ELAINE'S POV
"Ayy Sorry Ela, wala ako nun May pupuntahan ako. Kaya Hindi ako pwede maging partner mo." Sabi naman ni Tim sakin. Shittttttt
"Ok Ulitin natin ang Tanong Elaine."
"Sino Ang magiging Partner mo? Si Jericho or Si Axel???" Tanong ulit ni sam, at binalik ng lahat ang Tingin sakin. Hindi naman ako makapag decision at makasagot kaya walang imik lang rin ako nakatingin sakanila.
"Hoy Ela Sagot!" Sabi pa ni Sam.
"Uhhhh... Ehhhhhh Si———-"
"Ummm Excuse Me, Ate Elaine." Biglang sabi ni Lea nakakalapit lang sa table namin. Si lea ay isang G11 Student, hindi kami gaano close pero naguusap rin paminsan minsan.
"Ahhh Bakit Lea?" Taka ko namang Tanong sakanya. Salamat nalang at biglang sumulpot si Lea at nawala ang attention nila sakin.
"Pinapatawag ka sa Admins Office." Sagot naman niya.
"Huh Bakit? May nagawa ba ako?" Medyo kinakabahan kong Tanong.
"Hindi ko din alam ate eh, pero pinapatawag ka dun Sabi ni Chase." Pagpapaliwanag naman ni Lea. Si chase nga pala ang President ng Student council dito sa school, at Member din si Lea ng Student Council.
"Ngayon na Ba?"
"Kung tapos ka na kumain pwede ka na pumunta, ang Sabi naman Eh punta ka daw dun after mo mag lunch."
"Ah Sige Punta narin ako at tapos naman na ako."
"Sige ate." Paalam naman ni Lea at umalis narin siya.
"Sige guys mauna na ako ah." Sabi ko at tumayo na.
"Hoy Ela hindi mo pa sina sagot yung Tanong ko." Sabi naman ni Sam.
"Uhhh Rinig mo yun tinatawag na ata ako sa Admins office oh." Palusot ko At mabilis ng naglakad paalis. Tumungo naman na ako sa admins office na medyo malayo rin sa Cafeteria. Kanina pa ako nagiisip kung bakit naman ako tatawagin dun? May nagawa ba ako or May Kailangan ba sila?
Pagkalipas ng ilang minuto pang paglalakad ay dumating narin ako sa Labas ng Admins office. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok na sa pinto.
"Pasok." Laking gulat ko nung lalake ang sumagot kasi Ang pagkakaalam ko ay Babae yung Admin dito sa School. Dahan dahan ko naman ng binuksan yung pinto at Gulat na Gulat ako ng Si Harden ang Nasa Loob. Napatakbo naman ako papunta sakanya dahil sa saya, napa yakap pa nga ako sakanya pero mabilis din humiwalay.
"Ay sorry, medyo na Excite Lang." Sabi ko naman at natawa siya.
"Ano ka ba naman pagkatapos ng halos dalawang taon natin hindi pagkikita Eh, magagalit pa ba ako Pag hinug mo ako." Natatawa niyang sabi sabay yakap ulit sakin, humiwalay narin kami kaagad.
"Oo nga pala ano bang ginagawa mo dito? Akala ko nasa US ka?" Taka ko namang Tanong sakanya.
"Ahhh tapos na kasi Klase namin, kaya Umuwi muna ako ng Pinas." Sagot naman niya. Buti pa sila Tapos na ang klase eh kami dalawang buwan pa.
"Ay Ganoon ba, pero Sandali ikaw ba ang nagpatawag sakin dito?"
"Malamang, Eh si Tita naman Admin dito eh kaya Ok lang naman siguro pag pinatawag kita dito."
"Hindi mo nalang ako pinuntahan, para makita ka rin nila Sam and Jane."
"Mamaya na, at baka pag ka guluhan ako ng mga babae dun sa Cafeteria Eh."
"Alam mo Kahit kailan ka talaga No." natatawa ko namang Sabi. Habulin rin kasi ng babae itong si Harden dati, pero never siyang pumatol.
"Nagpapatawa lang eh, so kumusta ka na? Tagal narin nating hindi nag uusap at pag umaga dito eh gabi naman dun."
"Ok naman ako medyo stress lang sa mga pinapagawa sa school pero Ok lang din, at graduating narin naman ako Eh. Ikaw kumusta ang ARTS School mo?"
"Hmmm Ok naman din, daming ko ring nakilalang mga tao and mas gumaling rin ako sa Pag paint."
"Wow naman, Alam mo na Miss rin kita Den."
"Buti naman kung ganoon, Swempre namiss rin naman kita EL." Sabi naman niya. Sa mga kaibigan ko ay si Harden lang Ang Nagtatawag sakin ng EL, kasi lahat sila Eh Ela or Elaine. Napatingin naman ako sa Clock sa May Pader at ilang minuto nalang ay Time na.
"Hala Den, malapit na mag time oh."
"Sige punta ka na Garod, pero after class Hangout naman tayo."
"Sige Lang pero Libre mo ah." Ngisi kong Sabi.
"Swempre ah." Sabi pa niya at umalis na ako. Tumungo na ako sa room namin kung saan sinalubong ako nila Sam, Jane at Jericho.
"Oh Ela Anyare?" Takang Tanong ni Sam.
"Oo nga Bakit ka pinatawag?" Nag alala ring Tanong ni Jane.
"Ok ka lang ba?" Nag aalalang Tanong naman ni Jericho.
"Kalma lang Guys, walang ng yare."
"Edi bakit ka pinatawag?"
"Si Harden yung nagpatawag." Sagot ko naman.
"Ahhh Ganoon ba... SAGLIT LANG SI HARDEN?!?" Gulat na gulat na Sabi ni Sam.
"Oo si Harden."
"Pinagloloko mo ba kami Ela, Eh nakakalimutan mo bang Nasa US si Harden."
"Si Harden nga yun ang kulit, kaka uwi lang niya galing US. Tapos na kasi klase niya, kaya nandito siya."
"Eh Bakit ikaw lang pinatawag, Loko talaga yun Lalakeng yun ah. Nasaan siya masapak nga ng isa yun." Sabi ni sam at aakmang lalabas ng Room pero hinawakan ko naman siya sa Balikat.
"Kalma ka lang Sam, mamaya Manganga musta rin daw siya sainyo." Pagpapakalma ko naman sakanya. Kahit dati pa ay mahilig narin mag asaran at lokohan sina Harden at Sam.
"Tsk masasapak ko talaga yun mamaya, Eh nung huling kausap ko yun sa Telephone Eh Pinatayan pa naman ako habang nag kwekwento ako. Tapos saka ko lang na realize mga 10minutes pagkatapos kong nagpatuloy tuloy mag Kwento." Inis na Sabi ni Sam.
Bigla naman ng dumating ang Teacher namin kaya tumungo na kami sa upuan namin, hindi ko narin napansin na kanina pa pala nakaupo si Jericho. Siguro dahil hindi naman niya kilala si Harden ay Umalis nalang siya.
~ ~ ~
Pagkatapos ng klase ay nagulat kami nila Sam nung paglabas namin ng room ay nandun si Harden.
"Hello Girls." Ngisi naman niyang sabi, Malakas namang hinampas ni Sam ang Braso ni Harden.
"Arayyyyy."
"Hoy Loko ka ha, bakit hindi mo kami tinawag ni Jane kanina sa Admins Office." Inis na Sabi ni Sam.
"Miss you too Sam, Eh Kita ko kasing busy kayo sa mga Boyfriend niyo was May cctv Eh. kaya si Elaine nalang pinatawag ko." Pagpapaliwanag naman niya.
"Tss Kahit, Kung alam naman namin na ikaw magpapatawag eh Bakit naman kami magagalit."
"Kalms Samantha. Eto na nga ako oh nanganga musta sainyo."
"Tsk, Tara na nga Lang." Sabi pa ni Sam.
"Sungit parin." Pang aasar naman ni Harden. Habang nagkwekwentugan kami ay Bigla bigla namang lumabas na si Jericho galing sa room, kaya napatingin kami sakanya Habang siya naman ay Kay Harden napatingin.
"Ay Jericho ito nga pala si H——"
"Harden." Biglang singit ni Harden Sabay nakipagkamayan Kay Jericho.
"Jericho." Pagpapakilala naman ni Jericho.
"Uhhh Jericho, Mag mamall kami nila Elaine, Sam at Jane. Baka gusto mong sumama?" Pag yaya naman ni harden Kay Jericho.
"Ahhh Hindi na May pupuntahan pa kasi ako eh."
"Ay Sige."
"Umm Ela, Sam, Jane alis na ako ah." Paalam ni Jericho at umalis na ng tuluyan.
"Ano Tara na?" Tanong pa ni Harden.
"Wait Lang Paalam muna ako Kay Tim."
"Sino si Tim? Boyfriend mo?" Taka naman niyang tanong.
"HA?! Hindi Brother ko."
"May Brother KA?!?" Gulat niyang tanong.
"Mahabang Story Den, Sige na Mauna na kayo nila Sam at Jane sa Parking Lot."
"Sige sa May Lot B ako naka Park ah, antayin ka nalang namin." Sabi ni Harden at nauna na silang umalis nila Sam. Nag text naman ako Kay Timothy kanina na magkita kami sa Harap ng school, kaya tumungo na ako dun.
Pagdating ko ay nakita ko si Timothy na nag cecellphone na inaantay ako, nung lumapit na ako ay pinatay niya ang cp niya at binulsa.
"Oh bakit Dito tayo magkikita, Eh Uuwi naman tayo ah?" Taka niyang tanong.
"Ahh Kasi yung Kaibigan namin umuwi galing US, kaya mag mamall na muna kami." Pagpapaliwanag ko naman.
"Ahhh Ganoon ba, Sige ingat kayo ah tawag ka Lang kung kailangan mong magpa sundo." Sabi pa niya at umalis narin.
Tumungo naman na ako sa Parking lot B kung nasaan sila Harden. Pagdating ko ay umalis narin kaming apat kaagad at tumungo na sa Mall.
Pagdating sa Mall ay Nag Dinner narin kami at nag kwentuhan. Nakakamiss yung mga Araw na ganito kami, Actually dati Bago ako umamin Kay Axel ay Amin kami kasama si Jerome ang palagi dito.
Pero swempre Nung umamin na ako Kay Axel ay medyo napalayo kami sakanila, pero kahit ganoon ay Hindi kami napalayo Kay Harden. Kaya hangang ngayon ay Best friend ko parin siya.
Kwenento na namin Kay Harden ang lahat ng nangyare at Gulat na Gulat naman siya, Hindi siya makapaniwala yung Kay Timothy, yung pagbago ni Axel ay kung ano ano pa. Nung medyo gabi gabi narin ay Nagdecision na kaming umuwi, susunduin kami ni Harrison dito sa mall.
"Wait EL, ako nalang mag hatid sayo at malapit Lang naman bahay natin sa isat isa." Biglang sabi ni Harden nung aalis na sana ako kasama sila Sam.
"Ahhh Sige, oh Sam, Jane si Harden na daw maghahatid sakin ah." Sabi ko naman sakanila.
"Sige Sige, ingat kayo ah." Sabi ni Sam at umalis na sila.
"Ano Tara na?" Tanong ko naman.
"Starbucks na muna tayo bago kita hatid." Sabi naman niya at Tumango nalang ako. Pagdating sa Starbucks ay Umupo na ako at si Harden na ang nag order. Pagkatapos niya mag order ay Tumungo narin siya dito sa table at Umupo na.
"Oh bakit mo naman ako Biglang nayaya mag Starbucks?" Taka kong tanong sakanya.
"Elaine Alam ko..."
TO BE CONTINUED...
[ALAM MO ANG ALIN HARDEN???]
(HI GUYS SALAMAT PO SA PATULOY NA PAG SUPORTA AT PAGBASA NITONG STORY NEXT CHAPTER AY EITHER FRIDAY OR SATURDAY SALAMAT ULIT.)
VOTE
COMMENT
SHARE