The Ruthless CEO (Savage Beas...

By Maria_CarCat

10.9M 355K 150K

What he wants. He gets... By hook or by Crook More

The Ruthless CEO
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Epilogue
Special Chapter
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 42

115K 4.3K 1.5K
By Maria_CarCat

Black







Halo halong emosyon ang nararamdaman ko habang marahang tinatahak ang hallway ng hospital. Ang aking mga mata ay hindi nagpakawala ng kahit isang patak ng luha matapos nitong bumuhos kanina habang nasa byahe kami patungo dito.


Halos humingi ako ng tulong sa mga pader para lamang may nakapitan ako. Inis ang nararamdaman ko dahil sa bigat ng aking mga paa. Para bang iyon na ang pinakamatagal na lakad na nagawa ko sa akong talambuhay.


"Nagpagupit na ako..." paulit ulit kong bulong sa hangin. Tila ba umaasa na makakarating iyon kay Papa. Kailangan niyang malaman na ako na kamukha ko na ulit si Snow white kaya dapat ay pagpasok ko sa kanyang kwarto, isang matamis na ngiti ang isasalubong niya sa akin. Dapat!


Mula sa aking kinatatayuan ay natanaw ko na ang kaguluhan sa labas ng kwarto nito. Ilang nurse ang patakbong naglabas masok sa kanyang kwarto. Ang dalawang pulis na palaging naka alerto sa gilid ng pintuan ay nasa malayong upuan na ngayon. Parehong nakayuko ay napailing na lamang.


"Theodoro, ang asawa ko!" iyak ni Mama na sinundan ng hagulgol.


Iyon ang bumuhay sa malamya kong mga paa. Isang sigaw ni Mama ay halos madapa na ako sa pagtakbo palapit sa kanya. Yakap yakap siya ng naiiyak ni si Kuya Jasper, maging siya ay hindi ako matingnan. Nakayakap lamang siya kay Mama para sa suporta.


Wala akong lakas na sumilip sa kwarto. Si Papa, natutulog. Mahimbing ang tulog.


"Si Papa. Tulog lang di ba? Ipapakita ko sana ang bago kon gupit na buhok" sabi ko sa kanilang dalawa. Hindi ko matanggap, hindi ko kayang tanggapin.



Halos malukot ang mukha ni Kuya Jasper, napasinghap pa siya bago niya ako tinawag at sinubukanh abutin para sa isang yakap.



"Tathi. Wala na..." malungkot na sabi niya sa akin.


Unang bumara ang aking ilong bago nanlabo ang aking mga paningin dahil sa pamumuo ng mga luha. Marahas akong umiling. Dahil sa sinabi ni Kuya Jasper, gusto ko siyang saktan. Ito ang unang pagkakataon na gusto ko siyang saktan.



Hindi ito totoo! Isa nanaman ito sa mga biro at pangaasar niya sa akin. Hindi magandang biro ito! Sinabi niya lang yan dahil kamukha ko na ngayon si Snow white! Bakit hindi na lang niya sabihing kamukha ko ang malnourish na si Snow white. Bakit kailangan pa niya ako biruing wala na ang Papa ko.


"Ang asawa ko! Diyos ko! Theodoro, bakit?" muling iyak at hagulgol ni Mama.


Tuloy tuloy ang pagtulo ng aking mga luha. Dahan dahan ang nagawa kong lakad palapit sa kinahihigaan ni Papa. Natigilan ang nurse na lagyan ng puting kumot ang mukha nito ng makita ang aking paglapit.


Sinamaan ko siya ng tingin pero nanatili ang lungkot sa kanyang mukha. "Bakit mo lalagyan ng kumot ang mukha ng Papa ko? Hindi siya makakahinga!" akusa ko sa kanya na may kasamang piyok.


Mas lalo siyang napayuko. Hindi inalintana ang galit ko sa kanya. Tinakbo ko ang kaunting distansya papunta kay Papa at mabilis siyang niyakap.


"Papa, gising please. Gumising ka please" pakiusap ko sa kanya.



Mula sa pagkakayakapnay sinubukan kong dinama ang kanyang paghinga ngunit wala na akong maramdaman pa. "Papa, humingi ka naman. Wag mo naman akong takutin, please po" umiiyak na pakiusap ko sa kanya.


Halos yugyugin ko siya. Kawalang respeto dahil Papa ko siya pero gagawin ko. Kung kailangan ko siyang sampalin para magalit siya sa akin at gumising tatanggapin ko ang galit niya.


"Papa, wag mo naman akong saktan. Ang sakit sakit na ng puso ko, ang bigat bigat na ng dibdib ko. Please Papa, wag mo naman akong saktan..." umiiyak na pakiusap ko sa kanya.


Bakit pati siya sasaktan ako? Sinaktan na nga ako ni Cairo! Bakit pati siya pa? Kanino na ako magsusumbong? Kanino na ako kukuha ng lakas? Bakit sinasaktan ako ng mga lalaking mahal ko?


"Papa, please. Gising na please. Wag mk akong iwanan! Papa!" sigaw ko sa kanya. Sisigawan ko siya para magalit siya sa akin at gumising para sermonan ako.


Nang wala akong makuhang sagot ay bumaling ako sa pintuan. Mas lalong gumuho anh mundo ko ng magkagulo sila dahil hinimatay si Mama. Naikuyom ko ang aking kamao. Mabilis akong lumabas para sana magtungo sa nurse station.


"Tulong..." paulit ulit na bulong ko. Baka naman nay magawa pa sila. Baka naman pwede pa!


Sa kalagitnaan ng aking pagtakbo ay humarang si Eroz sa akin. Imbes na iwasan siya ay hinayaan kong bumangga ang katawan ko sa kanya.


Mas lalonh bumuhos ang luha sa aking mga mata ng sinalubong niya ako ng mahigpit at mainit na yakap.


"Tulong...hihingi ako ng tulong" sabi ko sa gitna ng aking bawat paghikbi.


Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. "Andito ako...nandito ako" paninigurado niya sa akin. Hanggang sa manghina na ako at hindi ko na alam ang sumunod pang nangyari.


Sa bahay inilagay ang burol ni Papa. Halos mapuno ang bahay namin sa unang gabi pa lang. Wala akong pinansin ni isa sa aming mga kapitbahay.


Anong ginagawa nila ngayon dito? Gayong nung nahatulan ang Papa ko ay para kaming may nakakahawang sakit kung layuan nila. Ni ang tapunan nga ng tingin nuon ay hindi nila pinaunlakan. Anong karapatan nilang makiramay ngayon? Chismis lang ang habol nila dito!.


"Lourdes, nakikiramay kami" paulit ulit na dinig ko sa lahat ng pumupunta. Pagkatapos kay Mama ay ako naman ang lalapitan nila.


Panay ang yakap sa akin ni Charlie. Siya lang halos ang kasama ko buong araw, hindi niya ako iniwanan. Sa tuwing umiiyak ako ay naiiyak din siya.


"Kain ka muna. Ang sarap sarap ng cheesecake" panghihikayat ni Charlie sa akin. Bumagsak ang tingin ko sa cheesecake na hawak niya. Eh normal na lemon square naman iyon.


"Gusto ko ng fudgee bar" bulong ko sa kanya.


Napanguso siya. "Shuta ka, arte mo ha" malambing na pagbibiro niya sa akin pero kaagad din siyang tumayo para kuhanan ako ng gusto ko. Sa lahat ng alok niya ay ngayon lang ako tumanggap.


Ilang kakilala pa ang dumating ng mga sumunod pang araw. Wala na akong pakialam kung lumiban ako sa klase, pumapasok naman si Charlie para magpaliwanag pag may naghanap sa akin. Matapos sa eskwela ay diretso kaagad siya sa aming bahay para samahan ako.


Sa pangalawang gabi ay nagulat ako ng makita ko duon si Cayden at si Attorney. Hindi ko alam kung bakit galit kaagad si Mama sa kanila eh hindi naman siya ganuon sa ibang nakikiramay. Napatayo din ako ng makita ko ang paglapit ni Cayden sa akin.


Mabilis kong tinanggap ang kanyang yakap. "Shhh...andito lang ako" pagaalo niya sa akin kahit hindi na ako umiiyak. Hindi na ako maiyak dahil sa sobrang lungkot. Para bang hindi na nagfufunction ang aking buong katawan. Maging ang emosyon ay iisa na lamang. Lungkot, iyon na lang ang meron ako sa ngayon.


"Respetuhin mo naman" madiing sambit ni Mama kay Attorney.


Pilit akong sumisilip sa kanilang dalawa, pero pilit ding hinaharang ni Cayden ang malaki niyang katawan sa aking harapan.



"Natutulog ka ba? Baka hindi ka kumakain" suway niya sa akin. Ramdam ko ang pagaalala niya, sa tingin pa lang niya ay ramdam na ramdam ko na iyon.


Napasinghot ako bago tumango sa kanya. Hinawakan niya ang pisngi ko at marahang pinahiran iyon na para bang may luha ako pero wala naman.


"Ayokong nasasaktan ka ng ganito..." malungkot na sabi niya sa akin.


Hindi ako nakangiti sa kanya. Kahit na tipid na ngiti ay hindi ko na magawa. Ni hindi ko na nga inisip anh sakit na ginawa ni Cairo sa akin. Ni hindi ko hinawakan ang cellphone ko. Wala na akong sasaguting tawag o message mula sa kanya. Ayoko na sa kanya. Magsama na lang sila ni Nicole at maghalikan hanggang sa gusto nila.


Tumunog ang kanyang cellphone. Bumaba din tuloy ang tingin ko duon. "Don't worry. I won't tell" paninigurado niya sa akin kaya naman kumunot lang ang noo ko bago bumalik ang tingin ko sa harapan.


Halos araw araw nanduon sina Cayden at Atrorney. Kahit ako lang ang pumapansin sa kanila at hindi si Mama. Dumating din sina Manang Bobby at ilan sa mga kasambahay na nakasama ko nuon sa mansion nila governor. Dala nila ang malaking bulaklak galing kay Governor na ipinahatid ang pakikiramay.


Mahigpit kong niyakap si Manang Bobby. Mangiyak ngiyak siya habang nakatingin sa akin pero hindi ako naiyak. Nagpasya akong lumabas ng magusap na sila ni Mama. Gusto kong huminga, lalabas na muna ako para makahinga.


Ilang round table ang nakalatag sa labas ng aming bahay. Ngayon lang ata ako nakalabas, halos maupod ang pwet ko kakaupo sa loob.


"Tathi, nakikiramay kami" paulit ulit kong dinig sa mga taong nakakasalubong ko.


Dumiretso ako sa may labas. Pero bago iyon ay kumunot ang noo ko ng makita ko ang pagaasikaso ni Kuya Jasper sa mga bisita, at hindi lamang siya nagiisa. Si Eroz? Anong ginagawa niya dito?


Imbes tuloy na lumabas ay pumihit ako palapit sa kanya.


"Oh Tathi, saan ang punta mo?" tanong ni Kuya Jasper sa akin ng humarang siya.


"Lalabas" tipid na sagot ko at tinuro pa ang gate.


Nagigting ang panga niya pero muling lumusot ang tingin ko kay Eroz na may hawak na tray ay nagaabot ng kape sa mga bisita.


"Buti andito yang kaibigan mo. Halos araw araw yan dito. Aalis lang para maligo sa kanila tapos babalil din" kwento ni Kuya Jasper kaya naman nagulat ako. Sa sobrang pagkawala ko sa aking sarili ay hindi ko nalaman iyon.



Maaga pa lang ng sumunod na araw ay natanaw ko na ang pagdagting ni Eroz. Malamig ang simoy ng hangin dahil pasikat pa lang ang araw pero siya ag nakaligo na.


Nagulat siya ng salubungin ko siya. Napahinto tuloy siya sa pagsuklay sa kanyang basang buhok. "Kain tayo ng sotanghon" yaya ko sa kanya.


Tulog si Mama at Kuya Jasper na halos gabi gabing gising. Ang tanging gising na kasama ko ay ang mga kamag anak ni Papa na nagluluto para sa amin.


Walang katao tao ang mga round table kaya naman nakapili kami ni Eroz ng lamesa. Sinamahan niya akong kumuha sa may likod bahay na ginawang pansamantalang lutuan nila Tiya.


"Damihan mo Tathi. Hindi ka masyadong kumakain" sabi ni Tiya sa akin at inabutan pa ako ng isang balot ng pandesal.


"Opo"



Bumalik kami ni Eroz sa mga lamesa at umupo duon. Umuusok pa ang sotanghon na nakalagay sa styro na bowl. Inuna ko ang pandesal na sinawsaw ko sa mainit na tsokolate, kape naman ang kay Eroz.


"Palagi ka dito? Salamat ha..." puna ko sa kanya. Tipid siyang ngumiti sa akin.


"Wala iyon Tathi. Kaibigan kita" sabi niya sa akin kaya naman mas lalo ko siyang nginitian. Buti ka pa, Eroz.



Kahit papaano ay gumana ang kain ko dahil may kasama ako. Umagang umaga ay natatalo ng kanyang bango ang natural na simoy ng madaling araw. Unti unti na ding nagliliwanag. Napahinto ako sa pagsubo ng matanaw ko si Charlie na papasok sa aming bahay, nakaligo na din at handa na sa pagpasok sa school. Dito siya nagaalmusal bago pumasok.


Pinandilatan niya ako ng mata dahil sa aking kasama sa lamesa. Alam ko na kaagad, gusto niyang ipakilala ko siya.


"Eroz, si Charlie nga pala. Bestfriend ko" pagpapakilala ko.


Tumango si Eroz at kaagad na naglahad ng kamay kay Charlie. Tatlo kaming kumain ng almusal. Nang matapos ay kumaway pa ako kay Charlie ng magpaalam siyang papasok na. Miss ko na din ang school pero ayokong umalis dito sa bahay.


"Shuta. Kala ko si Senyorito" bulong niya sa akin kanina ng tuluyan siyang umalis. Tukoy kay Eroz.


Si Eroz ang kasama ko buong umaga, hanggang sa magising sina Mama at Kuya Jasper. Hindi ko na namalayang nakatulog na ako sa inuupuan ko. Nagising na lamang ako na nakasandal na ako sa balikat ni Eroz.


Nang lingunin ko siya ay nakita kong nakapikit din siya. Bayolente akong napalunok. Mabuti na lang at nandito siya, mabuti na lang nandito si Eroz.



Sa araw na iyon ay dumating sina tito Edu at ilang kaibigan ni Papa na nakakulong din. Sa kanilang likuran ay dalawang pulis na nagbabantay sa kanila. Mabilis akong niyakap ng nakaposas na si Tito Edu, muli akong naiyak, dahil sa kanyang yakap ay pakiramdam ko yakap ko din si Papa.


"Pare sabi mo babalikan mo kami" emosyonal na pagkausap niya kay Papa.


Mas lalo akong naiyak. Tumakbo si Charlie para yakapin ang Papa niya. Nainggit ako.


Kita ko ang pagpupunas nila ng luha habang nakatingin kay Papa. Bata pa lang ay magkakabigan na sila. Puro tubong bulacan kaya naman hindi na sila umalis pa dito at dito na namuhay. Bata pa lang ay magkakilala na sila ni Tito Edu kaya naman alam kong masakit din ito para sa kanya lalo na't nakakulong pa sila ngayon.


Bago sila umalis ay muli niya akong hinarap at niyakap kahit nakaposas ang kanyang mga kamay.


"Mahal na mahal ka ng Papa mo" sabi niya sa akin.


Bumuhos ang aking mga luha kasabay ng marahas na pagtango. Alam ko po, hindi naman nagkulang si Papa sa paalala sa akin kung gaano niya ako kamahal.


"Sana napatawad mo na siya..." segunda pa niya kaya naman mas lalong humigpit ang yakap ko kay Tito Edu. Sana makarating din kay Papa ang mahigpit kong yakap.



Marami ang nakiramay at sumama sa paglalakad sa libing ni Papa. Panay ang iyak namin ni Mama habang naglalakad kami sa likod ng sasakyan kung saan sakay ang kanyang kabaong.


Sa aking tabi ay si Charlie, panay ang iyak. Sa likod ay sina Eroz at Cayden, maging si Attorney ay nanduon din. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nanduon siya sa amin ay parang takot siyang lapitan ako. Isang beses ding dumalaw ang mga taga rice mill.



Napuno ng hinagpis at iyak ang libing ni Papa. Duon pa lang ay parang naranasan ko na din ang mamatay. Hindi lang dahil nawala si Papa kundi dahil nakita ko din kung paano mawala si Mama sa kanyang sarili.


Pakiramdam ko, hindi lang si Papa ang nawala sa akin. Maging si Mama ay ganuon din.


Hindi na bumalik pa ang dating sigla sa aming bahay, at pakiramdam ko ay hindi na magbabalik pa, kahit anong mangyari.


Matapos ang ilang araw ay bumalik na din ako sa school. Tahimik pa din ako, ilang beses naming nakasalubong ang grupo nila Maricris ngunit hindi sila nagtangkang banggitin ang tungkol sa nangyari kay Papa.


"Makakahabol ka naman, Miss Torres. Kinausap ako ni Cayden tungkol dito" sabi ng isa sa mga professor namin sa major subject.


Kaagad akong nagpasalamat sa kanya dahil binigyan pa niya ako ng pagkakataon na makahabol sa mga klaseng naliban ko. Hindi din naman ako nahirapan dahil kumpleto naman ng mga notes si Charlie.


"Salamat sa pagkausap sa mga professor" sabi ko kay Cayden ng muli nanaman siyang sumama sa amin na kumain ng lunch. Bantay sarado niya ako na para bang takot siyang hindi ako makakain ng maayos.



Hindi din ako nagaksaya ng panahon na tingnan ang aking cellphone. Maging ang laptop ay hindi ko binubuksan.


"Panay ang chat ni Senyorito sa akin" bulong ni Charlie na narinig ni Cayden. Nagigting ang kanyang panga.


"Block mo Charlie" matigas na utos niya dito.


Napatingin si Charlie sa akin para humingi ng aking opinyon pero yumuko na lamang ako. Hindi ko alam, hindi ko na alam ang gagawin ko.



Nagpatuloy ako sa buhay bawat araw. Ginawa kong inspirasyon si Papa. Kung nasaan man siya ngayon, gusto kong maging proud siya sa akin. Ayoko siyang biguin.


Ipinagpatuloy ko ang pagtratrabaho sa rice mill lalo na ng marinig ko ang pamomorblema ni Mama sa pera. Halos maubos ang perang galing kay Papa. Pambayad sa hospital at sa pagpapalibing sa kanya.


"Kumain ka na?" tanong ni Eroz sa akin. Isang hapon ng pumasok ako sa rice mill factory.


Tumango ako sa kanya at tsaka tumitig sa checklist. Kahit hindi na ako nakatingin sa kanya ay ramdam ko pa din ang paninitig niya sa akin.


"May gustong kumausap sayo" pagbasag niya sa katahimikan.


Nagangat ako ng tingin sa kanya. Kita ko ang pagaalinlangan sa kanyang mukha.


"Sino?"


Imbes na sumagot ay inilahad niya na lamang ang mamahaling cellphone niya sa aking harapan.


"Si Cairo" tipid na sabi niya. Nagulat ako, gusto kong magtanong kung paano? Bakit sa kanya tumatawag ito. Pero hindi ko na nagawa, napangunahan kaagad ako ng galit.


"Ayoko. Wala akong kilala na Cairo" matabang na sabi ko. Kita ko ang bayolente  niyang paglunok.


Wala siyang nagawa kundi ibalik ang cellphone sa kanyang tenga. Nagulat ako dahil duon, on call siya?


"Heard that? Ayaw niya" seryosong sabi niya sa kabilang linya.


Kumirot ang dibdib ko. Pigil na pigil ako sa pagiyak. Ano? Magpapaliwanag siya ngayon...para saan pa? Nasaktan na ako. At sa sobrang sakit wala na akong maramdaman ngayon. Wala na.


Napabuntong hininga si Eroz ng bumalik siya sa akin. "Siguro kailangan niyong magusap" suwestyon niya sa akin.


Napaawang ang labi ko. "Hindi ko pa kayang marinig. Pakiramdam ko, lolokohin niya lang ako. Baka magsinungaling lang siya" sumbong ko kay Eroz.


Nanatili ang tingin niya sa akin. "Kung kailan ka maging handa" pagsuko niya.


Kung kailan ako maging handa? Hindi ko na alam. Sa mga nangyari, hindi na ako makabalik sa dating si Tathi. Ramdam ko ang responsibilidad na nakapatong ngayon sa aking ulo. Ang pagiging matured ang kailangan ko ngayon. Para sa aking sarili at para kay Mama. Para sa aming pamilya.


Pakiramdam ko, ang piliing kiligin at maging masaya ay hindi na pwede sa akin.



Napatitig ako sa aming bahay pagkauwi ko galing sa trabaho. Sobrang lungkot, titigan ko pa lang ang bahay namin ay alam ko ng sa oras na pumasok ako duon ay mas dodoble lang ang bigat ng aking dibdib. Mas dodoble lang ang lungkot na parang pumapatay sa akin.


Nabigla ang aming mga bisita dahil sa aking pagpasok. Si Cayden at Attorney at ang galit nanamang si Mama.


"Magandang gabi po" alanganing bati ko sa kanila.


Sabay silang tumayo. Hindi alam kung sino ang mauunang sasalubong sa akin. Sa huli ay si Cayden na ang naglakas ng loob para yakapin ako. Mas lalong tumalim ang tingin ni Mama dito.


"Gusto lang naming alagaan si Tathi. Gabayan..." paliwanag ni Attorney.


"Hindi na kailangan at nandito naman ako!" galit na utas ni Mama sa kanya.


Nanatili ang yakap ni Cayden sa akin. Para bang ayaw niya akong pakawalan.


"Lourdes, pagbigyan mo naman akong maalagaan ang anak ko"


Nanlaki ang aking mga mata. Lalo na ng napaiyak si Mama. "Napakawalang hiya mo! Kamamatay pa lang ni Theodoro!" asik ni Mama sa kanya.


Marahas akong kumawala sa yakap ni Cayden kaya naman napamura siya.


"Ano pong ibig niyong sabihin?" gulat na tanong ko. Marahas na umiling si Mama at napaiyak na lang.


Pumungay ang mga mata ni Attorney. "Tathi, anak..."


"Hindi niyo po ako anak!" asik ko sa kanya.


Humakbang siya para makalapit sa akin pero humakbang ako palayo.


"Anak..." tawag niya ulit sa akin. Marahas akong umiling.


"Mama!" tawag ko sa kanya pero mas lalo lang siyang naiyak.


Tumulo ang aking mga luha. "Si Papa lang ang Papa ko. Wala ng iba!" asik ko sa kanilang lahat.


"Magkapatid tayo, Tathi. Siya ang tunay mong ama" seryosong sabi ni Cayden.


Masama ko siyang tiningnan. Pati ba naman siya!? Mga sinungaling!


"Sinungaling kayong lahat!" sigaw ko sa kanila. At bago pa man bumuhos ang luha sa aking mga mata ay tumakbo na ako palabas ng aming bahay.


Narinig ko pa ang mga pagsigaw nila sa aking pangalan pero hindi ko na pinansin pa. Umiiyak akong tumakbo palayo duon.


Sinungaling silang lahat! Si Attorney, si Cayden...si Cairo.


Si Cairo...


Naputol nag pagiisip ko ng masilaw ako ng headlight ng paparating na sasakyan. Kakaibang tunog ang namutawi sa aking pandinig bago ako lumutang sa ere at bayolenteng bumagsak ang aking katawan sa gitna ng kalsada. Walang ilang segundo ay nagdilim ang lahat para sa akin.













(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

7.1M 229K 65
His Punishments can kill you
612K 15.4K 27
What if his madness turns into dangerous obsession?
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
28.1K 1.7K 77
── Park Jeongwoo ❝Can you just stop pretending that you are a gay?❞ β—Ž on going β—‰ complete β—Ž edited γ€Œ TREASURE CHATeul SERIES #2 」 ✦✦✦ ✦✦ ✦ ✦ ✦...