Do more of what you love.

Par prttysoleil

64 3 0

Angelica Maxine is a student at Calter School in the 10th grade She is a good student and child, which is why... Plus

chapter 1
chapter 3

chapter 2

22 1 0
Par prttysoleil

Ela's POV

Kring ,kring ,kring

Aish ang ingay ah.

Tiningnan ko agad ang alarm clock ko. "5:30 na pala,"  nakatulog na pala agad ako kagabi .

Bumangon na agad ako at dumiresto sa damitan ko. Kinuha ko agad ang undergarments ko at ang uniform ko na nakasabit ron. Inilapag ko agad yon sa aking hinigaan.

Dumiresto agad ako sa cr at naghilamos. Ginawa ko na rin ang morning routine ko. Binalot ko ang sarili ko ng tiwalya bago lumabas ng cr.

Nagbihis agad ako ng uniform . Lumapit na ako salamin at nagsuklay  naglagay din ako ng powder at liptint sa may left side non kung saan nakalagay lahat ng mga nilalagay ko sa mukha at katawan.

"6:45 na,Kinuha ko na ang bag ko bumaba na.

"Good morning ma"  Bati ko kay mommy ng nakita kong nasa kusina at nagluluto pa ng hotdog at ham. Lumingon namn sya sakin at ngumiti. Nagpunas muna sya ng kamay sa basahang nasa tabi nya at lumapit sakin "oh halika na dito at mag agahan na, " dumiresto na ako sa lamesa at nagsimulang kumain

"Ma, Si Axel po?"  Maghapon ko syang hindi nakita kahapon ah tapos ngayon wala padin?. Saan nanaman kaya nagsusuot ang lalaking yon "oh  miss mo agad ako ha," speaking of the devil.

Pagkababa nya ng hagdan dumiresto agad sya sa lababo at naghugas ng kamay, nakabihis na rin pala sya ng uniform. wow aga nya ata magising ngayon?

Hindi ko na sya sinagot at nagpatuloy parin sa pagkain ko.

"Hey! Bakit hindi nyo ko sinama kahapon? Nag mall pala kayo ni ate Vien ,Eh kulang pa yung gamit ko" dagdag nya pa, sabay upo sa tabi ko at nagsandok ng pagkain nya.

Inis ko syang nilingon "Aba! Sino banaman tangang maghahanap sa ayaw magpahanap ha?! " Aba! eh lagi ko syang hinahanap dito sa bahay. Kaya hindi nako nagtangkang hanapin sya dito . Lagi syang nasalayasan o kung Hindi  naman ay nasa bahay ng mga kaybigan nya.

"Eh alam mo naman kung nasan ako" pagdadahilan nya pa .

"Alam mo naman bahay nila mark eh ,bakit dika pumunta don?" Dagdag pa nya.

Nangunot nalang ang noo ko sa mga dahilan nya. Pwede naman syang pumunta ng mall mag isa ha?.
Pwede rin naman syang magpasama sa mga kaibigan nya.

"Alam mo naman palang kulang kapa sa gamit bakit naglalayas kapa!" Singhal ko sa kanya. Hindi naman sya sumagot pa. tsk

Kulang pa pala sa gamit kung ano ano pang inaatupag.

Maya maya ay biglang tumayo si Axel kaya napatingin ako sa kanya at sa plato nya. wala pang 10 minutes yun ah

Tinapos ko na agad ang pagkain "Ma alis napo ako!" Baka magalit si Axel at hindi ako hintayin ng mokong nayun.

Pagkalabas ko ay nakita ko na agad ang kotse na nakaparada sa gate.

Sumakay na agad ako sa tabi nya "Hoy Axel, ano pa bang kulang mo?Kung Hindi lang talaga ako aalis mamaya Hindi ko na sya tatanungin.

"Ititext na lang kita o kung gusto mo samahan na lang kita" Tanga ba sya?, Ayoko nga syang kasama sa bahay sa labas pa kaya?  "Wag na, kasama ko si Maurice, hindi pa sya nakakabili ng gamit nya," paliwanag ko sa kanya.

Kung sasama pa sya baka maubos ang pera ko at wala na akong magamit kung gagala kami ni Mau.

Hindi na sya sumagot. Umalis na agad Kami ng bahay. Baka malate pa Kami first day of school panaman. Sana kaklase ko si Maurice. Marami naman akong friends pero si Maurice ang pinaka gusto ko. Simula kasi elementary ay mag kaklase na kami . Hindi na kami lumipat ng pa ng school kasi may pang Highschool naman don . Dun din nag aral si ate simula elementary kaso lumipat na sya sa ibang school nung nag college na sya. Si Axel naman at ako at dito na rin. Parehas naman Kami 3nd year high school kaso mas matangkad sya sakin.

Nakarating na agad kami sa Calter School. Marami na agad ang estudyante na makikita. Pinark ni Axel yung kotse na sa may tabi ng gate.

"Hey!.." biglaang tawag sakin ni axel ng buksan ko ang pinto ng kotse nya, ayoko kasi mag drive ng kotse ko kaya sumabay nalang ako sa kanya, napataas ang kilay ko bago ko sya lingunin.

" Ahh...pwedeng...ano...penge pera... please,"  Ano ba ang ginagawa nya sa pera? May allowance naman na binibigay si mommy sa amin ah. Staka monday palang ngayon wala pa paniguradong bawas yun dahil kakabigay lang,

"At bakit?"  Kung saan nya dadalhin ang pera ay hindi ko alam "Ah bibili pa ako ng pagkain sa cafeteria eh...gutom pako," Dahilan nya pa.

lalo pang na pataas ang kilay ko sa sinabi nya "Kakabigay lang ni mommy ng allowance ha!" Inis na sabi ko sa kanya, tuluyan ng sinara ang pinto ng koste nya at humarap sa kanya.

Saan nya ba kasi dinadala yun "Ah yung allowance ko kasi naiwan ko sa kwarto ko, sorry na, babayaran na lang kita mamaya," stk sinungaling

Kahit ganon sinabi ng  isip ko ay hindi naman lumabas ng bibig ko. Binigyan ko padin sya nakakaawa naman kung totoong naiwan nya yung allowance nya, Matakaw pa naman syang kumain kaya laging gutom.

Andito nako ngayon sa tapat ng bulletin board Kung saan naka sulat ang mga pangalan ng section. Agad kong nakita yung pangalan ko kaya dumiresto nako roon. Nakita ko din ang pangalan ni Mau kaya paniguradong magkaklase kami.

Dumiresto agad ako sa pinakadulong upuan Kung saan natanaw ko na agad si Maurice.

"Ela! Ang daming sale na damit at bag sa mall ngayon!," Ang ingay ingay talaga nya, nakakamiss din ang boses nya dahil almost 2 weeks kaming di nagkita.

"Alam ko, kaya wag kanang maingay," yun nlang ang sinabi ko dahil nakapasok na yung magiging adviser namin.

Kahit matanda na sya ay maganda parin sya.

"Magandang umaga students, Ako nga pala si Amie Sarmiento, ako ang magiging teacher nyo sa Filipino at adviser narin"

Nag pakilala narin kami pagkatapos nya. Yung iba kong kaklase ngayon at naging kaklse ko na rin noon kaya hindi na mahirap tandaan yung ibang pangalan.

***

Lunch time na ngayon at marami narin akong estudyanteng nakikitang nagkalat sa buong  cafeteria.

Wala naman kaming masyadong ginawa kaninang umaga nagpakilala lang at nagsulat ng mga importanteng bagay daw.

Nakapila ako ngayon habang si Maurice naman ay naghahanap ng mauupuan naming dalawa.

Ako na kasi ang nagpresintang pumila at sinabi ko sa kanya na siya na ang mahanap ng mauupuan namin ngayong lunch.

Habang naghihintay ako sa pila ay napansin ko agad si Grace .

Si Grace ay isang nerd. Lagi syang binubully dito kaya agad mo syang mapapansin. Maganda naman sya kung magaayos lang.

Maputi, singkitin yung mga mata nya, may matangos na ilong at may mamulamulang labi, napansin ko lahat yun kahit naka salamin sya, may hawak din syang libro sa kaliwang kamay nya, balita ko rin ay matalino ito.

Kahit sa cafeteria nagaaral?

Ewan ko ba sa kanya kung bakit sya nagpapabully kung pwede naman syang lumaban. Kung ako kasi ang  tatanungin ay kayang kaya nya yang mga yan.

Magaling sya magkarate, may time kasi na napapadaan ako kung saan sila nag p-practice kaya alam ko.

Minsan nga gusto ko syang lapitan , nahihiya lang ako na baka lalo nya akong lumayo sya, halata namang mailap sya sa mga hindi nya close.

Pumunta ako sa pwestong napili ni Maurice na daladala na ang lunch na binili ko para sa aming dalawa .

"Bakit ang init naman sa pwestong napili mo?!" Paano banaman kasi ay sa may tapat pa ng araw nya napiling umupo.

"Eh, tingnan mopo kasi yung buong cafeteria ng malaman mo kung bakit dito tayo napadpad!"

Nilibot ko nga ang aking paningin sa buong cafeteria . Grabe naman pala sa dami ng estudyante ang cafeteria. Akala mo may isang magarbong event na mangyayari sa dami ng estudyanteng nagkalat.

"Dun nalang kaya tayo sa may garden? Ibalik nalang natin to mamaya?"  Paano kaya kami makakain nito kung ganito karami ang mga estudyante dito para akong a
aatakihin nito ng hika sa dami ng tao.

"Sige, pero baka malate tayo sa afternoon class natin, malapit na kasing mag 1 o'Clock " napatingin narin ako sa relo kong suot, mag o-one na nga .

"Edi wag na tayo pumunta sa garden at sa afternoon break nalang natin kainin ang  kanin tapos etong egg sandwich nalang muna ang kainin natin ngayon".

Yon nalang ang ginawa namin ni Maurice tutal 10 minutes nalang nag meron kami.

"Ela..."

"hmm?"

"Nasaan nga pala yung kambal mo?" basag nya sa katahimikan habang naglalakad kami papunta sa room.

Andito na kami ngayon sa hallway ng grade 10, pabalik na kami ngayon sa classroom kaya dumadaldal nanaman sya.

Woah...

Napataas ang kilay ko nung humina ang boses nya sa salitang kambal .

Oh I forgot!, Kakambal ko si Axel at may crush si Mau sa kanya, malas nya at hindi namin kaklase ang kakambal ko.

"Axel?, Nasa classroom siguro sya?"  Patanong na sagot sa kanya .

Hindi nanaman na sya nagsalita kaya hindi nalang din ako nagsalita.

"W-wait...!  , E-la l-look....!" Halos manlaki ang mata ni Maurice habang nakaturo sa tapat ng isang silid.

Dahan dahan ko namang nilingon iyon at halos malaglag ang aking panga sa nakita.

Oh my god...

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

154K 22.8K 106
Translation novel Unicode only Zawgyi users များ page မှာဖတ်လို့ရပါတယ်ရှင်
297K 8.2K 137
"𝑻𝒉𝒆𝒓𝒆'𝒔 𝒓𝒆𝒂𝒍𝒍𝒚 𝒏𝒐 𝒘𝒂𝒚 𝒐𝒇 𝒘𝒊𝒏𝒏𝒊𝒏𝒈 𝒊𝒇 𝒊𝒏 𝒕𝒉𝒆𝒊𝒓 𝒆𝒚𝒆𝒔 𝒚𝒐𝒖'𝒍𝒍 𝒂𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔 𝒃𝒆 𝒂 𝒅𝒖𝒎𝒃 𝒃𝒍𝒐𝒏𝒅𝒆."
656K 15.7K 100
Evelyn Claire Bennett never thought this would happen to her. Not in a million years. How could something that was meant to be temporary have a las...
155K 5.6K 26
فيصل بحده وعصبيه نطق: ان ماخذيتك وربيتك ماكون ولد محمد الوجد ببرود وعناد : ان مارفضتك ماكون بنت تركي !