Ako'y Kasama Mo (Ongoing)

By random_insight

88.5K 9.7K 2.3K

Paano kung magkita ang magkalaban sa honor roll pagkaraan ng 15 taon? Puwede bang bigyan ng pagkakataon ang p... More

Prologue
1 - Pasakalye
2 - Maligayang Pagdating
3 - Titser Menggay
4 - Paalam, Doc
5 - Sanga-sangang Daan
6 - Krus na Landas: Quezon?
7 - Social Relevance
8 - Bakit?
9 - Habagat
10 - Aritmetik
11 - Hatid-Dumapit
12 - Patrick
13 - Recess
14 - Doctors To The Barrios
15 - Pagwatas
16 - Paliwanag
17 - Walang Nagbago
18 - Bagong Umaga
19 - Pagkakataon
20 - Araw ng Mga Guro
21 - Pabitin pa More
22 - Panaginip at Pabebe
23 - Ang Paghaharap
24 - Tapatan
25 - Pahiyang - Unang Linggo
26 - Pahabol sa Unang Linggo
27 - Ikalawang Linggo: Pagbasa at Pagsulat
28 - Ikalawang Linggo: Tipanan
29 - Ikalawang Linggo: Realidad
30 - Ikatlong Linggo: Pangarap
31 - Ikatlong Linggo: Namumuong Sama ng Panahon
32 - Ikatlong Linggo: Selos si Titser?
33 - Ikatlong Linggo: Napagtanto
34a - Pagtutuos
35 - Ikatlong Linggo: Marangal na Katangahan
36 -Ikaapat na Linggo: Dalandan
37 - Emergency
38 - Sistema
39 - Panganib
40 - Sugod
41 - Gaya-gaya Puto Maya
43 - Ang Albularyo, Bow!

42 - Abot Tanaw... Abot Kamay

718 51 22
By random_insight

A/N: Abot tanaw...Abot kamay pero, subalit, datawapuwat, magkikita na nga ba? Napalalim po yata ang hukay ng hindi nila pagkikita ang nagawa ko. Whew, hirap makaahon. Ayaw ko naman po madaliin ang eksena at baka biglang mai-type ko ay 'and they live happily ever after... the end'.

At pasintabi po kung may nagbabasa dito na taga-baryo Canaway or taga-Quezon. Hindi ko na po nagawang fictional ang pangalan baryo ng kasalukuyang pinangyayarihan ng mga kaganapan ng ating kuwento. Alam n'yo naman po ito ay pawang kathang-isip laang.

==========

"Grabe, teacher Meng, muntik na kaming maubusan ng hininga kanina. Pa'no kung pati kami hiningan ng ID ni Kapitan? E ID ng Health Office ang dala-dala namin!"

"Oo nga, noon lang yata nag-abot-abot ang pila ng mga dasal ko. Lalo na nang iprisinta mong buksan ang mga kahon na dala natin. Pa'no kung..."

"Sshh...." saka itinuro ang tanod na nauuna sa kanila at kasalukuyang kakuwentuhan ni 'nurse EJ'. Mas binagalan niya ang lakad bago sumagot. "Pasensiya na, nurse Betchay, ms. Lagring. Yun lang po naisip kong paraan para mawala ang duda sa atin ni Kapitan. Pero malaki pa rin ang problema natin. Hindi pa rin natin alam kung nasaan sila." Isa sa pinagkasunduan nila bago pumasok sa Canaway ay huwag babanggitin ang pangalan nila Doc Tisoy hanggang hindi nila nalilinawan ang mga bagay.

"Oo nga, ano ba naman kasi 'tong baryong na 'to? Napaka-misteryoso. Nakalampas na tayo sa sentro pero bakit parang yung mangilan-ngilan na nakakasalubong natin, ni wala man lang bumabati? Tinitingnan lang tayo."

"Ikaw talaga, Betchay! Umandar na naman yang imagination mo!" Muntik mapasubsob si kumadronang Lagring a.k.a teacher Gabby nang bungguin ng kasama.

"Ano ka ba teacher Gabby! Teacher Marikit ako, at your service. Hindi ko kilala ang Betchay na sinasabi mo. Mabalik tayo sa usapan. Okay na ring walang bumabati sa 'tin lalo pa at hindi tayo makapag-face mask dito. O diba, automatic na social distancing."

"Sinabi mo pa! Buti na lang at nakapagpavaccine shot tayo bago pumunta dito. Sana nga at magwork ang plano natin."

Napatingin si Meng sa dalawang kasama. Ano'ng vaccine shot ang sinasabi nila? Anyway, hindi ko na problema 'yon. Ang problema ko, ay pa'no didiskartehan na makapagtanong kung talaga nga bang walang napadpad na guwapong tisoy na doktor dito na tila baga naglahong parang bula. Teka, hindi kaya napikot na siya ng isa sa mga biyudang nanay ng pasyente niya? O baka nagayuma ng isang mayaman na matandang dalagang dito na malapit nang mamatay. Naku, Ricardo sinasabi ko sa 'yo!

"May sinasabi ka teacher Meng?"

"Ako? Naku wala po! Nirerecite ko lang ang abakada na ilelecture natin bukas. Alam n'yo na po, baka makalimutan ko at maituro ko e yung dati pang abakada, matanggalan pa ko ng lisensiya sa pagtuturo."

"Dating abakada? Bakit may mga bago na bang mga letra?"

"Ay hindi po ba nakarating sa inyo ang tsismis? 28 na po ang letra. Pero alam n'yo, bilisan na natin, ang layo na po nila teache EA!" Sinipat ni Meng ang paakyat na dadaanan nila. "Pati ba naman dito, nasa bundok pa rin ng tralala ang eskuwelahan?"

"Ay naku, teacher Meng, parang hindi ka naman sanay sa nilalakad mo sa Pinagpala. Ang mabuti pa, kuwentuhan mo na lang kami ng love story n'yo ni Dok Tisoy."

Meron yatang bionic ears ang tanod na guide nila nang bigla itong tumigil at lumingon. "Dok Tisoy? Sinong Dok Tisoy?"

Saglit na natigilan ang magkakasama. Hindi nila alam kung paano tinatawag ni Nurse Betong si Doc RJ dito. Dok Tisoy kaya? Mabuti na lang at nakapagbaon ng presence of mind si 'titser Marikit'. 

"Opo, Dok Tisoy. Hindi mo naitatanong, kuyang tanod, may ka-penpal itong kaibigan namin na Doktor sa kabilang ibayo. At Dok Tisoy ang palayaw dahil sa hindi kayo naglalayo ng kulay, kulay tsokolate."

Halata ang question mark sa mukha ng tanod.

"Alin ang hindi mo nakuha kuya? Yung tisoy o yung Penpal? Penpal, nakikipag-sulatan po dito kay teacher Meng."

"Naningalang-pugad sa pamamagitan ng liham? At isa siyang doktor?"

Sinamantala ni titser Meng ang opening. "Natumbok mo, kuya. Naniningalang-pugad mula sa malayong lugar. Bakit mo po naitanong? May kilala ka bang Dok Tisoy? May doktor na rin bang nakakarating dito?"

"Ha? Doktor? ....wala....wala! Hindi namin sila kailangan! May albularyo na kami rito. Sapat na 'yon sa kailangan namin.... Bilisan n'yo na lang lumakad at nang hindi tayo abutan ng tirik ng araw. Kailangan tayong makarating sa paaralan bago magtanghali."

Wala pala ha? Gotcha!

-------------------

A/N: Opo, si Dok Tisoy po na sa kasalukuyan ay nagdidirek ng 'namatanda kuno 'ng nuno sa punso.

Pinapaikot ni nurse Betong ang ilang hibla ng buhok niya na parang kinukulot habang naglalakad at palinga-linga. "Basilio, Crispin? Where art thou? Oh Basilio, Crispin, how do I love thee? Let me count the ways..."

"Ano'ng where art thou ka diyan, nurse Betong? Kailan pa nag-english si Sisa?" Pabulong na nagtanong si RJ, hindi alam kung matatawa o maiinis sa kasama.

"Modern Sisa, ano pa? Alangan naman magkastila ako e uno, dos, tres lang alam ko. Huwag ka nga diyan, Doc! Ikaw 'tong dahilan bakit umaakting akong namatanda."

"Ganyan ba ang namamatanda?"

"Aba, malay ko ba kung stateside yung nuno sa punso? Malay mo kaya na niyang magteleport at time travel mula sa mundo ni Snow White? Quiet! Magagalit ang guwardiya sibil sa likod natin."

Medyo napalakas yata ang usapan nila ni Betong nang biglang sumigaw ang bantay nilang ilang metro ang layo sa likuran nila.

"ANO'NG PINAG-UUSAPAN N'YO? Huwag kayong magtatangkang tumakas! Wala kayong pupuntahan na hindi namin kayo masusukol. Nakatimbre kayo sa buong baryo!"

Napailing na lang si RJ. Wala ngang signal ng cellphone dito, pano'ng matitimbre? #Paano? Smoke signal?

Hindi niya masabi sa tanod na kung gusto nilang tumakas ni nurse Betong, kanina pa nila ginawa lalo na at iisa lang ang bantay nila. Lalo na nang binulong ni nurse Betong ang nakita niyang daang-tao na tingin niya ay palabas ng baryo noong nagkunwari siyang magbabawas sa gubat.

Pero saan nga ba sila papunta ngayon? Lumilinga-linga siya sa dinadaanan nila. Sigurado siya na hindi ito ang dinaanan nila kahapon nang dalhin sila sa gitna ng kagubatan.

Hindi na muna siya kumibo. Mahirap na at mukhang hindi inaalis ng bantay nila ang kamay sa pagkakahawak sa itak. Baka mag-ala machete 'to at biglang maging nasirang Dok Tisoy at nurse Betong sila nang di-oras.

Ilang minuto pa silang naglakad habang patuloy si nurse Betong sa pag-akting hanggang dumating sila sa nagsasangang-daan. Ay isa ay paakyat ang direksyon papasok sa mas masukal na daan, samantalang papunta sa mas maalwan na parte ng gubat ang kaliwang daan. Huminto sila saglit para maghintay ng instructions.

"Kanan."

Napalingon si Dok Tisoy at hindi naiwasang magtanong. Sa pagkakatanda niya nang pag-aralan niya ang mapa ng baryo Canaway, may parte ito na nakaharap na sa Pacific Ocean. Hindi niya lang alam kung beach front o nasa cliff. "Sigurado ka kuya? Wala ka namang balak na ihulog kami sa bangin?"

"Gusto n'yong makita si Tandang Natoy, hindi ba? Puwes, sa kanan tayo paakyat sa talampas. Bakit ba mas marunong pa kayo sa akin?" Humigpit ang hawak nito sa itak.

Mabilis pa sa alas kuwatro ang sagot ni nurse Betong. "Ay siya lang kuya ang hindi naniniwala sa 'yo. Sabi ng matanda sa punso, carry on. Sa kanan tayo. At kantahan ko daw kayo. The hills are alive with the sound of music, hahahah.... with songs they have sung for a thousand years...."

"Kanina si Sisa, ngayon naman si Maria?"

"Yes, Dok. Tama ka. Maria, as in Maria Makiling. Dahil paakyat tayo sa bundok. May alam ka bang theme song ni Maria Makiling? Pero salamat, Dok. Lumalabas ang creative side ko. Amazing! Asan na ba 'ko? Buti na lang kabisado ng nuno sa punso ang lyrics, 'The hills fill my heart with the sound of music.... My heart wants to sing every song it hears......  Doe a deer a female deer.... Ray a drop of golfen sun..."

Hinayaan na lang ni RJ si Nurse Betong sa pagkanta kahit nagkahalo-halo na lyrics para mawala rin ang tensyon. At para mabulabog din kung may mga mabangis na hayop na gumagala-gala dito.

Totoong magubat ang pinasok nila na daan. Kung hindi siya nagkakamali, mukhang parte ito ng rain forest. Maya-maya pa ay may napansin siya na mangilan-ngilang puno na may maliit na piraso ng kahoy na nakapako sa trunk at may sulat.

Ano 'to? May name tag ang mga puno? Project ng DENR? May scout rangers kayang naka-assign dito? Baka puwede silang humingi ng tulong. Pero na-curious si RJ nang mapansin niyang hindi lahat ng puno ay may name tags. Lalo siyang na-curious nang mapansin niyang pati ibang halaman ay may name tags.

Nilingon niya ang bantay."Kuya... puwedeng magtanong? Yung mga puno at halaman na may nakasulat ..."

"Wala akong nalalaman sa tinatanong mo. Kaya ko lang isulat at ipirma ang pangalan ko. Nasa teritoryo na tayo ni Tandang Natoy. Sa kanya na lang kayo magtanong mamaya."

May kumurot sa dibdib ni RJ. Hindi nakapagtataka na madaling madala sa opinyon ng mga nasa puwesto at albularyo ang mga tao dito.

Marami pa rin hindi marunong bumasa at sumulat, kaya pati kalusugan nila apektado.

A/N: Tsk...tsk...tsk... at isa pang tsk...tsk... Huy Dok Tisoy! Nalimutan mo na yata yung narinig n'yong volunteer teachers na dumating para magturong bumasa? Wala kang balak i-connect sa No Read, No Write?

---------------------------

A/N: Change location, change scene... pasencia po at nag-ingles na si Direk. mas mabilis i-type.

Sa wakas ay nakarating din sila titser Meng at mga kasama sa lugar kung nasaan ang Mababang Paaralan ng Baryo Canaway. Na hindi naman talaga mababa dahil nasa taas ng talampas. Kung abot tanaw ang ilog sa eskuwelahan ng baryo Pinagpala, ang talampas ay nakaharap naman sa Pacific Ocean.

Abot tanaw na nila ang eskuwelahan.

Kaya lang hindi kagaya ng 3 kuwarto na school house sa Pinagpala, dito ay dalawa lang ang classroom at kung tama ang balita nila, iisa lang ang teacher. Umaasa lang ang baryo Canaway sa mga volunteer teachers pag weekend o bakasyon para maka-makeup classes ang mga estudiyanteng napag-iwanan ng lessons.

Dahil pataas na ang nilalakad nila habang may buhat-buhat pa silang mga kahon, halos wala nang nagsasalita sa magkakasama. Absent yata ang mga gentlemen ng baryo dahil ni isa ay walang nag-offer na tulungan silang magbuhat. Tiningnan niya ang mga kasama. Kailangang magka-plan B sila bago magka-muscle ang mga braso nila sa pagbubuhat.

Sinamantala ni Meng para gamitin ang kanyang over-analysis powers para pag-isipan ang enumeration ng mga tanong sa isip niya na nadadagdgan by the minute.

Hindi alam ni titser Meng kung ano ang inaasahan niyang madadatnan pagdating sa eskuwelahan. Andito kaya si Ricardo? Paano kung wala? Ano ang gagawin nila sa medical supplies na nasa ilalim ng mga dala nilang kahon? Itutuloy ba nila ang pagtuturo na bumasa sa mga adulto na cover story nila para makapasok dito gayong siya lang ang lehitimong teacher sa grupo.

Pero nasaan pa rin si Ricardo? Wala sa options niya ang bumalik sila sa bayan nang hindi niya nakikita ang nobyo. Ayaw niya sanang kabahan, pero kinakabahan na rin siya. Bukod sa denial ng guide nila, wala pa ring bumabanggit sa mga nakausap nila ng kahit ano tungkol sa pagdating dito ng isang doktor at nurse galing sa munisipyo.

Kung wala dito si RJ, nasaan siya? Bakit gano'n na lang ka-defensive ang mga tao dito sa isang medical mission na pangkaraniwan namang ginagawa sa ibang baryo, kung saan welcome na welcome pa ang mga doktor? At kung tama ang kuwento nila nurse Betchay, a.k.a. titser Marikit, na ilan na ang namatay sa sakit na kumakalat dito, nasaan ang mga pasyente? At nasaan ang mga taong-bayan? Bakit parang nakasarado halos ang mga bahay na nadaaanan nila? Wala bang version dito ang chismosa brigade ng baryo Pinagpala na puwedeng pagtanungan?

Marami pa sana siyang tanong nang napatigil siya dahil tumigil din sa paglalakad si 'titser Marikit' na sinusundan niya. Sabay ang paghawak sa braso niya. Napatingin siya sa direksiyon ng mga mata nito.

Ayun na nga. Eto na ang sagot sagot sa ibang tanong niya.

Kaya pala wala silang nadaanang mga taga-baryo, nagkatipon sila lahat sa bakuran ng eskuwelahan na parang may hinihintay.

At tulad sa mga eksena sa pelikula at teleserye, isa lang ang napalingon at as if on cue at slow motion na may kasamang pag-zoom in sa eksena, halos lahat ay nakatingin na sa kanila na mga dayo. 

A/N: Hindi kami naniniwala! (ctto EB) Sige nga, patingin nga ng slow motion na paglingon!

============

A/N: Okay lipat tayo sa second unit...action!

Puro gubat pa rin ang nakikita nila.

Dahil hindi na nakatiis kung saan talaga ang patutunguhan nila, sinubukan na ni Dok Tisoy na tuluyan nang kulitin ang bantay nila. They are racing against time. Bawa't minuto at oras na dumadaan ay oras na nasasayang na puwede na sanang gamitin para magamot ang limang pasyente nilang naiwan.

Ngayon niya narealize na hindi niya alam kung merong bagong cases dahil huminto na ang mga taga-baryo ng pagdadala ng mga may kaparehong sintomas. Mula kailan? Mula nang mamatay ang isa sa sampu at wala pang balitang bumabalik sa apat na pasyenteng naipababa nila sa bayan. O dahil naharang din ang balita ng resulta o sadyang delayed lang?

Dahil praktisado naman siyang magtanong na parang umaalam lang ng sintomas ng pasyente, unti-unti, ang unang maiikling sagot ng guwardiya sibil ay nadagdagan ng isang sentence hanggang maging paragraph na ang sagot ng tanod.

Katulad nang nauna na nilang nalaman, tatay nga siya ni Ompong, isa sa mga pasyenteng binabantayan nila. Kaisa-isa niyang anak na lalaki na naaasahan na siyang tumulong sa bukirin. Ang dalawang naunang pasyente na ibinaba sa bayan at sa kasamaang-palad ay namatay ay mga kalaro ni Ompong.

Sa mga magkakalaro, isa si Ompong sa huling kinakitaan ng sintomas.

Natingnan na pala lahat ni Tandang Natoy ang mga bata bago pa sila dumating sa Canaway. May pinapainom na daw na tsaa galing sa pinagsama-samang ugat at halamang-gamot. Pero nagkaisa ang mga magulang na dalhin sa barangay hall nang dumating sila ni nurse Betong sa pag-asang mas mabilis ang paggaling ng mga anak nila.

Ramdam niya ang hugot at tampo sa kanila. Dahil ni isa, walang gumaling at may namatay pa nga.

Ang palaisipan kay RJ, bakit walang nagbanggit sa kanila tungkol kay Tandang Natoy? At sino ang patient 0? Sa pagkakatanda niya, may sinabi si Officer Oleth na naunang namatay bago pa sinugod sa bayan ang dalawang bata.

Natigil ang interview niya nang dumating sila sa bakod na gawa sa sanga ng puno malapit na sa tuktok ng talampas. May gate din na kahoy papasok sa isang bakuran na may bahay kubo sa gitna. Kung gubat ang pinanggalingan nila, maaliwalas dahil sa mga tanim ang bakuran na 'to.

Pero kung mga gulay ang nakatanim sa paligid ng bahay kubo sa school sa baryo Pinagpala, mukhang puro medicinal plants ang nakapaligid sa kubo sa harapan nila. May isang parang tent o kubol sa isang side ng kubo at may mga nakahilerang bangko na gawa sa mga troso sa gubat.

Nagpatao-po ang bantay nilang tanod. Sa wakas, ito na nga yata ang bahay ni Tandang Natoy na albularyo.

Napakapit nang mahigpit sa braso niya si nurse Betong. Bigla yatang kinabahan sa kung ano ang kahihinatnan ng pag-akting niya. Baka totohanin nga ang panggagamot sa kanya.

Pero wala siyang nararamdamang kaba, kakatwa o tipong supernatural sa mga bagay sa paligid ng kubo. Walang kawang umuusok at walang sabit nang kung ano-anong buto o anting-anting sa parte ng bahay na tanaw nila.

Wala ring kakaiba sa hitsura nang lumabas na binatilyo na humarap sa kanila kahit nagulat ito pagkakita sa kanila. Tipikal na binatilyong taga-baryo. Mukhang may porma pa nga.

Ang siste, nagkasalisi daw sila ng tatang niya. Nakaalis na raw ang albularyo. Papunta sa eskuwelahan para ipagpatuloy ang panggagamot sa mga bata.

Doon kinabahan si Dok Tisoy at hindi na napigilang magcomment. "Sa eskuwelahan? Bakit sa eskuwelahan? Nasa barangay sila kahapon kung saan namin sinet-up ang clinic."

Nagkunot-noo ang binatilyo. "Utos ni kapitan dahil mas malawak ang bakuran ng eskuwelahan.  Gusto ng mga magulang na na andoon sila habang ginagamot ng aking tatang ang mga bata. Pinapunta rin ni kapitan ang mga taga-baryo. Isasabay na ang pulong ng sangguniang-barangay."

HInarap ni Dok Tisoy ang bantay nila. "Kuya, pakiusap. Kailangan natin silang puntahan. Siguradong na-break na ang quarantine na sinet-up namin. Kailangang ibukod sila bago pa mas maraming mahawa."

"Hindi maaari, kabilin-bilinan ni kapitan na hindi ka na maaaring makalapit sa mga bata habang sila'y ginagamot ni Tandang Natoy. At habang hindi nadedesisyunan ng sanggunian kung ano'ng gagawin sa inyo!"

"Wala po akong pakialam kung ano ang gawin n'yo sa akin pagkatapos nito. Hindi kayo kailangang madamay. Ituro n'yo lang po kung saan ang daan papunta sa eskuwelahan. Ilang beses ko ba uulitin, hindi po namatanda ang mga bata. Nakakahawa po at nakakamatay ang sakit na dumapo sa kanila, ang tawag po ay Meningococcemia." Inilabas niya ang lukot ng papel galing sa bulsa.  

Alam niyang para siyang sirang plaka kahapon pa.

Pero paano niya ipapaliwanag ang virus at bacteria sa  hindi marunong sumulat at bumasa na mula't sapul ay sa albularyo umaasa? Pero kailangan niyang subukan. "Hindi magagamot ng mga ugat at halaman ang sakit nila. Pansamantalang-lunas lang po ang gamot na dala namin habang naghihintay ng opisyal na resulta ng mga ginawang test sa naunang dalawang pasyente na namatay. Kailangan silang maibaba sa bayan at madala sa ospital." 

"Hindi kami naniniwala,"

A/N: Ay ang bilis ng pick up ni kuyang guwardiya sibil ng linya. Nanonood din kayo ng EB, may cable diyan? Sorry po, seryoso pala ang eksena.

====================

Samantala, sa eskuwelahan....

Napalunok si Meng. Ito na ba ang eksenang huhulihin kami at itatali sa poste bago sunugin nang buhay?  Lilitisin man lang ba kami para sumumpa to tell the truth and nothing but the truth so help me God?

Wala mang lumalapit sa kanila sa mga taga-baryo, nabasag ang katahimikan nang biglang parang mga bubuyog na umugong ang bulungan habang papalapit sila sa sa bakuran ng eskuwelahan. May mga matalim ang tingin, merong kita ang question mark sa mukha, meron namang wala lang miron lang ang dating.

Uurong na sana sila nang mahawi ang ulap, este ang crowd at bumungad ang isang babae na nakauniform ng teacher.

Siya na nga siguro ang kaisa-isang guro sa baryo Canaway. Si teacher Mayumi ayon sa tanod na kasama nila.

Halata ang pagtataka sa reaksyon ng guro nang ipakilala sila. Siyempre hindi siya na-orient.

Kaya inunahan na ni titser Marikit at sabay kinamayan ang titser na sa tantiya niya ay hindi nalalayo sa edad niya. "Pasensiya na kung walang pasabi ang pagpunta namin sa baryo n'yo. Nasa kabilang ibayo kami kasama ng ibang volunteer teachers para sa Adult Reading program. Naisipan naming humiwalay at tumuloy dito para i-offer kung may gustong matutong magbasa sa mga kababaryo mo. May dala din kaming teaching materials." 

Halata sa panandaliang kislap ng mga mata ni titser Mayumi ang excitement niya sa plano. Pero panandalian lang at mabilis na bumalik ang lungkot sa mukha nang napatingin sa tanod na kasama. Halata sa boses nito nang tanggihan ang alok ng mga kapwa guro at nakiusap na lang na iwanan ang dala nilang mga kahon na siguradong magagamit ng mga estudiyante niya.

Sa pagkarinig nito, coordinated na bumagsak ang mga balikat ng magkakasama. Lalong naramdaman ni titser Meng ang tumatagaktak na pawis sa noo at likod sa layo ng nilakad nila. Bumigat ang kahong dala-dala kasabay ng pagkirot ng balakang at mga binti.

Pati ba naman ang cover up noble mission nila mabibigo pa rin?

Hindi puwede. Balik tayo sa motto. Kapag gusto may paraan, pag ayaw may dahilan. Puwes kami may dahilan, may gustong alamin kaya kailangang gumawa ng paraan.

Tinantiya ni titser Meng ang layo nila sa classroom. Mga 100 metro.

Hindi nagchampion ang team nila sa tumbang preso at habulan sa St. Andrews Fields Elementary School ng walang dahilan. Yun ay dahil siya ang ace player. Kaya mo yan, Meng. Masilayan n'yo man lang ang loob ng classroom, maibaba ang mga kahon, makapagpahinga at mag-isip ng plan C. Nang wala sa ilalim ng tirik na sikat ng araw. Ayokong abutin ng katanghaliang tapat sa daan. Period.

Isang matamis na ngiti ang binigay niya sa kaharap na co-public teacher, dahan-dahang umatras hanggang wala na siya sa tingin ng tanod na kasama..... sabay TAKBO!

Oo, lakad-takbo, hindi pabalik sa pinanggalingan nila kundi papunta sa classroom, hanggang sa makakaya ng pagod niyang katawan. Hindi niya hinintay kung kasunod niya ang mga kasama. Naririnig niya ang pagsigaw ng pangalan niya pero nakafocus ang mata niya sa finish line, ang flag pole na nasa harap ng classroom.

Hindi siya nagulat nang ilan sa mga miron na taga-baryo na nakatingin sa kanila kanina ay papalapit na ngayon sa kaniya. Para harangin siya o kunin ang dala niya? Sorry na lang sila dahil may isa pang laro na nagchampion sila ...... Patintero.

Pero hindi ito ang inaasahan niyang eksesang madatnan nang sa wakas ay umabot siya sa pintuan.... excited na bumati ng 'Good morning, class!' kahit wala siya sa sarili niyang teritoryo.

Bumagsak ang kartong dala-dala niya sa nakita sa loob ng silid-aralan.

Bilang isang teacher, sanay siya sa ingay ng mga bata, tumatawa, nagrerecite, 'may I go out ma'm' at hindi sa nakakabinging katahimikan, na binabasag ng pag-ubo at daing dahil sa sakit na nararamdaman.

Sanay siya sa mga matang nagtatanong, o naghihintay ng karugtong ng kuwento at hindi ng mga matang malamlam na nagpipilit dumilat.

Sanay siya sa malilikot na batang nagtatakbuhan at hindi nakahiga sa mga banig sa malamig na sahig ng isang silid-aralan.

Sanay siyang makita ang mga estudiyante niyang may dumi at putik sa kayumangging braso at mukha dahil sa paglalaro at hindi mga braso at mukhang puno ng namumulang rashes.

Napasandal si titser Meng sa pinto, hindi niya alam kung may ibabagsak pa ang balikat. Dahil ang bumungad na eksena...  halos sampung mga batang nakaratay sa hiwa-hiwalay na liternal na 'banig ng karamdaman'. Ni walang mga kutson kundi pinagsapin-sapin na mga kumot sa sahig na kahoy ng silid-aralan.

Hindi mga estudiyante, kundi mga pasyente.

Teka, kung andito sila, ibig sabihin andito rin si Ricardo? Iginala ni Meng ang tingin niya sa bandang dulo ng kuwarto. Isang pares ng hindi pamilyar na mga mata ang matalim na nakatitig sa kanya.

Saka niya naramandaman ang mahigpit na hawak sa dalawang braso niya na pilit siyang nilalalabas sa silid-aralan. Natigil lang nang magsalita ang matandang may hawak na pangsuob.

"Sandali, amang! Siya ba ang pinadala ni kapitan?"

================

Humahangos at pawisan si Ricardo nang sa wakas ay makarating sa bakuran ng eskuwelahan. Wala siyang pakialam kung gaano pa kalayo ang mga kasama niya sa likuran. Wala rin siyang pakialam na winasiwas ang mga braso at katawan na sinubukan siyang harangan.

Parang may tapaoho ang mga matang sumugod sa nag-iisang classroom sa malawak na bakuran. He's a man on a mission.

"Tandang Natoy!"

"Ano'ng ginagawa mo rito, binata?"

Itinaas niya ang lumang notebook na ibinigay ng binatilyong anak ng albularyo. "Alam kong alam n'yo na nakakahawa ang sakit nila kaya itigil n'yo na kung ano po man ang binabalak n'yo bago pa mahawa ang iba."

"At sino naman nagsabi sa 'yong isasakripisyo ko ang buhay ng mga kababaryo ko?"

Sinundan ni Dok Tisoy ang tingin ng matanda nang bumukas ang kabilang pinto ng classroom, tinulak pabukas ng isang babaeng nakatalikod ang pumasok buhat-buhat ang palangganang may may mainit na tubig.

"Menggay?"


A/N: Oo... sa wakas nakaahon na rin po sa hukay. Ayan na nga po, at least sa dulo, abot-tanaw.... abot-kamay na sila kahit medyo sabaw ang update...sabaw dahil kailangan po nating ilatag ang isang paghaharap. Albularyo vs. Doktor. Ito na nga po. Sa pula, sa puti?

Ang totoo, bbos na po ang reserbang laman ng utak ko at dahil po nasa bandang cliff ang eskuwelahan ng Canaway, magpa-cliffhanger din muna po tayo. Sorry na po at nagka-amnesia, anemia na po yata ako. Hindi ko alam kung pa'no ako nakapagsulat noon araw-araw.

Para po sa ilang ginamit nating medyo malalim na tagalog. Medyo lang naman..

Talampas - Cliff

kung meron pa pong ibang malalim na tagalog, pakihukay na lang po. Hanggang sa muli, kung kailan po tayo payagan ng realidad at ng creative juices.


Continue Reading

You'll Also Like

45.5K 2.5K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
90.4K 3.3K 56
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
7K 483 16
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
9.7K 398 19
One shot pero marami 😂😂😂✌🏻