Descendants of Olympus

By Wintersky3

8.5K 342 12

Idris Raine woke up and found herself inside a car with a group of deities. But when chaos conquers the morta... More

Author's note
I: Lightsaber
II: The Mist
IV: A Mistake?
V: Bullseye
VI: Unit Pleiades
VII: Underworld
VIII: The Dead and I
IX: A family dinner
X: Behind those sweet smiles
XI: Permission to a mission
XII: They were listening
XIII: N's Caravan
XIV: 3 hearts in 1
XV: How to harvest heads?
XVI: Island of the witchcrafter
XVII: Unwanted Voices
XVIII: Three Four
XIX: AstrapĂ­
XX: El Ayreu
XXI: Blk 76, Lot 35
XXII: The childhood I didn't ask for
XXIII: The Man Who Saved Me
XXIV: Unfortunately, we fell
XXV: Frisbee
XXVI: A Lead

III: HD

344 21 0
By Wintersky3

Idris' POV

"Malayo pa ba tayo?" tanong ko kay Pierce.

Pagkatanong ko pa lang sa kaniya ay agad na niyang hininto ang sasakyan. 

Nandito na ba kami? O bibili lang ulit sila ng pagkain?

"We're here" bulong sa akin ni Phoenix.

Binuksan na niya ang pintuan sa tabi niya. Ganon din ang ginawa ng iba at isa-isa na silang bumaba mula sa kotse. Ako ang pinakahuling bumaba. 

Nang makatapak ako sa lupa, agad kong inilibot ang aking paningin sa paligid ko. Hindi pamilyar ang lugar na ito sa akin. Pinapalibutan ako ng matataas na puno. Kung tititigan ay halatang matatanda na ang mga ito. Lumingon naman ako sa maaaring pinanggalingan ng kotse. May nasisilayan akong bukana ng gubat ngunit malayo na ito mula sa kinatatayuan ko. 

Tinignan ko naman ang langit. Kitang-kita ang asul na kalangitan mula dito. Tumatama naman ang sinag ng araw sa akin kaya napapikit ako ng bahagya. Ginamit ko ang isa kong kamay para matakpan ang aking mukha. May mga ibon na lumilipad sa langit at nasilayan ko ulit ang Pegasus na nakita namin kanina.

Wala naman akong makitang kahina-hinalang bagay sa aking kapaligiran bukod sa nasa gitna kami ng gubat. Hindi na ako magugulat kung biglang may umakbay sa akin na unggoy o pumulupot sa akin na ahas. Pero sa dalawang sinabi ko, mas gugustuhin ko nalang na mangyari yung una.

"Gubat? Sa gitna talaga ng gubat? Anong gagawin natin dito? Mag-ca-camping ganon?" tanong ko sa kanila tyaka ako umikot.

Sa dinami-rami ng mga lugar, sa gubat pa talaga kung saan tagong-tago kami. 

Naalala ko yung sinabi ni Leila, yung "road trip to HD". Ito na ba yung HD na sinasabi niya? Gubat yung HD? Wala nga akong makitang maaaring pagtirhan dito. Kahit maliit na cottage man lang. 

"Alam mo, wala nang ibang nilabas yang bibig mo kundi pagrereklamo. Wala bang magandang salita na pwedeng lumabas jan? Gusto mo ba, ipalapa kita sa mga lobo dito?" pagbabanta sa akin ni Sydney, bakas sa kaniyang mukha ang inis. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa tyaka siya tumalikod at dumeretso ng lakad papasok sa gubat.

Hindi ko napansin na may daanan pala dito na gawa sa kumikinang na bato. May mga ilaw ito sa gilid na kulay pula at dilaw. Wait, wala 'to kanina ah? Bigla nalang ba itong lumitaw? 

This day is really full of surprises. Baka mamaya mahimatay ako dahil sa mga surpresa na 'yan.

And speaking of Sydney, bakit ganun? Ang amo-amo ng mukha pero maldita. Para siyang tigre na nasa katawan ng kuneho. Hindi bagay sa mukha niya.

Nilagpasan naman ako ni Leila at Phoenix na sumunod na rin kay Sydney.

"Gubat lang ba talaga nakikita mo Idris? Look closely" saad sa akin ni Pierce. Iniharap niya ako sa gawi ng nilalakaran ng iba naming kasama.

Nagtaka ako sa tanong ni Pierce, kaya naman tinignan ko ng maayos ang gubat. Let me guess, there's this mist again?

Siningkit ko ang aking mga mata sa gawi ni Leila. Si Phoenix at Sydney ay hindi ko na makita. Teka, saan sila pumunta?!

Ilang minuto kong tinignan si Leila na nakatayo lang. Maya-maya pa... PUTANG- 

Totoo ba itong nakikita ko?! Kung pwede lang sabihin kay Pierce na kurutin ako, sasabihin ko e. Sino ba naman ako para sabihin sakaniya 'yon. Mamaya isipin niya na feeling close ako sa kaniya o kaya naman baka may gusto ako sa kaniya.

HOTEL OF DIVINITIES

"WAAAHHHH!!! May hotel sa gitna ng gubat?" nakangiti akong humarap kay Pierce. Napatalon-talon pa ako tapos hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. 

Nang ma-realize ko ang nagawa ko, tumikhim ako tyaka tinanggal ang aking mga kamay na nakapatong sa magkabila niyang balikat. Bumalik na rin ako sa pwesto ko kanina na nasa tabi niya.

Nakita ko namang kumakaway si Leila mula sa malaking pintuan ng hotel.

Ilang segundo ang lumipas, wala pa ring nagsasalita sa amin ni Pierce.

"Welcome to HD, Hotel of Divinities" saad niya sa akin. Nakalahad pa ang kaniyang kamay habang nakaturo sa hotel na nasa harapan namin. Naglakad na siya papunta sa entrance ng hotel kaya sumunod na rin ako.

Sinalubong naman ako ni Leila ng ngiti tyaka siya umakbay sa akin. 

Isang malaking indoor fountain ang bumungad sa amin pagkapasok pa lang ng pintuan. Kulay puti ito na may mga carvings sa gilid. Tinignan ako isa-isa ang mga carvings. 

"That's the Garden of Hesperides. It's the orchard of Hera where every apple tree bears golden apples. Sabi nila, kung sino daw kakain ng apple na mula doon, magiging imortal daw" 

Naglakad kami ni Leila pa-ikot ng fountain. Hindi ko inalis ang aking tingin sa mga carvings at napansin na unti-unti itong nagkakaroon ng kulay. Para bang may nagpipinta nito. 

"This fountain was designed by Athena herself. Ang galing noh?" 

Dumako naman ang aking tingin sa skultura ng babaeng may golden wreath sa ulo at may hawak na apoy.

"And that's Hestia. The Goddess of Hearth and Home. Para raw magkaroon tayo ng sense of belongingness dito sa hotel. Because this is our home, it'll also be yours. We'll make sure of that" tinignan ako ni Leila na may ngiti sa labi. 

Marahan niya akong niyakap at nang pakawalan niya ako ay naglakad naman kami sa gawi nila Phoenix at Sydney. Komportable silang naka-upo sa mahabang puting sofa.

Tinignan ko ang kabuuan ng loob ng hotel. Napakalawak at aliwalas ng kapaligiran nito. Alam kong hindi lang ito ang level sa hotel na ito dahil mula sa labas ay napakatayog ng building na kinatatayuan namin. Hindi ko rin inakalang ganito kalawak ang loob nito. 

Ang flooring ay gawa sa puting marmol kung saan may sumasayaw na mga gintong alon. Ang dingding naman ay gawa sa gray marble tiles. May mga nakasabit na malalaking paintings ng mga tao. Nilapitan ko ang isa sa mga ito at nakita ang mga gintong letra na unti-unting lumitaw sa ibabang bahagi nito.

ARTEMIS

Nang basahin ko ito sa aking utak, agad na lumiwanag ang kaniyang kulay pilak na mga mata. Nakasuot siya ng puting dress na may gintong belt. Tila dinadala ng hangin ang kaniyang buhok. May lobo rin siyang katabi. Sa itaas na bahagi ng painting nakapinta ang buwan, na tulad ng kaniyang mga mata na kumikislap.

The Goddess of Moon. 

Lumingon ako sa kaliwa at nakita ko ang gold-plated plaque na nakadikit sa rear ng desk at may nakasulat na "Reception Desk". Gawa sa kulay puti na granite na may gold linings ang front desk.

Sa may kanang bahagi ng palapag makikita ang mga elevators. Naghanap ako ng stairway ngunit wala akong makita. In-assume ko na puro elevators lang ang available dito.

Natigil naman ako sa kinatatayuan ko nang may nakita akong dalawang babaeng sumakay sa isa sa mga elevator, bitbit ang mga designer paper bags. Nagulat ako dahil ang mamahal ng mga binili nila tapos mahigit sa lima pa yung nakita kong hawak-hawak nila. 

Halos magka-edad lang kami, ganiyan na sila kayaman!?

Bumagsak naman ang panga ko nang nakitang naglaho ng parang bula yung elevator na pinasukan nung dalawang dalaga. Ilang segundo rin ang lumipas at bumalik na rin yung elevator sa dati niyang kinaroroonan.

GAGO?! AYOKO SUMAKAY SA GANYAN! PARA AKONG HINATID SA LANGIT! 

Bumalik naman ang atensyon ko sa gitna kung saan nakaupo yung mga kasama ko sa puting sofa na nasa likod, katapat lamang ng fountain. Saglit lang, hindi naman ganoon kalaki yung sofa kanina ah? Saktong-sakto nga lang si Phoenix at Sydney jan kanina e. Nag-extend ba yung sofa? Sa taas naman nito ay may nakasabit na malaking chandelier sa kisame. Kumikinang ito dahil gawa ito sa diamonds. Sa tuwing bahagyang gumagalaw at umiikot ang mga diyamante na nakasabit dito, may tila bahaghari na nagagawa ito. 

Napaka-modern, ay hindi, napaka-out of this world ng mga gamit dito sa hotel. Hindi lang 5 star ang tawag dito. Napalunok ako...

TAKTE, WALA AKONG PAMBAYAD DITO!

"Kung pambayad ang iniisip mo at kung magkano ito, huwag mo ng isipin yon kase hindi mo kailangan magbayad" paninigurado sa akin ni Leila na para bang nababasa niya yung nasa utak ko. Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Ano naman gagawin ko dito? Pwede na ba akong umuwi?" tinignan ko ang nasa likuran nila Phoenix, Sydney at Pierce na naka-upo pa rin sa sofa. Glass panel wall lang ito kaya nakikita ang kagubatan kung saan nakatayo ang hotel. Napansin ko na ring may mga bituin na sa langit at sumisilip na rin ang buwan.

"Gabi na oh, baka nag-aalala na sa akin si kuya" tumingin ako sa paanan ko.

Paano nga ba ako makakauwi, hindi ko naman alam kung nasaan 'tong lugar na 'to. 

"Idris," hinawakan ni Leila ang aking dalawang kamay tyaka humarap sa akin.

"Ito na ang magiging tahanan mo ngayon. Delikado kung doon ka pa titira sa bahay niyo. Baka ma-sense ka ng ibang mythical creatures at mapahamak ka pa. You're safer here" tinignan ako ni Leila na may nangungusap na mga mata.

"You can visit your brother when we have time, okay?" lumingon ako kay Phoenix na naka-thumbs up at nakangiti.

Bakas pa rin sa mukha ko ang pag-aalala kay kuya at kawalang-katiyakan sa mga nangyayari ngayon. Oo, maganda lahat ng nasisilayan ko. Bago lahat ng ito at sigurado akong isa ako sa mga suwerteng tao na nabigyan ng pagkakataong makita ang mga ito. Pero, sana lahat ng mga nakikita ko, nakaka-usap ko, at nalaman ko ay isang parte lang ng panaginip.

This is just a dream.

Tumayo na sila at nagtungo sa Reception Desk. 

"Oh, a new demling" sabi nung receptionist habang nakatingin sa akin.

Tumingin ako sa babaeng nakatayo sa likod ng desk. Kulot ang kanyang kulay brunette na buhok, nakasuot siya ng kulang itim na uniporme at may pin sa kaliwang dibdib na may nakasulat na "NIA". Yun siguro ang pangalan niya.

"Hi po! Hindi ko pa po alam kung demigod ba talaga ako, baka nakamali lang po sila" sagot ko kay Nia tyaka ko tinuro ang mga kasama ko.

"Oh young lady, may reason kung bakit ka nandito. And I have trust on these kids. They never failed since they started" nakita ko namang nginitian niya sila Leila na nasa likuran ko.

"Here's the card to your room, Welcome to HD! May you feel at home!" iniabot niya sa akin ang kulay pulang card habang nakangiti.

Nang makuha ko ito ay naglakad na kami papalayo sa desk. Habang naglalakad ay tinignan ko ang card na binigay ni Nia sa akin. 

45TH FLOOR

HA!? ILANG FLOORS BA 'TONG HD?! ABOT LANGIT BA ITO?! TYAKA BAKIT FLOOR?!

Huminga ako ng malalim. Usually sa mga hotels, room card or key ang binibigay. Sa isang palapag, ilang rooms ang nandoon kaya may hallway pa nga, diba? Pero bakit floor ang binigay sa akin? 

"Leila, Bakit floor nakalagay dito? Baka naman may typographical error kung sino man ang gumawa ng card na 'to?" tanong ko kay Leila habang pinapakita sa kaniya yung card ko.

"Tama lang yan. Floors talaga ang binibigay dito. Sa isang floor, isang tao lang ang nakatira. Ito, tignan mo oh" kinuha niya mula sa bulsa niya ang kaniyang key card. 

46TH FLOOR

"See, pareho lang tayo. By the way, halos magkakasunod-sunod lang ang floors natin. Sa 46th floor ako, si Nix 44th, si Pierce 47th at si Sy naman ay 43rd floor" sagot sa akin ni Leila. 

In short, one floor is equivalent to one room. Napaka-galante naman ng hotel na 'to. Sino kaya may ari nito, napaka-witty.

Lahat kami ay nagtungo na sa harap ng elevators. Ang mga elevators na kinakatakutan ko kasi biglang naglalaho. Sa may tabi ng bawat pintuan ay may card scanner. Isa-isa silang nag-swipe ng key cards. Nang ako naman na ang mag-s-swipe, lumunok muna ako bago ko ito ginawa.

Ano ba 'tong pinasok mo Idris!?

"Walang buttons sa loob ng elevator kaya kailangan mo muna i-swipe ang card mo bago pumasok para malaman ng elevator ang floor number mo" pagpapaliwanag sa akin ni Sydney. Tumango-tango naman ako nang maintindihan ko ang sinasabi niya.

Swipe before ride.

Sumakay na kaming lahat sa loob ng elevator para magtungo sa mga sari-sarili naming floors, I mean rooms. Nang makasakay na rin si Pierce, na siyang huling sumakay, nagsara na rin ang pintuan ng elevator.

ETO NA, LORD!

Hinawakan ko si Leila sa laylayan ng kaniyang damit. Napansin niya ata ito kaya naman kinuha niya ang aking kamay at yun nalang ang kaniyang hinawakan.


Tatlong segundo pa lang ata ang nakalilipas nang tumigil ang sinasakyan namin. Nang bumukas ito ay bumungad kaagad ang dining area ni Sydney kaya siya ang naunang bumaba tyaka siya kumaway sa akin bago magsara ulit ang pintuan.

Sumunod naman na lumabas si Nix dahil nasa 44th floor na kami. Pagtapos niya ay tumigil na din ang elevator sa floor ko, nagpaalam muna ako kila Pierce at Leila bago lumabas mula dito.

Paglabas ko ng elevator bumungad agad sakin ang malawak na espasyo na titirhan ko. Totoo nga na sa isang floor, parang isang bahay na rin ang nandoon. 

Unang nahagilap ng mata ko ay ang modern-styled kitchen. May square glass table sa gitna na good for 4 people. May island din ito na gawa sa granite. Kulay beige ito. Sa likod ng isle ay ang stove na may oven sa ibaba. Isang malaking hanging cabinet naman ang nasa ibabaw nito na terno sa kulay ng isle. Mayroon din ibang kitchen equipment tulad ng blender, toaster, at air fryer. Nakapatong na lahat ng kitchen essentials sa may isle.

May two-door refrigerator na nakatayo malapit sa isang hallway entrance, na hindi ko pa alam kung saan patungo. Binuksan ko ang ref at nakitang may laman itong mga pagkain. Mayroong pang-meryenda, prutas, iba't ibang inumin, at mga maaaring lutuin na heavy meals. 

Katapat ng kusina ay ang living room. May gray sofa ito at may maliit na table sa gitna. Nakadikit naman sa wall ang isang 292 inches na TV. May pahaba itong cabinet sa ibaba. Wala namang ibang nakalagay doon maliban sa scented candles.

PARANG SCREEN SA SINEHAN YUNG TV KO, WAAHHH!!! 

Naglakad naman ako patungo doon sa hallway entrance at pagpasok ko, mayroong maliit na pantry sa left-side ng hallway. Normal na cabinet lang naman ito tapos may mga organizers lang na may mga lamang essentials. 

Naglakad pa ako kaunti at binuksan ang pintuan na tumambad sa akin. Tama nga ang hula ko na restroom na ito. Kumpleto rin ang kagamitan nito. May glass panel door kung saan nasa loob ang shower. Sa tabi ng glass-panel na ito ay ang bath tub. Sa itaas ng bath tub ay ang bintana kung saan natatanaw ang itim na kalangitan. 

BATH TUB! MAY BATH TUB! NGAYON KO LANG MASUSUBUKAN MALIGO SA ISANG BATH TUB!

Tapos nakikita ko pa ang view sa labas. Para akong nagbakasyon! Mukhang hindi talaga ako muna babalik sa bahay kasi favorite spot ko na itong bath tub. Pangarap ko kaya magkaroon ng bath tub simula bata pa ako. Tamang swimming lang ganun. Tapos maraming bubbles na lumulutang, samahan mo na rin ng rose petals.

Lumabas na ako mula sa banyo. Kaunting hakbang lang ang aking ginawa at bumungad na sa akin ang malaki kong kama. Queen-sized bed ito at may color gray na vanity table sa tabi. Nasa kaliwang bahagi naman ang isang malaking gray na cabinet. 

Ang dingding at kisame nito ay kulay beige at may dark brown na mga alon. Mas gusto ko ng ganitong mga kulay para sa kuwarto ko dahil hindi masakit sa mata. May nakasabit din na chandelier sa gitna ng kisame kung saan may parang nahuhulog na crystals. 

Napatigil ako nang mapagtantong totoo nga ang lahat ng ito. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Halo-halo ang mga ito sa aking dibdib, na para bang sasabog ako. 

Nakarating ako dito nang walang paalam kay kuya, walang pera, at wala man lang dalang personal na gamit.

Naglakad ako patungo sa aking kama at hinayaan ang sariling bumagsak dito. Buti nalang at malambot at komportable itong kama. Para niya akong niyayakap dahil sa kalungkutang nararamdaman ko. Nanatiling bukas ang aking diwa kaya nanatili rin akong nakatingin sa kisame.

Ngayong araw ang Araw ng mga Puso. Nakakilala ako ng apat na teenagers sa kalsada dahil may hawak-hawak silang espada. Sabi niya, hindi raw ako ordinaryong tao, na demigod daw ako. Nakakita ako ng lumilipad na kabayo dahil sa mist. Nakapasok ako sa hotel na 'to dahil ito na raw ang magiging tahanan ko at mas ligtas daw ako dito. Tapos itong kwarto ko na napakalaki. 

Ang laki-laki nga, wala naman akong kasama. Wala naman akong katabi. Wala naman si kuya. Mag-isa ako. 

Mag-isa na ako...

Continue Reading

You'll Also Like

863K 58.5K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...