Take It Slow

By saraengs

232K 5.3K 1.4K

in which a boy from ADMU who aspires to be a priest to serve God and help people, however, appears to change... More

i n t r o
c a s t
O1
O2
O3
ー O4
ー O5
ー O6
ー O7
ー O8
ー O9
ー 1O
ー 11
ー 12
ー 13
ー 14
ー 15
ー 16
ー 17
ー 18
ー 19
ー 2O
ー 21
ー 22
ー 23
ー 24
ー 25
ー 26
ー 27
ー 28
ー 29
ー 3O
ー 31
ー 32
ー 33
ー 34
ー 35
ー 36
ー 37
ー 38
ー 39
ー 4O
ー 41
ー 42
ー 43
ー 44
ー 45
ー 46
ー 47
ー 48
ー 49
ー 5O
ー 51
ー 52
ー 54
ー 55
ー 56
ー 57
ー 58
ー 59
ー 6O
ー 61
ー 62
ー 63
ー 64
ー 65
ー 66
ー 67
ー 68
ー 69
ー 7O
ー 71
ー 72
ー 73
ー 74
ー 75
ー 76
ー 77
ー 78
ー 79
ー 8O
ー 81
ー 82
ー 83
ー 84
ー 85
ー 86
ー 87
ー 88
ー 89
ー 90
ー 91
ー 92
ー 93
ー 94
ー 95
ー 96
ー 97
ー 98
ー 99
ー 1OO
ー 1O1
ー 1O2
ー 1O3
ー 1O4
ー 1O5
ー 1O6
ー 1O7
ー 1O8
ー 1O9
ー 11O
ー 111
ー 112
113
114
115
116
117
118
119
12O
121
122
123
124
125
126
127
128
129
130
ー outro
ー note
what to read next?

ー 53

1.8K 56 51
By saraengs

CLIO'S POV

Pinadalhan ba ako ni rold ng anghel? Hindi ko alam kung nananaginip ba 'ko or what pero sobrang gwapo ng lalaking nasa harapan ko. Ngayon lang talaga ako naka-encounter ng ganitong kagandang nilalang. Tinalo pa niya ang mga artista sa pilipinas!


"Hello," nahihiyang sagot ko. Luh, bakit parang ang pabebe ko namang pakinggan sa sagot ko?


Ngumiti siya at naningkit ang mga mata niya at binalandra niya yung ngipin niya na sobrang puti at maganda. Grabe, pati ngipin niya ang ganda! Lord, naka-jackpot ata talaga ko! Ano po bang kagitingan ang ginawa ko noong past life ko? Ang swerte ko, shetness. Akala ko mahihimatay ako noong ngumiti siya.


"It's nice to finally meet you," bigla niyang inabot ang kamay niya sa akin para makipag-hand shake. Syempre ako, wala nang patumpik tumpik pa, kinuha ko agad kamay niya. Akala ko pa naman hinihingi niya kamay ko para hawakan. Holding hands while walking gan'on kaso epal 'tong ulan na 'to. Kung kailan ako may date tsaka siya bumuhos.


"Nice to meet you din," sagot ko sa kaniya. Natatahimik talaga 'ko! Hindi ko alam ang sasabihin sa kaniya. Ang bait kasi ng aura niya kaya ayoko namang bwisitin ng kakulitan ko and hindi ko pa rin naman siya ganoong kakilala, baka mamaya pikon pala 'to, e. Nasanay kasi ako sa mga kaibigan ko na kahit anong gawin kong kalokohan sa kanila, wala pa rin silang pake.


Kaso kapag pinakita ko sa kaniya kung gaano ako kakulit, baka isumpa ako nito. Hindi pwede! Ikakasal pa kami!


"Is this your dorm?" tanong niya habang nakatingin sa labas ng dorm namin.


Hindi naman kami naka-condo as dorm. Para lang siyang normal na bahay na hindi naman ganoong kalakihan pero secured naman at safe. Hindi naman kami makakatagal ng dalawang taon dito kung hindi safe ang dorm namin. Gusto sana namin mag-condo kaso masyadong mahal. Ang mahal na nga ng tuition namin tapos magc-condo pa kami? Baka mamamatay na magulang namin dahil sa sobrang daming gastos.


"Oo, gusto mong pumasok?" tanong ko.


"Is this an all girls dorm?" tanong niya pabalik. Tumango ako sa kaniya.


"No need. Your dormmates might get uncomfortable if they see a man inside," sagot niya. Aw, ang sweet niya naman! Hindi ko alam kung sweet talaga 'yon pero 'yun ang nakikita ko, e.


"Sige, kung 'yan gusto mo," sagot ko. Ayoko rin naman talaga siya papasukin! Ang daming malalandi sa loob ng dorm namin. Baka agawin pa si Ezra sa 'kin. Hindi ako threatened ah. Mas maganda pa 'ko dun sa mga babae na 'yon, e.


"Let's go?" tanong niya.


"Tara," pag-aya ko rin. Maglalakad na sana ako ng bigla niyang tinanggal yung coat niya para ibigay sa 'kin.


"Cover yourself with this," sabi niya.


Gulat akong nakatingin sa kaniya at pilit na binabalik 'yung binigay niya sa 'kin. "Hindi na, Ezra. Mababasa ka pa kapag binigay mo sa 'kin 'to."


"It's fine. I can manage. Wear it," sabi niya. Wala na akong nagawa nung bigla siyang tumakbo papasok sa sasakyan niya. Sayang naman kung mababasa 'tong coat niya. Halatang ang mahal mahal nito, sa tela pa lang.


Binilisan ko lang din yung pagpasok ko sa sasakyan niya. Hindi naman ako nahirapan dahil binuksan na niya yung pinto nung passenger seat. Shit, ngayon ko lang napansin na Porshe Macan 'yung sasakyan niya!


Mygoodness, dream car ko 'to! Hindi ako makapaniwala na nakasakay ako sa dream car ko. Takte, sobrang yaman siguro nitong si Ezra? Pinanga-araw araw lang 'tong sasakyan na 'to!


"You're more beautiful in person," biglang banat ni Ezra.


Magsasalita na sana ako kanina kaso bigla siyang bumanat! Paano ko siya makakausap ng matino kung puro pagpapakilig dinudulot niya sa 'kin?


"Thank you. Ikaw din kaya! Hindi kayang i-capture ng mga photos mo sa instagram ang kagwapuhan mo," sabi ko na ikinatawa niya. Wala nang pabe-pabebe dito. Baka hindi na maulit 'tong date na 'to kaya dapat sulitin.


"Are you stalking me on instagram?" tanong niya.


"Medyo," sagot ko. Tiningnan niya ako at ngumisi. Hala naman, ang hot niya d'on! Grabe, isa pa nga!


"Where do you want to go?" tanong niya.


"Gusto kong lumibot sa MoA," sabi ko.


"Mall of Asia, then,"


"Ganoon kabilis? Oo agad? Sure?" sunod sunod kong tanong. Natawa na naman siya sa 'kin at umiling iling.


"Your wish is my command,"


Lord, ano ho ginagawa niyo sa 'kin? Sobrang blessed ko po ngayong araw. As in. May kapalit naman pala ang pag-iyak ko nung nakaraang linggo.


Hindi ko rin alam kung bakit ako ngumawa, sa totoo lang. Nalungkot kasi ako ng sobra nung nalaman ko, eh hindi ko naman ine-expect na magpa-pari pala siya. Sa dinami dami ba naman kasi na profession d'yan, pari pa talaga? Sa gwapo niya na 'yan? Hindi ba siya nasasayangan?


Hindi ko naman sinasabi na pangit ang mga pari pero sobrang gwapo lang talaga niya para maging pari. Siguro 'yung mga malalandi, lagi nang dadayo ng simbahan para lang masilayan siya. At isa na 'ko d'on. Nangunguna, pero hindi ako malandi. Makire lang.


Tuloy tuloy lang sa pag-andar yung sasakyan dahil hindi naman traffic. Nagulat pa nga ako na walang traffic dahil lagi namang delubyo dito. Napansin ko rin na napakalinis ng loob ng sasakyan ni Ezra. Ang bango pa. Maarte ako sa amoy ng sasakyan dahil mabilis akong mahilo tsaka masuka. Hindi kasi ako sanay sa mga sasakyan kaya siguro gan'on.


"Have you eaten?" tanong niya nang makalabas kami ng sasakyan. Shet, ang dami palang tao ngayon sa MoA. Ay, lagi naman maraming tao dito, e.


"Hindi pa, e. May klase kasi kami kanina," sagot ko.


"Really? You said you don't have classes today?"


"Binawi nung professor namin kaya nagmadali kaming nagbihis. Grabe, ang hassle talaga," reklamo ko.


"He should have told you earlier."


"'Di ba? Kabado nga kami kasi baka late na kami pumasok. Terror pa naman 'yon,"


At nagtuloy tuloy ang rants ko sa kaniya. Nakakatuwa dahil pinapanigan niya 'ko! Siya lang yung lalaki na nakinig sa akin ng mabuti na hindi ako pinapagalitan o pinapangaralan. Nasa kaniya na ata lahat ng qualities ng ideal boyfriend ko!


"Where do you want to eat?"


Ayan na nga. Hindi ko alam ang isasagot ko dahil lahat ng nakikita kong kainan gusto kong kainan. Pwede ba siya na lang kainin ko? Choir!


"You want to eat rice? Ramen?" pagbibigay niya ng options. Teka lang, kinikilig talaga 'ko. Yung mga lalaki na kaibigan ko, kapag hindi ako nakapag-decide agad minumura na ako, e, pero siya? Shet, nagbigay pa ng options.


"Parang gusto ko ng ramen," sabi ko.


"Let's to go to Ippudo. Their ramen is good," sabi niya sa akin. Tumango lang ako sa kaniya at sumunod. Okay lang naman sa akin kahit saan niya ako dalhin, basta kasama ko siya.


Sandali lang kami naglakad at nakadating na rin kami sa sinasabi niyang restaurant. Medyo marami na ang tao sa loob pero buti na lang at may available pa na mga upuan.


"What do you want to eat?" tanong niya ulit sa akin. Masyado akong nalibang kakatingin sa mga pagkain ng mga tao na malapit sa amin. Mukhang tamang choice talaga na nag-ramen kami!


"Hindi ko alam, sa totoo lang. First time ko rito," pag-explain ko sa'yo.


"No problem. I'll pick," sabi niya. Umalis na siya para mag-order at sinundan siya ng mata ko. Grabe, kung maka-asta siya, para ko siyang boyfriend! Sige, pagpatuloy mo lang 'yan, Ezra. Hulog na hulog na talaga 'ko!


Hihinga pa lang ako ay bigla na agad siyang bumalik at umupo sa harapan ko! Shet, ba't sa harapan ko pa?! Hindi ako makakakain ng mabuti nito!


"So, while we are waiting for our food, let's have a talk," talk? oh my god, ano pag-uusapan namin? Hindi ako ready, mamser.


"Ano paguusapan natin?" tanong ko. Tinatanong ba 'yon? Pakiramdam ko, hindi, pero wala kasi akong masabi sa kaniya kung hindi 'ang gwapo po'.


"Tell me about yourself,"


"Uhm...wait, iisipin ko muna. Alam ko naman isasagot ko pero kapag biglaan, nab-blanko utak ko," pagpapaliwanag ko na ikinatawa na naman niya. Ang funny ko siguro dahil kanina pa siya tawang tawa sa 'kin. Hindi naman ako nag-apply na maging clown, ah?


"You're Clio Therese Evangelista, a fine arts student from UST, and?" Luh, alam kong maganda ang pangalan ko pero nung narinig ko 'yung pangalan ko galing sa kaniya, mas lalo kong minahal ang nanay ko. Mama, kung naririnig mo 'to, salamat sa napakagandang pangalan na ibinigay niyo sa akin!


"I'm in third year," sabi ko. Ayan, napa-english na tuloy ako. Kanina pa kasi siya nag e-english! Akala ko tuloy amerikano kasama ko.


"Really? I thought we are in the same year."


"Anong year ka na?"


"I'm a senior, will graduate soon," sabi niya. Hala! Nasira na ang plano ko! Akala ko pa naman parehas kaming nasa junior year. Edi wala na pala siya sa Ateneo next year? Hays.


"Ano nga pala course mo? Theology?" tanong ko.


"Philosophy. I wanted to take Theology but my mom was against it," Syempre, kung ako rin nanay niya, ayoko! Masyadong sayang sa mga kababaihan!


"Teka, pwede rin naman na course ang philosophy sa may balak mag-pari, di ba?" tanong ko.


"Yeah, but I prefer Theology more," sagot niya. Shems, parang wala na ata siyang balak lumihis ng landas na tinatahak niya ngayon. Mukhang isang malaking pagsubok sa akin na ibahin ang pangarap niya, ah.


"Seryoso ka talaga na magpapari ka? Wala nang bawian 'yon?" tanong ko.


Kinagat niya ng marahan ang lower lip niya at tumango. Luh, ba't may pagkagat? Kagatin ko 'yan, Ezra, e!


"It's my dream to help people," sabi niya.


"Ang dami namang profession diyan na nakakatulong sa mga tao. Pwede kang mag-doctor, pulis, teacher, ano pa ba? Madami pa, e," pagp-persuade ko. Yes, magaling ako dito!


"I don't want to become a doctor. I hate biology," sabi niya. Same! Wala talaga akong interes sa mga ganiyan. Meant to be ata talaga kami.


Natigil kami sa pag-uusap nang biglang dumating na 'yung inorder niya. Nanlaki mata ko at napanganga sa dami ng inorder niyang pagkain! "Enjoy your meal po," sabi nung nag-serve sa amin.


"Thank you po," sabay na bati namin parehas kay Kuya na nag-serve.


"Ang dami! Magkano 'to? Hati tayo sa bayad, ah,"


"No. I won't let you pay. I invited you so It's reasonable that I would pay for everything,"


"Oy, 20** na ngayon, hindi na uso ang lalaki lang ang nagbabayad!" sabi ko sa kaniya. He stopped for a bit then stared at me, amused.


"Woah, you're one of a kind girl, huh?"


Ang hot niya lalo! Ano ginagawa mo sa akin Ezra? Nakakainis ka! Natatameme ako. Nawala pagkadaldal ko dahil sa 'yo.


"Ano 'to?" pag-iiba ko ng usapan. Tinuro ko yung may tinapay na hindi ko alam kung ano ba talaga.


"These are fried chicken and pork bun., then Karaka Ramen and Yokohama Lekei. I ordered Okonomiyaki and tempura rolls, too," napanganga ako habang ini-explain niya lahat ng mga inorder niya. Nakabisado niya 'yon? Wala akong naintindihan sa sinabi niya talaga.


"Tara kain na tayo," pag-aaya ko. Baka kasi lumamig na siya. Ang lamig lamig pa naman dito sa loob ng Ippudo. Dapat talaga nag hoodie at sweatpants na lang ako, e.


"Yeah, let's eat first," sabi niya at nag sign of the cross. Ginaya ko rin siya na mag sign of the cross dahil nakakahiya naman kung lalamunin ko agad lahat ng pagkain sa harapan ko. Ang banal banal naman ng tao na 'to. Ako nga, isang beses lang sa isang taon nagsisimba. Kayo rin?


Dahan dahan kong hinigop yung soup nung ramen sa kutsara ko. Hindi ako maka-pig mode ngayon dahil dapat mahinhin tayo sa first date. Baka maturn off sa 'kin 'tong si Ezra kapag nalaman niya kung gaano ako ka-timawa, e.


"Are you uncomfortable? Should I sit beside you?" pago-offer niya.


Mabilis akong umiling. "Ha? Hindi naman ako uncomfortable. Mainit lang talaga 'yung soup," pagsisinungaling ko. Naiilang talaga ako na nasa harapan ko siya tapos mukhang ang expensive, girl. Grabe naman ang aura nito. Nakakasilaw.


"Eat well," sabi niya na ikinasamid ko.


Mabilis niya akong inabutan ng tissue at tubig. "Are you okay? Do you not like the food?"


"Nasamid lang talaga. Ang sarap kaya ng inorder mo," pero mas masarap ka ata. Choir! Napakahalay ko naman. Kung nakikita lang talaga ako ng mga kapatid ko, kanina pa 'ko tinukso tukso nung mga 'yon.


Tahimik kami parehas na kumakain parang ayaw niya rin kasi na nagsasalita habang nasa harap ng kainan kaya naman tumahimik na lang ako. Papa-good shot tayo ngayon!


"Are you okay now? Na-digest mo na ba?" tanong niya sa akin. Kanina pa kami natapos pero sabi niya pahinga raw muna bago kami maglakad lakad. Ang sweet niya talaga! Buti hindi pa kami nilalanggam.


"Okay na 'ko. Saan next natin?" Ang kapal ko magtanong. Hindi ko kinakaya sarili ko.


"It depends on you. Where do you want to go next?" tanong niya. 'Yung side ko lang talaga ang pinagbabasehan niya. Hulog na agad siya sa 'kin, non? Wala pa 'kong ginagawa? Ang ganda ko nga naman talaga, oo.


"Bukas ba 'yung ferris wheel dito?" tanong ko.


"I don't know. Maybe? Let's go there to find out," sabi niya at tumayo. Tumayo na rin ako at sumunod sa kaniya. Pinicturan ko muna ang likuran niya bago ako tumabi. Yes! May picture na niya 'ko!


Nakarating kami roon pero sa kasamaang palad, hindi raw bukas yung ferris wheel dahil may inaayos raw. Sayang naman. Gusto ko sana siya picturan habang nasa loob kami nung ferris wheel. Ano ba 'yan!


"I'll just answer this, Clio, stay here," pag paalam niya nang may biglang tumawag sa kaniya.


Umupo muna ako d'on sa may bench dahil ang sakit na ng paa ko. Letse kasing heels na pinasuot sa 'kin! Bakit kasi sa MoA pa 'ko nag-aya? Ang tanga ko talaga.


Marami akong nakikitang couple na nagda-date malapit sa seaside. Magiging couple rin kaya kami ni Ezra? Syempre naman, yes! Sana lang talaga gumana ang plano ko, kung hindi, pipilitin ko siya! Choir.


"Uh, Clio. My parents called me telling me to go home. Is it okay if ituloy nalang natin 'to next time?" sabi niya.


"Oo naman! Baka urgent 'yang tawag sa 'yo nila Ti---ng mga magulang mo," muntik na 'ko d'on, ah! Tita pa more, Clio.


"I'm really sorry, Clio,"


"Huh? Ba't ka nagso-sorry? Hindi mo naman kasalanan na tinawagan ka ng parents mo. Sige na, uwi ka na," sabi ko sa kaniya.


"Let's go?"


Nagtataka akong tumingin sa kaniya ulit. "Saan?"


"I'll take you home. I can't let you commute alone while wearing that dress,"

Continue Reading

You'll Also Like

15.3K 1.4K 53
an epistolary.「 color series one 」 i never wished for anything more since i am happy with my life since it is, until you came along.
71.9K 1.7K 102
Eunomia Vanerie Leviane
42.4K 1.7K 105
May number na nakalagay sa pader ng cr, 'paki-text si Junjun kasi nalulungkot' daw. E, malungkot din si Lily... ayun, tinext!
1.4M 32.4K 29
Luke and Aviona - A romance that blosssomed in a society where a governor cannot love the daughter of a prostitute. R18 Adult content