The Ruthless CEO (Savage Beas...

Maria_CarCat tarafından

11M 355K 150K

What he wants. He gets... By hook or by Crook Daha Fazla

The Ruthless CEO
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Epilogue
Special Chapter
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 45

128K 4.4K 2K
Maria_CarCat tarafından

Isn't recent







Nanatili ang pagkakakunot ng aking noo habang nakatingin sa hindi ko kilalang lalaki na nakatayo sa aming harapan ngayon. Anong baby come here? Sinong tinatawag niya? Ako? Baby ba niya ako? Mukha ba akong sanggol!


"Hindi mo dapat sinaktan si Eroz, may sakit siya" giit ko sa kanya. Mas madiin ngayon.


Nagtiim bagang siya. Kita ko kung paano mas nagalit ang mga ugat sa kanyang kamay dahil sa pagkakakunot ng kanyang kamao.


"Tathriana" madiing sambit niya muli sa aking pangalan. Hanggang sa nakita ko kung paano pumungay ang kanyang mga mata.



"Baby..." mas malambing at mas nanghihinang tawag niya ulit sa akin.


Sumama ang tingin ko sa kanya. Bakit niya ako tatawagin ng ganuon sa harapan ng crush ko? Siraulo ba siya? Panira ng love life din itong si Kuya eh!


"Hindi mo ako baby!" asik ko sa kanya.


Marahan siyang umiling. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko kung paano siya dahan dahang humakbang patungo sa akin. Sinubukan kong lumayo ngunit kaagad na niya akong nahaklit patayo.


"Ano ba, bitawan mo nga ako" pagpupumiglas ko. Halos kumunot din ang noo ko dahil hindi ko magawang gantihan ang kanyang titig sa akin.


Ang mainit niyang kamay na nakahawak sa aking braso. Ang kanyang titig na para bang tumatagos sa aking ikaibutiran, lahat ng iyon ay hindi ko kinakaya. Masyado siyang malakas para sa akin, ngunit ang lakas na iyon ay parang pamilyar din. Hindi ko maintindihan.


"Cairo please, give her time" nanghihinang pakiusap ni Eroz na pinilit pang makatayo galing sa panghihina.


Hindi natinag yung Cairo. Nanatili ang titig niya sa akin kaya naman halos maginit ang magkabilang pisngi ko dahil sa nararamdamang hiya. Ngayon lang ako natingnan ng ganito.


"I miss you much. Tapos ito ang isasalubong mo sa akin?" malungkot na sabi niya.


Hindi pa din ako nagangat ng tingin sa kanya. Nanatiling bagsak ang aking tingin at hindi pinaunlakan ang tingin niya sa akin.



Lumipat ang isang kamay niya sa aking likuran para mas lalo akong mailapit sa kanya. Nanigas ako sa aking kinatatayuan, hindi ko alam kung bakit hindi ako makagalaw.


"Tathi...Ako ito, si Senyorito baby" bulong niya sa akin. Hindi ko alam kung matatawa siya o maiiyak.


Kumunot ang noo ko. Senyorito baby? Ang corny naman nun!


Nagising ako sa katotohanan ng maramdaman ko ang paghalik niya sa aking pisngi. At kung hindi pa ako gumalaw ay siguradong mahahalikan na niya ako sa aking labi.


Inipon ko ang buong lakas ko para maitulak siya. Nagtagumpay naman ako dahil sa kanyang panghihina.


"Ano ba. Wag mo nga akong..." halikan! Hindi ko na nakumpleto ang reklamo ko sa kanya dahil maging ako ay nahiya sa ideya na iyon. Nakakainis!


"Tama na..." marahang suway ni Eroz sa kanya. Naramdaman ko siya sa aking likuran kaya naman napalingon ako.


Humakbang ako patalikod para mas lalong malapit sa kanya. Mahirap na at baka makahalik nanaman itong si Cairo sa akin eh hindi ko naman siya kilala.


"Nanghahalik eh. Epal" bulong na sumbong ko kay Eroz. Naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bewang at mas lalo akong inilapit sa kanya.


Napasinghap yung Cairo pero wala akong pake!


"Anong ginawa mo Eroz? Anong ginawa mo!?" sigaw niya dito at tangkang susugod nanaman ng humarang na ako sa harapan ni Eroz para protektahan siya.


Swerte talaga ng crush ko sa akin. Para akong matapang na kape, kayang kaya ko siyang ipaglaban.


Hindi ako nakapagsalita. Nakipagtitigan lang ako sa kanya hanggang sa muli siyang manghina at pagod na ibinaba ang kanyang kamao.


"Bakit ako? Bakit sa lahat ako lang ang nakalimutan mo?" punong puno ng hinanakit na tanong niya sa akin.


Nagiwas ako ng tingin. Hanggang sa maalala ko na yung sinasabi sa akin ni Charlie tungkol sa Cairo na nakalimutan ko. So siya yung Cairo? Eh bakit ko naman siya kailangang maalala, sino ba siya?


"Baby, alalahanin mo naman ako" pakiusap pa niya. Sinubukan niyang abutin ang kamay ko ngunit mabilis ko iyong inilayo sa kanya.


Mas lalong kumunot ang noo ko ng maramdaman ko ang pagsakit ng aking ulo. Wala sa sarili akong napakapit sa damit ni Eroz, hanggang sa hindi ko na kinaya ang sakit at umikot na ang aking paningin.


Sigaw nilang dalawa ang huli kong narinig bago ako tuluyang kinain ng dilim.


Isang tunog galing sa basketball game sa aming open court ang aking narinig. Hindi ko alam kung bakit ako nandito ngunit nagpatuloy ako sa pagpasok dahil na din sa ragasa ng tao.


"Anong ginagawa mo dito?" tanong ng hindi ko kilalang lalaki sa aking likuran.


Nang sinubukan ko siyang lingonin ay nanlabo ang aking mga mata ng hanapin ko ang kanyang mukha. Ngunit hindi ko na iyon inisip pa, ang pakiramdam at presencya niya ay masyadong pamilyar sa akin.


"Manunuod ako" sagot ko at muling ipinagpatuloy ang paglalakad papasok sa may court kung saan naghihiyawan ang mga tao dahil sa nagaganap na laro.


"Magingat" malambing na bulong ng lalaki sa aking likuran. Naramdaman ko din ang hawak niya sa aking likuran na para bang pinoprotektahan niya ako sa dami ng tao.


Napangiti ako ng mas lalo akong napalapit sa kanya dahil sa nangyaring tulakan. Ang init ng kanyang katawan ay naramdaman ko sa aking buong likuran.


"Dahan dahan!" sigaw niya sa mga taong nagtutulakan sa gilid namin. Mas lalong humigpit ang hawak niya sa aking bewang.


Huminahon lang ang lahat ng nakaupo na kami sa may bleachers. Matamis ko siyang nginitian kahit hindi pa din malinaw sa akin kung ano ang itsura niya. Basta ang alam ko, kilalang kilala ko siya. At ang nararamdaman ko sa kanya ay higit pa sa kakilala, sa kaibigan.


Tumikhim siya. Maging iyon ay pamilyar sa akin. "Crush mo iyon?" galit na tanong niya sabay turo ng kung sino sa may court.


Napatawa ako ngunit hindi ko sinundan ang kanyang itinuro sa akin. Nanatili ang tingin ko sa kanya, malabo man ang kanyang mukha sa akin ay alam kong sa likod nuon ay ang pamilyar na taong espesyal para sa akin.


"Ikaw ang gusto ko" pagamin ko sa kanya.


Pinanuod ko kung paano niya pinagsiklop ang aming mga daliri. "Kung ganuon, wag mo akong kakalimutan" marahang sabi niya sa akin.


Ang kaninang ngiti ko ay unti unting napawi. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang may gumuhit na sakit sa aking dibdib.


"Kung ganuon, wag mo akong sasaktan" natatakot na sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung saan galing ang takot na iyon. Ngunit mabigat sa dibdib ang kakaibang emosyong nararamdaman ko ngayon.


Hinila niya ako palapit sa kanya. Ang higpit ng kanyang yakap ay mas lalong nagpabigat sa aking dibdib. Nasasaktan ako sa higpit nuon ngunit ayoko ding bumitiw siya sa akin. Hanggang sa mas lalo akong naiyak ng sa muli kong pagdilat ay wala na siya.


Napahagulgol ako habang hinahanap siya sa buong paligid. Wala na, bigla siyang nawala.


"I'm sorry..." umiiyak na sabi ko sa kawala. I let him go, I failed to make him stay.



"Tathriana"


Nagising ako mula sa isang panaginip. Halos habulin ko ang aking hininga.


"Uminom ka na muna ng tubig" nagaalalang sabi ni Eroz sa akin. Napaawang ang aking bibig, siya dapat ang inaalagaan ngayon dahil may sakit siya, pero ako itong inaasikaso niya.


Matapos kong uminom ng tubig ay kaagad kong sinalat ang kanyang leeg. "Kailangan mong magpahinga"


Pagod siyang ngumiti sa akin. Kahit pa may dinaramdam ay nagawa pa din niyang ngitian ako.


"Ayos lang ako. Magpahinga ka muna" marahang sabi niya sa akin.


Muli niya akong iginaya pahiga sa kanyang kama. Malambot ang puting comforter at ang kanyang queen size bed. Amoy na amoy ko din ang bango niya sa unan.


"Paano ka?"


Sandali niyang pinasadahan ng haplos ang aking buhok. Itinuro niya ang sofa bed sa may gilid. Napanguso tuloy ako dahil imbes na si Eroz ang magpahinga dito sa kanyang comportableng kama ay ako pa.


Muli akong nakaidlip pagkatapos nuon. Nagising na lamang ako at nakitang tumila na ang ulan sa labas. Halos kainin na din ng dilim ang liwanag. Marahan akong tumango para hindi makalikha ng kahiy anong ingay.


Mainit pa din si Eroz. Nakita ko ang ilang gamot, bimpo at maliit na palanggana sa kanyang gilid. Mukha namang inaasikaso siya ng mga kasambahay nila.


Maingat akong lumabas sa kanyang kwarto. Ayoko namang abutan pa ako ng mas gabi duon. Baka mamaya ay kung ano pa ang isipin ng kanyang mga kasambahay sa akin.


"Oh Ma'm maayos na po ba ang pakiramdam niyo?" tanong sa akin ng kasambahay na sumalubong sa akin at naganunsyong nagkakagulo kanina.


Tipid ko siyang nginitian. "Opo, ayos na po. Uuwi na po ako, pasabi na lang kay Eroz" paalam ko sa kanya. Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang tray ng pagkain.


Tumango ito sa akin kaya naman nagpatuloy na ako sa pagbaba para makaalis na. Maganda ang pagkakagawa ng rest house nila Sir Julio, ang swerte ni Eroz dahil kung asikasuhin siya ng lahat ay parang siya ang may ari.


Napatigil ako sa huling baitang ng hagdanan ng makita ko ang kanyang pinsang si Cairo, nagkalat ang bote ng beer at may isang matapang na bote ng alak pang wala ng laman.


Pulang pula siya habang nakasandal sa may sofa. Halos mahulog na ang can ng beer sa kanyang kamay dahil sa sobrang kalasingan.


Inirapan ko siya at tangkang iiwan na duon, ngunit napahinto ako ng marinig ko ang ilang bulong niya. Hindi ko masyadong maintindihan ngunit alam kong nasasaktan siya.


May kung anong humaplos sa akong dibdib para dahan dahan siyang lapitan. Nagawa ko pang pulitin isa isa ang mga nagkalat na beer can sa sahig. Ano ba yan! Bisita na nga lang, nagkakalat pa. Baka mamaya ay magalit na si Sir Julio at maging si Eroz ay mapatalsik dito.


"Tathi..." mahinang tawag niya sa akin na akala mo ay nananaginip siya. Napanguso ako, crush pa ata ako ng pinsan ni Eroz. Ano ba yan!


Dahan dahan kong kinuha ang hawak niyang beer. At halos mapamura ako ng magangat siya ng tingin sa akin. Sandali akong nabato hanggang sa ngumisi siya sa akin, parang baliw!


"Baby. Hindi ako naniniwala. Hindi ako naniniwala!" natatawang sabi niya sa akin dahil na din sa kalasingan.


Umayos ako ng tayo, kung sakaling higitin nanaman niya ako ay mabilis akong makakaiwas sa kanya. Umayos siya ng upo kahit kita kong nahihirapan siya.


"I love you...I love you" nakangising sabi niya sa akin kaya naman mas lalong sumama ang tingin ko sa kanya.


At talagang pinagtripan pa niya ako ha!


"Ayaw ko nga sayo. Si Eroz ang crush ko!" asik ko sa kanya. Para alam niyang ginugulo niya ang dapat sanang lovelife ko na.


Marami akong napapanuod na ganito eh. At ano? Sa oras na pumili si Eroz, baka siya ang piliin niya at hindi ako. Alam mo na, blood is thicker than water. Marami pa silang babaeng makikilala, pero ang pinsan. Pinsan iyan.


"At sinong nagsabi sayong pinayagan kitang magka-crush sa iba?" galit na sabi niya sa akin kaya naman nalaglag ang panga ko.


"Eh ano naman sayo? Sino ka ba? Papa ko!?" asik ko sa kanya.


May kung ano nanamang emosyon ang nabuhay sa akin. Hindi ko na lang pinansin pa. Bakit ba simula ng makita ko siya kanina ay naging weird na ang lahat. Sana pala ay hindi ko na lang siya nakita kanina, mas normal ang pakiramdam ko kahit sinabi ng Doctor na nagkaroon ako ng selective amnesia.


Umigting ang kanyang panga. Nagsalubong ang may kakapalan niyang kilay. Mas lalo siyang nagmukhang madilim, mapanganib.


"Boyfriend mo ako!" sabi niya na muling ikinalaglag ng panga ko. Aba! Parang hindi ko ata alam iyon ah!



"Ha! Wala akong boyfriend no. At hindi kita iboBoyfriend. Ang sungit sungit mo!" asik ko sa kanya. Hindi ko din alam kung saan ko iyon hinugot.


Muling nagtangis ang kanyang panga. At halos manlaki ang aking mga mata ng hindi ko na nagawa pang tumakbo, mabilis niya akong nahawakan sa palapulsuhan at nahila papunta sa kanya.


Mabilis akong bumagsak sa kanyang katawan. Duon ko na lang din napansin na nakakandong na ako sa kanya.


"Bitawan mo nga ako!" asik ko.


Hindi siya nakinig sa akin. Bagkus ay mas lalo pang humigpit ang yakap niya sa aking bewang. Ang kanyang noo ay nakahilig sa aking balikat.


"Akin ka" mariing sabi niya, hindi na ako nakapagcommento pa.


"Iniwan lang kita sandali, dahil magaaral ako...Baby, para sa atin iyon" pagpapatuloy niya.


Hindi ako nakagalaw, chismiss ito. Matutuwa si Charlie sa akin pag nakalanghap ako ng chismiss. Mukhang broken hearted si Cairo, kanino? At kanina pa niya ako pinagkakamalan na girlfriend niya? Kamukha ko ba iyon?


"Nagaaral ako para sa atin. Baby, kasama ka na sa mga plano ko. Wag mo namam akong kalimutan ng ganito" pakiusap pa niya.


Marahan niyang inuuntog ang noo niya sa aking balikat. Napanguso ako ng makaramdam ako ng awa para kay Cairo. Kawawa naman...


Namanhid ang aking buong katawan ng maramdaman ko ang labi niya sa aking hubad na braso. Isang halik lang iyon pero yung mukha ko parang sasabog na sa sobrang init.


"Ikaw na bata ka..." bulong pa niya na para bang pinapagalitan niya ako sa isip niya.


Kinagat ko ang gilid ng aking pisngi. "Magpahinga ka na din. May pasok pa ako bukas!" sabi ko sa kanya. Sinubukan kong kalasin ang matigas niyang braso sa aking bewang, nagtagumpay ako duon kaya naman ng muli ko siyang balingan ay nakita kong kinain na din siya ng antok.


Wala sa sariling tumaas ang mga kamay ko ng makita ko anh pagtulo ng luha sa gilid ng kanyang mata.


"Bakla ka ba? Bakit ka umiiyak?" marahang tanong ko sa kanya habang marahan ding pinupunasan ang gilid ng kanyang mata.


Hindi na siya nakasagot pa dahil tuluyan na siyang kinain ng antok.


Hindi ako gaanong nakatulog ng gabing iyon. Hindi ko na din sinabi kina Mama at Kuya Jasper na sumakit ang ulo ko para hindi na sila magalala pa sa akin.


"Wow. Ang daming pagkain!" pagkamangha ko ng pagkababa ko sa aming dinning ay halos mapuno ang aming lamesa.


"Wow! Oo nga, kaya pala ako dinala ng mga paa ko dito!" asik ng kararating lang na si Charlie.


Napairap kaagad ako sa kanya, basa pa ang kanyang buhok at patuloy pa din siya sa pagsuklay dito na akala mo ay mahaba iyon. Ang lakas talaga ng radar ng isang ito pagdating sa pagkain.


"Bakit ka nandito? Sa kanto ang hintayan natin ah?" pangaasar ko sa kanya.


Pinanlakihan niya ako ng mata. "Tinatawag ako ng pagkain. Wag kang madamot! Kaya ka panget eh" balik na asar pa niya kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.


"Oh, Good morning tita" maarteng bati niya kay Mama na kabababa lang mula sa second floor.


Kumunot ang noo ko. Kung kagigising lang ni Mama, sino ang nagluto ng almusal namin. Si Kuya Jasper...


"Oh ang dami niyan ah..." puna din ng kapapasok lang na si Kuya Jasper.


"Good morning!" bati ni Cayden na kalalabas lang sa aming kitchen. Nagulat kaming lahat, anong ginagawa niya dito?


"Good morning po, Tita" bati niya kay Mama at humalik pa sa pisngi.


Tipid siyang nginitian ni Mama at hindi na lang nagsalita pa. Lumapit din siya sa akin at humalik sa aking ulo.


"Morning..."


Bahagya na lamang akong napatango. At tsaka itinuon ang atensyon ko sa mga pagkain na nakahain.


"Ay ako? Walang good morning kiss?" malungkot na tanong ni Charlie dito na ikinatawa ko.


"Mamaya ay ipapatuka kita sa manok sa labas" pangaasar ni Kuya Jasper sa kanya kaya naman mas lalo akong natawa. Hindi mawala ang ngisi ko habang nakatingin sa nakabusangot na mukha ni Charlie.


"Naku lagot ka kay Tita, ang dami mong niluto. Ubos ang laman ng LPG" pangaasar ni Charlie kay Cayden ng pasakay na kami sa kanyang ford ranger. Sabay sabay kaming papasok sa school kaya namna tuwang tuwa si Charlie.


Inis pa din ito dahil hindi saw siya nakatanggap ng Good morning kiss at halos magtitili siya kanina ng asarin siya ni Kuya Jasper na ipapatuka sa manok namin.


Sa front seat ako nakaupo samantalang si Charlie naman ay preskong umupo sa likuran na nakataas pa ang dalawang paa na akala mo ay donya.


"Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong niya sa akin pagkatapos niyang buhayin ang makina ng sasakyan.


Napaawang ang aking bibig. Ano ang ibig niyang sabihin? Nagtiim bagang siya ng makitang hindi ko maintindihan ang kanyang itinanong sa akin.


"May nakapagsabing sumakit daw ang ulo mo kagabi"


Nalaglag ang aking panga at hindi na nakapagsalita pa. Sino naman kaya ang magsasabi nuon sa kanya? Si Eroz o si Cairo?


Puro quiz ang ginawa namin sa halos lahat ng subject namin para sa ngayong araw.


"Excited na ako sa law internship. Saan kaya tayo? Mag manila tayo!" yaya sa akin ni Charlie habang palabas kami ng room.


Ikinwento kasi sa amin ng isang mantandang prof kung ano ang mga naghihintay sa amin pagkatapos makagraduate sa aming pre law course.


"Sige" 


Napapalakpak si Charlie at halatang excited. Kahit ako din naman ay excited pag magiintern na kami. Pero syempre, kailangan muna naming makagradute bago iyon.



"Malay mo. Duon ko na makita ang forever ko!" kinikilig na sabi pa niya sa akin kaya naman natawa ako.



Ako? Nasa rice mill ang sa akin!



Excited akong pumasok sa rice mill ng sumunod na araw. Nakatanggap kasi ako ng text mula kay Eroz na magaling na siya at balik trabaho na. Bago ako pumasok ay bumili pa muna ako ng pagkain, sabay kaming kakain ng lunch ngayon kaya nama dapat ay may ambag din ako kahit papaano.


"Ang ganda ng ngiti natin ngayon, Miss Tathi" pangaasar ni Junie sa akin kaya naman pabiro ko siyang himapas sa braso.



Siya nanaman ang sumalubong sa akin. Magtatanong pa sana ako kung ano ang ginagawa ni Eroz ng makita ko ang kulay itim na jeep wrangler sa tabi ng gray na hummer ni Sir Julio.


"May bisita si boss eh...boss din" natatawang sabi niya na hindi ko naman masyadong nakuha.


Nagpasalamat ako kay Junie ng maihatid niya na ako sa warehouse. Hindi naman na sana kailangan pang sunduin niya ako ng payong sa tuwing papasok ako pero ayos lang naman dapat at maluwag naman iyon sa kanyang loob.


Tatlong katok ang ginawa ko bago ako pumasok sa opisina ni Sir Julio. Nagulat pa din ako kahit alam kong may bisita siya.


"Uhm...ok lang kung sa itaas na lang ako maglulunch" sabi ko kay Eroz. Napatayo si Cairo na nakaupo sa may sofa.


Kita ko ang lungkot sa mukha ni Eroz. "Dito na lang Tathi, sabay na tayong tatlo" sabi niya sa akin at pilit na ngumiti.


Mas lalo akong ngumiti sa kanya para sana pagaanin ang kanyang loob. Diretso ang lakad ko papunta sa kanya at hindi man lang tinapunan ng tingin ang kasama.


Tumayo siya at iginaya sa akin ang swivel chair. "May dala akong pagkain, ikaw kasi palagi ang nanlilibre" nakangiting sabi ko sa kanya.


"Hindi ka na dapat nagabala. Pero thank you" malambing na sabi niya sa akin.


Hindi ko naiwasang lingonin ang kasama niya ng marinig ko ang mga bayolenteng pagbuntong hininga nito.


Napanguso na lang ako at mabilis na nagiwas ng tingin. Grabe namang makatigtig!


"Kailan nga pala ang balik ni Sir Julio? Hindi ko na siya nakikita ah"  puna ko.


"Baka next week" sagot ni Eroz. Nakuha ng kasama namin ang atensyon ko ng ngumisi ito.


"You didn't tell her the truth?" mapanuyang sabi ni Cairo.


Hindi nakaimik si Eroz. "Bakit hindi mo sabihin kay Tathi na ikaw naman talaga ang may ari ng lahat ng ito, na sayo ang hummer sa labas, sayo din ang rest house at magpinsan tayo!" galit na asik ni Cairo dito.


Nalaglag ang panga ako. Si Eroz ang boss? Akala ko loko loko lang iyong nina Junie pag tinatawag niyang boss si Eroz.


"He lied. He lied...simula pa lang" seryosong sabi ni Cairo.


Napatingin ako kay Eroz. Mariin siyang napapikit habang nakakunot ang kanyang noo.


"A...ayos lang" pagpapakalma ko sa kanya. Nagulat siya, nagulat din si Cairo.


"Ayos lang? Kahit niloko ka niya?" giit niya sa akin.


Sinamaan ko siya ng tingin. Alam ko na kung anong ginagawa niya. Gusto niya kaming magkasira ni Eroz. Porket ba hindi sila maayos nung girlfriend niya ay maninira din siya? Ang sama sama ng lalaking ito!


"Ayos lang" galit na sabi ko sa kanya.



Pumungay ang kanyang mga mata. "Pero bakit ako hindi?"


"Paano mo ako mapapatawad kung ganuon? Baby, the video isn't recent..."


What video? Anong video ang pinagsasabi nito?











(Maria_CarCat)

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

1.9M 24.5K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
612K 15.4K 27
What if his madness turns into dangerous obsession?
7.1M 229K 65
His Punishments can kill you
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...