The Wicked Liar 2: The Lying...

By kathipuneraaa

2.8M 44.8K 4K

[Book 2 of 3] Tears shed, sacrifices has been made, complications hindered. After the long story of chase and... More

Prologue
Chapter 1: Not Real
Chapter 2: The One
Chapter 4: Without You
Chapter 5: Small World
Chapter 6: Kiss
Chapter 7: Tattoo
Chapter 8: Ring
Chapter 9: Unfair
Chapter 10: Bad News
Chapter 11: Later
Chapter 12: 182 ❤
Chapter 13: Reason
Chapter 14: Compensation
Chapter 15: Sanction
Chapter 16: Almost Perfect
Chapter 17: Adjust
Chapter 18: Favor
Chapter 19: Distract
Chapter 20: No One
Chapter 21: Crazy Inlove
Chapter 22: Future
Chapter 23: Cheater
Chapter 24: Heir
Chapter 25: His Light
Chapter 26: Proud
Chapter 27: Until The End
Chapter 28: Marry Me
Chapter 29: No Buts
Chapter 30: Like You Do
Chapter 31: Lied
Chapter 32: Please
Chapter 33: Cool Off
Chapter 34: Gap
Chapter 35: You Again
Chapter 36: Just Like That
Chapter 37: Awkwardness
Chapter 38: Beating Heart
Chapter 39: Shotgun Wedding
Chapter 40: Six Feet Below
Chapter 41: Be Brave
Chapter 42: Life And Lies
Chapter 43: Always
Chapter 44: The Queen
Chapter 45: Miss Education
Chapter 46: Special Girl
Chapter 47: Provoked
Chapter 48: Just Go
Chapter 49: Two Lines
Chapter 50: Wake Up
Chapter 51: Nothing Left
BOOK THREE!
HTWL 1 SELF PUBLISHED BOOK DETAILS
HEARTLESS: THE WICKED LIAR TRILOGY
Pop Fiction Version
Publish Book by Pop Fiction
MIBF 2023

Chapter 3: Together

74.6K 1K 76
By kathipuneraaa

Kung si Hazel and Gus may "Okay? Okay" well, may ganyan din kami ng babe ko. "Together? Together" naman ang samin.

Secret code namin yan. I mean, everytime na may gagawin kaming isang bagay, everytime we're together at kung kailan lang namin magustuhan, sasabihin namin yan sa isa't isa. It also just stands that we're "together" always in everything.

At first it looks like just a caprice sa relasyon namin but then sa tuwing naririnig ko sa kanya yan, sobrang saya ng feeling. Yung tipong kahit pagod na pagod ako mawawala yun. Tsaka sa tuwing sinasabi niya yan feeling ko mas lalong tumitibay ang relasyon namin.

"Here comes your boyfriend" sabi nung classmate kong si Alice sabay siko pa sa tagiliran ko. Napaangat tuloy ako ng tingin.

Nakita kong pumasok sa front door si Derick na may dalang bouquet ng flowers at papunta sa pwesto ko.

"Hi, Derick!" bati pa sa kanya nung classmate kong si Cielo na nginitian niya lang at tinanguan. Kilala din ng mga kaklase ko si Derick dahil classmate namin siya sa mga minor subjects maliban sa biology dahil hindi niya pwede i cross enrol

Impit naman na nagtilian ang mga kaklase ko. Since education department ito, karamihan ng mga estudyante babae. At karamihan sa mga babae are sucker of romance. Jeez, ano ba tong ginagawa niya?! Kailangan ba every other day dinadalhan niya ako ng bulaklak?

"Babe" lumuhod pa siya sa harapan ko at inangat yung bulaklak kaya mas lalong lumakas ang sigawan. Nawala na tuloy yung concentration ko sa ginagawa kong reflection na mamaya pa naman ang pasahan. Actually assignment to eh. Nagawa ko naman na kaso bwisit nawala!

"Babe naman may ginagawa ako. Di ba may klase ka?" tanong ko sabay buklat nung binder ko kung nasaan nakatago yung copy ko ng schedule niya. At base sa nakikita ko, oo may subject siya sa mga oras na to.

Pinalobo niya yung pisngi niya at nag puppy eyes. Yung mga kaklase ko naman kaliwa't kanan ang pang aasar. Mabuti na lang at wala pa si Ma'am Veluz. Isa sa pinaka masungit na professor dito sa buong university. Sa katunayan takot sa kanya maging ang mga taga ibang department dahil sobrang strikta. At kung maabutan niya si Derick sa ganitong ayos, well hindi ko na gustong isipin ang pwedeng mangyari.

"I cut classes to buy this at ibigay sayo. Ayaw mo ba?" malungkot na tanong niya na as if namang makukumbinsi ako ng tono niyang yan.

"Hindi naman sa ganun" kinuha ko na yung bouquet sa kanya at tumingin muna sa paligid. Kahit may ilan pa din na naka tingin, I gave him a quick kiss. Pagtapos nun umalis na siya sa pagkakaluhod niya at umupo na sa tabi ko.

"Ayieee" magkakasabay na tili na naman ng mga kaklase ko. Sa totoo lang magaganda din naman sila. Lalo na si Cielo at Alice. Malalaki pa di hamak ang dibdib kaysa sakin at mas may hubog ang katawan but then, hindi man lang sila napansin ni Derick. O kahit sino pa sa mga classmates ko na magaganda din.

Kaya ano bang maipipintas ko sa kanya? He's so perfect. Si Derick yung klase ng boyfriend na hindi ka hahayaan na ma insecure sa ibang babae dahil ipaparamdam niya sa'yo na ikaw ang pinakamaganda.

"Hindi ba pwedeng mag cutting ka na lang, baby? Hindi pa ako naglu lunch eh. Let's dine out? Tsaka darating pala yung friend namin ni Nico from States. I want you to meet her" he pouted his lips sabay akbay sakin

Tumaas ang kilay ko sa pagtataka. Hindi naman niya naikwento sakin na may kaibigan pala silang babae ni Nico

"Oh come on, babe. Are you jealous? Friend ko lang yun" sabi niya na hindi naman totoo. Bakit naman ako magseselos eh kaibigan naman nila yun ni Nico? Magseselos siguro ako kung past love niya yun.

"Selos agad? Nagtataka lang ako dahil hindi mo naman nasabi sakin na may kaibigan ka palang babae"

"Nasabi ko na yun nung high school tayo. Probably nakalimutan mo lang" kung nasabi man niya nga, oo hindi ko na maalala. "So babe, let's dine out?"

Mariin akong umiling "I can't babe. May ipapasa kaming reflection paper kay Ma'am Veluz. Tsaka kasi baka mag quiz kami" dahilan ko na totoo naman. Kung meron mang klase na ayokong absent an, klase ni Ma'am Veluz yun. Tuwing meeting namin sa kanya pagka dami dami ng ginagawa at umabsent ka lang ng isa malaki ang mawawala sayo.

Huminga siya ng malalim at inalis ang pagkakaakbay sakin. Isang taon ko nang kilala si Derick at alam na alam ko na ang ugali niya. This time alam kong nagtatampo siya.

"Babe naman.. Pwede naman mamaya after classes eh" I started sa tonong humihingi ng pang unawa. Kung pwede lang naman kasi eh bakit naman hindi di ba? Gusto ko din naman siya makasama pero syempre hindi lang naman dapat sa akin umikot ang mundo niya at ganun din sakin.

"I understand. It's just, gusto lang talaga kita ipakilala kay Penelope. And.. I cant wait to fucking kiss you again" okay kahit hindi ko nakikita ang sarili ko alam kong nagb blush ako. Ibang klase talaga tong Derick ko.

"Oh bakit hindi mo pa gawin?" noon ko lang na realize kung ano ba yung sinabi ko. Hay Erica, dont tease him!

Ngumiti siya ng nakakaloko at hinawi yung buhok ko na nasa mukha ko "Ayoko eh. I want to do it properly. Where I can kiss you as long as I want. I want to see you blush while we do it and baby.." medyo inilapit niya ang mukha niya sakin "I dont want to kiss you in front of many people lalo na kung may mga lalaki. Ayokong ma curious sila at mainggit dahil baka makita nila how good you kiss then ipa kidnap ka nila at agawin ka sakin" he said at tinignan yung tatlong lalaki kong classmate na medyo malayo naman samin nakaupo.

"Derick, umalis ka na!" nagulat na lang kami nang lumapit si Cielo, Kim at Hannah samin at hatakin si Derick papunta sa back door. Wala naman din nagawa si Derick maybe dahil nagulat din siya.

Magtatanong pa lang sana ako kung bakit nang makita kong pumasok si Ma'am Veluz sa front door. Instantly, everyone settled down. Napatingin sakin yung mga classmates ko na parang kinakabahan and from there na gets ko na kung bakit hinatak nung tatlo palabas si Derick

Dahil kapag naabutan niya dito si Derick, patay kaming dalawa.

"Buti na lang ang bilis nila Cielo" huminga ng maluwag si Alice at tinapik ako sa balikat. Kahit ako nakahinga ng maluwag. Jusko kung wala yung tatlo, ano na kaya? Muntik na kami!

Dumaan si Cielo, Kim at Hannah sa harapan ko and I bid them my silent thanks. "Magkita daw kayo after class" sabi pa ni Hannah

"Ipasa na ang mga reflection papers" Ma'am Veluz announced to the whole class. Natutop ko ang noo ko. Hindi ko pa pala natapos yung sakin. Kasi naman si Derick eh!

"Ipasa mo na din yan Erica, kaysa naman sa wala" kaya kahit wala pang ten sentences yung sinulat ko ibinigay ko na lang din kay Alice yung papel ko.

"Erica, nakaka inggit ka" nilingon ako nung classmate kong si Angela na nakaupo sa harapan ko

"Bakit naman?" nagtatakang tanong ko dahil wala namang kainggit inggit sakin

"Bukod sa gwapo ang boyfriend mo, halatang halata na mahal na mahal ka niya. Yung way pa lang na tignan ka niya grabe na eh. Every girl wants a man like yours who looks at her as if she's the only girl in the room."

Hindi ko maiwasan mapangiti dahil sa kilig. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na may nagsabi na halatang mahal na mahal ako ni Derick pero sa tuwing naririnig ko yun, nakakatuwa pa din.

"Dela Serna!" halos mahulog ang puso ko nang marinig kong tawagin ako ni Ma'am Veluz sa mataas na boses. Napatingin muna ako kay Alice dahil kinakabahan ako.

"Yes ma'am?" pautal utal na sabi ko at tumayo

Noon ko lang napansin na may hawak siyang papel. Probably, yung ipinasa ko. Patay

"Sa lahat nang nagpasa ikaw lang ang pinaka maiksi. Ni wala ngang sampung sentences to! Niloloko mo ba ako?!" sasagot pa sana ako na magsosorry pero laking gulat ko nang punitin niya ang papel ko

"Wag kang loko loko dito sa subject ko ha! Gusto mo ba ibagsak kita?!"

"Hindi po ma'am" oh sahig bumuka ka na at lamunin ako

"Yun naman pala eh! Get out of my class!"

Hindi ko na itinago ang pagkabigla. Sobra naman ata kung palalabasin ako di ba? "Pero ma'am--"

"Lalabas ka o isi singko kita?"

"Wag ka na makipagtalo, Erica. Lumabas ka na lang" bulong sakin ni Alice at alam kong tama siya

Kinuha ko yung shoulder bag ko at yung bouquet. With a heavy heart lumabas ako. Hays sana naman wag siyang magpa quiz ng madami. Tsk, kasalanan ko din naman eh. Actually nakagawa naman na ako kaso nawawala. Hindi ko alam kung naiwan ko sa study table ko sa kwarto ko o nahulog ko.

Papasok na sana ako sa library ng tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko yun sa bag ko at tinignan muna kung sino ang tumatawag. Si Derick. Tsk, ang kulit din ng isang to. May klase siya eh. Para namang di kami magkikita mamaya.

"Hello?!" anyway sinagot ko na din

"Oh bakit pinagtataasan mo ako ng boses?"

"Wala nakakainis lang kasi. Pinalabas ako sa klase" I confessed at tumabi sa gilid dahil nakaharang pala ako sa daanan

"Bakit? Kasi wala kang reflection paper?"

Napakunot ang noo ko "Paano mo nalaman?" tanong ko na nagtataka.

"Eh kasi nasa'kin yung reflection paper mo"

"Huh?!" hindi ko mapigilan magtaas ng boses. May mga napatingin pa sakin kaya sa hiya ko naglakad na paalis

"Yes baby. Hindi ko alam kung paano napunta dito sa libro ko"

"Tsk" wala na akong masabi dahil naiinis ako. Sana hindi ko na lang nalaman na nasa kanya pala para wala akong maramdamang panghihinayang

"Wala ka bang klase? Derick naman, baka nagdi ditch ka ng class?" tanong ko sa kanya dahil napapansin ko na parang wala siyang ginagawa. Ako nga naii stress na samantalang siya nakuha pa na tawagan ako

"Nagdi ditch ng classes? Eh sa wala kaming teacher eh! Tsaka teka nga, bakit Derick lang ang tawag mo sakin?"

I rolled my eyes. Big deal talaga sa kanya yan kapag hindi ko siya ginagamitan ng endearment. Feeling niya daw kasi galit ako kapag ganun

"Sorry naman" nakasalubong ko yung kaklase ko sa isang subject at nginitian ako so I smiled back

Paglabas ko ng building dumiretso na lang ako sa garden at umupo sa bench. Hinanap ko sa bag yung libro na binigay sakin ni Nico nung christmas party namin nung fourth year kami. Matagal na sakin to pero masyado kasing madaming nangyayari nun kaya ngayon lang ako nagka time magbasa.

"Wala kaming classes pala for the whole day dahil may faculty meeting. Ikaw di ba last subject na yan? Can we go now?"

"Wag ka mag reason out dyan ah baka gusto mo lang talaga mag ditch" may pagdududa pa din na sabi ko

"You dont trust me?" para namang may pagtatampo yung boses niya

"Hindi naman sa ganun. Nag aalala lang kasi ako na baka pinapabayaan mo ang pag aaral mo para sakin. Babe kapag nagkaroon ka ng bagsak ano kaya iisipin ng parents mo? Baka sabihin nila na bad influence ako sayo. Kaya sana naman mag aral ka na para walang problema. Okay?" pag explain ko dahil yun naman ang totoo. Mahirap na noh baka mag isip pa ng masama ang parents niya.

Narinig ko na humingi siya "Alam ko yun. Hindi ko naman pinapabayaan studies ko eh. Totoo naman na wala kaming classes kahit pumunta ka pa dito at magtanong sa mga kaklase ko. Tawagan mo pa si Annabeth"

"No need okay? Kapag sinabi mong hindi. E di hindi" sagot ko kaysa naman isipin niya na hindi ko siya pinagkakatiwalaan

Magkapareho sila ni Annabeth ng course pero hindi sila magka block. Business Management. Si Elise naman wala na sa bansa. Nasa Paris sila ng daddy niya dahil doon na siya mag aaral ng fashion designing. Si Nico naman sa Erudite University nag enrol - rival ng school namin, dahil maganda ang architecture doon.

Karamihan din ng mga classmates namin nung fourth year dito nag aral pero bihira kami magkita kita dahil sa laki ba naman ng school na to

"Nasaan ka ba? Puntahan kita. Niyaya ako ng mga classmates ko sa bilyaran pero tumanggi ako kasi sabi ko susunduin kita"

Napangiti ako sa sinabi niya. Ang sarap lang kasi isipin na nasa priority list niya ako.

"Nandito sa garden sa gilid ng Education department"

"Okay I'll be there" then he hanged up. Inilagay ko na sa bag ko yung cellphone ko at binuklat yung book. The Catastrophic History of You and Me ang title. Nabasa ko na yung synopsis na nakalagay sa likod at mukha ngang maganda

"Hello miss, wala kang kasama?" at dahil nga nagbabasa ako hindi ko napansin na may lumapit na pala sakin na dalawang lalaki. Yung isa nakapamulsa at yung isa naman may hawak na folder

"Obviously.." sasabihin ko na sana na wala but I trailed off. Tinignan ko sila ng mabuti. Hindi naman sila mukhang mga manyak pero anong malay ko na baka may gawin sila sakin na masama?

Tumingin muna ako sa paligid. Mukhang mahihirapan akong makatakas. May couple akong natatanaw na nagm make out mula dito sa kinauupuan ko but I doubt it kung mapapansin nila kami.

Hinarap ko na yung dalawang lalaki. Lumunok muna ako and say "Uhm, meron eh. Ayan oh hindi niyo ba nakikita?" tanong ko sa kanila sa pa cool na tono pero deep inside kinakabahan na ako "Ella mag hi ka nga sa kanila" tumingin ako sa tabi at kunwari may nakikita akong ibang creatures. Eh sa eto lang naiisip ko para maitaboy sila eh

"Pre, baliw ata to eh" dinig kong bulong nung lalaking may hawak ng folder doon sa kasama niya

"Miss, wala naman kaming gagawin. Gusto lang sana namin humingi ng favor kung pwede mong sagutan tong survey form namin. Project kasi eh"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Shit, nakakahiya tong inisip ko. Nag assume agad ako na babastusin nila ako yun naman pala may hihingin lang na pabor sakin.

"Ay, ganun ba? Haha sige" binigay sakin nung lalaki yung folder na survey form at laman at isang ballpen

"Thank you ate ah? Project kasi naman yan sa Filipino" nag nod lang ako doon sa lalaki habang sinagutan na yung survey. Tungkol sa pag gamit ng social network yung mga tanong kaya hindi naman ako gaano nahirapan.

After a few minutes binigay ko na ulit sa kanila yung folder "Eto na oh"

"Salamat po ate. Sorry kung naabala--"

Hindi niya na naituloy ang sasasabihin niya. The next thing I know ay nakatayo na ako at yung dalawang lalaki nasa semento na

"Anong ginagawa niyo sa girlfriend ko?!" tanong sa kanila ni Derick sa nanlilisik na mata. Sinipa niya pa yung isa

"Babe" nilapitan ko siya at hinawakan. Hinapit naman niya ako ng mahigpit sa isang braso niya habang nakatingin pa din doon sa dalawa na hindi pa din nakakatayo

"Wala kaming ginagawang masama pre"

"Wag mo kong tatawaging pre ha!" iisa pa sana si Derick pero pinigilan ko siya. Tinignan ko yung couple and as I expected wala ngang pakiilam

"Babe wala silang ginagawa. May pinasagutan--"

"Wag mo na nga silang pagtakpan, Erica!" he snapped at me

"Pwede ba makinig ka muna? Wala naman silang ginagawang masama eh!"

Maybe because he snapped at me kaya nagawa kong pagtaasan siya ng boses. Nang makita ko ang reaksyon niya gusto ko na mag sorry. Pero kasi naman eh..

"Okay" yun lang ang sinabi niya at pabalya akong binitawan. Tumalikod na siya at mabilis na naglakad

Hinarap ko yung dalawang lalaki "Sorry ah" hindi ko na hinintay na sumagot sila. Kinuha ko na yung mga gamit ko at nagtatatakbo na ako para abutan si Derick na medyo nakakalayo na

"Babe!" tawag ko pero hindi siya lumilingon

"Baby naman" I said sa nagmamakaawang tono. Huminto naman siya at lumingon

"Oh bakit? Di ba sila yung kinakampihan mo? Bumalik ka na dun"

Aish! Ano ba naman siya?! Maliit na bagay pag aawayan namin?!

"Babe kasi wala naman talaga silang ginagawang masama. Pwede makinig ka muna? May pinasagutan lang sila sakin na survey para sa project nila. Yun lang yun" pag explain ko habang naglalakad kami. Hindi pa din niya ako tinitignan. Mabuti na lang at karamihan nagka klase kaya wala masyadong tao

"Babe please" I grabbed his arm. Akala ko bibitaw siya pero hinayaan niya lamg ako hanggang sa makarating kami sa kotse niya. Binuksan niya yung passenger seat at pinapasok ako.

Nang makapasok na siya hindi niya ini start yung makina. Nakaupo lang siya at nakatingin ng diretso sa labas

"Babe" I inched closer to him at inabot ang mukha niya para iharap sakin. Hindi niya pa din ako tinitignan kaya kahit na medyo nahihirapan ako sa posisyon namin, mas lalo ko pang nilapit yung sarili ko sa kanya

"Ano ba naman. Pag aawayan pa ba natin to?" I asked in a hushed tone. Doon na siya tumingin sakin

"Nag aalala lang naman ako eh. Masama ba?"

"Hindi babe. Pero sana nagtanong ka muna kung ano ang nangyayari hindi yung basta basta ka na lang sumusugod"

He just let out a heavy sigh "Okay sorry. My fault"

Continue Reading

You'll Also Like

6.9M 96.6K 59
[Book 1 of 3] Erica could have said no when her parents asked her to transfer schools for her senior year. But she said nothing. She could have ignor...
1.4M 46.5K 40
Heartbreakers Series #4: Uriah Kylo Penalver Si Aryn Valerie "Areli" Lopez ay ang isa sa mga maraming taga-hanga ni Uriah Kylo Penalver, the Cold Hea...
27.1M 449K 43
Shiela tried her best to be civil with Magnus, her one-night stand--after all, they have twins to take care of. But when circumstances bring them tog...
84.9K 1.4K 66
Zoey Amanda Carpio was determined to keep a low profile until graduation but then.. maybe fate has other plans for her and her friends and it has som...