Rogue and Prowess

Door mariahenerala

298 30 11

Erdavistan is a model country in Asia. It is an ideal place as it is full of riches and harmonous peace broug... Meer

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17

CHAPTER 6

9 1 0
Door mariahenerala

Seductress

As time passes by, people change not because they got tired or their driving force just dropped all of the sudden, it is because something happened that pushes them to change... their beliefs, principles, and decisions.

"Dr. Grace..." I stood up when I saw Niva. Itinuro ko ang upuan sa harapan ko bago kami sabay naupo.

"Are you done familiarizing how Le Fereshte works?" I asked her. She's my apprentice and I am planning to leave the hospital to her when the time comes. Business is not my thing; I just don't have choice but to operate it since I am the only one left. Niva Gringer is another child of a Tieria Dominions member. Her biological parents both died and she was adopted. Unlike me, her foster parents are not involved with the organization by any means. Sa madaling salita, normal ang buhay n'ya at wala s'yang alam.

"Yes, but why do I have this feeling na aalis ka?" She jokingly said. I smiled with bitterness because she hit it. Ayoko mang iwan ito dahil napamahal na rin ako sa ospital ngunit kailangan. Mas hindi ko gugustuhing bumagsak din ito kasama ko, kung sakali.

I handed her some papers about the hospital. Agad n'ya itong kinuha at binasa.

"You know, I'm not into business." Simpleng sabi ko na nakapagpaseryoso sa kan'ya. Matatalim ang tingin na ibinato n'ya sa akin.

"Kassia, I don't like where this is going." She knows me well. She's been friends with Marah and I because Mama Faira had been watching her. Iyon nga lang ay wala s'yang alam sa totoong pagkatao ng mga magulang n'ya.

"Just promise me to run this hospital well. I don't want this die since my mother worked hard to achieve its excellence and prestige."

"Kassia, naman. You're the only Grace living, you have all the rights to run Le Fereshte. Bakit ipapasa mo sa akin?" Seryosong tanong ni Niva.

Umiling na lamang ako dahil kahit anong gawin ay hindi ko maipaliliwanag sa kan'ya ang lahat. Ayoko nang madamay pa s'ya. Sa katunayan ay naayos ko na ang lahat sa Le Fereshte, hinihintay ko na lamang ang tamang panahon na kakailanganin ako ng Tieria Dominions.

Nang mapansin n'yang wala akong planong sagutin pa s'ya ay mabilis n'yang iniba ang usapan. I told her about my journey in Urd. Katulad namin ni Marah ay nasa masa ang puso n'ya. Isa sa mga rason kung bakit s'ya nararapat sa Le Fereshte.

"Good morning!" Bati ng isang boses na kararating lang. Parehas kaming napalingon ni Niva sa kan'ya. Nagulat man ako ay mas nangibabaw ang simangot sa aking mukha.

"What are you doing here?" Tanong ko kay Travis na nakangisi nang naglalakad papunta sa amin. Nakita ko ang bahagyang paglingon ni Niva na pawang nagtatanong kung sino ang kararating.

"Visiting?" Pinagtaasan n'ya pa ako ng kilay at naupo sa katabing upuan ko.

"At paano ka nakapasok? I told them not to let anyone disturb us." Iniisip ko na kung saan dumaan ang isang 'to. Huwag n'yang sibihin na sapilitan ang pagpasok n'ya rito.

"Uh I told your secretary that I'm your boyfriend." Napapikit ako sa sinabi n'ya dahil sa inis. Kung may hawak akong baril ay naitutok ko na 'yon sa kan'ya. Narinig ko ang tawa n'ya dahil tuwang tuwa s'ya na naiinis ako. Nilingon ko naman si Niva na may nakakalokong ngisi na sa akin ngayon.

Damn that secretary! Alam naman n'yang wala akong boyfriend.

"Kassia, you didn't tell me about him." Nagtatampong sabi ni Niva habang may mapang-asar na ngisi at tumayo na,

"Please, excuse me." Pipigilan ko pa sana s'ya kaso ay wala akong mahanap na rason para hindi s'ya umalis.

"What do you need?" Baling ko kay Travis na nakangisi pa rin. Pinagtaasan ko pa s'ya ng kilay ngunit binalewala n'ya lang ito. Bahagya s'yang tumikhim at sumeryoso na dahil alam n'yang malapit ko na s'yang sipain palabas. Buti naman at marunong s'yang makiramdam.

"Lodon syndicate, responsible for hundreds and thousands of human trafficking and illegal drugs. Marami nang naghahabol sa kanila pero wala pa ring nakahuhuli hanggang ngayon. I wonder why." Sumandal s'ya at pinagkrus ang mga binti. He smirked because of the last sentence. It's evident that someone who is powerful enough shelters that syndicate. Hindi ko lang alam kung sino sa kanila, maybe a rebel, another organization, AUP or the Prime Minister Helios Alvadrid himself.

Inabot sa akin ni Travis ang isang flashdrive na tingin ko ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa sindikatong babanggain namin. Cairo and him were tasked to gather information about them. Mukhang tapos na sila at panibagong misyon naman para sa amin.

"Who will be deployed this time?" Hindi naman sa lahat ng misyon ay lahat kami pinapakilos, minsan ay tatlo lamang kami o kaya naman ay dalawa. Depende pa rin sa gagamitin naming taktika.

"Wala pang sinasabi, mamaya na lang after your work." Pagkasabi n'ya no'n ay tumayo na para magpaalam dahil maging s'ya ay may sarili ring trabaho. He's a licensed electrical engineer at malaki rin ang kompanya ng mga Wenschil na pinapatakbo ng kan'yang ama.

"Bye, girlfriend." Bago pa s'ya makalabas ay nilingon n'ya ako at kinindatan. Inirapan ko lang s'ya na nagpahalakhak sa kan'ya.

Damn this guy! His guts are never ending.

Nang makaalis s'ya ay agad ko nang pinag-aralan ang sindikatong haharapin namin. Matagal nang nasa listahan namin ang sindikatong ito ngunit nahihirapan kaming hulihin sila isama pa iyong mga nanggugulong rebelde na walang magawang matino.

Mamayang gabi ay magkakaroon sila ng transaction sa isang bar sa Velhalla. One of their high ranking personnel will be there to facilitate it and I'm sure we will take that opportunity to drown them slowly.

"I'll do it." Sabay-sabay na napalingon sa akin ang mga kasamahan ko tila ba hindi sila makapaniwala sa sinabi.

Nasa meeting room kami ngayon sa headquarters. Pinalilibutan namin ang isang bilohabang lamesa. Pierre seats on one edge as a center, sa kanan n'ya ay si Travis na katabi si Cairo, sunod naman ay si Kreo. Sa kaliwa n'ya ay ako katabi si Cayenne at Livy.

"What? No way! You're a sniper." Unang nakabawi si Travis na ngayon ay salubong na ang kilay. Hindi ko mawari kung galit, inis o anuman ang ekspresyon ng kan'yang mukha.

"Livy can't do it due to her injury. Mahihirapan s'ya sa close combat kung pumalpak tayo." Tiningnan ko pa si Livy na mukhang hindi rin sang-ayon sa aking suhestyon. Knowing her, kahit anong injury ang mayroon s'ya ay ipipilit n'yang kaya n'ya. She got injury in her left arm recently sa isang misyon. Hindi man n'ya sabihin pero alam kong mahihirapan s'ya and we can't risk her for that.

"But it's my role. Sa ating tatlo ako ang pinakasanay dito. Well, ako naman talaga ang pinakamaganda. Tieria Dominion’s seductress." She said confidently trying to lighten the atmosphere.

We are planning for the Lodon syndicate. Mamayang gabi na mangyayari ang transaction nila sa isang bar kaya't nagtatalo kami ngayon kung sino ang ipapain kay Ryan Halter, ang namamahala sa Lodon. Napagdesisyunan namin na kailangang may makalapit sa kan'ya then isolate him in a room. Sino pa nga ba ang makagagawa noon? Of course, seductive girls!

Livy usually gets the role given her height and perfect body. She's the most suitable among us to do the job. Wala pa yatang tumanggi sa kamandag n'ya.

"You're injured, Livy. We can't risk you." Naiiling na sabi ko na nakapagpanguso sa kan'ya. Alam n'yang tama ako sa pagkakataon na ito. Akma na sanang magsasalita si Cayenne ngunit inunahan ko na.

"You can't do it, Cayenne. You're too angelic." Matabang na sabi ko. Narinig ko ang halakhak ni Cairo sa kabilang gilid. Totoo naman kasi! S'ya itsura n'ya ay mukha s'yang hindi napapadpad sa bar.

"You're really harsh, Kassia." Ani Cairo.

"I agree, baka biglang mapadasal 'yung mga tao sa bar kapag nakita si Cayenne." Gatong pa ni Kreo at nag-high five pa sila ni Cairo. Napasimangot naman si Cayenne at hindi na nagsalita na tila nahihiya. Inakbayan naman s'ya ni Livy para aluin.
Kita mo 'tong isang 'to ang lakas ng loob mag-volunteer, mahiyain naman.

"So, I think, you don't have a choice but let me do the job?" I crossed my legs and arms as I glance to Pierre asking for his approval. He always let me do what I want because he's aware that it upsets me whenever our comrades are protective of the girls. I think it's normal for them to get worried but sometimes we have to risk and let us do the job.

Hindi sumagot si Pierre sa halip ay nakipagtitigan s'ya sa akin. My hopes a while ago vanished because of his looks darting toward me. It says that he is not on my side this time. Mukhang naramdaman din ng mga kasama namin ang biglang pagbigat ng paligid. Natahimik si Kreo at Cairo na kanina pa nagtatawanan. Umayos ng upo si Livy at tinanggal ang pagkakaakbay kay Cayenne. Napalingon si Travis kay Pierre na parang hinihintay ang desisyon nito at anumang oras ay handa nang mangatwiran.

"You want to do it?" Tanong n'ya sa akin habang nakatitig sa mga mata ko. Nahigit ko ang hininga ko dahil do'n. Parang biglang humirap sagutin ang tanong na iyon.

"Y-yes." Bulong ko sapat na para marinig n'ya ngunit natauhan ako sa paraan ng pagsagot ko.

"Yes." Nag-iwas ako ng tingin at binago ang tono ng pagsagot. I have to convince him that I can do it. Para pagbigyan n'ya ulit ako. Narinig ko ang paghinga n'ya nang malalim na parang hirap na hirap s'yang sabihin ang desisyon n'ya.

"Alright, it's settled." Nang marinig iyo ay napabalik ang tingin ko sa kan'ya at sinalubong ang kulay tsokolate n’yang mga mata. Tila ba ang lalim nito at hindi ko maintindihan ang eksprestong nais ilabas nito.

Napailing si Travis sa pagkadismaya. Nag-aalalang mga mata naman ang sinalubong sa akin ni Livy at Cayenne. Si Cairo ay nag-thumbs up pa sa akin samantalang si Kreo ay pinagtaasan pa ako ng kilay.

Sigurado akong magagawa ko ito dahil hindi naman ako kasing hinhin ni Cayenne. I am known as the fierce doctor na marami nang binasted sa iba't ibang department. I can flirt, indeed. If I can turn down a man in a very savage way then definitely, I can make them worship me in a snap. Naglalakad nga lang ako sa hallway ng ospital wearing my gown, ang dami ko nang nabibiktima paano pa kaya kung may gawin ako? Well, aaminin ko na mas magaling sa akin si Livy dito, mas maganda at mas sexy pero wala kaming pagpipilian ngayon. I just hope, I do well.

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin nang matapos akong magbihis. I am wearing a fitted maroon laced top with spaghetti straps that shaped my breast perfectly. It is tucked in a black skirt ends two inches above my knee. According to Livy, bagay daw sa akin ang medyo reserved image para raw mas kasabik-sabik. 'Yung tipong when you're doing it, iisa-isahin pang tanggalin kaya she crossed out a sexy fitted dress for me.

I walked out of that room to join my comrades waiting for me outside. As the door reveals me, I let my red stiletto make its sounds being the only one can be heard. I walk confidently as I watch them eyeing me more than it requires. My natural long straight jet-black hair is now dancing with its mermaid curls, its length passes my chest. I think, its color compliments my paper white complexion that's why I never dyed it. Also, it reminds me of my Mom. Pero hindi pa rin mawaglit ang paghanga ko sa kulay ni Livy at sa maamong mukha ni Cayenne. I have a fierce look given by my high cheekbone making my face appear smaller, thin and well-shaped nose, slightly chinky eyes with deep black orbs that gives the mataray-look, and small lips. My fellow doctors always find me intimidating at first, well, kapag tinarayan ko na mas lalo nilang napapatunayan 'yung first impression nila.

"Oh my goddess!" Si Livy ang unang lumapit sa akin at mukhang proud na proud sa pinasuot n'ya sa akin.

"I'm the angel while you're the fierce and hot devil." Si Cayenne na humagikgik nang tipid.

"You should've been an actress instead of a doctor..." Ngisi ni Cairo. "sexy actress for mature content."

Dalawang baril ang sabay na tumutok kay Cairo at mabilis n'yang itinaas ang dalawang kamay tanda ng pagsuko.

"Sandali, chill! Mainit ba sa Astraea ngayon kaya mainit din ulo n'yo?" Natatawang sabi ni Cairo kay Travis at Pierre na seryosong nakatingin na sa kan'ya hawak ang tig-isang baril.

"Aling ulo?" Malisyosong sabat ni Kreo at agad na itinaas ang dalawang kamay at nakangisi na rin. Sabay na napabulong ng iba't ibang mura ang dalawa bago ibaba ang mga baril nila tila ba'y kung hindi nila iyon gagawin ay makakalabit talaga nila ang gatilyo.

"Women wearing revealing clothes ain't asking to be objectified." Malamig na saad ni Pierre bago tumalikod at maunang maglakad. Natigil kaming tatlong babae sa sinabi n'ya. Maging ang tatlong lalaki ay napatigil at napayuko. Hindi ko naman mapigilang mapangiti dahil doon.

My commander is really a man, huh?

In tonight's mission, I am the frontliner. I have to caught Ryan Halter's attention. I already read some of his information at mukhang mahilig s'ya sa mapuputi. Ngayon ko lang naappreciate 'yung kulay ko.

Papasok din sa loob ng bar sila Travis, Cairo, and Cayenne bilang back up. Livy will monitor us again. While Pierre and Kreo will be outside as support when I went out with the target. Our goal is to stop the transaction and kill Halter. Our plan is to disarmed the target first. Dahil malaking tao ay mahigpit ang security n'ya. His body guards are as skilled as we are. In order to do that, I have to seduce and isolate him and kill him. Susundan kami ni Pierre at Kreo dahil siguradong hindi magiging madali iyon. Kailangang mailayo muna s'ya sa bar para maitakas nila Travis ang mga biktima nila.

"I'm in." I announced as I enter the bar. Sumalubong sa akin ang mga hype na hype na mga tao dahil sa malakas na tugtugan. Nakasisilaw din ang mga disco lights kaya bahagya akong napapikit hanggang sa masanay na ang mata ko. Ang makakaliyong anoy ng alak ang humaplos sa ilong ko.

Hindi na bago sa akin ito, hindi man ako party girl pero may mga pagkakataong nagpupunta rin ako sa ganitong lugar. Agad akong dumeretso sa counter dahil mas malaki ang tyansang masumpungan ang target. 'Di kalayuan sa pwesto ko ay nahagip ng paningin ko si Travis na nagsasayaw na ngayon ng dance floor kasama ang ilang mga babae.

Nakuha pa talagang mambabae ng loko.
Nakita ko naman si Cayenne sa kanan ko na nakaupo lamang ngunit may dalawang lalaki ang lumapit sa kan'ya. Hindi naman n'ya ito tinaboy.

"Woah! Look who's flirting now. The shiest member is on the move." Narinig kong sabi ni Cairo, mukhang nakikita n'ya ngayon ang ginagawa ni Cayenne.

"Fucker, umayos ka nga!" Singhal naman ni Kreo tila naiinis sa pag-iingay na naman ni Cairo.

"Damn you, Kreo! Inggit ka lang kasi nasa labas ka." Ganti naman ni Cairo at nagmurahan na sila. Tawa lang naman nang tawa si Livy. Minsan ay nanunulsol pa si Travis.

Sa ganitong mga pagkakataon, nagagawa pa talaga nilang maglokohan at mag-asaran and it calms me, somehow. Nakatutulong ang pagiging maingay nila kahit papaano.

"Target located. Now on the entrance." Natigil sa pag-iingay ang mga kasama ko dahil sa sinabi ni Livy. Ramdam ko ang biglang pagseseryoso nila. Hindi ko na nilingon pa ang entrance ngunit sinigurado kong makikita ako ng target.

I sip on my drink while gazing at the dance floor avoiding the entrance where the target is located. Hindi lang iilang lalaki ang lumapit sa akin at in-entertain ko. Medyo naiinis na nga ako at gusto ko nang ako ang lumapit sa target pero hindi iyon magandang gawin.

"That's the 14th guy, Kassia." Saad ni Travis. Hindi ko alam na binibilang n'ya ang mga lumalapit sa akin.

"Wala ka bang type? Gwapo 'yung huli ah." Boses naman ni Cayenne ang narinig ko at sinundan pa ng pang-aasar nila. Maging ako ay hindi ineexpect na sasabihin n'ya iyon.

"Stop drooling over them. The hottest guy is your comrade." Natahimik ang lahat sa sinabi ni Cairo. "Common, guys! 'Wag n'yo na itanggi."

Napailing na lang ako nang sabay-sabay nilang paulanan ng mura ang hottest guy kuno sa Tieria Dominions. Napatuwid naman ako ng upo nang maramdamang may nakatitig sa akin. Sa peripheral view ko ay nakikita ko ang target namin. Bahagya akong napangisi dahil dito.

"He's walking to your direction." Babala sa akin ni Travis. Kahit hindi n'ya sabihin ay alam ko.

Ininom ko nang tuloy-tuloy ang natitirang inumin sa baso ko. Saktong pagbaba ko ng baso ay may naglapag na ng panibagong inumin sa harapan ko. Tiningnan ko muna ang baso at dahan-dahang hinaplos ng tingin ang kamay n'ya hanggang sa maglapat ang mga mata namin. Tinaasan ko s'ya agad ng kilay.

Target got caught. Let's play the game the way I wanted.

"This drink tastes better." Turo n'ya sa dala n'yang alak. Malalagkit ang tingin n'ya nang pasadahan ang buong katawan ko hanggang sa bumalik ito sa aking mata. He smirked like he's having fun right now. This man is on his mid-40s. He's not the typical syndicate leader na may malaking tyan. Sa katunayan ay physically fit s'ya. Mukhang mahihirapan ako sa isang ito.

"There's mesparathin on that drink, it can knock you out for a while. You can have it." I heard Livy. Mukhang nakita ng mga kasamahan ko ang inilagay n'ya. Too bad, we're more prepared. I already drink penthalonin, a type of drug that resists the effect of variety of sleeping drugs.

But I have my own ways...

"I don't accept drinks from a stranger, Sir." Pinagdiinan ko ang huling salita bago bumaling sa counter para mag-order ng sarili kong inumin. Guys and their egos. Kapag tinapakan mo ang ego nila mas lalo lang silang maghahabol sa 'yo.

"I'm Ryan but I prefer 'babe' on bed." Malisyosong saad n'ya sa akin at hindi pa rin inaalis ang mga mata sa akin. Pinigilan ko ang sarili kong hindi umirap. Binalingan ko s'ya at binigyan ng masasamang tingin na mas lalong nagpalawak ng ngisi n'ya.

Dahan-dahan kong inilagay sa labi ko ang inorder na inumin ngunit hindi pa man ako nakakasimsim ay nawala na ito sa aking mga kamay. Nagkunwari akong nagulat sa nangyari.

"Too strong, huh?" Tukoy n'ya rito pagkatapos n'yang inumin. Sinadya ko talagang umorder ng matapang na alak para isipin n'yang lasing na ako. Predators attack their preys on their weakest state.

Bahagya n'yang sinulyapang muli ang inaalok n'yang drink sa akin na hindi ko pa rin ginagalaw. Napatingin din ako rito ngunit hindi na pinansin at umorder ulit ng panibago.

"They added drug on your next order." Babala ni Travis sa kabilang linya. Well, I know.

"Too desperate, huh? Ginayuma mo ba 'yan?" Pang-aasar ni Livy sa akin at humagalpak ng tawa.

"Damn! Hindi pa nakakahawak 'yan ah." Si Cairo naman.

"Good to hear." Muntik na ako mapatalon nang marinig ang boses ni Pierre. Kanina pa s'ya tahimik at ngayon lang nagsalita. Usually, taga-awat s'ya sa banatan nila Cairo at hindi ko ineexpect na makikisali s'ya ngayon.

Natauhan ako nang iabot na sa akin ang order. Kinuha ko ito at patagilid na tiningnan ang target. Nais kong iparating sa kan'ya na hindi ko tinanggap ang inalok n'ya at naisahan s'ya.

Nagkunwari s'yang dismayado at lumingon sa kabilang direksyon ngunit nakita ko ang pagngisi n'ya. I drink it, straight.

"15 minutes before its effect. I'll signal you."

Kinausap n'ya ako na sinasagot ko naman nang tipid at pabalang. Alright, satisfy your ego sa kaalamang naisahan mo ako. Ilang beses n'ya rin akong sinubukang hawakan ngunit inaalis ko rin ito agad na mas lalong nagpapasabik sa kan'ya.

Hanggang sa marinig ko ang hudyat sa kabilang linya.

Hinawakan ko ang noo ko at mariinig pumikit. Nagkunwari pa s'yang concern sa akin kaya nginitian ko s'ya parq sabihing ayos lang ako. Tumayo ako at nagpaalam sa kan'ya. Nagkunwari pang medyo nawalan ng balanse ngunit I tried to keep myself. Humakbang ako papunta sa direksyon ng comfort room nang parang hirap na hirap at nahihilo. Alam kong nakasunod sa akin ang target at nakamasid ang mga tauhan n'ya. Bago pa man ako makarating sa CR ay bumagsak na ako. Naramdam ko ang pagsambot sa akin na alam kong ang target iyon dahil sa pabango n'ya.

"Gotcha!" Matagumpay na sabi n'ya at binuhat na ang walang malay kong katawan. Mabibilis ang hakbang n'ya palabas ng bar na iyon hanggang sa makarating kami sa kotse n'ya. Naramdaman ko ang pagbaba n'ya sa katawan ko sa likod ng kotse.

"Handle the transaction inside. Leave this to me." Rinig kong sabi n'ya at pinaalis ang mga body guard n'ya. Katulad ng inaasahan namin ay iiwan nga talaga n'ya ang transaction nila sa loob para lang sa isnag babae.

Idiot!

Akala ko ay may magdadrive para sa amin ngunit pumunta s'ya sa driver's seat. Mukhang mas mapapadali ang trabaho kung kaming dalawa lang rito. He steps on the gas at pinaharurot na palayo ang kotse sakay ako.

"Let him bring you to the hotel nearby. May nakasunod sa inyong body guards." Si Kreo ang nagsalita. Tama s'ya, patayin ko man itong target ngayon ay tiyak na mahihirapan akong makatakas kung may nakabuntot sa amin.

Nang maramdaman ang paghinto ng kotse ay mas pinag-igihan ko pa ang pag-arte. Muli n'ya akong binuhat hanggang sa maramdaman ang malambot na kama. Hindi ko maiwasang kabahan dahil sa nangyayari. I'm still virgin for fuck's sake! Hindi ako papayag na ito ang magiging una ko. I'd rather die virgin.

"Kassia, you have the timing." Si Livy ulit. Tumahimik na sila sa kabilang linya.
Naramdaman ko ang marahang paghaplos sa aking mukha. Doon pa lang ay gusto ko nang basagin ang mukha n'ya ngunit pinanatili pa ring sarado ang aking mga mata at pinakikiramdaman ko ang paligid.

"My bad, I haven't asked your name." Bulong n'ya na nagpatayo sa balahibo ko. Umupo s'ya sa gilid ko ngunit halos mapatalon ako nang maramdaman paghaplos n'ya sa hita ko. Hindi ko na kaya!

Tuhod ko ang sumalubong sa kan'yang mukha. Ramdam ko ang lakas ng ginawa ko. Napadaing s'ya at bumagsak.

"Shit!" Napamura ako nang walang mahanap na baril. Hindi ako nagdala ng armas dahil ayokong mabuko kami nang maaga. Agad s'yang nakabawi at sinakal ako. Siniko ko sya para mapahiwalay.

"Fuck! Who are you?" Singhal n'ya sa akin muli bago kami magbuno. Sinabi na at magaling din makipaglaban 'to. Nakarinig ako ng ingay mula sa labas tanda na inuubos na nila Pierre at Kreo ang mga kalaban.

"I don't have guns!" Sigaw ko sa kabilang linya habang sinasalag ang bawat suntok ng lalaking ito. Ilang palitan pa ng suntok ang nagawa namin hanggang sa masubsob ako sa may kama at gamitin n'ya ang bigat n'ya para ma-overpower ako.

Bumagsak ako at dinaganan n'ya ako. Dahil sa inis ko sa buong pagkatao n'ya at pangmamanyak n'ya sa akin kanina ay nakawala ang isang kamay ko at nasambot ang lampshade na nakapatong sa side table. Marahas kong ipinukpok ito sa ulo n'ya. Sapat na iyon para makawala ako. Sinipa ko s'ya at napaupo s'ya sa sahig. Sakto namang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Pierre na hinagisan ako ng baril.

"Rest in hell, maniac!" Nanlaki ang mata n'ya nang matanto na may hawak akong baril ngunit huli na para tumakas pa.
Isang bala ang tumama sa kan'yang noo.

I'm a neurologist so I shoot brains.

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

695K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...