned the truth about you. Kaya ganoon na lang ang naging pagtrato niya sa'yo. And I have to act tough whenever you're around dahil hindi gugustuhin ni Paloma na ipaalam sa'yo ang totoo. She'll destroy you to death. Pati ang mama mo at ako. At ang tanging pakonswelo ko na lang ay ang patirahin ka sa mansiyon at mapagtapos ng pag-aaral. By that, nasisiguro ko ang magandang buhay mo sakaling mabunyag ang lahat." Mahabang patuloy ni Fred saka mulin inabot ang kanyang kamay at sinapo ang kanyang mukha. "You see, I have a very fucked up life. It's very complicated. At gusto kong mapasaakin ang lahat ng pag-aari ni Orlando sa pagmamanipula niya sa buhay ko. And because of the attention drawn to success, I am left with regrets and miseries." Naluluhang saad nito. "But not anymore." Sabi ni Frederick saka ngumiti sa kanya.

"Binigyan na kami ni Paloma ng karapatang magmahalan muli ng iyong ina." Masayang saad nito saka tumingin kay Carlotta. "Alam niyang hindi ko siya matutuhang mahalin ng buong-buo because I am blinded by the anger caused by their manipulation. And she finally set me free. Nakilala na rin ni Penelope ang tunay niyang ama but to her, I am her real father." Masayang saad nito na ikinangiti rin niya.

Kinuha niya ang kamay ng ina at iniabot iyon sa kamay ng ama saka niya ipinatong ang kamay sa ibabaw ng mga iyon.

"It's hard to forget but it's to move on." Nakangiting saad niya. "Sino po ba ang may ayaw ng kapayapaan?" Tanong niya saka tinignan ang dalawa. "I am genuinely happy to the both of you. I can only ask for a smooth relationship para sa inyo." Sabi niya na punumpuno ng sinseridad.

=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷

Sana po, nalinawan kayo sa mga nangyari sa nakaraan nila. Kung bakit nangyari ang mga nangyari. Gusto ko kasi sa story na 'to 'yong puro pasabog. But it turned out na ulo ko 'yong sumabog dahil sa mga eksenang hindi ko madugtungan...

V o T e
C o M m E n T
et beke nemen pwede ne den i S H A R E

Love lots,
Bhebe Cheekay



Continue Reading

You'll Also Like

124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
1.1K 126 22
They both fell in love. SHE fell in love with HIM. HE fell in love with HIM. You're right, she fell in love with a gay.
17.9K 510 27
Calyx Kheifer Huscaro, the youngest CEO who runs the Beaux Enterprise. He's known as "The Wolf of the Beaux Entre". He's tall, handsome, rich and sma...
69.7K 1.5K 36
[ WHO ARE YOU SERIES #1 ] Ayrxton Wrecker Arktwood Date started: 3/30/20 Date ended: 7/16/20 Cover not mine, credits to the rightful owner. Krisha_de...