The Last Retreat

By aizhey

2.7K 47 77

Ano ang gagawin mo sa pinakahuling 'retreat' mo bilang estudyante? Sasabihin mo ba ang mga salitang matagal m... More

The Last Retreat

2.7K 47 77
By aizhey

Kung sa ibang mga estudyante ay kababakasan mo ng excitement ang mga mukha nila dahil ito ang pagkakataon para makapag-bonding ulit silang magkakaklase at mag-reminisce ng mga nakaraan nila, ibahin ninyo si Denisse. Ito ang pinakaaayawan niya sa lahat ng mga cocurricular activities ng school nila. Bugnot na bugnot siya sa tuwing sasapit ang retreat nila. Ang ikinatutuwa lang niya ay ang libreng pagkain dito. Kahit na medyo hindi swak sa panlasa niya kasi pangmayamang pagkain ang inihahain sa kanila, naaatim pa naman niyang kainin ito. Libre eh!

Nakaupo lang siya sa may lobby ng school habang ang ilang mga estudyante ay hindi magkamayaw sa mga dalahin nila. Paano ba naman kasi ay isang araw lang naman silang matutulog doon kung makapagdala naman ng mga gamit ay akala mo isang linggong matutulog doon.

Natuto na siya noong swimming nila na dapat ay sapat lang na damit ang mga dala niya. Wala naman kasing magmalasakit man lang sa mga kaklase niyang ipagbuhat siya kaya isang malaking backpack lang ang dinala niya ngayon.

Habang pipikit-pikit ang mga mata niyang pinagmamasdan ang mga makakasama niya mamaya sa retreat ay may narinig na lang siyang may kumakanta na pala sa tabi niya.

“Ang Enero ko ay malungkot

pagkat miss kita.”

Alam ni Denisse ang kantang ‘yun kaya lang bakit Enero? Di ba dapat Disyembre iyon? Miss Kita Kung Christmas pa nga ang pamagat ng kantang ‘yun sa pagkakatanda pa niya.

Habang napapaisip siya, ramdam na ramdam naman nang kumakanta ang kinakanta nito’t may nalalaman pang papikit-pikit ng mga mata nito.

“Ano mang pilit kong magsaya.

Miss kita, oh RETREAT.”

Nakahalata na si Denisse sa kung sinuman ang kumakanta sa may tabi niya kaya nilingon niya ito. Hindi nga siya nagkamali. Sino pa ba namang may malakas ang topak na kakantahan siya nang may inibang lyrics kundi si Johan lang!

“Kahit nasaan ako,

papaling-paling ng tingin

walang tulad mo.”

Tinitigan niya ito ng masama pero hindi pa rin natinag si Johan bagkus ay itinuloy pa nito ang pagkanta.

“RETREAT ay sasapit,

‘di ko mapigil ang mangulila.

Hirap nyan---”

Hindi na niya ito pinatapos pa sa kinakanta. Sa asar niya, nabatukan niya ito nang malakas. Kulang na lang mapasubsob ito sa table nila sa pagkakalakas ng batok niya. Napadaing tuloy ito sa ginawa niya.

“Ano ba! Ang aga-aga. Nambubwisit ka!” singhal agad niya rito nang sa tingin niya ay makabawi ito sa pagkakauntog.

“Nabwisit ka ba? Eto naman! Kinakantahan ka na nga,” nakakaloko namang sabi nito sa kanya.

“Wow! Salamat, ha!” sarkastikong saad niya.

“Oy, tabi tayo mamaya sa bus, ah!” pag-iiba nito ng usapan .

“May dala ka bang pan-chibog diyan?” tanong naman niya.

“Oo. Bakit?” nagtatakang tanong naman nito.

“Tamang-tama! Tabi tayo! Wala nang bawian ‘yan, ah!” napapalakpak na sabi pa niya rito.

“Basta talaga pagkain,” napapailing na lang na wika nito.

“Siyempre naman! Aba, 3am pa lang gising na ako para mag-ayos ng mga dadalhin ko. Alam mo na naman ako, sa bagal kong kumilos! Ni hindi ko man lang nagawang mag-almusal! Natural, pagkain agad ang pakay ko. Hindi pa naman ako sanay na umaalis ng bahay nang hindi kumakain,” mahabang litanya ni Denisse rito.

“Kung bakit naman kasi hindi pa hinanda kahapon ang gagamitin, maaga namang nakauwi sa kanila. Tapos ngayon ka sisigla ng pag-aayos kung kailan kaorasan na,” panenermon naman nito.

“Aba! Alam mo namang hindi uso sa’kin ‘yun. Cramming is the best policy for me!” pagmamalaki naman niya.

“Pero akalain mo ‘yun, hindi ka na-late?” natatawang saad nito sa kanya.

 “Takot ko na lang maiwan, noh! Saka speaking of late, tinamaan naman ng lintek, oh! Anong petsa na? 5am daw ang call time tapos ano ito’t malapit nang mag-6am, aba’y hindi pa rin tayo nakakaalis,” reklamo niya rito.

“Hindi ka pa rin ba nasanay? Tagal-tagal mo na rito sa school,” wika nito.

“Nako! Kung alam ko lang, nagpa-late na lang sana ako. Nadagdagan pa ang tulog ko,” pagrereklamo niya ulit.

Unti-unti nang nagdadatingan ang mga kaklase niya pati na rin ang mga kasama nilang BSE. Habang naghihintay sila sa pag-alis, nag-picture taking muna silang magkakaklase.

Para sa kanila, wala dapat sinasayang na oras. Picture dito, picture doon. Just capture the moments that they’ve been together until the last minute.

Ilang saglit pa, dumating na rin si Sir Rod (Chairperson of Education) para sabihin sa kanilang paalis na sila.

“Sa wakas!” halos sabay-sabay na kumento ng mga estudyante.

Magkakasama ang lahat ng BEEd sa iisang bus habang ang mga BSE naman ay nasa kabilang bus.

Nang sinenyasan sila ni Sir Rod na pwede na silang sumakay ng bus, una-unahan silang magkakaklase na pumasok ng bus.

“Hoy! BEEd! Hindi na kayo mga bata! Huwag nga kayong mga pangagaw diyan!” suway sa kanila ni Sir Rod na napapailing na lang sa kanyang mga naging estudyante.

“Oy! Doon ang SPED Majors sa may hulihan!” sigaw agad ng class president na si Tan Tan nang makapasok siya ng bus.

“Oo nga! Okay lang ba sa inyo EC (Early Childhood) Majors?” tanong na pasigaw naman ni Jeff.

“Oks lang! No prob,” pa-cool na sagot naman ni Jim na class president ng BEEd-EC.

“Oy, EC! Dito tayo sa may unahan. Tamang-tama! Malapit-lapit tayo sa TV,” natatawang anunsiyo naman ni Bojo sa mga kaklase niya.

Wala namang umangal sa naging set-up nila. Ang mahalaga kasi sa dalawang sections ay ang magkakasama silang mga magkakaklase.

‘Yun nga lang may isang reklamador na ayaw pumayag na doon sila uupo ng katabi niya.

“Huy! Johan naman! Bakit diyan? Ayoko diyan! Lipat na lang tayo,” pagmamaktol ni Denisse rito.

“Dito na lang. Nakaupo na ko eh. Ayoko ng umalis,” kalmadong sabi nito habang nakatingin sa inaayos niyang gamit.

“Makipagpalit na lang tayo. Dali na,” pagpupumilit niya rito.

“Tss. Lilipat ka, ganun din naman. Upuan at upuan pa rin naman,” sabay-baling nito sa kanya.

“Eeeh! Dali na,” pangungulit pa niya.

“Jude, diyan ka na nga lang para magkatapat tayo,” sabi naman sa kanya ni Lei.

“Kasi naman…” napapapadyak pang maktol nito.

“Hoy! Aga namang bangayan ‘yan!” puna sa kanila ni Del na prente nang nakaupo sa may tapat ng bintana na nasa may tapat nila ni Johan. Siya ang katabi ni Lei.

“Tse! Hindi ka kausap!” pambabara niya rito. “Hoy, dali na! Lipat na lang tayo,” sabay-baling niya ulit kay Johan.

“Maupo ka na nga dito. Dami pang arte!” sabay-hila sa kamay ni Denisse na dahilan para mapaupo ito sa tabi niya.

“Sweet!” react ng mga nasa likod nila na may kasama pang sipol. Ayan na nga ba ang sinasabi!

“Kaya ayoko rito eh! Daming pang-asar!” reklamo niya sa katabi.

“Sus! ‘Di ka pa nasanay,” natatawang tugon sa kanya ng katabi.

“Kainis ka kasi. Kung hindi lang talaga ko gutom, hindi kita tatabihan,” reklamo pa niya. Nagdadabog na inayos niya ang kanyang gamit.

Sino ba namang matutuwa kung ang mga nasa likuran mo ay sina Jeff, Dex, Von, Lloyd at Tan? Aber! Ang gugulo ng mga iyan. Si Dex lang ang medyo tahimik kasi nga adik sa mga games sa gadget niya.

Nasa

“Hoy! ‘Wag kayong magulo, ah! Matutulog ako maya-maya,” singhal niya sa mga nakaupo sa may likuran nila.

“KJ nito! Last na nga natin ‘to, itutulog mo pa!” react agad ni Von.

“Sus! Inaantok ako eh,” depensa niya.

“Lagi naman,” react ni Dex na abala namang naglalaro sa iPad nito na napuna naman agad ni Denisse. Tuluyan na siyang napaharap sa mga nasa likuran niya. Bale nakaluhod na siya sa doon sa kinauupuan niya habang nakatukod ang dalawa niyang mga braso sa pinakapunong sandalan nito.

“Wow! Naka-iPad ka na, Dex! Nasaan ang pinakamamahal mong PSP?” usisa agad niya rito.

“Nasa bag. Reserba mamaya,” sagot nito na nakabaling pa rin ang atensiyon sa nilalaro nito.

“Naks! Boy Scout!” nangingiti niyang sabi rito.

“Okay, since kumpleto na ang lahat, umayos na kayo ng inyong mga upo’t aalis na tayo,” anunsiyo sa kanila si Sir Rod.

“Weh? Aalis na raw? Kanina pa ‘yung sinasabi,” pabulong na usal ni Denisse na narinig naman ng mga nasa likuran.

“Sir! Ayun, oh! May sinasabi!” pahamak na sumbong sa kanya ni Tan.

“Oo nga, Sir! May narinig ako,” paabong naman ni Lloyd.

Agad niyang sinamaan ng tingin ang dalawang nagpahamak sa kanya habang nagpipigil naman sa pagtawa ang mga ito pati na rin ang mga katabi.

“Ano iyon, Denisse?” nakakunot-noong tanong nito sa kanya.

“Ah… Sir! Ang sabi ko po gutom na ko. Hehe,” palusot niyang sagot rito. “Oy, Johan! Ilabas mo nga ‘yung pagkain natin,” sabay-baling nito sa katabi.

“Wow! Parang may pahabilin ka lang sa’kin, ah!” asar sa kanya nito.

Ilang saglit pa ang lumipas, umalis na rin sila ng school. Ang call time na 5am ay naging 6:30am na. Mayroon pa silang isa’t kalahating oras na byahe para gawin ang mga gusto nilang gawin dahil doon sa pupuntahan nila ay maraming ng mga bawal.

May mga kanya-kanyang pakulo ang dalawang sections para lang maaliw at ma-enjoy nila ang byahe. Halos lahat sa kanila ay mga nakatayo na o ‘di kaya ay kagaya lang ng pwesto ni Denisse kanina na nakaluhod na sa kanilang upuan para magkakitaan silang mga magkakaklase.

Sa EC Majors, mga nagkakantahan at nag-aasaran lang. Sa SPED Majors, nagkukwentuhan sila ng mga nakaraan nila bilang mga magkakaklase na siyempre puro mga funny at embarrassing moments nila. Kagaya na lang nito…

“Naalala ko noong first year kami. Sabay-sabay kaming na-late nina Mona at Earl ng pasok sa PhilGov namin tapos ---”

Eager na eager sa pagkukwento si Ervin sa klase pero hindi pa siya nakakatapos ng kwento ay nasingitan agad siya ni Earl.

“Oo nga! Hindi namin alam noon na lumipat pala kayo ng ibang classroom tapos---” natatawang sabi naman nito ngunit hindi na niya naituloy pa kasi umeksena naman si Mona.

“Pagbukas namin ng pinto, sabay-sabay kaming yumuko at nag-sorry kasi nga late kami. Pagtunghay namin, mga nursing students ang bumungad sa’min. Pinagtawanan ba naman kami,” nakangusong pagtatapos ng kwento ni  Mona na ikinatawa ng lahat.

“Eh naaalala ‘nyo pa ba nang minsang napagalitan tayo ni Ma’am Cuestas noong second year tayo?” tanong ni Jovelle sa mga kaklase nito.

“Oo naman! Sino ba namang hindi makakalimot noon?” matawa-tawang tugon agad ni Jeff.

“Eh patawa kasi siya!” tawang-tawang segunda ni Johan.

“Hahaha. Paano ba naman kasi ang seryoso na ng atmosphere natin noon tapos biglang umeksena ang mala-Cinderella niyang sapatos!” hinihingal sa kakatawang kwento ni Zen.

“Oo nga! Sino ba namang hindi matatawa noon na habang seryoso siyang nagdi-discuss sa’tin ay naiwan ang isang sapatos niya nang papunta na siya dun. Laught trip talaga si Ma’am!” natatawang pag-aalaala ni Del ng mga nangyari noon sa kanila na ikinautas naman sa kakatawa ng mga kaklase niya.

Siyempre kapag sinabing SPED Majors, hindi mawawalan ang asaran na sinimulan sa paraang nagtatanong ng “Guess Who?” Kagaya na lamang nito…

“Sino kaya iyong nadulas sa sahig pagkapasok na pagkapasok pa lang ng classroom?” natatawang tanong ni Lloyd sa mga kaklase.

“Si Jackie!” tugon naman ng mga ito na itinuro pa talaga ang biktima noon. Napasimangot na lang si Jackie sa mga ito.

“Sino raw itong kaklase natin na napagalitan sa ipinasang project dahil kulang na lang daw ay magtayo ng garden sa daming design na bulaklak?” nagpipigil sa tawang tanong ni Tan.

“Si Candy ‘yan! Haha! Tandang-tanda ko ‘yan!” react agad ng katabi ni Niza sa upuan na si Kaira.

“Pinaalala pa ni Kuya Tan!” nagmamaktol na sabi nito na ikinatawa ulit ng klase.

“Eto naman! Sino kaya ang natamaan ng eraser na hindi naman dapat sa kanya ipapatama ni Ma’am Llanos?” naniningkit na ang mata sa katatawa na tanong ni Von na napatingin pa sa kanyang katabi sa kanan.

“Eh di si Dex! Haha! Ang dami ko talagang tawa noon!” nangungunang sagot ni Denisse na kaninang pang utas sa mga kaklase niya. Nabatukan naman ni Dex ang katabing si Von dahil sa pagpapaalala sa mga kaklase.

“Eto ang da best sa lahat! Hulaan ‘nyo kung sino ‘to!” excited na sigaw ni Johan sa mga kaklase.

“Siguraduhin mong da best iyan, ah!” react agad ni Fer.

“Oo naman! Oh, eto na!” pa-suspense pang sabi ni Johan sa mga kaklase. Natahimik naman ang mga ito sandali para pakinggan siya. “Sino kaya iyong binukulan noon si Sir Rod kaya hindi nakapasok si Sir ng ilang araw?”

“Hahaha! Kilala ko ‘yan! Kilala ko ‘yan!” natatawang sabi ng mga kaklase niya.

“Oy, narinig kong pangalan ko!” react agad ni Sir Rod na nasa may unahan. Ang lakas talaga ng pandinig ng prof. nila!

“Sir, naalala lang namin noong nabukulan ka.” natatawang pahayag ni Niza sa prof nito.

“Oo nga, Sir! Natatandaan ‘nyo pa ba?” hagalpak na tanong ni Johan sa prof nito.

Sinamaan lang siya ng tingin ng kanyang katabi.

“Aba! Tandang-tanda ko pa! Sapul nga ang noo ko noon. Ang sakit! Naalog ‘ata utak ko noon,” matawa-tawang pahayag nito.

“Sir! Hindi ko naman sinasadya!” depensa agad ng salarin.

“Sus! Ang sabihin mo, may galit ka lang kay Sir!” pahamak na namang saan ni Tan.

“Hoy, Kuya Tan! Kanina ka pa!” singhal niya rito.

“Oo nga, Sir! May galit iyan sa inyo!” paabong ulit ni Lloyd.

“Uy, wag ‘nyong inaapi si Jude,” pagtatanggol ni Lei sa kanyang matalik na kaibigan.

Napangiti naman si Denisse rito.

“Dahil tunay talaga ‘yun!” natatawang dugtong ni Leila. Akala pa naman ni Denisse ipinagtatanggol talaga siya. Isa pa rin naman palang pahamak!\

“Eeeh! Kainis kayo! Nikakawawa ‘nyo na naman ako!” nagmamaktol na saad niya.

Siya ang salarin. Na-late siya ng pasok noon tapos sa kamamadali niya, hindi na niya naisipan pang kumatok ng pinto ng classroom nila. Dali-dali niyang binuksan ang pinto. Then, poof! Sapul sa noo ni Sir Rod ang pinto. Nagtuturo kasi ito noon na malapit sa may pinto. Hindi tuloy alam ng mga kaklase kung matatawa o hindi. Baka kasi pagalitan sila. Nang makalipas ang ilang segundo, hindi na rin nakatiis ang mga ito’t napabunghalit na ng tawa.

“Nakakatawa kasi itsura mo noon kung makikita mo lang,” natatawang sabi ni Johan dito na sinabayan rin ng mga kaklase.

“Kainis ka talaga! Pinaalala mo pa!” pinaghahampas niya ang katabi.

Ito namang si Sir Rod, pasimuno sa pag ‘Ayeeeeeh!’ doon sa dalawa na sinabayan naman ng mga nasa bus.

Sinamaan lang sila ng tingin ni Denisse.

Bus lang ‘ata nila ang pinakamagulo. Wala pa ring humpay ang tuksuhan at asaran ng mga magkakaklase. Hanggang sa hindi na nakayanan ng iba, nakatulog na ang ilan sa mga ito sa byahe. Ang mga hyperactive, patuloy pa rin sa kwentuhan nila pero hindi na ganoon kalakas dahil respeto na rin sa mga natutulog nilang kaklase.

Kung tatanungin ninyo si Denisse, pagkatapos nitong makakain ng ilang chips at tinapay na dala ng kanyang katabi na halos siya na ang umubos ay heto’t malaon nang natutulog sa kaliwang balikat ni Johan.

Si Johan? Ayun! Nakatulog na rin. Parang naulit lang ang posisyon nilang dalawa noong road trip nila papuntang Quezon para sa swimming nila. Iyon nga lang may naiba ngayon. Nakahilig ang ulo ni Johan sa nakadantay na ulo ni Denisse sa balikat niya.

Ang katapat naman nilang sina Leila at Del ay pawang mga tulog na rin ngunit hindi naman katulad ng posisyon nilang dalawa.

Eto ang masaya! ‘Yung bulungan ng mga hyperactive pa rin na boys sa may likuran nila.

“Kita ‘nyo ‘yun?” tanong ni Lloyd sa mga katabi habang nakatingin sa gawi nina Denisse.

“Oo naman! Kanina ko pa napapansin ang dalawang iyan,” sagot ni Tan rito.

“Tingnan ‘nyo ‘yung katapat nila,” utos ni Dex sa mga katabi.

“Oh? Anong meron?” nagtatakang tanong ni Jeff dito.

“Tulog din sila,” tipid na sagot ni Dex.

“Hindi kami bulag, ‘tol! Alam namin ‘yun,” react ni Von.

“Alam ko,” nakakalokong wika nito  sa mga katabi.

“Tingnan mo ‘to! Ang gandang kausap!” sarkastikong wika ni Lloyd.

Sa halip na patulan ang sinabi ni Lloyd, nagsalitang muli si Dex.

“Tingnan ‘nyo ‘tong dalawang ‘to,” sabay-turo nito kina Leila at Del. Ang mga pauto nga naman, tumingin nga! “Pareho silang tulog pero may kanya-kanya silang posisyon. Si Leila, nakasandal lang sa upuan nito. Si Del naman, sa may bintana nakahilig ang ulo nito. Tingnan ‘nyo ‘yung katapat nila,” sabay-turo kina Johan at Denisse. “Pareho din silang tulog pero nakahilig ang mga ulo nila sa isa’t isa,” sabi niya sa mga katabi.

“Kita naman namin ‘yun!” kakamot-kamot sa ulong saad ni Von rito.

“To talagang si Dex! Makapagsabi naman, akala mo wala kaming nakikita,” nanduduro pang sabi ni Lloyd dito na kay Von naman tumatama ang daliri nitong nakaduro.

“Tol! Makaduro naman! Hindi ako si Dex,” reklamo ni Von rito.

“Psh!” naiiling na lang na wika ni Dex sa mga ito.

“Tss. Mabalik tayo sa usapan. Hindi ‘nyo ba naaalala dati? Ganyan din sila noong magpunta tayo sa Quezon noon?” tanong ni Jeff sa mga katabi.

“Hindi,” tipid na sagot ni Von.

“Nakalimutan mo na agad?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Jeff rito.

“Paano ko naman maaalala eh hindi ‘nyo naman ako kasama sa van noon! Ako lang naman ang driver nina Tricia noong mga panahong iyon,” pahayag niya sa mga ito.

“Oo nga pala!” pagsang-ayon ni Lloyd.

“Ay, oo! Natandaan ko pa nga kinuhanan ko sila ng pictures noon habang natutulog sila. Sayang ! Hindi ko naibigay sa organizers nun Teacher’s Night natin,” nanghihinayang na sabi ni Tan sa mga ito.

“May farewell party pa naman sa’tin. Dun ka na lang bumawi,” pagbibigay ideya ni Lloyd dito.

“Oo nga, noh? Hindi ko naisip ‘yun, ah!” nabuhayang-loob na wika ni Tan.

“Ano ba ‘yan? Tali-talino pero hindi nagagamit sa mga ganitong pagkakataon,” pang-aasar ni Lloyd sa katabi. Binatukan naman siya ni Tan bilang sagot sa kanya.

“Meron talagang something sa dalawang iyan,” pag-iiba ni Dex sa usapan ng mga ito.

“Halata naman,” sabi ni Jeff.

“Porque ganyan lang ang itsura nila, may something na agad? She did that unconsciously because she’s asleep,” pahayag naman ni Von sa mga ito. Si Von kasi ang tipo ng taong kahit obvious na sa kanyang paningin ay hindi pa rin kumbinsido. Kaya palagi niyang hinahanapan ng dahilan ang lahat ng bagay.

“I get your point. Pero di ba kapag nagtagal at naramdaman ng babae na nakahilig na pala siya sa katabi niyang lalaki na hindi naman niya karelasyon ay mahihiya ito’t unti-unti niyang aalisin ang ulo niya sa balikat nito?” tanong ni Dex sa mga ito.

“Tama ka naman diyan!” pagsang-ayon ni Tan sa kanyang sinabi. “Kaya lang, hindi naman lahat ng babae ganoon. Sa panahon ngayon, kahit kaibigan lang, napaka-touchy na nila. Tingnan mo sila Je. Di ba ganun sila madalas sa’tin?” pahayag niya sa mga ito.

“Andun na tayo sa touchy na sinasabi mo. But seeing Denisse one of those?” napapailing na sabi ni Dex. “Sa pagkakakilala ko sa kanya sa halos apat na taon nating magkakasama, hindi siya ganun,” dagdag pa nito.

“Oo nga, noh? Bugnot na bugnot pa nga ‘yan ‘pag inaakbayan ko!” natatawang sabi ni Jeff.

“Paanong hindi mabubugnot sa’yo eh kulang na lang hindi na makahinga ‘yung tao kapag inaakbayan mo!” mahinang singhal sa kanya ni Von.

“Pero hindi talaga, pansin ko iba siya pagdating kay Johan,” giit ni Jeff.

“See? May kakaiba sa kanilang dalawa. Balikan natin ‘yung sinasabi ni Von na she did that unconsciously but how about Johan?” hamon ni Dex sa mga ito.

“Ganyan naman talaga si Johan kahit sa iba,” pagrarason na naman ni Von.

“Naunang natulog si Denisse sa kanilang dalawa. Nakita ni Johan ang paghilig nito sa kanyang balikat. Pero sa halip na alisin, hinayaan niya lang ito. Look at them now,” ayaw pa ring paawat na puna ni Dex sa dalawa.

“Simpleng tsansing din ‘tong si Johan,” naiiling na natatawang sabi ni Tan.

“Teka lang! Napansin mo talaga ‘yun? Eh tutok na tutok ka nga diyan sa nilalaro mo!” puna naman ni Jeff sa katabi na abalang-abala sa paglalaro nito.

Kanina pa kasi nilang kausap si Dex pero hindi naman ito nakatingin sa kanila kundi sa nilalaro nito sa kanyang iPad. Huminto lang ito saglit kanina nang ituro niya sa mga katabi ang nasa unahan nila pagkatapos ay itinuon na ulit ang paningin sa nilalaro nito.

“I used my peripheral vision,” tipid niyang sagot sa mga ito.

“Ayos mo ‘tol, ah! Galing!” hangang-hanga namang puri sa kanya ni Lloyd.

“So, anong ipinapahiwatig mo sa mga sinasabi mo Dex?” tanong sa kanya ni Von na hindi pa rin kumbinsido.

Nagkibit-balikat lang siya’t sinabing, “Let’s confirm it. Tonight!”

Matapos marinig ng apat ang tinuran ni Dex sa kanila, sabay-sabay silang napatanong dito ng: “Seryoso ka?”

“Sssh! Iingay ‘nyo,” mahinang suway naman niya sa mga katabi habang pasimple siyang napasulyap sa paligid nila. Napabuntong-hininga na lang siya nang masigurong walang nakikinig sa kanilang usapan. Halos mga tulog na ang mga kasama nila. Mangilan-ngilan na lang ang gising na abala rin sa kani-kanilang usapan.

“Pero ‘di nga? Seryoso?” hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Jeff.

“Mukha ba kong nagbibiro?” seryosong sagot ni Dex rito.

“Kunsabagay, kung si Del o si Lloyd pa ‘yan, hindi talaga ‘yan kapani-paniwala. Dahil kilala naman kita Dex, naniniwala na ko,” natatawa-tawa pang saad ni Jeff na may kasama pang tapik sa balikat nito.

“Loko ka, ah!” nandudurong singhal ni Lloyd dito dahil sa tinuran. Si Von naman ang natatamaan ng daliri niyang pinanduduro.

“Tol naman! May galit ka ba sa’kin? Kanina ka pa, ah!” angal ni Von rito.

“Pasensiya na. ‘To kasing si Jeff! Makapagsabi naman akala mo siya’y seryosong tao,” reklamo nito.

“Psh! Gugulo ‘nyo. Basta mamaya. Magkakaalamanan,” wika ni Dex sa mga ito.

“Anong gagawin mo?” tanong ni Tan dito.

“Natin,” dagdag niya sa sinabi nito.

“Eh din natin na nga! Ano nga muna ‘yun?” naiinip na tanong ni Lloyd.

“Te-text ko na lang sa inyo. Baka may makarinig pa. Mahirap na,” balewalang sabi niya sa mga ito.

“Aish! Kahit kelan ka talaga, Dex! Pa-suspense ka,” puna ni Lloyd dito.

“Kahit kelan, atat ka naman,”  ni Jeff rito.

Diyan nagtatapos ang usapan ng limang boys na nasa may pinakalikurang upuan sa bus. Balik iPad ulit si Dex. Samantala, nagpepektusan naman sina Jeff at Lloyd na ang lagi namang natatamaan minsan ay si Dex at ang madalas ay si Von. Si Tan naman ay kagaya lang ng dating gawi niya na tangan-tangan ang kanyang DSLR habang kinukuhanan ng palihim ang mga kaklaseng kwela ang mga itsura. Hindi rin nakatakas sa likod ng kanyang DSLR ang hanggang ngayo’y magkapatong na ulo nina Denisse at Johan na mahimbing pa rin sa pagkakatulog.

Ilang minuto rin ang lumipas at unti-unti nang nagising ang mga nakatulog sa byahe. Sino ba namang hindi magigising kung ang mga kasama mo’y nagkakaingay na, di ba?

Si Denisse? Waepek ang ingay nila! Basta siya, diretso tulog pa rin na akala mo’y nasa bahay lang nila. Si Johan naman, kanina pang gising. Nangangalay na nga siya sa ulo ni Denisse na kanina pang nakadantay sa kaliwang balikat niya. Hindi naman niya ito maalis-alis. Hindi nga rin niya magawang gumalaw man lang. Naalala niya kasi noong nagpunta sila sa Quezon. Nagalaw lang niya ng kaunti ‘yung balikat niya, katakut-takot na pagrereklamo agad ang natamo niya sa halip na pasasalamat. Kaya naman heto siya ngayon, naghihintay na lang na magising ang katabi niya.

Ilang saglit lang, nakaramdam siya ng kaginhawaan. Nagising na pala ang kanyang katabi.

“Ang sakit ng leeg ko,” daing nito na hawak-hawak pa ang leeg.

Pinagmamasdan lang siya ni Johan. Naramdaman naman ni Denisse na parang may nakatingin sa kanya kaya napabaling siya sa katabi.

“Anong tinitingin-tingin mo diyan?” nakakunot-noong tanong niya rito.

Napailing na lang si Johan at nginitian siya.

“Nahipan ka ba ng masamang hangin? Ba’t ganyan ka makangiti?” usisa pa niya rito.

Sa halip na sagutin, nginitian lang siya muli nito’t tinitigan. Na-conscious naman siya sa ginagawa ni Johan kaya nilamukos niya ang mukha nito gamit ang kanyang kanang kamay.

“Ano ba!” singhal sa kanya nito pero nakangiti naman. Halatang pinagti-trip-an na naman siya nito.

“Tinatanong ka kasi, hindi ka naman sumasagot. Para ka lang timang diyan na nakangit’t nakatingin sa’kin. Nagagandahan ka sa’kin, noh?” pabiro na lang niyang tanong rito.

Kunwaring napaubo naman ito sa sinabi niya.

“Nananaginip ka pa ‘ata,” pang-aasar nito sa kanya.

“Tse! Ga-graduate na nga, hindi man lang sumang-ayon kahit ngayon lang,” bulong niya sa sarili.

“Anong sabi mo?” usisa sa kanya ni Johan.

“Wala. Malapit na ba?” pag-iiba niya.

“Oo. Ayan na nga, oh! Natatanaw ko na nga,” sabay-turo nito sa may labas ng bintana.

Almost 8am na rin silang nakarating sa retreat place nila. Napaka-peaceful ng lugar. Bagay na bagay talaga ang ambiance rito para maging retreat place.

Napapaligiran ito ng mga puno’t halaman. Ang unang bumungad agad sa kanila ay ang isang malaking bahay. Akala nila doon sila matutulog, hindi pala. Mga na-excite lang sila! Ang mga madre at pari lang pala ang tumutuloy roon.

Sa may gilid nito, may makikita kang mga malilit na kubong pwedeng pagpahingahan. Nang malampasan nila ang malaking  bahay sa kanilang paglalakad, marami pa silang nakitang mga kubong nakapaligid.

Napakaluwang at napakaganda ng lugar. Manghang-mangha na naman si Denisse sa mga nakikita niya.

“Wag kang pahalata na kabababa mo lang ng bundok, ah!” natatawang bulong sa kanya ni Del.

“Ayan! Nagsimula ka na naman! Palibhasa, nakaraos ka na sa pagkalula mo!” singhal naman niya rito.

“Nalula? Ako? Hindi kaya,” pagtanggi naman nito.

“Sus! Del! Itatanggi pa! Ang laki-laki mo na pero nalu--- Mmmmmp!”

Hindi na natapos pa ni Denisse ang kanyang pagtatalak dahil natakpan na agad ni Del ang kanyang bibig.

“Ingay mo! Oo na! Manahimik ka na nga lang diyan,” sabay-tanggal ng kamay nito sa bibig niya.

Ngiting-tagumpay naman ang isinukli ni Denisse rito.

Nakarating sila sa isang malawak na hall kung saan gawa ito sa glass wall. Natatakpan lang ito ng makakapal na kurtina na siyang nakapagpaganda pang lalo sa loob ng hall.

Nang makumpleto na sila sa loob ng hall, agad silang binigyan ng instruction ni Ma’am Benny na isa pang faculty na kasama nila na maupo muna at ilagay ang kanilang mga dala-dalahin sa may gilid o sa isang tabi para hindi masyadong masikip sa inuupuan nila.

Ipinaliwanag nito ang mga house rules na dapat nilang sundin habang naroroon sila sa retreat place. Agad namang nag-react ang mga estudyante sa pangunguna ni Denisse nang marinig nila ang isa sa mga house rules na kailangan ay alas kwatro pa lang ng umaga ay gising na sila kinabukasan.

Kahit anong gawin nilang pakiusap na i-adjust ang oras ng paggising, nonsense pa rin. House rules are house rules. It should be followed.

Matapos makapagbigay ng house rules, itinuro na sa kanila ang mga magiging kwarto nila. Siyempre, hiwalay ang kwarto ng mga boys sa mga girls! Binigyan lang sila ng 40 minutes para ayusin ang kani-kanilang mga gamit.

Dalawang malalaking kwarto ang occupied ng mga girls samantalang ang mga boys naman ay isa lang. Mas malaki naman kasi ang population ng girls kaysa boys.

Sa kwarto ng mga girls, hindi magkamayaw ang mga ito nang makita ang itsura ng tutulugan nila mamayang gabi. Para na nga silang nasa palengke dahil sa kabi-kabilang ingay at tawa ng mga ito.

Sa loob ng malaking kwarto nila ay makikita mo ang puro double-deck beds. May apat na side tables sa bawat sulok nito. Mayroon din itong dalawang life-size mirror. Bukod doon, wala ka ng iba pang makikita sa loob ng kwarto.

Kung sa iba-iba sigurong mga estudyante lalo na’t mga mayayaman at may pagka-choosy, puro reklamo siguro ang maririnig mo dahil sa itsura pa lang ng tutulugan nila, hindi na papasa sa taste nila. But these people, tuwang-tuwa pa sila.

Knowing Educ. students! Hindi uso ang tahimik sa kanila. Minsan lang nilang gawin ‘yun!

Dahil may mga pagkaisip-bata rin ang mga ito, napagdesisyunan ng mga magkakaklase na pagdikit-dikitin ang mga double-deck nila.

Ang mga SPED Majors ay nasa right side at ang mga EC Majors naman ay sa nasa left side. Ang resulta? Lumuwang lalo ang space sa kwarto nila.

“Ayos! Pwede na kayong mag-tumbling diyan!” masayang sabi ni Marj sa mga naroroon. Isa siyang EC Major.

“Hindi kaya tayo pagalitan niyan?” nababahalang tanong ni Jovelle sa mga ito.

“Hindi ‘yan!” halos sabay-sabay na sagot ng mga nasa sa loob.

Matapos nito, nagkanya-kanya na sila sa pag-aayos ng kanilang mga gamit.

Sa boys’ bedroom naman, mga pa-cool lang sila nang makita nila ang kanilang magiging kwarto though mga magugulo pa rin. Kagaya rin ito nang sa kwarto ng mga girls. Naiba nga lang ang kulay ng kwarto nila. Manly ang dating nang sa kanila.

Nagsama-sama rin ang mga magkakaklase sa magkabilang side. Hindi nga lang sila kagaya ng set-up ng mga girls na pinagdikit-dikit ang double-decks nila.

Matapos silang makapag-ayos ng kani-kanilang mga gamit, lumabas na rin sila ng kanilang kwarto dahil nakarinig na sila ng tunog ng bell.

Sa maniwala kayo’t sa hindi, hanggang dito sa retreat place nila may bell pa rin. Para iwas paos at effort raw sa pagtatawag sabi sa kanila ng dalawang professor na kasama nila nang makarating sila sa hall.

Natawa na lang sila sa dahilan noong dalawa.

Bago sila magsimula ng first activity nila, binigyan muna sila ng pampagana.

“Woooh!” halos nagsigawan ang lahat nang marinig ang in-announce ni Sir Rod na may naka-ready ng breakfast sa kanila.

“Sssh! Class, be quiet! Please do remember that this is a retreat place not your school or even a market,” paalala ni Sir Rod sa mga ito.

“Sorry, Sir! Na-carried away lang po kami,” in moderate tone na paumanhin naman ni Zen sa propesor.

Sa isang malaking gazebo naka-serve ang food for breakfast nila. Doon din sila kakain.

“Ayos, ah! Parang may kasalan lang,” natatawang puna ni Denisse sa set-up ng decoration sa gazebo nang makapasok sila sa loob.

“Tss. Dami na agad napansin,” singit ni Johan.

“Madami na agad? Iisa pa nga lang sinabi ko,” reklamo nito.

“Oy! Ano na naman ‘yan? Hanggang dito ba naman?” puna sa kanila ni Ervin.

“Tara na ngang pumila,” pagyayaya naman ni Leila sa mga ito.

Kagaya pa rin ng dati, mas inuna nila ang pagkain kaysa maghanap muna ng mauupuan nila. Di bale ng mawalan ng upuan, ‘wag lang ang pagkain. Iyan ang class motto nila!

Nang makakuha na sila ng pagkain nila, doon sila naupo sa pwesto malapit sa mga kaklase nila. Kasama ni Denisse sa table sina Leila, Jackie, Heidi, Jeff at Del.

“Ano ba ‘yan! Bakit kakaunti ‘tong sa’kin? Ang daya! May favoritism,” reklamo agad ni Denisse sa laman ng plato niya habang nakatingin sa plato ng mga kasama niya.

“Kakaunti pa ba’yang lagay na ‘yan?” tanong ni Heidi sa kanya.

“Pare-pareho lang kaya tayo,” sabi naman ni Jackie na sinulyapan rin ang plato ng mga kasama.

“Nahiya naman daw kami bigla ni Jeff sa’yo,” sarkastikong sabi ni Del rito.

“Oo nga! Kami ‘tong lalaki, di kami nagrereklamo sa foods namin. Ikaw naman, sagad makareklamo,” pagsang-ayon ni Jeff.

“Eh, nauuntian nga kasi ako,” depensa naman ni Denisse sa dalawa.

“Te, alam mo ‘yung bulos? Second round? Pwede ‘yun!” singit ni Leila.

“Ay? Pwede? Hehe. Lez’eat!” sabay-peace sign pa sa mga kasama.

Basta talaga pagkain, walang palya ‘tong si Denisse. Pinatos nga ang second round. Ang mga kasabayin niya sa pila? Sina Fer at ang ilang mga lalaking kaklase na malalakas ding lumamon.

Pagkatapos nilang kumain, back to retreat hall na ulit sila para simulan na ang mga activities na hinanda para sa kanila.

First activity, conversation with God. Everybody’s sitting silently. All eyes are closed wherein you can hear a background music of a Christian song together with the speaker’s citation about the ups and downs in man’s life.

In a situation like this, you can see that most of the girls are sobbing in their seats. They’re carried out by their emotions. Boys are just calm but you can notice that most of them is just hiding their true emotions.

On the other hand, you may notice in the fifth row of the seats at the left side that there  are two people nudging each other’s elbow.

“Huy! ‘Wag kang matulog,” mahinang paalala ni Johan sa katabi na nakapikit pa rin.

“Hmmn…” tanging naisagot lang sa kanya ng katabi.

Napailing na lang si Johan sa isinagot nito. Sinasabi na nga ba! Itsura pa lang, alam na niyang pumupuslit ito ng tulog. Sa dami ng kinain nito kanina, paniguradong sasamantalahin talaga nito ang pagkakataon na makatulog. At eto na nga, sinasamantala na! Ito ang pinakapaboritong parte ng katabi niya tuwing retreat nila. Nakakatakas kasi ito ng pagtulog.

“Wala pa rin talagang pinagbago ‘tong si Denisse,” sa isip niya.

“Huy, Nie naman!” siniko niya pa ulit ang katabi.

“Wag ka ngang magulo! Chance na ‘to eh,” mahinang usal ni Denisse rito.

“Magbago-bago ka naman! Last na nga ‘to,” panenermon niya.

“Last na nga eh! Kaya pagbigyan mo na,” ayaw pa ring patinag nito.

Hinayaan na nga lang siya ni Johan na ganun. Kung makikipagtalo pa siya rito, baka mahalata silang dalawa na hindi concentrated sa activity na ginagawa nila which is true. In-enjoy na lang niya ang sarili na pasimpleng sulyapan ang nakakatawang hitsura ng katabi. Sino ba naman kasi ang hindi matatawa sa itsurang iyon ni Denisse na parang lasing lang ang ulo na hindi malaman kung saan ihahapay ito? Mga pakana talaga ni Denisse, walastik!

Nakaraos naman sila ng first activity nila na walang aberyang nangyari.

Second activity. Groupings. 8 members in every group. Mix ang BEEd at BSE. The task? Draw a thing that symbolizes yourself. After that, share it to your groupmates.

Halos makikita mo na nagkakapare-pareho na sila ng kani-kanilang symbolism. May mga pumili ng puno, ilaw, kandila, o di kaya’y aklat.

Ngunit sa group nila Denisse, siya lang ang kakaiba. Damo kasi ang pinili niyang maging simbolo niya. Nang siya na ang magpapaliwanag, all eyes all ears sa kanya ang mga kagrupo niya.

“Ehem! Ang ganda ng akin, noh?” parang batang pagmamahili niya sa drawing niyang damong hindi mo matukoy kung saan bang direksyon ito nakapaling. Natawa naman ang mga kagrupo niya.

“Dapat kasi puno talaga ‘to!” sabay-turo sa iginuhit niya. “Ang dami na namang gumamit ng puno. Ayoko nga nang may katulad! Kaya etong damo na lang. Maiba naman! Tapos na. Oy, ikaw na,” sabay-siko sa katabi niya.

“Yun lang? Dagdagan mo paliwanag mo. Susumbong ka namin kay Sir,” pananakot sa kanya ni Joshen (BSE).

“Oo na! Eto na,” tinitigan niya muna ito ng masama bago ipinagpatuloy ang sasabihin. “Kung totoo nga ‘yung sinasabi nilang reincarnation, gusto ko kapag na-reincarnate ako, maging damo ako. Ang damo, kung saan-saan lang iyan tumutubo. Inaapak-apakan nga lang natin ‘yan eh. Binubunot o di kaya’y tinatabas natin kapag sobrang haba na. Kagaya ng damo, nararanasan ko rin ang mga nararanasan nila. So, masasabi ko na maihahalintulad ko talaga ang sarili ko sa kanila. I hope you get my point. Don’t be too literal. Figure of speech alert! So ‘yun nga! Dahil sa ginagawa natin sa mga damong iyan, hindi natin namamalayan na mayroon pala silang halaga sa’tin. Malaki rin pala ang pakinabang nila sa’tin. May naitutulong din pala sila sa atin. Binabalewala lang natin ‘yun. Pero alam ‘nyo ba kung ano maganda sa mga damo? Kahit ilang beses man silang apakan, bunutin o tabasin, nandiyan pa rin sila. Tumutubong muli. At sa pagtubong muli nila noon, mas lalo pa silang nagiging matatag. Ganyan ako,” paliwanag niya sa mga kagrupo.

Ang mga kagrupo niya medyo naguluhan sa paliwanag niya pero hindi na lang sila nagtanong.

Sa loob-loob naman ni Denisse, alam niyang hindi naging malinaw sa mga kagrupo niya ang mga sinabi niya. Nasa sa kanila na lang ‘yun kung paano nila ito uunawain lalong-lalo na sa mga kaklase niya.

Third activity. Binigyan sila ng tigi-tig-isang sticky note. Ididikit nila ang sticky note na iyon sa likod ng kanilang katabi. Bibigyan lamang sila ng dalawang minuto para lapitan ang kung sinumang gusto nilang magsulat sa sticky note na nakadikit sa kanilang likuran.

Task:

Para sa taong magsusulat, ano ang katangiang mayroon ang taong iyong susulatan? Pwede kang magpasulat kahit ilang tao pa ‘yan basta sa loob lamang ng dalawang minuto. One-word description lang para sa taong iyong susulatan.

Nang magsimula ang timer, kagulo ang buong hall. Ang mga karaniwang maririnig?

“Uy, sulat ka dito!”

“Dalian mong magsulat nang makarami ako!”

“Nakakangalay naman ‘to sa likod!”

Nang matapos ang dalawang minuto, pinabalik sila sa kani-kanilang mga upuan ni Ma’am Benny na siyang proctor para sa activity na iyon.

Pinatanggal sa kanilang mga katabi ang mga nakakabit na sticky note sa kanilang likod at ipinabigay ito sa pinagtanggalan ng sticky note.

Halos maririnig mo ang mga tawanan at mga hindi makapaniwalang reaksyon sa bawat isa nang makita nila ang mga nakasulat na description sa kanila.

“Bossy talaga ako?” hindi makapaniwalang tanong ni Tan sa mga kaklase.

“Ngayon mo lang nalaman?” pang-aasar sa kanya ni Venie.

“Manggugulang talaga? Porque ako treasurer ng klase, manggugulang na agad? Mga ‘to talaga!” react ni Cholo sa mga kaklase niyang EC Majors na ikinatawa ng lahat.

“Wow! Puro sensible ‘yung sa’kin. Well, I admit it!” react naman ni Von sa nakasulat sa sticky note niya.

“Joker? Ang layo kaya ng itsura ko dun! Sa gwapo kong ‘to!” natatawang react ni Del sa mga nakasulat sa kanya.

“Nakanaman! Anong trip ng mga ‘to? Hopeless romantic? Tama bang ginawang self-description ‘yun?” hindi maipintang mukhang react ni Johan na ikinatawa halos ng mga nasa hall.

“Johan, that’s how they viewed you. You can’t blame them. After all, that term is acceptable to describe a person,” nakangiting sabi ni Ma’am Benny sa kanya.

“Oha! Wag ka nang umangal! Tama raw ‘yun,” natatawang sabi ni Lloyd dito.

“Isa ka sa nagsulat,” saad niya rito na binigyan pa ng isang masamang tingin. Nginitian na lang siya nito nang mapang-asar.

Ang mga boys lang naman talaga ang OA mag-react sa mga nakita nilang nakasulat sa sticky notes nila though ang mga girls ay may kanya-kanyang side comments din pero mga katabi na lang nila ito nasasabi.

Si Denisse ay titig na titig pa rin sa sticky note na hawak niya habang napapangiti sa mga nababasa niya.

Maliit. Madaldal. Masungit. Makulit. Nagger. Responsible. Mabait. Matakaw. Reklamador.

Ang daming negative descriptions sa kanya pero sa halip na mainis, natatawa pa siya kasi totoo naman talaga. Ang pinakanakapagpatawa talaga sa kanya ay ‘yung dalawang nagsulat sa kanya na ‘Masipag na tamad. Tamad na masipag.’ Ang kulit lang!

Pero sa lahat ng mga descriptions na nakasulat sa kanya, isa lang ang nakapagpatigil sa tawa niya. Iyon ay nang mabasa niya sa may pinakaibabang bahagi ang salitang ‘irresistible.’

Ang lawak ng pagkakangiti niya. Iyon kasi ang naiiba sa lahat. ‘Yun mga nabasa niya kanina, may mga katulad.

“Wow lang! Hindi pala ko pwedeng tiisin? In what ways?” aniya sa isip.

Palaisipan tuloy sa kanya kung sino ang nagsulat noong salitang iyon. Iba kasi ang penmanship. Halos alam naman niya ang penmanship ng mga kaklase niya pero walang katulad ni isa sa mga sulat nila ang sulat na iyon. Kung sabagay, ‘yung mga nabasa niyang iba ay hindi rin niya ma-identify kung sino. Marahil ay iniba ng mga ito ang sulat nila.

Isinilid na lang niya sa bulsa ang sticky note na iyon. Itatago niya ito bilang remembrance.

Sabi sa kanila ni Ma’am Benny, in that activity, matutulungan daw sila kung paano magiging aware sa mga ikikilos nila base na rin sa kung paano sila tinitingnan ng ibang tao.

After the said activity, they proceed at the gazebo to eat their lunch. Late na nga sila nakapag-lunch.

Nang makakain sila, binigyan lang sila ng 1 hour break para makapagpahinga. Matutulog pa sana si Denisse nang makarating sila sa kwarto niya nang magkayayaan naman ang ilan niyang mga kaklase na puntahan ang kwarto ng mga boys kaya hindi rin siya nakatulog.

Nandoon din ang ilang BSE girls pagdating nila sa kwarto ng mga boys pero papalabas na ang mga ito.

“Mukha ba ‘tong museum? Makapag-sight seeing naman kayo,” puna agad sa kanila ni Lloyd nang makapasok sila sa kwarto ng mga ito.

“Curious lang naman kami sa itsura ng kwarto ‘nyo,” sabi agad ni Leila.

“Nun BSE ang nandito, makangiti kayo, sagad! Tas nang kami na, ganyan na kayo! Aba! Namimili,” pagtatalak ni Denisse sa mga ito.

“Ikaw naman! Binibiro ka lang,” nakangiting sabi sa kanya ni Earl.

“Oo nga naman! ‘To talaga!” sabay-akbay sa kanya ni Jeff.

“Bitaw nga! Bigat-bigat ng braso mo,” reklamo naman niya rito.

Nagkatinginan naman ang mga boys sa reaksyon ni Denisse sabay-baling kay Johan.

“Bakit?” nagtatakang tanong naman ni Johan sa kanila.

“Wala! Masamang mapatingin?” sagot ni Tan rito.

“Ang kalat ‘nyo naman,” puna ni Jackie sa mga gamit nilang mga nagkalat sa kama.

“Palinis kami,” nakangising utos sa kanila ni Del.

“Tse! Hindi kami katulong,” singhal naman ni Lynzel dito.

“Mukha lang,” pang-aasar pa ni Del.

“Nakakainis ka talaga!” nanggigigil na wika ni Venie rito. Hindi na ito nakapagtimpi pa’t hinampas na niya ito ng unan na nahagilap ng kamay niya.

Tinawanan lang sila ng mga naroroon sa kwarto.

“Ey! May sumisimple,” pagpaparinig ni Lloyd.

Nagpabaling-baling naman ang ulo ng mga kasama niya para hanapin kung sino ba iyong tinutukoy nitong sumisimple.

“Aha! Ayun, oh! Kaya pala nanahimik,” sabay-nguso ni Tan sa mga kasama.

“Huy! Hanggang dito ba naman, dayo ka pa? At sa kama ko pa talaga?” kakamot-kamot sa ulong tanong ni Johan sa nakahiga sa kanyang kama.

“Ko talaga? Iyo ba ‘to? Binili mo?” pamimilosopong sagot sa kanya ni Denisse na pupungay-pungay ang mga mata.

“Ano ka ngayon!” pang-aasar ng boys kay Johan.

“Ewan ko sa inyo,” inis na sabi niya sa mga ito. “Tabi nga diyan,” baling nito sa nakahiga sa kama niya na tinutulak-tulak pa.

“Damot naman nito,” sabi ni Denisse pero hindi pa rin umaalis sa kama nito.

“Alis! Matutulog ako diyan. Doon sa kama ni Dex. Naglalaro lang naman ‘yun,” pagtataboy niya rito.

“Ayoko. Sa likot niyan, baka ma-game over lang  ako,” sabi ni Dex habang abala sa paglalaro nito.

Napasimangot na lang si Denisse rito.

“Jude naman, ilang minutes na lang, babalik na ulit tayo sa hall,” baling sa kanya ni Leila habang nakikipaghuntahan kina Earl at Lynzel.

“Inaantok eh,” pagdadahilan niya.

Napailing na lang ang bestfriend nito’t nakipaghuntahan nang muli.

“Aaaaahhh!!! Ang sakeeet!” malakas na daing ni Denisse.

“Ayaw mo kasing umalis eh di tiisin mo na lang,” natatawang sabi nito.

Hindi kasi mapaalis ni Johan ito kaya dinaganan niya ito. Napansin naman ‘yun ng mga nasa loob. Sa halip na awatin iyong dalawa sa pagtatalo, tinawanan na lang nila ang dalawa.

Eto namang si Del na may pinakamalakas ang gapak sa kanilang mga magkakaklase, kinuyog ang dalawa. Ayun! Ang kawawang Denisse, pasan ang daigdig sa bigat ng dalawang nakadagan sa kanya.

“Aaaaahhh!!! Ayoko na! Tama na! Masakit!” daing niya sa dalawa.

“Huy! Tigilan ‘nyo na ‘yan! Inipit ‘nyo na,” matawa-tawang awat sa kanila ni Earl.

“Jusmiyo! Hindi na kayo naawa kay Denisse,” nahahabag na sabi naman ni Jackie.

“Aaaaahhh!!! Masakit na talaga! Tama na!!!” tili ni Denisse.

Dali-dali namang umalis iyong dalawang kumuyog sa kanya. Mukha namang bruha itong si Denisse dahil sa gulu-gulong buhok niya.

“Makatili naman ‘tong si Denisse! Akala mo’y nire-rape,” react ni Lloyd na ikinatawa ng mga nasa loob ng kwarto.

“Ang sakit kaya!” reklamo ni Denisse rito. “At kayo! Humanda kayo sa’kin! Malilintikan talaga kayo!” banta niya sa dalawa

Automatic namang napatakbo ang dalawa sa labas ng kwarto. Kinuha ni Denisse ang unang bagay na nahagilap niya’t hinabol ang dalawa.

“Hoy, Denisse! Belt ko ‘yan! Ibalik mo ‘yan dito!” pahabol na sigaw ni Dex rito nang masulyapan niyang kinuha ni Denisse ang belt niya. Hindi na tuloy nito naituloy pa ang nilalaro. “Habulin ‘nyo nga,” utos niya sa mga kasama.

“Bakit? Akin ba ‘yun?” mataray na tanong ni Leila rito.

“Makihabol ka na rin ‘tol!” natatawang payo ni Earl dito.

“Oo nga! Nang ma-exercise naman ‘yang katawan mo,” segunda naman ni Tan.

Ang kinalabasan? Parang mga batang naghahabulan iyong apat. Si Denisse, nanggagalaiti sa paghabol doon sa dalawa na tawa lang ng tawa habang si Dex naman ay habol-habol din si Denisse habang hawak-hawak ang pantalon nitong maluwag.

Saktong napadpad sila ng retreat hall nang mag-bell si Sir Rod.

“Naks! On time kayo, ah!” puri nito sa apat sabay labas ng hall para patunugin ulit ang hawak nitong hand bell.

Nang makaalis si Sir Rod, agad na nahataw ni Denisse ng sinturon iyong dalawa. Panay naman ang ilag ni Del at Johan na tawa pa rin ng tawa. Si Dex naman, pinipigilan si Denisse gamit ang isang kamay nito. Nakahawak kasi sa pantalon niya iyong isang kamay niya.

“Bakit mo ko pinipigilan? Tatamaan talaga sa’kin ‘tong dalawang ‘to!” hingal na hingal na tanong ni Denisse rito.

“Ikaw ang tatamaan sa’kin mamaya. Ibalik mo ‘yang sinturon ko,” banta niya rito.

Napatigil naman si Denisse sa kanyang narinig at napaharap dito.

“Sa’yo ba ‘to?” tanong niya.

“Hindi ako mag-aaksaya ng panahon na habulin ka kung hindi sa’kin ‘yan,” seryosong sagot nito sa kanya.

Agad naman niyang inabot dito ang sinturon nito.

“Ikaw ang lagot sa’kin!” nakangising wika ni Dex sa kanya.

Napatili naman si Denisse nang unti-unti itong lumalapit sa kanya.

Dali-dali siyang pumunta sa kinaroroonan nina Johan para humingi ng tulong pero wrong move pala siya dahil pinigilan siya ng mga ito sa magkabila niyang braso.

“Aaaaahhh!!! Ayoko na!” sigaw niya sa mga ito.

“Lagot ka sa’kin!” nangingiting sabi ni Dex na unti-unting itinataas ang kamay nito papunta sa mukha niya. Nanlalaki ang mga mata niya dahil alam na niya ang susunod na gagawin nito.

Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya’t pinisil tapos ay binanat ng walang puknat.

Sakto namang nagsisipasukan na ang mga kasama nila.

“Wiweeet!” sipulan ng mga BSE boys na nakatingin sa gawi nila. Sila kasi ang mga naunang pumasok. Knowing girls, mga nagdadaldalan pa ang mga ‘yun habang naglalakad sila papuntang hall.

“Ano ‘yan, ha?” nakangising tanong ni Eloy sa kanila.

Agad namang binitawan ng tatlong lalaki si Denisse.

“To kasing maliit na ‘to! Ang kulit-kulit!” sagot ni Del na pinisil pa ang kanang pisngi ni Denisse.

“Aray! Kanina pa kayo, ha!” reklamo ni Denisse sa mga katabi sabay tampal sa kamay ni Del.

“Ang pula ng pisngi mo! In love ka ba?” natatawang tanong sa kanya ni Mon.

“Pag mapula ang pisngi, in love na agad? Hindi ba pwedeng pinisil lang kaya namula?” pambabara ni Denisse rito.

“Yun naman!” sabay-sabay na react ng mga katabi niya pati na rin ng mga BSE boys.

Habang nag-uusap pa ang mga kasama ni Dex, pasimple naman niyang isinuot ang belt niya.

“Gosh! Dex? Is that really you?” maarteng tanong ni Aria sa kanya na isang BSE student.

“Obvious,” tipid nitong sagot na naka-focus pa rin ang tingin sa inaayos na belt.

“Bakit naman may pagdayo ka pa rito ng pagsisinturon?” usisa naman ng kasama nitong si Clydel.

“Trip lang,” kibit-balikat na sagot na napabaling na ang tingin sa mga ito.

“A man of few words,” napapailing na kumento naman ni Krista rito bago niyaya ang mga kasama na maupo na lang.

Nang makabalik si Sir Rod sa hall, humanap na ng kani-kanilang upuan ang mga kanina pang nagbabangayang sina Denisse, Del at Johan.

Para sa unang activity sa hapon, pinag-group sila ni Sir Rod na may bilang na sampung miyembro kada isang grupo. Ang task nila para sa activity na ‘yun ay role playing. May isang representative sa bawat group na bubunot sa may unahan ng topic na i-a-act nila. Mayroon lamang silang dalawampung minuto para pag-usapan ang gagawin nila at limang minuto naman para i-present ang topic na nabunot nila.

Sa role playing nila, ipapakita kung anu-ano ang mga gagawin nila kung saka-sakaling nasa ganoon silang sitwasyon. How do they cope up and deal with it? Doon mate-test kung gaano sila kagaling dumiskarte sa buhay.

Inabot ng halos dalawang oras ang role playing nila dahil sa dami ng ad-lib at lumagpas rin sila sa ibinigay na time limit.

Iyak-tawa ang kinahantungan ng role playing nila. Ito kasi ‘yung tipong nasa climax ka na’t teary-eyed ka na tapos biglang sasabihin ng isa sa mga kaklase nilang gumaganap na, “Ano nga ba ‘yun sasabihin ko?” Kaya naman nauuwi sa tawanan ang madramang presentation.

After that, nag-break muna sila. Diretso sa gazebo para makapag-merienda then, binigyan sila ng ilang minuto para makapag-siesta.

Iba-iba ng trip ang bawat majors. Ang SPED Majors, inubos nila ang oras nila sa pagpi-picture taking. May dalawahan na kung saan ‘pag babae at lalaki ang magkasama sa picture, may kasunod agad na ‘Ayeeeh!’ May tatluhan na nagbibiruan na ang nasa gitna raw ay mamamatay. Lakas din ng trip nila.

May tropa-tropa na kung saan, may eepal sa picture na isa sa mga kaklase nila na sumama sa kabilang tropa para lang makasama sa picture. Gaya na lang nito…

“Hoy, Johan! Kasali ka?” pagtataray ni Gemma rito.

Sa halip na sagutin ito, binalingan na nito ang may hawak ng camera na si Ervin. “Oh, picture na! Dali!”

“Ang kapal talaga ng mukha nitong si Johan!” kumento ni Yam na katabi ni Johan.

Tinawanan lang siya nito.

Sa kabilang grupo naman, nagkakagulo sa jumpshot nila.

“Oy, ayusin ‘nyo naman jumpshot ‘nyo!” reklamo ni Del na siyang photographer.

“Ayos naman, ah! Kanina pa nga kaming tumalon ng tumalon,” reklamo rin ni Denisse rito.

“Nanti-trip ka lang ‘ata eh,” naiinis na ring wika ni Jackie.

“Pagod na ko,” daing naman ni Heidi.

“Ang dami ko ng pawis,” daing rin ni Leila.

“Ngalay na ko,” daing ni Lynz.

“Ang dami ‘nyo namang reklamo! May jumpshot bang nakaapak sa lupa?” naniningkit ang matang tanong ni Del sa mga ito.

“Dalian mo kasi ang pag-capture! Kapag sa nakaangat na kami, click mo agad,” nakangiting sabi naman ni Je.

“Oo nga! Bagal mo kasi!” segunda naman ni Venie.

“Oo na! Eto na!” saad ni Del. “In 1…2…3…” pagbilang nito bago nag-click.

Ang resulta?

“Kainis! Bakit mo tinakpan ang mukha ko?” reklamo ni Denisse kay Johan na umepal na naman ulit sa group picture. Nasa dulo kasi si Denisse tapos sumingit si Johan. Natakpan tuloy ang mukha niya pagtaas nito ng kamay.

“Ay, natakpan ba? Sorry,” kunwaring hindi alam na sabi nito na natatawa-tawa naman.

“Haha. Ang cute mo nga dito,” sabay-turo ni Del sa digicam.

“Patingin nga!” agaw naman ni Jackie sa digicam.

“Yey! I like my jumpshot!” react naman ni Lynz sa picture nila. Siya kasi ang may pinakamataas na jumpshot.

Nagkaroon pa ng ilang group picture na ang magkakasama naman ay iyong mga magkakasama sa kanilang internship. Siyempre, abot ang tukso sa grupo nina Denisse. Boys over Flowers lang daw ang peg. Lalo naman sa grupo nina Leila, kawawa si Jeff. Siya kasi ang nag-iisang muse. Haha.

Lastly, hindi rin mawawala ang class picture! May seryoso, pa-cute, pa-stolen shot kunwari at wacky pose. Ang aadik lang nila, noh?

Bumalik na ulit sila ng hall nang marinig nila ang bell. As for their next activity, binigyan sila ng tigi-tig-isang bond paper. Sa bond paper na ‘yun, gagawa sila ng sulat para sa isang taong gusto nilang pagsabihan ng lahat-lahat sa kanila pero hindi nila magawa-gawa kaya idadaan na lang sa sulat. Pwede itong isa sa kapamilya mo, kaklase, kaibigan, kaaway o ‘di kaya ay sa taong gusto mo. Ikaw ang bahala kung sino ang gusto mong sulatan. Ang importante ay maiparating mo sa iyong sulat ang nais mong sabihin sa taong ‘yun.

“Ma’am, I have a question!” pagtataas ng kamay ni Angie na isang EC Major.

“Yes?” baling ni Ma’am Benny rito.

“After we wrote it, do we need to read it in front?” tanong nito.

“No. Your letter is a confidential. It’s just only you who knows the content of your letter,” paliwanag nito.

“Yes!” chorus ng karamihan. Halatang mga ayaw malaman ang mga isusulat nila.

“Eh Ma’am! Para saan pa’t nagsulat kami kung kami rin lang naman ang makakaalam?” naguguluhang tanong ni Elsie.

“There’s a purpose. You’ll know later,” makahulugang sabi ni Ma’am Benny.

They’re given only 20 minutes to compose and finish their letter. They were allowed to go outside the hall so that they have a peaceful mind upon writing their letter.

Nang makatapos sila, pinapasok na sila sa loob. Ma’am Benny told them the purpose of their letter. Ang sabi niya, “Hindi ‘nyo man masabi sa taong iyon ang mga gusto ninyong sabihin, at least naiparating ninyo iyon sa pamamagitan ng sulat. Nailabas ninyo iyong mga dapat ninyong mailabas. Nabawasan iyang nakabara sa mga puso ninyo. Di ba ang gaan sa pakiramdam? Oo nga’t kayo lang ang nakakaalam ng mga bagay na isinulat ‘nyo diyan sa papel na mga hawak ‘nyo pero it lessens your burden sa maniwala man kayo o sa hindi. Kung malakas-lakas naman ang loob ninyo, you are free to give that letter of yours to someone whom you are pertaining in your letter. It’s your choice, after all. Ang sa akin lang, sana may na-realize kayo sa activity na ‘to.”

Matapos ang makabagbag damdaming paliwanag sa kanila ni Ma’am Benny, ipinatago na sa kanila ang kanilang mga sulat. Nagkaroon pa sila ng isa pang activity. Groupings. Sharing about ‘sacrifice.’ Siyempre, mabigat na topic ‘yun kaya marami ang umiyak habang nagkukwento sa kanilang mga kagrupo. Excluded si Denisse kasi wala naman siyang maisip na nag-sacrifice na siya.

After that, they had a dinner. Then, 30 minutes para makapagpahinga. They proceeded at the hall as they heard the bell rang. Reconciliation ang next activity nila. Seryoso mode sila kasi mag-aalis sila ng kanilang mga nagawang kasalanan. Iyong iba, nadadyahe pang mag-confess ng mga kasalanan nila kay Father. Wala rin naman silang magagawa kasi whether they like it or not, they’ll confess.

Umabot ng almost three hours ang activity. Akala ng lahat ay ito na ang last part ng activity, hindi pa pala. May natitira pang isa.

Sa halip na manlumo, natuwa pa ang lahat sa announcement ni Sir Rod. Sa pool area kasi gaganapin ang activity. Kaya pala pinagdala ng shorts at tank top ang mga girls at shorts naman sa mga boys, may paggagamitan naman pala.

Isa lang iyong pool. Malaki naman pero hindi kasya para sa kabuuang bilang nila. Kaya ang iba, nasa pool side lang. Mas pabor naman sa mga naroroon kasi nilalamig sila. Ang lakas-lakas kaya ng hangin nun!

Nagkaroon lang sila ng water activity. After that, hinayaan na sila ni Sir Rod na mag-swimming.

As for SPED majors, alam ‘nyo naman ang trip ng mga boys. Kapag hindi madaan sa hila ang mga girls, tinutulak nila papunta sa pool. Tinatangay sa malalim na bahagi ng pool tapos bibitawan saglit. Kaya naman todo iwas si Denisse sa mga ito. Sa kasamaang palad, natangay pa rin siya. Nagtitili lang siya kasi hindi siya marunong lumangoy. Sa inis niya sa tumangay sa kanya, nasabunutan niya ito.

Pag tingin niya, napa-peace sign siya doon sa sinabunutan niya. Si Sir Rod pala ‘yun! Haha! Panibagong atraso na naman! Puro tawanan lang ang maririnig mo sa kanila.

Makalipas ang isang oras, pinaahon na rin sila sa pool para makapag-shower na’t makapaghanda na sa kanilang pagtulog.

Sisiksikan sa shower room. Iyong iba, tinamad nang mag-shower at nagpalit na lang ng damit. Katwiran nila, maliligo rin naman bukas. Kung tutuusin, ang bukas na tinutukoy nila ay ngayon na dahil lagpas alas dose na nga ng hatinggabi.

Sa girls bedroom, makikita mong halos gising pa ang karamihan. Mga nagpapatuyo pa kasi sila ng kanilang buhok. Kaya naman habang naghihintay na matuyo, nagkwentuhan muna sila.

Grupo-grupo sila. Ang topic? Halos iisa lang ang pinag-uusapan, ang walang kamatayang lovelife!

Sa grupo nina Denisse, sina Leila, Lynz at Je ang nasa hot seat since silang tatlo ang luma-love life. Kilig na kilig naman ang apat na walang love life habang nakikinig sa nakakakilig na kwento ng tatlo.

“Kayo? Kelan naman kayo magla-love life?” tanong ni Je sa apat.

“Ayoko muna,” bitter na sagot ni Heidi.

“Hindi pa rin move on kay ex?” usisa ni Leila.

Umiling lang ito. Kaka-break lang kasi nila last November. Hindi pa masyadong naghihilom ang sakit. Three years in a relationship ba naman. Sinong makaka-move on agad nun?

“Eh ikaw naman Jackie?” tanong ni Lynz dito.

“Aba! Kahit wala akong jowa, parang meron na rin,” ngiting-ngiting pahayag nito.

Wala ngang nanliligaw sa kanya. Wala rin siyang boyfriend. Pero may Kirk naman siya na laging nandiyan para sa kanya.

“Hindi ba kayo naguguluhan sa set-up ninyong dalawa?” tanong ni Denisse rito.

“Hindi naman. Napag-usapan na naman namin ‘yun eh! It’s a matter of understanding,” nakangiting wika nito.

“Swerte mo naman kay Kirk!” kumento ni Je. “Ikaw Venie? Wanna share something?” nang-iintrigang baling nito sa katabi.

“Share talaga? Eeeh! Wag na lang. Dyahe eh,” napatakip pa ang mga kamay nito sa mukha.

“Pa-demure lang, teh? Hindi bagay,” pang-aasar ni Denisse.

Napaismid naman si Venie rito pagkatapos ay ikinwento niya sa mga ito na ‘in good terms’ na ulit sila ni Lambert after almost two years. Umiwas kasi si Lambert nang binasted niya ito nang manligaw ito sa kanya. Ito namang si Venie, labis na nanghinayang nang umiwas na ang dating manliligaw sa kanya.

“Dami mo pa kasing arte! Gusto mo naman pala, aayaw-ayaw ka pa. ‘Yan ang napapala,” panunumbat sa kanya ni Denisse.

“Oo na. Ako na ngang may kasalanan! Pero at least, okay na kami,” kinikilig na wika naman nito.

“I’m happy for you, teh!” natutuwang bati ni Heidi rito.

“Hoy! Ikaw, Neng? Wala pa rin ba?” usisa naman ni Je kay Denisse.

“Wala! Mas okay nga ‘yun. Bawas sakit ng ulo!” saad niya.

“Hindi rin! Ang saya kaya nang may love life! Try mo,” kinikilig pang sabi ni Lynz rito.

“Sa una lang ‘yan,” kontra niya.

“Ang bitter mo! Dinaig mo pa ‘yung kabi-break-up lang,” puna ni Venie.

“Oo nga! Parang may experience kung makapagsabi ‘to,” segunda pa ni Jackie.

“Bakit? May experience lang ba ang may karapatang magsabi nun?” pambabara niya rito.

“Hindi naman! Ikaw naman, ang init na agad ng ulo,” wika ni Jackie.

“Neng, matanong ko lang. I’m just curious. May nanliligaw na ba sa’yo?” usisa ni Je rito.

Napatawa naman si Denisse sa tanong nito.

“Wala,” natatawa-tawa pang sagot niya.

“As in? Eh naka-experience ka na?” tanong naman ni Heidi.

“Hindi pa,” si Leila ang sumagot.

“Bakit naman?” tanong ni Lynz.

Nagkibit-balikat na lang siya. Kahit siya, hindi niya rin alam kung bakit. Minsan nga natatanong niya ang sarili niya kung bakit hanggang ngayon ay walang man lang ni isa ang nag-attempt na manligaw sa kanya. Maigi pa nga ‘yung panget, may boyfriend. Kung tutuusin, hindi naman siya ganoon kapangit. Naisip niya, siguro sa height niya o di kaya sa pag-uugali niya.

“Na-in love ka na ba?” biglang tanong ni Je sa kanya.

Nanlaki naman ang mga mata niya sa tanong nito.

“Teka! Bakit sa’kin napunta ang usapan?” balik-tanong niya.

“Oo nga, Jude! Tagal-tagal na nating magkasama pero wala ka pang nababanggit sa’kin kung na-in love ka na ba,” segunda naman ni Leila.

“Nagtanong ka ba?” mataray na saad niya rito.

“Ay, oo nga, noh!” napatampal sa noong usal ni Leila.

“Oh, dali na! Sagutin na! Ang dami pang ad-lib,” naiinip na pahayag naman ni Je.

“Atat lang, Ate Je?” natatawang sabi niya rito.

“Aish! Ano nga?” naiinip na ring tanong ni Jackie.

Tinawanan na lang ni Denisse ang mga ito at saka nagsalita.

“Oo ‘ata eh!” sagot niya sa mga ito.

“Kyaaah!” nag-iritan ang mga anim sa narinig.

“Girls, sleeping time na. Maaga pa bukas. Tama na ‘yang kwentuhan ninyo!” suway ni Sir Rod sa kanila na nakadungaw pala sa may pintuan nila.

Sabay-sabay naman silang napa-Aw! Nagdidiwang naman ang kalooban ni Denisse dahil nakaligtas siya at makakatulog na rin siya. Kanina pa kasi siya inaantok.

Hindi talaga umalis si Sir Rod sa may pintuan hangga’t hindi sila nakikitang nakahiga. Wala na rin silang nagawa kundi ang mahiga at magpanggap na tulog.

Nang makaalis na si Sir Rod, nagsipagbangunan pa ang mga energetic pa ring mga estudyante para makipagkwentuhan sa kani-kanilang tropa.

Si Denisse, minabuting ipagpatuloy na lang ang pagtulog. Kaya lang, sadyang nakainom ‘ata ng energy drink ang mga kaibigan niya’t nandito silang anim na nakapalibot sa kanyang kama’t niyuyugyog siya.

Nagtulug-tulugan na lang siya’t nagbabakasakali na tatantanan din siya ng mga ito.

“Oy, ‘wag mo kaming tulugan!” yugyog sa kanya ni Heidi.

“Jude naman! ‘Wag kang madaya!” reklamo sa kanya ni Leila.

“Nakinabang ka sa kwento namin tapos tutulugan mo na lang kami without sharing anything?” panunumbat naman ni Venie rito.

“Oo nga! Hindi ka pa tapos,” segunda ni Je.

“At kailangang tapusin mo ‘yun!” dagdag pa ni Jackie.

“Tandaan mo, hinding-hindi ka rin namin patatahimikin diyan!” pagbabanta naman ni Lynz.

“Aish! Oo na! Ang kukulit ‘nyo! Inaantok na ko eh,” napabangong sabi niya sa mga ito. “Oh, ano bang gusto ninyong malaman?” tanong niya sa mga ito nang makaupo siya ng maayos.

“Sino? I mean, kanino ka na-in love or shall I say in love pa rin?” usisa agad ni Leila.

“Sikretong malupit!” nakangising sabi niya sa mga ito.

“Ang daya naman nito!” sabay-sabay na react ng mga ito.

“Wag mong sabihing si Jolo? May girlfriend na ‘yun,” napapalatak na tanong ni Leila rito.

“Hindi ‘yun, ah! Crush ko lang si Kuya Jolo!” maagap na sagot niya.

“Schoolmate ba natin ‘yan?” eager na tanong ni Jackie.

“Baka naman classmate natin ‘yan!” segunda naman ni Lynz.

“Hindi, noh!” depensa agad niya.

“Eh sino nga?” sabay-sabay na tanong ng mga ito.

“Kainis naman ‘tong mga ‘to! Hindi ko sasabihin kung sino baka idaldal ‘nyo pa,” pahayag niya sa mga ito.

“Dali na! Sabihin mo na!” pamimilit ng mga ito sa kanya na may kasama pang pagyugyog sa mga braso nito.

“Tumahimik muna kayo,” suway niya sa mga ito. Tumalima naman agad ang mga ito sa sinabi niya. Natawa na lang siya sa mga kaibigan niya. Ang nagagawa nga naman ng chika!

“Kahit tumahimik pa kayo, hindi ko sasabihin kung sino!” nakangisi niyang sabi. Magre-react pa sana ang mga ito pero pinigilan niya agad ang mga ito.

“Nang matapos tayo’t makatulog na ko nang maayos, makinig na lang kayo sa sasabihin ko. Wala munang side comments, ah?” pagsisigurado niya sa mga ito na tinanguan naman nila.

“Hindi ko sure kung in love nga ba ‘tong matatawag. Siguro. Marahil. Ewan. ‘Wag ‘nyo nang balakin na bigyan ako ng mga signs ng taong in love. Alam ko ‘yan! But it’s not enough for me. I’m still confused. Uulitin ko, hindi ko sasabihin kung sino ang taong ‘yun. ‘Wag na kayong makulit! Ang masasabi ko lang sa inyo, masaya akong nakikita’t nakakasama siya. Hindi ko rin ma-imagine na mai-in love, kung iyon nga ba talaga ang nararamdaman ko, sa taong ‘yun. Nakakabwisit siya sa totoo lang. I don’t like this feeling. Pero anong magagawa ko? Eto na eh! Wala na! Basta para sa’kin, palagay ang loob ko sa tuwing malapit ako sa taong ‘yun,” pahayag niya sa mga ito. “‘Yun lang! Okay na ba?” tanong niya pagkatapos.

“Bitin!” kumento talaga.

“Ganun talaga! Sa buhay ng tao, hindi mawawala ang pagkabitin!” nakangisi kong sabi sa kanila.

“Bunso! Gumaganyan ka na? Ang sagwang pakinggan!” react ni Je sa sinabi niya.

“Ang green mo, teh!” natatawang sabi niya.

“Alam mo, ang gulo ng sinabi mo. In love na hindi? Tapos sabi mo, ‘Eto na eh! Wala na!’ Sa tingin ko, in love ka na nga sa taong ‘yun!” pagkukumpirma ni Heidi sa kanya.

“I also feel it based on your story. Hindi ka confused kung in love ka ba o hindi. Confused ka kasi hindi mo alam kung in love pa rin ba ang nararamdaman o mahal mo na ba talaga ang taong ‘yun,” sabi ni Venie rito.

“Hindi rin,” pagtanggi niya.

“Denisse, ganyan din ako dati kay Lambert,” madiing saad ni Venie.

“Magkaiba naman tayo ng sitwasyon,” sabi niya.

“Are you afraid of loving someone?” tanong sa kanya ni Je.

“Ewan,” tipid niyang sagot.

“Mali ka ng tanong Ate Je. Eto dapat! Are you afraid of hurting by loving someone?” pagrerebisa ni Leila sa tanong ni Je.

“Ay, nako! Tara na ngang matulog! Basta nasagot ko na ‘yang mga tanong ‘nyo! Tigil-tigilan ‘nyo na ko,” pag-iiwas niya sa tanong ni Leila.

Wala na rin namang nagawa ang mga kaibigan niya kundi ang hayaan na lang ito. Ang mahalaga, nalaman nilang may nagugustuhan na ito at hindi lang basta crush. Ang palaisipan sa kanila ay kung sino ang taong iyon.

Punta naman tayo sa boys’ bedroom. Ang mga pangyayaring ito ay naganap kasabay nang huntahan ng mga magkakatropa sa girls’ bedroom.

Unang nadaanan ni Sir Rod ang kwarto nila kaya naman

Unang nadaanan ni Sir Rod ang kwarto nila kaya naman marami-rami na rin sa mga boys ang nakatulog agad matapos nilang makapag-shower. ‘Yung iba naman, mga nakahiga na.

Naramdaman ni Jeff na nag-vibrate ang phone niya. Dali-dali niyang tiningnan ito’t binasa kung ano ang nakapaloob sa mensahe. Nagpipigil na lang siya ng tawa nang mabasa ang mensaheng natanggap.

From: Tol Dex

Get up! Let’s start with the plan. –gm

“Talaga ‘tong si Dex! Manang-mana sa ex!” sa isip ni Jeff bago pinagpapalo ang mga kasama para magsipagbangon.

Agad namang naunawaan ng mga ito ang ibig sabihin ni Jeff maliban kina Earl, Ervin at Del na naguguluhan.

“Nakapag-message pa ko sa inyo tapos hindi ‘nyo naman pala babasahin. Tss,” reklamo ni Dex sa mga ito.

“Pasensya naman, ‘tol!” kakamot-kamot sa batok na wika ni Lloyd.

“Anong meron?” nagtatakang tanong naman ni Del sa mga ito. Hindi kasi niya maintindihan ang mga ito.

“Makisakay ka na lang,” tipid na sagot ni Von.

Binato nila ng unan si Johan na tuluyan na ‘atang napahimbing sa pagkakatulog. Nang hindi ito magising, dinagan na nilang walo ito sa kama.

“A-aw!” daing nito nang maramdamang may nakadagan sa kanya. “Umalis nga kayo! Ang bibigat ‘nyo!” pagtataboy niya sa mga ito.

Umalis naman agad ang mga ito’t naupo sa kalapit na kama.

“Problema ‘nyo?” salubong ang kilay na tanong niya sa mga kaklase nang mapaupo siya sa kanyang kama.

“Para kang si Denisse kung matulog, ang hirap mong gisingin!” reklamo ni Ervin.

“Bagay nga kayong magsama,” natatawang sabi ni Earl.

“Oh? Bakit naman napasama pati si Denisse rito?” salubong pa rin ang kilay na tanong niya sa mga ito.

“Wala lang,” kibit-balikat nilang sagot.

Napakamot na lang siya sa ulo niya dahil sa isinagot ng mga ‘to.

“Oh, anong pakay ‘nyo’t ginising ‘nyo pa ko?” naiinis na tanong niya sa mga ito.

“Cool ka lang diyan! Agit ka agad!” sabi ni Tan rito.

“Walang tulugan ‘to! Magkukwentuhan tayo!” nakangiting pahayag ni Jeff.

“Anong trip ‘nyo? Pwede namang sa mga susunod na araw na lang. Bakit ngayon pa kung kelan namang natutulog na ko?” reklamo niya.

“Tol, minsan lang ‘to! Sa ibang araw, busy na naman tayo! Eto na lang ang free time natin,” saad ni Von.

“Oo nga! Bonding time na natin ‘to!” saad ni Del na nakikisakay na lang sa mga kasama kahit hindi niya alam kung anong binabalak ng mga ito.

“Kelan pa kayo nausuhan ng bonding na ‘yan?”  hindi makapaniwalang tanong niya sa mga ‘to.

“Actually, ngayon lang. Idea ‘to ni Dex! Pagbigyan mo na. Minsan lang ‘yan maglambing sa’tin,” natatawang sabi ni Tan sa mga ito. Binatukan naman siya ni Dex.

“Nga pala, kamusta na kayo ni Lovely?” biglang natanong ni Johan kay Dex.

Napasabunot na lang si Dex sa tanong ni Johan.

“Langyang idea ‘to! Nadamay pa buhay ko,” bulong ni Dex sa sarili.

Natatawa naman ang mga kasamahan nila sa itsura ni Dex. Hindi kasi maipinta ang mukha nito.

“Oo nga! Anong balita sa inyo?” panggagatong naman ni Del sa tanong ni Johan.

“Wag nga ako ang tanungin ‘nyo,” iwas ni Dex sa mga ito.

“Sasagutin lang eh,” saad ni Earl.

Huminga muna siya nang malalim bago sinagot ang mga ito. “Still, no sign of her. Don’t ask me why because I don’t know either.”

“Tss. Saklap mo naman!” naiiling na lang na kumento ni Tan.

Ito ang naging simula ng kwentuhan ng mga boys. Usapang pag-aaral, pamilya, kaibigan, kaklase, at maging ng tungkol sa mga buhay pag-ibig nila. Muntik na nga nilang makalimutan ang ulterior motive para sa gabing iyon. Buti na lang, nabanggit ni Del si Denisse nang ang mga kaklase na nilang mga babae ang pinag-uusapan nila.

“Kamusta kayo ni Denisse?” pag-iiba na ng usapan ni Dex.

“Ako ba?” tanong ni Johan na itinuro pa ang sarili.

“Malamang! Sa’yo nakaharap eh,” pamimilosopo ni Jeff.

“Ayos lang! Bakit mo naman natanong?” nagtatakang tanong ni Johan kay Dex.

“Art of questioning nga, Dex!” kumento ni Von dito. “Anong lagay ninyo ni Denisse?” sabay-baling kay Johan.

Napakunot naman ang noo nito sa tanong ni Von.

“Kayo ba?” deretsahang tanong ni Del dito.

“Ano?!” gulat na tanong niya sa mga ito. “Anong klaseng tanong ‘yan?” dagdag pa niya.

“OA, ‘tol!” natatawang puna ni Tan.

“Hindi, ah! I’m just confused. Why all of a sudden, you were asking me questions like that?” depensa niya.

“Naks! Umi-English lang, ‘tol?” pang-aasar ni Earl.

“I mean, bakit biglang ‘nyong natanong?” pagtatagalog na niya.

“Naintindihan naman namin ‘yun sinabi mo, Tinagalog pa!” saad ni Lloyd.

“Anong real score between you and Denisse?” usisa ni Von.

“Friends, why?” sagot niya agad.

“Really? Hindi ka ganyan sa iba,” nakangising saad ni Dex.

“You’re different when you’re with her,” segunda naman ni Ervin.

“Pansin ko ‘yun ‘pag magkakasama tayo,” dagdag pa ni Del.

“Can you explain yourself to us?” pang-uusig ni Tan.

“Teka! Teka! Ano ‘to? Interrogation?” natatawang tanong ni Johan sa mga ito.

“Probably,” tipid na sagot ni Dex.

“Ano na?” naiinip namang tanong ni Lloyd.

“Friends nga lang kami. Just like our girl classmates,” pagkukumpirma niya sa mga ito.

“It’s not how we see it,” hindi kumbinsidong saad ni Earl.

“So, saan pupunta ang usapang ‘to?” tanong niya sa mga ito.

“What’s with you?” tanong ni Dex.

“What’s with me? I said, we’re just friends!” giit pa niya sa mga ito.

“Aminin mo na,” pilit ni Del sa kanya.

“Wala naman akong dapat aminin,” matigas na pahayag niya sa mga ito.

“Sige nga, kung wala talaga. Bakit siya lagi ang nilalapitan mo kapag hindi mo ma-gets ang lecture?” hamong tanong ni Ervin.

“Nasanay na rin ako,” sagot niya.

“Bakit sa dinami-dami ng mga kaklase nating babae, siya ang laging trip mong asarin?” pang-iintriga ni Jeff.

“Nakakatuwa eh. Pumapatol,” natatawa niyang sabi sa mga ito.

“Bakit madalas siya ang laging seatmate mo?” tanong pa ni Von.

“Ang gugulo ‘nyo kayang katabi! At least sa kanya, nakakapagtanong ako kapag may hindi ako naiintindihan,” nakangiting sabi niya sa mga ito.

Lingid sa kanyang kaalaman, palihim na nangingiti ang mga kasama niya dahil sa reaksyong nakikita sa mukha niya.

“Bakiit lagi kang nakaakbay sa kanya?” tanong naman ni Earl.

“Minsan lang. Pampabigat sa balikat niya! Liit-liit kasi,” natatawang sabi niya.

“Eh bakit sa tuwing umaabot na siya sa boiling point niya’t nasisigawan ka na eh hindi ka pa rin nagagalit sa kanya?” nakangiting tanong ni Tan.

“Hindi ko siya matiis eh,” sagot niya na nagpahiyaw sa mga kasama.

“Huli ka boom!” natatawang saad ni Tan.

“Ngiti pa lang, alam na!” saad naman ni Lloyd.

“Sinasabi ko na nga ba! May gusto kay Denisse,” tuwang-tuwang sabi ni Jeff sabay-apir pa sa katabing si Del.

“Oo na,” pagkumpirma niya sa mga ito. “Masaya na kayo?” napapailing na tanong niya sa mga ito.

“Yun naman ang hinihintay namin!” halos sabay-sabay na wika ng mga ito.

“Kailan pa?” usisa ni Von rito nang matahimik na ang mga kasama.

“Hindi ko alam. Basta pakiramdam ko, gusto ko na siya,” sagot niya.

“Finally move on ka na?” out of nowhere na tanong ni Dex.

“Siguro. Hindi ko pa talaga alam,” naguguluhan ring sagot ni Johan.

“Ang gulo mo! Anong balak mo kay Denisse?” tanong ni Earl.

“Wala,” sagot niya lang.

“Wala?” sabay-sabay nilang tanong.

“Oo. Wala. Etong nalaman ninyo, sa atin-atin na lang. Pag may nakaalam, humanda kayo sa’kin! Talagang malilintikan kayo sa’kin!” pagbabanta niya sa mga ito.

Sumaludo lang sa kanya ang mga kasama na ang ibig sabihin ay makakaasa siya sa kanila na walang makakaalam ng pinag-usapan nila.

“Hindi ka man lang ba gagawa ng moves?” tanong ni Del.

“Hindi. Inaamin ko, gusto ko siya. Higit pa sa isang kaibigan. Pero ayokong maging unfair sa kanya. At saka alam ‘nyo naman ‘yun, sasabihin lang nun na hindi kami talo!” pahayag niya sa mga ito nang may pait sa ngiti nito.

“Bakit hindi mo i-try? Mukha namang may gusto rin sa’yo ‘yun,” sabi ni Dex.

“Ewan,” sagot na lang niya rito. Naguguluhan pa rin siya sa kanyang sarili kaya hindi masagot ng ayos ang mga ito.

“Tol, eto na lang. By any chance, liligawan mo ba siya?” curious na tanong ni Von.

“Well, let’s see!” makahulugang saad niya sa mga ito.

Dinumog naman siya ng mga ito sa kanyang kama dahil sa isinagot niya. Mag-aalas tres na nang madaling-araw nang maisipan nilang matulog.

Kinaumagahan, nang magkita-kita sila sa retreat hall, halos karamihan sa kanila ay puro may mga eyebags pa. Halata mong mga nagpuyat.

Sina Tan naman kahit napuyat kanina, tamang pang-asar lang ang ngiti nila kay Johan lalo na nang makita nila si Denisse. Sinamaan lang sila ng tingin nito.

Nagkaroon ng misa sa umaga. Patawarin sana siya ni Lord pero hindi talaga mapigilan ni Denisse na sumimple ng tulog habang naghohomiliya ang pari. Antok na antok talaga siya!

Pagkatapos ng misa, pinagsama-sama na ang mga magkakaklase. Nagkaroon sila ng sharing tungkol sa kani-kanilang pamilya. Doon pa lang nagkaroon ng lakas ng loob na makapag-open up si Denisse sa mga kaklase niya tungkol sa nangyari sa Papa niya. Halos lahat sila ay nagulat. Wala kasi ni isa man sa kanila ang nakakaalam na patay na pala ang Papa nito. Hindi man lang sila nakadalaw sa burol nito. Napaiyak na lang si Denisse habang nagkukwento sa mga ito kasi nandoon pa rin ang sakit sa tuwing maaalala niya ang kinahinatnan ng kanyang Papa. Inalo naman siya ng mga ito lalo na ng katabi nitong ni Johan.

Pagkatapos noon, nag-lunch na sila. Then, proceed sa last activity.

Task:

Lapitan ang taong hindi mo aakalaing magiging ka-close mo pala. Ang tanging gagawin mo lang ay yakapin ito sa loob ng isang minuto. Walang imikan. Just feel the presence of that person.

“Bakit one minute lang, Ma’am?” pabirong reklamo ni Del na ikinatawa naman ng nasa hall.

Nang magbigay na nang go signal si Ma’am Benny, isa-isa na silang nagsipaglapitan sa taong napili nila.

Nagulat si Johan nang makitang nakatayo na pala si Denisse sa harap niya’t nakangiti. Nag-iisip pa lang siya ng paraan kung paano lalapitan ito pero heto na’t nalapitan na pala siya.

Nginitian niya rin ito. Ilang saglit pa’t niyakap na siya nito. Gumanti na rin siya ng yakap. “Eto na ‘to eh!” wika niya sa isip.

“Ehem! Lagpas nang one minute. Abuso na ‘yan!” nakangising saad ni Tan sa dalawa.

Napahiya naman ang dalawa’t biglang kumalas sa pagkakayakap.

4pm na nang makaalis sila sa retreat place. Ganoon pa rin ang set-up. Sila-sila pa rin ang mga magkakatabi. Nabawasan lang ang ingay ngayon dahil halos mga puyat pa sila kaya tulog agad ang inatupag nila.

Ang mga boys sa pinakadulong upuan, ayun! As usual, ngiting-ngiti sa nakikita nilang view. Parang nag-flashback lang sa kanila ang posisyong nakikita nila sa harapan nila ngayon.

As for Denisse, ayaw niya ng retreat kasi ayaw niya na magse-share siya ng mga kwento tungkol sa pagkatao niya at sa pamilya niya. Pero sa pagkakataong ‘to, hindi niya maipagkakaila na na-enjoy niya ang retreat na ito lalo na’t katabi niya ang taong tinutukoy niya sa kanyang mga kaibigan.

(A/N: As you notice in its book cover, this is an excerpt from the novel “The Little Whiner, Chapter 59 and 60. Natuwa lang akong gawin siyang ‘short story’ kasi napagtanto ko namang pwede pala. Kinilig ako eh! Hoho! Bitin ‘to! Further continuation would be on my novel. For promotional lang kasi ‘to. Hehe. Maraming salamat kung may magbabasa man nito. Mas feel ko talaga ‘to kesa sa Group Message kung saan tinangkilik ninyo ng bongga! Maraming salamat sa mga sumuporta noon. Sana ito rin! Keep safe! ^___^)

Continue Reading

You'll Also Like

45.1K 1.3K 26
GXG
168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
16.8K 339 18
[Completed, 2022] Les Tendres Series #1 || Tender Love Series "When you don't have money, how far away are you willing to go just to earn it?" An unl...
61.2K 3.2K 25
Porcia Era Hart x Chrisen