Maybe This Time

By SiMarcoJoseAko

19.4M 423K 33K

Can love truly change the past? #BSS4 More

Bachelor Stories Series 4: Maybe This Time
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine
Chapter Sixty
EPILOGUE
Author's Note

Chapter Fifty Two

297K 6K 659
By SiMarcoJoseAko

FIFTY TWO

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Oh? Ano na naman ang ginagawa mo rito?" Mataray kong tanong kay Din ng mamataan ko ito sa may sala namin. Kausap niya si Eugine at agad na napataas ang kilay ko dahil ngayon ko lamang silang nakitang nag-usap.

"Sinusundo ka! Dalawang buwan ka rin nawala at hindi mo man lang sinabi na babalik ka na roon! Alam mo bang nagwawala na si Travis kakahanap sa'yong babae ka?" Inis niya namang sagot sa akin. Napangiti naman ako ng wala sa oras. Buti nga sa kanya!

Kababalik ko lamang galing America para tapusin ang finals ko. Mukha kasing gusto na ulit ni Daddy na dito na ulit kami manirahan sa Pilipinas. Narinig ko nga sila noong isang gabi na nagtatalo sila ni Mommy tungkol doon. Normal na naman 'yon sa kanila pero kahit na ganoon ay kinakabahan pa rin ako.

"Oh? Nagbigti na ba siya?" Tanong ko kay Din habang kumukuha ng isang mansanas sa lamesa. Nagsalubong naman ang mga kilay ko ng hindi siya sumagot at ng tignan ko ang pwesto nila ay nakangiting nag-uusap sila ni Eugine.

Kumuha naman ako ng isang piraso ng ubas at binato iyon sa kanila. "Ang lalandi n'yo!" Natatawa kong sabi sa kanila. Sinimangutan lamang ako ni Eugine habang inirapan naman ako ni Din.

"So, see you then?" Nakangising tanong ng kapatid ko kay Din. Ngumiti naman si Din at tsaka sumagot sa kanya.

"Sure, anytime." Ngiting-ngiting sagot niya sa kapatid ko.

Wala akong nagawa kung hindi panoorin lamang ang paglalandian nilang dalawa. Tinignan ko na lamang ang cellphone ko at napasin kong puro tawag iyon ni Travis. Hindi kasi ako nagparamdam sa kanya ng isang buwan at sinadya ko iyon para magdusa siya.

"Tara na, Din. Bubulabugin pa natin si Heena at baka mamaya ay nabuntis na iyon ni Axcel." Sabi ko sa kanya sabay hila sa buhok niya. Umirap lamang siya ulit sa hangin at tsaka malanding nagpaalam sa kapatid ko.

"Ba naman 'yan, Jeorge! Nag-eenjoy na akong kausapin ang kapatid mo eh." Inis niyang sabi sa akin. Binatukan ko naman siya.

"Malandi iyon, h'wag 'yon." Sabi ko sa kanya. Lumabas na kami ng bahay namin at dumiretso sa sasakyan niya. Tinatamad kasi akong magdrive ngayon.

"Ayos lang, malandi rin naman ako." Nakangising sagot ni Din at tsaka siya pumasok sa may driver's seat. Umirap lamang ako at pumasok na rin sa sasakyan.

Nakarating kami sa bahay nila Heena at wala akong ginawa kung hindi ang sabunutan siya ng sabunutan. Ang tagal niyang hindi nagpakita sa akin!

"Gaga ka! Ano virgin ka pa ba?! Baka mamaya niyan kung saan-saan n'yo na lang ginagawa ni Axcel ang mga kahalayan n'yo sa buhay! Naku talaga, Heena. Kapag nalaman ko lang na minomolestya ka ng gagong 'yon, walang pag-aalinlangan kong babalatan siya ng buhay!" Diretso kong sabi sa kanya. Namula naman ang mukha niya at mas lalong lumabas ang ganda niya dahil doon.

"Iyong bibig mo, Jeorge!" Namumula naman niyang sabi.

"At bakit, aber? Baka mamaya niyan alam n'yo na ang iba't ibang posisyon at magulat na lang ako najuntis ka na ng kumag na 'yon! Sinasabi ko talaga sa'yo, Heena. Hindi ka pa umaabot ng thirty ay lumba-lumba ka na! Aanakan ka lang ng aanakan niyan!" Histerikal na sabi ko sa kanya.

"Grabe ka naman, Jeorge!" Tumatawang sabi ni Din sa akin.

"Bakit? Totoo naman ah! Tsaka ikaw ring babae ka, baka magulat na lang ako na buntis ka na at hindi mo pa malaman kung si Allen o kapatid ko ba ang ama! Isa ka rin eh!"

"Jeorge! Magtigil ka na nga sa mga pinagsasabi mo! Para ka kamong sira." Humahalakhak na sabi ni Din at ganoon din si Heena. Wala naman na akong nagawa kung hindi ang makitawa rin sa kanila. Namiss ko ang mga babaeng 'to.

Sabay-sabay kaming pumunta sa malapit na Starbucks para magkwentuhan. Si Travis naman ay walang ginawa kung hindi ang tawagan ako ng tawagan. Ayoko namang sagutin siya dahil pakipot din akong babae. Kung gusto ko siyang pahirapan, papahirapan ko siya. Aba, bibihira ang third chance sa mundong ito at susulitin kong pahirapan siya bago niya ako makuha.

"Sasabunutan ko talaga 'yong Ravis na 'yon! Kadarating mo pa nga lang galing America, inaaway ka na naman?!" Inis na inis na sabi ni Din sa akin. Nabasa niya kasi kanina iyong mga texts ni Travis sa akin.

"It's normal for him, hindi rin naman kasi ako nagsabi na uuwi ako kaya nagalit." Kaswal kong sabi sabay inom sa frappe ko.

"Hayaan n'yo na lang sila, may araw din sa atin 'yang mga lalaking 'yan." Saad naman ni Felice. Tumango-tango naman si Din.

"Kamusta naman doon? Did you find some attractive guys there?" Nakangiting tanong ni Din sa akin.

"Wala." Kaswal ko pa rin na sagot. Marami namang mga gwapong lalaki roon pero wala akong panahon na makipaglandian doon. Priority ko pa rin kasi ang pag-aaral ko at gusto kong tuparin ang pangarap kong maging Presidente ng Pilipinas. Papalitan ko ang panglan ng Pilipinas at gagawin kong Kapuluan ni Jeorge Dyosa! Bongga diba?

"Tinanong mo pa 'yan, eh loyal 'yan kay Ravis. Kahit aso't pusa 'yang dalawang 'yan, mahal pa rin nila ang isa't isa." Sabi naman bigla ni Felice. Nag-init lamang ang mga pisngi ko dahil sa sinabi niya.

"Eh ikaw? Kamusta na kayo ni Allen?" Tanong ni Heena kay Din. Hindi naman nakasagot si Din at tumahimik lang din ito.

"Di natahimik kayong dalawa?" Ani Heena at tsaka tumawa. Napakunot naman ang noo ko dahil sa tawa ni Heena. Parang mayroong mali sa tawa niya, parang hindi siya si Heena. Iyong tawa niya kasi tunay at mahahalata mo kung pinipilit niya lang o hindi.

"Ano bang gusto n'yong gawin ngayon?" Basag ni Felice sa katahimikan. Nagkibit balikat na lamang ako at iwinaksi sa isipan ko ang naiisip ko.

"Bakit hindi tayo maghanap ng gift para sa kambal? This weekend na ang birthday ng mga 'yon." Sabi ni Din. Sumang-ayon naman kaming lahat sa sinabi niya. Minsan pala, hindi lang puro kalandian ang mga iniisip ni Din. Mayroon din pala siyang talento na mag-isip ng may mga kwentang bagay.

"Oo nga, aattend ka ba? Sa Rancho ang celebration ng birthday nila." Tanong sa akin ni Din.

"Malamang, di nagalit na naman iyong Ravis na 'yon. Kaya nga kami nag-away dahil din sa sinabi ko sa kanya na baka hindi ako makakapunta sa birthday ng kambal. Ayon, nagalit at inaway ako." Kaswal kong sabi. Akala ko nga magwawala na siya noon eh. Ang cute din palang inisin ng mga lalaki, ano? Kahit ikaw ang nang-iinis hindi ka nila matiis at lalapitan ka pa rin nila.

"Nililigawan ka ba ni Ravis?" Tanong ni Heena.

"Hindi." Hindi ka nagkakamali.  Kaswal kong sagot.

"Sus, doon na rin naman ang punta n'yong dalawa. Sa ating lima ata, si Heena lang ang mayroong magandang lovelife." Ani Din.

Hoy, ako rin kaya! Gusto ko sanang isagot sa kanila kaso baka gerahin nila si Travis at pagsasapakin kapag nalaman nilang binigyan ko na naman siya ng panibagong chance. Ano bang mali sa pagbibigay ng chance? As long as masaya ako, gagawin ko kung ano ang gusto ko. Wala na akong pakiealm sa iisipin ng iba dahil buhay ko naman ito at hindi sa kanila. Kung inggit sila na mayroon akong gwapong manliligaw, aba maghanap sila!

Bigla namang tumunog ang cellphone ko at awtomatikong napairap ako sa hangin ng magrehistro ang pangalan ni Travis sa screen ng cellphone ko. Wala akong nagawa kung hindi ang sagutin na iyon. Baka kasi mamaya magpakamatay na siya ng wala sa oras kapag hindi pa niya ako nakausap. Pinindot ko ang loudspeak para marinig nila ang pag-uusap namin.

"Nasaan ka?" Mariin nyiang tanong sa akin. Bakas sa boses niya na galit siya.

"Mall, why?" Kaswal kong sagot.

"Sino'ng kasama mo?" Mariin pa rin niyang tanong. Ano ba naman 'yan! Imbestigador na ba siya ngayon at ang dami niyang masyadong tanong?!

 

"Mapagpanggap din 'yang Ravis na 'yan. Kunwari pang galit pero hindi ka rin pala matitiis." Mahinang sabi ni Din na sinabayan naman nila ng pagtawa. Sinenyasan ko naman silang tumahimik.

"Boyfriend ko." Nakangisi kong sagot sa kanya. Tignan lang natin kung hindi ka pa magwala ngayon.

"Alam mo kung paano ako magalit, Jeorge! Sino ang kasama mo?!" Ayan na, galit na siya.

"Pakielam ko kung magalit ka?" Sino ka ba? Si Travis ka lang naman! Gusto ko na tuloy tumawa ng malakas.

"Where the hell are you?! Tell me!" Sigaw niya. Nagtawanan sila lalo sa inasal ni Travis. Okay, behave ka na Jeorge.

"Dasmariñas, Strabucks." Kaswal na sagot ko. Bigla namang naputol ang linya at kunot noo lamang akong tumingin sa phone ko.

"Problema noon?" Mahina kong bulong sa sarili ko.

Napagpasyahan naming pumunta na lamang sa mall para maghanap ng pupwedeng iregalo sa kambal. Hindi naman ako nahirapang maghanap ng ireregalo sa kanila. Madali lang naman kasing regaluhan ang mga lalaki kasi wala silang arte sa katawan. Hindi tulad naming mga babae na kahit split ends ay pinapansin.

Kasama na rin namin sila Travis at iba pa. Madilim ang tingin sa akin ni Travis ng dumating siya kanina. Aaminin ko, namiss ko ang kakulitan niya kahit papaano. Kapag nga wala akong magawa tinigtignan ko ang mga picture niya sa phone ko habang nagpapatugtog ako ng Hindi Kita Malilimutan na kanta.

"I miss you." Bulong niya sa akin habang abala ang iba sa kanya-kanya nilang buhay. Mahigpit siyang nakaakbay sa akin na akala mo'y mawawala ako ng wala sa oras.

"Di kita namiss, ang pangit mo kasi." Sagot ko sa kanya. Ngumuso lamang siya at mas lalo pang humigpit ang pagkakaakbay niya sa akin.

"Okay." Kunwaring nagtatampong sabi niya. Napangiti naman ako ng wala sa oras. He looks so damn cute!

"Joke lang, namiss kita ng kapiraso." Sabi ko sa kanya sabay kurot sa tagiliran niya. Nakita ko namang pinipigilan niya ang ngumiti.

"Wala, sabi mo di mo ko namiss!" Pag-iinarte pa niya.

"Namiss nga kita, niloloko lang naman kita." Natatawa kong sabi sa kanya.

Buong araw kaming nagkulitan ni Travis at hindi niya ako tinigilan sa panlalandi niya. Sinusulit niya ang mga oras na kasama niya ako at aaminin kong napasaya niya ako.

I sighed.

Why am I doing these things? Bakit ba parang wala siyang ginwa sa akin at madali ko lamang siyang tinanggap? Aaminin ko na masakit ang ginawa niya sa akin noon at talagang kinamumuhian ko siya. Pero bakit ganito? Bakit parang ang dali ko lamang siyang tinanggap sa buhay ko?

Mahal ko pa rin ba siya? Shit, no.

"Wala ba akong goodbye kiss?" Nabali lamang ang pag-iisip ko ng magsalita si Travis. Nasa tapat na kami ng bahay ko at hindi na muna niya ako pinababa dahil nilalandi pa rin niya ako.

"Oo na, ito na." Sabi ko sabay flying kiss sa kanya. Sumimangot naman siya at tinawanan ko lamang siya.

"Iyong totoong kiss kasi." Parang batang sabi niya habang ngumunguso-nguso pa siya.

"Bakit? Peke ba iyon?" Natatawa kong tanong sa kanya.

"Tsk, bilis na!" Naiinis niyang sabi. Tumawa lang ako at tsaka ko siya hinalikan sa labi pero hindi iyon agad naputol dahil lumalim pa ang paghahalikan naming dalawa. He cupped my face and kissed me gently. Mabagal iyon at parang inuudyukan niya akong gayahin kung ano ba ang ginagawa niya.

I couldn't help not to moan on his mouth when his tongue play with mine. His good, no he's really great at this. Marahan ko siyang itinulak ng ayaw pa rin niyang tumigil sa ginagawa niya.

"T—Tama na, sobra ka na!" Nakangiti kong sabi sa kanya. Ngumisi naman siya sa akin at tsaka ako pinakatitigan sa mga mata.

"I love you." Diretso at walang pag-aalinlangan niyang sabi. Naramdaman ko naman ang biglang pagbilis ng pintig ng puso ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya dahil ayoko siyang paasahin at ayokong lokohin ang sarili ko.

"Sige na pumasok ka na sa loob." Kaswal niyang sabi. Pilit lamang akong ngumiti sa kanya at tsaka lumabas ng sasakyan niya. Pinanood ko lamang na umalis ang sasakyan niya hanggang sa hindi na iyon matanaw ng mga mata ko. Pumasok na ako sa loob at agad akong nagtaka kung bakit parang wala tao roon. Tahimik akong umakyat sa taas para magpahinga pero natigilan ako ng mapadaan ako sa kwarto ng mga magulang ko.

"We should leave the country, Gerry!" Napakunot ang boses ko ng marinig ko ang boses ni Mommy. Mukhang nagtatalo na naman silang dalawa. Hindi ko alam kung bakit pero parang gusto kong marinig ang pinagtatalunan nilang dalawa. Kung bakit simula ng umuwi kami rito sa Pilipinas ay lagi na lamang silang nagtatalo. Minsan na akong dinalaw ng kursinidad pero ngayon, malalaman ko na kung bakit ba pilit na gusto ni Mommy na manirahan sa ibang bansa.

"We are not leaving the country, okay?!" Mataas na ang boses ni Daddy at alam kong galit na rin siya.

"Gerry! Ayaw kong mawala ka sa amin ng mga anak natin! Please, Gerry. Bumalik na lang tayo sa America!" Nabasag ang boses ni Mommy at mas lalong napakunot ang noo ko.

Mawala? Bakit naman mawawala si Daddy sa amin?

"Kung malaman man nila, tatanggapin ko kung ano ang ihahatol nila. Gabi-gabi na lang akong nakukunsensya at hindi na ako matahimik. Gusto ko ng sumuko pero kayo ang iniisip ko! Kung nahihirapan ka, mas nahihirapan ako!" Basag na rin ang boses ni Daddy habang sinasabi niya iyon. Bumilis ang pintig ng puso ko at pakiramdam ko ay sasabog iyon sa kaba.

Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ang kabang nararamdaman ko pero parang may dapat akong malaman.

 "Hindi mo ginusto ang nangyari, hindi mo ginustong mapatay si Celestine. Hindi mo ginusto ang aksidente at walang may gusto noon! Please, Gerry. Bumalik na tayo sa America!"

Napaawang ang mga labi ko at dahan-dahan kong naramdaman ang pagtulo ng mga luha mula sa mga mata ko ng dahil sa narinig ko. Agad na napatakip ang kamay ko sa bibig ko upang pigilan ang pag-iyak ko. Nanghihina ako, nanghihina ako sa narinig ko at gusto kong isipin na panaginip lamang ito at hindi ito totoo. Na nagsisinungaling lamang si Mommy at mali ang narinig ko.

Hindi ito totoo.

Hindi.

"Gerry, please. Ayokong mawala ka sa amin. Please, Gerry. We need to come back in America. Pinaimbestigahan ulit ni Arthur ang nangyari dahil mayroon siyang nakitang mali sa mga dokumento ni Celestine. Please, Gerry." Umiiyak na sabi ni Mommy.

Agad akong tumakbo sa kwarto ko at doon ay pinakawalan ko ang mga hikbi na kanina ko pa pinipigilan. Ayokong maniwala sa narinig ko at gusto kong isipin na mali iyon at hindi iyon totoo.

Tama, panaginip lamang ito. Isa lamang itong bangungot at hindi ito totoo. Daddy did not kill Tita Celestine, he did not.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  


Continue Reading

You'll Also Like

38.3K 344 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
800K 15.3K 43
Nang malaman ni Aly ang dahilan nang pagpapanggap ni Gideon ay tinanggap niya pa rin ito ng buong puso at walang pag-aalinlangan. She loves Gideon mo...