The Seductive Doctor (Savage...

By Maria_CarCat

9.1M 246K 56.5K

The Doctor is out. He's hiding something More

The Seductive Doctor
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter
Sequel
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 57

142K 4K 886
By Maria_CarCat

Gender reveal









Parang ako na din ang nanghihina habang naririnig ang paghagulgol ni Fidez habang nakayakap kay Daddy. Nakawala siya sa hawak ni Kuya Frank at hinayaan na lamang ng wala naman siyang masamang ginawa kundi ang yumakap lang.


"Daddy..." tawag niya dito at nagpatuloy sa pagiyak. Napayuko na lamang ako, hindi ki kaya ang tagpong iyon.


Magkaiba kami ng pinagdaanan ni Fidez. Hindi kagaya ko, minahal naman siya nina Mommy at Daddy. Siguro ang naging problema lang ay hindi siya nakuntento, masyado siyang naging makasarili sa parte na gusto niyang nasa kanya lang ang atensyon ng mga magulang ko gayong pwedeng kaming dalawa naman. Hindi ko naman sila ipagdadamot sa kanya gayong itinuring ko naman siyang tunay kong kapatid nuon.


"Tapos na. Ginawa mo na..." seryosong sabi ni Daddy sa kanya. Wala akong makita sa kanila ni Kuya Frank kundi galit para sa kanya. Galit din ako, ngunit hindi ko maiwasang makita ang sarili ko sa kanya.


Ganyan din ako magmakaawa kay Mr. Serrano nuon. Ganyan ko din siya tawagin dahil umaasa ako na maalala niyang anak niya ako. Sa tuwing sinasaktan niya ako ay mas lalo ko lang nararamdaman na hindi niya ako mahal, na madali lang sa kanya na saktan ako na para bang hindi niya ako anak. Ayun naman pala, hindi talaga.


Hinawakan ni Kenzo ang magkabilang braso ko para makatabi ng ilang minuto lang ay may mga lalaking nakaputi ang pumasok sa aming bahay. Nagulat ako at napatingin na lamang sa kanila. Mas lalong nagwala si Fidez ng makita ang mga ito.


"Doctor ako! Doctor ako!" galit na sigaw niya sa mga ito at pilit na kumawala.


"Bitawan niyo ako! Doctor ako!" patuloy na sigaw niya kaya naman napasinghap na lamang ako at napatakip sa aking bibig.


Hindi ko na namalayan ang paglapit ni Daddy sa akin. Sinalubong niya ako ng yakap kaya naman yumakap ako pabalik sa kanya.


Pilit niyang itinago ang mukha ko sa kanyang dibdib na para bang ayaw niyang makita ko ang nangyayari kahit rinig na rinig ko naman iyon. Ilang tawag ang ginawa ni Fidez kina Kuya at Daddy pero walang pumansin sa kanya.


"Patayin niyo na lang ako! Ayoko!" umiiyak na sigaw niya.


"Daddy" tawag ko sa kanya. Alam kong wala na akong magagawa sa naging desisyon nila. Pero may parte sa akin na gustong tulungan si Fidez.


Mas lalong humigpit ang yakap ni Dad sa akin. Naramdaman ko ang bahagya niyang pagiling na para bang sinasabi niyang wag na akong magisip pa ng kung ano at sila na ang bahala dito.



"Frances..."



Nagulat ako at kaagad kumawala sa yakap ni Daddy ng tawagin ako ni Fidez sa aking tunay na pangalan. Mapungay ang kanyang mga matang nakatingin sa akin, basa ng luha ang kanyang pagmumukha.



"Akin ang Doll house! Binili iyon ni Mommy at Daddy sa akin. Wag mong gagalawin iyon, humanda ka sa akin pagbalik ko!" banta niya sa akin, mariing napapikit na lamang sina Kuya Frank. She really needs help.


Hahakbang na sana ako para makalapit sa kanya ngunit naramdaman ko na ang hawak ni Kenzo sa aking siko. "Baby...No" malambing na bulong niya sa akin. Hindi na lang ako nagpumilit pa, alam kong nagaalala lang siya para sa akin at sa baby namin.


Nakita ko ang tingin ni Fidez sa akin. She looks so helpless. Dalawang nakaputing lalaki ang nakahawak sa kanya. Ang kanyang mga kamay ay nakayakap sa kanyang katawan at natatabunan din ng puting tela.


Patuloy ang pagtulo ng kanyang luha, hanggang sa unti unti siyang ngumiti sa amin. "Kenzo! Kilala mo ang kapatid ko?" nakangiting tanong niya na para bang tuwang tuwa siya.


Hanggang sa muli siyang sumimangot sa akin. "Wag mong aagawin ang bestfriend ko! Frances. Sayo na ang doll house, wag mong aagawin ang bestfriend ko!" sigaw niya sa akin kaya naman marahan na lamang akong napailing sa kanya.



Kaagad akong inuwi ni Kenzo sa amin pagkatapos ng tagpong iyon. Hindi na din muna ako nagstay kina Daddy dahil mawawalan din naman ng tao duon. Magiging busy sila ni Kuya para kay Fidez at sa kung ano ang pwede nilang ikaso kay Mandee.


Galit silang dalawa at hindi ko sila masisisi. Kahit pinaalala kong kamaganak namin si Mandee ay wala na ata talagang makakapagpigil sa kanila. Maniningil silang dalawa. Para sa mga panahon at taong nasayang.


"Hindi ko alam na ganuon si Fidez" pagod na sabi ko kay Kenzo na inihiga niya ako sa kama. Inayos niya ang comforter sa akinh katawan at tsaka siya umupo sa gilid ng kama.


Marahan niyang sinuklay ang aking buhok. "Ganuon na siya nung college pa lang. Hindi katulad kanina pero pansin na namin iyon ni Andrew, kaya nga naging protective kami sa kanya nuon" pagod na kwento niya sa akin. Kahit hindi niya sabihin ay alam kong nagaalala din siya para dito.


Tumango ako at nagiwas ng tingin. Inalala ko ang lahat ng nangyari nuon, kung paano ko pinagselosan si Fidez at si Andrew. Kung paano ko siya pinalayo sa kanyang mga kaibigan.


Hinawakan ko ang kamay niyang sumusuklay sa aking buhok. Napatitig siya sa akin kaya naman tipid ko siyang nginitian. "Pero pinili mo siyang iwasan nuon para hindi tayo mag break" paalala ko.


Napanguso siya at napatango. Ngayon mas lalo ko ng naiintindihan na hindi din madali ang mga desisyon ni Kenzo nuon para sa akin. Sa kabila ng lahat ng isinakripisyo niya para sa relasyon namin nuon ay wala siyang natanggap sa akin kundi puro sakit.


Umupo ako para magpantay kami. Inabot ko ang kanyang pisngi at marahang hinaplos iyon. I so damn love him. Hindi ko maimagine ang college days ko kung wala si Kenzo.


Napahawak siya sa aking likuran ng inabot ko ang kanyang mukha para sandali siyang halikan sa labi.


"I love you..." malambing na sabi ko sa kanya.


Hinila niya ako patungo lalo sa kanya. Hindi ko alam kung paano niya nagawang walang kahirap hirap akong pakandungin sa kanya. Damn that muscles.


Mabilis kong ikinawit ang magkabila kong braso sa kanyang leeg. "Kahit ano para sayo, Sera..." seryosong sabi niya sa akin.


Napanguso ako. Alam ko, alam na alam ko. Ganyan naman siya simula nung una pa lang. Ako palagi, para sa akin palagi.



"May mabuti din naman palang dulot ang pagmumura ko. Napansin mo ako" nakangising sabi ko sa kanya.


Tumaas ang kanyang kilay habang nakatitig sa akin. "You know I don't kiss bad mouth" paalala niya.


Pinanliitan ko siya ng mata. Sus! "Weh! Hindi mo nga lang ako hinalikan. Inaraw araw mo nga ako nuon! Wag ako Doc!" pangaasar ko sa kanya.


Napahalakhak ang gago. Napakagat tuloy ako sa aking pangibabang labi, ang sexy kasi ng halakhak na para bang inaakit ako. Tangina talaga pakiramdam ko palagi, yung mga galaw ni Kenzo palaging nangiimbita ng Sex!


I trace his adams apple using my index finger. Napahinto siya sa pagtawa pero may naiwan pa ding ngiti sa kanyang mga labi.



"Pa isa nga diyan, Doc" mapangakit na sabi ko sa kanya kaya ako naman ang napahalakhak ng marinig ko ang malulutong na mura ni Kenzo.


Tawa ako ng tawa ng kaagad niya akong ihiga sa kama at mabilis siyang naghubad ng suot na tshirt. Tangina din talaga nito eh, akala ko ba pagpapahingahin niya ako?



Nataranta kami ng mga sumunod na araw ng ibalita sa amin ni Apollo na manganganak na si Abby. Wala kaming sinayang na oras at kaagad na nagtungo sa Hospital. Naiwan si Kianna kay Daddy kaya naman kami lang ni Kenzo ang pumunta.



"Gust" tawag ko kay Augustine ng siya kaagad ang nakita ko sa labas ng delivery room.


Itinuro niya si Apollo sa loob. "Papasok ako" paalam ni Kenzo sa akin bago ako hinalikan sa noo. Tumango na lamang ako, tama lang iyon na nasa loob siya para makampante din kami dito.


"Next month pa ang due niya ah?" tanong ko kay Gust. Tumango din ito sa akin kaya naman mas lalo akong kinabahan para sa aking kaibigan.


Panay ang labas pasok ng mga nurse duon. Napatitig na lamang ako sa sahig habang hinihintay na matapos ang kaibigan ko. Ilang buwan at ako naman ang sasalang sa panganganak, may pinaghalong saya at takot ang nararamdaman ko. Hindi kasi naging maganda ang unang karanasan ko sa panganganak.



Matapos ang ilang oras na paghihintay sa labas ay natapos na din. Napatayo kami ni Gust ng lumabas ang nurse na may hawak na baby. Sinundan namin iyon ng tingin ng dalhin siya sa nursery room.


Sumunod naman ang walang malay na si Abby na nakahiga sa hospital bed. Ililipat na siya ngayon sa private room. Kasama niyang lumabas sina Apollo at Kenzo kasama pa ang ibang nurse at isa pang doctor na nagpaanak kay Abby.


Dumiretso si Apollo kasama ang asawa. Si Kenzo lang ang huminto sa amin ni Gust. "Kamusta si Abby at ang Baby?" tanong ko.


"They are both healthy. Abby's just exhausted...kailangan niya lang magpahinga"


Tumango kami ni Gust. Dumaan na muna kami sa nursery room bago kay Abby na hanggang ngayon ay tulog pa.


"Ang gwapo! Kamukha ni Apollo" puri ni Gust habang nakatitig kami sa baby boy nila. Kahit napaaga ang paglabas niya ay halatang healthy naman.


"Yung bibig kay Abby!" puna ko. His lips is full like Abby's lips. Ang sarap pa namang lagyan ni Abby ng lipstick dahil parang pang commercial ng lipstick ang labi niya.


Nagtagal kami ni Gust duon hanggang sa maramdaman ko ang presencya ni Kenzo sa aking likuran. Nilingon ko siya at nginitian, nakatitig din siya sa Baby.


"We'll have that soon..." sabi ko sa kanya kaya naman ngumiti siya at tumango.


Naramdaman ko ang kamay niya sa aking sinapupunan tsaka niya ako hinalikan sa ulo. Muli kong ibanalik ang tingin ko sa Baby nila Abby at Apollo. Parang kailan ay makakapal na libro ang karga namin ngayon ay bata na.


Ok na sana yung moment kung hindi lang umepal ang malanding si Augustine. Hinawakan niya ang kanyang tiyan. "Pare..." tawag niya kay Kenzo kaya naman napatawa ako.


Pinanlakihan niya ako ng mata. "Bakit? Sasabihin ko lang naman gutom na ako" laban niya kaya naman inirapan ko siya. Napakasiraulo talaga neto!



"Akala ko ay sasabihin mong buntis ka din at si Kenzo ang ama" pangaasar ko sa kanya.


Napanguso ang Gaga. "Wish ko lang, baka mabugbog pa ako niyang asawa mo. Sa kuya Frank mo na lang ako" sabi pa niya pero inilingan ko siya.


"Meron na ang kuya Frank ko!" laban ko sa kanya kaya naman laglag ang panga niya.


"What the freaking hell! Paano naman ako?" pagiinarte niya.


Napangisi ako. "May ipapakilala kami sayo ni Castellana" pangaasar ko sa kanya pero napairap lamang siya.


Halos araw araw kaming dumadalaw sa hospital para kay Abby at sa Baby niya. Nanduon din kami nung una niyang nakita ang baby niya. Naiyak pa nga siya kaya naiyak din ako. Maging si Gust ay naging emosyonal.



"Sana all" nakangising sabi na lang niya sabay pahid ng maliliit na luha mula sa kanyang mga mata. Imbes na asarin ay niyakap ko na lamang ang aking kaibigan.


"You'll be the mayamang Tita sa handaan" nakangising sabi ko kaya naman natawa siya.


"Tangina ka" asik niya sa akin tsaka kami nagtawanan.


"You will never be alone Gust. Boyfriend na lang ang kulang mo...You always have us" paninigurado ko sa kanya kaya naman muli niya akong hinila para yakapin. Natigil lamang iyon ng sinadyang umubo ni Kenzo sa aming likuran.


"Miss Pharmacist, pakibigyan nga ng gamot sa ubo si Doc" pagpaparinig ni Gust dito kaya naman maging si Abby at Apollo ay napatawa din.



Naging busy din ako at panay ang punta sa Bulacan para nama kina Mommy at Stella. Gamit na gamit ang driver at sasakyan na inilaan ni Kenzo para sa akin. Gustihin man niyang sumama sa akin sa bawat lakad ko ay hindi niya magawa dahil may obligasyon din siya sa mga pasyente niya.


"Salamat dito" nakangiting sabi ni Stella sa akin tukoy sa mga pagkaing dala ko. Dinalhan ko din siya ng prutas.


Lumayo siya sandali sa akin ng mapaubo siya. Nang kumalma ay tsaka lang siya lumapit sa akin. "Kamusta ang pagbubuntis mo?" tanong niya sa akin.


Napahawak ako sa aking sinapupunan, ramdam ko na din ang paglaki nito. "Ayos naman, hindi ako masyadong inaatake ng morning sickness, hindi kagaya nung kay Kianna" nakangiting sagot ko sa kanya.


Tumango siya sa akin at muling napaiwas dahil sa pagubo. Kumunot ang noo ko at napahawak sa kanya. "Pasencya ka na, baka mahawa ka pa" pagaalala niya sa akin pero mas nagalala ako para sa kanya.


"Uminom ka na ba ng gamot?"


Umiling siya sa akin. "Mawawala din ito"


Napabuntong hininga ako. Hindi ko na talaga mapigilan ang magtanong, ilang araw ko din siyang iniisip.


"Stella, buntis ka ba?" diretsahang tanong ko sa kanya.


Buong akala ko ay magmamatigas siya at itatanggi pa. Pero napayuko na lamang siya ay marahang tumango. Kahit may ideya ako nung una pa lang ay napasinghap pa din ako.



"Kung ganuon, hindi pwede sayo ito. Ang pagpupuyat, baka magkasakit ka. Paano ka at ang Baby?" tuloy tuloy na sabi ko. Nagaalala talaga ako para sa kanya at sa Baby niya.


Hindi kagaya ko ay walang namang nagaalaga sa kanya. Siya pa halos ang lahat ng nagaasikaso dito, halos napapabayaan na nga niya ang kanyang sarili.


Tipid na ngumiti si Stella sa akin. Hinawakan ko ang kanyang mga kamay. "Ang kuya Frank ko ba?"


Kita ko ang gulat at pagaalinlangan sa kanyang mukha. Duon pa lang ay alam ko na ang sagot.


Unti unting namuo ang luha sa kanyang mga mata. "Wag mong sasabihin. Please, Sera" pakiusap niya sa akin kaya naman nagulat ako.


"Ba...bakit?"


Marahang pinunasan ni Stella ang kanyang mga luha. "Nilapitan niya ako para makakuha ng impormasyon tungkol sayo...akala ko nung una totoo siya. Kasalanan ko, minahal ko siya" pumiyok pang kwento niya sa akin.


Bumigat ang dibdib ko para sa kanya. "Minahal ko siya. Pero siya, hindi niya ako mahal. Nung nakuha niya na ang lahat ng gusto niyang impormasyon...sinabi niya sa akin ang lahat, galit na galit siya sa akin dahil sa ginawa ko sayo" pagpapatuloy niya habang umiiyak. Napahawak ako sa kanyang likuran para patahanin siya.



"Sinabi niya sa aking napipilitan lang siyang pakisamahan ako at tiniis niya lang ako. Na lahat ng ipinakita niya sa akin sa mga panahong akala ko ay totoong kami ay pawang mga kasinungalingan lang. Hindi niya ako minahal at galit siya sa akin...at sa pamilya ko"


Mariin akong napapikit. At nagbunga ang panloloko ni Kuya Frank sa kanya? Pero hindi ako naniniwala na wala lang itong lahat kay Kuya Frank. Impossibleng wala din siyang nararamdaman para kay Stella.



"Ayaw niya sa akin, kaya naman siguradong ayaw niya din sa Baby ko. Halos pandirihan niya ako nung inamin niya sa aking ang tunay niyang pakay sa akin. Pinalayas niya nga ako sa condo niya..." kwento pa niya kaya naman nanlaki ang aking mga mata.



"Tumira ka sa Condo niya?" gulat na tanong ko. There must be something right? Impossibleng papatirahin siya ni Kuya Frank sa condo niya kung wala lang itong lahat para sa kanya.


Tumango si Stella sa akin. "Parte daw iyon ng plano niya...baka daw kasi subukan kong tumakas"


Awang awa ako sa kanya habang patuloy siya sa pagpupunas ng kanyang mga luha.


"Anong plano mo? Paano ang kuya Frank ko? Anak niya din iyan" marahang sabi ko sa kanya.


Umiling siya. "Sigurado kong ayaw niya sa amin. Pag naging maayos na si Mommy. Tutuloy kami sa Davao, duon na muna kami. Duon ko din papalakihin ang Baby ko. Hindi na kailangang malaman ni Frank" sabi pa niya kaya mas lalo nanamang dumoble ang bigat ng dibdib ko.



Atat na atat ako nung una na malaman ito pero ang bigat din pala sa dibdib pag nalaman mo na ang totoo. Hindi ako mapakali, hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto kong tulungan si Stella , gusto kong sabihin may Kuya pero nirerespeto ko kung ano ang desiyon ni Stella.



"Please, masyado kang naiistress diyan. Hayaan mo na ang kuya Frank mo" paalala sa akin ni Kenzo. Pero hindi talaga ako mapakali eh.



"Kawawa naman si Stella. Walang nagaalaga sa kanya. Para pa siyang may sakit, palagi pang puyat. Paano ang baby?" pagaalala ko.


Kumunot ang noo ko ng makita kong titig na titig si Kenzo habang sinasabi ko iyon. Hinayaan ko siya at napabuntong hininga na lamang ako.


"Baby, you really amaze me" pagbasag niya sa katahimikan.


Hinila niya ako lalo para mas mapalapit sa kanya. "Ang bilis mong magpatawad sa mga taong nanakit sayo" puna niya kaya naman napanguso ako.


"Ganuon talaga siguro pag sobra sobra yung pagmamahal na natatanggap mo. Wala ng lugar para sa galit" sabi ko sa kanya kaya naman muling kumislap ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin.


"Madali talagang magpatawad pag puno ng pagmamahal ang puso mo. Sa lahat ng nangyaring ito...kung ano ang meron tayo ngayon ang mahalaga. Ang mga nangyari nuon ay dapat lang na iwanan sa nakaraan"


Hindi na nakapagsalita pa si Kenzo at niyakap na lamang ako ng mahigpit.



Ilang linggo ng makalabas si Abby sa hospital ay naghanda si Gust ng Baby gender reveal para sa akin. Hindi naman naging hassle para sa akin dahil siya mismo ang nagasikaso ng lahat.


Gaganapin iyon iyon sa garden sa aming bahay. Sumangayon si Kenzo kay Gust. Imbitado ang lahat, ang mga kaibigan at ang aming mga pamilya.



"Congrats! Sana lalaki" nakangiting sabi ni Castel sa akin. Sa kanyang likod ay si Amaryllis at pareho nilang karga ang mga anak na lalaki.


Nauna na ding humalik sa akin kanina si Cassy at Prymer na dumiretso kay Kianna.


Bumeso din sa akin si Amary. Hinalikan ko ang mga Baby na hawak nilang dalawa na ang mga mukha ay nagsusumigaw ng Herrer.


Intimate dinner ang mangyayari bago ang gender reveal. Pinaghalong blue at pink ang balloons at decoration. Magkasama naming sinalubong ang iba pang mga bisita na parehong malalapit sa amin ni Kenzo.


Nginitian ko sina Piero, Tadeo at Cairo ng bumati din sila sa amin. Pero mas lalo akong kinabahan ng makita ko ang kanyang mga magulang. Sina Alec at Maria Herrer ay pareho nakangiti papalapit sa amin.


Kaagad na yumakap sa akin si Ma'm Maria. Ngumiti lang si Sir Alec sa akin, nakita niya na ako nuon kaya naman hindi na ata siya nagulat.


"I was so shocked. Si Kianna pala ang panganay sa mga apo ko" patuloy ni Ma'm Maria.


Panay ang ngiti ni Castel at Amary habang nakikinig sa akin. Sanay na ata sila dito kaya naman napapangiti na lamang din ako.



"Manang mana talaga ang mga anak namin sa Daddy nila. Hindi ko alam, mga siraulo" natatawang sabi ni Ma'm Maria. Hindi ko inasahan na manggagaling iyon sa kanya kaya naman natawa na lamang din ako.


Halos hindi nila pakawalan si Kianna. Hindi pa din makapaniwala na may apo sila sa anak na si Kenzo. Nagkakilala na din sila ni Daddy at Kuya Frank. Mabilis na nagkasundo sina Daddy ag Sir Alec.



Nagumpisa ang dinner, nagkaroon ng maliit na program na pakana lahat ni Augustine.


"Sera" nakangiting salubong sa akin ni Stella na kararating lang. Galing pa kasi itong bulacan.



May kanya kanyang usapan ang mga bisita sa kanya kanya nilang mga lamesa. Sumasayaw kasabay ng paggalaw ko ang suot kong puting dress. Nakaputing button down shirt din si Kenzo at itim na slacks.


"Kumain ka na muna. Siguradong pagod ka sa byahe" nakangiting sabi ko kay Stella. Sandali akong humiwalay kay Kenzo para asikasuhin ito.


Sinamahan ko siya sa buffet table. Habang kumukuha siya ng pagkain ay iginala ko ang aking mga mata para hanapin si Kuya Frank at hindi nga ako nagkakamali dahil ang mga mata niya ay wala sa akin kundi sa aking kasama.


"Ang ganda ng party mo" sabi ni Stella habang kumukuha siya ng pagkain. Nginitian ko siya pabalik.


"Si Gust ang may pakana nito"


Tumango siya at muling ipinagpatuloy ang pagkuha ng pagkain. Muli akong lumingon kay Kuya Frank pero nagulat ako ng wala na ito sa kinauupuan niya kanina. Naglalakad na siya ngayon palapit sa amin.



"I'm surprised you let her go here" pagbasag ni Kuya Frank. Gusto ko siya patahimikin.


Naramdaman kong napatigil si Stella sa kanyang pagkuha. "Bukod kina Mandee at Fidez, dapat din nating kasuhan ang Ate mo" mapanuyang sabi niya at halatang ipinaparinig kay Stella.


"Kuya..." pagpigil ko sa kanya.


Nilingon siya ni Stella. "Kasuhan mo din ako kung ganuon. Hindi ako tatakas sa batas kung iyan ang gusto mo. Pero pwede bang makakain muna ako ngayon at gutom na ako?" walang kaemoemosyong sabi ni Stella dito at kaagad kaming nilagpasan para makahanap ng mauupuan.


Nagigting ang panga ni Kuya Frank at sumama ang tingin. "Kuya please..." pagpigil ko sa kanya ng naisip kong susundan niya si Stella at aawayin.


Napabuntong hininga na lamang siya at tumango para pakalmahin ang sarili. Didiretso na sana ako palapit sa umiiyak na si Stella habang patuloy na kumakain ng hilahin ako ni Gust papunta sa harapan. Duon ko lang nakitang hinihintay na ako ni Kenzo at may hawak ng malaking lobo.



"Tara na, revealation na!" excited na sabi ni Gust. Habang nasa harapan ay panay pa din ang tingin ko kay Stella na tahimik na kumakain. May kasama siya sa lamesa pero wala namang pumapansin sa kanya. Kita ko ang ilang beses niyang pagpunas sa kanyang pisngi.


Pigil na pigil ako sa aking sarili. Imbes ata na mag gender reveal kami ngayon ay baka iba ang mareveal ko kay Kuya Frank.


"Baby..." nakangiting tawag ni Kenzo sa akin. Itinuon ko na muna ang buong atensyon ko sa kanya. Sa akin ibininigay ni Gust ang pangtusok sa balloon.


Halos lahat ng bisita namin ay nakatayo ba at may kanya kanyang hawak na cellphone para sa pagvideo at litrato. Sabay sabay na pagbilang ang ginawa nila hanggang sa paputukin na namin ang lobo.


Naghiyawan ang lahat. Nanlaki din ang aking mga mata at mabilis na napayakap sa tuwang tuwa na si Kenzo.


"It's a boy!" sigaw ni Augustine.
















(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

451K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
2.1M 61.4K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
167K 9.2K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
823K 28.3K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.