The Seductive Doctor (Savage...

By Maria_CarCat

9.1M 246K 56.5K

The Doctor is out. He's hiding something More

The Seductive Doctor
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Epilogue
Special Chapter
Sequel
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 60

156K 4.1K 1.5K
By Maria_CarCat

Squad








Mula sa aking mahimbing na pagkakatulog ay nagising ako. Ilang beses kong sinubukang idilat ang aking mga mata ngunit nabigo ako. Mabigat ang mga ito kagaya ng bigat ng nararamdaman ko sa aking buong katawan dahil sa grand awarding ceremony na ginawa namin ni Kenzo. Though, hindi pa daw iyon ang pinakagrand.


"Wait till, our honeymoon" banta niya sa akin kaya naman napanguso ako. Tangina bakit hindi na lang ngayon?


Gising na ang aking diwa kaya naman sandali akong nakiramdam sa aking paligid. Ramdam ko ang mabigat na braso ni Kenzo na nakapulupot sa aking bewang. Ang balahibo sa kanyang binti ay ramdam ko din sa akin.


Dahan dahan akong dumilat. At hindi na ako nagulat pa ng maabutan kong nakatitig siya sa akin. Nakatitig siya habang tulog ako!? Tangina, kaya pala nagising ako, napakagago!


"Morning" he said huskly.


Hindi na ako nakapagprotesta pa ng sandali siyang magtanim ng halik sa aking labi. Napatawa ako at napahawak sa kanyang hubad na dibdib. Ang kanyang puting tshirt kasi ay nakasuot sa akin.


"Kanina ka pa gising?"


Hindi siya sumagot, mas lalo niya lamang akong hinila palapit sa kanya. Ilang halik sa ulo ang naramdaman ko. Kaya naman umayos ako ng higa at yumakap din sa kanya. Katapat ko na ngayon ang kanyang hubad na dibdib. Damn this sexy Doctor!


"I love you" malambing na sabi niya kasabay ng isang marahang pagpisil sa akin dahil sa kanyang yakap.


Nagsumiksik ako sa kanyang dibdib. Halos talunin ng init ng kanyang katawan ang aircon namin. Fuck, walking heater. NakakapangInit naman talaga, minsan ng ulo...kadalasan ng katawan.


"I love you too...Doc" nakangising pangaasar ko sa kanya.


Narinig ko ang kanyang mahinang ngisi. Nitong mga nakaraang araw ay ramdam ko pa din ang lungkot sa kanya dahil sa nangyari sa hospital. Kaya naman halos minu-minuto kami ni Kianna sa tabi niya para hindi siya maSpace out. Palagi naming sinisiguradong may kausap o kasama siya.


Medyo may pagkaOverthinker si Kenzo. At sa oras na malunod siya ng mga iniisip niya ay parang hindi na siya nagfuFunction ng maayos. Napansin ko iyon sa kanya simula ng bumalik ako, dahil na din siguro sa trabaho niya at sa mga pinagdaanan ng halos walong taon na hindi kami magkasama.


Ganuon din naman ako. Mahirap nga naman talagang kalaban ang isip. Ang pwede lang nating magawa ay kalabanin ito. You are more powerful than your mind, though it shouts  power pero we can have a mind set. And that is to reject negativity.


"Mas mahal kita..." laban niya sa akin.


Kinurot ko ang nipples niya kaya naman napahalakhak siya. "Mas mahal kita, Kenzo!" laban ko. Hindi ako magpapatalo.


Napangisi siya kaya naman muli kong kinurot ang nipples niya. Nagtaas siya ng kilay sa akin ng dungawin niya ako.


"Stop that. The sight of you early this morning, makes me horny already" banta niya sa akin.


Inirapan ko siya lalo. "You being naked, early this morning makes me horny too! So horny!" masungit na laban mo sa kanya. Horny ba kamo? Lalaban ako, hindi magpapatalo.


Halos magising ang buong bahay namin dahil sa halakhak ni Kenzo. Tanginang halakhak yan! Tinalo pa ang tilaok ng manok.


Si Augustine ang tumulong sa akin sa ibang preparations para sa aming kasal ni Kenzo sa simbahan. Gustong bilisan ni Daddy, lalo na at nalaman niya kung paano kami nagsimula ni Kenzo.



"Ok lang yan, parang busog ka lang naman" puna ni Gust sa medyo matambok ko ng sinapupunan.


Hindi naman iyon masyadong visible, unless tititigan mo ang tiyan ko. Napanguso ako at napahawak duon. "Wag na lang yung masyadong fit sa tiyan. Gusto ko sana yung pa-serpintina type. Pero sa ibang okasyon na lang iyon" pagsuko ko sa pangarap kong gown dati pa.


Napatango si Gust at pinagpatuloy ang paghahanap ng wedding gown mula sa kilala niyang bigating designer. Maraming portfolio mula sa iba't ibang designer ang dumating sa amin. Itong Augustine na ito! Master sa fashion, kaya naman halos gawin niyang barbie ang anak ko sa mga dress ups niya. Siraulo din!



"Sabihan mo ako kung kailan ulit dadalaw yung anak ng mga sister in law mo at ng makapunta ako sa inyo" paalala  niya sa akin. Halos masamid ako ng maalala ko ang huling punta niya sa amin.


Dinala nina Castel at Amary sina Cassie at Prymer sa bahay para dalawin si Kianna. Step na din iyon para mas lalong maging close ang magpipinsan. Close na kasi sina Cassie at Prymer, medyo malayo pa ang loob ng anak ko dahil nasanay siyang magisa.


Saktong nanduon si Gust kaya naman umiral ang pagiging barbie niya at napagdiskitahang bihisan ang mga bata. Napakaarteng nilalang!


"Basta ba't handa kang mamura ni Prymer" natatawang asar ko sa kanya.


Tuwang tuwa ako sa batang iyon. Nang hindi kasi niya nagustuhan ang ipinasuot ni Augustine sa kanya ay kaagad siyang napamura na ikinatawa namin.


"Amputa!" sigaw niya. "Daddy!" iyak na tawag niya kay Piero kahit wala naman duon. Nakita ko kung paano mamutla si Gust, nakita niya na si Piero at alam kong alam niyang isang suntok at sira ang mukha niya.


Muli akong napahalakhak ng bayolente siyang napalunok. "Ang gandang bata, pero palamura. Baka yon ang anak mo, Gaga ka!" sita niya sa akin. Napahawak ako sa aking sinapupunan.


"Masyadong prim and proper si Kianna para magmana sayo" asar pa niya sa akin. Pinanlakihan ko nanaman siya ng maya. Ito nanaman kami.


"Eh ano? Mana sayo...in your dreams, Augustine!" asik ko sa kanya kaya naman napasimangot ang gaga.


Mabilis ang naging preparations namin kahit nagdesisyon kami ng biglaan. Iba talaga pag marami kang connections. Thanks to Augustine Alvarado. Tunog pa lang pangalan ay lalaking lalaki na. Kung hindi mo lang talaga siya kilala ay paniguradong maiinlove ka sa kanya. Ilang babae pa din ang kita kong naglalaway sa gilid pag nakikita siya.


Kung magdamit kasi ito ay lalaking lalaki talaga at kung kumilos lalo na sa public place ay tigasin.


"Wala na talagang atrasan?" tanong ni Kuya Frank sa akin ng makapili na din kami ng Date para sa kasal. It's a week from now at maging ako ay nagugulat na lamang din.


Mabilis akong tumango sa kanya para ipakitang gusto ko ang mga nangyayari. Kahit gaano kabilis ang lahat, walang pagdadalawang isip akong magpapakasal kay Kenzo.


"I miss the baby Frances" paglalambing niya sa akin kaya naman napanguso ako.


Tinanggap ko ang yakap ni Kuya. Alam ko naman iyon, kahit kaunti na lang ang klaro sa mga alaala ko nung pitong taong gulang ako bago mawalay sa kanila ay alam ko kung paano ako alagaan at mahalin ni Kuya Frank.


"Bakit hindi ka na mag Girlfriend at iyon ang gawin mong baby? Like uhm...Stella? What do you think?" panguusig ko sa kanya.


Nagigting ang kanyang panga. "Bakit ba, botong boto ka sa babaeng iyon? Naging masama siya sayo" pilit niyang paalala sa akin. Oo, naaalala ko ang kasalanan niya. Pero nakalimutan ko na ang galit at pakiramdam nuon. Napatawad ko na siya at si Mommy.


"Dahil gusto ko siya para sayo...sige na Kuya!" pagpilit ko pa sa kanya.


Marahan siyang umiling sa akin. Napanguso ako. Ang kaninang imagination ko na may lumilipad na manok ay biglang naglaho. Mukhang gagapang sa lusak ang aking pambato.


"Edi wag. Hahanapan ko na lang si Stella ng boyfriend" laban ko sa kanya kaya naman mas lalong nagigting ang kanyang panga.


"Hayaan mo na ang babaeng iyon. Mukhang wala namang balak sa ganun" suway ni Kuya sa akin. Halos mamula anh kanyang mukha kaya naman palihim akong napangisi.


"Hindi. Hahanap ako ng ibang manok. Yung malakas ang tilaok at maalagaan ng mabuti si Stella" sabi ko sa kanya.



Kumunot ang kanyang noo. Nakapamewang na siya ngayon sa aking harapan na para bang handang handa sa pakikipagArgumento.


"Anong manok?"


Napairap ako. "Ikaw Kuya. Ekis ka na, Fried chicken ka na lang...hahanap ako ng manok na malakas ang tilaok at mataas ang lipad" laban ko pa sa kanya. Inis na ako eh, mas ok na yung mga nonsense kong sinasabi kesa masabi ko ang magic word.


Paano kaya kung sabihin mong after ilang months ay mangigitlog si Stella? Gets kaya niya ang ibig sabihin ko duon? Malalaman kaya niya na buntis ito, atleast hindi ko sinabing buntis, nagbigay lang ako ng clue. Para naman hindi ako maguilty. Nangako akong hindi sasabihin eh.


Pero nangangati na ang dila ko! I want to drop the egg...este bomb!


"Focus on your wedding. Hayaan mo na ang babaeng iyon at wag mong hahanapan ng...lalaki" sabi niya sabay iwas ng tingin. Sus! Nahiya pa. Inahin talaga ito.


Napatigil kaming dalawa ng makita namin ang pagbaba ni Kenzo mula sa aming grand staircase.


Yan ang manok na barako! Hindi lang pagtuka ang alam, marunong ding sumisid! Manok ko yan!


Kumunot ang noo ni Kenzo habang nakatitig siya sa akin. Hindi ko kasi maiwasang mangiti dahil sa mga kagaguhang naiisip ko. Lumapit siya sa akin at tumabi sa akin sa pagkakaupo.


"Ano bang pinaglilihian nitong kapatid ko? Manok?" iritadong tanong ni Kuya Frank kay Kenzo kaya naman napabungisngis ako.


Tumikhim si Kenzo dahil sa pinipigilang tawa. "Awardings and Medal ang pinaglilihian ng kapatid mo" seryosong sagot niya kay Kuya Frank. Halos mula kaming pareho dahil sa pagpipigil ng tawa. Sa huli ay inis na umalis si Kuya Frank at paniguradong kay Stella nanaman ang punta nuon.


"Turuan mo nga yang Kuya ko" natatawang sabi ko kay Kenzo. Kumunot ang kanyang noo.


"Train your chicken" tawa ko. Napamura ang walang hiyang si Kenzo bago kami natawang dalawa.


Kasabay ng wedding preparations ay lumabas na din ang hatol para kina Fidez at Mandee. Pareho silang tatanggalan ng lisensya.


Parang ako din ang nanghina ng marinig ko iyon. Nasa mental hospital si Fidez at hindi ko naman alam kung nasaan si Mandee ngayon. Pero sa mga oras na ito, alam kong nakarating na sa kanya ang balita.


Tuluyan na ding nailipat ni Daddy ang lahat ng negosyo ng pamilya dito man sa manila o sa iloilo sa aking pangalan. Nalula ako at hindi makapaniwala, gulat pa din sa lahat ng nangyayari.



"You can focus on that pag nakapanganak ka na. Don't worry, I'll help you" paninigurado ni Kenzo sa akin, dahil sa isang iglap ay madami na kaagad ang nakasasalay na negosyo sa aking balikat.


Ilang araw bago ang aming kasal sa simbahan ay isang hiling pa ang ibinigay sa akin. Tumawag si Stella isang araw para ibalita sa aking nagising na si Mommy mula sa pagkakacomatose.


Wala kaming sinayang na oras at mabilis na umuwi ng Bulacan. Pagkadating duon ay dumiretso na kami sa private room na pinaglipatan sa kanya. Kinausap kaagad ni Kenzo ang ilang Doctor para humingi ng update sa lagay ni Mommy.


Pagpasok ko pa lang sa kanyang kwarto ay naiyak na siya. Mabilis akong lumapit para mayakap siya.


"Shh...Mommy, hindi po makakabuti sa inyo ito" marahang suway ko sa kanyang paghagulgol.


Marahan siyang napailing na para bang hindi niya kinakaya ang mga emosyon na nararamdaman niya. Mas lalo ko siyang niyakap ng maramdaman ko ang panginginig ng kanyang katawan dahil sa pagiyak.


"Patawarin mo ako Sera. Naging masama akong ina sayo..." paulit ulit na sabi niya sa akin.


Marahan akong umiling at pilit siyang pinatahan. Bukod sa naging kasabwat siya sa paglayo nila kay Kianna sa akin ay wala naman na siyang masama pang ginawa sa akin. Ang tanging naging kasalanan niya lang nuon ay naging mahina siya, hindi niya ako nagawang maipagtanggol kay Mr. Serrano. Maging ang kanyang sarili nga ay hindi niya din naprotektahan.


Hindi ako umalis sa tabi ni Mommy hanggang sa makatulog siya ulit. Nanatili akong nakaupo sa gilid ng kanyang hospital bed habang pinapanuod siyang matulog ng mahimbing.


"Kumain ka muna Sera. Nagaalala na sayo si Kenzo" tawag ni Stella sa akin ng lapitan niya ako.


Tiningala ko siya at tipid na nginitian. Lumipat ang tingin ko kay Kenzo na nakaupo sa may sofa at mukhang kanina pa nakatitig sa akin.


"Eh ikaw?" tanong ko. Maging siya ay ako ang iniisip. Eh paano naman ang sarili niya?


"Nakakain na ako" sagot niya sa akin kaya naman napatango ako, sandali kong tinapunan ng tingin si Mommy bago ako tumayo para makakain na muna kami ni Kenzo.


Sa isang restaurant malapit sa hospital kami nagpunta. Nakatanaw ako sa labas habang busy si Kenzo sa pagorder. Masaya ako dahil maayos na ang lagay ni Mommy. Pero hindi mawala sa sistema ko ang panghihinayang.


Nanghihinayang ako para kay Mr. Serrano. Kahit gaano siya naging malupit sa akin at hiniling ko pa din na, sana nandito din siya. Para naman kumpleto sila. Kumpleto kami.


"Baby..." tawag ni Kenzo sa akin.


Nilingon ko siya at tipid na nginitian. "Ayos lang ako...naalala ko lang si Mr. Serrano" kwento ko.


Tipid na tumango si Kenzo. Pero kita ko ang pagigting ng kanyang panga. Hindi naman kasi sikreto sa kanya ang kalupitan nito sa akin. Maging siya nga ay nakita ang mga natamo kong pasa at mga sugat.


Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng makita ko ang pagpasok ni Tita Alena. Kapatid siya ni Mommy at nalaman kong unuwi pa ito dito galing Davao para lang sunduin si Stella at Mommy.


"Tita..." tawag ko sa kanya. Sa huli ay sumama siya sa aming lamesa. Hindi naman iyon problema kay Kenzo dahil tahimik lang siyang nakikinig sa amin.


"Iuuwi ko sila sa Davao. Hindi ako aalis dito na hindi sila kasama" paninigurado niya sa akin. Hindi kagaya ng pamilya sa side ni Mr. Serrano ay naging mabuti ang trato ng mga relatives ko sa side ni Mommy.


Naging uneasy ako. Alam naman na ni Kenzo ang tungkol dito, pero ang isiping pinaguusapan namin ito sa likod ni Stella, pakiramdam ko ay hindi ito maganda.



"Pero buntis po si Stella...si Ate" pagtatama ko. Kita ko kasi ang bahagya niyang pagngiwi ng marinig na hindi Ate ang tawag ko dito.


Nga naman, ilang taon kaming nasanay lahat na Ate ko siya. Ate ko pa din naman siya ngayon, at mas lalong magiging Ate pag nagkatuluyan sila ng Kuya Frank ko.


Sopistikadong tumango si Tita. "Ang sabi ni Stella sa akin, hindi naman siya pananagutan ng Ama ng anak niya. Kung ganuon ang sitwasyon, hindi iyon problema sa amin. Kayang kaya namin siyang suportahan at ang bata"


Napatango ako. Sabagay, isa ang pamilya nina Mommy sa mga old rich family ng Davao. Hindi nga naman sila mamomorblema sa pera. Pero ang batang dinadala ni Stella ay isang Del prado.


"Don't worry, Sera. You are always welcome to visit us. You will always be part of the family" paninigurado ni Tita sa akin kaya naman muling nahabag ang aking puso.


Hindi din nagtagal si Tita. Kinailangan din niyang magpaalam sa amin dahil marami siyang aasikasuhin sa hospital para sa discharge ni Mommy.


Ilang minuto pa lang pagkatayo ni Tita ay nagulat na kami ni Kenzo ng may umupo duon.


"Kuya Frank?" gulat na tawag ko sa kanya. Hindi ata Manok ang isang ito kundi kabute! Bigla bigla na lang sumusulpot sa kung saan.


"Anong sabi mo? Frances...tama ba ang narinig ko?" seryosong tanong niya sa akin. Bayolente akong napalunok.


"Ano bang narinig mo?" tanong ko. Pilit na nagmamatapang. Aba! Siya ang dapat matakot at siya itong may kasalanan kay Stella.



Napasinghap siya. "Buntis si Stella..." sambit niya.


Namanhid ang braso ko. Dahan dahan akong tumango kay Kuya Frank kaya naman muli siyang napasinghap at mariing napapikit.


"Congratulations...Kuya" alanganing sabi ko sa kanya. Napakagat ako sa aking pangibabang labi at napatingin kay Kenzo ng marinig ko ang kanyang pagtikhim.


Bakit? Wala namang masama sa sinabi ko ah!?


Ilang mura ang pinakawalan ni Kuya Frank bago siya marahas na tumayo. Nagulat ako dahil duon.


"At balak niyang itago sa akin ito?" madiing tanong niya. Hindi ako nakasagot hanggang sa nagulat kami ng magmartsa siya palabas ng restaurant.


Kaagad kaming sununod ni Kenzo sa kanya papunta sa hospital. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari at the same time ay excited din. Sana naman ay magkaayos sila.


Pagkapasok pa lang sa hallway ay lagapak ng isang malakas na sampal kaagad ang narinig namin ni Kenzo kaya naman napatigil kami. Nang sumilip ako ay nakita kong nakatayo sa dulo ng hallway si Stella at Kuya Frank.


"Anak ko lang ito...hindi ka namin kailangan Frank!" umiiyak na sabi ni Stella dito.


"Anak ko iyan! Papanagutan ko!" galit na asik ni Kuya sa kanya. Halos mapapalakpak ako.


Mas lalong naiyak si Stella. "Bibigyan kita ng karapatan sa bata...pagkalabas, sige pagusapan natin" suko ni Stella.


Sandaling na naghari ang katahimikan kaya naman muli akong sumilip. Pilit akong hinihila ni Kenzo palayo duon pero hindi ako nagpapigil. Kita ko ang matalim na titigan na dalawa.


"Pakakasal ka sa akin. Hindi pwedeng hindi" maawtoridad na sabi ni Kuya Frank.


Shit! Ang manok ko. Rooster na! Shit.


"Matapos mo akong pagsalitaan ng masama. Matapos mo akong itapon palabas ng condo mo na parang basura!? Ha! Hindi na!" sigaw ni Stella pabalik sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang sakit duon.


"Ayokong magpakasal sa taong hindi naman ako mahal. Oo, naging masama ako...pero gusto ko ding sumaya. Hindi ka pa ba nahusto na nasaktan mo na ako? Hindi ka pa ba tapos Frank!?" galit na utas ni Stella sa kanya.


"At sa tingin mo hindi ka magiging masama pag nilayo mo ang anak ko sa akin?" Si Kuya, galit pa din as always.


"Hindi mo na kami kailangang isipin pa. Mamuhay ka na parang wala kami, hindi ka namin gugulihin!" pinal na sabi ni Stella dito.


Napaiktad ako ng marinig ang malakas na paghampas ni Kuya sa isang pinto. Bago pa man ako makasilip ulit ay lumapit na ang nurse sa akin para sabihing nagising si Mommy ay hinahanap na ako.


Gusto kong magreklamo dahil natigil ang pakikinig ko. Pero hindi ko naman matatanggihan si Mommy. Napangisi si Kenzo ng makita niya ang pagkadismaya ko.


"Chismosa" asar niya sa akin. Kaya naman halos magpapadyak ako sa kinatatayuan ko na mas lalo niyang ikinatawa.


Literal na hindi ako nakatulog ng gabing iyon. Gusto ko talagang malaman kung anong nangyari sa paguusap nilang dalawa. Kaya naman kinaumagahan ng ibalita ng isa sa mga kasambahay na may bisita kami ay mabilis akong bumaba sa pagaakalang si Kuya Frank iyon.


Nagulat ako sa aking nadatnan sa may sala.


"Andrew" tawag ko sa kanya. Tipid niya lamang akong nginitian.


Bumaba na din si Kenzo para kausapin ang kaibigan. Hindi naman nila ako pinaalis at ayos lang sa kanila na marinig ko ang pinaguusapan nila.


"Halos araw araw ako duon..." kwento ni Andrew tukoy sa pagdalaw niya kay Fidez sa hospital.


Seryosong nakikinig si Kenzo. Paminsan minsan ay napapatingin siya sa akin para panuorin kung ano ang mga reaction ko sa mga sinasabi ni Andrew.


Una pa lang ay alam ko namang loyal si Andrew kay Fidez. Bakiy kaya hindi na lang naging sila?


"Gusto ka niyang makita..." sabi ni Andrew dito bago sila sabay na napatingin sa akin na para bang nasa akin ang sagot.



Sa huli, pinayagan ko si Kenzo. At sumama pa ako. Gusto ko ding mabista si Fidez, hindi para ipamukha sa kanya kung nasaan siya ngayon kundi para kamustahin na din.


Tahimik ang hospital na pinuntahan namin. Malayong malayo sa normal na hospital. Sa may malawak na garden kami dinala ng isang nurse. Si Andrew ang sumama sa kanya para sunduin si Fidez. Naiwan kami ni Kenzo sa labas at naghihintay.


"Thank you for letting me..." marahang sabi ni Kenzo. Buong akala daw niya ay hindi ko na siya papayagan.


Tipid akong ngumiti. "She's your...friend"


Napatigil kaming dalawa ng matanaw na namin ang paglapit ni Andrew kasama si Fidez na nakangiti at may hawak na manika. Maaliwalas ang kanyang mukha, parang bumata.


"Sige lapitan mo" paghihikayat ko kay Kenzo. Ngumiti siya sa akin at tumayo.


Naglakad siya palapit sa mga kaibigan. Para akong maiiyak ng makita ko na silang magkakasama. Parang nagflashback sa akin yung una kong kita sa kanilang tatlo sa hallway, sa labas ng medicine resgistrar office.



Napangisi ako. "The Tangina Squad" sambit ko.

















(A/n) Watch out for Epilogue.



(Maria_CarCat)


Continue Reading

You'll Also Like

698K 24.9K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
810K 13.8K 33
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
451K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022