Heiress: Forgotten Memories (...

By YuriYuriYuriYuki

106K 4.5K 411

Heiress Series #2 Story of Aishelle Yesha Autumn Blanc Arcavia and the Goddess of Creation Serene Lianne Luna... More

Paalala
Characters
Ariella
Extra: The Missing Queen
Prologo
HFM 1
HFM 2
HFM 3
HFM 4
HFM 5
HFM 6
HFM 7
HFM 8
HFM 9
HFM 10
HFM 11
HFM 12
HFM 13
HFM 14
HFM 15
HFM 16
HFM 17
HFM 18
HFM 19
HFM 20
HFM 21
HFM 22
HFM 23
HFM 24
HFM 25
HFM 26
HFM 27
HFM 28
HFM 29
HFM 30
HFM 31
HFM 32
HFM 33
HFM 34
HFM 35 Part 1
HFM 36 Part 2
HFM 37
HFM 38
HFM 39
HFM 40
HFM 41
HFM 42
HFM 43
HFM 45 [Julian&Krystal]
HFM 46 [Sabrina&Joyce]
HFM 47 [Arrianne&Wina Heidi]
HFM 48 [Gabriel&Franco]
HFM 49
HFM 50
Epilogue
Announcement

HFM 44 [Kenna&Silvia]

1.3K 61 5
By YuriYuriYuriYuki

Kenna Atlancia

Magkasama kami ngayon ni Silvia at nandito kami ngayon sa dorm ko dahil naghahanda kami para sa mission na gagawin.




"Basahin na natin"umupo ako sa tabi nito at binuksan agad ang folder binigay sa amin ni Ate Yuna.





"Saan itong Magic Tower?"tanong ko kay Silvia dahil ngayon ko lang narinig ang lugar na yun.




"Magic Tower ay isa sa lugar na pilit na binaon sa lupa para maitago ang tungkol sa isang lahi na nakalimutan ng lahat. Makikita ito sa pagitan ng Atlancia at Arcavia kung nasaan ng Mystic Forest"paliwanag nito pero naguluhan ako ng sabihin nito ang Mystic Forest lalo na malapit lang dito yun sa Academy.







"Pero wala akong nakita na tower doon sa Mystic Forest"nagtatakang sabi ko dito pero humarap ito sa akin at ngumiti.






"Ang Magic Tower ay matagal ng wala, pero hindi ito bastang nawala lang dahil may ginamit na spell doon para wala ng makakita at magtangka na puntahan yun. Dahil pilit na tinatago yun sa lahat dahil may trahedya na nangyari noon"namangha ako sa paliwanag niya dahil madami siyang alam at wala akong nabasa sa kahit anong aklat ng tungkol sa magic tower.






"Isa pa alam din ito ni Prinsesa Aya"gulat na napatingin ako sa sinabi nito. Ngumiti lang ito at binasa ulit ang nasa folder.






"Kailangan natin makuha ang isang magical item na pag mamay ari dati  ng sinaunang nilalang ng Atlancia at iyon ay ang mga Fairies"napatango ako sa sinabi nito at naalala ko na may tinuro sa amin noon ng tungkol sa mga fairies at isa sila sa mga sinaunang nilalang dito sa Atlancia noon.






"Woah"mangha na sabi ko ng ibigay nito sa akin ang larawan ng kailangan namin makuha sa magical tower.





"Fairy wand, isa yang magical item na pag mamay ari noon ng fairy queen pero dahil sa pangyayari noon ay ng mawala ang lahi nila ay nawala din ito. Pero may nakapag sabi na may nagtago nito at doon sa magical tower ng mga wizard ito tinago"napansin ko na masyado siyang madaming alam at halos wala sa amin natuturo tungkol doon.






"Kung sakali man na makita natin ang Magic Tower, walang kasiguraduhan na nandoon ang Fairy wand"sabi ko dito at napaisip naman ito sandali pero ngumiti din.





"Wala naman masama kung hahanapin natin, kung hindi man natin makita sabihin natin ang totoo"napangiti ako sa sinabi niya at gumanti din ito ng ngiti sa akin.





"Binigyan tayo ng 3 days na palugit para magawa ang mission. Kaya magdala lang tayo ng maliit na bag para sa konting damit tapos madaming pagkain"sabi ko dito at natatawang tinignan ako nito ng sinabi ko na madaming pagkain ang kailangan namin dalhin.





Matapos namin pag usapan ang mga dadalhin ay nagpaalam na pupunta na siya sa dorm niya dahil mag reready na din siya.





Umaga kami aalis at bago sumikat ang araw ay doon kami aalis. Nakita ko ang dama ko na inaayos ang gamit ko.





"Hindi kita isasama sa pupuntahan ko, lalo na delikado ito"sabi ko dito at tututol sana ito ng tignan ko ito ng masama.





"Babalik ako nang ligtas lalo na hindi ko hahayaan na iwanan kita mag isa"sabi ko dito at niyakap siya. Dahil para ko na din siya Ina dahil siya ang nag alaga sa akin simula ipanganak ako.






"Pangako yan ah"tumango ako dito at pinagpatuloy nito ang pag aayos. Bali isang bag ang dala ko para sa damit ko at dalawang bag naman ang dala ko para sa pagkain namin.






Pinasobrahan ko ito lalo na hindi rin sigurado na kung talaga bang tatlong araw lang kami mawawala.





Kinabukasan ay dumating si Silvia ng 4:30am at buti na lang nakapag ayos na din ako.




Dinala ko ang tatlong bag pero kinuha ni Silvia ang dalawa, nag iwan ako ng sulat sa dama ko para may makasama siya ay doon muna siya kay Ashley sa pinsan kong nasa kindergarten ng Academy.





"Halika na"sumunod ako dito at nakita namin na hinihintay kami ni Ate Yuna.





"Mag iingat kayong dalawa, alam ko na delikado ang mission na ito lalo na meron din na portal na bukas doon. Kaya maaaring may lumabas na kalaban kaya maging alerto kayo"paalala nito sa amin at pinakabit sa damit namin ang tracking device na binigay niya.





"Kapag alam niyong delikado na at hindi niyo na macontrol ang pangyayari pindutin niyo lang ang button na nasa damit niyo ng makapag padala kami ng reinforcement"doon ko nalaman ang purpose ng tracking device na binigay niya sa amin.






"Ang item na hahanapin niyo ay ang Fairy wand at wala din kasiguraduhan kung sakali man mahahanap ang magical item na yun dahil libong taon na ang lumipas ng huling makita ito"tinignan ko si Silvia at talagang nakikinig ito ng mabuti.






"Hanggang dito na lang ako lalo na hindi ko kayo maaaring samahan sa mission niyo"yumakap ako dito at maging si Silvia dahil alam ko na nag aalala ito para sa amin.





"Simulan na natin maghanap ng pwede natin pagtayuan ng tent lalo na at kailangan sa ligtas na lugar tayo maglatag"sinundan ko ito papasok ng Mystic Forest. Kung dati ay maaliwalas dito at makakarinig ka ng mga huni ng ibon.






Malaki ang pinagbago ng lugar na ito sa loob ng ilang buwan dahil sa pagsulpot ng mga portal.




"Dito tayo mag tatayo ng tent, lalo na kailangan muna natin magpahinga para mahanap na ang magic tower"hindi sila nagtanong sa akin kung kailan ako babalik..






"Latag na natin ang mga tent para kung sakali makabalik agad tayo ay deretso agad tayo makakapagpahinga"ilang sandali lang ay pumikit si Silvia at nagkaroon agad ng dalawang tent.






"Yan, sayo ang kulay pula at sa akin yung itim"sabi nito at pumasok na din ako sa loob ng binigay niyang tent.





Namangha ako ng makapasok ako dahil kung sa labas ay maliit ito tignan pero pag nandito kana sa loob ay malawak at may sariling banyo at kwarto dito.





May nakita din akong refrigerator na ikinatawa ko, tinanggal ko lahat ng pagkain at nilagay yung dapat ilagay sa refrigerator.




Sinunod ko nilagay ang bag ko at inayos ang mga damit, nabasa ko dati na kapag inalis ang ganitong magic tent at hindi nakuha ang gamit sa loob ay hindi ito magagalaw at maaari din dalhin ang gantong gamit.







Natapos ko na ayusin ang lahat ay naglabas ako ng pwede namin kainin kung sakali man.





Paglabas ko ay hinihintay na lang pala ako nitong si Silvia at inabot ko sa kanya ang isang box na may laman na pagkain.






"Simulan na natin maghanap"sabi ko dito at kinuha nito ang kamay ko at hinawakan kaya sabay na kami naglalakad ngayon.




Palihim akong natutuwa sa ginagawa nito ngayon sa akin dahil sa simpleng mga kilos nito ay nakukuha na nito ang puso ko.






Namulang umiwas ako dito ng maramdaman ko na nilalaro nito ang kamay ko habang hawak hawak niya ito.





-----

Silvia Ferior


Napangiti ako ng hayaan nito na hawakan ko ang kamay niya, sa totoo lang alam ko talaga kung nasaan ang magic tower.





Kaya papunta na agad kami doon lalo na malapit lang ito kung saan ko tinayo ang tent.





Huminto ako sa paglakad at naguguluhan na tinignan ako nito,hindi ko pa rin inalis ang pagkakahawak ko sa kanya.





"Nandito na tayo"sabi ko sa kanya at ilang sandali lang ay tinaas ko ang isang kamay ko. Ginamit ko ang gravitation magic para iangat ang magic tower.






"Umuuga ang lupa"natatarantang sabi nito pero hinawakan ko lang ang kamay niya pa rin.






Hanggang sa unting unti na umaangat ito at nakita ko ang pagkamangha sa mga mata niya.





Sa totoo lang ilang libong taon na din simula itago ang magic tower na ito dahil sa mga maraming namatay dito at ginawang sacrifice para lang makuha ang gusto nila.





Naalala ko noon kung paano ito pinalubog sa lupa ni Serene dahil sa labis na pagkabigla sa ginawa ng mga sinaunang nilalang dito.






"Pasok na tayo"nakita ko agad ang pintuan at namangha ito dahil sa totoo lang hindi nagbago ang itsura nito sa labas pero alam ko sa loob ang mayroon.






Sinalubong kami ng dilim at pumitik ako at ilang sandali lang ay nagkaroon ng ilaw simula sa kung nasaan kami at pataas ito.





Bumungad sa amin ang napakahabang hagdanan, sinimulan namin na umakyat.





"Ang creepy dito"bulong niya sa akin na ikinatawa ko lang, dahil totoo yun lalo na puro dumi at may mga natuyong dugo pa rin na nandito na patunay na maraming sacrifice na inilalay dito.






Napansin ko ang ilang shadows na sumusunod sa amin, nakita ko na tinignan ako ni Kenna ng huminto ako.





"Lights"mahinang bulong ko at mas lumiwanag ang mga ilaw ng sabihin ko yun. Ilang sandali lang ay nawala na ang mga shadows na sumusunod sa amin.






"Mga shadows ba yun? Naalala ko kapag nadikitan tayo nun ay maaaring makuha nila ang katauhan natin"sabi nito at sumang ayon ako sa kanya dahil totoo yun, maaari nilang macontrol ng katawan ng isang nilalang lalo na at papasukin nila ang mismong shadow ng makikita nila para macontrol nila ito.






"Iwas"sigaw ko kay Kenna at mabilis na binaba ang ulo nito ng maglabasan ang mga pana dahil nakita ko na may natapakan itong traps.





"Nakalimutan ko sabihin na puno ng mga trap ang tower na ito lalo na ang mga nakakapasok lang dito ang nakakaalam"paliwanag ko at tumango naman ito sa akin.





"Muntik na tayo"napahawak ito sa dibdib niya at nagsimula ulit kaming umakyat, dahil sa napansin ko na matatagalan pa kami ay inabot ko sa kanya ang pagkain na hawak ko at kahit nagtataka ay inabot niya ito.






"Bubuhatin na kita ng makaakyat na tayo ng mabilis sa pinakatuktok"binuhat ko ito pero ginamit ko ang kapangyarihan ko dahil hindi ko siya kaya kung sakali man.






Napakapit ito sa akin at mabilis na umakyat ako at halos nasa gitna agad kami ng gawin ko na ito.





Iniiwas ko din ang mga nakikita kong trap para makuha na namin ang dapat kunin dito.




Ilang oras din ay nakaakyat na kami, binaba ko ito sabay bukas sa pintuan na nag iisa dito.






"Light"bulong ko ulit at nagkaroon ng liwanag sa buong paligid, napansin ko na nawala din agad ang mga shadows.






Kahinaan ng shadows ay light magic kahit maliit lang ay namamatay agad sila dahil doon.





"Silvia, ayun ang Fairy Wand"masayang sabi nito at nakita namin na nasa gitna ito.





Hinayaan ko siya puntahan yun at palihim na pinatay ang mga nagtatago na kalaban.






Alam ko na simula na makapasok kami dito ay nasunda na kami ng mga crypts isa itong nilalang namaliliit at may matutulis na kuko.





"Kenna,kunin mo na agad yang wand"sigaw ko dito at kinuha niya agad mabilis na nilapit ko ito sa tabi ko at nagulat siya ng may makita na maliit na mga halimaw.





"Ano yan?"gulat na tanong nito sa akin.






"Crypts nasundan nila tayo kanina kaya binuhat kita para makuha natin agad ang item na kailangan"binuhat ko ulit siya at mabilis na tumalon ako pababa, akala ko titili at sisigaw siya pero kumapit lang ito ng mahigpit sa akin.






Napansin ko na tumalon din ang mga crypts pero nginisihan ko sila at inangat ko ang isang kamay ko.







Lumutang silang lahat at sa isang iglap ay pinasabog ko sila ng hindi nakikita ni Kenna.





Nakarating agad kami sa pinakababa at hinanda ko agad ang sarili ko dahil maaaring may kalaban na nakaabang sa amin sa labas.





Ngunit ang bumungad sa amin ay kadiliman at doon ko naalala na iba pala ang timeline dito sa loob at alam kong dalawang araw na kaming nawawala dito sa labas.






"Bakit gabi na?"nagtatakang sabi nito sa akin.






"Iba ang oras sa loob at sa labas, ibig sabihin lang ay mabilis ang oras sa labas pero sa loob ng magic tower ay ang ilang oras na minalagi natin dyan ay araw ang katumbas dito"paliwanag ko sa kanya at nagsimula na kami bumalik sa tent namin.






Natanaw ko agad ito at hindi ko sinabi kay Kenna na nilagyan ko ito ng barrier dahil maaaring may gumalaw dito.





"Really? Kaya pala nakaramdam na ako nagutom"sabi nito na ikinatawa ko lang.





Tinabi na nito ang Fairy wand sa magical space na nasa singsing niya at sa totoo lang alam ko na matatapos agad namin ang mission.





Habang pabalik kami ay palihim ko binalik ang tower sa ilalim ng lupa at alam ko na naramdaman ni Serene na inangat ko ang forbidden tower na yun.





Nagsimula kami kumain at dito kami sa loob ng tent ni Kenna kumakain dahil nasira ang dala namin doon sa magic tower.





Ngunit hindi nawala sa isipan ko ang kung bakit ito pinapakuha ng Academy lalo na walang nakakaalam tungkol sa Fairy wand maliban na lang kung may sinaunang nilalang pa na nabubuhay at nakakaalam sa magic tower na yun.





Iba ang pakiramdam na nararamdaman ko at hindi yun maganda dahil sa nangyayari ngayon.





------

Nakatulugan ko ito hahahaha.

Continue Reading

You'll Also Like

53K 1.8K 46
Seulgi and Irene have been married for over 3 years, due to an arranged marriage. Seulgi love Irene since the day they met, but Irene have a lover an...
207K 10.7K 31
"I didn't know that it was fate all along. Seeing you every day made me remember the pain I buried in the past. However, being this close to you made...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
3.3K 149 64
Mina and Chaeyoung is in relationship what will happen if mina's ex nayeon will comeback is she gonna stay with chaeyoung or she will choose nayeon t...