The Last Retreat

2.7K 47 77
                                    

Kung sa ibang mga estudyante ay kababakasan mo ng excitement ang mga mukha nila dahil ito ang pagkakataon para makapag-bonding ulit silang magkakaklase at mag-reminisce ng mga nakaraan nila, ibahin ninyo si Denisse. Ito ang pinakaaayawan niya sa lahat ng mga cocurricular activities ng school nila. Bugnot na bugnot siya sa tuwing sasapit ang retreat nila. Ang ikinatutuwa lang niya ay ang libreng pagkain dito. Kahit na medyo hindi swak sa panlasa niya kasi pangmayamang pagkain ang inihahain sa kanila, naaatim pa naman niyang kainin ito. Libre eh!

Nakaupo lang siya sa may lobby ng school habang ang ilang mga estudyante ay hindi magkamayaw sa mga dalahin nila. Paano ba naman kasi ay isang araw lang naman silang matutulog doon kung makapagdala naman ng mga gamit ay akala mo isang linggong matutulog doon.

Natuto na siya noong swimming nila na dapat ay sapat lang na damit ang mga dala niya. Wala naman kasing magmalasakit man lang sa mga kaklase niyang ipagbuhat siya kaya isang malaking backpack lang ang dinala niya ngayon.

Habang pipikit-pikit ang mga mata niyang pinagmamasdan ang mga makakasama niya mamaya sa retreat ay may narinig na lang siyang may kumakanta na pala sa tabi niya.

“Ang Enero ko ay malungkot

pagkat miss kita.”

Alam ni Denisse ang kantang ‘yun kaya lang bakit Enero? Di ba dapat Disyembre iyon? Miss Kita Kung Christmas pa nga ang pamagat ng kantang ‘yun sa pagkakatanda pa niya.

Habang napapaisip siya, ramdam na ramdam naman nang kumakanta ang kinakanta nito’t may nalalaman pang papikit-pikit ng mga mata nito.

“Ano mang pilit kong magsaya.

Miss kita, oh RETREAT.”

Nakahalata na si Denisse sa kung sinuman ang kumakanta sa may tabi niya kaya nilingon niya ito. Hindi nga siya nagkamali. Sino pa ba namang may malakas ang topak na kakantahan siya nang may inibang lyrics kundi si Johan lang!

“Kahit nasaan ako,

papaling-paling ng tingin

walang tulad mo.”

Tinitigan niya ito ng masama pero hindi pa rin natinag si Johan bagkus ay itinuloy pa nito ang pagkanta.

“RETREAT ay sasapit,

‘di ko mapigil ang mangulila.

Hirap nyan---”

Hindi na niya ito pinatapos pa sa kinakanta. Sa asar niya, nabatukan niya ito nang malakas. Kulang na lang mapasubsob ito sa table nila sa pagkakalakas ng batok niya. Napadaing tuloy ito sa ginawa niya.

“Ano ba! Ang aga-aga. Nambubwisit ka!” singhal agad niya rito nang sa tingin niya ay makabawi ito sa pagkakauntog.

“Nabwisit ka ba? Eto naman! Kinakantahan ka na nga,” nakakaloko namang sabi nito sa kanya.

“Wow! Salamat, ha!” sarkastikong saad niya.

“Oy, tabi tayo mamaya sa bus, ah!” pag-iiba nito ng usapan .

The Last RetreatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon