Heiress: Forgotten Memories (...

By YuriYuriYuriYuki

106K 4.5K 411

Heiress Series #2 Story of Aishelle Yesha Autumn Blanc Arcavia and the Goddess of Creation Serene Lianne Luna... More

Paalala
Characters
Ariella
Extra: The Missing Queen
Prologo
HFM 1
HFM 2
HFM 3
HFM 4
HFM 5
HFM 6
HFM 7
HFM 8
HFM 9
HFM 10
HFM 11
HFM 12
HFM 13
HFM 14
HFM 15
HFM 16
HFM 17
HFM 18
HFM 19
HFM 20
HFM 21
HFM 22
HFM 23
HFM 24
HFM 25
HFM 26
HFM 27
HFM 28
HFM 29
HFM 30
HFM 31
HFM 32
HFM 33
HFM 34
HFM 35 Part 1
HFM 36 Part 2
HFM 37
HFM 38
HFM 39
HFM 41
HFM 42
HFM 43
HFM 44 [Kenna&Silvia]
HFM 45 [Julian&Krystal]
HFM 46 [Sabrina&Joyce]
HFM 47 [Arrianne&Wina Heidi]
HFM 48 [Gabriel&Franco]
HFM 49
HFM 50
Epilogue
Announcement

HFM 40

1.2K 59 10
By YuriYuriYuriYuki

Serene Heaven

"Irna, kayo na muna bahala dito sa dorm. Kailangan nanamin umalis ni Nini"rinig kong sabi ni Lili sa dama niya at nakita ko tila tutol ang dama at mga kawal niya na hindi sila isama.




"Mahal na prinsesa, hindi naman po pwedeng hindi niyo kami isama lalo na po kailangan namin protektahan kayo"sabi ng isang kawal niya pero umiling lang si Lili dito.




"Hindi, dahil sinabi ko na din kila Ina hindi ko kayo isasama. Lalo naaaaring masawi kayo at kaya hintayin niyo kami makabalik dito"malamig na sabi nito at may magsasalita pa sana ng tignan ito ng malamig ni Lili.





"Mag iingat po kayo mahal na prinsesa, hihintayin ka po namin"maluha luhang sabi ng dama ni Lili at niyakap ito ni Lili na ikinagulat ni Irna.





"Makakabalik kami ng ligtas at sa susunod hahayaan ko ulit na pagsilbihan ako"pagkatapos sabihin yun ni Lili ay lumaki ang ngiti ng dama niya.




Dahil sa nabilinan nanamin ang lahat ay umalis agad kami ng dorm. Hindi pa sumisikat ang araw ng umalis kami dahil gusto ko na mapabilis ang pagbalik namin ni Lili.





"Irna, kung sakali man si Spring na muna ang bantayan niyo. Lalo na makulit ang batang yun"dagdag pa ni Lili sa dama at tumango naman ito.



Hinawakan ko agad ang kamay nito ng makalabas na kami ng dorm kumaway ito sa dama niya at hanggang sa nakarating kami sa portal papunta ng mortal world.





"Aya and Serene"nakita namin si Yuna na hinihintay kami dahil sinabihan ko ito na ngayon ang alis namin.





"Ate Yuna"ngumiti ito kay Lili ng matapos ay tinignan kami nito ng seryoso.





"Aya, nasabihan ko na sila lolo at lola sa mortal world na doon kayo titira ng 1 week. Kaya hinihintay na nila kayo. Isa pa mag iingat kayo dahil ang pupuntahan niyo ay isang lugar kung saan pinakadelikado sa mundo ng mga tao. Hanggat maaari huwag niyo hahayaan na magamit ang kapangyarihan niyo dahil hindi normal yun sa kanila"paalala nito sa amin at tinanguhan namin ito. Yumakap ito sa amin sabay dinala kami sa portal para makalabas na kami.





"Good luck"huling rinig na sabi nito sa amin ng makapasok na kami.




Paglabas namin ay bumungad sa amin ay mga malalaking puno. Mukhang nasa kagubatan kami sa isang liblib na lugar. Pamilyar na sa akin ito dahil dito kami nang galing nung nakaraan.





"Nini, may sasakyan doon oh"napatingin ako sa tinuro nito. Pinuntahan namin ito at ng makalapit kami ay biglang may lumabas na isang lalaki.




"Good morning Ms. Aya and Ms. Serene"tinitigan namin ito at ilang sandali lang ay ngumiti ito na tila naiilang sa ginawa naming pagtingin sa kanya.




"Ahm ako po pala si Carl ang driver ng mga Menuer at taga Atlancia din po ako. Kinuha po ako bilang tagabantay ni Ms. Tory"pakilala nito at tumango naman ako. Binuksan nito ang sasakyan at pumasok agad kami ni Lili.




Nilagay niya sa likod ng sasakyan ang isang bag ko at ang isang maleta na dala ni Lili.




Sa totoo lang muntik na maging tatlong maleta ang dalhin nito kung hindi ko pa chineck ang mga pinaglalagay niya.




"Nini, Inaantok pa ako"bulong nito sa akin na ikinangiti ko. Nilagay ko ang ulo nito sa balikat ko sabay haplos sa buhok niya na sinusuklay ng daliri ko.



Unting unti naman nakatulog ito sa ginawa ko. Napansin ng driver na gising pa ako kaya nagsalita ito.




"Ma'am tulog din po muna kayo, mga dalawang oras pa po ang byahe natin"sabi nito pero nginitian ko lang siya. Hindi ako makakatulog dahil gusto ko maging alerto lalo na nasa ibang mundo kami.




Habang tumitingin ako sa labas ay may napansin ako, tila may sumusunod sa amin na mga anino.



Una hindi mo ito mapapansin dahil tila nagtatago ito sa mga puno pero dahil matalas ang pakiramdam ko ay alam ko may iba.



"Carl, ihinto mo ang sasakyan. May sumusunod sa atin"sabi ko dito at napansin ko na natakot ito pero hininto din.



"Carl dito ka lang sa loob at bantayan mo si Lili"utos ko dito at tumango naman ito. Dahang dahan ko hiniga si Lili at bago ako lumabas ay hinalikan ko ito sa noo.




Nang makalabas ako ay nilagyan ko ng barrier ang sasakyan. Naglabas ako ng light ball sa kamay ko.



Alam kong mga shadows ang sumusunod sa amin, hinagis ko pataas ang tatlong light balls at unting unti lumiwanag sa buong paligid.



Nakita ko na tatakas pa sana ang mga ito ng naghagis pa ako ng light ball hanggang sa naging usok sila at nawala.




Alam kong napatay ko na ang lahat ay pumasok ulit ako sa sasakyan, nilagay ko sa hita ko ang ulo ni Lili.



"Tapos na po ba maam?"tanong nito sa akin kaya nginitian ko siya.




"Oo, kaya pwede na tayo tumuloy"mabilis na pinaandar nito ang sasakyan.



----

Aya Arcavia

"Hmmm"napadilat ako ng maalala kong bumabyahe pala kami. Nakita ko agad ang nakangiting mukha ni Nini.



Hinawakan ko ito sa mukha na mas lalong ikinangiti niya. Kaya napangiti din ako dito.




"Good morning Lili"bati nito sa akin. Umayos ako ng pagkakaupo at napansin ko na medyo maliwanag na sa labas.




"Good morning Nini, natulog ka din ba?"tanong ko dito at nakita ko na umiling ito.





"Pinanood lang kita matulog hehe"sabi nito sa akin na ikinatawa ko lang.



Yumakap ako dito at tumingin sa bintana ng sasakyan hanggang sa lumaki ang mata ko sa gulat.




"Woah, Nini look ang tataas nun"turo ko sa mga nakikita ko at napansin ko na halos may mga salamin ang mga nakikita ko.




"Hahaha, building yang matataas na nakikita mo Lili"sabi ni Nini sa akin at tumingin pa ako sa labas. Nakita ko na maraming sasakyan din at iba't ibang klase iyon at hugis.




May mga mortal akong nakikita na naglalakad at kumakain din sa paligid na ikinamangha ko.




Napansin ko ang mga damit nila, halos kapareho ng sa amin ngunit iba ang tela ng sa kanila.





"Nini, ano yun?"turo ko doon sa may nakatusok na pagkain habang may napapaligiran ng mga tao.




"Ms. Aya mga street food po iyon, yung kulay puti na bilog po ay chicken ball, tapos po yung marami naman po na nakikita niyo sa ibaba ay fishball"namangha sa ako sa sinabi nito at nakita ko na may araw na din pala.





"Gusto niyo po ba Ms. Aya?"tanong sa akin ni Carl pero umiling ako dahil gusto ko na din makapunta sa bahay nila lolo at lola.





"Sa susunod na lang, alam ko may hinanda na pagkain sila lola"sabi ko dito at ilang minuto lang ay umandar na ulit ang sasakyan.




Tinignan ko si Nini na nakatingin sa akin at napansin ko hindi na pala ako nakayakap sa kanya.



Lumapit ako dito sabay yakap ulit sa kanya at hinalikan ito sa pisngi dahil natanggal ko pala ang pagyakap ko sa kanya.



"Nandito na po tayo"natanggal ang pag titig ko kay Nini ng magsalita si Carl.




Lumabas ito at pinagbuksan kami ng pintuan. Paglabas namin ay namangha ako sa nakita ko.




"Dito ba sila nakatira?"tanong ko kay Carl ng malapag nito ang maleta ko.




"Opo Ms. Aya"may pinindot ito at ilang sandali lang ay may lumabas na tao sa gate.




"Sir Carl nandito kana po pala, may mga kasama ka pala"tinignan ko ito at tumawa si Carl sa sinabi nito.





"Kakapasok mo lang tama ba? Si Ms. Aya and Ms. Serene bisita sila ng amo natin"nagulat naman itong lalaki at mabilis na pinapasok kami. May inabot na susi si Carl dito at tinuro ang sasakyan.





"Pasok na po tayo hinihintay na po nila kayo sa loob"pinauna kami nito at nakita ko agad ay isang garden. May mga rosas at iba't ibang bulaklak pa.




Sinundan namin si Carl para iguide kami ng huminto kami sa isang malaking pintuan na kulay brown.





Ilang sandali lang ay bumukas ito at nagulat ako ng may sumabog na bagay at nalaglag sa ulo namin.





"Welcome Aishelle"napangiti ako ng makilala ko silang dalawa. Lumapit ito sa akin at mabilis na niyakap ako.





"Lolo at lola"tawag ko sa kanila at maluha luhang tinignan nila ako.




"Apo ang laki mo na, huling kita ko sayo ay limang taon na gulang ka palang"sabi sa akin ni Lola at napangiti naman ako.



Hindi na sila bumalik sa mundo namin dahil mas naging busy sila dito lalo na at may mga negosyo daw sila dito na pinagkakaabalahan.




Kung mapapansin ay hindi sila masyado matanda tignan dahil hindi naman kami tumatanda pero may konting pagbabago lang sa kanila dahil may ininom silang potion lalo na magtataka ang mga mortal kapag hindi sila nagkakaedad.




"Lola kasama ko po pala si Nini"nilapitan ko si Nini sabay kapit dito. Nakita ko na nagulat sila lolo at lola ng makita ito.




Nagkatitigan sila at lumapit kay Nini, napaurong ako ng konti sa kanila at napansin ko na mabilis na yumuko sila lola dito.





"Aya, kumain na muna kayo at alam kong gutom kana"aya sa akin ni lolo kaya sinundan ko ito habang busy kausapin ni lola si Nini.




"May hinanda kami sa inyo na alam kong ikakatuwa niyo"sabi ni lola at nginitian ko ito habang naglalakad kami papunta sa kitchen.




"Wow, ang dami ng pagkain"sabi ko at nagtawanan naman sila at nakita ko na ngumiti din si Nini sa akin.



Umupo kami agad at magkatabi kami ni Nini dahil ayaw ko malayo sa kanya lalo na napansin ko na tinitignan siya ng mga nandito.



Palihim ko tinignan ang mga dama dito at alam ko na dama sila dahil sa suot nilang damit pero iba sa sinusuot ni Irna.



Napansin ko na nakita nila tinitignan ko sila at napayuko sila ng makita nila na nakatingin ako.



Narinig ko na nagbubulungan sila na pilit kong pinakikinggan.




"Ang ganda nilang dalawa"



"Woah, totoo kaya yung red hair niya at yung ginto na nakahalo?"



"Ano ka ba? Syempre hindi dahil ang normal na kulay dito sa atin ay itim"



"Lili, kain kana oh"may nilagay na kanin si Nini sa akin na ikinangiti ko sabay lagay ulit nito ng kung ano anong ulam pa.



Nilagyan ko din ito at napangiti ito sa ginawa ko. Napansin ko na tinitignan kami ni lolo at lola pero hindi ko sila pinansin.



Sarap....



-----

.

Continue Reading

You'll Also Like

959K 31.7K 23
(3 of 3) Third installment of Monstrous Academy. How many dark secrets do Montrous Academy keep hidden from the world?
40.6K 1.6K 37
| COMPLETED | | UNEDITED | Ally Cole, an ordinary person, was engrossed in reading an online novel while walking down the street when she was suddenl...
879K 58.6K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...
21M 767K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...