A/N: Sarreh medyo late ang update. Naging busy ang lola niyo :3 Anyways.. salamat sa comments sa last chapter! Haha. Alam ko, gulong gulong gulong gulo na kayo. Cheret. Kahit ako din HAHAHA. De joke lang. Sadyang ganon :) Ehhh nagrequest kayo ng book 2 eeehhh eeddii wow XDD De joke lang ulit. :) Basta, mabilis na 'to. Alam kong miss niyo na din si DJ at ang kakornihan niya HAHA. Nga pala, predicted na ang ending neto. Thanks to my bffs for helping meh. Grabi, kahit ako nagulat sa ending swear. Lalo ung isa kong kaibigan, masyado daw siyang.... hahahaha Abaangan! Okay, eto na updatezz. VOTE AND COMMENTTT :))))
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 6. – That should be me
=DANIEL’s POV=
A-aray! Ang sakit! Ang sakit ng ulo ko! Napapapikit ako pag naaalala ko ang mga pangyayaring sobrang blurred sa utak ko.
“Miss. Panyo mo oh.”
“…’cause I like you too..”
“Crush din kita.”
“Pwede ba manligaw?”
“Kung di lang kita mahal eh! -_-“
“Kath, happy first monthsary! I love you!”
“Kath! Kath! Mahal kita! Yie! Kilig na yan! Hahaha!”
At kasama doon ay isang babae.
Hindi ako pwedeng magkamali..
Si Kathryn ang babaeng yun.
Napaatras ako at saka siya tiningnan.
May nakaraan ba kami? Bakit niya laging sinasabing ako ang asawa niya at may anak kami pero wala akong matandaan? Wala akong ni isang matandaan.
Pero tuwing gabi… may napapaginipan akong iba’t ibang scenario. At sa lahat ng scenariong yun, nandun ako at si Kathryn. Magkasama kami. Halos hindi na nga kami mapaghiwalay eh.
Tsk. Ano ba ‘tong nangyayari?! Ang gulo naman ng buhay. Ngangayon ko na nga lang ulit siya nakita pagkatapos ng nangyari doon sa office eh.
Bakit parang namiss ko siya.
Pagkatapos nun, hinahanap hanap ko na siya. Lagi ko siyang natatanong kay Baste. Ang weird.
Tapos nung inimbita kami ni Jiro para makilala ang fiancé niya. Hindi ko maipaliwanag yung naramdaman ko.
Nasaktan ako nung nalaman kong si Kathryn yun. To think na may fiancé na din ako. Aaahhh! Ang sakit sa ulo!
“Pare, okay ka lang?” Tanong sakin ni Baste.
“O-oo.”
Napaclose fist na lang ako dahil sa nararamdaman kong ito. May iba talaga eh. May mali.
Hindi ko siya masyadong kaclose, ngangayon ko na lang ulit siya nakita pamula noong mga college pa kami, ngangayon lang siya pumasok sa buhay ko. Pero bakit ganun? Pakiramdam ko... pakiramdam ko.. gustong gusto kong sapakin at bugbugin si Jiro ngayon dahil siya ang nakahawak kay Kath at hindi ako.
Gustong gusto kong ipamukha sa kanya na ako ang hinahanap ni Kath at hindi siya.
Napaweird! At ayoko ng nararamdaman kong ito. Kailangan ko ‘tong itigil.
=JULIA’s POV=
Kitang kita ng dalwa kong mata kung anong nangyari. Kung pano nabangga ng kotse si Kath. Kung pano siya nakasurvive.
Agad akong lumapit sa kanila. Nagulat ako syempre kasi nakawedding gown siya. Pero mas nagulat ako sa nasaksihan ko kanina.
Nabangga siya pero wala siyang kahit isang galos.
“Kath! Kath! Gumising ka! Gumising ka please!” Sigaw ng lalaking hawak hawak ngayon si Kath. Inaalalayan niya sa ito sa ulo.
Napatingin ako sa katabi niya pang lalaki. Si Daniel. Ang bilis niya namang nakarating dito? Umuwi lang ako sa bahay at mabilis na nagbihis matapos ko silang confrontahin dahil sa text ni Kath. Ikakasal daw siya.
“A-anong nangyari!? Dalhin na natin siya sa ospital!” Sigaw ko. Waaah! Kath! Anyare sayo?! Nakakaloka! Hindi ko pa din lubos maisip ang nakita ko kanina! Masyadong… masyadong imposible..
HOSPITAL
“Kath.. Gumising ka na please.. Gumising ka na.. Sorry… I’m sorry…” Halos maglapit na ang dalwa kong kilay dahil sa sobrang pagkakunot ng noo. Sino ba ‘to? Bakit niya hawak hawak ang kamay ni Kath? At bakit siya sorry ng sorry? Ang weird niya ha. Ngangayon ko lang siya nakita.
“Kamusta siya?” Muntik na akong mapatalon sa gulat dahil sa nagsalita. Si Daniel lang pala. Jusko, papatayin ata akong maaga neto eh.
Tumayo ako at lumapit sa kanya.
“Wala pa ding malay,” Sagot ko.
“Pwede ba tayong magusap?” Napatingin ako sa kanya. Tumango naman ako.
--
“Ikaw ang bestfriend niya diba?” Tumango ako. “Alam mo ang lahat sa kanya?”
“Hindi lahat. Hindi ko nga alam na ikakasal na pala siya at hindi ko kilala yung lalaki kanina,” Sagot ko. Nandito kami sa parang garden ng ospital. May iilan na tao dito. Nakawheel chair at naglilibot libot. Mga pasyente.
Sinipit ko ang buhok ko sa tenga ko bago nagsalita, ang lakas kasi ng hangin -_- “Bakit mo natanong?”
“Nagpupunta kasi siya sa office ko at sinasabing ako daw ang asawa niya at may anak kami.”
Natawa ako bago sumagot. Ipinagpipilitan pa rin talaga ni Kath ang hinahanap niyang hustisya.
“Pasensya ka na. Hindi ko din alam kung anong nangyayari doon eh.”
“Pero weird,” Napatigil siya. Napatingin naman ako. Kumunot ang noo ko dahil parang may iba siyang iniisip. “Nakita ko yung luma kong cellphone. May contact ako dun na Kath Ko at may mga messages na.. pano ko ba sasabihin? Basta yung parang sa maggirlfriend-boyfriend?”
Nang dahil sa sinabi niya, nanlaki ang mata ko at agad napatingin sa kanya.
“WHAT?!”
“Oo.. Weird.. Parang wala yun dati eh.”
“Omg.” Napatakip ako sa bibig ko. This can’t be!! Ibig sabihin all this time totoo lahat ng sinasabi ni Kath?! All this time.. Pero paanong hindi siya kilala ni Daniel?! At paanong… ang gulo!
“At lagi kong siyang napapaginipan… Pwede bang satin lang ‘to? Wag muna nating sabihin sa kanya. Ang weird kasi eh. Pati ang labong tingnan. Ngangayon ko lang siya nakilala pero pakiramdam ko.. pakiramdam ko ang tagal na.. Ang tagal na naming magkakilala.”
“Waaahhh!”
“Sht. Bakit ka sumisigaw?!” Hindi ako makapaniwala! Hindi! Mali! Hindi kapanipaniwala ang mga nangyayari! Dahil ba ‘to dun sa hula?! Yung basta! Hindi naman hula eh! Puro kaweirduhan lang sinabi nung lola samin!
“W-wala! OMG!”
“W-wag mo muna ‘tong sasabihin sa kanya habang di pa ako sigurado..”
Slowmo akong tumango, “O-oo.”
“Salamat, Julia.”
FLASHBACK
Nangyari ‘to nung naglalakd kami pauwi. Galing siyang hospital dahil muntik na siyang mabangga ng kotseng minamaneho ni Daniel. Nagpabangga ang loka! At ayun broken hearted siya kaya nagaya maginom. At heto nga pagewang gewang kami sa daan. Iyak siya ng iyak habang lasing na lasing.
“A-ano ba kashing ginawa ko!? Huhu!” -_- Maginom inom, di naman kaya -_-
Malapit na kami! Malapit na kami sa kotse ko! Konting tiis na lang! Buti na lang talaga hindi ako uminom kundi sa bar kami magpapalipas ng gabi ng babaeng ‘to -_-
“Ineng, gusto mo bang magpahula?”
“Ay ineng!!” Halos maitalapon ko si Kath dahil sa gulat ko. May bigla kasing humarang na matanda smain habang naglalakad kami.
“Gusto mo bang magpahula?”
“H-hindi po lola.” Inayos ko ang pagkakahawak ko kay Kath at inalalayan na ulit siya sa paglalakad. Sakit talaga sa ulo ng babaeng ‘to!
Pero nagulat ako ng hawakan niya si Kath at nanlaki ang mga mata niya.
“Pangitain! Masamang pangitain! Gumising ka hija!”
“H-ha? Shaveh mo lols?” Aish!
“Lola.. Pasensya na po pero hindi po kami magpapahu—“
“Ikaw! Ikaw ay isang taksil!” Nagulat ako ng itinuro turo niya ako. Hala? Pano ako naging taksil?! Tumingin ulit siya kay Kath na may nanlalaking mata.
“Gumising ka na hija! Iniintay ka nila! Iniintay ka ng asawa at anak mo! Ng pamilya mo!” Napa ‘Huh’ na lang ako sa mga pinagsasabi ni lola. Hala, mukhang nakainom din ata siya?
“A-no po? *hik* He-he. Di ko getsh.” At ayun tuluyan ng nakatulog ang babae. Aish! Ang bigat niya!
Napatingin muli sa akin si lola at sinamaan ako ng tingin. Anong ginawa ko T__T
“Ang isip ay nakakalimot. Pero ang puso, hindi. Hinding hindi malilimutan ng puso ni Daniel ang lahat. Lahat ng tungkol sa kanila ni Kathryn.” Hala! Kilala ni Lola si Daniel at Kath! Hala anyayare?!
“*hik* Daniel… Uwi na tayo…” Napatingin ako kay Kath na lasing na lasing ngayon.
“Hija, huwag na huwag mong gagawin ang makakapagpasakit sa nararamdaman ng iyong kaibigan. Huwag mo siyang pagtataksilan!”
“Hindi ko po alam ang sinasabi niyo lola..” Inalalayan ko si Kath para makatayo. Inilagay ko ang isang kamay niya sa balikat ko at naglakad na uliy kami. Naku po naman! Naweweirduhan na talaga ako sa mga tao ngayon! Huhu!
Malayo layo na kami ng nilingon ko ulit si lola, bumubulong bulong siya habang naglalakad palayo. Pero mula dito sa kinatatayuan ko, rinig ko ang sinasabi niya. Ang lakas ng bulong niya O_O
“Ang... lahat... ay... imahinasyon... lamang... Ang... lahat... ay... imahinasyon... lamang... Masamang panaginip...”
END OF FLASHBACK
--
“Bes.. Grabe.. Pano yun nangyari?! It’s like para akong bampira! OMG! Ako na ba ngayon si Bella Swan?” Napasapok naman ako sa noo dahil sa kakulitan netong si Kath. Kahapon pa siyang nakalabas sa hospital at kasalukuyan kaming nasa isang café.
“Kath.. Kanina ka pa. Isa pa ha.”
“Sorry na!! Hindi kasi ako makapaniwala,” Bumuntong hininga muna siya bago ulit nagsalita, “Paano nangyaring wala akong ni isang galos sa katawan samantalang si Jiro meron? Paano nangyaring nabangga ako pero yung sasakyan nasira, ako hindi nasaktan? Ang weird.”
“Oo nga. Sobrang weird..”
Naaala ko na naman yung sinabi ni lola sakin. Hindi ko na binaggit pa kay Kath ang sinabi nung manghuhula ba yun? Basta yun. Alam kong magiging hysterical na naman ‘to at sasabihing pupuntahan niya ang mag ama niya. Because it’s too impossible! Lahat ay imahinasyon lamang? Tss! Ang hilig manood ni lola ng movies. O kaya magbasa sa wattpad.
Hay.
Nakakaloka lang ang mga nangyayari! Una, nalaman kong nagaaway ang magpinsan-slash-magbestfriend na sina Daniel at Diego. Base sa paguusap nila noong isang araw sa restau, para talagang galit na galit sila sa isa’t isa. Anyayare dun sa dalawa? Eh parang nung highschool at college hindi mapaghiwalay yun eh. Syempre, stalker here! Bwahaha! Crush na crush ko noon si Diego eh! Hahaha.
At ngayon.. Si Kath. Ang weird talaga ng mga nangyayari! Nagsimula ‘to nung nagising si Kath at hinanap ang mag ama niya. Bumabaliktad na ba ang mundo? Maiinvade na ba tayo ng mga alien? Sana kasing gwapo ni Matteo Do ang mangiinvade, aba ayos na ayos lang sakin.
“Hoy babae kanina pa kitang kinakausap -_-“
“Ay sorry bes. Ano ngang sinasabi mo?” Sana talaga mala Matteo Do ang mangiinvade na aliens.
“May gusto na namang kumausap sakin. Ano bang trip nila? Ayaw ba nila doon sa manager ko? Lagi nalang ako kinakausap nila eh. -_- Tapos ngayon, engagement party naman ang ihahandle ko! Baka ngayon ako na naman ang ieengage?!
“Oy, assuming ka na.”
“Aba malay ko ba.”
Kung kasi tinatantanan niya na ‘yang Daniel na yan edi sana may asawa na ‘yan ngayon. Lagi kasing Daniel Daniel.
Pagkatapos ng pagkekwentuhan namin sa café umuwi na ako. Ganun din si Kath. Pinalalahanan ko siya na magingat. Kasi malapit na mainvade ng aliens ang planetang earth.
--
“Good morn--!” Napatigil ako sa masiglang pag goodmorning dahil sa taong nasa harap ko ngayon. Nakakahiya! Nakataas pa naman ang two hands ko T__T
“Julia? Julia Montes, right?”
“A-ah.. O-oo.. hehe. Ako nga ‘to Diego..”
Tumawa muna siya ng napakaseksi bago nagsalita, “Good morning.”
“H-he he.. Good morning din.” Pilit na ngiti ko. Nakakahiya!
Tumalikod siya sakin at humarap kay Kath, “Thanks Chef Bernardo!”
“Welcome!” Sagot naman ni Kath.
Ngumiti muna siya sakin bago lumabas.
“Waaaahhhhh!” Nakakahiya talagaaa! Ang epic ng itsura ko nun tapos si Diego agad makakasalubong ko. To think na naging super crush ko siya noon. Waaah naconscious tuloy ako bigla.
“Hahaha! Ang epic mo bes. Hayaan mo na, maganda ka pa din naman.” Sabi ni Kath. Inirapan ko muna siya bago ako naupo sa napakalambot niyang sofa. Oo, may sofa siya dito sa office niya. Sosyal lang eh. Kung pwede lang din sana ako magpalagay sa office ko.
“Bakit ka nga pala nandito?” Tanong niya. Oo nga pala, bakit ako nandito? Ah!
“Titingnan ko kung pogi yung kakausap sayo. Naghahanap ako ng kasparks.”
Napaface palm na lang siya. Ahahaha! Eh sa naghahanap nga ako eh.
May kung ano siyang kinakalikot sa table niya samantalang ako naglalaro sa cellphone ng may biglang kumatok. Pumasok yung manager ng restau at sinabing nandyan na daw yung gustong kumausap sa kanya na magpapacater. Nagtwinkle naman ang eyes ko. Sana pogi!
=KATH’s POV=
Ang adik talaga ni bes! Desidido talaga siya makita ‘tong kakausap sakin? Psh! Parang walang work kung makatambay dito eh.
“Sige.” Sagot ko dun sa manager.
Lumabas siya at kinaon mula sa labas ang aking mga bisita.
Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang babae.
Babaeng nangangalang…
“Yen?” Sabay naming bigkas ni Julia.
“Kath? Waah!” Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya! Kilala ako ni Yen kilala niya ako! Kaya ibig sabihin, may mali talaga sa nangyayari! Whoo!
“Waah ikaw pala ang mayari netong restau!” Sabi niya sakin.
“Yep.”
“Bigatin ka na ah?” Napatawa naman ako dun.
Nagulat ako dahil nananatiling nakaupo sa sofa si Julia at hindi pinapansin si Yen. Tumayo siya at lumapit samin.
“Hi,” Bati niya dito.
Nawala ang mga ngiti ko dahil sa inasal niya.
“Hindi mo ba namiss si Yen, Julia?”
“H-ha?” Tanong niya sakin. Bumaling siya kay Yen at nagsalita, “Ngangayon ko lang siya nakilala.”
O_________________O
Halos maubos ang hininga ko sa narinig ko. Nanlaki ng super duper ultra mega laki ang mata ko at napatingin sa kanila.
“H-hindi kayo magkakilala?!”
“Hindi.” Sabay pa nilang sagot.
“Sige, ako muna magpapakilala.” Humarap si Yen kay Julia, “I’m Yen. Elemtary classmate ako ni Kath.” Tapos inalok niya ang kamay niya for shakehand.
“Julia. Bestfriend.” Tapos nagshake hands sila. Pero ako nananatiling gulat. What the hell is happening here?
“Ah oo! Naaalala na kita! Bakit ko nga ba nakalimutan. Ikaw yung sumundo kay Daniel sa restau kung saan sila nagaway ni Diego.”
Ngumiti naman si Yen at tumango. Away? “Oo, ako nga yun.”
“Anong away?” Tanong ko kay Julia.
Wala siyang nababanggit na away sa akin. Si Daniel at Diego nag away? Sa pagkakatanda ko, bestfriends ang dalwang yun eh. Pano sila nagaway? At bakit?
Umupo kami sa sofa at kinuwento sakin ni Julia ang lahat.
Pero mas ikinagulat ko na si Yen ang sumundo kay Daniel sa place na yun. Bakit?
“And that’s why nandito ako.”
“H-ha?” Nasan na nga pala kami? Wala na akong masyadong maintindihan eh. T_T Ano bay an! Ang hirap naman ng sitwasyon ko. Nagkanda gulo gulo na lahat.
“I’m engaged, Kath!” Sigaw niya sabay yakap sakin. “Kaya nandito ako dahil gusto kong ikaw mismo ang magluto ng gusto kong dish sa engagement party ko.”
“Akala ko ba engaged ka na bakit late ang engagement party?” Tanong ni Julia sa kanya. Oo nga noh?
“Eh kasi naman, hindi prepared si D nung inalok niya ako ng kasal. I want it to be like what I dreamed kung pano ako maengage. Kaya gusto ko, kahit late, may engagement party before ng mismong wedding.” Sabi niya samin ng nakangit. Halata sa itsura niya na ang saya saya niya. Ang swerte naman ni D. Teka, bakit D?! Anong nangyari sa kanila ni Neil?!
“Teka.. Anong nangyari sa inyo ni Neil?”
Yumuko siya bago sumagot, “It didn’t work. Iniwan niya ako. Pumunta siyang Canada.”
“What!?”
“Yes.. Muntik na akong magbreakdown nun.. Buti na lang, D is always there for me.”
“S-sayang..”
“It’s okay! Kung hindi naman dahil don, hindi ko makikilala si D!” D siya ng D, nacucurious na ako kung sino si D. -_-
“Oh! I forgot, kasama ko nga pala siya! May kinausap lang siya saglit sa phone. Kaso.. ang tagal niya ha.” Sabi niya sabay tingin sa pinto.
Napatingin ako kay Julia na nakaabang din. Loka ‘to engaged na yun eh.
Rinig kong may pumihit sa doorknob kaya napatingin din ako sa may pinto at iniintay ang papasok. Nakatalikod kasi ako sa direction ng pinto.
Tumayo si Yen at lumapit doon. Niyakap niya agad si ‘D’ bago pa ito tuluyang makapasok sa pinto. Tumayo si Julia at sinilip yun dahil hindi masyadong kita sa kinauupuan niya. Ang loka talaga.
“Oh my God!” Napatakip siya sa bibig at nanlaki ang mata. Nacurious naman ako. Baka pogi nga? Nako nako.
Tumayo na din ako at nginitian ang lalaking kasama ni Yen.
At bigla na naman akong napakanta sa isip ng…
That should be me.. Holding your hand..
That should be me.. making you laugh..
That should be me.. this is so sad..
That should be me..
That should be me..
“Hi Kath, Julia! Meet my fiancé, D!”
Kung pano nagulat si Julia, times ten ang pagkagulat ko.
Paanong.. si Yen.. Paanong.. si… si…
Napangiti na lang ako ng mapait kasabay ng pagpatak ng luha ko.
Paano nangyaring...
“H-hi....
...DJ.”
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
VOTE AND COMMENT!