Stella Royal Games

By StarryKyamii

62.7K 2.5K 538

Which kingdom will shine the brightest? More

Stella Royal Games
Royal 1
Royal 2
Royal 3
Royal 4
Royal 5
Royal 6
Royal 7
Royal 8
Royal 9
Royal 10
Royal 11
Royal 12
Royal 13
Royal 14
Royal 15
Royal 16
Royal 17
Royal 18
Royal 19
Royal 20
Royal 22
Royal 23
Royal 24
Royal 25
Royal 26

Royal 21

1.6K 75 55
By StarryKyamii

Royal 21

Meteor's POV

"Sis, you should marry him."

Should I?

Siniko ko si Astro sa tiyan. "You can go back now."

Natatawang umalis ng kwarto ang pinakamamahal at maasahan kong kapatid, kahit na halatang-halata naman na nasaktan siya sa ginawa ko kanina.

It's his fault anyway. Magsabi ba naman siya ng ganun eh.

"Oy, 'wag mo 'kong tulugan. Hindi ka pa umiinom ng gamot." Binato ko ng unan si Blizzard. Balak na naman kasi niyang tumakas, nagtataklob na ng kumot.

"Ayoko. Pangit lasa niyan," rinig kong sagot niya sa ilalim ng kumot.

"Wag ka ngang isip-bata." Tinanggal ko yung kumot, hinila siya sa kwelyo at isinandal ko sa headboard ng kama.

I planted a gentle kiss on his cheek. At nang mapansin nagulat siya sa ginawa ko, hinawakan ko ang baba niya at ibinaba ito, pagkatapos ay mabilis na isinilid ang tableta.

Balak niyang iluwa pero tinakpan ko na ang bibig niya.

"Mmm!"

"Lulunukin mo o lalo mong malalasahan 'yan?"

He glared at me. Wala siyang nagawa kundi lunukin ito. Kumuha ako ng isang basong tubig at ibinigay sa kanya. Dali-dali niyang ininom ito hanggang sa maubos ang laman.

Dinikit ko ang likod ng kamay ko sa leeg niya. "Finally! Mukhang bumalik na sa normal ang temperature mo."

Hindi niya ako pinansin at bumalik siya sa pagkakahiga, nakatalikod sa 'kin ang pwesto. Tignan mo nga naman,kinakausap ko pa eh. Asan ang manners nito?

"Hoy Blizzard," tawag ko. "Ano bang nangyari sa'yo at nagkaganyan ka? Sabi sa 'kin ni Casey, natagpuan ka na lang ng royal guards na walang malay sa hallway. Nahawa ka ba sa'kin? May ginawa ba na naman 'yang Vega na 'yan?"

Sumampa ako sa kama at sinilip siya. "Nilason ka rin ba?"

Tinignan niya lang ako at nagtalukbong ng kumot. Aish, tinatanong ko ng maayos eh.

Umalis ako sa pagkakasampa sa kama, "Sana man lang may sinagot ka kahit isa diba?"

"Kita mong nag-aalala yung tao eh," I mumbled. Bahala siya, kung ayaw niya di wag. Pagkatapos kong magpuyat at mag-alaga.. ganito makukuha ko? Tsk.

Inayos ko muna yung mga gamit sa side table. I should get some sleep. Ngayong naalala kong ika-apat na araw na ng Royal Games at gaganapin rin mamaya ang Royal Swan Lake Tournament. Hindi ko pa nga alam kung anong gagawin ko ngayong may sakit si Blizzard.

I guess I would do a solo after all.

"Magpatawag ka na lang ng maids 'pag may kailangan ka. Babalik na 'ko ng kwarto."

"I know this is selfish but," naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko.

"Stay with me."

Dugdug. Dugdug.

Bigla akong napaupo sa upuang katabi ng kama niya. "Di mo kasi sinasabi agad. Madali naman akong kausap."

And for the first time! For the first time, hindi ko aakalaing ngingiti siya ng ganon.

I got the chance to see his perfect set of white teeth. Tapos yung ngiti niya.. parang ano.. ano umm.. ah shots! Paano ko ba ide-describe?

Napalingon ako sa ibang direksyon, kinuha ang panyo at itinakip ko sa aking mukha. Tsk, para akong baliw. Kusang ngumingiti.

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakaupo doon. Ang bilis pa rin ng tibok ng pusok ko, para akong aatakihin. Nung sinilip ko si Blizzard, mahimbing na siyang natutulog. Ang loko, hindi na binitawak yung kamay ko.

"He sure can be clingy sometimes huh." I muttered. Dahan-dahan kong inalis yung kamay niyang nakahawak sa'kin. I suddenly stopped when I heard him murmur. Tulog pa rin namans siya kaya itinuloy ko na at maingat na tinanggal ang kamay ko.

It's not like I'm going to leave his side. Anong oras na naman at hindi na ako makatulog. I might as well continue my investigation regarding the missing potion makers and spell casters underground.

Sumaglit ako sa kwarto at kinuha ang mga papeles. Pagbalik ko sa kwarto ni Blizzard, umupo ulit ako sa pwesto ko kanina at dahan-dahang ibinalik yung pagkakahawak niya sa kamay ko.

H-hindi naman sa gusto ko 'yon pero malay mo, baka may sabihin si Blizzard na hindi ako tumutupad sa usapan ganyan, ganito kaya binalik ko na lang sa dati. Nililinaw ko lang. Hindi ko ineenjoy at hindi rin ako kinikilig. This is pure sacrifice or good deed or whatever you want to call it. Basta hindi ako kinikilig at hindi ako nagte-take advantage. Understood?

Now let's get back to business. Let's see, what do we have here?

I scanned the papers. Binalikan ko ulit yung mga interview na ginawa namin, getting some data I might use as to why they are kidnapped and who is the persona behind all of this. Pinagkokone-konekta ko ang mga nangyari, and somehow they are falling into place. I do have some hypothesis in mind pero bakit ganoon? Laging may butas? Parang may mali eh.

Hinimay-himay (a cute word coming from my english lecturer back then) ko yung mga impormasyon na nakuha namin. Bakit parang may pakiramdam ako na ang ilan dito, hindi tumutugma sa mga nakuha namin? Lalo na sa mga reports ni Blizzard na isinagawa niya noong nakikipaglaban ako sa Games.

Something's wrong yet I cannot point it out clearly. Totoo ba ang mga nakalagay dito? Because the more I read into it, the more my mind gets fuzzy and messed up. Parang lalo akong naliligaw sa hindi ko malamang dahilan.

Napatingin ako kay Blizzard. Does he really trust me?

Napailing-iling na lang ako. Hindi magagawa ni Blizzard 'yon. Hindi naman niya ako ipapahamak. Bakit naman siya magbibigay ng maling impormasyon? We both want to get this job done as soon as possible so there's no way he can do that.

There's no way.

~

Later that morning, nagpatawag ng meeting si Astro. And it seems like the odds are in my favor dahil hindi matutuloy ang Royal Swan Lake Tournament ngayong araw. According to Astro, kailangan daw mag-adjust ng Council ng date dahil mukhang nagkaroon ng pagkakamali sa prediction ng Solar Eclipse. Imbes na bukas ito magaganap, sa susunod na araw pa ito mangyayari kaya naman kailangang i-move ang last day ng Games, pati na rin ang pinakaaabangan Ballet Tournament ng mga Royalties. But the sudden change of schedules doesn't mean there will be no Games for today. Ang hindi natuloy na event kahapon na sinalihan ni Rai, ngayon magaganap.

After the meeting, pinatawag ko sina Alice at Leona.

"How's Tyrone?"

"It's no good Ate Meteor. Lahat na ng nalalaman naming dalawa ni Ate Leona about potions, sinubukan na namin to cure him. Pero wala pa ring epekto. And he's getting worse." Sagot ni Alice.

"Ateng, hindi na ito kaya ng powers ko. Ibang level na 'to." Segunda pa ni Leona na naiiyak na.

"Well, we can't just give up on him, can we?" Kinuha ko yung mga papeles na nakapatong sa lamesa na nasa tabi ng upuan ko at ibinigay ito sa kanila. "There's something going in the Underground regarding the Potion Makers and Spell Casters. I did some research and I want you to meet someone. Baka makatulong siya sa'tin."

"That's Sara, granddaughter of one of the potion makers I'm investigating. I think she can help you about Tyrone's case." I added.

They quickly scanned the documents I've given. Pagkatapos ay inayos nila ito at hinarap ako.

"Eh paano si Winter, Ateng? Sinong mag-aalaga sa kanya?" tanong ni Leona.

"I still have some work to do in the Underground after lunch so can you do this overnight? Ipuslit niyo na lang si Winter dito. Ako na ang bahala sa kanya."

"Sigurado ka ba dyan ate Meteor?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Alice. "Eh paano kung makita siya ni Queen Siliria?"

"I can handle this. Ang mahalaga ngayon, ang gamot ni Tyrone. Pagkatapos naming mag-lunch nina Mom at Astro, I'll have Casey change into my form. May aayusin lang ako sa Underground and I'll try to get back before 6."

"Sige Ateng/Aye aye Ate Meteor!" Sabay nilang sagot. 

Tinapik ko sila sa braso. "We can do this. We'll help Tyrone and survive this together, okay?"

They smiled and we suddenly had a group hug, courtesy of Alice, the ever clingy princess.

Pagkatapos ng meeting namin sa kwarto ko, dumiretso ako sa kwarto ng pinakamamahal at maasahan kong kapatid.

Binuksan ko ang pinto at pumasok. I found him holding a wooden sword, mukhang nagt-training sa loob ng kwarto niya.

"You know we have a training ground in here right?" tanong ko.

"You know I'm not good with this right?" balik naman niya sa'kin. "Mapapahiya lang ako."

Napailing-iling na lang ako sa sinabi ni Astro. "Whatever. Anyway, cover up for me will you? Kailangan ko lang  bumisita sa Underground ngayong umaga."

"Ano?!" Humarap sa'kin si Astro at itinapat ang wooden sword na hawak niya. Napaatras ako.

"Hey, watch it!" Sabi ko nang muntik na akong matamaan.

"Teka, kakapaalam mo lang sa'kin kanina na after lunch ka pa pupunta doon ah!"

"Change of plans. I need to do something so bahala ka ng magpalusot kay Mom."

"Oy, Meteor. Abuso ka na ah," he said while moving his wooden sword up and down as if it is the one talking to me. "You can't go. May bisita tayo."

I grunted. "Sino na naman?"

"Queen Arcturus and her son, Prince Ice."

Ugh! Bakit ba ngayon pa sila sumasabay? Kainis!

"What do they want anyway?" I asked.

Astro shrugged, "I have no clue, but they're going to have lunch with us so you better prepare yourself."

"And you can't go," he added.

"Fine. Saglit lang ako sa underground. Bye kuya!"

"Meteor!" Tinawag niya pa ako pero kumaripas na ako ng takbo papuntang kwarto para isuot ang maskara at cloak ko.

I really need to visit him. I have a huge favor to make.

~

"What brings you here, Fourth?" tanong ni First. Nasa 'office' niya ako ngayon, the main room of the Shadows Headquarters somewhere here in the Underground.

"I'll get straight to the point, First." Huminga ako ng malalim. "I have a favor to make."

"And what is it?"

Sinabi ko sakanya ang tungkol sa misyon namin ni Fifth Shadow o ni Blizzard. I said I already have some hypothesis pero may mga gumugulo sa'king impormasyon. I asked his permission to do this on my own, but without saying anything about this to Blizzard. Hindi naman sa naghihinala ako pero I need to take caution.

I can't let my guard down.

"As for my favor, First. I know this is too much to ask but can you find out who's Blizzard for me?"

"And may I ask the reason why?"

Ngumiti ako. "If you don't mind, it's a classified information."

Tumango-tango si First. "I see. I owe you one so do expect that your favor is granted. But I do have a question, though."

"Anything, First."

"Is this a request from the Fourth Shadow or a personal request form the princess of the Sirius Empire?"

Lalong lumawak ang ngiti ko. First sure knows me too well huh.

"A personal request from the Princess of the Sirius Empire."

By twelve noon, pinatawag na kami ni Mom para sa isang 'lunchdate' kasama ang dalawang bisita galing sa Arcturus Empire. Si Astro, alalang-alala na baka ma-late ako ng dating, but I made it on time (Well, I arrived ten minutes ago, that is. Thanks to Casey's ability that I was able to prepare in a matter of few minutes).

"Why if it isn't the Prince and Princess of Sirius Empire. I am glad to see that both of you are in good shape," bati ni Queen Arcturus. Kinamayan siya ni Astro habang nakipagbeso-beso naman siya sa'kin.

Hinarap ni kuya si Prince Ice, ang kasalukuyang Team Captain ng Arcturus Team. They both give each other a firm handshake. Pagkatapos ay sa akin naman natuon ang tingin ni Prince Ice, he held my right hand and kissed it gently.

Niyaya kami ni Mom na kumain. Most of the talking were done by the two Queens. Una nilang pinag-usapan ang current issue tungkol sa iba't ibang kingdoms, na napunta sa Games which required the involvement of the two Team Captains, Astro and Ice. Hindi ko alam pero kahit na kalmado ang dalawang prinsipe, nararamdaman kong hindi pa rin nila nakakalimutang magkalaban sila sa isang paligsahan. After that, hindi na ako nakinig sa usapan nila. Ang bilis ng transition ng mga topics at isa pa, ang boring. Ang dami pa nilang sinasabi. I was busy eating when something caught me.

"Don't you think it's time to merge our empire?"

Pasimple akong tumingin kay Astro na katabi ko. He was also surprised too. I was trying to give him eye signals na ibahin ang usapan but it's too late.

"Matagal na nga naming pinag-uusapan ni Leo 'yan," sagot ni Mom. "Sa totoo lang, wala namang kaming tutol pagdating sa usapang 'yan. And truth to be told, pinag-iisipan ko na kung anong magiging theme ng wedding."

Lalong lumawak ang ngiti ni Queen Arcturus. "Naku, akala ko ako lang ang early bird. May makakasama na pala ako."

Nagtawanan sila, and just like that parang nagkaroon ng sariling mundo ang dalawang reyna. Discussing all the things included in the wedding. Kung anong theme, kulay ng gown, ringbearer, saan ang reception at kung ano-ano pa. Para silang mga batang babae na nagd-daydream.

Hindi na halos ako makakain ng maayos dito. Ang dami ko pang iniisip. Sumasabay pa 'tong pinakamamahal at early bird 'kuno' kong nanay.

Ugh, mukhang magkakasakit ulit ako dito.

Nagulat ako nang bigla akong sikuhin ni Astro. Ugh, lumulutang na naman ako.

"Meteor? Are you alright?" Tanong ni Mom.

"Yes, definitely."

"Say Princess Meteor," dumako ang atensyon ko kay Queen Arcturus na mukhang excited na excited. Oh my god, may masama akong kutob sa susunod na sasabihin niya.

"Ilan ang gusto niyong maging anak ni Prince Ice?"

~

Kyamii's Note: Isang lutang na update mula sa isang lutang na author. Ang alam ko kasi ire-reveal ko na dapat si Blizzard eh, di ko alam kung bakit naging ganyan. Hahaha. But anyway, question for the day: Sino si First at bakit kilala niya si Meteor? At matulungan kaya ni Sara sina Leona at Alice?

Hindi ko na alam kung kailan susunod na update, baka matagalan ulit. Pasukan na namin eh. So yeah, habang nag-aantay kayo, why don't you try House of Cards? Kung gusto niyo lang naman. HAHAHA Just click on the external link and prepare to enter a new world. :bd

Anyway, have a nice day!

Continue Reading

You'll Also Like

185K 12.9K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...