THE ANTAGONIST [COMPLETED]

By Cxhase

70K 3.7K 954

MXM | ANTAGONIST TRILOGY 1 Discover a story of passion where the antagonist is the main character. Started: 0... More

TEASER
DISCLAIMER
PROLOGUE
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 4 (MATURE VERSION)
KABANATA 5
AUTHOR'S NOTE (IMPORTANT)
KABANATA 6 (OLD)
KABANATA 6.1 (OLD)
KABANATA 7 (OLD)
KABANATA 8 (OLD)
KABANATA 8.1 (OLD)
KABANATA 9 (OLD)
SULAT PARA SA MGA MAMBABASA
KABANATA 9.1 (OLD)
KABANATA 10 (OLD)
KABANATA 10.1 (OLD)
SPECIAL CHAPTER I
KABANATA 11
KABANATA 11.1
KABANATA 11.2
CHRISTMAS SPECIAL
KABANATA 12
KABANATA 12.1
KABANATA 13
KABANATA 13.1
KABANATA 13.2
KABANATA 14
KABANATA 14.1
PARTY OUTFITS
KABANATA 15
KABANATA 15.1
KABANATA 15.2
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 17.1
KABANATA 18
KABANATA 18.1
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
EPILOGO
REFLECTION
ACKNOWLEDGMENTS
DOCUMENTATION
PLANS

KABANATA 7.1 (OLD)

822 98 20
By Cxhase

Ito na yata ang sinasabi nilang langit sa balat ng lupa.

Di ko napigilang ngumiti ng kay laki habang nililibot ko ang aking mga nagkikislapang mga mata sa buong silid.

Namangha ako ng makita ko ang mga naglalakihan at nagtataasang mga bookshelves na naka hilira sa ding ding.

Tapos may chandelier pa sa gitna ng silid na siya namang kay gandang pagmasadan.

May Chimney na nasa gitnang bahagi ng dingding ng kwarto. At may comfy na dalawang upuang malapit sa pwesto ng chimney.

Ang sarap siguro umupo diyan habang nagbabasa.

Dahil sa rami ng libro na nandidito ay may ikalawang palapag ang library. Kung eestimahin ko, nasa mga isang libo siguro ang libro na nandidito.

"Ano pa ang tinatayo tayo mo diyan? Tignan mo ang mga libro ng malapitan at ng maka pili ka na ng babasahin mo." Pagbabalik ni Mark sa wisyo ko na lumulutang na yata sa langit.

Hindi ako nag dalawang isip na naglakad palapit sa mga nakahilirang bookshelves at inilandas ko ang aking kamay sa mga nadadaanan kong libro habang namimili ng gusto kong basahin.

"Mahilig kasi mag kolekta ng mga libro ang Nanay ko, at dahil sa tagal na ng panahon na nangungulekta siya ay naging ganito na karami ang mga libro na nandito ngayon." Pagkwe-wento niya sa akin.

Nakinig ako sa kwento ni Mark tungkol sa kung papaano kinulekta ng nanay niya ang mga libro na nadidito, habang nilalandas ko ang aking mapanuring mata sa mga libro na nadadaanan namin.

Napapansin ko habang sinusuri ko ang mga libro na karamihan na nandidito ay mga storya tungkol sa pag-ibig.

Na siya mamang ikinatutuwa ng aking puso, dahil paborito kong genre ang lovestory.

"Binabasa rin ba ni Auntie ang mga libro na kinokolekta niya?" Tanong ko sa kanya habang patuloy na sinusuri ang mga libro.

"Oo naman, sa tingin ko nabasa na ng Nanay ko ang lahat ng libro na nandidito." Namangha ako kay Auntie dahil sa sinabi sa akin ni Mark.

Isang libro ang nagpatigil sa akin sa paglalakad.

Taste of sky

Kinuha ko ang libro, at pinakiramdaman ito.

"Iyan ba ang gusto mo?" Tanong sa akin ni Mark.

Tumango ako bilang tugon.

"Pwede ko bang basahin ito?" Tanong ko sa kanya.

"Syempre naman, kaya nga kita dinala rito." Nakangisi niyang sagot.

Napangiti ako sa libro. Nararamdaman ko kasi na maganda ito.

"Maraming salamat." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Hali ka, umupo tayo sa mga bangko na malapit sa chimney." Paanyaya niya sa akin.

Dahil excitement ay dali dali akong naglakad papuntang ibaba. Nasa second floor na kasi kami ngayon.

Di ko namalayan na may libro palang nakahimalay malapit sa hagdanan, na siyang naging dahilan upang matapilok ako.

Lumaki ang mata ko dahil hagdanan ang nasa harapan ko.

Kaya napapikit nalang ako habang nakayakap sa libro na napili ko.

Naghihintay na makaramdam ng ibayong sakit dahil sa pagkahulog sa hagdanan.

Ngunit hindi ko nakaramdam ang sakit, dahil maagap na nahawakan ni Mark ang isa kong braso.

At may pwersang hinila ako patungo sa katawan niya.

Napa subsub ako sa dibdib niya, dahil napalakas ng konti ang paghila niya sa akin.

Nanginginig akong nakapikit habang mahigpit na nakayakap sa libro na nasa dibdib ko.

Natatakot akong dumilat kasi alam ko na lalandas ang mga luha sa pisngi ko kapag ginawa ko iyon.

"El, okay ka lang ba?" Maalahaning tanong sa akin ni Mark.

Hindi ako maka sagot, dala ng after shock na nararamdaman ko sa nangyari.

"You're fine El, nahawakan kita." Sabi niya sa akin habang hinahawakan niya ang dalawa kong braso.

"Open you eyes na El." Pagkukumbinsi niya sa akin.

Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko, nakita ko ang mga mata niyang taimtim na pinagmamasadan ako.

Lumabo ang paningin ko dahil kusang lumabas ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

Niyakap niya ako ng mahigpit.

"You're safe El, you're safe." Pagpapatahan niya sa akin.

Humaguhol lang ako ng ako sa dibdib niya. Nilabas ko lahat ng takot at kabang naramdaman ko dahil sa nangyari kanina.

"Tahan na El. Baka kumulot na mukha dahil sa kakaiyak mo, sige ka." Pagbibiro niya sa akin.

Hinawakan niya ang mukha ko gamit ang dalawang kamay niya.

Gamit ang kanyang dalawang hinlalaki, pinunasan niya ang luha na dumadaloy sa pisngi ko at kinurot ito.

"Auggh, ang kyut kyut mo parin kahit na umiiyak ka." Nang gigigil niyang sabi sa akin habang kinukurot ang nga pisngi ko.

"Ang sakit naman." Naluluha kong sabi sa kanya.

"Sorry, di ko na kasi mapigilan ang sarili ko. Hehe" Nahihiya niyang sabi sa akin sabay kamot sa ulo niya.

Natawa ako dahil sa nakakatuwa siyang tignan kapag nahihiya siya.

Sino naman ang mag aakalain na ang isang gwapong lalaking kagaya niya ay mahihiya lang sa simpleng pag kurot ng pisngi?

"Oh ayan, ngumingiti kana." Nakangiti niyang sabi sa akin.

Pinunasan ko ang basang pisngi ko gamit ang isa kong kamay at ngumiti sa kanya.

"Salamat Mark ha, sa pagsagip mo sa akin kanina." Buong pasasalanat kong sabi kanya.

Natakot talaga ako na baka iyon na ang katapusan ko sa mundong ito.

Hindi pa ako pwedeng mawala, marami pa akong librong dapat babasahin.

"Walang anuman, sa susunod mag iingat kana ha? Paano nalang kung wala ako? Sino ang sasagip sa iyo?" Nag-aalala niyang sabi sa akin habang pinupulot ang libro na naka tapilok sa akin kanina at ibinalik ito sa tamang lalagyan nito.

Nahulog kasi ito at hindi namin alam kung ano ang naging dahilan.

"Oo, mag iingat na ako sa susunod." Sensero kong tugon sa kanya habang pinagmamasdan siyang isauli ang salarin ng muntikan kong pagkahulog sa hagdanan.

"Halika na sa ibaba, nang maka pagsimula na tayong magbasa." Paanyaya niya sa akin, habang naka tayo siya sa hagdanan.

"Hawakan mo ang kamay ko, baka mapano kapa." Sabi niya at kanyang ini lahad ang isa niyang kamay niya sa akin.

Tinanggap ko ito gamit ang kaliwa kong kamay habang ini dikit ko naman ang libro sa dibdib ko gamit ang isa.

Hawak kamay kaming bumaba sa hagdanan.

Pakiramdam ko para akong isang prinsesa na ini eskortan ng isang prinsipe upang bumaba ng hagdanan.

Nang maka baba kami ng hagdanan ay hindi niya parin ako binitawan hanggang sa maka abot na kami sa upuang malapit sa chimney.

Umupo siya sa upuan na nasa harap namin.

Tutungo na sana ako sa kabilang upuan upang doon umupo, pero hindi ko iyon nagawa kasi hindi niya binitawan ang kamay ko.

Nagtatanong na tingin ang inipukol ko sa kanya, ngunit ngumiti lamang siya bilang sagot at tinapik ang kandungan niya.

"Hindi, okay lang. Dun nalang ako sa isang upuan." Pagtanggi ko sa alok niya sakin.

"Ano naman ang babasahin ko kung doon ka uupo?" Tanong niya pabalik sa akin.

Doon ko napansin na wala pala siyang dalang libro.

"Gusto mo kasi ang librong iyan, kaya na curious ako. Gusto ko na ring basahin." Pagrarason niya sa akin.

Hindi na ako nagmatigas pa at pinagbiyan nalang siya sa gusto niya.

At saka dahan dahan akong umupo sa kadungan niya.

"Sabihin mo kapag nabigatan ka ha?" Nag-aalala kong tanong sa kanya.

"Ang gaan mo kaya." Sabi niya sa akin.

Ipinuwesto ko ang sarili ko ng maayos sa kandungan niya at binuksan ang libro.

"Ang layo mo naman." Sabi niya.

Hinawakan niya ang balikat ko gamit ang dalawa niyang kamay at ini sandal niya ako sa dibdib niya. "Oh ayan, nababasa ko na rin."

Kanina pa kumakabog ang puso sa loob ng dibdib ko. Nagsimula ito noong pina upo niya ako sa kandungan niya at mas tumindi pa ito nung pinasandal niya pa ako sa kanyang dibdib.

Nararamdaman ko sa aking likod ang init na kumakawala galing sa kanya. Sa hindi ko mawaring dahilan ay naramdaman ko rin ang pag-iinit ng aking mukha, lalo na sa mga pisngi ko.

Nahihiya ba ako?

Mabuti nalang at nakatalikod ako sa kanya.

"Sige na, magbasa kana." Basag niya sa katahimikan.

"Akala ko ba mag babasa ka rin?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Hindi na, tinamad kasi ako. Pero salita lang ang nakikita ko." Pagrarason niya.

"Ganito naman talaga yung mga libro eh." Sabi ko sa kanya habang binabasa ko ang unang pahina ng libro.

"Matutulog nalang ako. Gisingin mo ako ha, pagkatapos mong magbasa." Hindi na niya ako pinasagot pa at naramdaman ko nalang na nakatulog na siya.

Kaya nagbasa nalang ako ng libro, habang naka sandal sa kanya.

-

Pagkatapos ng halos trenta minutos na pagbabasa ay napagpasyahan kong tumigil na muna at magpahinga.

Isinara ko ang libro at inilagay ito sa aking kandungan.

Pinagmasdan ko ang lalaki na natutulog sa likod ko at namangha sa angking kagwapohan nito.

Mahaba talaga ang kanyang mga pilik mata. Kitang kita ko na ito ngayon dahil iilang sentimetro lang ang layo layo namin sa isa't isa.

Ang gwapo talaga ng lalaking ito.

Dahil sa ayaw ko na siyang pahirapan sa pagpasan ng bigat ko, kaya napagpasyahan kong umalis na sa kandungan niya.

Pinagmasdan ko muna siya saglit at isinauli ko ang libro sa lalagyan nito.

Umakyat ako sa ikalawang palapag at talagang naging maingat na ako.

Habang nilalagay ko ang libro sa lalagyan nito ay may napansin ako sa pagkakaayos ng mga libro.

Kulay pink kasi ang libro na binasa ko kanina.

Umatras ako ng konti, tama nga ang hinala ko.

May color arrangement ang mga libro na nandidito.

Ngunit may kutob ako na hindi lang ito basta bastang pagkaka grupo ng kulay.

Kaya naman mas inigihan ko pa ang pag oobserba.

Maraming mga kulay pink na libro ang nakahilira pa horizontal at blue naman sa itaas nito na shelf. Tapos pink na naman ulit. Tapos blue at ibang kulay na sa itaas pa.

Bakit parang ang pink lang ang naka horizontal?

Para kasing daan ito. Horizontal na pink tapos blue sa gitna tapos pink ulit.

~•~•~•~
-- Pink
-- Blue
-- Pink
~•~•~•~

Kaya sinundan ko nalang ang nararamdaman ko.

Ini trace ko kung saan patungo ang pagkahelera ng mga pink.

At namalayan ko nalang na nasa kabilang bahagi na pala ako ng silid.

Naputol kasi ang linya ng pink at hinarangan ito ng dalawang kulay green na libro.

May napansin akong isang libro na kulay itim.

~•~•~•~
--- Pink ---| Green
--- Blue ------- | Black
--- Pink ---| Green
~•~•~•~

Ito lang yata ang kulay itim na libro na nakita ko rito.

Hahawakan ko na sana ang itim na libro ng marinig ko ang boses ni Mark.

"Bakit hindi mo ako ginising? Teka, anong ginagawa mo diyan?" Tanong niya sa akin pagkatapos niyang humikab.

"Ah, wala lang. Pinagmamasdan ko lang ang mga libro na nandidito." Pagrarason ko sa kanya.

Di ko alam ang dahilan kung bakit ako nagsinungaling sa kanya. Para kasing may nagsasabi sa akin na isarili ko lang kung ano ang ginawa ko habang tulog pa siya.

"Halika na, malapit na tayong maghapunan." Paanyaya niya sa akin bago niya kinuha ang kaliwang kamay ko at naglakad palabas ng silid na iyon.

Napalingon nalang ako sa sulok kung saan ko nakita ang itim na libro.

Babalikan rin kita.



Itutuloy...

--

Hi Chasers,

May on-going poll po pala ako sa Twitter ko ngayon tungkol sa kung among book cover ang pipiliin ko para sa librong The Antagonist.

https://twitter.com/cxhase_wp/status/1316508137805869056?s=19

Sana po bigyan niyo ng konting panahon ang pag click sa link at pag bigay ng boto niyo sa bet niyong book cover na nasa choices.

Konting briefing lang, ang mga book cover na nandoon ay pawang gawa at pinagawa ko. Try niyong hulaan kung saan doon ang gawa ko, baka may pa premyo ako sa maka hula. Hihi

Btw, naka public lang pala ang account ko sa Twitter so okay lang kahit na kahit di niyo ako e follow. But I'm thinking to make it private soon.

God bless po sa inyong lahat, sana patuloy niyong suportahan ang librong The Antagonist.

Don't forget to vote ang comment po, hikhok. 👉👈🥺

THE LIBRARY
(Only for reference)

https://www.pinterest.ph/pin/285415695104236388/?nic_v2=1b7jCQtoB

PS. Imahinasyon nalang ang gamitin upang mailarawan na ang mga kulay ng mga libro ay naka ugnay sa storya.

Nagmamahal,
Cxhase

-
Date published: 10/15/2020
1st edit: 12/12/2020

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...