29 - Ikalawang Linggo: Realidad

2K 263 33
                                    

A/N: Inaayos pa natin ang iskedyul para sa mas madalas na apdeyt. Ang totoo n'yan, mas malakas po ang tawag ng unan at kama. Kaya hindi po masagot ni otor ang tanong ng Nescafe kung para kanino ka bumabangon.

Okay, tama sa pasakalye. Face the wall ka, otor. Habaan mo na lang ang update ngayong linggong 'to para abswelto ka nang beri slayt.

Ang totoo po niyan, isang Linggong sinaliksik ni otor kung ano ang breech pregnancy.

E anak ng sipon at ubo, suhi lang pala! Ay may iba-iba pa palang klase ng suhi!

--------------------

Suhi

Butil-butil ang pawis ni Doc Tisoy habang tinitingnan ang nagle-labor na misis sa harap niya na napapaligiran ng ilang kamag-anak puwera pa ang nasa labas ng bahay.

Halos inabot din sila ng isang oras papunta dito. Hindi na nila inabutan ang hilot.

Tama ang hinala niya, breech pregnancy nga. Suhi ang posisyon ng sanggol sa sinapupunan pero wala sila sa delivery room kaya hindi niya ma-check ang heartbeat ng sanggol, kung distressed ba o hindi.

Malaki ang risk. Wala pa naman si midwife Lagring at malayo din ang ospital.

Isang malaking pasalamat na lang niya na base on initial findings, mukhang una ang puwitan. Pinapanalangin na lang niyang diretso ang mga paa ng sanggol katapat ng ulo. Kung hindi mas delikado. Wala na silang panahong isugod sa ospital sa kabilang bayan para sa C-section dahil pumutok na nga ang panubigan.

Gusto man niyang pagalitan ang asawa, wala na siyang magagawa. Maiiwasan sana ang ganitong mga sitwasyon kung nagpa pre-natal checkup lang sana sila sa health center imbis na  umasa sila sa hilot.

Isang mabilis na sulyap ang ginawa niya sa mga kasama nila dito sa loob.

Lahat ay kinakabahan. Bukod pa sa matalim ang tingin sa kanila. Mukhang ngayon lang nakakita ng lalaking magpapaanak. Nataon pang lalaki rin ang nurse na kasama niya.

"HUDAS KA REYNALDO, KASALANAN MO 'TO! SABI KO SA 'YO AYOKO NA!! ARRRAAAAYYY!!! BAKIT ANG TAGALLLL!!!! "

"Irog, ay relaks ka lang... makakasama sa iyo."

"Amazing..."

Tinitigan nang matalim ni Doc Tisoy si Nurse Betong habang inaabot ang pinakuha niyang guwantes at anesthesia. Ito lang ang meron sila.

"Bakit ba Doc, totoo naman. Biruin mo, ayaw na daw pero pang-siyam na pala! Hindi mo ba nakita yung mga batang nakahilera sa labas?" bulong ni Nurse Betong saka binalingan ang nanganganak at mga kamag-anak.

"Mga tiyang at tiyong, relaks lang. Kahit ganito kami kaguwapo, doktor at nurse pa din po kami. Misis, umiri ka lang, lalabas din si baby numero nuebe. Paupo nga lang at hindi una ang ulo. Kung sakaling malusutan uli kayo ni mister ng pang-sampu pagkatapos nito, kumunsulta na sa health clinic, hane? Doc, the floor is yours. Akin yung batik-batik"

Pinahiran ni Doc Tisoy ang pawis sa kanyang noo. Alam n'yang pinapalakas lang ni Nurse Betong ang loob niya.

Isang hingang malalim saka niya itinaas ang dalawang kamay na suot ang guwantes at tumango kay Nurse Betong.

Here goes everything.... sakali mang hindi sila makalabas nang buhay dito.

-------------------

Guest House:

Tiningnan ulit ni Meng ang oras sa cellphone niya at ang mga nakahain sa mesa sa dining room ng guest house. Pasado alas-nuebe na pala.

Ako'y Kasama Mo (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon