Heiress: Forgotten Memories (...

By YuriYuriYuriYuki

106K 4.5K 411

Heiress Series #2 Story of Aishelle Yesha Autumn Blanc Arcavia and the Goddess of Creation Serene Lianne Luna... More

Paalala
Characters
Ariella
Extra: The Missing Queen
Prologo
HFM 1
HFM 2
HFM 3
HFM 4
HFM 5
HFM 6
HFM 7
HFM 8
HFM 9
HFM 10
HFM 11
HFM 12
HFM 13
HFM 14
HFM 15
HFM 16
HFM 17
HFM 18
HFM 19
HFM 20
HFM 21
HFM 22
HFM 23
HFM 24
HFM 25
HFM 26
HFM 27
HFM 28
HFM 29
HFM 30
HFM 31
HFM 32
HFM 33
HFM 34
HFM 35 Part 1
HFM 36 Part 2
HFM 38
HFM 39
HFM 40
HFM 41
HFM 42
HFM 43
HFM 44 [Kenna&Silvia]
HFM 45 [Julian&Krystal]
HFM 46 [Sabrina&Joyce]
HFM 47 [Arrianne&Wina Heidi]
HFM 48 [Gabriel&Franco]
HFM 49
HFM 50
Epilogue
Announcement

HFM 37

1.3K 76 9
By YuriYuriYuriYuki

Aya Arcavia

"Lili"napangiti ako ng makita ko si Nini kasama ang apat na babae at isang lalaki. Kamukha ito ni Tito Francis kaya kilala ko na agad kung sino ito.

"Good morning Elite Class, ito ang suprise ko sa inyo. Sila ang mga bagong kaklase niyo na makakasama niyo ngayong taon"tinuro ni Ate Yuna ang anim na tao sa harapan at napansin ko na hindi nagulat sila Ate Julian ng makita ang mga mukha nila.

Pero napansin ko na titig na titig sila kay Nini na hindi ko kinatutuwa. Napansin naman nila na masama ang tingin ko kaya tumawa sila.

"Good morning"bati ni Krystal at nakita ko naman pumalakpak si Ate Julian na ikinataka ko.

"Hello, Silvia Ferior"masayang bati nito sa amin.

"Magandang umaga, Ako pala si Joyce Guiller"bati ng katabi nito sa amin at inirapan naman ito ni Sabrina.

"Wina Heidi Seria"yumuko ito ng magpakilala at tinignan ng lahat ay si Krystal at si Nini.

"Hi! Krystal Yuu Drior"kumakaway na bati nito at nagpalakpakan naman sila.

Natahimik ang lahat ng mapansin na tila nababagot na si Nini dahil alam ko gusto na nito makatabi sa akin.

"Lianne Heaven"maikling sabi nito at nagpalakpakan naman ang lahat at kasama na ako doon pero pigil lang ang pag ngiti ko.

Hindi na nito hinintay na magsalita pa si Ate Yuna at mabilis na pumunta ito sa tabi ko.


"Ehem, for the last student"ngumiti si Ate Yuna dito at tinignan ko yung lalaking kasama nila.


Napansin ko na tinitignan nito si Nini na ikinasama ng tingin ko dito. Napansin nito na tinitignan ko siya ng masama ay umiwas ito.


Hinawakan ko ang kamay ni Nini at sumandal ako sa balikat niya. Tinignan ko ito at namula ako bigla dahil nakatingin din pala ito sa akin.


"Mahal kita"bulong nito na mas lalong ikinapula ko. Binalik ko ang tingin sa harapan at nakita ko nanaman yung lalaki na nakatingin kay Nini.


"Nini mahal din kita"pagkasabi ko nun ay hinalikan ko ito sa labi na ikinagulat niya at palihim ko tinignan yung lalaki at inalis na nito ang tingin kay Nini.


"Franco Jake Glacier"malakas na sabi nito at ikinangisi ko ng tinignan ako nito. Para mas asarin pa ito ay hinalikan ko naman si Nini sa pisngi.


"Lili alam ko yang ginagawa mo"nakangiting sabi ni Nini sa akin na ikinatawa ko ng mahina.

"Para malaman niya akin ka"malamig na sabi ko dito sabay ngisi sa kanya. Umiling lang ito at pinaupo na itong si Franco sa tabi ni Gabriel.


"Dahil kumpleto na ang lahat, sisimulan na natin ang klase. Alam niyo na kakaiba kayo sa lahat na nag aaral dito. Hindi dahil sa may dugong bughaw kayo,kundi dahil mas malakas kayo sa kanila at higit sa lahat may kakayahan kayo na wala sila"habang nakikinig kami kay Ate Yuna ay hawak ko pa din ang kamay ni Nini. Hindi rin naman nito binibitawan ang kamay ko kaya masaya ako.


"Sinasabi ko ito sa inyo dahil as a Elite Class may gagawin kayo na hindi dapat nila malaman at iyon ay may mga Mission na iaasign sa inyo bawat isa. Meron din na individual or team. Mas mahahasa ang galing niyo kapag may mga experience kayong nararanasan. Ang klase na ito ay hindi lang pag aaral ang gagawin kundi actual mismo"tinignan kami nito isa isa sa mga mata at ang huli tinignan nito si Nini.


"Alam ko na sinabi na sa inyo ng magulang niyo ang tungkol sa mga kakaibang halimaw na sumusugod sa bawat parte ng Atlancia at Arcavia. Sa inyo ko lang ipapakita ang nangyari sa Arcavia ng distrikto 10"napaiwas ako ng tingin ng ilabas nito ang hologram sa nangyari sa distrikto 10.


"N-ngayon ko lang nakita yan"hindi makapaniwalang sabi ni Kenna at napahigpit ng kapit ko sa kamay ni Nini.

Bumabalik sa isipan ko ang nangyari at sa mga nakaharap kong Cyclones. Naramdaman ko na may yumakap sa akin at nakita ko si Nini ito pero nakatingin ito sa harapan na masama ang binibigay na tingin.


"Nini"tinignan ako nito sabay halik sa noo ko at nilagay nito ang ulo ko sa balikat niya.


"Ipapakita ko ang larawan ng Cyclone na sumugod sa distrikto 10"nilabas nito ang larawan at napabuntong hininga ako dahil sa nakita ko nanaman ito.


"Malalaki ang anyo nila, may isang mata at may kakaibang bilis din sila. Itong pinakita ko sa inyo ay mismong nahuli ito ng headmistress at sa ngayon ay pinag aaralan para malaman pa ang maging kahinaan nila lalo na ang core na meron sa kanila. Pero base sa ulat din ni Aya noon ng makalaban niya ang ilan sa mga ito ay ang kahinaan nila ay ang kanilang mata dahil nandoon mismo ang core nila"tinignan ko ito at nakita ko sa mga mata niya na kahit ayaw niya sana banggitin iyon at kailangan para maging aware ang iba pa.



"Sa ngayon ito ang mapa ng buong Atlancia"nilabas nito ang isa pang hologram at makikita ang lawak ng buong Atlancia ngunit napansin ko namin ang kakaibang mga marka.


"Anong marka po yan Prof. Yuire?"tanong ni Gabriel at nilapit pa mismo ni Ate Yuna ang mga may marka.


"Portal"seryosong sagot ni Ate Yuna at pinindot nito ang portal at may lumabas na video.


"Ang may mga marka ay mga portal kung saan lumalabas ang mga halimaw. Makikita niyo dito sa mismong video ang paglabas ng mga kakaibang halimaw. May malalaki at may maliliit kaya nilagyan ng mga bantay ang bawat portal kapag may lalabas na mga halimaw ay mabilis maagapan at hindi makakapunta sa mga lalawigan na malapit sa mga lumabas na portal"napansin ko na may mga nakapalibot na mga barrier sa mga portal.


"Paanong nagkaroon ng mga portal dyan?"hindi ko mapigilan itanong dahil ang sinabi lang sa akin ay isang portal lang meron.


"Ibig sabihin lang nito ay hindi lang ang Atlancia ang meron kundi sa Arcavia din"may nilabas itong hologram at nagulat kami sa pinakita nito.


Bawat distrikto ng Arcavia ay may mga portal na bukas at nakita ko din na may mga nagbabantay na mga kawal ng bawat distrikto.


"Kailan pa nagkaroon dyan?"tanong ko sa kanya at tinignan ako nito sa mata.

"Isang buwan ng matapos sugurin ang distrikto 10. Noon pa man ay may kakaibang nangyayari na sa distrikto 10. Hindi pa sinasabi nila Tita Tonette ang pangyayari na yun dahil iniimbistigahan pa. Ngunit may kinalaman doon ang dating Kapitan na si Gregor kaya kasalukuyan inuusig ito"napabuntong hininga ako sa sinabi nito. Isa din siguro ito sa dahilan kaya nagkaroon ng mga bandido na sumasalakay sa distrikto n yun.


"Hindi lang ang distrikto 10 ang unang sinalakay ng mga halimaw. Kundi maging ang isa sa lalawigan din dito sa Atlancia"pinindot nito ang isang may pulang marka at mas nagulat kami sa nasaksihan.


"Ang east tribe ng Atlancia"tumango si Ate Yuna sa sinabi ko at tinignan ko si Franco na tila nagulat sa sinabi ko at tinitignan din ito ng iba.



"Ang east tribe ng Atlancia kung saan ang may hawak dito ay ang mga Glacier"gulat na napatingin si Franco kay Ate Yuna.


"Kaya kami pinapunta ni Antonette sa mortal world para hanapin si Francis Glacier dahil sa nangyari sa Tribe nila"paliwanag ni Nini at napatango ako sa sinabi nito.


"Hindi inaasahan ang pangyayari katulad ng sa Distrikto 10 ay makikita ang pagkawasak ng buong East Tribe pero hindi lang yun halos marami ang nasawi din dahil sa pangyayari. Ngunit ang kasalukuyan na namumuno doon ay nasawi at iyon ay ang Kapatid ni Jillian Glacier Arcavia na asawa ni Prinsipe James Arcavia"napatingin ang lahat kay Ate Julian at nakita namin na tila may alam ito dahil hindi nagbago ang expression ng mukha nito.


"Sa ngayon ay muling binabangon ang East Tribe lalo na dumating na ang tagapagmana na si Francis Glacier at kasalukuyan itong kinakausap ng Reyna Heria at Reyna Antonette"nakakapag taka kung paano dumami ang mga portal.


Magtatanong pa sana ako ng mag bell at mabilis na inalis ni Ate Yuna ang mga hologram.


"Hanggang dito na muna ang ibabahagi ko sa inyo. Pero simula bukas ay maghanda ang lahat.Dahil ibibigay ko na sa inyo ang mga mission na gagawin niyo. Class dismiss"naunang umalis na ito at napapikit ako habang nakasandal kay Nini.


"Hindi ko alam na may nangyari ng ganun sa East Tribe"pag uumpisa ni Kenna at pinakinggan ko lang ito.


"Kaya pala iba ang kinikilos nila Ina noon bumalik ako sa palasyo"dagdag pa nito.


"Lili"tinignan ko si Nini ng marinig ko ang seryoso na tono ng boses nito.


"Hindi ko hahayaan na may mangyari ulit sayo na masama at hindi ko hahayaan na mag isa ka lang na aalis kapag may mission"napangiti ako sa sinabi nito kaya mabilis na niyakap ko ito.


Napansin ko ang tingin na binibigay ni Franco ko kay Nini kaya mas hinigpitan ko ang yakap ko dito at tinignan ng masama ang lalaki.


"Akin lang siya"ginamit ko ang telepathy dito at gulat na tinignan ako nito.

----

A/N - To be honest nagkaroon ako ng writer block dito sa chapter na to kaya hindi ko mapublish hahaha.



Continue Reading

You'll Also Like

95.2K 4.9K 52
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man. Language used: Tagalog and English Status: Completed Date Started...
21M 768K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
1.8M 32.4K 45
Xenovia Guilen Lopez thought she had her happy ending when she married her husband, Trevor Ledesma, he is the most charming guy she ever knew and the...
3.3K 149 64
Mina and Chaeyoung is in relationship what will happen if mina's ex nayeon will comeback is she gonna stay with chaeyoung or she will choose nayeon t...