The Revengeful Heart [COMPLET...

By 2KG4LOFBLOOD

40.5K 812 50

I am a doctor. I know that the heart is the strongest muscle in our body. But I still wonder, why does it br... More

PROLOGUE
Vengeance 1
Vengeance 1.2
Vengeance 2
Vengeance 3
Vengeance 4
Vengeance 5
Vengeance 6
Vengeance 7
Vengeance 8
Vengeance 9
Vengeance 10
Vengeance 11
Vengeance 12
Vengeance 13
Vengeance 14
Vengeance 15
Vengeance 16
Vengeance 17
Vengeance 18
Vengeance 19
Vengeance 20
Vengeance 21
Vengeance 22
Vengeance 23
Vengeance 24
Vengeance 25
Vengeance 26
Vengeance 27
Vengeance 28
Vengeance 29
Vengeance 30
Vengeance 31
Vengeance 32
Vengeance 33
Vengeance 34
Vengeance 35
Vengeance 36
Vengeance 37
Vengeance 38
Vengeance 39
Vengeance 41
Vengeance 42
Vengeance 43
Vengeance 44
Vengeance 45
Vengeance 46
Vengeance 47
Vengeance 48
Vengeance 49
Final Vengeance 50
Epilogue

Vengeance 40

591 8 0
By 2KG4LOFBLOOD

Dianna Luther

Pagkatapos ng nangyaring 'yon ay lalo naming minadali ang pagpapakasal namin ni Vicmar. Pero alam ko sa lahat ng pinupuntahan namin ni Vicmar ay palagi syang nakasunod. Hindi ko alam kung ano pa bang ipinaglalaban nya para sa amin. Hindi ba nya nakikita na wala nang kakahantungan ang kung anumang meron kami?

"Iha, look at this bagay na bagay 'to sayo." Natigil ang pag-iisip ko ng marinig ko ang boses ni Mama sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa botique at kukunin na namin ang susuotin kong gown sa kasal.

"Thank you po Mama." Yon lang ang nasabi ko at sumandal sa kinauupuan ko.

"Dianna may problema ba?"

"Po? Wala po medyo masama lang po ang pakiramdam ko." Sagot ko sa kanya. Pinaalis naman nya muna ang mga designer at lumapit sa akin.

"Nagdadalawang isip ka ba iha?" Seryosong tanong nito sa akin.

"Hindi po. Meron lang po akong iniisip."

"Kung ganon ay bakit hindi ko nakikita ang excitement mo? Kasal mo ito iha bakit parang sa nakikita ko ay parang lamay ang mangyayari?"

"Hindi po ganon Mama. Naguguluhan lamang po ako."

"I understand. Mahirap talaga ang pag-aasawa pero mahal mo naman ang anak ko at kita kong mahal na mahal ka rin nya. Alam kong hindi ka nya pababayaan at sigurado akong papasayahin ka nya. Alam mo bang ikaw ang kauna-unahang ipinakilala nya sa amin? Ilang beses kaming nagpakilala ng babae sa kanya pero lahat 'yon ay tinanggihan nya dahil meron na daw syang ibang gusto." Mahinahon na pagkakasabi nya sa akin habang ikinukwento sakin 'yon. Sa mga sinasabi nya ay lalo lamang akong kinakain ng konsensya ko.

"Umpisa pa lang ay pinangarap na nyang maging abogado pero dahil sa alam nyang magdodoktor ka ay kumuha rin sya ng medisina. He choose you over his dreams. You are his priority. Kaya alam ko pag dumating na ang araw na kasal na kayo, alam kong magiging masaya ka dahil maiikasal ka sa lalaking mahal na mahal ka." Tama sya. Siguro ay magiging masaya rin ako dahil sa sobrang pagmamahal ni Vicmar para sa akin. Ngayon ay mas naging malinaw sa akin kung bakit si Vicmar ang dapat na piliin ko.

"May tiwala po ako sa kanya Mama. At gusto ko lang pong magpasalamat sa inyo dahil tanggap nyo ako. Kayo po ang nagparamdam sakin kung paano ang magkaroon ulit ng mga magulang." Sincere kong sabi sa kanya. This is one of the reason again. His parents really love. They treat me like thier own daughther. Sa kanila ko ulit naramdaman na magkaroon ng pamilya.

"You don't have to say thank you iha. I know that you will be a good wife and a good mother to your children because I can see that you know how to value something. You are such a independent and brave woman. At masaya ako dahil ikaw ang mapapangasawa ng anak ko." Sabi nito sa akin saka ako niyakap. Parang nararamdaman ko ulit ang yakap ni Mommy sa akin. Kahit sandali ay nabawasan ang pangungulila ko. Mom, Dad sana ay tama ang desisyon kong 'to at hindi ko sana pagsisihan sa huli. I want to finally get my peace.

"Hayy ano ba 'yan! Suge na iha sukatin mo na ang gown mo nagkakadramahan pa tayo dito." Natatawang sabi ni Mama kaya ngitian ko na lang sya at sinukat na ang gown. Pagkatapos noon ay nagpunta na kami sa Pastry shop. Nandoon na si Vicmar at hinihintay kami ni Mama.

"So how's your gown? Nagustuhan mo ba?" Tanong agad nito sa akin.

"Oo."

"Okay. Let's go inside for our wedding cake." Sabi nya at tumango na lamang ako sa kanya. Pagpasik namin doon ay nakahilera na ang higit sa sampung cake sample na pagpipilian namin.

"Here are best seller cake Mr.Argento. You can choose anything you want and if you have any suggestion pwede nyong sabihin sa amin para mailagay sa cake na gusto nyo. You can also taste each cake to help you decide which one will you take." Sabi sa amin ng mukhang may-ari ng Pastry Shop. Tumango lang naman kami ni Vicmar.

"Which one do you like Dianna?" Tanong sa akin ni Vicmar.

"I want the simpliest Vicmar."

"Dianna, I want the best for you. Come on. Do you want this 4 ft cake? It looks good and it suits the motif. What do you think?" Sabi nya sa akin at lumapit kami doon sa cake na sinasabi nya. It's a 4 ft tall cake with a 8 layer. Kulay champagne 'yon at may mga red roses na design at black pearls. Gusto ko iuyon pero masyadong engrande.

"That's too tall Vicmar."

"It's okay. What do you think? I know that you like this? Taste it. It's chocolate with vanilla and strawberry syrup." Sabi nito sa akin at ikinuha ako doon ng slice at saka itinapat sa bibig ko. Tinikman ko naman ito.

"Sige na nga ito na." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Are you sure? Baka napipilitan ka lang?" Natatawang sabi nya s aakin kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Mukhang mas sweet pa kayo sa cake ah?" Panunukso sa amin ni Mama na lalong ikinatawa ni Vicmar sa akin dahil nakita nya akong medyo nahiya. Nakatingin na rin sa amin ang lahat nang empleyado na nandoon.

Pagkatapos namin doon ay sinabi na namin ang napili namin at si Mama naman at si Vicmar may mga ilang isinuhestyon about doon sa cake. After that nagpunta na kami sa venue namin. It's in the hotel. Kahit ayoko ng masyadong engrande ay napilit aprin ako ni Mama. Napakalaki ng venue na sa tingin ko nga ay kasya ang 200 persons samantalang wala pa namang isang daan ang bisita namin pero dahil sa may mga media daw dito ay kaylangang ganito kalaki. Kinausap na rin namin ang photographer and videographer para sa kasal namin at bago matapos ang araw ay halos natapos namin lahat ng kaylangan namin. Isang linggo na lang at kasal na namin ni Vicmar.

"Siguradong inip na sa atin ang Daddy nyo." Natatawang sabi ni Mama. Nandito na kami sa kotse at pauwi na kami. Naiwan kasi kanina si Dad dahil iniwan kanina sa mansion ang anak ni Venice kaya hindi ito nakasama sa amin.

"Kasama naman nya ang anak ni Venice Mama kaya hindi 'yon mababagot doon." Natatawang sabi ni Vicmar.

"Kaya kayo bilisan nyo ang paggawa ng apo huh? Para naman mas lalo kaming di mabagot ng Daddy nyo." Halos masamid ako sa sariling laway ng marinig 'yon kay Mama.

"Of course Mama. Ilang ba ang gusto nyong apo?" Pagsakay ni Vicmar sa biro ni Mama habang ako ay nanahimik lang at nakikinig sa kanila. Napapaisip rin ako kung kelan kami magkakaanak ni Vicmar. Hindi ko pa ito naiisip.

"Kahit ilan basta gusto ko ay madami." Natatawang sabi ni Mama sa amin.

"Ikaw ba Dianna? How many children do you want?" Tanong sa akin ni Vicmar.

"Kahit ilan okay lang." Yon lang ang nasabi ko sa kanya. Madami pang napagkwentuhan sina Mama hanggang sa makarating kami ng mansion. Naabutan nga namin doon si Dad na natutulog na sa sofa at nakadapa sa dibdib nya ang anak ni Venice.

"Hayy tingnan nyo 'tong Daddy nyo. Pasaway talaga." Sabi ni Mama at binuhat ang anak ni Venice saka ginising si Dad para lumipat sa kwarto.

"Mama, Vicmar magpapahinga na po ako." Pagpapaalam ko sa kanila.

"Hindi ka na ba kakain ng dinner iha?" Tanong sa akin ni Mama kaya umiling lang ako.

"Nabusog na po ako sa food tasting kanina." Sabi ko sa kanya.

"Okay have a beauty rest na. Good night." Sabi nito sa akin at saka nagbeso sa akin.

"Good night po." Dabi ko saka dumeretso na paakyat sa kwarto ng habulin pa ako ni Vicmar.

"Samahan na kita." Sabi nito at inalalayan pa ako.

"Hindi ka ba magdidiner?"

"Hindi na." Sabi nya sa akin saka kami sabay na pumasok sa kwarto namin.

"Magbibihis lang ako." Sabi ko sa kanya saka tinanggal ang tali ng buhok ko at tinanggal ang blazer na suot ko at papasok na sana ng banyo ng pigilan nya ako.

"Bakit sa banyo ka pa magbibihis?"

"Malamang kasi nandito ka?" Natatawang sabi ko sa biro nya.

"Bakit naiilang ka ba sakin?" Sabi nya saka nya hinubad ang suot nyang polo kaya lumantad sa akin ang napakaganda nyang katawan. Napaiwas naman agad ako ng tingin doon.

"Bakit naman ako maiilang?" Tanong ko sa kanya at naglakad na ulit pabalik sa banyo ng hawakan nya ako sa braso at hilahin papalapit sa kanya.

"Bakit nga ba?" Sabi nito sa akin. Sa lapit namin ay halos maamoy ko na ang hininga nya. Nasa pagitan namin ang mga braso ko at naiilang ako sa paglapat ng balat nya sa mga braso ko. At bago pa ako makalayo sa kanya ay naramdaman ko na ang paglapat ng labi nya sakin. Madiin kong ipinikit ang mga mata ko. At pilit na pinagbigyan sya sa mga halik nya pero nagugulat akong naitulak sya ng maramdaman ko ang kamay nya mula sa likod sa loob ng blouse ko.

"I'm s-sorry." Sabi ko kaagad sa kanya ng maitulak ko sya dahil sa pagkagulat.

"No. I'm sorry." Sabi nito sa akin at saka pumasok sa bathroom.

Nanlalambot akong naupo sa kama namin. Hindi ito ang unang beses na nattempt sya sa akin pero hindi ko sya kayang pagbigyan. Oo alam ko mapapangasawa ko na sya pero hindi talaga kaya. Hindi ko pa kayang ibigay 'yon sa kanya.

Naihilamos ko na lang ang mga kamay ko sa mukha ko dahil sa frustration. Am I being unfair to Vicmar? Alam kong matagal na nyang gustong magkaanak. At kahit noong engage pa lang kami ay napapag-usapan na namin 'yon pero hanggang ngayon ay wala akong maisagot sa kanya dahil wala pa sa isip ko ang ibigay ang sarili ko sa kanya.

Napalingon ako sa pinto ng banyo ng marinig ko ang paglabas doon ni Vicmar. Lumapit agad ito sa akin at niyakap ako.

"I'm sorry Dianna. I was just tempted. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko." Bulong nya sa akin pero hindi na ako sumagot dahil naiintindihan ko sya dahil lalaki sya.

"Are you mad at me?" Tanong nya ulit sa akin pero umiling lang ako sa kanya.

"I know you're mad. I'm sorry." Sabi nya sa akin kaya humarap ako sa kanya.

"I'm not mad because I understand you. But, can you wait me until we get married?" Tanong ko sa kanya.

"I will wait for you Dianna. I'm sorry hindi na 'yon mauulit." Sincer na sabi nya at tumango lamang ako.

"Sige na kumain ka na ng dinner. I know that you're hungry okay lang ako dito."

"Hindi ka ba pwedeng sumabay sa akin?"

"Busog pa ako Vicmar. Sige na bumaba ka na walang kasabay si Mama." Sabi ko sa kanya at tumango na lang sya saka ako hinalikan sa noo ko. Rinig na rinig ko pa ang pagbuntong hininga nya bago sya umagwat sa akin at lumabas ng kwarto.

Tumayo na ako at naglakad papalapit sa banyo ng may marinig akong kaluskos galing sa veranda. Tumingin ako doon pero wala namang tao. Ipinagkibit balikat ko lang iyon pero may narinig akong mabigat ang paghinga. May tao.

Dahan akong lumapit doon sa may veranda at inihanda ang sarili ko. Pero halos mapamura ako ng biglang may yumakap sakin mula sa likod. At kahit na hindi sya magsalita nakilala ko na ang pabango nya.

"What the fuck Rylie! What are you doing here?" Galit na tanong konsa kanya at pilit na pinipigilan ang sarili ko na wag mapasigaw dahil baka marinig kami nina Vicmar.

"Hindi kita titigilan Dianna kaya sumama ka na sakin." Seryosong sabi nya sa akin. Binigyan ko lang sya ng sarkastikong tawa dahil sa sinabi nya.

"Are you crazy? Itatakas mo ako kahit alam mong ikakasal na kami ni Vicmar?"

"Call it crazy but I don't care Dianna. What I care is to get you back."

"Hibang ka na! Bakit ba hindi mo ako maintindihan?"

"Dahil alam kong mahal mo ako Dianna. Kaya hindi ako susuko hanggang hindi kita nakkukuha sa kanya."

"Umalis ka na. Pag nakita ka nila dito ay ipapakulong ka nila. Ayoko na ng gulo Rylie. Gustk ko nang katahimikan. At hanggang pilit kang pumapasok sa buhay ko ay hindi ko makukuha 'yon."

"Panggulo lang ba talaga ako sa buhay mo Dianna?" Heto nanamn sya. Bakit ba gustong gusto nyang sinasaktan ang sarili nya? Bakit ba hindi nya maintindihan ang gusto ko? Ilang beses ko na syang pinagtatabuyan at halos maubusan na ako ng masasakit na salita na sasabihin sa kanya pero bakit ipinagpipilitan nya parin ang sarili nya?

"Please Rylie. Let's give each other a peace. Hindi ka ba napapagod? Paulit ulit na lang."

"Mapapagod? Maybe I'm tired Dianna but I never think about quiting. Because I was fighting for you! At hanggat hindi ka pa naiikasal sa kanya hindi ako susuko." Sabi nya sa akin and for the ninth time I saw his eyes with flowing tears again.











xyvil_keys

Continue Reading

You'll Also Like

117K 2K 53
Kirk S. Montemayor x Thralia V. Schauerte UNEDITED. HAS A LOT OF ERRORS!!! Date started: July 20, 2019 Date Ended: January 4, 2021
154K 4.8K 38
What if you woke up one day and you are no longer the person you knew you were? Everyone is calling you by other people's name. Paano kung ang buhay...
165K 3K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...