Unknown Angels

Par Najiminanoha12

102 0 0

Ano'ng gagawin mo kung isang araw ay maging kaisa ka ng isang ANGHEL? Hindi inakala ni Arize na matatanong ni... Plus

Unknown Angels

Chapter 2

9 0 0
Par Najiminanoha12

  "Hoy bata! Ano'ng ginagawa mo diyan?", tanong ko sa batang nakatalikod at nakaupo nang 'di kalayuan sakin. Parang magkasing-edad lang kami. 

  Abalang-abala siya sa ginagawa niya, kaya nacu-curious talaga ako.Hindi siya sumagot, kaya tinawag ko ulit siya.

Humangin nang malakas at sumunod ang mga halamang nasa paligid namin sa ihip ng hangin. Nasa malawak na damuhan kami at nabalot kami ng katahimikan. 

  Sa pagkakataong iyon, unti-unti niyang nilingon ang kanyang ulo sa'kin at ngumiti siyang bigla.

"Pinag-aaralan ko kasi ang mga parts ng flowers." :)

"Huh?" Nagulat ako sa sinabi niya.

  Tumayo siyang bigla sa kinaroroonan niya't ipinakita ang mga pinira-pirasong bulaklak sa mga palad niya sa'kin.

  "Ang galing 'di ba? Hindi ko akalaing totoo pala ang mga nakasulat sa books nila ate! Tingnan mo 'tong stamen at....." Nagpatuloy siya sa pagdada.

  Sa totoo lang, wala akong naiintindihan sa pinagsasasabi niya.

-_-
Pakialam ko ba naman sa mga parts ng flower? Inaamoy at pinangde-decorate lang yun ah. Hindi kailangang gutay-gutayin.

....... ........  ..........  ........... ..............

TENGNENG-TENGNENG-TENGNENG-TOK-TOK-TOROK-TOKTOT--

Pinatay ni Arize ang alarm niya, habang nakatalukbong siya ng kumot. Bumangon siya ,nag-stretch nang bahagya at humikab.

Ugh! Panaginip na naman!? Dumadalas na ah. Throwback ang peg

Tumayo na sya mula sa higaan at nag-handa na para pumasok sa paaralan.

...................

"Oh, kain ka na dito Ija.",yaya ng lola kay Arize na kakababa lang galing second floor.

Umupo muna si Arize bago sumagot, "Opo!" Lumingon-lingon siya sa paligid at nagtanong sa kapatid niyang kumakain.

"Asan si mama?"

Nilunok muna ni Alice ang kinanakain, "May flight siya ngayon."

"Huh?! Ang alam ko wala ah. Next week pa di ba?"

"Nagkaroon daw ng problema sa mga flights at kulang yung mga flight attendants. Kaya ayun, pinapunta si mama",paliwanag ni Alice,"teka! Sinabi ni mama yun kagabi ah", dagdag pa niya.

"Oh? Di niya sinabi ah." at itinuloy na niya ang pagkain.

  'Hindi ka kasi nakikinig kagabi.' kalmadong sabi ng isang boses.

"EHUK!" nabulunan siya sa narinig. Agad siyang inabutan ng tubig ng lola ,habang hinimas-himas naman ng kapatid niya ang kanyang likod.

Loko ang anghel na yun ah!

..... ............   .....................   .........  

Naglalakad si Arize papunta sa paaralan niya sa kalsada. Nakabusangot ang mukha niya at tumingin sa kwintas niya.

"Pwede ba? Sa susunod magpasintabi ka bago magsalita kasi nagugulat ako, hah?" bulong niya sa kwintas.

'Hindi mo kailangang magsalita kapag kakausapin mo ako. Maari tayong makipagkomunikasyon gamit ng isipan. Mukha kang tanga.' walang emosyon niyang isinagot.

"Oh!? Parang telepathy lang? T-teka , tinawag mo ba akong tanga?!" umalma si Arize habang itinuturo niya ang sarili.

  Napansin niyang pinagtitinginan siya ng mga tao. Nagbubulungan ang iba habang dinadaanan siya at ang  iba'y ngumisi sa kanya.

  Ngumiti siya na pilit sa mga ito at dahan-dahang.....................kumaripas ng takbo.

  Alam niya mismo sa kanyang sarili ang kahihiyang nangyari sa kanya.

Bwisit kang anghel ka!!!! Kasalanan mo 'to uhuhuhu! Hindi na ako dadaan sa kantong yun!

  Tinakpan niya ang mukha niya gamit ng kanyang palad habang tumatakbo.

  Samantala, may isang babae na nakauniporme na katulad ng kay Arize. Maikli ang kanyang buhok na hanggang batok at malaki ang kanyang salamin sa mata. Napansin niya ang nagtatatakbong si Arize.

Tinawag niya ito, "Arize!! Sino'ng humahabol sa'yo? Hahaha".

  Napatigil sa pagtakbo si Arize at lumingon sa direksyon ng boses, habang nakatakip pa rin ang mukha ng palad niya. Nakilala niya ang tumawag sa kanya, kaya tinanggal niya ang palad sa mukha at tumakbo papunta sa babae.

"Jenni!!" sigaw ni Arize sabay yakap sa babae.

Tumawa ang babae at niyakap rin siya, "Anyare sa'yo? Bakit tumatakbo ka? Hindi pa tayo late ah."

Humiwalay sa yakap si Arize, "Ayokong ikwento at pag-usupan", hinhihingal niyang sagot.

"Mmh. Geh. Uy, namiss kita friend! Haha",sabi ni Jenni na para bang naglalambing

"Miss agad? Eh kahapon lang ako umabsent. OA hah. Baka mahal mo na'ko niyan hahah.",biro ni Arize.

Nilapit ni Jenni ang mukha niya kay Arize ," Oh? Absent din ako kahapon eh."

" Naks naman! BFF nga tayo hahaha!!", tumawa siya nang nahagip ng paningin niya sa isang orasan na nakasabit at napansing mahuhuli na sila sa klase," Yari tayo nito. Bilis!!" ,at kumaripas sila ng takbo.

    Habang tumatakbo kami, may nakakuha ng interes ko na suot ni Jenni. Iyon ay ang suot-suot niyang kwintas na may kakaibang hugis at anyo.

....

  Kasalukuyang 'Recess period' ng mga estudyante sa Concepcion College. Magkatapat na kumakain sina Arize at Jenni.

  "Jenni, saan mo nakuha iyang kwintas? Ang weird eh", di mapigil na tanong ni Arize.

  "Ahh..Ito?", hinawakan niya ang kwintas sa leeg, " Bigay lang ito sa'kin ng Ninang ko. Ang unique no?", pagmamalaki pa niya.

    Ngumiti na lang sa kanya si Arize at sumubo ng pagkain. Habang siya'y ngumunguya;

     Fishy. Fishy! May kung ano sa kwintas na yon, tulad sa kwintas ko! Sa tingin mo, may kakaiba- - Hindi! May iba pa bang tulad mo na nandito?

     Nakatingin siya sa kwintas niya habang patuloy na sumusubo ng pakain at ngumunguya habang naghihintay ng kasagutan mula sa anghel

'...'

'Malaki ang posibilidad.' sumagot din ang anghel.

Hah! I knew it! Anghit! Ang galing ko!

  Napansin rin ni Jenni na may nakasabit sa leeg ni Arize, ngunit nakatago ang pendant sa loob ng uniporme. Tumitig siya dito sandali ngunit ipinagwalang bahala ito.

   Nagpatuloy lang sila sa pagkain at pagkukwentuhan.

...

Nasa kwarto si Arize at nag-iisip habang nakaupo sa kama at nakayakap sa unan niya.

  Hindi kakanta yung babaeng yun nang basta-basta. Lalo na't sa simula pa lang ay tinatago na niya ito.

'Ganoon ka ba talaga kainteresado sa kwintas niya?'

Kumunot ang noo ni Arize at tumihaya sa higaan niya.

Oo naman. Kaibigan ko siya saka, sa totoo lang, umiiral ang pagiging tsismosa at pakialamera ko minsan. Pero kaslaanan mo rin ito! Kung magaling kang 'anghel' malalaman mo kung nasa paligid lang ang mga kasamahan mo! ,
     Paninisi ni Arize sa anghel. Nagpagulong-gulong siya sa higaan nang biglang may sinabi ang anghel na nakakuha ng atensyon niya:

   'Kung ayaw niyang sabihin, gumawa ka ng paraan upang kailanganing sabihin niya iyon sayo. Kung ikaw ang may kailangang makaalam ng iyon, gumawa ka ng paraan upang kailanganing ipaalam niya iyon sa'yo. Nakuha mo ba ang nais kong iparating?'

   Pinalakpak ni Arize ang kanyang

mga kamay ay tinango-tango ang ulo.

    Maaaring 'di ko sila kasing talino, pero di naman ako tanga para hindi makuha ang ibig mong sabihin.

.......

    Pagkatapos ng klase ng sumunod na araw, ay naiwan sina Arize at Jenni na may inaayos pa sa kanilang bag. Papalapit si Arize sa kaibigan na may kasamang motibo.

   "Uy, Jenni! Wag muna tayo umuwi. Stay muna tayo dito. Wala rin naman kasi akong gagawin sa bahay eh." pagyayaya ni Arize.

   Sumulyap lang sa kanya ang kaibigan at pinagpatuloy ang pag-aayos ng kanyang bag," Anong walang gagawin? Eh, may long test tayo bukas para sa apat na subject?" sagot niya.

   Napangiwi sa narinig si Arize. Ngunit nagpatuloy siya sa pagyayaya:

  "Grabe ka naman Jenni! Never kang nag-stay dito afterclass at minsan lang tayo mag-bonding. Grabe ka! Ipagpapalit mo ako sa apat na long test? Saka, ikaw lang ba ang may long test? Ako rin naman ah! Matalino ka na. Hindi mo na kailangang mag-aral nang todo." 

  

   Napanganga si Jenni sa mga hinaing ni Arize.

  Nagpatuloy sa pagdaing si Arize, "Saka ginagawa ko ito para ma-refresh ang friendship natin , kasi parang nawawala na eh. Minsan na lang tayo mag-usap nang masinsinan, minsan na lang tayo magkasama , at pinagpapalit mo ako sa mga libro mo, huhuhu"

Umaktong iiyak siya habang nakatakip ang bibig ng kamay sabay talikod. Marahil tumagos sa puso ng kaibigan ang mga hinaing niya, kaya't lumapit ito sa kanya.

  "Pasensya ka na. Hindi ko alam na iyan pala ang nararamdaman mo. Napakamanhid ko talagang kaibigan. Sorry best friend. Sige magi-stay ako para sayo." Malambing na pag-uumanhin niya kay Arize.

    Habang hinihimas-himas ni Jenni ang likod ni Arize ay ngumingiti naman siya.

   Success!! Alam kong masamang paglaruan ang inosenteng damdamin ni Jenni, pero kailangan. Siguradong mapaparusahan ako nito. Okay, off to plan na!
 
  Humarap siya na nakangiti kay Jenni at may kinuhang isang deck ng cards mula sa bulsa niya at inabot kay Jenni.

   "Dating laro tayo! Kung sino'ng talo susundin ang iuutos ng nanalo kahit anong mangyari! Deal" Kampanteng paghahamon niya sa kaibingan.

     Masayang sumagot ang kanyang kaibigan ng: " Oo ba."

    Sa kabilang banda, ang anghel na nasa kwintas ay nagbuntung-hininga at nag-isip ng kaisipang hindi maririnig ni Arize.

  'Sa totoo lang, maaari na niyang paaminin ang kaibigan niya dahil sa mga hinaing niyang nagpalambot sa puso nito. Hindi na niya kailangang makipagpustahan pa. Pinahihirapan lang niya ang sarili niya at pinatatagal ang sitwasyon. Tsk.Tsk.Tsk. Ay, tanga.'

 

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

399K 31.4K 82
[A VIRTUAL REALITY MMORPG STORY] An unsuspecting, online-game-hater finds herself inside the newly-launched Arth Online because of her brother's tric...
18.7K 1.9K 200
"Basta mag-level up pa ako ng 10 beses, maa-activate ko na ang Gene Lock. Sa oras na iyon, magagawa kong sirain ang makalangit na katawan na ito!" ...
983K 57.4K 57
Rebirth of an assassin. Birth of the heaven-sent princess. Rise of the supreme goddess. Rise of Dawn. ***
2.1M 81.2K 70
An extraordinary girl who's not afraid of facing all kinds of monsters, Hurricane Thurston is set on an adventure that would shake the world of the T...