KABANATA 3

33.7K 1K 46
                                    

Anael Kreiss Perez

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Anael Kreiss Perez

"I'm the only one who's allowed to touch you. That red heart-shaped lips of yours are mine to taste. Everything about you is all mine.I can't wait to mark you, my mate."

Isang malakas na pagkalampag sa lamesa ang umalingaw-ngaw sa buong silid aralan. Kasunod nito ay ang pag sigaw ng propesor na kasalukuyang umuusok ang butas ng ilong habang nakatingin kay Anael na nakatulala sa kawalan.

"Naiintindihan mo ba ako, Perez?"

Mabilis na nag-angat ng tingin si Anael atsaka sinalubong ang matalim na tingin na ipinupukaw ng propesor. Biglang nawala ang antok at pagod na naramdaman niya kanina, napalitan na 'to ng kaba at hiya.

"Sorry po, Ma'am." Magalang na paghingi ng paumanhin ni Anael sa propesor.

Lahat ng kaklase ni Anael ay nakatingin sa gawi nila- sa kaniya na halos lamunin na ng lupa nang dahil sa hiya at sa propesor nilang halos magdugtong na ang kilay.

Maayos ang pagkakaupo ni Anael, na para bang isa isyang bata na pinapagalitan ng kaniyang mga magulang. Ang mga kamay niya at nakapatong sa hita niya, diretso rin ang likod niya, ang mga paa naman niya ay halos magdikit na. Mukha tuloy siyang kukuhanan ng ID picture.

"Eto ang unang beses na umakto ka ng ganiyan sa klase ko, nabuburyo ka na ba sa itinuturo ko?" Mariing aniya Propesor. Nameywang ito.

"Pasensya na po talaga, Ma'am. Sobrang sama lang po kasi ng pakiramdam ko, sorry po talaga." Bakas sa boses ni Anael ang pagod na nararamdaman.

There's a black eyebags under her eyes, halata na kulang ito sa tulog. Medyo namumutla at matamlay rin ito. Wala ng ibang nagawa ang propesor nila kundi ang mapabuntong hininga nang matapos niyang pasadahan ng tingin si Anael.

"Pumunta ka na sa Clinic, hindi ka rin naman makakasunod sa lesson kung ganiyan ang lagay mo." Kalmado na ang boses ng propesor nila nang sabihin 'yon.

Hindi na rin nag-alangan si Anael na sundin ang sinabi nito. Kinuha ni Anael ang bag niya atsaka tumayo. Nagpaalam at humingi ulit siya ng paumanhin sa professor nila bago tuluyang lumabas ng kanilang silid aralan.

Wala pa rin sa sarili si Anael habang tinatahak ang daan papunta sa clinic. Para siyang zombie kung maglakad, in short, matamlay.

Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. Hindi siya nakatulog ng maayos at ang dahilan nito ay ang sulat na nabasa niya. Sa katunayan, hindi lang pagod ang nararamdaman niya, nakakaramdam din siya ng takot.

"Anael, anak. Kumain na tayo." Tawag sa kaniya ng kaniyang ina mula sa labas ng kwarto niya.

Abala si Anael sa pag gawa ng powerpoint presentation. Sobrang subsob niya sa ginagawa, pagkauwi niya ay sa laptop kaagad siya humarap.

Chained to the AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon