Unexpectedly Yours

By CatWithoutAName

370 26 0

[GUZMAN SERIES #1] What if the thing you least expect comes? What will you do? Will you grab it? Or you will... More

Author's Note
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 25

13 0 0
By CatWithoutAName






Hindi ako mapalagay. Ngayon papasok ako ng school. Kahapon... kahapon nangyari yun, hindi ako makapaniwala. Naaksidente si Clyde... nasa ospital siya ngayon... walang malay.





Hindi ko gusto umuwi sa bahay, gusto ko siya mabantayan, gusto ko siya masamahan, gusto ko siya makita na magising, gusto ko kapag minulat niya ang mata niya, ako yung makikita unang niya. Kaso, hindi ako pinayagan nila Tita, may pasok kasi ako ngayon kaya pinauwi nila ako. Nagpumilit ako na magstay doon kaso hindi talaga sila pumayag. Nandoon ako habang nasa ER siya.. sa pagkakasabi ni August, malala ang tama niya. Ipinagdadasal ko, ipinagdadasal ko na hindi ganun kalala, alam ko... alam ko at naniniwala ako na okay lang siya... sana.





Hinatid ako ni Mama papunta ng school. Alam na nila Mama at maski sila ay nalungkot at nagulat sa nangyari. Nagstay din kasi ako kagabi sa hospital hanggang 12 midnight, kaya naman nagpaalam ako kila Mama, pumayag naman sila.





Actually kahit pag-uwi ko ay hindi ako nakatulog kaya naman ay medyo lutang ako at wala sa sarili. Masyado akong naga-alala sa kanya.





Naramdaman ko ang pagtigil ng sasakyan. Nasa school na kami. Wala ako sa wisyo, inayos ko ang bag ko at nang maayos ko ito ay bababa na sana ako nang bigla akong hinawakan ni Mama sa balikat kaya napatingin ako sa kanya, may pag-aalala ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.





"Don't worry, naniniwala ka naman sa kanya diba? Kaya niya yun, kilala ko yun si Lucas. Malakas na bata yun, palaban, kaya niya yun. Just believe in him, gagaling siya." sambit niya.





Pumatak ang luha ko sa sinabi ni Mama pero agad ko iyong pinunasan dahil papasok pa ako. Tumango naman ako kay Mama.





"Opo Mama, naniniwala ako sa kanya. Gagaling siya. Alam ko gagaling siya." sambit ko sabay lumabas ng kotse saka pumasok na.





Laban lang Clyde...





------




"Totoo ba?"





"Naaksidente si Lucas?"





"Hala kawawa naman si Lucas, sana okay lang siya."





Naglalakad pa lang ako sa hallway at halos mapahinto ako nang marinig ang usapan ng ibang estudyante.





Oo nga pala.. kilala si Clyde dito at mabilis kumalat ang balita, na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Kaya hindi ko maiiwasan na marinig ang sitwasyon niya o ang nangyari sa kanya. Hanggang sa school pala ay hindi matatahimik ang utak ko.





Pagpasok na pagpasok ko sa room ay sinalubong ako ng tingin ng mga kaklase ko pero this time may mga lumapit sa akin.





"Maly! Kamusta si Lucas?" tanong sa akin ng isang kaklase ko.





"Oo nga, Maly, anong balita sa kanya?" segunda pa ng kaklase kong babae.





"Bakit siya naaksidente?" tanong pa ng isa pero nanatili akong tahimik, umiling ako.





Nagsimula akong maglakad papunta sa upuan ko at nakasunod naman sila sa akin.





Nang malapit na ako sa upuan ko ay nilingon ko sila at tumingin sa kanila ng blangko.





"Nasa ospital siya, the rest, it's private. Utos na rin ng Mama niya na huwag ipagkalat ang kalagayan niya." sambit ko.





Mukha naman silang nalungkot pero mukhang naintindihan naman nila dahil umalis na sila sa harapan ko.





Yumuko naman ako at pumikit. "Kalma Maly.." bulong ko sa sarili ko.





Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Gusto ko i-skip ang class na 'to at pumunta na sa ospital... gusto ko na siya makita. Tutal ay nagpaalam ako kay Mama na pupunta ako sa hospital pagkatapos ng klase ko at okay lang naman sa kanya.





Hindi ko pa rin makalimutan nang makita ko siya kagabi. Bakit siya pa? Pagkatapos kasi tumawag ni August sa akin ay tinext niya ang hospital kung nasaan sinugod si Clyde at agad akong pumunta doon.





Nang makapunta ako sa hospital ay agad kong nakita si August kasama sila Tita. Nakapangalumbaba si August habang nakasandal sa pader. Habang nakaupo naman sa waiting area sila Tita.





Nang makita niya ako ay tinignan niya ako nang may halong lungkot sa mata. Tinignan ko ang room sa harap niya... Emergency Room.





Ganun ba kalala?





"Maly.." tawag sa akin ni Tita, lumapit naman ako at niyakap niya ako kaya niyakap ko si Tita pabalik.





"Tita, anong nangyari?" natatakot akong malaman na malala ang kondisyon niya.





Narinig ko ang mahinang paghagulgol ni Tita. Nadudurog ang puso ko. Nadudurog ang puso ko na nakikita si Tita na umiyak.. at sa thought na malala ang kondisyon ni Clyde.





"Si Clyde..naaksidente siya..nabangga siya ng kotse. Sabi ng nagdala sa kanya dito, mukhang malala ang tama ng katawan pati na rin ang ulo niya." sambit ni Tita.





Parang gumuho naman ang mundo ko nang marinig ko yun. Hindi pwede... Clyde...





Nang humiwalay si Tita ay tumayo ako saka sumilip sa pinto. Nakita ko si Clyde na nakahiga doon habang ginagamot ng doctor.





Nanghihina ang tuhod ko. "Kaya mo yan, Clyde." sambit ko.





May humawak sa balikat ko kaya napalingon ako.. si Caster. Nandito pala siya.





"Kuya will be fine, Maly. Don't cry please." sambit ni Caster.





Dinampi ko ang palad ko sa pisngi ko, naramdaman ko ang basa doon, umiiyak na pala ako hindi ko alam.





Inalalayan niya naman ako para maupo. Nag-aalala talaga ako.





Lumipas ang ilang oras ay nanatili ako na nandoon sa waiting area kasama si Tita. Nagpaalam na rin ako kila Mama at pumayag naman sila na magstay ako.





"Anong oras na Maly. Kailangan mo na umuwi may pasok ka pa bukas." sambit ni Tita.





Umiling naman ako. "Okay lang po, Tita. Gusto ko po mag-stay dito."





"Hindi pwede may pasok ka pa, kailangan mo pumasok. Pwede naman na bumalik ka dito pagkatapos ng klase mo. Iu-update ka naman namin about sa kanya."





Nagpilit pa ako kaso hindi talaga pumayag si Tita, pumayag lang siya nang sinabi ko na hanggang 12am lang ako.





"Ms. Imperial." bumalik naman ako sa kasalukuyan nang tinawag ako ng prof namin.





"Yes sir?" tanong ko.





"Are you listening, Ms. Imperial?" tumango naman ako.





"Y-yes sir." sambit ko.





Nagpatuloy naman siya sa pagtuturo at triny ko naman makinig pero pumapasok pa rin sa utak ko ang kalagayan ni Clyde. Sana matapos na 'tong class na ito.


Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 113K 42
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐀 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 π‘πšπ­π‘π¨π«πž π†πžπ§'𝐬 π‹π¨π―πž π’πšπ πš π’πžπ«π’πžπ¬ ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
2.4M 141K 46
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
3.9M 159K 69
Highest rank: #1 in Teen-Fiction and sci-fi romance, #1 mindreader, #2 humor Aaron's special power might just be the coolest- or scariest- thing ever...
6.5M 179K 55
⭐️ α΄›Κœα΄‡ α΄α΄κœ±α΄› ʀᴇᴀᴅ κœ±α΄›α΄€Κ€ α΄‘α΄€Κ€κœ± κœ°α΄€Ι΄κœ°Ιͺα΄„α΄›Ιͺᴏɴ ᴏɴ α΄‘α΄€α΄›α΄›α΄˜α΄€α΄… ⭐️ ʜΙͺΙ’Κœα΄‡κœ±α΄› Κ€α΄€Ι΄α΄‹Ιͺɴɒꜱ ꜱᴏ κœ°α΄€Κ€: #1 ΙͺΙ΄ κœ±α΄›α΄€Κ€ α΄‘α΄€Κ€κœ± (2017) #1 ΙͺΙ΄ α΄‹ΚΚŸα΄ (2021) #1 IN KYLOREN (2015-2022) #13...