Accidentally In Love With Mr...

By BlueWinter24

94.5K 3.6K 299

[RedDragon Series #5] 'ROOM302' "THAT WAS AN ACCIDENT.. YOU'RE JUST A ONE NIGHT STAND" More

Author's Note
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
MAIN CHARACTERS
CHAPTER 11: STELLAR/Bawal ma-fall
CHAPTER 12: Let's be friends
CHAPTER 13: First love/Happy Birthday
CHAPTER 14: Past vs 2weeks Present
CHAPTER 15: Feelings
CHAPTER 16: InDenial
CHAPTER 17: Complicated Feelings
CHAPTER 18: 2Lips
CHAPTER 19: Between two Bridges
CHAPTER 20: Picnic
CHAPTER 21: Company Sports Fest
CHAPTER 22: "GUSTO KITA!"
CHAPTER 23: Trip to Korea Part1
CHAPTER 24: Trip to Korea Part2
CHAPTER 25: Trip to Korea Part3
CHAPTER 26: My Lady Boss
CHAPTER 27: That Jerk!
CHAPTER 28: The Unexpected
CHAPTER 29: New Family
CHAPTER 30: The Hardest Goodbye
CHAPTER 31: Lie
CHAPTER 32: Secret Revealed
CHAPTER 33: Our Love
CHAPTER 34: You're Just A ONS
CHAPTER 35: Love is Gone
CHAPTER 36: Loved To Lost
CHAPTER 37: The Final Stage
CHAPTER 38: She's Back.. They're Back
CHAPTER 40: Can We Still Be Friends?
CHAPTER 41: He is the Father
CHAPTER 42: Matukad Island 1
CHAPTER 43: Matukad Island 2
CHAPTER 44: Matukad Island 3
CHAPTER 45: The Truth Part 1
CHAPTER 46: The Truth Part 2
CHAPTER 47: Sacrifice
CHAPTER 48: "This Is Not The End"
CHAPTER 49: The New Beginning
CHAPTER 50: Will Never End
Author's Note

CHAPTER 39: Long time no see

1.4K 60 13
By BlueWinter24

Veronica's POV;

"She's here.." sambit ni eun woo kaya napairap ako sa kawalan at humigop ng ice tea

"Whatever.." sambit ko

"Don't be mean to her.." pag sasaway pa nya sa'kin pero inirapan ko lang sya

Pero agad akong napatingin sa babaeng dumating na agad namang inalalayan ni eun woo na makaupo

'Pag ako nasura mata lang walang latay sakanya'

"Hi.. Ven right?" May simpleng ngiting tanong nya

Ven?

'Tsk! Kelan pa kami naging close nito?'

"And who are you?" Seryosong tanong ko at naramdaman ko ang marahan na pag hawak ni eun woo sa tuhod ko

Senyales yun na pinapatigil nya ako sa inaasta ko pero wapakels..

"I'm suzzy, childhood bestfriend ni eun woo" sambit nya tyaka nilahad ang kamay kaya gusto kong matawa

'Pake ko sa friendship nyo?'

Pero hindi naman ako ganun kasama..

Tinanggap ko ang kamay nya tyaka ngumiti ng peke

"Veronica Collins, 100% in relationship with Lee Eun Woo.. Nice to meet you" sambit ko at muling naramdaman ko ang pag hawak ni eun woo sa tuhod ko

Nang mag bitaw kami ng kamay nitong suzzy na'to ay bumalik na lang ako sa pag inom ng ice tea ko

It's early in the morning but i'm drinking ice tea instead of coffee..

Ikaw ba naman kasi ayain ng boyfriend mong sumama para makipag kita sa childhood bestfriend nya kuno

Ewan ko na lang sainyo kung hindi kayo mastress

'Tsk!'

"It's so nice to see you, i've been waiting for you for so long.. Hindi ka kasi masyadong naku-kwento ni eun woo sa'kin" sambit nya kaya napatigil ako sapag inom ng ice tea

Napasulyap ako kay eun woo at tinitigan ko sya

Pero ang loko umiwas ng tingin.. Palibhasa tumatakas sa inis ko

'Sarap nyang tinidurin sa mata!'

"Oww.. so you've been waiting for me for a long time" tatango tangong sambit ko at napapangisi "Sorry hindi ako agad nakauwi.. Wala naman kasi akong kaalam alam na nag kikita na pala kayo ni eun woo" dagdag ko pa

Pinahalata ko talaga ang pag kasarkastiko ko at nakita ko pa ang pasimpleng sulyap ng suzzy na'to kay eun woo

Hindi naman sa pagiging kontrabida.. Pero naiinis talaga ako!

"Ahm.. Anyway anong gusto nyong kainin?" Pag iiba ni eun woo tyaka tinawag ang waitress

"Kahit ano.." sagot ni suzzy "Kung ano yung sayo.." dagdag pa nito kaya sarkastiko akong napangisi

'Nang aasar yata 'to ah..'

"Makapag patayo nga ng fast food chain tapos yung menu, kahit ano.. kung ano sayo.. yung mga ganun ba" sarkastikong sambit ko at napatingin silang dalawa parehas sa'kin ultimo yung waitress kaya binalingan ko sya ng atensyon "Mabenta siguro yun no?"

Nag aalin langang tumingin ang waitress pero iniba ni eun woo ang usapan

'Tsk! Napipikon na ako..'

"What do you want to eat?" Seryosong tanong no eun woo kaya napataas ako ng kilay

Kapag sa suzzy na'to nakangiti sya mag tanong.. Pag sa'kin nakasimangot?

"Salad na lang.. I've lost my appetite" sambit ko at hindi na sila pinansin pa

Nakikita ko sa gilid ng mata ko ang pag sulyap nitong si suzzy..

Sa pag kakakwento sa'kin nila chloe about sakanya ay mataray sya noon at nakwento rin na naging kaaway ni chloe nung highschool

Kung si chloe kayang mag pasensya sakanya.. Ako hindi..

Nag kwentuhan lang sila habang ako nakatanga lang at inaantay kong dumating ang order namin

Kalaunan dumating din at para akong may sariling mundo dahil silang dalawa lang ang nag uusap habang ako ay kumakain mag isa

Pero napatingin ako kay suzzy nang tumayo ito pero kumunot ang noo ko dahil may pagkalaki ang tyan nya

Sakto naman ang katawan nya at hindi sya mataba..

Pero bakit malaki ang tyan nya?

"Are you pregnant?" Kunot noo'ng tanong ko kaya nabaling ang atensyon nila sa'kin

"Ahh.. yes" sambit nya tyaka bumalik sa pag kakaupo

Pero sa pag kakataon na'to ay hindi na talaga nila ako pinakialaman..

Ni hindi man lang makaramdam na buryong na buryong na akos a pwesto ko habang sila nag tatawanan pa

Todo pa ang pag alalay ni eun woo kaya sumasama lalo ang loob ko sa hindi ko malamang rason

Pero napapaisip ako..

Sino ang ama ng anak nya? At bakit hinayaan syang umalis mag isa lalo pa't lalaki si eun woo

Hindi naman sa sinasabi kong maloko si eun woo, sadyang awkward lang kung iisipin

"Mag re-rest room lang ako.. Maiwan ko muna kayo" paalam ni eun woo at tinitigan pa nya ako ng ilang segundo pero tinaasan ko lang sya ng kilay

Umalis na ito kaya naiwan kaming dalawa ni suzzy..

"So.. Kamusta ang relationship nyo ni eun woo?" Tanong nya kaya naangat ko ang tingin sakanya "Akala ko pa naman silang dalawa ni chloe ang mag kakatuluyan" dagdag pa nya kaya napamaang ako

Anong pinaparating nya?

"Okay kami ni eun woo.." maikling sagot ko at tatango tango sya

"It's good to hear that.. Hindi ko lang kasi expected na katulad mo ang magiging girlfriend nya" ngiting sambit nya pero ramdam ko ang pag ka sarkastiko nito

"Excuse me?" Salubong ang kilay na tanong ko

"Hindi naman kasi talaga tipo ni eun woo ang maatittude.. But kung pag uusapan ay si chloe hindi na ako mag tataka kung bakit nya nagustuhan yun" kalmadong sambit nya na mas nag papakulo at nag papainit ng ulo ko "Pero hindi ko inaakala na mas maatittude pa ang girlfriend nya ngayon"

Hindi ako agad nakakibo nang sabihin nya yun..

Pero alam kong napaka sarkastiko ng pag kakasabi nya kaya naman nararamdama ko na ang galit sa loob ko

"Are you insulting me?" Seryosong tanong ko pero hindi mawala ang ngiti nyang nakakainsulto

"I'm just telling the truth.. Wag ka sanang ma-offend" sambit nya kaya dinaan ko sa ngisi ang inis ko

"Anong problema mo?" Pag hahamon ko pero tinaasan nya ako ng kilay

"Baka ikaw ang may problema sa'kin.. Kanina kapa kuda ng kuda dyan anong akala mo sa'kin? Manhid" sarkastikong tanong pa nito kaya napahampas ako sa lamesa na kinagulat naman ng mga tao sa paligid namin

"Ano din akala mo sa'kin? Tanga?" Sarkastikong tanong ko

"Bakit? Natatakot kang baka maagaw ko si eun woo sayo?" Ani mong natatawa pang tanong ni kaya ramdam ko ang pag galaw ng panga ko

'Ang kapal ng muka!'

Hindi na ako mag tataka kung bakit nakaaway ni chloe 'to noon..

"Kung binabalak mo man.. Itigil mo na" sambit ko at mas tinaliman ang tingin sakanya "Kasi baka manganak ka ng wala sa oras" dagdag ko pa pero umiling sya

"So kaya mo akong saktan sa harap ni eun woo?" Sarkastikong tanong nya kaya pinag krus ko ang braso ko

"Mali yung tanong mo.. Dapat ang tanong mo sa'kin ay kung kaya kitang saktan kahit alam kong may dinadala kang bata sa sinapupunan" sambit ko at umaakyat na yata ang dugo ko sa ulo sa sobrang pag titimpi ng galit "Pero kung sa harap lang pala ni eun woo, sinong may sabing hindi ko kaya? Lalo pa't nakakaamoy ako ng masang sang na amoy" dagdag ko pa

"So you're describing me?" Sarkastikong tanong nito

"Bakit natamaan ka?" Taas kilay na tanong ko "Kung hindi mo alam, ang bibig ko parang kutsilyo.. Matalim kung mag salita. Perp tandaan mo kahit gaano man katalim ang kutsilyo hindi ka masusugatan.. Kung hindi ka tinamaan" dagdag ko pa

Nakita ko pa sa gilid ko na papalapit na si eun woo pero muling ngumisi si suzzy

"Kung ang iniisip mo pala ay aagawin ko si eun woo.." pag puputol nito tyaka tumaas ang kilay "Then expect the unexpected.. Veronica Collins" dagdag pa nya kaya nawala ang ngisi sa labi ko

Ang maikling pasensya ko.. Alam kong naubos na yun

Napahawak ako sa ice tea na iniinom ko ngayon tyaka ako tumayo at mabilis na sinaboy sa muka nya na mukang kimagulat nya at ng mga karamihan

Ramdam ko ang tinginan ng mga tao sa paligid namin kasabay nun ang sigaw ni eun woo

"Ven!" Sigaw nito pero malakas kong binagsak ang baso na pinag lagyan ng ice tea sa table

Halos wala pa atang kalahati ang naiinom ko kaya paniguradong napaka daing tumapon sakanya

"Expect the unexpected?" Sarkastikong tanong ko pero hindi ko na magawang ngumisi "Then you didn't expect that.. Did you?" Muling tanong ko pa

Pero hindi na sya nakapag salita nang lumapit si eun woo sa'min at nag palipat lipat pa ang tingin sa'min

"Ven.. Ano satingin mo ang ginawa mo ha?" Bulong ni eun woo kaya agad ko syang binalingan ng tingin

"Umalis na tayo.. Bago pa may magawa ako ulit sa babaeng yan" diing sambit ko kaya kumunot ang noo nya

"Ano ba'ng sinasabi mo? Ano ba'ng nangyayari sayo?" Sunod na tanong nya kaya tinignan ko sya ng deretsyo sa mata

"Layuan mo yang babaeng yan.. O ako ang lalayo?" Tanong ko na mas kinakunot ng noo nya

"Na pa-praning ka na naman--"

"Kaya nga wag kang gagawa ng dahilan para mapraning ako!" Singhal ko kaya napapikit pa ito saglit para kumalma

"Ven.. please wag dito okay?" Pag papakalma nya sa'kin pero umiling ako

"Umalis na tayo kung ayaw mong nag kagulo pa dito.. Kilala mo ako" sambit ko kaya napahawi sya ng buhok kaya napangisi ako "Wag mong sabihing hindi mo kayang iwan yan dito?"

"Ven ano ba.. Buntis sya oh! Kita mo naman" kumpronta nya kaya para akong mababaliw sa inis

"Pakialam ko kung buntis yan? Sinasabi ko sayo eun woo kung ayaw mong mag kagalit tayo ayusin mo ang desisyon mo" sambit nya pero sumeryoso ang tingin nito sa'kin

"Sabing hindi ko sya pwedeng iwan mag isa.. Isa pa, maselan sya mag buntis" sambit nya kaya napangisi ako ng sarkastiko

"Kung makaasta ka parang ikaw yung tatay ng dinadala nya ah.." sambit ko at sa hindi ko malamang rason ay natigilan ito

Ilang segundo syang napatitig sa'kin kaya nawala ang kunot sa noo ko

"Ven mas mabuting mauna ka nang umuwi.. Kung ano ano nang pumapasok sa utak mo, hindi ka naman ganyan dati" sambit nya tyaka lumapit kay suzzy na nag pupunas ng sarili dahil halos buonh katawan na nya ata basa dahil sa ice tea na tinapon ko sakanya

Tinulungan pa nya itong tumayo at mag punas ng katawan kaya napangisi ako sa kawalan at inis na kinuha ang bag ko

Napatingin pa sya sa'kin pero inis kong iniwas ang tingin tyaka pumara ng taxi dahil iniwan ko sa bahay ni eun woo ang kotse ko

At sa mga hindi nakakaalam.. Tuwing umuuwi ako dito ay sa bahay ni eun woo lagi ang deretsyo ko

Leave in na rin sigurong matatawag yun dahil nakakapag stay na kamo sa iisang bahay

Pero hindi ko na yun inisip hanggang sa makarating ako sa BSB at hinihiling ko na sana nandun si daril

Pag pasok ko dumeretsyo ako sa counter at saktong nandun nga si daril at medyo nagulat pa ito nang makita ako

"Bakit nandito ka? Nasaan si eun woo?" Tanong nya kaya inis akong umupo at binaba ang bag ko

"Wag mo nga munang banggitin sa'kin yung pangalan nun! Nasusura lang ako" inis na sambit ko at ang loko ay tumawa pa

"Nag away na naman kayo? Tsk! Sabi ko sainyo mag hihiwalay din kayo e" pang aasar nya kaya sinamaan ko sya ng tingin

Hindi pa ako nakakapag order pero binigyan na nya ako ng beer na lagi ko naman talagang inoorder dito

"Bakit nag away kayo? May babae ba?"tanong nya kaya napatingin ako sakanya na tumutulong mag punas ng baso

"Paano mo nalaman? Tsk! Oo nga pala mag kaibigan kayo" iiling iling na sambit ko pero gulat syang binaba ang baso

"Hindi nga? May babae si eun woo?" Gulat na tanong nito kaya napahilot ako sa sentido ko

"Ewan ko ba.. Pero childhood bestfriend daw nya tsk! Napaka kapal nang muka nung babaeng yun" inis na sambit ko tyaka tumungga ng beer na ibinigay nya

"Kaibigan lang naman pala e! Praning nito" sambit nya kaya taas kilay ko syang tinignan

"Isa pang sabi mo nyan.. Babaliin ko yang bakal sa likod mo" pag babanta ko kaya tatawa tawa pa itong nag patuloy sa ginawa nya

"Anyway.. Alam mo naba?" Tanong pa nya

"Alam na ano? Nakabuntis ka?" Sarkastikong tanong ko kaya inis nya akong tinignan

"Hindi yon!" Singhal nya kaya kahit papaano ay napatawa ako

"Eh! Ano ba kasi yun?" Tanong ko pero napansin ko ang pasimpleng buntong hininga nya

"Bumalik na sya.. I mean sila" sambit nya kaya napakunot ang noo ko at tinignan sya nang may pag tataka "Sila april at zara.."

"Omo!" Napahawak pa ako sa gilid ko nang sabihin nya yun

"Nag kita kami ni april nung isang araw.. Nakita ko rin si zara at parehas na malaki ang pag babago nila"sambit nya pero bago pa ako makapag salita ay biglang sumago sa isip ko si sab at ang sinabi nya sa'kin

"Kasi kapag bumalik sya makakapante na ako kay clyde.. Alam kong magiging masaya na sya ulit"

"Sabrina is waiting for zara.." sambit ko

"Talaga? Edi gumawa tayo ng way para mag kita sila.. Kaso si clyde nga" sambit nya pero umiling ako

"That's not what I mean.." sambit ko at napatitig sa kung saan "Hinihintay nya si zara para sa ganun.. Maging kampante na ang loob nya kapag tuluyan na syang umalis kay clyde"

"No way.." usal ni daril kaya napatingin ako sakanya

"Nalintikan na.."

Zara's POV;

"Bakit ba kasi ayaw mo?!" Pag mamaktol ni tantan kaya sinamaan ko sya ng tingin

"Bakit ba kasi kailangan mong manligaw?" Inis na tanong ko

"Aba malamang! Alangang sagutin ako agad edi nabatukan mo na naman ako" singhal pa nya kaya napatingin ako kay adeline at pinanliitan sya ng tingin pero nag peace sign lang

"Ayoko pa rin.." pag mamatigas ko kaya napahawi si tabtan sa buhok

"Maka ayaw ka naman, e hindi naman ikaw liligawan ko" paninita pa nya inambahan ko sya ng suntok "Pumayag kana kasi! Si tito zayn, si tita ayvah pumayag na ikaw na lang" dagdag pa nya

Pero bago pa ako makapag salita ay nakatikim sya ng batok kay april na bagong baba pang

"Aray ko naman!" Daing ni tantan

"Kakauwi mo lang galing barko popormahan mo na agad si adeline, saware nasa barko kapa nag uusap na kayo?" Tanong ni april

"Oo hindi nyo ba alam?" Tanong ni tantan kaya nagulat naman ako

Napatingin pa ako kay adeline na ngayon ay nag tatago na sa likod ni mama na nag luluto ng almusal

"Sige na anak.. Hayaan mo na, patay naman sa'kin yan kapag sinaktan si adeline" singit ni papa kaya napangiwi ako tyaka sumulyap kay tantan na malaki ang ngiti

"Pano ba yan.." sarkastikong sambit ni tantan kaya sinamaan ko sya ng tingin

"Kapag sinaktan mo ang kapatid ko alam mo na mangyayari sayo.." pagbabanta ko kaya mas lumaki ang ngiti nya tyaka tumayo at papunta na sa kusina

Minsan iniisip ko baka si tantan ang babae sakanilang dalawa ni adeline

'Tsk!'

"Nakakaloka yang si tantan ah.. Pero hayaan mo na, nasa tamang edad naman na sila at papuntang kasal na rin yan" sambit ni april kaya napangisi ako

"Tsk! Ako nga 30 years old na hindi pa rin kinakasal" sarkastikong sambit ko kaya napailing na lang sya

"Sya nga pala anong balak mo ngayon? Wag mo sabihing mag ta-trabaho ka, akala ko ba gagala tayo ngayon?" Pag mamaktol pa nya kaya tumango ako

"Wala naman akong sinabing hindi.. Tyaka isasama ko si baby z para naman hindi puro dito lang sa bahay" sambit ko

"Sige isasama ko rin si kylo.." sambit nya kasunod non ang sunod sunod na iyak ng dalawang bata

Agad akong napasulyap dun at napangiti nang karga karga na pala ni mama at papa ang dalawang bata

'My angel..'

"Shshsh.. Bakit na naman umiiyak ang baby na yan" agad na kinuha ni april si baby kylo kay papa habang ako ay lumapit kay mama na buhat buhat si baby z

"Pinapahirapan mo si mama.. Lagi kang iyak ng iyak" sambit ko habang hinahalik halikan ang matabang pisngi nito

"Oo nga pala anak.. Ubos na yung vitamins nya, kapag aalis ka bumili ka na lang" sambit nya kaya tumango ako

"Isasama po namin sya ni april sa mall, gagala mo kasi kami ngayon so isasama po namin yung dalawang bata" sambit ko kaya ngumiti sya at tumango

"Basta mag iingat ha.. Tyaka ingat sa pag buhat lalo na sa ulo, malambot at sensitive yan" pag papalala pa ni mama kaya ngumiti ako

"Opo" sagot ko at marahan nang kinuha kay mama si baby z

Bumalik ako kay sa sofa at parehas na kaming may kargang bata ni april kaya parehas pa kaming napangisi sa isa't isa nang mag katinginan kami

"Ang gwapo naman nyan.." sambit nya na ani mong nang aasar kaya ngumisi ako

"Syempre.. Dugong Sandoval 'to no"nakangising sambit ko pero napailing na lang dahil kung ano ano na naman nasa utak nya

Nag almusal lang kami ng sabay sabay at gumayak na rin, dapat ay may bakasyon kami sa Matukad Island ngayon pero delayed dahil hindi pa nakakauwi dito sila josh

Uuwi din kaso dito ang family ni april para makapag bakasyon, pinauna muna ni josh si april dahil may kailangan pa silang asikasuhin sa business nila

At ako? Nag ta-trabaho ako sa shop namin at mas nakakaenjoy dahil ako mismo ang nag be-bake ng mga cakes dun

But anyway.. Nakaayos na ako pati na rin si baby z

Pagbaba ko ay nakaready na ang dalawang strollers at tinulungan na rin kami ni tantan na ilagay yun sa likod ng kotse

Hiniram ko na rin ang susi kay papa at nag paalam na kami, pinaubaya ko muna kay april si baby z at umupo na sa driver's seat

"Hoy may lisensya kaba? Baka mamaya mahuli tayo ah!" Pag papaalala nya kaya natawa ako

"Oo dala ko na yung lisensya ko kaya wag ka nang mag alala.. Hawakan mo ng maigi yung dalawang bata" sambit ko at nag simula nang paandarin ang sasakyan

Napag desisyunan namin ni april na sa mall na lang dumeretsyo dahil hindi naman kami pwedeng pumunta kung saan saan lalo pa't may kasama kaming bata

Pag baba namin ay agad naming inihiga sa stoller sila kylo at parehas kaming may tulak tulak

"Saan tayo deretsyo?" Tanong ni april kaya inilibot ko ang tingin sa mall

"Gusto ko sanang bilan ng damit si baby z.." sambit ko

"Edi tara sa baby store, bibilan ko din si kylo hihi" ani nya na akala mo mas excited pa sa bata kaya napailing na lang ako

'Choice nya yan.. Wala akong magagawa'

Dumeretsyo agad kami sa baby store at agad na napukaw ng atensyon ko ang damit na may print na pikachu

Napangiti ako at de-deretsyo na sana dun nang biglang may sumagi sa isip ko

Ito na naman ako...

"Zara.." tawag ni april kaya napatingin ako sakanya "Okay ka lang ba? Kanina pa ako nag sasalita dito hindi ka pala nakikinig"

"S--sorry.. Ano nga ulit yun?" Tanong ko

"Ang sabi ko nag txt si josh, sa susunod na araw daw ang uwi nila.. Kaya matutuloy na ang outing" sambit nya na mukang excited nga kaya pinilit kong ngumiti

Habang nagmimili kami ay hindi ko maiwasang masagi sa isip ko kung makikita ko ba sya..

Pero ako na rin ang pumutol sa sarili kong imagination nang maalala ko sila krisha

"Oo nga pala.. Bukas aalis din ako" sambit ko

"Saan punta mo?" Tanong nya

"Minessage ko na sila wayne.. Kilala mo naman yun diba? Nangako kasi ako na pag balik ko dito mag kikita kita kami" sambit ko kaya napatango tango sya

"Pero malay mo.. Malay mo lang ha, paano pag nag kita kayo ulit?" Tanong nya kaya napabuntong hininga ako at inilagay sa basket ang napili kong damit

"Hindi ko alam.." sambit ko pero mas bumigat ang loob ko "Pero alam mo namang nangako ako sa kapatid ko.." dagda ko pa

"Tama naman kasi sya.. Malay mo yun ang mag papatahimik dyan" turo nya sa kaliwang dibdib ko kung nasaan ang puso

"Pero paano kung hindi na pwede?" Tanong ko at nag kibit balikat sya

"Kung hindi na talaga pwede.. Bakit mo pa ipipilit yung sarili mo?" Sambit nya kaya napabuntong hininga ako at dumeretsyo na kami sa counter para mag bayad

Sayang lang at tulog ang dalawang bata kaya wala na kaming nagawa kundi pumunta na lang sa food court

Nag order lang kami ng konti umupo na rin sa nakuha naming pwesto, medyo marami rami rin ang tao dahil weekend kasi ngayon

Kakauwi lang rin nila papa galing barko at kahit mahirap ay nag retired na sya lalo pa't ilang taon na rin si papa

At katulad nga kanina, pinopormahan na ni tantan si adeline.. Hindi naman sa ayaw ko pero minsan kasi loko loko yung si tantan kaya mahirap na.

Si april namin kasal na kay josh one year ago at sa pag kakaalam ko ay nag pa-plano si josh na pakasalan si april sa simbahan dahil nga sa west lang sila kinasal

Pero syempre hindi alam ni april yun kaya masaya ako para sakanya na, pero hindi pa rin ako sure kung masaya talaga sya..

Lalo pa't naabutan namin na mag kasama si april at daril nung nakaraang araw

Kinagabihan nun napansin ko na nagiging balisa si april nun.. Simula kasi nung umalis ako dito hindi na namin napag usap o kahit na open man lang ng kahit konti ang topic tungkol kila daril

"April.." tawag ko sakanya kaya napatingin ito sa'kin

"Bakit?"

"Puntahan natin sila mama sa puntod nila mamaya.. After nito" sambit ko kaya ngumiti sya at tumango "Pero mag re-rest room lang ako.. Paki bantayan lang muna si baby z, mabilis lang ako"

"Sige.. Patapos na rin ako sa kinakain ko" sambit nya kaya nag paalam na ako

Hinanap ko pa kung saan may rest room dito at medyo hiningal pa ako dahil nasa dulo pa pala yun

Nang matapos ako ay humarap muna ako sa salamin at nag ayos pero napatitig ako sa sarili ko

Bahagya pa akong napangiti sa mga iniisip at humugot pa ng lakas ng loob

'Kaya mo yan..'

Buti na lang at ako lang muna ang tao dito sa loob dahil kung may makakita man sa'kin ay pag kakamalan akong baliw dahil ngumingiti ako mag isa

Pag labas ko ay hindi ko sinasadyang mahulog ang cellphone ko kaya agad akong umupo ng bahagya

Tinignan ko agad kung nabasag pero agad na napakunot ang noo ko nang may nakita akong reflection ng isang lalaki sa salamin ng cellphone ko

Sa tindig pa lang ay alam ko kung sino sya, dahan dahan akong tumayo at agad kong ibinaling ang tingin ko sa harap ko

Sa iba sya nakatingin pero napako ang mga mata ko sakanya, parang huminto ang pag tibok ng puso ko

Hindi ko mawari ang nararamdaman ko lalo na nang mag tama ang paningin namin

Ang simpleng ngiti sa labi nya kanina ay agarang nawala, kita ko sa mga mata nya ang pag kagulat

"Z--zara.." usal nya at doon nag simulang kumarera ang puso ko sa spbrang bilis ng heart beat nito

Sa halos isang taon ay muli kong narinig ang boses nya at nakita ang muka nya..

Marami akong gustong sabihin perp umurong lahat yun nang iiwas nya ang tingin sa'kin

"Nice to see you again.. And welcome back" sambit nito kaya doon lang ako natauhan

"N--nice to see you too.." sambit ko

Walang tao na dumadaan at laking pasasalamat ko yun, pero ramdam na ramdam ako ang awkward sa pagitan namin

"How are you?" Tanong nito

"I'm good.." sagot ko "Ikaw?"

"Good.." tatango tangong sagot nito

"S--sige.. Aalis na ako" paalam ko at tatalikuran sana sya

"Wait.." pigil nito kaya napatingin ako sakanya

Yung mga tingin na yun ay sobrang napaka pamilyar pero bakit parang bumabalik yung sakit na naramdaman ko noon?

"May free time kaba bukas?" Tanong nya at gusto kong pukpukin yung sarili ko nang tumango ako

"A--ahh.. Oo, bakit mo natanong?" Tanong ko at parang humugot pa ito ng hininga

"Hmm.. Ayain sana kitang mag coffee or anything, and maybe mag usap tayo?" Nakita ko pa ang pag lunok nya kaya napalunok din ako kasabay ng pag tango

"S--sure.. Sa restau. na lang tayo mag kita" sambit ko

"Saang bang restau?" Tanong nya

"Sa Firefly Moonlight" sabay na sambit namin kaya sandali pa kaming natigilan

'Arrghhh!! Bakit ganito ka awkward?!'

"S--sige.. Una na ako, i'll see you tomorrow" sambit nya kaya tumango ako

Sa pag talikod nya ay parang bumabalik na naman yung sakit sa hindi ko malamang rason

Nang maka recover ako ng konti ay umalis na rin ako pero sa pag lalakad ko ay nakita ko sya sa kabilang side

Pero ang hindi ko inaasahan ang kasama nya..

Tulak tulak ni clyde yung wheelchair habang may simpleng ngiti si sabrina na halos hindi ko na makilala sa sobrang laki ng pinag bago nya

Halatang halata ang kapayatan nito at halatang nalalagas din ang buhok at doon lang pumasok sa isip ko ang cancer na sinabi nya noon

'So totoo pala talagang may cancer sya?'

Hanggang sa makabalik ako sa food court ay sila ang iniisip ko pero napatingin ako kay baby z na gising na

"Saan pa tayo punta?" Tanong ni april kaya napabuntong hininga ako

"Tuloy na lang natin to next time.. Nawala ako sa mood, dumeretsyo na lang muna tayo kay mama" sambit ko at mukang nahalata nga nya na wala ako sa mood kaya tumango na lang ito

Binaba ko ang canopy ng stroller ni baby z tyaka kami tuluyang umalis..

Nang makarating kami sa parking lot ay nag tulog kami na ayusin ang stroller at pag tapos non nag drive na ako

Tahimik lang ako sa buong byahe at laking pasasalamat ko kay april at hindi sya ganun na nag tanong

Alam kong ramdam nyang wala talaga ako sa mood kaya nang makarating kami sa sementeryo ay tahimik ako

Tulog na ulit ang mga bata sa stroller habang kami ni april ay nakaupo na sa damuhan habang nag tutulos ng kandila

Naisip ko bigla na napaka tagal na pala nung huling pag kikita namin ni mama

Napatingin ako sa lapida at ayun na naman ang napaka bigat na pakiramdam na matagal ko nang iniinda

Pero naramdaman ko ang pag hawak ni april sa kamay ko kaya napatingin akos akanya at binigyan nya ako ng simpleng ngiti

"Laban lang.."sambit nya kaya ngumiti ako at pinigilang maiyak

"Alam mo april.. Minsan iniisip ko kung gaano ba kalaki yung kasalanan ko at nangyari sa'kin lahat ng yun" sambit ko pero traydor talaga ang mga luha lalo na kapag nasasaktan ka talaga ng sobra "Mas lamang na yung sakit kaysa sa saya" dagdag ko pa

"Pero hindi ka pwedeng maging ganyan habang buhay.." sambit nya kaya napahaplos ako sa lapida nang makita ang bagong pangalan na nakasulat

Doon tumulo ang luha ko at kusang napahawak sa kaliwang dibdib dahil sa bigat ng nararamdaman ko

Ilang beses na akong umiyak pero hindi pa rin talaga matapos tapos kaya feeling ko...

Feeling ko nakakasanayan ko na..

"Isipin mo na lang na kaya siguro sila umaalis dahil merong mga darating.." sambit nya habang hinahagod ang likod ko

"Ang daya lang kasi april.. Masyado pa atang maaga para gawin sakanya yun" sambit ko at muling hinaplos ang lapida "Alam kong nag bigay na sya ng sign bago pa sya umalis pero hindi kasi ako handa"dagdag ko pa

"Kahit ako nabigla sa ibinalita mo.. Pero anong magagawa natin? Yun yung nakatadhana e" sambit nya at rinig ko na rin ang garalgal na boses nito "Pero sya na mismo ang nag sabing gusto na rin nyang mag pahinga diba.."

Tumango ako at nag punas ng luha "Kung sya nga tanggap na tanggap nya.. Kailangan ko na rin sigurong tanggapin" sambit ko at napapikit nang yakapin ako ni april

"Tandaan mo rin yung pangako mo sakanya.." sambit nya at tumango ako

"Sa totoo lang nag kita na kami kanina.." sambit ko kaya parang nabigla pa sya

"Saan?"

"Nung nag cr ako, nag kita kami at inaya nya ako bukas.. Pumayak ako" sambit nya pero napabuntong hininga ako "Pero mukang malabo na april.."

"Bakit naman?"

"Hindi nya iniwan si sabrina.. Mag kasama sila kanina" sambit ko kaya napabuntong hininga din sya habang nag pupunas ng luha

"Kung mag uusap man kayo.. Sasabihin mo ba sakanya yung totoo?"tanong nya at nag kibit balikat ako

"Kapag naging maayos ang pag uusap namin.. Siguro sasabihin ko sakanya" sambit ko kaya tumango sya

Muli kaming natahimik kaya nabaling na naman ang atensyon ko sa lapida na dalawa na ngayon ang nakasulat na pangalan

Sa loob ng isang taon.. Akala ko noon magiging okay ako

Pero hindi...

Mas lumala yung sakit at bigat sa loob na naramdaman ko..

Araw araw.. Gabi gabi, iniisip ko kung pano ko ipag papatuloy ang buhay ko at kung paano ko gagampanan ang resposibilidad ko sa buhay

"Sino nga bang mag aakala na ang isang masiyahin at mabait na tulad nya ay nawala na.." sambit ko at muling tumulo ang luha at inilabas ang cellphone ko

Pinlay ko ang video kung saan umabot pa sya sa last birthday nya at halata sa mata nyang nasurpresa sya at masayang masaya

Pero sa sayang yun hindi inaakalang huling na pala yun..

Huling kaarawan..

Huling tawa..

Huling yakap..

Huling beses na maririnig namin ang boses nya..

"Hindi ko makakalimutan yung mga araw na kasama natin sya.. Yung mga araw na kasama tayo sa pag laban nya.." sambit ko at kahit anong punas ko ng luha ay patuloy sa pag agos yun "Pero siguro nga kailangan na nyang mag pahinga dahil masyado na syang napagod" dagdag ko pa

"At isa pa.. Gusto na rin nyang makita si tita napaaga lang talaga" hikbing sambit ni april kaya mas lumakas ang hikbi ko

Araw araw tinatatagan ko ang loob ko para sakanya.. Dahil nangako ako bago sya umalis ay magiging malakas ako

Hinding hindi ko na hahayaang masaktan ako ulit..

At isa pa..

Hiniling nya na wag ko syang iyakan lalo pa't masaya sya bagp sya umalis at wala syang pinag sisisihan..

Masyado pang maaga pero yun na talaga ang dulo ng buhay nya..

Masakit mawalan ng minamahal sa buhay oo..

Pero mas masakit makita ang minamahal mo sa buhay na nahihirapan..

Kahit mahirap..

Kahit masakit at hindi katanggap tanggap ay hinayaan ko sya..

Hinayaan ko na syang mag pahinga at tuluyan nang makasama si mama..

Sya yung bata na hindi mo makikitaan ng panghihina ng loob..

Dahil palagi syang nakangiti at tumatawa na ani mong walang iniindang sakit..

Sya yung pinaka the best na kapatid ko at wala ng hihigit pa don..

Natapos ang video kasabay nun ang pag pikit ko..

Kung nasaan man si zephany ngayon.. Alam kong masaya na sya at kasama na nya si mama

Alam kong nasa tabi ko lang sya kaya hindi dapat ako malungkot ng ganito..

Ang huling habilin pa naman nya ay wag akong iiyak kaya ngumiti ako habang patuloy sa pag tulo ang luha ko

Napadilat lang ako nang maramdaman ang malakas na hangin kasunod non ang pag hagikgik ni baby z

Nag katingin kami ni april na mas nag paluha sa'ming dalawa..

"Si zephany.." sabay na sambit namin kaya natawa kami kahit na patuloy sa pag tulo ang luha

Mag kikita rin kami...

Pero sa tamang panahon..



















**************
Keep Reading ( ◜‿◝ )♡

ABANGAN ANG PAPALAPIT NA PAG TATAPOS (◍•ᴗ•◍)

Continue Reading

You'll Also Like

7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
159K 2.9K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
217 74 21
She's afraid to fall in love again. Afraid to get hurt again. Pero pinaglaruan ata siya ng tadhana. Na in love siya sa isang estranghero. Estranghero...
267K 14.8K 28
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.