The Devils King 2

By RhettVaughn

5.2K 661 99

Matapos ang mapait na sinapit ni Dallas buhat ng mamatay ang Dirk na minahal niya noon ay ipinangako niyang g... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
FINAL CHAPTER
Author's Note
Part 3 Update!!!

CHAPTER 42

78 12 0
By RhettVaughn


Dallas Arthemis Columbus POV


Tahimik na sinusundan ko ng tingin si Dirk habang nauuna itong maglakad saakin. Pinapagapang din nito ang mga daliri nito sa rehas ng soccer field kung saan dati itong naglalaro. Alam kong pinapanood nito ngayon ang mga estudyante't bagong manlalaro ng liga namin na para bang naalala nito kung ano lang ito noon.


"Ikaw din ba yung ace player namin dati?" Tanong ko dito ng bahagyang mabato na ako sa panonood lamang dito.


Tumungo kami sa Crystalizae University kanina ng mabilis na matapos ang art exhibit and auction nito dahil sa dami ng mga mamamayang Novalian ang nakilahok at bumili. Bukod pa sa nabanggit ay hindi naman na talaga kailangan pa ang presensya nito dahil hindi din naman ito nagpapakilala na ito si D.Z.


"Huy?" Kuha ko ulit sa atensyon nito.


Aba!? sinama-sama mo ako dito tapos feeling looner kalang din naman pala diyan? Hindi ka panga abswelto saakin tapos kung umarte ka akala mo sino ka!


Inis na sambit ko sa isip.


"Tuwing finals lang ako naglalaro." Sagot na nito sa wakas.


Natigilan ako sa nalaman kong yun.


Now that explains a lot kung bakit halimaw ito tuwing finals!? Noon kasi ay iniisip lang namin na baka nire-reserved lang nito ang lakas nito para sa finals yun pala magkaibang manlalaro narin ang aming nasasaksihan.


Magaling din naman ang Dirk na minahal ko noon pero iba talaga ang laro nito tuwing finals na siyang nilalaro pala ng hari ng mga demonyo.


"Hmmmm." Tumatango-tangong sagot ko nalang dahil nababagot na talaga ako dito.


Tila naramdaman naman nito ng mabilisan ang mood ko ngayon kaya huminto ito sa paglalakad nito para hintayin at sabayan na ako.


"Alam mo bang magaling ako sa lahat ng uri ng mga sports?" Tanong nito saakin.


Hindi ko alam kung tanong nga lang ba yun o another pagyayabang nanaman!


"Ah, talaga?" Alanganin na tanong ko.


"Sa tuwing may mga bagay na ipinapagawa saakin o mga bagay na napapag-interesan kong gawin ay hindi maaring hindi ako mag excel sa mga 'yon." Kwento nanaman nito na hindi ko alam kung para mag yabang lang ba talaga o ano?


"Edi ayos, ikaw si Mr. Perfect!" Puri ko dito bagama't may pagkasarkastik yun.


"We both know that I'm not." Seryosong wika nito.


Sapat na ang kaseryosohan ng mukha nito para malaman kong hindi lang ito naririto para mag yabang.


"Sa katunayan, sa dami ng mga sports na alam ko ay nahirapan akong mamili kung ano ang sasalihan ko noon sa university. Basketball sana ang sasalihan ko kaso umiral ang pagiging loko-loko ko." Anito sabay ngisi na parang may naalala itong kalokohan.


"Bakit? Anong ginawa mo't nauwi ka sa soccer?" Tanong ko dito.


Tumingin ito saakin.


"Ang yabang kasi ni Gladys noon na kesyo siya daw ang magiging kapitan at magiging number one soccer player. Sa lahat daw ng sports ay dun lang niya ako matatalo kaya naman ipinakita ko sakanya kung sino ang totoong ace-player ng soccer." Kibit balikat na sagot nito.


Apaka sama talaga ng ugali nito!


Very competitive!


"Alam ko nasa isip mo." Naiiling habang nakangising wika nito. "Pero masisisi mo ba ako kung buong buhay ko ay wala nalang ako ginawa kung di makipag kumpitensya sa mga nilalang na nasa paligid ko?" Tanong nito saakin sa muling pinaka seryosong mukha.


Natigilan ako.


"Kumpitensya sa kapatid ko, kumpitensya sa mga kaibigan ko para makuha lang ang atensyon ni mama at kumpitensya sa sarili ko para makuha ang atensyon mo." Kwento nito.


Natigilan nanaman tuloy ako sa sinabi nitong yun.


Kung ganun, mortal na kaaway na rin pala ang tingin nito sa sarili nito dahil lang sa pakikipag kumpitensya nito na hindi naman na dapat nito gawin pa dahil umpisa palang ito naman na ang panalo.


Talaga ba, Dallas?


Tanong ko sa isip ko nung maalala kong kasama nga pala ako sa ini-impress nito.


"Nandito ba tayo sa university natin para mag emo o mag saya?" Pag-iiba ko nalang sa usapan naming dalawa.


Subalit sa halip na sagutin ay mabilis na itinaas nito ang kaliwang kamay nito para takpan ang mga mata ko. Nananatiling nakatayo pa rin ito sa harapan ko habang nakapamulsa ang isa nitong mga kamay sa pang-ibaba na suot nito.


"Ikaw?" Tanong nito saakin. "Ano ba ang gusto mong gawin nating dalawa?" Tanong nito na parang nagkaroon ng laswa saakin.


Sukat dun ay mabilis na kumawala ako dito para bigyan sana ito ng malakas na sipa ng makaiwas ito.


"Green minded ka pala." Naiiling at bahagyang natatawa na anas nito matapos nitong maiwasan ang sipa ko at magets kung para saan yun.


"Aba!" Palag ko. "Ayusin mo naman kasi mga sinasabi mo 'tsong! Nakakatakot eh." Anas ko.


"Ano bang gusto mong gawin nating dalawa ngayon?" Tanong nito ulit saakin.


"Mag saya syempre!" Sagot ko.


"Sa paanong paraan?" Tanong nito.


"Basta, mag tiwala kalang saakin!" Nakangiting wika ko sa wakas dito.


Yun lang at pinasya kong kalimutan muna ang pagtatampo ko dito para hilahin ito patungo sa mga dating tambayan, kainan at mga lugar na paboritong-paborito kong pinupuntahan noon. Ilan sa mga professors at mga dating ka-schoolmate ang nakakilala saamin pero sinenyasan ko silang huwag maingay at huwag kaming pakialamanan.


Nang hindi pa ako masayahan ay bumili ako ng uniporme panglalake't pambabae para suotin naming dalawa. Sinuot ko yung bagong high school uniform ko at pinorma kung papaano ako pumorma noon habang ang college uniform naman ni Dirk ang pinasuot ko dito.


Asiwang-asiwa panga ito nung una pero natutuwa akong napilit ko itong sakyan ang mga trip ko. Nag seat-in kami sa dati naming mga seksyon para manggulo't mambully ng mga estudyante.


Sigurado kaaaaaaaaaaa...?


Anas ng dimunyung isip ko.


Fine!


Alright!


Ako lang ang nanggulo't nambully!


Yung gagong si Dirk!?


Tinatanong niyo!?


"Grabe siya..." Naiiling na wika ko habang pinapanood itong ginigisa ang professor kasama ng top one at top two ng klase patungkol sa thesis defense ng mga ito.


Ipinamumukha nito masyado na napakatalino nito.


Bad Dirk!


Bad Dirk!


Anas ko sa isip habang naiiling na pinapanood nga ito.


"Saya ka sa ginawa mo kanina?" Tanong ko dito habang lumalakad na kami pauwi sa bahay nito na tinutuluyan namin noon dito sa Crystalizae.


"Mukhang ako dapat ang mag tanong sayo niyan dahil obviously, ikaw ang nag-enjoy sa ginawa mo kanina. Kung ako lang ang tatanungin mo ay na-stress lang ako sa kabobohan ng mga estudyanteng yun kasama ng baguhan nilang propesor." Kibit balikat na sagot nito.


"Ang sama talaga ng ugali mo!" Inis na wika ko dito.


"Dapat lang maging masama ang ugali ko lalo na kung may mali sa ginagawa nila. Una sa lahat, hindi safe ang naiisip nilang plano na maaring makasira pa sa buhay ng maraming nilalang dito once na mapasa nila ang defense nila. And hirap kasi sa mga estudyante na puro grade lang ang nasa isip ay nalilimutan nila kung ano ang tama sa mali. Basta ang mahalaga lang sakanila ay ma-impress nila ang mga teachers or professors nila. Ang pangit ng thesis nila at kung ako lang ang propesor nila ay bagsak na sila saakin." Mahabang litanya't pagtatanggol nito sa sarili.


Napaingos nalang tuloy ako.


"Kaunti lang sinabi ko ang haba na nang explanation mo." Naiiling na wika ko.


"Ayoko lang sumasama ang imahe ko sayo." Sagot nito. "Masamang-masama nanga ay dadagdagan ko pa ba?" Tanong nito.


Mas napailing nalang tuloy ako.


"Sabi ko ngaaaaaaa..." Anas ko sabay lundag para batukan ito ng malakas sa ulo't mapaghiganti ko man lang ang mga bata at professor na naapi nito.


Yun lang at tumatawang nag tatakbo ako pauwi ng mahintakutan ako matapos ako nitong sundan at habulin. Para kaming mga batang paslit sa ginagawa namin ngayon pero nag e-enjoy naman ako.


Dirk Izunia Salvatorie is definitely the kind of man....


The kind of man...


The kind of man na ano, Dallas?


Tanong ko sa isip.


-------------------------------


Dahil magical ang mundong ito ay wala namang ipinagbago ang bahay nito. Hindi rin ito nadumihan dahil naka-on ang magical panlinis nito na hindi activated noon na siyang ikinasama ng loob ko saglit lalo't hirap akong maglinis noon noh!?


Anyways...


Nasaan na kaya yun?


Lihim na hanap ko dito habang palihim din na inilabas sa bag ko ang strawberry cheese cake na ako pa mismo ang nag bake para dito. Nilagyan ko yun ng maliliit na kandila bago ko sinindihan.


Buti nalang talaga ay naisipan kong gawan ito ng cake kagabi matapos kong maalala na ngayon ang tunay na kaarawan nito. Hindi ko man natunugan na ito si D.Z ay malakas ang paniniwala kong magkikita kaming dalawa ngayon sa hindi ko rin alam na paraan.


Nangyari naman ang naiisip ko.


Nagkita nga kami sa lugar pa na hindi ko inaasahan.


At ngayon nga ay dapat ko na itong mahanap para kantahan at ipa-blow ang cake na ginawa ko. Effort ko sa pag gawa nito 'noh!? Alam ko naman na magaling ako mag luto pero syempre... Iba pa rin pag mamahalin na ang mga sangkap na ginamit mo.


Asensado na kasi ang lolo niyo kaya ang daming mamahaling bagay na ang nabibili ko ngayon. Yun ang dahilan kung bakit natitiyak kong masarap ang favorite flavored ni Dirk na ito.


Strawberry cheesy ka-ke!


Nakangiting demonya na wika ko sa isip.


Ano kaya magandang gawin?


A. Ihampas ko ang cake sa mukha niya pagkablow niya ng cake?

B. Idukdok ko ulo niya sa cake pagkablow niya?

C. Kainin ko ng buo yung cake at huwag siyang hatian?

D. Paghatian naming dalawa? or

E. Gawin kong toppings ng mga katawan namin habang ginagawa yung alam niyo na...


Halos mag init ang mukha't katawan ko sa huling kalokohang naisip ko! Anong klaseng pag-iisip ba ang mayroon ako para sabihin ang bagay na yun!?


"AHHHHHHHHH!" Sigaw ko sa inis.


"Anong problema?"


Halos tumalsik yata ang cake na hawak ko ng magulat ako sa biglang pag sulpot nito sa likod ko kasabay ng pagtanong nito nun na para bang natakot din ito kung ano ba ang problema ko.


Wala sa oras na napakanta nalang tuloy ako ng happy birthday song kasabay ng pagsayaw ko ng budots sa harapan nito matakpan lang ng mabilisan ang unang kahihiyan na nagawa ko.


Dallas, anong ginagawa mo?


Alanganing tanong ko sa isip dahil feeling ko mukha akong shunga sa part na nag bubudots ako kasabay ng pagkanta ko ng Happy Birthday Song.


Ang gwapo-gwapo mo pero ang bano-bano mo, oo!


Anas ko ulit sa isip.


Geh, changed the dance step tayo kasabay ng second pasada ng kanta!


~"Happy Birthday, Dirky! Happy Birthday, Dirky! Happy Birthday, Happy Birthday... Happy Birthday, Dirky..." Kanta ko habang nakalukot ng matindi ang ilong ko na para akong si Satanas at nakangiti ng wagas na parang si Hudas kasabay ng pag kembot ko na para akong may buntot. Yung cake naman ang naging trident ko na siyang kumumpleto sa kalokohan kong ito.


Kitang-kita kung papaano gumuhit ang panibago't kakaibang emosyon sa mga mata nitong kay lamig titigan. Tila ba nagustuhan naman nito ang ginawa kong yun kaya naman hindi na ako nagulat ng lumapit ito at yakapin ako nito ng mahigpit.


"Ayos ba?" Mala Elvis Presley sa laki ng boses na tanong ko.


Syempre, hindi ganun ang natural na boses ko 'noh!


Nilakihan ko lang talaga para mas maging masaya ang atmosphere.


"Thank you, Dallas." Bulong nito sa tainga ko na naghatid ng kakaibang kilabot saakin.


"T-Take a wish and b-blow your cake now." Mautal-utal pang wika ko ng halos madimunyu ako sa init na hatid ng hininga nito saaking tainga't leeg.


Mabilis naman na sinunod nito ang gusto ko.


Kasunod ng pag wish at blow nito sa cake niya ang pagkain namin syempre! Madaming handa din akong niluto na sinilid ko sa magical backpack ko na ikinagulat din ni Dirk.


Well prepared daw talaga ako kahit na kailan.


Masayang pinagsaluhan namin ang mga pagkaing inihanda ko para dito kasabay ng mga pagtatalo naming dalawa na hindi ko rin alam kung para saan nga ba.


Ilang mahabang saglit pa ang nagdaan at natagpuan ko nalang ang sarili ko na napapangiting lumapit dito matapos kong makita na tila pinagmamasdan nito mabuti ang dati nitong bahay.


"Welcome home." Nakangiting wika ko dito kasabay ng pag-abot ko ng homemade strawberry milk drink na ni-request nito bago kami matulog na dalawa.


"I miss this place..." Anito bigla.


"Hmmmm, really?" Ako.


Hindi ito sumagot at sa halip ay hinimas lang nito ang lamesa ng hapagkainan.


"I miss this place more." Kibit balikat na wika ko.


"This place is supposed to be our new home." Anitong muli.


"New home nating dalawa?" Kunot noong tanong ko.


"New home namin ni Desha." Pagtatama nito.


Natigilan ako.


Kasabay ng sinabi nitong yun ang pagbuhos ng malakas na ulang tubig at nyebe sa labas na para bang may pangitain nanaman itong sinasabi.


......................................

Continue Reading

You'll Also Like

340K 26.5K 52
Synopsis #1: What will happen if a poor boy has been granted a full scholarship at the best University in the country where the most elite, richest...
99.6K 4.6K 46
DEATH IS EVERYWHERE!never trust anyone...do not tell them a secret because if you do,you will die! What if kung nahulog ka sa isang anak ng mafia?wha...
336K 12.7K 44
Rival Series 1 -Completed-
30.9K 853 7
Sinong makapag sasabi na may pinipili ang pag ibig? Kahit mag kabilang mundo o magkabilang nilalang man pag pinasok ng pag ibig wala kang magagawa ku...