Tell Me What You Saw

By plumanigrasia22

35 9 0

The agency of the Law Enforcement was divided into different sectors. Above all the sectors was the three fa... More

PROLOGUE
CHAPTER 2: THE TAPE MURDERER PART TWO

CHAPTER 1: THE TAPE MURDERER PART ONE

12 3 0
By plumanigrasia22

"Sure ka?" tanong ko kay Ezekiel habang nagaayos ng pampormang damit.

"Mahuhuli natin ang kidnapper na iyon?"
Isinuot ni Grace ang diyamenteng singsing at inayos ang buhok.

Kamakailan kasi ay umusbong ang balita na mayrong nangkikidnap sa mga babaeng mayayaman na may magagandang kotse.

Kaya ngayon ay ginawa siya pain para mahuli ito.

Napailing-iling si Grace, grabe rin tong pinasok niya, gusto lang naman niyang mahuli ang pumatay sa mga magulang niya 10 taon na ang nakalilipas. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpaparamdam ang dotted murderer na iyon. Buhay pa kaya iyon? Tsk

"Bilisan mo na, naghihintay na yung kotse na hiniram natin"

Bumaba sila sa hagdanan at nagtungo sa kotse. Sa loob ay pinag-usapan nila ang plano.

"Ganire, ikaw grace diba sa parkig lot kapag may kahinahinalang lalaki, hayaan mo. Tap-

"Anong hahayaan? Mamaya may gawin saking masama iyon!"

"Yun nga ang plano tangek. Pain ka nga diba pain, hahayaan mong isama ka sa lugar nila, para matrack nila boss yung location."

"So ako lang mag-isa tama ba?" Tanong kong medyo naiintindihan ang plano pero siguradong mapapahamak ako nito. O dyusko po, ayaw ko pang mamatay ng virgin at walang boyfriend! Paexperience naman po Lord!

"Oo ganon, mga gabi ka magpupunta ng parking lot para ikaw lang talaga yung kuhanin"

Umirap sa kawalan si Grace, as if namang may ibang babae na makukuha roon e binyaran nila lahat ng babae na umalis sa building na iyon. Hmp!

"Okay, plakado na ang plano at mapapahamak ako, papasok ba ko sa office ngayon?"

"Wag na, magsaya kanalang ngayong araw."
Sambit ni ezekiel na may ngiti sa mga labi

"Ano ito pahuling kasiyahan at hapunan ko na ba?" Sakastikong sabi ni Grace

"Oo, heto" Inabutan siya ni ezekiel ng isang maliit na hugis rectangle ang hugis.

Napangiti si Grace n matanto kung ano iyon.

"O ngumingiti ang miyembro ni satanas, itim yan, bilhin mo na raw kung anong gusto mo sabi ni boss."

"Parang last day ko naman na ito." Sambit ko habang winawagyway ang card sakanya

Binuksan ni Ezekiel ang pinto ng kotse. Bago umalis ay sumilip ito sakanya at ngumiti

"Sulitin mo iyan ha." Sambit ni ezekiel habang nakangisi. Napailing nalang si grace at sinarado ang pinto ng kotse

Saan kaya ako kakain. Dapat sa mahal, minsan lang magbigay ng pera ang pinagtatatrabuhan ka. At baka huling hapunan ko na ito dahil sa plano namin mamaya

Yung kidnapper naman kasing iyon kundi ba naman siraulo mangingidnap pa isasama pa yung babae hindi nalang ung kotse.

Kinabig ko ang manubela at tinahak ang daan patungong Jollibee. Ang sarap ng chicken joy at peach mango pie, mga lima yung oorderin ko. Bumungisngis si Grace habang nagmamanehi papunta sa paborito niyang kainan.

"BOSS, sigurado bang ayos lang si Grace mamaya?" Tanong ni ezekiel sa "boss" nila kuntawagin na supervisor ng ahensiya nila

"Huwag mong maliitin ang batang iyon, zeke"

"Hindi ko ho minamliit pero sabi niyo kasi huwag siyang lumaban at sumama nalang sa kung sino mang kukuha sakanya." Kahit siya ay hindi makapaniwala sa plano ng boss nila

Nagaalala siya kay Grace dahil para ng kapatid niya ito dahil simula palang ay sila na ang magkasama dahil noong patayin ng "Dotted Murderer" ang magulang nito ay pinatay din nito ang nobya niya

Kaya rin sila nag aral at naging detective para mahuli ang mamatay tao na iyo. Pero sampung taon na ang nakalilipas ay hindi pa rin ito mahuli dahil hindi naman ito gumagawa ng bagong krimen

Masyadong matinik sa batas at magaling ang krimen na ginagawa nito, masyadong malinis.

"Nakamasid naman ang ibang pulis sakanya kaya ayos lang iyon. Naibigay mo ba sa kanya yung card" biglang tanong ng boss nila

"Oo" kapagkuwan ay nailing na natawa si zeke ng maalala ang reaksyon ni Grace nang inabot niya iyon

"Huling hapunan na raw ba niya." Parehas silang natawa ng boss niya, dahil Grace na grace nga naman ang gawing iyon.

Ang hilig magbiro, pero alam niyang natatakot din ito, pero hindi niya naman ito pababayaan.

"Si Grace talaga, dapat yata ay lagi ko siyang abutan ng ganon"

"Sinabi mo pa Lucas, kung nakita mo lang yung ngiti kanina"

Nagkatinginan sila ng "boss" aka Lucas at sabay na natatawang nagsalita ng sabay

"NGITING UUBUSIN ANG PAGKAIN SA JOLLIBEE!" Tumawatang sambit nila

Si Grace naman na nasa kainan na ay biglang nalang nagkati ang ilong. May nakakaalala siguro sa akin. Hay nako, Mama at Papa ayos lang po ako. Lingid sa kaalaman ng dalagit na na pinagtatawanan siya ng mga kaibigan niya.

"Nga pala Zeke, may bagong dating. Inilagay dito ni chief kanina" sambit ni Lucas habang pinagsasama-sama ang mga papeles sa mesa nito

Napaisip si Zeke, matagal tagal na rin simula ng makatanggap sila ng bagong miyembro. Tinatago kasi sa lahat ang trabaho nila.

Sa ahensyang ito ay binubuo ng iba't ibang grupo na mayroong iba-ibang parte na ginagampanan. Mayrong grupo para sa mga corrupt na politicians, grupo sa kidnapper kaso ay nasa bakasyon kaya sa amin napadpad ang kaso. Marami pang grupo bawat taon ay dumadami ang miyembro nila, samantalang sa amin ay hindi.

Hindi nababawasan at Hindi nadadagdagan. Rason nila kung bakit ayaw sumali? Ayaw pa raw nila mamatay.

Ang grupo namin ay ang nakaatas sa mga krimen ng pagpatay, kabilang na doon ang sa tinaguriang Dotted Murderer, lahat kasi ng pinapatay nito ay may tuldok sa sakong. Kung ilang tuldok ang naroon yoon ang bilang ng mga naging biktima nito.

Hindi maiiwasan na may mamatay sa grupo namin, marami na nga raw ang napatay kung hindi napaghigantihan, ay napagtripan lang na patayin.

Napailing-iling si Zeke, kapagkuwan ay tinanong kung sino ang bagong salta.

"Dimitri raw yung pangalan, abogado."
Napatingin siya kay Lucas para tignan kung nagbibiro ito.

"Bro, hindi natin kailangan ng abogado" paalala niya dahil mukhang nakalimutan nito ang protocol nila.

Ibinato ni Lucas kay Ezekiel ang isang folder na medyo may kakapalan, tumama ito sa mukha ni Zeke.

Inis na hinilot ni zeke ang mukha at binuksan ang folder

Name: Demetrius "Dimitri" Mendoza
Age: 27 years old
Birthdate: August 29, 1993
Father: Lleonor Mendoza (Deceased)
Mother: Deena Mendoza
Education:
Elementary: Ateneo De Manila University
Highschool: University of Santo Tomas
Senior High School: De Lasalle Univerity
College: University of the Philippines
Law School: Harvard University

"Ang mamaw naman ng lalaking ito. Nawa'y lahat napasukan ang Big4. Makapasok nga lang sa UP singhirap na ng pagsusuot ng sinulid sa karayom."bulong-bulong ni Zeke na narinig naman ni Lucas. "May pa Harvard pa, sana all."

Naiiling man, sumasang ayon pa rin si Lucas sakanya. Can you imagine how shocked he was when he first read his resume, it's like I'm reading the resume of the late Sen. Miriam Defensor Santiago.

Napasign of the cross siya bigla, sumalangit nawa.

Pinagpatuloy naman ni Zeke ang pagbabasa sa resume ni Dimitri hanggang tumigil ito sa parte kung saan naksulat ang trabaho nito.

"Lucas nakalagay rito dati siyang detective"
Tumigil naman sa ginagawa ang lalaki at tinignan si Zeke

"Oh? Anong gagawin ko?" Padaskol na sagot nito.

"Tanga, yung date nung pagtigil niya, yun yung date na pinatay yung magulang ni Grace, pinatay ang girlfriend ko at pinatay ang kapatid mo."

Hindi kaya, kaya tumigil si Dimitri sa pagiging detective ay para pumatay nalang? Binuklat ko ang pahina kung saan nakapaskil ang litrato nito.

Hmmmmm

May itsura, pero mabagsik, kinikilabutan na ko picture palang paano pa kapag persona.

Pababang nanginig si Zeke na ikinatawa naman ni Lucas.

"Nauuto ka na naman, hindi yan ang killer oi!"
Pansin sa kanya ni Lucas

"Paano mo nasabi tignan mo nga oh, parehas ng date? Bakit siya nag abo—

"Tanga! Pinatay din yung tatay niya! Kaya nga tumigil sa pagiging detective dahil ang akala niya ay dahil doon, hanggang sa pumasok ng law at naaral ang kaso."

Doon ako natahimik, so yung grupo namin grupo na ng mga namatayan.

Nayswan.

"Paano mo naman nalaman na totoo iyan? Malay mo gawa-gawa kang niya, at bakit mo alam lahat ng datos sakanya? Stalker kaba?"

Tinignan siya ng mapanloko ni Lucas at nginisihan

"Nagseselos kaba? Sorry you're not my type"sabay labas ng dila at belat sakanya

Parang bata amputa.

"Si papa" tumingin ako sakanya ng magseryoso siya. "si papa yung may hawak ng kaso dati ng Papa ni Dimitri, doon nakita na may limang tuldok ang sakong nito."

Tumayo si Lucas habang inaayis ang butines ng polo nito. Nagpaalam ito kay Zeke na hahanapin nito si Dimitri at baka naligaw na.

Tinanguan lang ito ni Zeke, paanong mawawala dito iyon e sa sobrang talino napsukan Big 4. Sigurado naman akong mas malawak yung mga school na yon kumpara sa opisina namin.

Inayos ni Zeke ang mga nagkalat na papel sa desk at sahig nila, habang nag-aayos ay naisipan niyang itext si Grace na bilhan siya ng spaghetti dahil nagugutom na siya at tubig lang ang mayroon sila sa opisina

To : Grace

Spaghetti, apat. Ikaw na bahala sa iba.

Send.

TUMUNOG ang selpon ni Grace sa iisiping si Lucas yon ay binuksan niya. Nanlunmo siya. G makita galing ito kay Zeke at nagpapabiling pagkain.

Akala ko pa naman iiurong na nila yung plano.
Tumingin siya sa limang kahon ng peach mango pie na wala ng laman. Sa dalawang kahon spaghetti at isang bucket ng chicken joy na buto nalang ang laman.

Gutom pa ako.

Tumayo siya at pumila muli, nagtext siya ng okay kay zeke at ipinasok na muli sa bulsa ang selpon.

NANG matanggap ang text ni Grace ay napangiti si Zeke.

Yes! Jollibee lunch!

Bumukas ang pinto at pumasok ang isang binata na may amber na kulay na mga mata. Ang tindih din nito ay nakakatakot.

Hanep, mas nakakatakot siya sa personal kaysa picture.

"Zeke si Dimitri"lumapit ito at nagabot ng kamay"Dimitri si Zeke"ngumiti si zeke at sinuklian din naman ito ng munting ngiti ni Dimitri.

"Okay, so ang desk mo iyong katabi nung pink na desk" paliwanag ni Lucas kay Dimitri

"Pink na desk? Kanino iyon?" Tumingin ito sakanya. "Hindi akin iyon!" Depensa niya.

Tumango lang si Dimitri, halatang hindi naniniwala

"Hindi akin iyon Dimitri!" Tumingin ito sakanya "Okay, wala naman akong sinabi" At nilampasan siya papunta sa desk na katabi ng desk ni Grace

Abogado nga, wala nga naman siyang sinabi ako itong nanguna.

Tinignan niya si Dimitri at naabutan niya itong nakatingin sa picture ni Grace, akmang magtatanong ito ng biglang tumunog ang telepon sa desk ni Lucas.

Kinuha ito ni Lucas at sinagot

"Yes, Hello?" Sagot niya

"Okay, we're on our way" pagtatapos ni Lucas at ibinaba na ang teleponno. Tumingin ito sakanila at ngumiti.

"C'mon boys, new case."

Nauna nang maglakad palabas ng opisina si Lucas. Silang dalawa naman ni Dimitri ay nagkatinginan muna bago maglakad pasunod kay Lucas

New Case? Anong klase kaya ito? Karalasan kasing case ay na napupunta sa amin ay "pinatay ang kasintahan dahil nakitang nagtataksil" ganoon nalang ba kadali kumitil ng buhay sakanila?

Napailing si Zeke at binilisan ang lakad palabas ng building nila.

LUMABAS si Grace sa Jollibee bitbit-bitbit ang take out niya na apat na spaghetti, isang bucket ng chickenjoy at dalawang litro ng coke. At syempre pamborito niyang peach mango pie! Maghirap sana ang boss niya dapat lang sakanya yon!

Masayang naglalakad si Grace ng mahagip niya ang sarili sa dingding na salamin, tumingin siya sa mga dala niyang oagkain dahil may napansin siya.

"Mukha naman akong matakaw nito" sambit niya ngunit agad siyang napailing "Dignity is Life but Food is Lifer! Tama!"

Habang kinukunbinsi ang sarili na mas mahalaga ang pagkain kaysa dignidad ay hindi sinasadyang napabaling ang mga mata niya sa bahay na may napaskil na dikaw na banner. Pamilyar siya doon dahil palagi niya iyong nakikita dahil sa trabaho jiya.

"Bakit may nga pulis? At talagang ngayong tirik pa ang araw pumatay? Aba matindi"

Tumakbo si Grace sa kumpulan ng mga tao at nakisiksik para makapunta sa unahan. Naisin man niyang ilabas Ang Id Niya para mas mapabilis Ang pag ahon Niya Hindi Niya magawa dahil sa dami ng bitbit Niya

"Ayan sige napakatakaw mo kasi, naghihirap ka tuloy" bulong bulong nito sa sarili

Sa susunod talaga kapag may kumpulan di na ako makikichismiss baka mapiyot pa Ang pagkain ko. Pahuling hapunan ko pa naman ito dahil sa kasong iniwan samin. Napailing iling siya At niyakap ng mahigpit  ang take out niyang Jollibee at muling nakisiksik.

"Excuse me po"

"Excuse me po" paulit-ulit niyang sabi habang dumadaan sa gitna. nakikita na Niya Ang liwanag at ang mga pulis. Tatakbi na sa siya papunta ng biglang may tumulak sakanya pabalik

Pikit Ang mata at yakap yakap pa Rin Ang pagkain para di mapiyot, ay kusa na niyang tinanggap ang kakahantungan ng pwet niya.!

Sa laki ng tao ba naman ng tumulak sakanya.
Kaya naman angtanging dasal ni Grace sa mga santo ay malambot sana ang kabgsakan niya.

"Guardian angel alam ko pong bwiset ako pero dala ka naman ng unan sa semento please" dasal ni Grace

Dumaan ang ilang minuto subalit nakatayo pa rin siya ang kaibahan nga lang ay parang may matigas sa likuran niya

"Dininig Naba ni Lord ang dasal ko? Pero ang hiling ko unan hindi pader" reklamo niya habang nakapikit pa rin ang mga mata

Kinapa niya ang pader sa likudan niya.
"Wala Naman nito kanina ah" Bumaba Ang kamay Ni Grace at kumapang muli. Nang may malambot na naramdaman, pinisil niya ito.

Natutuwa siya dahil sa malambot na parte ng padrr kaya naman naisipan niya sanang pisilin ito muli nang biglang may kamay na humila sakanya

"Miss, minamanyak mo na ako" isang matigas na boses ang nagpamulat kay Grace

Humarap ang dalaga oalikod at handa ng humingi ng tawag ngunit nanatiling nakaawang ang kabi nito ng Makita so Dimitri.

Hinagod ng tingin no Grace so Dimitri, napakagandang nilalang ng Diyos Naman Ito wika niya sakanyang isip

"Ummmm Miss?" Tawag ni Dimitri sa babaeng kaharap

Nahiwalay si Dimitri kila Zeke kanina dahil bibili Sana siya ng tubig sa tindahan subalit ng Makita Niya Ang babae na pinagmamasdan Niya Ang litrato kanina ay lumapit siya

Tutulungan Sana Niya itong makasingit subalit bumaliktad ang tadhana. tumama ang babae sa dibdib Niya at pinisil pa ang utong Niya.

"Napakagwapo mo Naman" Wala sa sariling sambit ni Grace Kay Dimitri

Natatawang hinawakan ni Dimitri Ang labi Niya at pinagmamasdan si Grace.

The picture in our office doesn't give justice to her face.

Yup. She's a real beauty.

"Bakit nandito ka?" Pagsisimula niya sa usapan. Mukha naman natauhan ang dalaga at humigpit ang hawak sa paper bag na may pulang bubuyog

What is it again?

Jabi? No, lumingon lingon siya at nakita ang isang fast food chain.

Oh, Jollibee. The famous fast food chain in the country. But i never try to eat there before.

"Galing kasi akong Jollibee, tapos nakita ko yung yellow tape at itong mga pulis, hindi nga ako napansin ni chief kanina kaya ayon sumingit tuloy ako, pero dapat safe yung pagkain kasi nga Jollibee, ayon niyakap ko at nabunggo kita." Tuloy-tuloy nitong sambit

Okay? I'm just asking her why she's here and then she just narrated her whole story to me.

What a lovely girl.

Hindi halatang ngayon lang kami nagkita.

Napansin ni Grace ang pag ngiti ng lalaking kaharap niya pagkayari niyang magsalita. Ang gwapo talaga nito. Palagi pang nakangiti.

Kung nauna ko sigurong nakilala ito kaysa don kay Crush ko liligawan ko na ito. Pero sige pangalanh crush ko nalang siya. Siya nalang si Crush #2.

"I'm Dimitri, you are?" Biglang tanong ng lalakeng nagpakilalang dimitri at lahad ng kamay sakanya.

Tatanggapin niya sana ito ng maalalang may dala siya mga take out. Napansin ito ni Dimitri at walang sabi-sabing kinuha sakanya ang mga paperbag at ito na ang nagbitbit.

"Athena Grace, you can call me athena or grace" she shrugged "whichever  you prefer" dagdag niya

"Hmmmm" Ngumiti si Dimitri at umaktong nagiisip. Pinagmasdan niya ito habang umaarte. "Okay, let's go babe" Dimitri said and hold her hand walking away from the crowd

Naglalalakaf na sila ng may mapansin sa tinawag ng binata sakanya. Ngayon lang nagsink in lahat sakanya.

"Hoy, anong babe!"

"Sabi mo kahit ano, ayan babe." Dimitri winked at her

"Hala pa-Fall." Sabi niya at sabay silang natawa ni Dimitri.

HINAHANAP ni Zeke si Dimitri dahil kailangan nilang maghanap pa ng bangkay, wala dito sa loob ng bahay ang katawan ng biktima, malamang ay itinapon ito gubat pa naman ang malapit sa bahay na ito.

Kinuha niya ang cellphone at tatawagan niya na sana si Grace dahil sa pagkain niya ng mahagip ng tenga niya ang bungisngis ng dalawang tao

"Hoy anong babe" pamilyar sakanya ang boses na iyon.

"Sabi mo kahit ano, ayan babe." Boses naman ni Dimitri yon, sigurado siya.

Nag-angat siya ng tingin at nakitang sabay na naglalakad si Dimitri at Grace na nagtatawanan.

Marunong palang tumawa ang lalaki na iyon, akala ko pananakot lang ang alam gawin.
Sa isipin ang seryosong mukha ni dimitri ay bigla siya kinilabutan

Lumakad sina Grace at Dimitri patungo kay Zeke ng nakatingin sakanila. Pagkalapit nila ay walang sabi-sabi nitong kinuha ang paper bag at hinalukay ang loob.

Kinuha nito ang isang tupperware na may laman na spaghetti at kumuha ng tinidor.
Bago kumain ay inalok ni Zeke ang dalawa ngunit iling ang sagot nila Grace at Dimitri.

Si Grace dahil busog pa at si Dimitri na hindi kumakain ng spaghetti.

Pumasok si Zeke sa loob ng van para kumain ngunit iniwanan sila nito ng gawain. Hanapin ang nawawalan katawan ng biktima.

"Dimitri?" Tawag ni Grace kay Dimitri na abala sa pagbabasa ng notebook na may mga impormasyon ng biktima

"Hmmm?" Binubuklat ni Dimitri ang notebook, nagbabakasakaling may kahina-hinala sa mga alibi ng mga kaibigan ng biktima tungkol sa pagkawala nito.

Tinignan ni Grace si Dimitri, itatanong niya sana kung bakit pa andito ito pero mukhang kakilala naman ito ni Zeke. New member namin?

"Saang grupo ka?" Tanong niya

"Grupo?" Nalilitong tinignan siya ni Dimitri
Halatang nagiisip ito, hindi nga siguro nagets.

"I mean, andito ka sa kaso, saan ka sa opisina?"

"Uhhh, sa'yo?" Saglit siyang natigilan at napansin yon ni Dimitri kaya naman agad isinalba ni Dimitri ang sagot niya. "Sa grupo mo, sa murderer hunter"

Napatango-tango si Grace, matagal na din simula nung magkaroon ng new member sabagay yung last ay yung kami ni Zeke.

Sumali kami dahil iisa lang ang goal namin ganon din kaya si Dimitri?

"Hinahanap mo rin ba yung killer 10 years ago?" Saglit na natigilan si Dimitri at itinuon ang pansin kay Grace.

Namatayan din siya?

Tumango siya. Ngumiti naman si Grace at sinabing magsimula ng hanapin ang biktima.
Saktong paghakbang nila ay ang pagdating ni Lucas na hinihingal pa

"Y-yung katawan nahanap na." Manginig-nginig na sabi ni Lucas.

"Nasaan? Tara na!" Sigaw ni Zeke habang umiinom ng tubig.

Pinuntahan nina Zeke,Lucas,Dimitri at Grace ang lugar kung nasaan ang biktima.
Alam na nilang lahat na ang dadatnan nila ay babaeng duguan, o kaya naman ay may saksak.

Subalit, Hindi.

Hindi ito ang kanilang naabutan

Isang babaeng nakahiga sa kalupaan,
ang mga daliri ay nawawala, pinutol ito.

Ang dugo ay natuyo na.

Ang mukha ay nababalot ng kulay berdeng tape.

Ang grupo ay natahimik.

Si Lucas ay nakatayo lang sa gilid at pinagmamasdan ang babae.

Si Zeke ay nakaawang ang bibig.  Halata ang pagkagulat sa karumal dumal na krimen na ito.

Samantalang nanghihinang tinakpan  ni Grace ang bibig kanyang bibig at humawak kay Dimitri upang hindi siya matumba dahil sa panghihina.

Pagkatapos ng ilang minutong pagkagulat ay wala pa ring lumalapit sa bangkay hanggang sa inihakbang ni Dimitri ang mga paa patungo sa babaeng nakaratay sa lupa.

Walang senyales na pinahirapan ito bukod sa daliring pinutol at sa tape na nakapalupot sa mukha nito. Wika ni Dimitri sa isip.

Tumgin si Dimitri sa mga taong naroroon. Sa kapamilya at kaibigan. Pinagmamasdan ang bawat reaksyon.

Sino?

Sino sakanila?

Sino ang may gawa?

Who's the Taped murderer?

Continue Reading

You'll Also Like

106K 3.5K 40
Y/N was a teenage introvert who enjoyed having her own space and being alone. She loved listening to music in her room, which was a great escape for...
41.2K 2.8K 26
فَتاه قوية و لكِن القدر أقوى مِنها غدرت مِن اقرب الناس ، تعذبت و ضلمت مِن اشباه الرِجال كانت تحب لكن طعنت فدخل رجال آخر رغما عِنها هل ستقع في الحُب...
12.5K 2.1K 8
In the elite ranks of DRDO, Ardik Rajwasnhi, a young prodigy, is fueled by ambition to secure a coveted position among the legendary Team Phoenix. Ho...