Mid-Air Ball (The Athletes...

By abeamus

1.9M 54.3K 30.8K

MONTEVINSKI SERIES #1 Kelly Sian Gonzaga is the notorious captain of the generation, and everyone knows she l... More

Mid Air Ball Book!
EXCLUSIVE FREEBIES
MID AIR BALL
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Epilogue 1
Epilogue 2
Epilogue 3
Author's Note

Chapter 11

44.3K 1.3K 375
By abeamus


Chapter 11

Natural Flirt


"Hoy, saglit nga!" Hablot sa akin ni Covy nang pumasok ako sa quarter namin. Nag-aayos na sila ng mga gamit nila sa cabinets at nakapili na rin sila ng paghihigaan.

Malawak ang quarter namin. Wooden ang flooring at puti ang kulay ng dingding hanggang sa ceiling. The curtains are all dark chocolate brown. Ang mga higaan ay double deck at nakahilera. Apat sa kaliwa at ganoon din sa kanan.

Ang mga muwebles ay puti at mayroon ding sofa at TV sa gilid. Mula rito sa pwesto ko ay nakita ko na may balcony pa sa dulo. Nandito kasi kami sa third floor.

"Oh? Saan ang higaan ko-"

"Ang rupok mo talaga, ano?!" aniya at hinila ako sa gilid, sa tabi ng side table na may modern lampshade.

"Huh?"

"Naki-french kiss ka, ano?!" mariing bulong niya sa akin na ikinagimbal ko.

"Halata sa labi mo, tanga!"

I felt my cheeks burn because of the sudden embarrassment. Hinugot ko kaagad ang cellphone ko sa bulsa ng hoodie ko at nilingon ang labi sa screen.

It looks a bit swollen. I didn't know it turned out like this! Naglakad ako sa labas na ganito ang labi? Pero... hindi naman siguro big deal. It's not that they memorized my lips' exact size and curve!

"Uhm... I just got my first kiss this morning," hagikgik ko, niyayabang ang achievement na nakuha ngayong araw.

Binatukan niya ako. I was shocked! Nanlaki pa ang mga mata ko!

"Ang bastos mo na, Covy! Mas matanda pa rin ako sa'yo!"

"Ng isang taon!" sigaw niya pabalik.

"Bakit ba kasi asar na asar ka? You act like a menopause woman! Palagi! Kaya hindi ka magustuhan ng crush mo siguro!"

"And so what?" pagtataray niya. "Napakarupok mo kasi!"

"He already explained!" giit ko. "At saka... naguguluhan ako sa'yo, ah! Minsan ay boto ka kay Zoren, minsan naman ay hindi!"

She acted like puking. Medyo natawa ako dahil ang cute niya roon. Nahati pag ang bangs niya sa gitna.

"It always depends upon the situation, Kesian!"

Umirap ako, hindi masira-sira ang mood ngayong araw.

We kissed, bitch. Masisira pa ba ang araw ko nito? Hindi man inamin na gusto ako... inamin naman na nagseselos. It's still a confession for me, though.

"Ano 'yan? Tsismis ba 'yan?" Ang kararating na si Seth. Inirapan ko at naglakad na 'ko papunta sa higaan ko na tinuro ni Carmen.

"Huy, ano 'yon? Inutusan kasi akong mag-request ng water dispenser sa admins!" Dinig ko pa mula sa likuran ko ang pangungulit ni Seth kay Covy.

Saglit lang ang opening at wala ng parade dahil umambon. Okay na rin 'yon dahil ang layo-layo ng lalakarin! Nakakapagod lang at ang unnecessary ng activity na iyon para sa akin. A real pain in the ass.

"Iyong maputi roon na Montevinski, sino 'yon? Hindi ko kasi nakikita na kasama nina Mooze," si Seth habang naglalakad lakad kami.

As said, wala ngang ibang gagawin. The campus staffs were all busy preparing the things they haven't prepared yet. Bawat nilalakaran namin ay may nakikita kaming mga staff na nagtatrabaho. Mga nagbubuhat ng lamesa, upuan, nag-che-check ng quarters, equipments at kung ano ano pa.

"Football player ayta 'yan, e. Hindi schoolmate nina Mooze," sagot ko habang tinitignan din ang lalakeng makisig na nakikipagtawanan sa kiosk.

Lahat naman ng Montevinski ay gwapo. Sila ang may ari sa halos lahat ng campus na nakakalaro namin. Hindi lang din iyon ang business nila, they have chains of restaurannts, hotels, enterprises, and more other services. Mayayaman at matunog ang mga pangalan.

"Eh, sino 'yan?" si Covy.

"Xydon," sagot ko at naglakad na kami pabalik sa quarter. Doon kami nagpahinga habang nanonood at kumakain. Minsan ay ka-chat ko si Zoren sa IG.

Fr: ZorenGray

I didn't see you eat lunch.

To: ZorenGray

We ordered our own food. Dito kami kumain.

Seafoods kasi ang menu, e, allergic ako roon. Hindi naman malala pero ayaw ko naman mangati at magkaroon ng pantal-pantal habang nandito. Saka na ako kakain kapag semestral break.

Fr: ZorenGray

You don't like the food?

Napabangon ako sa pagkakahiga rito sa sofa. Natuhod ko pa ang ulo ni Covy na naka-upo sa ibaba. Sinamaan niya ako ng tingin at balik na siya ulit sa panonood. Nag sorry naman ako.

To: ZorenGray

I do. Iba lang gusto ko kanina.

Ayaw kong sabihin sa kaniya na allergic ako sa ganoong klase ng pagkain. Mamaya isipin niya na ignorante lang ako. Duh, doctor ang Mommy ko at abogado ang Daddy ko! We can afford!

Kahit kailan ay napaka-OA ko talagang mag-isip. I always conclude in a speed of light.

Nakasama namin ang mga lalake kanina. Elton was silent and very sensitive. Ang bilis niyang mainis kahit hindi naman inaano. Kapag maingay ay maiirita, kapag magulo ang mga kaibigan ay bubulyawan.

"Huy, okay ka lang? 'Wag masyadong kabado!" sundot ko sa kaniya. Inirapan niya lang ako at hindi pinansin.

Hindi ko na kinulit. I know my place and I know how to give people space. Kung ayaw ng isang tao na mapakialamanan, let that someone be. Let him have his own peace. Baka may iniisip.

Pero kapag kay Zoren, siyempre guguluhin ang buhay.

Hindi kami lumabas ng quarter dahil ang sarap mahiga habang balot ng puting comforter. Nasa itaas ako ng higaan ni Covy at nakikinig lang ng music. Kung ano ano tuloy ang naiisip ko.

Paano kaya kung maging kami ni Zoren? It's not impossible now that we're close and our feelings were proven mutual. Plus, he's extra sweet to me compared to his past flings. Not that I'm assuming I am extra special, too, pero parang ganoon na nga.

We did not eat dinner since we ate so many random food while watching movies. Dahil din sa tagal ng reply ni Zoren kagabi ay nakatulog na ako.

They were a bit busy, too, since their campus hosts the current event. Minor preparations lang naman daw ang inuutos sa kanila. I didn't want to be clingy, so I did not check my phone to control myself from bothering him. Tigas pa man din ng ulo ko.

"First game kaagad tayo mamaya! Kalaban Glazing Fires!" Hingal na hingal si Covy.

Kakatapos namin mag jogging at stretching sa field. Marami rin tao roon at hindi ko nakita si Zoren.

"Sure win ba?" ngisi ni Alysa.

Hindi ako sigurado kung sure win na nga kami sa Glazing Fires. I heard they plan to tear us down because they heard about my thing with Zoren. Half of their varsity members were also crazy over my man. I just find it so childish.

Maglaro kayo to win, not to brag and humiliate others.

"Nakita ko si Dimples kanina! Grabe ang tawa ko kasi pagbaba niya sa kotse nila ay basa ang natapakan niya. I saw how the muddy water splashed through her skirt!" kwento ni Seth na tawa nang tawa.

Papasok na kami sa cafeteria to have our breakfast meal. This was sponsored by the host. Most students eat here since there's no other open campus cafeteria beside the booths that only sell light foods for snacks. Here is where heavy meals are being served.

Naka ngisi ako pagpasok. Nakajersey na kami at tapos na rin maligo. Pagkatapos kumain ay pahinga lang ng kaunti at maghahanda na para sa laro.

"Wala lang, natatawa lang talaga ako. She looks so expensive tapos gan'on lang? Sayang, hindi n'yo nakita. Ang bilis niyo kasi kanina!" dugtong niya pa.

"Kaingay mo. Pinagtitinginan tayo, oh!" Siko sa kaniya ni Covy.

"Sus! Nandito kasi ang crush nila!"

Right after what Seth said, someone greeted me and the enthusiastic cheering on their table followed suit. Natawa na lang din ako dahil sa kalokohan ng mga kalalakihan.

Batminton players yata ang mga 'yon.

"Bakit ikaw, Covy, hindi kasing sikat niyang pinsan mo?" si Fritz.

Paglingon ko sa gilid ay kasabay na namin ng mga lalakeng ka-team.

"Sikat din si Covy! Magkaiba lang sila ng quality ng admirers. More on silent type kasi ang nagkakagusto kay Covy." si Seth ang sumagot kaya nagbardagulan na naman ang dalawa.

Pumila na kami habang nagku-kwentuhan. Hindi naman gaanong mahaba ang pila.

"Dalawa pala ang game natin mamaya?" ang nasa harap kong si Cena.

"Ang loser ang dalawa ang game. Kaya dapat manalo tayo para hindi mangitim!" sabi ko.

Outdoor kasi kami ngayong araw. May laro sa gymnasium kaya hindi raw pwede roon. Marami naman ata silang gym dito pero ginagamit na rin ng ibang athletes kaya kami ang sa outdoor ngayon. Maganda pa rin naman ang court pero medyo mainit.

Umingay ng bahagya ang cafeteria. Saglit kong nilingon ang bukana ng pinto at nagsabay pumasok ang magpipinsan na Montevinski. Magkakaiba sila ng campus kaya malawak talaga ang sakop nila. Ang laki ng fan club nila, ah.

They wear different colors of jerseys as they walk toward the line. Their facial features are always hard and kind of furious. That's their usual mood. Matatangkad at mestiso ang mga hitsura. Madalas din naman silang tumawa at makipagbiruan pero pili lang ang mga taong nadadapuan n'on.

Where's my Montevinski?

"Kahit isa lang sana sa kanila..." Dinig ko kay Seth.

Tumingin na ulit ako sa harap. Kahit anong gwapo nila, hindi ko talaga sila magawang gustuhin. My heart is well reserved now and I don't think I'd still switch target.

Zoren will always be my forever target. My favorite Montevinski.

"Ilang years agwat ng mga 'yan sa atin!" si Covy.

"Kahit!" humalakhak si Seth. "May mga mas bata naman sa mga seniors na 'yan."

"College na iba riyan, uy!"

"Age doesn't matter, Covy. Kaya tigilan mo ako!"

"Ang dami mo na kayang crush, dadagdagan mo pa?"

"Mas madami, mas sure!" tawa ulit ni Seth ang narinig ko sa likuran. "Ayaw kong gayahin si Kelly. Nakakatakot ang ginagawa niya. Bigay todo sa isa."

Inirapan ko na lang 'yon. Kahit nasa likod ko sila ay mas nauna pa silang nakakuha sa akin dahil sa pagsingit. Ang ingay pa nila dahil nag-uunahan. Ako ang nahihiya, eh.

"Una na kami, Kesian. Doon tayo sa table ng boys."

Tinanguan ko lang si Covy at pinanuod silang naglakad papunta sa long table kung nasaan ang ibang miyembro.

I waited another two minutes because they refilled the containers and added some new food. They give me special foods that were not given to others. Nagtaka tuloy ako.

"Thank you..." at kinuha ko na ang akin. Habang naglalakad ako papunta roon ay may umagaw ng tray ko. Nilingon ko kaagad at ang puso ko ay nagsimula nang naghuramentado.

"Zoren?"

Naka-jersey na rin siya at mag-isa. Nakatulak ang magulong buhok niya at ang ilang hibla ay nahuhulog pa. Nakangiti ang mga mata niya.

"Morning," bati niya.

And just that, the whole place was filled with murmurs. I sighed. We're stuck here in the middle. Almost everyone was matching our move.

"Morning, too. Kumain ka na?" malambing kong tanong.

Ang libre niyang kamay ay naglandas sa likod ko at bahagyang tinulak na ako kasabay sa paglalakad nya.

"I'm done."

"Doon ang table namin, Zoren."

Hinihila niya kasi ako sa libreng table sa gilid.

"You're not replying to my messages." Hindi niya pinansin ang sinabi ko hanggang sa maipatong niya na ang pagkain ko sa lamesa. Pinaupo niya na rin ako.

Gusto ko siyang kasamang kumain pero naninibago talaga ako.

"I left my phone on my bed. I don't want to bother you so..."

He already positioned himself in front of me. He fixed my food earnestly before staring back.

"What are you doing?"

"Huh?"

"This!" tukoy ko sa ginagawa niya ngayon.

"Pinapakain ka. What's wrong?"

I bit my lip and combed my hair with my fingers. I sighed and shook my head. I just can't believe it. This is too public. Pero naalala ko na sweet nga rin pala siya sa mga babae niya noon. But not this way!

"Eat now, Kesian." His tone was bossy, and it emphasized supremacy.

Nagsimula na akong kumain. He's busy with his phone, but he glances frequently. Nakaka-ilang! Alam kong maganda talaga ako, pero... Seriously?

"Zoren!" banta ko nang nagtagal ang titig niya.

He smirked and just flicked a brow. Patapos naman na akong kumain. Pero kasi... bawat subo ko ay lilingon siya! How can I eat properly if he's fucking watching?!

"I'll watch later."

Uminom na ako sa binigay niyang bottled water. Ngumisi ako. Alam kong laro namin ang tinutukoy niya.

"Dapat lang! First time mo yata akong papanoorin, huh?"

"Oh?"

Inirapan ko siya. May kumalabit sa akin at nakita ko si Seth. Nanlaki pa ang mga mata ko dahil nakalimutan kong magpaalam sa kanila! Pero nang nahuli siyang ngumisi ay naglaho ang guilt na nararamdaman ko.

"Punta na kami. Galingan mo!" hagalpak niya at kumaway pa bago sumunod kay Covy na tumatawa.

Gusto ko na talaga 'yang sabunutan! Kahit kailan talaga.

"They are juniors?" si Zoren.

"Yeah!" I groaned. "Mga isip bata."

"You're not?" he mocked and chuckled.

I was supposed to feel agitated, but his chuckles brought me to cloud nine! This is unbelievable!

"I'm not..." I pouted and looked away. Nahuli kong nakatingin sa gawi namin ang ilang lalake sa table ng mga Montevinski.

"Ah-huh?"

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Shut up, Zoren!"

He laughed and entertained the daggers I am throwing at him. Aliw na aliw ang mga mata niya. Ang ngisi sa kanyang mga labi ay makahulugang nakakurba.

Appeal to seduce!

"Feary, unstoppable nye nye nye Glazing Fires," bulong ko habang nag-ayos ng ipit sa gitna ng court. Nakatuwad ako. Magsisimula na.

"Si Kesian, tuwang tuwa kanina kasi manunuod daw ang Zoren. Nakalimutan yatang team nila ang kalaban natin kaya, syempre, manunuod talaga!" rinig ko sa gilid kay Seth.

"Weh?" asar ko sa kanya. "Hindi ka lang first six, eh!" dagdag ko pa.

Medyo makulimlim pero may araw pa rin kaya naiirita ako. Not that I bear a sensitive skin. It's just... I hate having tan line. Ang panget tingnan!

"Beat that lozer Kesian Gonzaga!" Dinig ko somewhere. Nang mahanap ko ay humalukipkip si Dimple at tinarayan pa ako.

Maraming humiyaw at nam-bash sa kanya. Imbes na mainis ay natawa ako.

"Watch me beat your whole team..." I winked and jogged when my name was called. Nag toss coin at first service sila.

The mocking was more dominating than the cheerings. Napaka-toxic talaga ng mga tao!

Pagbalik ko ay sa pwesto ko ay nahuli ko ang paninitig ni Zoren. Namumungay ang mga mata niya at nakabukas nang bahagya ang mga labi. Kinindatan ko siya at pumwesto na para sa unang laban namin.

I got the first point. Deep spike.

Magaling din naman ang Glazing Fires, pero dahil halos lahat sila ay galit sa akin ngayon ay tumatayo iyon bilang distraction sa kanila.

My gosh, people! Inuuna kasi ang emotional weakness!

The game was smooth for me. Hindi dahil madali silang kalaban, nag-e-enjoy kasi kaming kalaban sila. They were shit talking us! Puro lang naman salita.

"Ang panget mo, Gonzaga!" another negative cheer from another campus. Sino pa ba? Si Dimples pa rin!

"Mas panget ka!" tawa ko at nag jump serve. Sinadya kong bumagsak sa harap niya ang bola pero in pa rin naman. Line ball. Napatili siya at minura ako.

She's too hyped! Mas lalo ko tuloy pinagbutihan ang laro.

I tried to block a spike during the third set, but I failed. Tinawanan ko lang 'yon pero ang kabilang team ay grabe ang kantsaw. It's like it's their first time to embarrass me. I wasn't embarrassed.

Sunod sunod lang ang spike ko. Baon na baon para mas lalo silang mainis. Tawa tuloy nang tawa sina Seth sa gilid. Minsan pa ay tatayo siya at tatanungin ang kabilang team.

"May gan'on kayo? Mayroon? Ah, wala!" pang-aasar niya, kunwari ay awang awa.

I felt the second hand embarassment. Grabe, bakit pakiramdam ko lahat ng kahihiyang ginagawa nila ay bumabalandra sa akin?

"Kapag nanalo raw kayo, Kelly, bibilhan ka ulit ng sapatos ni Elton!" Sobrang lakas na sigaw ni Fritz.

Humalakhak ako pero gusto siyang murahin at kaladkarin. I looked at Zoren after hearing it and he just flicked a brow. Nasundan pa 'yon ng disappointed shaking of head. Kinabahan kaagad ako kaya medyo na-distract sa game.

I was positioned as a middle blocker and ready to do switching with Carmen when I felt something blocked my feet. I had already forced myself to run, the reason why the impact when I fell to the ground was really hurtful. Umingay ang mga nanonood kasabay ng pito ng referee.

Napamura ako dahil sa pagkabigla at sakit ng pagkabagsak. Hindi kaagad ako nakatayo. All I could do is hear their exchange of rebutts.

"Pinasok mo iyong paa mo sa court namin! Tapos sasabihin mo na hindi mo sinadya?" Dinig ko sa ka-team ko.

I was quickly surrounded by my teammates and other people. Biglang nagdilim ang paningin ko pero bumalik din naman kaagad.

"Kesian, okay ka lang? Masakit ba?!" si Seth na nasa harap ko.

Naka-upo pa rin ako dahil sa hapdi ng palad at paa ko.

"Siyempre!"

"Ms. Gonzaga, are you fine?" ang nurse kasama si Zoren na galit ang ekspresyon.

"I'm fine..."

"Do you want to rest-"

"I'm fine po..." paninigurado ko at naramdaman ko ang pag-angat ko.

Binuhat ako ni Zoren paupo sa isang bench malapit sa court. Hindi ko na pinansin ang mga tumili. Fuck, ang sakit!

Walang nakakita sa ginawa ng pumatid sa akin kaya naghahanap ng mga naka-video. Dinig ko ay mayroon kaya 'yon ang inaatupag ngayon.

He was examining my body parts. And mga palad ko ay pinunasan niya habang kinakausap ako ng coach. Nakatayo siya sa harap ko, tinatawag ng mga kaibigan pero walang pinapakingan.

"Kaya mo ba-"

"Nabigla lang ako, Coach," tawa ko at tumayo na. Hinarap ko si Zoren.

"Okay lang ako..."

"You got scratches, Kesian." Iritado ang boses niya.

"Sinadya, Coach! Nakita sa video!"

Nalipat kay Seth ang atensyon ko.

"Talaga namang sinadya!" Napupuyos ako sa galit. They are not sports! They were not like this before! Pero dahil ata sa koneksyon namin ni Zoren ngayon ay nagkakaganito sila!

"You good?" si Elton na tinanguan ko. "Ang lakas ng pagkabagsak mo..."

Nagulat talaga ako kanina! Pakiramdam ko nga ay nanghina pa ang braso ko dahil sa pagsalo ko sa sarili ko. Kung hindi ko kasi gagawin 'yon ay mukha ko ang sasalampak sa sahig!

Hinila ako ni Zoren patayo at pinaharap sa kaniya. Naramdaman ko ang kamay niya sa baywang ko kaya kumalma ako ng bahagya. May binulong siya sa akin.

"Saan ang masakit?" napapaos niyang bulong. Tumindig pa ang balahibo ko kahit mainit naman!

Umiling ako pero ang totoo ay masakit ang braso ko at palad. Tuwang tuwa ang puso ko. Ganito pala ma-concern ang isang Zoren? Malambing.

"I'm fine... maglalaro na kami," nang tinawag na kami ulit.

"You sure?"

Ang lambing-labing ng boses niya! Walang pumapagitna sa ginagawa namin ngayon. Tahimik pero may munting mga bulungan at takas na mga hagikgik.

"Y-yeah..."

Tumango siya at naramdaman ko ang labi niya sa tenga ko. Binabalot pa ng amoy niya ang buong sistema ko. Damn, he smells so manly!

"I'm jealous," he whispered in his baritone voice.

Humigpit ang hawak niya sa baywang ko. Nanghina pa ako lalo! Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at napakurap-kurap pa.

Nagpatuloy ang laro. Sobra akong nanghihina pero dahil gusto kong manalo at makabawi ay pinagbutihan ko. I played... serious and very dreadful. Medyo hindi pa ako komportable sa paa ko dahil sa nangyari kanina.

Sa huli ay nanalo kami. Maraming nangamusta sa akin at mas lalo akong napagod sa paulit-ulit na pagsagot.

"Okay lang si Kesian!" sigaw ni Seth.

"Dapat lang na ipatawag iyon ng admin nila. Nakakahiya ang ginawa niya. Napaka-immature!" si Covy na nag-aayos na ng gamit.

Marami pa ring tao rito sa labas kahit next game na sina Mooze, kalaban ang Raven Claws, basketball. Nandito pa rin kasi ang ilang Montevinski. May isa ngang lumapit sa akin kanina, eh.

"How's the sudden fall, Gonzaga?" ngisi ni Trevor. College na ito, eh.

"Ayos naman," I chukled and he did the same. Lumabas ang dimples niya.

"Seemed really bad, huh?" Ang boses niya ay parang nakikipaglaro. Nang-aakit.

Marami pang nagtanong at ang ilan ay hindi ko na pinansin dahil masyadong madami. Pinag-uusapan ng team ko ang nangyari kanina nang may tumabi sa akin. Nakilala ko kaagad dahil sa bango niya.

My eyes widened when he started shoving my things into my duffel bag. He was silent and severe while doing it.

"Wala kayong laro ngayon, 'di ba?"

Umiling lang siya. Sinuot niya ang bag ko sa balikat niya at hinawakan ang kamay ko. Napalunok ako dahil sa paghaplos ng daliri niya sa likod ng palad ko.

"Excuse yourself now. We'll go Somewhere."

"Huh? Saan?"

"Let's have your scratches cleaned and checked."

"Okay lang ako, Zoren-"

"Coach, may I excuse Kesian now?" tanong niya sa coach namin nang naubos ang kanyang pasensya.

Mapang-asar akong tinignan nina Covy habang nagbubulungan sila ni Seth. Ako naman ay gulat na gulat sa mga inaasta niya. Pumayag ang coach namin kaya naman hinila niya na ako sa palayo roon at sinakay sa kotse niya.

Dumiretso kami sa infirmary. Walang mga tao kundi ang nurse lang.

"Okay naman ako, Zoren, e!"

Nilapag niya na ang bag ko sa nursery bed. Puwersahan niya akong pinaupo roon. He held my heel and placed it on the bed, too. I was about to push him because he wanted to remove my shoes, but I lost power when he glared at me.

"Zoren, I know you're so concerned now, but really, I'm so fine!"

Tinuro niya ang dapan ko. It's pretty reddish and I groaned.

"Fine, huh?" sarcastic niyang sabi.

"It's not like I'm injured! Nabigla lang 'yan kaya ganiyan!"

"Shut your mouth, Gonzaga," banta niya hanggang sa dumating na ang nurse.

Nakinig na lang ako sa mga sinasabi nila.

"I suggest you rest, Ms. Gonzaga. Your heel is a bit swollen. It's not a bad injury, but it might worsen if it wasn't treated well."

Naiwan kami roon ni Zoren sa loob ng infirmary dahil may patient daw sa gumnasium. Walang tao kundi kami lang. Nandito kami sa pinakadulong higaan at may kurtina na nakapalibot sa amin.

"Boring dito, Zoren!"

Hindi siya umimik. Inayos niya lang ang laptop niya sa ibabaw ng lamesa na nasa itaas ng hita ko. Nakasandal ako at nasa tabi ko siya, nakaupo.

"You won't leave this place until I say so..."

"Wala akong kasama! Doon na lang ako sa quarter."

"Hindi ako aalis dito..." Dinig ko sa kanya habang naghahanap nang mapapanood ko.

Hindi siya... aalis dito? Kung gano'n ay dito na lang talaga kami!

"How's our food?"

"Don't worry about petty things, Kesian. Dito lang tayo..."

Hindi ako naubusan ng movies at pagkain. Ang alam ko ay selos lang siya kaya niya ako kinukulong dito, eh. Masaya naman ako, kinikilig pa nga, pero baka kasi may gagawin siya.

"Hindi ka ba busy?" nilingon ko siya.

Nakakumot ako hanghang bewang at ganoon din siya. Magkatabi kami habang nanunuod. Seryoso siya at nakahalukipkip. About detective kasi ang pinapanuod namin.

"Busy..."

"Oh? Anong gagawin mo sana? Gawin mo muna!"

"Ginagawa na..." bulong niya at matagal bago ko na-gets. Sinundot ko siya.

"Gusto mo lang ata akong masolo, eh!" asar ko sa kaniya. Ngumisi naman siya at tinignan ako. "Matagal mo na akong gusto ano? Hindi ka lang talaga umaamin."

Tinaasan niya ako ng kilay. Tinaasan ko rin siya ng kilay at tinagilid ang ulo. Sumandal ako habang ginagawa 'yon. Nakangiti ako gamit ang tuwang-tuwa kong mga mata. Ngumisi siya at medyo natatawa.

"You're a natural flirt, Gonzaga," iling niya. Wala naman akong ginagawa?

"Hindi ba ikaw 'yon?" tawa ko.

"Hindi ba tayong dalawa 'yon?"

Humagalpak ako sa tawa dahil doon. Nakakabaliw ka, Zoren!

Continue Reading

You'll Also Like

27.5K 955 25
University Belt Encounter Series #5 "GHOSTED" Amanda Carmil believed for years that a special friend she met online ghosted her. She got sad, took do...
264K 4.9K 64
She loved him when he's not capable of loving her, but still, she gave every little piece of herself to him. He's the only one she trusted, but thing...
60.1K 2.3K 52
Dorothy Maeve Andino think that messing up with rich sons and daughters of the influential politicians of Sultan Naga was the greatest example of put...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...