Heiress: Forgotten Memories (...

By YuriYuriYuriYuki

110K 4.5K 411

Heiress Series #2 Story of Aishelle Yesha Autumn Blanc Arcavia and the Goddess of Creation Serene Lianne Luna... More

Paalala
Characters
Ariella
Extra: The Missing Queen
Prologo
HFM 1
HFM 2
HFM 3
HFM 4
HFM 5
HFM 6
HFM 7
HFM 8
HFM 9
HFM 10
HFM 11
HFM 12
HFM 13
HFM 14
HFM 15
HFM 16
HFM 17
HFM 18
HFM 19
HFM 20
HFM 21
HFM 22
HFM 23
HFM 24
HFM 25
HFM 26
HFM 27
HFM 28
HFM 29
HFM 30
HFM 31
HFM 32
HFM 33
HFM 34
HFM 36 Part 2
HFM 37
HFM 38
HFM 39
HFM 40
HFM 41
HFM 42
HFM 43
HFM 44 [Kenna&Silvia]
HFM 45 [Julian&Krystal]
HFM 46 [Sabrina&Joyce]
HFM 47 [Arrianne&Wina Heidi]
HFM 48 [Gabriel&Franco]
HFM 49
HFM 50
Epilogue
Announcement

HFM 35 Part 1

1.4K 81 9
By YuriYuriYuriYuki

Serene Lianne Luna Heaven

17 years ago..

"Serene handa ka ba sa magiging kapalit kapag pinili mo siya? Handa ka ba sa magiging kakahinatnan kapag mas pinili mo pumunta sa mundong ibaba?"

Bumalik sa isipan ko ang sinabi ni Ina sa akin bago niya ako dalhin dito mundong ginawa ko.

"Mahal na Dyosa"napatingin ako kay Francheska ng tawagin ako nito ng may pag aalala.

Sila agad ang pinuntahan ko ng makarating ako dito sa mundong ibaba.

"Maaari ko bang puntahan siya?"tanong ko dito at ngumiti ito sa akin na tila agad kilala ang tinutukoy ko.

"Oo naman, Kahit naman hindi ka magsabi ay hahayaan pa rin namin ikaw na puntahan siya"napangiti ako sa sinabi ni Francheska at sabay kaming tumayo para puntahan ang kwarto ni Yesha.

Nakarating kami sa kwarto nito at bumungad agad sa akin ay ang pulang kulay ng mga nandito sa loob.

Nakita ko ang isang higaan at napansin ko agad ang pulay buhok at may halong ginto dahil nangingibabaw ito.

Habang palapit kami ay hindi mapigilan ng puso ko ang bilis ng tibok nito.

Duggg.. Duggg...

Hanggang sa nakalapit kami at halos maluha ako ng makita ko siya, ilang libong taon ako naghintay sa kanya.

Umiilaw ang buwan na balat nito at hindi ko mapigilan na hawakan ang kamay nito na may balat.

Mas lalong tumingkayad ang ilaw nito nakita ko na namangha si Francheska dahil sa pag liwanag ng balat nito.

Ngunit nawala ang ngiti ko ng tila may pumasok na mga imahe sa isip ko.

Pinilit ko alisin iyon at tinignan ko ulit si Yesha at napansin ko na tinignan ako nito.

Nakita ko ang asul na asul na mga mata nito na nagpabilis ulit ng tibok ng puso ko.

"Niiii-niiiii"nanlaki ang mata ni Cheska ng marinig na tila gusto nito magsalita.

"Eh?"natawa ako sa naging reaksyon nito pero binalik ko ulit ang tingin ko kay Yesha at nagulat ako na tila pilit ako inaabot nito.

"Niiiiii"tila tinatawag ako nito at tinignan ko si Cheska para humingi ng pahintulot na ikinangiti naman nito.

"Hindi mo na kailangan pa humingi ng pahintulot"sabi nito at mabilis na kinarga ko si Yesha na malapit sumapit ang ikaw isang taon na gulang nito.

Nakaramdam ako ng kakaibang pagdaloy ng kuryente sa katawan ko ng magtama ang balat namin.

"N-niiii"hinawakan nito ang mukha ko at halos maluha ako dahil sa init ng palad nito.

Hanggang sa napansin ko na may hawak itong bulaklak. Napangiti ako ng hawakan nito ang Lily kung saan tuwang tuwa ito habang tumitingin sa akin.

"Lili yan ang itatawag ko sayo, kasing ganda mo ang bulaklak na yan"humalakhak ito kaya mas bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa pagtawa nito.

"Niiiiii"sigaw nito at nagulat ako ng bigla ilapit nito ang mukha niya sa pisngi ko.


"Hahahahaha"natatawa ako dahil sa kinagat nito ang pisngi ko.

"Alam ko Lili na mataba ang pisngi ko"sabi ko dito at tila naintindihan naman ako nito kaya kinagat niya ulit ang pisngi ko.

"Lily, mahal kita"bulong ko dito at tila naintindihan nito ang sinabi ko ay hinawakan nito ang parehong pisngi ko at dumampi ang labi nito sa labi ko ng mabilis.

"Oh my, ang Baby Autumn ko marunong na magnakaw ng halik"natatawang sabi ni Cheska at namulang napaiwas ako ng tingin sa sinabi nito.

Ang unang halik ko kinuha ng isang sanggol pero palihim ako napangiti dahil ako din ang unang nakahalik sa kanya.

"Mahal na Dyosa, ganyan pala kiligin ang Dyosa na si Serene"tukso sa akin ni Francheska pero tinawanan ko ito.

Nag daan ang mga araw ay lagi ko itong dinadalaw sa tuwing natatapos ang pag sasanay ko kasama si Antonette.

"Pupuntahan mo ulit si Yesha mahal na dyosa?"tanong sa akin ni Antonette at tinanguhan ko ito.

Ngumiti ito sa akin sabay alis ko para puntahan na si Lili na alam ko ay hinihintay ako.

"Binibining Lianne"napatingin ako sa isang dama ni Lili at nakita ko na inabot nito sa akin ang isang Lily Flower.

"May dala na ako para sa kanya"sabay pakita ng bulaklak at tumango naman ito pero pasimple ko tinawagan si Antonette at Francheska gamit ang telepathy.

"Serene"nakarating agad silang dalawa at napansin ko na tila nataranta ang dama na may hawak ng bulaklak.

"Antonette hulihin niyo ang dama na yan, may lason ang bulaklak na binibigay niya sa akin"walang emosyon na sabi ko at nakita ko na nanlaki ang mata ng dama.

"P-paano"hindi na nito natuloy ang sasabihin ng patulugin ito ni Cheska.

Pumasok agad ako sa kwarto ni Lili at napahawak ako sa dibdib ko ng makita ko na mahimbing na natutulog ito.

Nilapitan ko ito sabay lagay sa Vase ang bulaklak at nilagyan ko ng protection spell ang buong kwarto kapag may nagtangka ulit.

"Lili mahal kita"halos araw araw ko itong binubulong sa kanya at nangiti ako ng dumilat ito.

Mabilis na kinarga ito sabay kuha ng isang Lily Flower at kinuha agad niya ito.

Kumapara sa ibang bata ay iba ang talino na taglay nito, hindi rin ito basta bastang umiiyak.

"Niiiii"napangiti ako ng tawagin ako nito at alam ko na kinukuha nito ang atensyon ko.

Kapag lumalabas ako ng palasyo at kapag may mga pagpupulong ay lagi ako nakasuot ng maskara pero kapag nandito na ako sa kwarto ni Lili ay tinatanggal ko ito.

Hinalikan ko ito sa pisngi at bumungisngis ito na nakapag pangiti sa akin.

"Mahal kita"bulong ko ulit dito at kinagat nanaman nito ang pisngi ko.

Matapos kong mapakain si Lili at mapatulog ito ay lumabas na ako ng kwarto nito.

Binalik ko ulit ang maskara ko at maging ang kapa na suot ko. Nilagyan ko ng pinaka matibay na barrier ang kwarto ni Lili.

"Serene"sinalubong agad ko ni Cheska at alam ko na agad ang gusto nitong sabihin.

Pumunta kami sa selda kung saan nakakulong ang dama ni Lili at nakita ko na tulala ito na tila wala sa sarili.

Tinaas ko ang kanang kamay ko at may lumabas na puting liwanag.

"Dispelled"unting unti bumalik ang buhay ito sa mata at nagtatakang tinignan kami nito.

"Mahal na Reyna ano pong nangyari?"naguguluhan na sabi nito at alam ko na wala siyang maalala.

"Anong nangyari?"malamig na tanong ni Antonette sa akin at nilapitan ko silang dalawang mag asawa.

"Hypnosis spell, tila gusto nila mawala ang anak niyo dahil nagtataglay ito ng anim na elemento"sabi ko sa kanila at nanlaki ang mata nila sa sinabi ko.

Unang kita ko palang kay Lili ng ipanganak ito ay alam ko na mas magiging malakas ito sa Ina niya ngunit hindi ako nagbigay ng basbas sa kanya.

Kundi ang aking Ina na si Hera at siya rin nagbigay ng kapangyarihan sa anak nila.

"Anim? Mas higit pa sa akin?"tinanguhan ko si Antonette at nakita ko na malalim ang iniisip nito.

"Ikaw ba ang nagbigay ng basbas?"tanong sa akin ni Cheska na ikina iling ko.

"Ang aking Ina ang nagbasbas sa kanya"sagot ko sa tanong nila at nagulat sila sa sinabi ko dahil ang pinakamataas na Dyosa ang nagbasbas sa anak nila.

"Dahil siya ang kabiyak ko kaya ginawa ni Ina na basbasan ang anak niyo"paliwanag ko sa mag asawa at tumango naman sila.

Alam ko na may gusto pa sana sabihin si Antonette pero nginitian ko ito kaya ngumiti din ito sa akin.

--

5 years old (Aya Arcavia)

"Nini"napangiti ako ng marinig ko ang limang taon na boses ng batang babae.

"Lili"masayang tawag ko din dito at mag isa lang ito ngayon dahil dito siya pumunta sa secrer garden ko na ginawa ko.


Sinalubong ko ito ng yakap kaya gumanti din ito sa akin, wala akong suot na maskara ngayon at kapa kundi naka dress din ako na katulad ng kay Lili.

"Nini pareho tayo hehe"umikot ito habang pinapakita ang suot na dress nakatulad ng sa akin.


"Ang ganda talaga ng Lili ko, bagay na bagay sayo ang dress kaya dapat ko lagi ka nakadress"masayang sabi ko dito at nakita ko na namula ito pero ngumiti din.

Puro habulan at kulitan ang ginawa namin buong maghapon dahil simula bukas ay hindi nanamin ito magagawa dahil dadalhin na siya sa Atlancia Academy para mag aral.

Dumating ang kinabukasan at hindi ko nagawang ihatid si Lili sa Atlancia dahil sa pinatawag ako ni Ina.

Nag usap kami ni Ina tungkol sa nangyayari sa ibang mundo na ginawa ng ibang kapatid ni Ina.

Habang tinutulungan ko sa problema si Ina ay hindi ako mapanatag at napansin yun ni Ina pero iniiwas nito ang tingin niya sa akin.

Matapos ko magawa ang pinag uutos nito ay bumalik agad ako sa Arcavia. Ngunit masamang balita ang sinalubong sa akin ni James Arcavia.

"Mahal na Dyosa, kailangan ka ni Aya. May nangyaring masama sa kanya"mabilis na pumunta ako sa kwarto ni Lili at halos manlumo ako sa nakita ko.

Duguan at halos nag aagaw buhay ito habang ginagamot ng mga healer napansin naman ako nila Antonette at Francheska.

"Serene"umiiyak na tawag sa akin nila at halos gumuho ang mundo ko dahil sa madaming dugo na lumalabas sa bibig ni Lili.

"Alis"galit na sigaw ko sa healer at tutol sana ito ng tignan ko ito ng masama.

"Lumabas muna kayong lahat"nakita ko na nagkatinginan ang mag asawa pero sumunod din. Nakita ko din ang magulang nila na nandito din pero lumabas din sila.

"N-nini i-ikaw ba yan? T-tinatawag kita pero hindi kita matawag"halos manlumo ako sa narinig ko na sinabi ni Lili mabilis na kinuha ko ang kamay nito na inaabot ako.

"Shhh Lili patawad nandito na si Nini, aalisin niya ang sakit na nararamdaman mo"umiiyak na sabi ko at nginitian ako nito.

"W-wala na masakit Nini nandito kana at hawak ko na ang kamay mo"hinalikan ko ito sa ulo sabay nilabas ko ang healing spell ngunit hindi pa rin tumitigil ang pag dugo at pag galing ng sugat niya.

Hinawakan ko ang balat nito at halos manginig ako sa nakita ko. May babaeng nakasuot ng itim na robe at natatakpan ang mukha nito.

May hawak ito itim na espada at halos manlaki ang mata ko sa nakita ko na pangyayari.

Umiiyak si Lili, sumisigaw at humihingi ng tulong at higit sa lahat tinatawag nito ang pangalan ko.

Nanghina ako sa nakita ko lalo ng saksakin ito ng espada at alam ko na agad kung anong espadang yun.

"Sword of the death"at halos lamunin ako ng galit dahil kilala ko na kung sino ang nilalang na sumaksak sa kanya.

Tinawag ko si Antonette at Francheska nakita ko na nakatingin pa rin sila sa walang malay na anak nila.

Nawala na din ang sugat at saksak natamo nito ngunit may kapalit ang ginawa ko para magamot siya.

"Ligtas na siya, ngunit mawawala ang alaala niya dahil sa ginamit kong healing spell. Healing spell kung saan ang mga Dyosa lang ang maaaring gumamit"paliwanag ko at nilapitan nila agad si Lili at alam ko na hindi na ako nito maalala kapag minulat nito ang mga mata niya.

"Serene nawala ang alaala niya? Ibig sabihin lahat hindi na niya maalala"tanong ni Antonette sa akin.

Malungkot na nginitian ko ito at mabilis na niyakap ako nito at hindi ko na napigilan umiyak dahil masakit.

Masakit makalimutan ng taong mahal mo lalo na ang mga ginawa niyong alaala ay nawala ng ganun lang.

"Patawad, kung narinig ko lang ang tawag niya ng kailangan niya ako hindi sana nangyari sa kanya yan. Kung hindi ko lang inuna si Ina baka naiwasan pa ang nangyari sa kanya"umiiyak sabi ko kay Antonette at naramdaman ko na gumanti ng yakap si Francheska ng makalapit ito.

"Tahan na Serene, gagawa ulit tayo ng panibagong alaala nila Autumn"umiling ako sa sinabi nito at kumalas ng yakap sa kanila.

"Hindi niya ako pwede maalala binigo ko siya, hindi ko siya naligtas, wala ako sa tabi niya sa panahon na kailangan niya ako"sabay lapit kay Lili habang natutulog ito. Hinalikan ko ito sa pisngi sabay bulong sa kanya.


"Patawad Lili, mahal na mahal kita"umiiyak na sabi ko at mabilis na sinuot ko ang maskara ko at umalis ng kwarto ni Lili.

Tinatawag ako nila Antonette at Francheska pero hindi ko na sila nilingon pa.

Kailangan ko maging malakas dahil sa nagpabaya ako kaya halos mamatay ang taong mahal ko.

Bumalik sa isip ko ang duguan na imahe nito at ang pagtawag nito sa pangalan ko.


Patawad Lili..

----

A/N

To be continue 😊



Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 100K 93
After seeing her daughter taken, Claret is resolved to begin a quest to rescue Divina from the clutches of an ancient demon named Atlas, even if it c...
3.2M 233K 68
Eleanor worked for several masters until an incident forced her to restart her life in a small town of Van Zanth, where hybrids prosper than humans. ...
939K 32.9K 55
Haily Constello is an orphan who lives alone and who loves to make a mess. But an unexpected accident happened that changed her life. She got reincar...
2M 72.3K 116
Terrensia Academy. Isang paaralan para sa mga estudyanteng may angking kakayahan at kapangyarihan. Isang akademiya na siyang nakatirik sa mundo ng sa...