Chapter 12

39.3K 1K 401
                                    

Chapter 12

Family Dinner

"Ano naman ang ginawa niyo sa infirmary, Kesian?" Ang malisyosong pinsan ko.

"Atupagin mo na lang ang love life mo," sabi ko dahil puro na lang 'yan ang lumalabas sa bibig niya.

"May love life ba siya?" kunwari ay gulat si Seth. "Ay, wala. Same pala kami!"

Tapos na kaming mag shower at naghahanda na papunta sa cafeteria para sa dinner. Kahit ayaw kong kumain doon ngayon ay wala naman akong magawa.

"Whatever your reason is, I want to see you eat in the cafeteria," he said before we parted ways.

Maghapon kami roon. I don't know what he did when I fell asleep but he told me he'd never leave so I believed him. Hinatid niya ako sa labas ng quarter namin kanina habang bitbit lahat ng gamit ko. Bawal kasing mag pasok ng kotse rito.

"Abangan mo raw si Kenzie mamaya sa harap ng gate. May pinadala raw ang Mommy mo. Kasama niya si Tito."

Bumaling ako kay Covy habang naglalakad na kami papasok. Marami nang tao at ang haba na ng pila.

Hassle talaga.

"Huh? Ano naman sana? 'Tsaka bakit hindi ako ang ti-next? Hindi ko pa rin siya nakikitang nanunuod ng game ko, a..."

"Hindi ka raw nag-re-reply sa kaniya! 'Di ba may exam sila? Alangan bumisita pa siya para sa laro mo. E 'di bumagsak ang kapatid mo!" si Covy na akala mo mas matanda sa akin.

I like that they treat me like their friend and not elderly, but sometimes I hate it when they act like this. Hmp! Minsan ang babastos nila!

Nang makakuha na ng pagkain ay umupo na kami sa table nina Elton. Busy siya sa pagkain nang umupo kami. Tinignan niya ako at ngumiti. Nilagay niya ang malaking fried chicken sa plato ko kaya sinapak ko.

"Ang payat mo kasi!"

"Correction... Sexy!" irap ko.

I looked around occasionally, but even shadows of Zoren did not appear.

He told me to come here... Bakit siya ang wala rito? Pero... He didn't tell me he'll come here, right? Saan naman siya kumain kung ganoon? Inasahan ko talaga na sabay kami ngayon!

"Ang ganda ni Weya, ano?" rinig ko kay Fritz. "Kaso masyadong mayaman. Ayaw ko sa mayaman."

Hindi talaga nagpakita si Zoren sa akin. Kahit tapos na akong kumain ay wala! Narito naman ang nga teammates niya. Kahit si Ashi ay nandito. Nakakapagtaka lang naman.

Baka naman kasi may emergency? Oh, come on! Don't be such a clingy girlfriend. Pero hindi pa ako girlfriend! Girl... friend pa lang.

"Una na kayo! Naghihintay na raw sila Daddy sa labas..." Nasa pocket ng hoodies ko ang dalawang kamay ko.

"Ingat ka! Baka i-bag ka ng mga fans mo riyan!" tawa ni Seth ang bumulabog sa gabi.

We parted ways after saying goodbyes. Akala mo naman end of the world now. Narinig ko pa si Seth kanina na sumigaw.

"Huwag mong kalimutang sumulat! Hihintayin namin ang pagbabalik mo!" Habang kinakaladkad na siya ni Covy, dahil siguro sa kahihiyan.

The night sky was clean, and the stars were prominent. Some clouds were blocking some stars. The moon outshines everything I was watching above me.

I sighed and continued walking way to the gate. Ang lamig pero hindi naman nakakanginig. Sakto lang at ang sarap sanang tumambay sa labas kasama ang taong... hmm... mahal mo.

Mid-Air Ball   (The Athletes #1) PUBLISHED UNDER KPUB PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon