Chained to the Alpha

By imsinaaa

1.2M 10.6K 763

Chained to the Alpha (Wattpad) former title: My Stalker is a Wolf Anael Kreiss Perez thought that she has the... More

Chained to the Alpha
Prologue
KABANATA 1
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
ANNOUNCEMENT

KABANATA 2

42.6K 1.3K 136
By imsinaaa

Anael Kreiss Perez

Mabigat ang katawan ko nang gumising ako. It feels like I was beaten up by a group of thugs. Sobrang sakit din ng ulo ko at hanggang ngayon ay pumipintig pa rin ito. I wasn't able to sleep properly last night kaya eto ako ngayon ay pagod na pagod na kaagad kahit hindi pa nagsisimula ang araw ko.

That wolf occupied my thought and it keeps on bothering me. Hindi ko na nagawang magpahinga kakaisip sa nangyari kagabi.

Bumuntong hininga ako na siya ring dahilan para mapatingin sa akin ang aking ina. Ibinaba nito ang hawak na agahan sa aking harapan.

"Bakit ganyan ang itsura mo? Nagpuyat ka nanamang bata ka?" Puna nito sa akin.

Hindi ko na nagawang sumagot sa sinabi nito. Totoo naman na nagpuyat ako at baka sa oras na inamin ko na nagpuyat nga ako ay baka mapingot pa ako sa tainga.

"Ma, naalala mo po ba 'yong kinuwento ko sa inyo ni kuya kagabi?"

Saglit na napa-isip si Mama, hindi rin nagtagal ay tumango na ito bilang sagot.

"Yung lobo?"

Tumango ako bago simulang kumain ng agahan.

"Ma, as in Wolf hindi 'yong lobo na pang party ah."

"Oo alam ko anak, wolf ang tinutukoy mo. Hindi bobo ang mama mo. Alangan ba naman magkaroon ng apat na paa 'yong lobo." Sagot nito bago ako ikutan ng mata.

Napailing naman ako. Etong si Mama talaga. Kagabi kasi ay napagkamalan ng kuya ko na lobo ang nakita ko- lobo, as in yung lobo na makikita sa parties.

"Huwag mo na lang isipin 'yon anak, malaking aso lang ang nakita mo, wala naman kasing ganun dito sa atin kaya imposible na Wolf 'yon."

"Pero kasi Ma-"

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang bigla na lang lagyan ni Mama ng tinapay ang bibig ko. Napasimangot na lang ako.

"Kumain ka na lang at nang makapasok ka na. Malalate ka na rin." Aniya bago lumabas sa maliit naming hapagkainan.

Wala na rin akong ibang nagawa kundi ang kumain na at syempre, hindi pa rin nawala sa isip ko ang wolf na 'yon. I'm a hundred percent sure that it's a Wolf. Hindi guni-guni o kung ano pa man.

Hindi naman kasi imposible na wolf nga ang nakita ko dahil ang probinsya namin ay napapaligiran ng mga kagubatan. Paano kung maraming Wolf sa loob ng kagubatan? We didn't know what's inside the dark and quiet forest.

May kalakihan din ang probinsya namin. It's also a wealthy province. Simple at maganda. Kahit na napapaligiran ng kagubatan ang probinsya namin ay makikita mo pa rin ang kagandahan nito. May mga establishimento rin naman pero nasa bayan ang mga 'yon.

"Anael, anak. Nasa salas na ang bag mo. Nakuha na ng kuya mo kanina bago siya pumasok sa trabaho." Sigaw ni Mama mula sa labas ng bahay namin. Mukhang nagdidilig ito ng mga halaman at bulaklak.

Sumagot ako ng "Opo, Ma." Bago ko madaliin na ubusin ang umagahan ko.

Napamura ako nang makita ko ang oras kaya dali dali na akong tumakbo papunta sa salas namin. Puno pa ng pagkain ang bibig ko kaya mukha akong hamsted na nag-iimbak ng pagkain sa bibig.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad na kinuha ang kulay maroon kong bag na nakapatong sa center table. Tiningnan ko muna kung nasa loob pa rin ng bag ko 'yong phone and good thing is nandoon nga. Thank God!

I didn't even bother checking myself on the mirror. Agad na akong lumabas dahil malalate na talaga ako--- worst, majore subject ang unang asignatura ngayong araw. Argh.

"Ma, pasabi po pala kay Kuya na isabay na lang po ako mamaya pag-uwi." Sabi ko nang makalapit ako kay Mama na kasalukuyang nagdidilig ng mga halaman niya.

"Maraming gagawin ang Kuya mo sa trabaho niya at mag o-overtime siya kaya hindi ka niya maisasabay." Aniya habang patuloy ito sa ginagawa.

Bumagsak ang balikat ko. Bigla ding bumalik ang kaba at takot na naramdaman ko kagabi. Paano kung nandoon pa rin 'yong lobo? Paano kung umaaligid lang pala siya doon? Ang malala pa, paano kung inaabangan pala ako nito.

Inis kong sinabunutang ang sarili ko.

"Kung gusto mo palang masabunutan, sana sinabi mo na lang sa akin anak. Hindi yung para kang naaning diyan."

Sa ikalawang pagkakataon, napanguso ako.

"Kasi naman po Ma, paano kung nandoon pa yung lobo tapos tuluyan na po akong lapai---"

Isang malakas na batok ang nagpatigil sa akin. Kasunod naman nito ay ang isang makirot na kurot sa tagiliran na siyang naging dahilan para mapadaing ako.

"Mag simula ka ng maglakad nang makarating ka sa unibersidad ng maaga. Umuwi ka rin ng maaga para 'di ka abutin ng dilim sa daan! Tapos ang usapan." Aniya bago ako itulak palabas ng gate.

Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ko. I really don't have a choice. Uuwi na lang ako ng maaga katulad ng sinabi ni Mama.

The best thing to do is to forget everything. I'll keep in my mind that that wolf thing didn't happened. Na isang malaking aso lamang ang nakita ko.

...

"That's the end of today's discussion, you may take your lunch now." Our professor said before she leave the room.

Ang iba sa mga kaklase ko ay agad na lumabas, but some of us stayed. Isinubsob ko ang sarili ko sa lamesa at mariing ipinikit ang aking mata. My mind was exhausted. Partida, second subject pa lang pero parang sasabog na ang utak ko. Inalis ko ang pagkakasubsob ng mukha ko sa lamesa nang may kumalabit sa akin. It's Lanie, isa sa mga ka-close kong kaklase.

"Ano 'yon?" I mouthed.

"Hindi ka ba kakain?"

"Syempre, hindi. Tinatamad ako bumaba---"

"Libre ko." Putol niya sa sinasabi ko na siyang naging dahilan para agad akong tumayo.

"Sakto, gutom na ako."

Natatawa na lang na napailing si Lanie. She really knows the magic word, libre! Inakbayan ko siya at agad ng hinatak palabas ng room namin. Sa totoo lang, wala naman talaga akong ganang kumain pero nang marinig ko ang salitang libre, bigla akong nagutom at ginanahan. Libre na tatanggihan ko pa? Kailangan din natin maging praktikal. Kapag may blessings na, agad ng i-grab!

"Ang swerte ko talaga kasi naing kaklase at kaibigan kita." Pambobola ko rito.

Napanguso ako nang pabiro ako nitong batukan. "Sira ka talaga! Napansin ko kasi na parang wala ka sa mood. Ano bang nagyari sa 'yo at parang stress na stress ka?"

Saglit akong napaisip. Dapat ko bang sabihin sa kaniya ang nangyari kagabi? Ang tungkol sa malaking aso? Pero kung sasabihin ko 'yon malaki ang tyansa na matakot din siya. Matatakutin pa naman siya, parehas kami.

"Who's that?" Biglang sabi nito bago mapatigil sa paglalakad. Nilingon ko siya atsaka sinundan ng tingin ang tinitingnan niya. She's looking at our locker section.

"Anael, may boyfriend ka na ba?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Lanie. Boyfriend? saglit akong napatigil, wala akong boyfriend, since birth. Bakit naman niya naitanong?

"Ha? Teka lang Lanie, hindi tayo talo." Tinaasan ko siya ng kilay.

"Gaga, Tinanong ko lang kasi may lalaking nakatayo kanina sa harapan ng locker mo. Iyon ang locker mo hindi ba? yung ay stickers?" Tinuro ni Lanie yung lockers namin. Tinuro niya yung locker na may stickers sa labas, ang locker ko.

"Sinarado niya yung locker mo, may inilagay ata siya sa loob. Boyfriend mo ba 'yon?"

Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Boyfriend?

"Hind ah! Wala nga akong boyfriend atsaka baka nagkamali lang siya ng locker na napuntahan." Sabi ko rito. Kunot na kunot ang noo nito.

Muli kong tiningnan ang gawi ng locker area. Sigurado ako na nagkamali lang 'yon ng nabuksan na locker. Hindi rin ako takot na mawalan ng gamit dahil puro libro at notebook lang naman ang laman ng locker ko kaya hindi ko na nilalagyan ng lock. Mas hassle kasi kung lagi ko ring hahanapin ang susi.

"Talaga? Ibig sabihin nagkamali lang din siya ng binuksang locker?"

Tumango ako. "Huwag kang mag-alala, kung nagbalak siyang kumuha ng gamit doon, wala siyang mapapakinabangan kundi mga libro."

Inakbayan ko ulit siya. "Gutom lang yan Lanie. Halika na sa cafeteria."

Akmang magpapatuloy na ulit sana kami sa paglalakad nang mapatigil siya.

"Hala! Mauna ka na, susunod ako. Tatawagin ko lang ang ibang kagrupo natin para mapag-usapan na rin natin kung anong gagawin sa project natin sa 3rd subject."

Parehas kaming napsainghap. May project nga pala kami at after lunch na ang subject namin na 'yon. Kailangan ay planado na ang project dahil tinatanong kami lagi ng prof namin kung ano ng balita sa mga projects. Napahilamos ako sa sarili, masyado kasing inokupa ng malaking aso na 'yon ang isip ko!

Tumango ako. "Sige, kukuhanin ko na rin yung libro natin para may guide tayo habang pinag-uusapan ang project."

Pagkatapos kong sabihin 'yon ay agad ng kumaripas ng takbo si Lanie. Ganun din ako. Tinakbo ko na ang locker area. Muntik ko pa ngang mabunggo ang nakasalubong kong kapwa ko estudyante. Mabuti na lang at malapit na lang ito kaya hindi ko na pinwersa ang sarili ko na mag full force sa pagtakbo. Medyo hinihingal pa ako nang buksan ko ang locker ko pero nawala bigla ang hingal na nararamdaman ko ng mga oras na 'yon sa nakita ko.

Ang dating makalat kong locker ay naging organize ngunit ang mas nagpahinto at nagpagulat sa akin ay ang nakatuping papel na nakapatong sa libro. Bigla akong kinilabutan lalo na nang may maramdam akong kakaiba. It feels like someone's staring at me. Agad kong iginala ang tingin ko ngunit wala akong ibang nakita kundi mga kapwa ko estudyante na abala sa paglalakad. Ni isa sa kanila ay hindi nakatingin sa akin.

Napahawak ako sa dibdib ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit ganito? Bakit natatakot ako? I felt uneasy and I can feel that someon's really staring at me. Iba rin ang nararamdaman ko sa kapirasong papel na 'yon, na may nagsasabi sa akin na huwag ko 'tong buksan. Bigla kong naalala ang sinabi ni Lanie kanina, paano kung ang lalaking nakita ni Lanie na nagbukas ng locker ko ang may gawa nito?

Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili.

Calm down, Anael. Wala lang ang nararamdaman mo. You're just over reacting. Mahina kong hinampas ng paulit-ulit ang dibdib ko. Kailangan kong kumalma. Muli akong bumuntong hininga bago kuhanin ang pakay ko, ang libro.

Pinakatitigan ko muna ang papel bago ito kuhanin. The moment my hand held that paper, I felt something at hindi ko maipaliwanag kung ano ang nararamdam ko sa mga oras na 'to. Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa ain at inipit ko 'yon sa libro.

Sa ikatlong pagkakataon ay napabuntog hininga ulit ako. Mabuti an langat kumalma na ako, kahit papaano. Sinara ko na ang locker ko at kasabay ng pagsara nito ay ang pagdaan ng kung sino sa likuran ko. Biglang nagtaasan ang balahibo ko. Kunot noo kong sinundan ng tingin ang dumaan sa likod ko. Ang lawak lawak ng hallway pero sa mismong likuran ko pa dumaan.

I tsked.

Hindi na ako nag aksaya ng oras at agad na ulit na kumaripas ng takbo papunta sa cafeteria. Sigurado ako na nandoon na sila Lanie at nauna pa sila sa akin. Panigurado rin na makukurotako ng wala sa oras. Sinabi ko pa naman na ako na ang bahala na maghanap ng bakanteng table tapos ako rin pala ang malalate.

Habang tumatakbo ay muli kong naalala ang nangyari sa locker. Nadagdagan nanaman ang aalalahanin ko. It looks like I wont be able to sleep tonight. This is the worst day ever!

-------


Continue Reading

You'll Also Like

954K 25.9K 42
Surrounded by all kinds of dangerous men, I was then announced to be, "SOLD!" To an Alpha... ----- This is a Tagalog story. Walang masyadong plot twi...
37.2K 1.5K 62
"Take me to your dreams and I'll take you as my paradise,"-Nicolas ******...
462K 14.5K 65
「COMPLETED」「UNEDITED」 Eyes is what we used to see everything. Ngunit sa panahon ngayon ginagamit ang mata upang manlait lang ng kapwa. Maraming tao a...
129K 5.7K 53
"Alpha!!may problema tayo sa hangganan,...."tarantang mind link ng aking Beta tumayo agad ako at iniwan ang aking ginagawa.. "papunta na"maikling mi...