Loving You, Hurts Me

By youwillbeokey

92 0 0

Loving you without knowing you're just playing. More

Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11

CHAPTER 2

8 0 0
By youwillbeokey

CHAPTER 2

Nag-aabang ako ngayon ng jeep papasok sa school. Medyo maaga ako para makasakay kaagad. Baka kasi ma late ako, marami kasing pasahero ngayon dahil may pasok. Kadalasan ay mga estudyante.

Nakisiksik ako kahit masikip na. Nakisuyo ako paabot ng bayad sa katabi kong babae. Habang naghihintay na makarating sa university ay nagmasid lang ako sa paligid.

May kanya-kayang ginagawa ang mga nakasakay. May nag cellphone, nagkwentuhan, nagtawanan at may natutulog.

Nagulat ako dahil biglang may sumandal sa balikat ko.

Matandang babae, nakatulog siya at hinayaan ko nalang.

Nakarating na ako sa university, kaya agad na akong pumasok sa gate na nakayuko. Sasalubungin ko na naman yung mga mapangkutyang mga estudyante. Napabuntong hininga ako.

Kailan kaya darating ang araw na hindi na nila ako huhusgahan?

Nasasabik na ako sa araw na iyon. Hindi pa ako nakapasok sa building ng may bumuhos sakin.

Mapait akong napangiti.

Binuhusan ako ng ice tea, ang lamig.
Nanginginig na ako ay hindi parin nila ako tinigilan. May nagbuhos din sakin ng spaghetti. Tsk. Sinasayang nila ang pagkain.

"Yan bagay yan sayo!"

"Bat kapa kasi nandito?"

" hindi ka nababagay dito!"

Nanatili akong nakayuko at hindi pinapansin ang kanilang pangungutya. Ayaw ko ng labanan pa dahil kung lalaban ako ay wala na akong pinagka-iba sa kanila.

Nag-iisa lang ako. Mhabella Chres Bajado. Wala ng mas aangat pa.

Lalakad na sana Ako ngunit may pumigil na isang kamay naka hawak sa braso ko. Huminto ako ngunit di lumingon.

Hanggang sa naramdaman ko na naman ang likido na dumaloy mula sa ulo ko.

Kanina ice tea, ngayon naman ay coke. Nagsasayang talaga sila. Kung sana binigay nalang nila sakin.

Lihim akong napangiti. Wala ng mas mababa pa sa mga taong ito. Kailan kaya nila ma realize na ang babaw nila?

"At sa tingin mo ba ay makakaalis ka kaagad?" Isang maarteng tinig ang narinig ko. Sayang ang ganda sana ng boses niya kaso kabaligtaran namn ang ugali.

Hindi ako umimik. At lalo siyang nagalit.

"I'm talking to you! You should face me!" Histerikal na sabi niya. Nakakatawa siya.

Pumihit ako paharap. Nagtatapang-tapangan. Pagkatapos ay ngumiti.

"Maaari na ba akong umalis? Sapagkat ako ay mahuhuli na sa klase." Mahinahong wika ko. "Maaari mo na ba akong pakawalan? Dahil kinausap na kita?"

"Its not easy like that, bitch. You know what? You should leave this school! We don't fucking need trash like you here." Wika niya. Ngunit alam kong ano mang oras ay sasaktan na niya ako ng pisikal.

"Pwede naman na huwag na ninyo akong pansinin. Dahil wala rin naman akong pakialam sa inyo." Sagot ko naman. Sa totoo lang ay napapagod na akong maging mahinahon. Sa buong buhay ng pag-aaral ko ay ganito nalang lagi.

Pwede naman siguro na sa pagkakataon na ito ay ipagtanggol ko na ang sarili ko.

"Aba't sumasagot kapa!" Pabatong binitawan niya ako at tinawag ang kasamahan niya. "Pahingi ako ng sanitizer, ayoko mahawaan ng germs niya." Agad naman na binigay ang kanyang hiningi. Hindi ba niya alam na nakakatulong din ang germs sa  katawan?

Umalis na ako ngunit hindi pa ako nakakalayo ay may humablot sa buhok ko. Ramdam ko ang hapdi ng anit ko dahil pwersang iyon. Tangina ang sakit.

Kahit sampalin ako o suntukim basta wag lang ang buhok ko dahil nag-iinit talaga ang ulo ko.

Pinipilit kong maging mahinahon. Kinokontrol ang sariling lumaban dahil baka maging katulad nila ako.

"Pakibitawan ang buhok ko, pwede ba?" Pikit matang wika ko sa may hawak nito. Nanginginig na ang kamao ko sa galit. Halos magdilim na ang paningin ko. Buhok ko ang kahinaan ko. Kapag ito ay hinawakan tila nawawala ako sa sarili ko.

Na parang gusto kong manakit.

"Ha! At sino ka para utusan ako?" Bulong niya sakin.

"Habang nagpipigil pa ako ay pakibitawan na." Unting sandali nalang ay mapuputol na ang lubid na nagpapatino sakin. Please wag ka munang maputol, ayoko makasakit. "Please pakibitawan na, maawa ka sa sarili mo." Medyo nagpapanic na ako dahil hawak niya parin ito.

"Ano? Lalaban ka ha? Sige nga laban... Dali na laban na.." Hinila hila pa niya ang buhok ko. At doon na napigtas ang pasensiya ko.

Lumingon ako sa kanya at madilim na paninging sinikmuraan siya. Agad naman siyang natumba sa lupa. Naririnig ko ang singhapan nila habang nanonood samin.

"Grabe na kakatakot siya."

"Parang wala na siya sa sarili."

"Ang lakas niya!"

"Awatin  ninyo, baka mapatay niya si Mae."

"Shit! Totoo na ito!"

"Tumawag kayo ng security."

"Tangina nababaliw na siya"

Yan ang naririnig ko habang nakaupo ako sa tiyan ng babae at pinagsusuntok siya. Hindi ko siya tinigilan hanggang nawalan siya ng malay. Agad namn na dumating ang security at agad na pinaghiwalay kami. Bulagta sa lupa ang babae habang nasa tabi niya naman ang mga alipores niya.

Bigla akong natauhan sa ginawa ko. Shit! Di ko nagawang mapigilan.

Agad akong dinala sa guidance office kasama ang iba pang students na nakakita. Nakaupo ako sa silya kaharap ang isa sa alipores ni Mae. Mukha namang takot siya sakin dahil Di siya  makatingin ng deretso.

"Miss Bajado, bakit mo naman ginawa iyon?" Malamig na wika ng prof. Na na-asign sa guidance.

Hindi ako umimik. Hindi ko naman pwedeng sabihin na nagdilim lang ang paningin ko kaya ko iyon ginawa.

"Kayo ano ba talaga ang nangyari?" Tanong niya sa iba. Lumingon naman ako sa kanila nag-aabang ng sagot.

"Ahh... Kasi po ma'am ... Naglalakad papasok si Bajado ng bigla nalang siyang binuhusan ng ice tea ng grupo nila Mae. Tsaka may nakisali pong estudyante na nagtapon ng spaghetti sa kanya." Sabi nung babae.

"Tapos?"

"Aalis na po sana siya ngunit hinila naman ni Mae ang buhok niya. Doon na po siya parang nawala sa sarili. Binugbog niya po si Mae." Sagot naman ng katabi niya. Hay. Buti nalang at di sila gumawa ng kwento. Kung sabagay kahit gagawa sila ng kwento ay may patunay naman ang na binuhusan ako sa ice tea.

"So, grupo nila Mae pala ang may pakana?"

"Yes, po." Walang pag-aalinlangan na sagot niya.

"Ikaw miss Bajado, wag mo ng ulitin ang ginawa mo. Kung hindi pa dumating ang mga security ay baka napatay mo na si Mae. "

"Pasensiya na po." Yumuko ako.

"Oh sige pumasok na kayo sa klase ninyo. At ikaw miss Bajado, tatanggap ka ng parusa. Scholar kapa man din. By the way, you will clean the whole building of tourism. That's your punishment." Wika niya saakin.

Bagsak ang balikat ko dahil sa narinig. Ang laki pa naman ng building namin tapos ako lang maglilinis. Lalo akong mapapagod nito.

"Oh, muntik ko ng makalimutan. Yung grupo nila Mae ay suspended for one week." Muling salita niya. Hay. Salamat at di lang ako ang naparusahan.

"Ma'am!" Paawa ng isa sa alipores ni Mae.

"That's final." Mariing wika niya.

Nauna na akong lumabas dahil parang di ako makahinga habang nasa loob ako. Pagbukas ko ng pinto ay nadatnan ko ang mga estudyante na nakikinig sa usapan. Nang mapansin ako ay dali-dali silang nasi-alisan.

Naglakad ako ng nakayuko. Ayoko ko makita ang mapanghusga nilang mga tingin. Nakakasawa na.

"Fuck, nakakatakot siya."

"Oo nga akala ko tahimik lang pero may tinatago palang kasamaan."

"Hindi, pinagtanggol lang naman niya ang sarili."

"Kahit na,"

"Pero para sakin, tama lang ang ginawa niya sa grupo nila Mae"

"Sabagay, ganun na talaga ang grupo nila, mahilig mam-bully."

Mga naririnig kong usapan habang dumadaan sa kanila. Buti nalang at hindi nega lahat ng comment.
Napabuntong hininga ako.

Pumasok na ako sa classroom at tahimik na nakinig nang dumating na ang propesor.

Isang malakas  na pagdamba ng pintuan ang nakaagaw ng atensiyon ng lahat.

"Omg! He's our classmate."

"Shit! Ang Gwapo niya talaga."

"Yeah, I should offer him a one night "

"As if he accept it"

Hindi ko tinapunan ang tingin ang kakapasok lamang. Nagsusulat lang ako ng notes para may mapag-aralan ako mamaya.

"Black, you can sit here"

Agad akong napalingon dahil sa narinig na pangalan.

Shit! Classmate ko siya?

Sa paglingon ko ay mata niya kaagad ang nakasalubong ko. Seryoso lamang siyang nakatingin sakin.

"Mr. Hermano, don't you know how knock first?" Wika ng propesor.

"Should I knock, even if I'm the owner of this school?" Baling niya sa propesor. Napalunok naman ang huli.

Hmm.... He's using his power to control this professor. How bad.

Na tahimik ang lahat dahil sa kunting sagutan nila ng propesor.

Nga lakad siya palapit saakin at huminto sa harap ko. Kinabahan naman ako dahil baka ako ang mapagbalingan niya ng Inis.

Yumuko Ako at pinagpatuloy ang aking ginagawa.

Umalis siya sa harap ko akala ko ay tuluyan na, ngunit nagulat ako sa kanyang ginawa.

Continue Reading

You'll Also Like

37K 889 29
โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€ you got me down on my knees it's getting harder to breathe out . . . โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€ ๐‘ฐ๐‘ต ๐‘พ๐‘ฏ๐‘ฐ๐‘ช๐‘ฏ . . . ๐œ๐ก๐ซ๐ข๐ฌ ๐ฌ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ง๐ข๐จ๐ฅ๐จ ha...
546K 19.8K 166
The young lady from the Xue family was talented and beautiful, and married the dream husband at the age of 16. They had a loving and harmonious relat...
247K 17.9K 22
Avantika Aadish Rajawat Aadi, with his fiery nature, adds intensity and excitement to their relationship, igniting a spark in Avni. Avni, like the ca...
1.5M 130K 62
RATHOD In a broken family, every person suffers from his insecurities and guilt. Successful in every field but a big failure when it comes to emotio...