He's a She

By lykashiii

7.2K 502 37

This story was all about an agent who is in need to hide her true identity as a girl ...and in order to do th... More

He's a She
Prologue
Chapter 1:
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42

Chapter 31

128 5 0
By lykashiii

"Ok class next week ay magkakaroon tayo nang by twos activity pero sasabihin ko na ngayon kung sino ang makakapartner then kung ano ang activity." HINDI ALAM ni Tyler pero pagkarinig pa lang nya nang by twos ay napalingon na agad sya kay Rckey na kasalukuyang seryosong nakikinig sa prof.

"ok these are the partners " Prof.

Nagpatuloy ang pagtawag nang mga magkakapartner habang sya naman ay kanina pa nananalangin.

"Denver and.....Khate " narinig pa nya ang pagrereklamo ni Denver dahil dapat daw ay si jhana na lang love birds nga naman.

"Next is Jhana and...." bigla ay kinabahan sya ."... Tyler" Mabilis na na nanlambot ang balikat nya sa narinig .

"oh! wait ..sorry class ...Jhana and Andrei will be the partners" agad naman syang nabuhayan sa narinig na ikina kunot nang noo ni Jhana pero nginisian lang nya ito...ngayon naman ay kinakabahan na naman sya .

" Ok Tyler and..." parang drum na ang dibdib nya ....grabeng kaba naman ito samantalang simpleng activity lang naman ang gagawin ...sa tanang buhay nya ay ngayon lang sya kinabahan sa kung sinong magiging partner nya."...Rckey"

"Yes!" Impit at tuwang tuwang bulong nya habang may kasama pang pagsuntok nang kamao...at dun lang nya naramdaman ang litong lito na tingin nila Jhana at denver ...bigla naman ay napangisi na lang sya sabay peace sign.

"ok class that would be your respective partners for the activity next week ." Sabi nang prof .kaya nakinig muna sya dito.

"For the activity class you need to perform according to your own talent , it's either singing, dancing ,poetry, kahit ano ...but before the performance is you need to
introduce yourselves in a creative way...kayong nang bahala kung pano nyo gagawin yun." Paliwanag nang prof.

"prof... competition po ba ang gagawin?" tanong ni Andrei.

"Yes ,,kaya kailangan nyong galingan next week ko na ibibigay ang criteria ...so thats all for today ...class dismiss" Paalam nang prof ...para namang nakawala sa hawla ang mga kaklase nya na naguunahan makalabas sa classroom .

"So what are we gonna do partner?" bigla ay tanong ni Rckey nang makalapit ito sa kanya..bigla tuloy ay naexcite sya nang isiping makakasama nya ito nang mas madalas nang sila lang dahil sa activity.

"Maganda siguro kung ngayon na natin pagusapan ang gagawin natin ." Aniya habang hindi pa rin nawawala ang ngiti .

"Ok..parang ang saya mo ah " maya'maya'y tugon nito na ikinatikom nang bibig nya...dun lang nya naisip kung ano bang ginagawa nya ...bakit ba ganto na lang ang epekto nito sa kanya.

"Di ah!..."tanggi nya at umiwas nang tingin "...teka asan na ba yung dalawa ni Denver?" pagiiba nya nang usapan .

"Umalis na yung dalawa kanina pa ...ayan kasi lagi sakin nakatingin kaya hindi alam" nanlaki ang mata nya sa tinuran nito ...nakakahalata na ba ito sa mga nakaw sulyap nya lagi.

"a-anong sinasabi mo dyan ! Halika na nga bat ba kasi nangiwan yung dalawang yun?!" nauutal nyang sabi sabay talikod dito at lakad

"Eto naman joke lang eh hahaha ...umalis na yung dalawa kasama nung mga partners nila ngayon na din daw sila magreready para dun sa activity ." paliwanag nito habang nakasunod sa likod nya...hindi nya ito pinapansin habang naglalakad sila sa hallway ...dahil baka kung ano na naman ang gawin nya na hindi naman dapat ginagawa nang isang lalaki sa kapwa nya lalaki .

"hey ....galit ka ba ?" maya maya ay tanong ni Rckey na pilit pa rin humahabol sa bilis nang lakad nya ...nilingon nya ito saglit

"Hindi. Bat naman ako magagalit " Napamura na lang sya sa sinabi dahil para syang babaeng nagtatampo sa boyfriend nya ...kaya nga ba ayaw nyang magsasalita basta kasama nya si Rckey .

"Weh !? bat parang galit ? dapat nga masaya ka !" Napalingon sya dito at kunot noong tumitig dito.

"At bakit naman kailangan masaya?" sarkastiko nyang sabi habang nakapamewang...pero nginisian lang sya nito .

"Well of course you should be happy ...dahil ako nakapartner mo..akala mo ha ! i saw you kanina nung napasuntok kapa sa hangin habang nakangiti nang malawak after you knew that I'll be your partner ! uyyy! hahaaha gusto ako la---"

"Ang kapal mo! hoy hindi porket ikaw nagalaga sakin nun gaganyanin mo na ko ha !" nanggagaliiti ngunit namumula na sya sa pagkapahiya ..nakita pala nito ang reaksyon nya kanina ano na lang iisipin nito na baka bakla sya !?

"well parang ganun na nga ...ako kaya nagalaga sayo baby damulag hahaha!" pangaasar pa nito sa kanya. ..simula kasi nang makalabas sya nang hospital noon ay ito ang nagalaga sa kanya ..nagpapalit nang benda sa ulo nya at naglilinis nang sugat nya ..hindi nga nya alam kung saan nito nalaman ang mga ganun.

"Psh..tara na nga ! yung activity natin ang isipin mo!" namumula nyang sabi sabay talikod dito ...pero tinawanan lang sya nang loko...habang papalapit sila sa parking lot papuntang kotse ni Rckey ay napakadaming babae nilang nasasalubong ang iba ay may binibigay kay Rckey na kung ano ano at ang siraulo tanggap naman nang tanggap ...meron din naman nagpapacute sa kanya pero iilan lang iba talaga ang karisma ni Rckey hanep.

"So ano kamusta ang buhay celebrity ?" pangaasar nya dito nang sa wakas ay makasakay sila sa kotse nito.

"well medyo Hussle  pero enjoyable naman " natatawang sakay nito sa biro nya .

"yabang ! nasan na ba yung mga regalo sayo ?!" tanong nya habang lumilinga sa loob nang kotse.

"nasa backseat ..bakit?" takang tanong nito pero ngumisi lang sya .

"Nagugutom ako kaya akin na lang yun lahat ... hindi mo naman kakainin yun dahil hindi ka mahilig sa sweets" Aniya na para bang wala na itong magagawa kundi ang sundin sya.

"ok boss ..kumakapal na talaga yang mukha mo ha ..dati ang tahimik mo ah!" pangaasar pa nito pero nginisian lang nya ito at agad na dinukwang ang backseat para kumuha nang ilang mga cupcake...ewan ba nya pero pag kasama nya si Rckey ay dumadaldal sya at ngayon nga ay makapal na rin ang mukha nya ..nagsimula to nung naospital sya tapos lagi silang magkasama dahil nga ito na ang nagpumilit na magalaga sa kanya ..simula non ay komportable na sya dito .

"Ok we're here ...so what's next?" tanong ni Rckey ... kasalukuyan silang nasa parking lot nang isang mall ..dito kasi nila naisipan na pumunta para pagusapan ang activity.

"well kailangan nang mga props para sa creative introduction tapos....tapos...mamasyal na tayo!" aniya habang nakangiti dito.

"Kailangan pa talagang mamasyal ha ...pero sige tara na nga." anito sabay baba sa kotse...bago bumaba ay dumukot ulit sya nang isang cupcake sa may backseat na ikina iling na lang ni Rckey. Habang naglalakad ay hindi na naman maiiwasan ang agaw pansin na itsura ni Rckey ...ultimo yung lady guard sa entrance at natulala din kay Rckey..habang wala namang pakialam si Rckey na palinga linga lang sa paligid .

"San ba natin bibilhin yung mga props?" lingon nito sa kanya habang nakakunot ang noo...parang yun lang ay problemado na agad ito .

"Sa National Bookstore tayo " sabi nya sabay kaladkad dito ...dun lang nila napansin na parang ang daming babaeng sumusunod sa kanila .

"huy .. yung mga chicks mo sumusunod ." bulong nya dito habang nakasimangot ..kung pwede lang nyang pagusuntukin ang mga ito ay nagawa na nya...nagtataka naman lumingon si Rckey sa bandang likuran nila.

"OMG .. he's looking at me girl!"

"Shut up Fae ! he's looking at me ok!"

"My Gosh! is he some kind of an actor or model ?! He's so hot !"

"Hey ang laki nang ulo mo ,,im taking pictures here ! omg!! he's so gwapo talaga !"

"look at his uniform girl .. it's from SamSor University right! "

Ilan lang yan sa mga impit na sigaw at tili nang mga babae matapos silang lingunin nang poker face pa din na si Rckey ...Naaasar naman na hinila na lang nya si Rckey papasok sa Bookstore. Mayamaya ay napahinga sya nang malalim ..hindi pwede tong nararamdaman nya ..alam nya na hindi lang selos kaibigan ang nararamdaman nyang kirot sa tuwing may babaeng aaligid dito ...pero paanong nangyari to alam nya sa sarili nyang hindi sya bakla at lalong hindi sya nakakaramdam nang ganito sa ibang kapwa nya lalaki ...kay Rckey lang ..ngayon lang...napasabunot na lang sya sa sarili dahil sa pagkalito.

"hey what are you doing with yourself?!" gulat na tanong sa kanya ni Rckey mabilis naman syang umayos nang tayo at awkward na ngumiti dito.

"a-ah wala haha a-ayos lang ako ...tara na nga ." naguguluhan man ay kamot ulong sumunod naman ito sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

11.5K 287 18
"Yแดแดœแด แด‡ ส™แด‡แด‡ษด แดษชษดแด‡s"
48.5K 5.3K 36
U+Z แ€’แ€ฎแ€”แ€ฑแ€ทแ€™แ€„แ€บแ€ธแ€œแ€ฝแ€„แ€บ + แ€’แ€ฎแ€šแ€ฑแ€ฌแ€›แ€ฌแ€‡แ€ฌแ€“แ€ญแ€›แ€ฌแ€‡แ€บ
64.7K 1.5K 24
Alissa was sent away after being framed by her mother and twin sister. But when she gets arrested for the 4th time that week her family is called. Sh...
42.2K 2.6K 44
แž แŸแžแžปแžแŸ‚แžŸแŸ’แžšแžกแžถแž‰แŸ‹แž”แž„แžŸแŸ’แžšแžธแžŸแžปแžแž…แžทแžแŸ’แžแž˜แž€แž”แž˜แŸ’แžšแžธแž˜แŸ‰แžถแž แŸ’แžœแŸ€แžŠแŸ‚แžšแž˜แžถแž“แž…แžทแžแŸ’แžแžƒแŸ„แžƒแŸ…แž…แŸ†แž“แžฝแžŸแž”แž„แžŸแŸ’แžšแžธแžŠแŸ„แž™แžŠแžนแž„แž แžพแž™แžแžถแž“แžทแž„แž˜แžถแž“แžšแžฟแž„แžขแŸ’แžœแžธแž€แžพแžแžกแžพแž„แž€แŸแž”แŸ‰แžปแž“แŸ’แžแŸ‚แžŠแŸ‚แžšแž’แŸ’แžœแžพแžŠแžพแž˜แŸ’แž”แžธแž”แž„แžŸแŸ’แžšแžธแŸ”แžแžพแž“แžทแž„แž˜แžถแž“แžšแžฟแž„แžขแŸ’แžœแžธแž”แž“แŸ’แž‘แžถแž”แŸ‹แž–...