Unexpectedly Yours

By CatWithoutAName

370 26 0

[GUZMAN SERIES #1] What if the thing you least expect comes? What will you do? Will you grab it? Or you will... More

Author's Note
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 23

8 0 0
By CatWithoutAName





Bumusina ang isang van sa labas ng bahay. Napangiti ako saka kinuha ang bag ko para lumabas na.





Nang makalabas ako ay agad kong nakita sila Ley, Gust, Caster, Ley at Clyde na nasa loob ng van, nakabukas na kasi yung pinto nung van. Magswi-swimming kami ngayon, sakto naman na may trip sila Mama kaya mag-isa lang ako. Nagpaalam naman ako sa kanila at pumayag naman sila.





Sinarado ko naman ang bahay at nang masigurado ko na nakalock na ang bahay ay lumapit na ko. Sinalubong naman ako ni Clyde at kinuha yung bag ko saka inalalayan ako sumakay.





"Thank you." sambit ko.





Umupo naman ako sa tabi ni Clyde. Mukhang ni-reserve niya sa akin yung  upuan na yun para magkatabi kaming dalawa. Umandar naman yung van na pinapatakbo ni Manong Dan, kila Clyde kasi ang gamit naming sasakyan.





"Hindi na ako third wheel sa mga ito, salamat Jasmine." saka ako inakbayan ni Clyde at ngumiti ng nakakaloko sa apat.





Napatigil naman sila sa sinasabi nila at sabay sabay na nagsalita.





"Anong ibig mong sabihin?"





"Mandiri ka nga sa sinasabi mo."





"Really? Don't create a conclusion."





"Hindi kaya, masyado kang judgmental."





Halos matawa ako sa mga reaksyon nung apat. Si Ley na nakakunot ang noo at parang hindi matanggap ang sinabi ni Clyde, Si Caster na nakataas ang kilay at hindi maipinta ang mukha, Si Ara na nakapout habang ang kamay ay nakalagay sa baba niya at umiiling, habang si August na blangko ang tingin habang nakataas ang isang kilay kay Clyde.





"Kalma lang. Nagbibiro lang ako, masyado naman kayong defensive." this time sinamaan nila ng tingin si Clyde habang si Clyde ay nakangiti lang na parang enjoy na enjoy sa reaksyon nung apat. Loko loko talaga ang Clyde na 'to minsan, anlakas ng trip, parang hindi man lang natibag ng masasamang tingin ng mga 'to.





"Hindi kami defensive." singhal ni Caster.





"Kaya nga!" segunda ni Ley.





"Me too." sambit ni Ara.





"I'm not guilty." casual na sabi ni August.





Tumango naman si Clyde at tumawa kaya naman hindi ko na din mapigilang tumawa.





"Sabi niyo yan, edi hindi." sambit ni Clyde at tumawa.





This time tinignan naman ako nila Caster dahil sa pagtawa ko. Kumunot naman ang noo nila sa akin.





"Wow, enjoying the scene?"





"How's the act director?"





Mapang-asar na sabi ni Ley at Caster saka ako inirapan.





"Hindi man kami tinulungan, yun pala nagpipigil na ng tawa." reklamo ni Ley at nagpout.





"Sorry!" sambit ko.





"Okay lang, tumawa ka na." sambit nito na parang nagtatampo.





"Ley naman."





"Wala, sige lang, tawa ka lang."





"Sorry na nga, bati na tayo." hindi naman niya ako tinignan kaya naman nagsalita ulit ako. "Sorry na nga."





Unti unti namang ngumiti si Ley at humagalpak ng tawa at tumawa naman yung apat pero hindi si Clyde.





"Did you see her reaction?" sambit ni Caster at tumawa. "Sorry na Ley!" sambit niya sa maliit na boses at hinawakan pa ang balikat ni Ley saka nag-action.





"Grabe!" tawang tawa na sabi ni Ley.





Bakit parang nabaliktad? Bakit ako yung inaasar ngayon? Mukhang may gusto ako lunurin sa pool mamaya.




-----





Kakarating lang namin dito sa resort at inaayos namin ang gamit namin sa cottage. Maya maya pa ay natapos na kami mag-ayos.





"Kain muna bago swimming and put a sunblock para iwas sunburn." sambit ko naman sa kanila at tumango naman sila.





"Yes, Mama Maly." sambit ni Caster at ngumiti ng nakakaloko sa akin, sinamaan ko naman sita ng tingin. "Ito naman hindi mabiro, napipikon agad." dagdag niya.





Bigla naman akong inakbayan ni Clyde. "Tama na, huwag mo na asarin si Maly."





Sinamaan ko din ng tingin si Clyde at tinanggal ang akbay niya.





"Nahiya ka pa kumampi sa kanya." sambit ko ng may pagtatampo.





Paano ba naman kanina ay imbis na ako ang kampihan niya ay naki-asar pa siya sa akin. Ang labas tuloy 1 versus 5, aping api ako.





"Nagtampo na, Clyde. Yari ka tuloy, inasar mo kasi kanina." sambit ni Ara kay Clyde at tumawa.





Tumawa naman silang lahat. Kaya sinamaan ko sila ng tingin.





"Tama na yan, guys." sambit ni Clyde.





"Kumain na tayo!" biglang sabi ni August at nagsi-tango naman ang lahat.





Nagsimula na kami kumain at buti na lang, payapa kami kumain nang hindi nila ako inaasar.





Nang matapos na kami kumain ay sininop namin ang table at nagsimula na mag-apply ng sunblock.





Natapos ako sa kamay at braso ay nilagyan ko din ang mukha ko pati na rin ang leeg, masyado kasi mae-expose yung mukha mo sa araw kapag nagswi-swimming ka kaya malaki ang chance na magka-sunburn ka sa mukha kapag hindi mo ito nilagyan ng sunblock.





"Gusto mo lagyan kita ng sunblock sa likod?" tanong ni Clyde nang makita niya ako na matapos sa mukha ko.





"Pwede ba?" tanong ko at tumango naman siya.





Binigay ko ang sunblock at narinig ko naman ang pagsara nung lalagyan. Maya maya pa ay naramdaman ko ang pagdampi ng kamay ni Clyde sa likod ko.





Nang matapos siya ay nginitian niya ako at ganun din ako.





"Salamat." sambit ko.





"Tara Maly! Palit na tayo." tawag ni Ara at tumango ako.





Kinuha ko ang panligo ko at agad na kami pumunta sa comfort room dito sa resort.





Nang matapos kami ay inayos namin ang buhok namin.





"I miss this, bonding." sambit ni Ara out of the blue.





"Oo nga, nakaka-enjoy at nakakawala ng stress." sambit naman ni Ley.





Tumango naman ako. "Kaya nga, buti na lang naisipan niyo na magbonding."





Matapos ng maikling usapan na yun ay bumalik na kami sa cottage at agad na naligo.





Naiwan naman sa cottage si Manong Dan at Manang Dana, kasama namin kasi sila. Mamaya pa daw sila maliligo kaya nagpaiwan muna sila.





Masaya lang kaming nagkwekwentuhan at naglalaro laro sa pool.





Ansaya talaga kapag magkakasama kaming magkakaibigan. Ansaya sa pakiramdam, ang gaan sa pakiramdam at higit sa lahat ay kumportable.





In-enjoy namin ang araw na yun at masayang masaya kami sa bonding namin.


Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 119K 43
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐀 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 π‘πšπ­π‘π¨π«πž π†πžπ§'𝐬 π‹π¨π―πž π’πšπ πš π’πžπ«π’πžπ¬ ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
6.5M 179K 55
⭐️ α΄›Κœα΄‡ α΄α΄κœ±α΄› ʀᴇᴀᴅ κœ±α΄›α΄€Κ€ α΄‘α΄€Κ€κœ± κœ°α΄€Ι΄κœ°Ιͺα΄„α΄›Ιͺᴏɴ ᴏɴ α΄‘α΄€α΄›α΄›α΄˜α΄€α΄… ⭐️ ʜΙͺΙ’Κœα΄‡κœ±α΄› Κ€α΄€Ι΄α΄‹Ιͺɴɒꜱ ꜱᴏ κœ°α΄€Κ€: #1 ΙͺΙ΄ κœ±α΄›α΄€Κ€ α΄‘α΄€Κ€κœ± (2017) #1 ΙͺΙ΄ α΄‹ΚΚŸα΄ (2021) #1 IN KYLOREN (2015-2022) #13...
4.2M 264K 101
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
2.9M 66.9K 21
"Stop trying to act like my fiancΓ©e because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...