Ang Matabang Probinsyana (COM...

By SovereigndarkladyJ_

20.3K 668 16

Isa si PHIL sa bini-yayaan ng malusog na panga-ngatawan. Simpleng matabang babae na nani-nirahan sa probinsy... More

ANG MATABANG PROBINSYA
SIMULA
1
2
3
4
5
6
7
8
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
WAKAS
Special Chapter

9

552 20 0
By SovereigndarkladyJ_

HIM

KANINA ko pa sana balak maligo ngunit sira ang shower sa shower room, kaya nag video game muna ako. Ng makaramdam na ako ng pan-lalagkit sa katawan ko ay nilapag ko muna sa mini table ang controller at naisipan ko munang mag shower sa cr ng kusina dahil sabi naman ni nanay jo ay may na ipon syang tubig kaya kinuha ko na ang tuwalya ko at lumabas na.

Pag ka labas ko tanging katahimikan ang bungad saakin napatingin sa kulay blue na pintuan katapat ng pintuan ng kwarto ko, hindi ko mapigilang mapaisip kung sino nga ba ang kasama ko dto sa bahay, tanging pangalang Phil lang ang alam ko dahil sa sinabi saakin ni nanay jo.

Tuluyan ko ng sinara ang pintuan ng kwarto ko at nag lakad na papunta sa cr ng kusina, pag ka dating ko doon ay walang atubling binuksan ko ang pintuan.

Bakas ang gulat sa mga mata ko at mata nang taong nabutan kong kasalukuyang naliligo, saglit akong na tulala habang naka tingin sakanya na ngayo'y punong puno ng bula at sabon ang katawan.

Bumaba ang tingin ko sa katawan nya...D*mn bigla akong pinag pawisan.

Nakita ko namang nanlaki ang mata nya ng sinundan nya ang tingin ko ng ma realize nya kung ano ang tinitignan ko ay dali dali nya hinablot ang towel at ibnalot ang katawan nya.

Agad din naman akong natauhan.

Sh*t what I have done!

"AHHHHHHHHHHHHHH!? BASTOS!? AHHHHHHHHH!?NANAY JO!?"

Kaya naman dali dali akong lumabas at isinara ang pintuan. At sumigaw ng...

"SORRY!"

------

PHILOMENA'S POV:

Nasa sala kaming tatlo ngayon at naka upo sa sofa na kaharap si nanay Jo, naka bihis na rin ako ng pantulog ko. Hiyang hiya ako sa pang yayari kanina jusq! bwesit kasi tong lalaking huklubang ito pa bigla bigla nalang puma-pasok! nakita nya tuloy ung hindi dapat makita!

Kaya naman lumingon ako sa taong iyon. at nakita ko namang nakatingin to saakin habang may mapag larong ngisi sa mga labi kaya mas lalo ko itong sinamaan ng tingin at inirapan. mas lalo namang lumaki ang ngisi nito.

"Kayong dalawa jusq gabi na ano bang nang yari ah? ikaw phil bakit ba bigla bigla namang sumisigaw akala ko naman kung ano na ang masamang nangyari at ikaw naman Ello ano bang nangyari ha?" tanong ni nanay jo saamin kaya naman napa yuko nalang ako

Ganun ba talaga kalakas ang sigaw ko? haysss ito naman kasi bwisit na to!

"Eh kasi nanay jo bigla bigla nya nalang po kasing binukasan ung pintuan ng cr, eh kasalukuyang naliligo po ako kaya napa sigaw po ako ng malakas" naka yukong paliwanag ko

"I don't know na may tao pala doon, because she didn't lock the door" slang na pag sasalita ng tagalog sabi nya kay nanay Jo kaya naman tinignan ko ulit sya ng masama

"Bakit naman kasi hindi ka nag lock ng pinto, phil?"

Tanong ni nanay Jo habang naka pamaywangan

Sumagot naman ako habang masamang nakatingin sa lalaking naka ngisi habang naka tingin din saakin

"Hindi ko naman po alam na may biglang papasok nalang atsyaka ang alam ko po kasi na puro babae tayo kaya hindi ko na po naisipang mag lock ng pintuan." paliwanag ko

Sumabat naman din tong mokong na mayabang plus manyak na to kaya sinasmaan ko ng tingin.

"I didn't even know na girl ang ka dorm mate ko except to you nanay Jo"

Depensa naman nya.

"Teka nga...pano nyo naman yan nasasabi ah, bakit nyo namang inaakala na parehas babae o parehas lalaki ang kasama nyo?" na guguluhang tanong ni nanay jo saamin

"Kulay blue po kasi ung pintuan ng katapat kong kwarto/Kulay pink po kasi ung pintuan ng katapat kong kwarto"
-sya/ako

Sabay naming sabi at parehas pang naka turo ang hintuturo sa isat isa, kaya naman sinamaan ko nanaman sya ng tingin. inosente namang naka tingin sya saakin.

"Jusq! Hindi basehan ng kulay ang gender ng isang tao, kayong mga bata kayo oh! At pasensya kana phil naka limutan kong sabihin sayo noon na lalaki ang kasama mo dto sa dorm house at sayo din Ello na babae ang kasama mo dto, parehas kasi kayong busy at naka limutan ko ring sabihin sa inyo kaya pasensya na." sabi nya habang naka hawak sa ulo nya.

Napayuko naman ako at napabuntong hininga. Ano pa nga bang magagawa ko? nangyari na?

"Oh sya sige pag pasensyahan nyo na ako at masyado na akong makakalimutin atsyaka mas magandang kayong dalawa ang mag usap tungkol sa pangyayari kanina. masyado ng gabi para saakin at kailangan ko ng matulog" sabi nya at umalis na

Katahimikan...

Yan ang namayani sa pagitan namin pag ka alis ni nanay Jo

Kaya namang walang patubling tumayo ako sa pag kakaupo ko at tinalikuran sya at nag lakad na papunta sa kwarto ko, nararamdaman ko namang tumayo na rin sya at naka sunod saakin.

Ng maka rating ako sa tapat ng pintuan ko ay huminto ako at humarap sa kanya, nakita ko namang nakatingin din sya saakin kaya naman sinamaan ko sya ng tingin.

"What? kanina pa masama ang tingin mo saakin" painosenteng tanong nya

"Alam mo na mumuro kana saakin! una ung sa restaurant na pinahiya mo ako pangalawa nung binuksan mo ng pabigla bigla ang pintuan ng cr kung saan ako naliligo at nakita mo pa yung-yung-"hindi ko masabi sabi!

"What? Hmm?" naka ngising at tumataas taas pa ang kilay nya

"Yung--a-ah basta!" shems hindi ko talaga kayang sabihin.

Tumawa naman sya ng pag ka lakas lakas habang naka hawak sya sa tyan nya

Ang sexy nya tumawa

Teka ano ba itong naiisip ko? Erase! Erase! hindi sya sexy tumawa! pangit sya pangit! arghh! hindi ko napansing naka tulala na pala ako sa kanya.

Namalayan ko nalang na iwinagayway nya ung kamay nya sa tapat ng muka ko

"Ms! alam kong gwapo ako pero wag mo muna akong titigan ng ganyan nga pala alam ko namang wala kang balak na malaman ang pangalan ko kaya ako na ang mag iinsist, I'm Ellioner Clayton 'The HANDSOME'" sabi nya kaya naman inirapan ko na sya at tinabig ang kamay nya na malapit sa muka ko.

"Tse! ang kapal mo! ikaw gwapo? aba aba saan banda? sa ingrone? KAPAL MO KAMO!" sabi ko atsyaka sya tinalikuran, binuksan ko na ung pintuan ng kwarto ko atsyaka malakas na isinara na ito kahit na nandon pa sya sa labas.

Nakakainis! hindi na tuloy inosente ang katawan ko! huhuhuhu! may naka kita nang iba!

Nag lakad ako papalapit sa kama ko atsyaka padabog na nahiga, buti nalang malambot tong kana ko.

Pagulong gulong lang ako sa kama ko dahil hindi ako maka tulog, pumikit na ako dahil baka sakaling dalawin na ako ng antok ng may kumatok sa pintuan kaya naman inis na tumayo ako at padabog na binuksan ang pintuan.

Bumungad saakin ang lalaking bwesit sa buhay ko... bwesit talaga.

Akmang isasara ko na ung pintuan ng pigilan nya ng isang kamay nya.

"Ano bang kailangan mo ha!?" inis na tanong ko.

"I just want to say this..." sabi nya at dahan dahang nag leanforward saakin kaya naman medyo na pa atras ako.

"A-ano?" nauutal na tanong ko

"Kahit puro taba ang nasa katawan mo may curve ka parin pala..." sabi nya at cool na pumasok sa kwarto nya.

Sandali akong natulala sa sinabi nya at napa kurap kurap. Nang marealize ko kung ano ang ibig nyang sabihin ay agad akong natauhan.

"Bastos! Bwesit ka talaga! Manyak!"

Wait...

Ellioner Clayton...

Teka...

Clayton?

Parang pamilyar...

_____

NASA gitna ako ng pag liligpit ng gamit ko dahil tapos na ang shift ko.

Nandito Kasi ako ngayon sa locker room ng mga waitress ng may naramdaman Kong may tinapik saakin kaya napaharap ako bigla.

"Hi! Phil! Ako to si Cassandra!" Naka ngiting sabi nya. Kaya nginitian ko Naman sya.

"Hello Cassandra" bati ko rin sakanya.

Ng matapos ko ng imisin ang gamit ko ay humarap na ulit ako sa kanya. Ng mag salita sya.

"Uhmm... Phil sabay tayo umuwi, mag ka lapit lang naman ung dorm mo sa dorm ko"

Hindi ko maiwasang hindi mapataas ng kilay sa sinabi nya, dahil sa pag tataka.

"Sa Clayton International Academy ka din nag aaral?" Tanong ko.

"Oo pero dati na akong scholar kasabayan ko si Nuela"

Kaya naman pala.

"Ahh... ok, tara" Sabi ko naman at nauna na akong lumabas. Naramdaman ko namang sumusunod sya saakin.

Nag paalam muna kami sa manager namin bago kami tuluyang lumabas ng restaurant at nag hintay ng jeep para maka sakay.

Habang nag hihintay kami ay tahimik lang ang namayani sa pagitan namin. Wala kasi ako sa mood mag dal dal dahil pagod ako.

"Nga pala bakit sa VVIP kang dorm house naka tuloy? Ang alam ko Kasi Ang pwede lang doon ay Yung mismong anak nang may ari ng school eh." Sabi nya kaya nag taka naman ako. Eh Kung ganon bakit ako doon pinatuloy?

" Ahm... Ang sabi kasi saakin wala ng ibang dorm house, occupado na daw lahat at bukod tanging 'yon nalang daw ang may bakante atsyaka nagulat na nga lang din ako nung una dahil dun ako dine-retsyo." Sabi ko Naman. Atsyaka totoo naman Kasi.

"Kilala mo ba kung sino ung isa mong kasama doon?"

"Uhmm... Hindi eh, atsyaka hindi kasi ako interisado" saktong pag sagot ko na yon ay may huminto ng jeep sa harapan namin.

______

"

Nanay Jo yung kasama ko po ba dito sa bahay, scholar din? "

"Hindi"

Tipid nyang sabi.

Nag taka naman ako lalo. Kung ganun dapat hindi ako napunta sa dorm house na ito kasi hindi naman pala scholar yung makakasama ko. Para kasing pang VVIP itong dorm house. At siguro kapag dinala ko sila inay dito ma-mamangha din sila kagaya ko.

"Po? Eh Di po dapat ako nandito, kasi scholar po ako nang mayor namin sa probinsya kaya imposibleng sa ganitong kalaking dorm house po ako manunuluyan? "

"Nag kaka mali ka phil lahat ng nag aaral dito ay may kanya kanyang room mapa scholar man o hindi. Napansin mo naman kanina-pare-parehas ang style at kulay ng ibang dorm house diba at eto lang ang naiiba."

Tumango-tango naman ako

Kanina ko pa napapansin yon pero nahihiya akong mag tanong, ikaw ba naman kasi, scholar ka tapos lahat ng bahay na tutuluyan ko ay dito pa ako na punta sa pinaka malaking dorm house. Atsyala natatakot akong mag tanong sa kanya wala lang hehehe

"Ngunit sa mga bahay na iyon ito ang pinaka malaki dahil masyadong special ang tumutuloy dito"

Napangiwi naman ako.

Kung ganon bakit ako dito tutuloy... Hindi naman ako special.

"Eh hindi po talaga dapat ako nan-didito? "

Sabi ko sabay kagat ng kuko ko. Manarism ko na talaga to since birth.

"Eto nalang ang bakante, dahil sa dami nang studyanteng nag enroll"

Matapos nyang sabihin iyon ay nakita ko syang umupo sa Sofa.

"Ah ganun po ba. Sino po ba ang isa kong kasama dito?"

Gusto ko kasi malaman kung sino kasi para aware naman ako.

"Ang nag iisang anak nang nag mamay-ari nitong Academy"


_

_____

Biglang nag sink in sa utak ko kung sino talaga sya kaya agad agad kong naramdamang nawalan ng dugo ang muka ko nang ma-realize ko lahat

S-sya yung anak ng may ari ng skwelahang pinapasukan ko.

Patay!

Kaya pala pamilyar kasi mismong apelyido nya ang name ng school at sya ang kasama ko dito sa dorm house!

Paano kapag nag sumbong yon! Naku lagot ako!

Goodbye scholarship na ba ako? Pesti kasi ih!

Continue Reading

You'll Also Like

23.4K 1.2K 48
Its all about a world in Underground Society and Military. Ano ang mas pipiliin ni 1st Leiutenant Sammara Violet Alvarez, ang sundan ang yapak ng kan...
7.8M 229K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
23.6K 811 48
Meet Series #2: Meeting Mr. Cold He is cold hearted. She is stupid girl. What if he want her to be his pretend girlfriend so that, he can get back Ly...