Fragments

By mixup15

1K 60 24

This is a collection of the twitter AUs that I posted. :) follow me in twitter. @mixup15 More

Hello, Be Mine (PikaBabe)
Hanggang sa Muli, Hanggang sa Huli (PikaBabe)
You are the Reason (SeBy)
Saglit (BeCka)
Epilogue (PikaBabe AU)

Every Day (PikaBabe)

121 7 4
By mixup15


1

Nakatutok ako sa mga papeles sa harapan ko. Oh God! Saving this damn business is killing me! Kung hindi lang sa sentimental value ng flower shop na 'to matagal ko nang ibenenta.

"Coffee for you, Jem. Napakaaga busangot ka na naman." That's Dana. College friend, turned helper, turned consultant. Tsk. Kidding. Siya na lang ang tanging hindi nagresign sa mga empleyado ko sa shop.

"Look. Bagsak ang sales. Anong nakakatuwa dito?"

2

"Well, atleast hindi ka nagrerenta nitong store. Magagawan pa ng paraan yan."

"Seriously? Angmamahal ng flowers. Walang umoorder." Napahilot ako sa noo ko. "Know what? Iko-close ko na 'tong shop."

"No. Ako ang bahala. Palalaguin natin ulit to. Soonest."

"Yan din sinabi mo last month." I'm close to crying. Mawawala na ba sa akin 'tong shop?

"Basta. Magkape ka muna. Timpla ko 'yan." Kumindat pa siya.

3

"You sure this will work?" Sabi niya flower delivery ang gagawin namin. Since we can't hire riders kami na lang ang magdedeliver. Two to three days ang pagpapa-sked.

"Oo naman." Confident na naman niyang sagot. "Oh kain ka muna ng cake. Let me do this."

Pinanood ko lang siyang tumitipa sa laptop. "May kilala akong pwede nating pag-display-han ng mga bulaklak sa tapat ng school. You know teenagers sa mga jowa niya."

"Magkano ang rent?"

"Libre. Mondays lang tayo magdisplay. Yes!" she cheered. "May 5 deliveries tayo sa Friday."

"Talaga?" iniharap ko ang laptop sa akin. "Evans! Anggaling mo talaga!" Ginulo-gulo ko ang buhok niya na ikinainis niya. Haha!

4

Nagha-hum pa siya habang ginagawa ang arrangement. May tatlong delivery bukas.

"Tatanggap pa ako ng dalawa." Sabi nito saka tinaas ang bouquet. "Ganda 'no? kapag ako talaga nag-aarrange singganda ko."

"Yabang mo. Pero thank you ha. Sobrang big help ka talaga."

"Wala 'yon. Nagpromise kaya ako sa daddy mo." Nakaramdam na naman ako ng lungkot. Nawala si Daddy na si Dana ang nagbabantay sa kanya. Inuna ko pa kasi ang pride ko. Angtanga ko e.

"Mumultuhin ka ni tito kung gaganyan-ganyan ka na naman."

5

Sinara na namin ang shop. Ihahatid niya ako sa bahay ko. Living alone. Yes. Malungkot? Yes. Pero hindi naman ako basta-basta mag-give up.

"Nakakamiss ang may sariling sasakyan."

"Huwag mo nang ma-miss. Atleast nakakatipid ka 'di ba? Ayaw mo nun? May pretty kang driver?" nag-pogi sign pa e.

"Malay mo 'di ba? Mapagod ka rin sa kakahatid at sundo sa akin. Maigi na 'yong may sariling sasakyan."

"E de nawalan ako ng malay! Haha! Saka kung mapapagod de magpapahinga."

6

"Why are you doing these? I mean ito lahat. You never left me. You're so nice to me kahit sinusungit-sungitan kita."

"Dapat ba may rason?"

"Of course! My God, Dana! Isinantabi mo na rin ang sarili mong kaligayahan. Nakakahiya na sa parents mo."

"Sino naman ang nagsabi sa'yong isinantabi ko ang kaligayahan ko? Judger ka Mimah."tawa pa niya sa akin. "Huwag kang mag-over think. Hindi maganda sa health yan."

7

Humiga ako sa sofa pagkauwi. Siya deretso sa kusina. Naririnig ko na ang mga kaserola.

"Mimah, pamamahayan na ng gagamda 'tong mga to kung hindi mo gagamitin."

Nagtakip ako ng tainga ko. Nagger Dana! "Puro ka na lang instant. Magluto ka naman ng totoong pagkain."

Ganyan siya pero nagluluto na 'yan. When my dad passed away, mommy left naman for work. Kaya heto ako, solo sa bahay. Sinong hindi mag-oover thinkg diba?!

Naamoy ko na ang adobo. "Kamahalan, lika na dito. Kakain na tayo."

8

Angsarap niyang magluto! Walang sabaw 'yong adobo. Anlambot pa ng karne.

"Sabi ko naman sa'yo dito ka na tumira para may kasama ako."

Tinignan lang niya ako. "Mauumay ka sa mukha ko. Ayoko nga. Para naman mamiss mo ako nang ilang oras."

"Mukha mo Evans. Kulang na nga lang dito ka tumira."

"E yaan mo na. Oks na ako sa aking litol house."

9

Movie marathon! Horror! Haha! Nangunguna pa siyang sumigaw kaysa sa movie. Yakap-yakap ko ang tuhod ko. Siya naman nakayakap sa throw pillow.

"Langya ka naman kasi Mimah. Angdaming pwedeng panooring horror pa."

"haha! E maganda kaya yan."

"Anong kinaganda ng mga bigla-biglang lilitaw na..tangina! Yan na naman!" Naitakip niya sa mukha niya 'yong throw pillow.

"Mamaya Evans lilitaw yan sa back seat."

"Tigilan mo ako Mimah."

10

And hindi na siya umuwi! Haha! Matatakutin talaga 'yan. Mukha lang siyang astig pero baby yan. Madaling dagain sa dibdib.

"Ganda ng movie ano? Tamo parang gusto mo pang manood. Hindi ka umuwi." Biro ko pa sa kanya.

Hindi siya umimik. Napikon yata sa akin.

"Evans. Tatampo? May nakakatampo ba?"

"Ha?" umiling siya. "Naiimagine ko 'yong multo. Buweset e. Paano ako makakatulog nito."

"Kawawa talaga ang baby. Tabi tayo."

11

"Evans, hindi ako makatulog." Humarap siya sa akin pero nakapikit. "Dana..."

Nagmulat siya ng isang mata. "Inaantok na ako Mimah. Maawa ka naman."

"Bakit hindi mo ako iniwan?"

"Matulog ka na."

"Lapit na valentine's, Evans. Anong gift mo sa akin?" Gusto ko lang talagang damayan niya ako sa insomia ko. Kaya kukulitin ko siya nang kukulitin.

"Every day..."

"Huh? E yung seryoso. Gawin mo namang romantic. Ala na nga akong boyrfriend e. Pakiligin mo naman ako."

12

Grabe. Tinulugan lang ako e. Bakit ka nga ba nag-stay Evans kahit tinaboy-taboy na kita noon?

Inaatake talaga ako ng insomia. Madaling araw na. Nakailang baling na si Dana hindi pa rin ako makatulog.

Bumangon ako. Magpapahangin na lang nga ako sa balcony. Hay.

"Bakit ka bumangon?" kinukusot-kusot ni Dana ang mga mata niya. "Nagugutom ka ba?"

Nilapitan niya ako. Isinuot niya sa akin ang hoodie niya. "Pagkatapos ng balat buto ka na agad. Delikado ka sa lamig."

Napakabully!

13

Delivery time na! Sabi niya i-vlog ko daw 'yung pagdeliver namin para marami ang ma-engganyo. She does the talking. Ako taga-video lang. Anniversary 'yung unang delivery. May pa-harana pa siya.

"Okay ba? See? May tip pa tayo from Client." Pagbibida niya.

"Alam mo hindi ko alam kung sa flowers kinilig yung babae o sayo. Iba ang ngiti e."

Natawa siya. "Sus. Huwag selos Mimah. Ikaw pa rin." Akmang pipisilin niya ang pisngi ko pero naunahan ko na ng palo.

"Tigil ka Evans. Hindi ka funny."

14

My God! Sabog ang notifs ng page! Halos lahat puri kay Dana. Meron pang comment oorder siya para sa sarili niya para makita niya si Dana.

"Grabe ka Dana. Kung last month pa tong gimik mo sana marami na tayong profit."

"Last resort ang kagandahan ko." Hinaplos-haplos pa niya ang baba niya. Her cliff chin na pinagyayabang niyang asset niya. "Alam mo namang ayokong may kaagaw ka. Pero wala e. Dito na lang tayo kakapit sa kagandahan ko."

Angsarap niyang batuhin. Angyabang. Nasabihan lang ng maganda!

15

Monday. We got to display our flowers near the university. Hindi ko inaasahan na dadagdain kami. Ang siste pwedeng makipicture sa kanya kung bibili ng flowers. My God! Parang binebenta niya ang sarili niya ah.

"Kumain ka muna." Inabutan ko siya ng sandwich. "Hindi na tayo uulit dito."

"Ha? Bakit? marami tayong benta."

"Kasi you're like selling yourself na, Dana. Hindi ako natutuwa."

Natawa siya. "Ano ka ba? Win-win situation naman 'yon. They get what they want. Nakakabenta tayo."

"Pero, evans..."

"Don't worry, okay? Ang alalahanin mo na lang makakabawi tayo sa lugi."

16

Ako ang tumatanggap ng mga orders. Hindi nga ako nagkamali na may oorder ng para sa sarili. Nakakaloka! I know it's invading their privacy pero angbrowse ako ng profiles ng isang client. May album na puro picture ni Dana. Wth?!

"Uy ano 'yan? Bawal 'yan."

"Stalker mo yata to."

"Pwedeng tagahanga lang? Client natin?"

I nodded. "Hindi na to nakakatuwa Dana. Baka kung saan pa umabot ang mga ganito."

"Don't worry. It's just mere admiration naman for sure. Saka kasama ka namang magdeliver."

17

Yung mga nagpadeliver para sa sarili nila hindi ako nagpapakita. Nasa kotse lang ako. Napaka! Napaka-friendly mo Dana! Okay lang nakayakap sa'yo? Last delivery. Lola 'yung bibigyan ng flowers kaya bumaba ako. Pag lola kasama ako pag bagets siya lang. Naku!

Inaya pa kaming magmeryenda. Nakakahiya si Dana! Game agad! Birthday kasi ni Lola.

"Kain lang kayo ha?" sabi ni Lola. "Hija, bakit angtahimik ng gelpren mo?"

Nagkatingin kami ni Dana. "Po? Gelpren?"

"Oo. Hindi ba't gelpren mo siya?"

18

Tumawa si Dana. "Lola naman. Joker. Hindi po. Pren ko siya Lola. Close pren."

"Ah ganun ba? Sabi ng apo ko e mukha kayong mag-gelpren."

Ang-chika ni lola. Pinakita ba naman sa amin ang phone ng anak niya. Yung mga si-nave niyang pictures namin ni Dana. Hindi namin alam may fanpage pala kami.

"Haha! Mimah! Labteam na pala tayo oh. Ganda ko dito oh."

"Pasensya na ate." Sabi ng apo. "Cute niyo daw kasi sabi sa group kaya kumalat yung pictures niyo."

"Okay lang."sagot ni Dana. "Diba Mimah? I-tag niyo ang flower shop namin ha?"

19

Nasa apartment niya kami. Buong byahe hindi ko siya inimik.

"Bakit angtahimik mo?"

"This is too much. Isasara ko na lang ang flower shop. Parang binebenta mo ang sarili mo. Napagkakamalan pa tayong mag-girlfriend. Nakiki-ride on ka naman. It's like adding fuel to the fire Dana. Hindi naman totoo 'yon."

"And? Kung gusto mo naman totohanin na natin." Saka ito tumawa.

"Dana! Hindi ito joke time."

20

No deliveries muna. May sakit kasi si Dana. Pinuntahan ko na dahil 8:00 na e hindi pa rin nagpaparamdam. Hindi pala kayang bumangon.

"Mimah, anong kinain mo kanina? Baka instant na naman."

"Ako pa rin ang iniisip mo e ikaw 'tong may sakit." Angtaas ng lagnat na niya. "Dadalhin na kita sa hospital."

"Huwag na. Pahinga lang to. Baka may orders tayo."

"Wala. Close ang page. Matulog ka nga muna."

Niyakap niya ang unan. "Huwag kang aalis ha, Please."

21

Naka-display sa table niya ang pinakaunang picture namin. Nakainom siya nito. Angpula pa ng mukha niya oh. May nakasulat na Every Day.

Nagri-ring ang phone niya. Messenger? Babae. 'Yung umorder ng flowers!

Sinagot ko. Pero hindi ako nagsalita. "Miss D! Grabe! Angganda nung ni-recommend mong spoken poetry! Asa in! Hindi na ako naniniwala sa forver! Sa every day na lang talaga."

"Miss D? Nagkasakit ka na talaga? Uy Okay ka lang?"

Ki-nut ko ang call. Paano niya nasabing nagkasakit na nga talaga si Dana?

22

Ayokong awayin siya pero naiinis ako! Sobra! Kahit may sakit siya hindi ako maawa e.

"Mas maalam pa ang ibang tao? Bakit hindi mo sa akin sinabi na masama na pala ang pakiramdam mo?"

"Mimah naman. Bukas mo na ako awayin."

"Hindi kita inaaway. Ang sinasabi ko bakit sa iba mo sasabihin na masama ang pakiramdam mo? Ano na lang ba ako? Wala lang?"

Nagtakip siya ng unan sa ulo. Maya-maya naririnig ko nang humihikbi siya. What? Kasalanan ko pa?!

23

Magaling na siya. Pero hindi pa rin kami nag-uusap. Naiinis pa rin ako e.

"Valentine's na sa makalawa. Hindi mo pa rin ako iimikim?" here she goes again. Nagpapaawa na naman.

"Alam mo kung bakit ako naiinis? Nandito ako. Close tayo. Pero sa iba mo sasabihin na masama ang pakiramdam mo. Nakipagpuyatan ka pa sa akin e may dinaramdam ka na pala."

"Ayokong malungkot ka kasi. Sorry na. Next time sasabihin ko."

"And you're talking to random girls. Cliens pa natin. Anong meron?"

Napakamot siya sa ulo niya. "Wala. Just being friendly?"

I can't believe it! "Ewan ko sa'yo, Evans."

24

It's Valentine's! Maraming deliveries. Ako ang magda-drive. Hindi pwedeng mabinat 'tong delivery girl ko na gandang-ganda sa sarili. Six deliviries. Open din ang shop at display sa tapat ng university. Nag-hire kami ng tao para sa araw na to.

"Baka maki-meryenda ka pa, Dana ha."

Inayos niya ang salamin niya. "Umorder kaya ako ng meryenda natin. Buti magkakalapit lang 'tong clients natin. May time pa tayong magbonding sa balentayms."

"Balemtayms. Marami tayong customers. Sa university tayo after deliveries."

25

Shocks! Ubos na ang flowers sa may univ. Maaga ang pack up. Medyo nakakainis lang ha. May bisita si Dana. Hinintay daw talaga siya. Si Client na hindi ko na inalala pa kung ano ang pangalan.

"Miss D, may gift ako sa inyo." She handed tickets to Dana.

Binasa niya ito. "Oh My God! Talaga? Halla! Favorite ko siya."

"Gamitin niyo na. Kasama sa line up si Serge."

Tuwang-tuwang lumapit sa akin si Dana. "Mimah, punta tayo dito. Sige na. Please?"

26

It's café. VIP tickets 'yung binigay sa kanya. Magkakaroon ng spoken poetry ngayon. She's a fan of it pero hindi ko alam na gusto niyang manood ng live. Or maybe I never asked.

Habang ako ay bored na bored na siya naman ay parang nagninigning ang mga mata habang nakikinig sa nagpe-perform.

Naluluha pa siya. Hay Dana. Ang-soft mo! Pinunasan ko ang tumulong luha niya.

Coffee, me, blueberry cheesecake ang crying Dana. Perfect valentines.

27

At the moment Serge Gabriel is performing his piece "Every Day." And this woman in front of me is like a fan girl!

Yan 'yung nabanggit nung Client.

As Serge continues, "I love you until the end of my life. But I love you every day? Noone ever says that."

Totoo nga. Mas romantic kasi 'yong I love you always. O kaya I love you forever. Kilig!

"Noone ever say every day because every day is concrete and concrete scares people."

Huh? Totoo! May point siya dun. Concrete things scares lots of people.

28

"Dinner will not be just dinner. Conversation will not be just conversation..."

Bakit sa bawat bitaw niya ng salita ay mga panahon na magkasama kami ni Dana ang naalala ko?

I found myself interested with this piece. He even compared love and pokemon. The feelings everytime you see that person, it's like feeling the different attacks of pokemons at the same time. He's a genius! No wonder Dana loves his works!

"Isn't love like grass? Isn't it just there even if you don't get to notice it most of the time?"

29

"Let me love you whenever you feel sleepy, hungry, sad or happy or strangely all of the above. I will be there for you..."

Ewan ko ba. Yung luha ko nakitulo na rin. It's all about her! Lahat ng mga pagkakataong si Dana ang dumadamay sa mga panahong down na down ako. Kahit siguro mababaw lang na dahilan ico-cocomfort niya. Darating na siya na may dala-dalang kape at comfort foods.

"Let me love you the only thing you will be frighten about are the horror movies that we will watch together. I promise I will only close my eyes, when you're not looking."

Haha! Hindi ko napigil ang tawa ko. Napatingin sa akin si Dana. "Oh? Bakit?"

30

Ilang beses akong umiling. This piece is Dana! Everything about her! Patapos na yata si Serge. Bumuntong hininga siya. Can someone finish the piece for me?

Nagtaas ng kamay si Dana. Binigyan siya ng mic ng staff.

"Now this may be the unpopular opinion. But if people ask me what's the most romantic thing I can give to another person,it's always just one answer. It is every day." Humarap siya sa akin. "So if you let me. If I may. Let me give you all of these days. And if you let me. If I may. I do hope you let me to start no day BUT TODAY."

Saka isa-isa akong inabutan ng ilang staffs ng mga bulaklak. Evans!

31

After sa café. Dinala niya ako sa university. Sa open field. Lakas ni Evans! Pinapasok ng guard! Ang liwanag namin ay ang buwan at headlight ng kotse.

May portable chairs din, yung nai-slide para hindi nakakangawit tumingin sa langit. May sounds din at drinks siyempre. Wine! Pinaghandaan ni Evans!

"Hindi ko kasi afford and five star resto. Dito na lang tayo sa billion stars view."

"Akala mo ba nalimot ko na kung ano ang meron sa lugar na 'to?"

32

"Valentines 2018. It was a wednesday. Dinala kita dito." Paglalahad niya. "I confess my feelings. Hindi ko na maalala ang sinabi ko nun pero naalala ko ang sagot mo. Sorry I have a girlfriend."

It's true. I do have someone that time. "Pero hindi mo ako iniwasan."

"Bakit kita iiwasan de nalungkot ako. And kilala ko ex mo. Hindi ako nagkamali 'di ba? Iniwan ka niya."

She's right. Nalaman ko rin na pinagpustahan lang ako. Kinonfirm lang ang na attracted ako sa girls. "You should have warned me. Kilala mo pala e."

"Why should I? De nagmukha akong kontrabida. Mahal mo yon siyempre LagBu ka sa katotohanan."

33

"Angbilis ng five years no?" bumuntong-hininga siya. "I would still stay by your side. Until makatagpo ka na ng totoong magmamahal sa'yo."

"Why are you telling me that? Napapagod ka na ba?"

"Baliw. Hindi ka nakakapagod samahan 'no. Gusto ko nga 'yon. Napaparamdam kong mahal kita. Advantage diba? Yan nasabi ko tuloy. Sorry. Huwag kang maiilang ha? Baka tanggalin mo ako sa work niya. Mawalan ka ng charm sa negosyo."

Isn't love like grass? Isn't it just there even if you don't get to notice it most of the time? The poem is like pieces of Dana.

34

Tumugtog ang isa sa mga favorite niyang kanta. Ikaw at Ako. "Uy sayaw tayo Mimah dali."

Nagmamadali naman parang matatapos ang agad ang kanta. Ipinatong niya ang mga kamay ko sa balikat niya habang siya nakahawak sa beywang ko.

Bakit malakas magpaiyak ng kantang yan? Pinahid niya ang luha ko. "Mahal pa rin kita. Mula noon hanggang ngayon Mimah."

This moment, na-realize ko kung gaano ako ka-swerte. Napayakap ako sa kanya. "Thank you. Please, stay with me, Dana."

35

Kumalas siya sa yakap ko. She's still holding on my waist and I am holding on her arms. " I loveyou...So if you let me." Nangiti siya. Here it goes again! Yung feeling ko kanina sa café. I really love to hear it from her. "If I may. Let me give you all of these days. And if you let me. If I may. I do hope you let me to start no day BUT TODAY."

I gave her a quick kiss on her lips. God! She's such a cutie when stunned!

"Hindi ka na magdedeliver ng flowers. Magha-hire tayo ng rider. Okay?"

She smiled and kiss my forehead. "I love you, Mimah. Every day."

"I love you too..."

And we sealed the valentine's day with a kiss.

Continue Reading

You'll Also Like

184K 12.3K 56
| COMPLETED | METRO MANILA, PHILIPPINES YEAR 2051 Kaya mo bang lumaban para mabuhay? O magiging duwag ka hanggang sa mamatay? Kaya mo bang makatakas...
976 23 22
Mikha Lim lost her memories from a car accident. Desperate to regain her memories, she finds herself attracted to her lover's older sister, Aiah Arce...
9.7K 342 65
neardy type na mahilig magbasa ng novel about reincarnation ngunit paano kapag napunta Siya sa pinaka favorite niyang libro?... nanaisin niya pa bang...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...