Take It Slow

By saraengs

232K 5.3K 1.4K

in which a boy from ADMU who aspires to be a priest to serve God and help people, however, appears to change... More

i n t r o
c a s t
O1
O2
O3
ー O4
ー O5
ー O6
ー O7
ー O8
ー O9
ー 1O
ー 11
ー 12
ー 13
ー 14
ー 15
ー 16
ー 17
ー 18
ー 19
ー 2O
ー 21
ー 22
ー 23
ー 24
ー 25
ー 26
ー 27
ー 28
ー 29
ー 3O
ー 31
ー 32
ー 33
ー 34
ー 35
ー 36
ー 37
ー 38
ー 39
ー 4O
ー 41
ー 42
ー 43
ー 44
ー 45
ー 46
ー 47
ー 48
ー 49
ー 5O
ー 51
ー 53
ー 54
ー 55
ー 56
ー 57
ー 58
ー 59
ー 6O
ー 61
ー 62
ー 63
ー 64
ー 65
ー 66
ー 67
ー 68
ー 69
ー 7O
ー 71
ー 72
ー 73
ー 74
ー 75
ー 76
ー 77
ー 78
ー 79
ー 8O
ー 81
ー 82
ー 83
ー 84
ー 85
ー 86
ー 87
ー 88
ー 89
ー 90
ー 91
ー 92
ー 93
ー 94
ー 95
ー 96
ー 97
ー 98
ー 99
ー 1OO
ー 1O1
ー 1O2
ー 1O3
ー 1O4
ー 1O5
ー 1O6
ー 1O7
ー 1O8
ー 1O9
ー 11O
ー 111
ー 112
113
114
115
116
117
118
119
12O
121
122
123
124
125
126
127
128
129
130
ー outro
ー note
what to read next?

ー 52

1.8K 50 4
By saraengs

CLIO'S POV

"Dalian mo nga kasi, Daph! Kay haba haba ng legs mo tapos napakabagal mo maglakad. Ano silbi n'yan?" Reklamo ko kay Daphne na ubod ang bagal sa paglalakad. Kanina pa 'yan, jusko. Nagmamadali nga ako dahil nag-text na si Ezra na malapit na siya.


Hindi sana ako nagmamadali ngayon kung hindi dahil sa mga panira kong professor na kinancel yung discussion tapos biglang sasabihin na may pasok last minute. Takte talaga, ang sasarap nilang itapon sa bermuda triangle. Sinisira nila ang araw ko! May date pa naman ako.


"Take it slow nga raw, e. Maunawain naman 'yon si Ezra. Huwag kang kabahan d'yan," sabi niya sa akin.


Inirapan ko siya at hinampas. "Hindi ako pagong, hano? Kakaladkarin na talaga kita!" inis na sabi ko sa kaniya.


Ang gaga kasi mas lalong binagalan ang paglalakad! Kung hindi ko lang talaga siya kailangan na ayusan ako, iniwan ko na 'to rito. Bwisit. Hindi kasi ako sanay mag-make up, e. Makapag-practice na nga mamaya pag-uwi ko.


"Yo! Saan punta?" biglang bungad sa amin nung isa naming lalaking blockmate na lagi akong dinidikitan. Hindi ko alam kung may gusto 'yan sa akin pero lagi siyang sumusulpot sa lahat ng dinadaanan ko. Kabute ka, bHie?


"Wala kang pake," sabi ko at hinila na si Daphne papaalis.


"Gaga, ang harsh mo," natatawang sabi sa 'kin ng kaibigan ko.


Aba, nagmamadali na 'ko, bwisit pa 'ko dito sa katabi ko tapos bigla akong tatanungin? Sorry not sorry.


Shet. Naglisawan mga couples dito sa Lovers' Lane. Ang sarap nilang sigawan ng 'Mag b-break din kayo' pero medyo matunog pangalan ko baka ma-bash ako.


Mabilis lang kaming nakarating sa dorm dahil walking distance lang naman 'to sa UST. Buti na lang talaga at malapit lang kung hindi, hindi ko na alam gagawin ko. Baka natulak ko na sa kalsada si Daphne.


Dapat nakaayos na talaga 'ko, eh! Epal talaga mga professor na 'yon. Kung hindi ko lang talaga sila kailangan para maka-graduate, binara ko na sila. Joke! Bad 'yon, bad. Wag gayahin mga bata.


Papakabait na nga ako para kay Dolphin ko, para hindi ko masira good boy image niya. Kaya sorry na agad sa blockmate ko na nasungitan ko kanina. Hindi ko po sinasadya.


"Ito suot mo," inabot sa 'kin ni Skye ang kulay light blue polka dots dress na above the knee. Mabilis kong hinagis sa kaniya 'yon pabalik dahil ang pangit.


"Ang ikli! At ayoko ng polkadots, huy. Ano 'to? New year?" reklamo ko.


"Wala tayong patutunguhan nito, Clio. Gusto mo mag-gown ka nalang para bongga na?" sarkastikong sagot sa akin ni Skye. Kung pwede nga lang mag wedding gown, why not?


Pumikit ako at pilit na ikinalma ang sarili dahil baka konti na lang, masasampal ko na mga kaibigan ko.


Self, magpigil ka. Kaibigan mo sila, okay?


"Meron pa naman sigurong dress d'yan si Chanel," sabi ko.


Tumayo na ako para ako na mismo ang maghanap. Nakakahiya naman sa kanila. Sobra akong nahihiya talaga.


Naghanap ako roon sa cabinet ni Chanel. Kakamove out lang niya dito sa dorm dahil gusto raw niya mas malapit sa Ateneo. Buti na lang at iniwan niya yung iba niyang damit kung hindi, wala akong masusuot na damit ngayon. Ayoko namang maghubad baka maturn-off sa 'kin si Ezra. Baka buhusan ako ng holy water n'on!


"Eto na lang! Hindi ba OA 'to?" tanong sa kanila habang pinapakita yung dress na napili ko.

"Maganda naman," sabi ni Daphne. Naman? Ako lang ba ang ayaw ng nakakarinig ng naman sa mga compliments? Para kasing napilitan lang or may kulang pa, e.


"Naman?"


"Maganda! Sobrang ganda! Sige 'yan na lang. Wala naman kaming magagawa," sagot ni Skye. Thinumbs up-an ko siya pero nag middle finger lang siya. Wow, ang bastos!


"Umupo ka na dito. Bagal mo," tinuro ni Daphne yung upuan at syempre, ako na napakamasunurin, umupo ako d'on.


"Hello, Ma'am! Ano pong mapaglilingkod ko sa inyo?" biglang tanong sa akin ni Daphne.


"Paki-make up-an ako, alipin," napayuko ako nang bigla niya akong binatukan. Aba! Nagtatanong siya kung ano gusto kong ipagawa sa kaniya tapos batok aabutin ko?


"Wala akong time makipag-role play sa inyo. Bilisan niyo na lang, please. Baka nag-aantay na sia d'on," sabi ko.


Sinimulan na ilatag ni Skye 'yung mga make up niya na fake naman. Choir!


May nakita akong mga Mac products at Etude House na eyeshadow palette. Sa pagkakaalam ko, mahal 'tong mga 'to ah. Ninakaw lang siguro ni Skye 'to?


"Totoo 'to? Hindi fake? Sure?" sunod sunod kong tanong kay Skye nang makita ko na may Glossier na cloud paint d'on sa nilatag niya na make up.


"Mukha ba akong bibili ng fake? Binigay sa 'kin 'yang ate ko," sabi niya.


"Oo, fake ka rin, e," pambabara ko sa kaniya na dahilan kung bakit naka-abot na naman ako ng batok mula sa kanila. Hilig nila 'kong batukan! Ano bang meron sa ulo ko? Masyado bang maganda kaya gusto nilang papangitin? Pretty people problems nga naman.


Binibiro ko lang naman si Skye. Siya kaya ang pinaka-genuine na kaibigan na nakilala ko. Kapag may mali siyang nakikita, pino-point out niya agad. Basta. 'yun na 'yon.


"Daph, eto ah. Yung glossier para natural looking lang. Napanuod ko 'yan kay Rei Germar!" kwento ko kay Daphne na nilalagyan ako ng something na medyo malagkit.


"Foundation ba 'yan?" tanong ko at tumango naman agad si Daphne. "Hoy, ayoko n'yan! Mabigat sa mukha. BB cream lang! Kikitain ko rin naman bb ko, e."


"Takte. Saan ka nagmana ng kalandian?" naiinis na tanong sa 'kin ni Daphne.


"Sa 'yo," tipid na sagot ko dahil tumahimik na raw ako, nahihirapan na raw siyang lagyan ako ng make up. Sumunod na lang ako dahil baka bigla siyang mag-walk out. Mahirap na.


"Ano 'yan contour? Ayoko n'yan!" reklamo ko kay Daphne.


"Alam mo puro ka reklamo, peste ka! Tsaka konti lang ilalagay ko. Magmumukha kang siopao kapag 'di kita nilagyan nito,"


"Drunk blush ah, para siopao asado na," pagbibiro ko na kinatawa naman nilang dalawa. Ang funny ko talaga! Proud siguro si Ezra sa 'kin ngayon.


"Ano 'yan? Lipstick?" tanong ko nang akmang papahiran ako ni Daphne ng lipstick.


"Hindi, crayola 'to." pamimilosopo niya.


"Ayoko n'yan! Mabigat sa labi. Baka ma-stuck pa sa ngipin ko. Magl-liptint na lang ako," sabi ko sa kaniya.


"Nakakapagod ayusan 'tong kliyente mo, Skye. Ang sarap itapon sa basurahan," sabi ni Daphne at humilata doon sa kama ni Skye. Sobrang ganda ko naman para itapon sa basurahan, duh.


"Uuwian ko naman kayo ng pasalubong mamaya!" pambawi ko.


"Ano?" tanong ni Daphne.


"Pagmamahal ko," sabi ko sa kaniya at nag-finger heart. Biglang nandiri yung mukha niya at binato ako ng unan.


"Huwag ka nang umuwi," sabi niya.


"Kay Ezra ako uuwi, ano ka," banat ko. Parehas lang nila akong inirapan. Natawa na lang ako dahil pikon na pikon na 'yung dalawa sa 'kin. Imbes kasi na namamahinga sila ngayon, inayusan pa nila ako. Anong magagawa nila? Kaibigan nila ako, e.


"Hoy, may text si Ezra," sabi ni Skye at hinagis sa 'kin ang phone ko. Dali dali ko 'yun na sinalo dahil iPhone 'yon!


"Putarages ka, Skye! Wag mo nga binabalibag. Mamamatay ako ng maaga dahil sa 'yo," reklamo ko sa kaniya.


Kapag 'to nasira, wala na 'kong cellphone, tapos 'di ko na makakausap si Ezra! Ayoko mangyari 'yon no! Lalo na't may plano na ako.


Binasa ko na 'yung text ni Ezra at hindi ko napigilan na ngumiti. Para na kaming mag jowa nito!


"Umuulan?!" gulat na tanong ko.


"Umaaraw," pamimilosopo ulit ni Skye.


"Wala kang kwenta," sabi ko.


Nireplyan ko na si Ezra at sinend ko na rin address ko dahil tinatanong niya. Kahit naman hindi niya itanong, is-send ko, e. Ganon ka kalakas sa 'kin, Ezra! Kung alam mo lang! Nang-gigigil ako sa 'yo!


"Bye, slapsoils!" paalam ko sa mga kaibigan ko na tinulungan ako sa kalandian ko. Hindi nila ako binati pabalik dahil sinara agad nila yung pinto. Mga bastos talaga, oo.


Naglakad na ako papunta sa labas para makita ako ni Ezra.


Ngayong mag-isa ako, bigla akong nakaramdam ng kaba. Kaninang kasama ko mga kaibigan ko, wala naman akong pakialam tapos hindi man lang ako nakaramdam ng kaba, pero ngayong mag isa ako, sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Nanlalamig pa 'ko!


Shet. Sana wala akong magawang katangahan mamaya talaga, susme.


Binuksan ko ulit yung phone ko para i-message si Ezra na nandito na 'ko sa labas ng dorm namin. Nag-browse muna ako sa facebook ko para naman malibang ako at ma-divert ang attention ko. Sobrang nanlalamig na kasi ako sa kaba.


"Clio?"


Punyeta.


Nakakita ata ako ng anghel!

Continue Reading

You'll Also Like

168K 9.6K 49
Porcia Era Hart x Chrisen
20K 625 102
an epistolary. - completed (Heartscent Series #2) Zephyr is running a small cupcake business to help her parents on her upcoming college expenses. On...
725K 17.7K 123
𝗲𝗽𝗶𝘀𝘁𝗼𝗹𝗮𝗿𝘆 | 𝗽𝗲𝗿𝗲𝗻𝗻𝗲 #𝟭 A girl who took the chance of saying hi to a boy she likes. © May 2020
67.2K 1.4K 84
Azura Everlyn Zamora is the feature writer in their school's newspaper team. She's really passionate about writing and is real good at it. She has be...