Love will never lie

By lifesucks10

42.1K 952 354

More

Far away and alone
Incomplete
Flashback 1
Beginning and Ending 1
Beginning and Ending 2
Beginning and Ending 3
Sweetest Downfall ( Beginning and Ending 4)
Let Me Be The One (Beginning and Ending 5)
Let Her Go
okay Lang ako.. magiging okay ako..
Changes..
wala lang :-)
If I could ONLY turn back time
The way you look at me (first encounter )
BUKO---L :) (Second encounter)
AWW.. :(
The Moves :-)
The Moves 2 (oso)
The Moves 3
Unmasked :)
Unmasked (the revelation)
The End..
Anyare????
NAU
Final Feliz... :-) :-(
AN
plug.. (echos) haha

Shot-put.. :-) ( Third encounter/ The Date)

1.6K 30 22
By lifesucks10

MIKA'S POV

Nasa mahimbing akong pagkakatulog at para akong nanaginip. Si Vic ang nasa aking panaginip. Papalapit raw ito ng papalapit sa akin,  partikular sa aking labi ng maalimpungatan ako. Dahil pakiramdam ko ay nahihirapan akong huminga.

Unti unti kong minulat ang aking mga mata. At nabigla ako sa aking naaninag, isang taong halos kadikit na ng mukha ko,

" Vic?"

Sa isip isip ko, di ako kagad nakapagreact pero nakabawi ako ng matumba ito.. Nakayuko ito at Mabilis na nagsuot ng maskara, may hawak din itong camera.

"teka si supladong wirdo ba to?"

Babangon na ako ng tumayo ito natutumba tumbang tumakbo papalayo, nakatayo na ako at bago ito tuluyang makalayo ng husto ay binalak ko tong habulin.

"Lokong yun, kung sino man may balak pa atang masama sa akin, di pepede yan!!"

Nakakita ako ng maliit na Buko sa may paanan ng puno at aking dinampot, binato ko ito sa direksyon ng taong tumatakbo. At sa di ko inaasahan..

.

.

.

.

.

"fuck! sapol sa ulo, sungasob ito!!"

.

.

.

Lalapit na sana ako ng may lalaking patakbong lumalapit dito at sumigaw..
At maging ang mga kaibigan ko ay narinig kong sinigaw ang pangalan ko.

"Anak" / "Mika!"

Napatingin na lang ako sa mga kaibigan kong papalapit sa akin.

Kim: Mika anong nangyare? Bakit ka tumatakbo?

Cienne: Ano yung hinagis mo? May binato ka?

Kinuwento ko ang nangyari sa kanila.

Carol: hala ka, yun taong natumba kanina? Tinamaan mo sa ulo? Naku na!

Cams: si manong aliyo yung lumapit dun kanina sa tao, naku baka yun ang anak nya?

Mika: hindi ko naman sinasadyang tamaan sa ulo, promise! Ano ng gagawin ko? Nakakahiya kay manong aliyo, Diyos ko baka napuruhan ko? (mangiyak ngiyak nitong sabi)

Kim: Mabuti pa ay umuwi muna tayo sa villa at magayos ng sarili. Tapos puntahan natin si Manong Aliyo para alamin ang nangyare sa kung sino mang tao yun..

Agad kaming umuwi, naligo at nagbihis ng maayos na damit. Nagtungo kami sa opisina ni Manong Aliyo ngunit wala raw ito. Naiiyak na ko sa nagawa ko, pagaalala sa taong nabato ko at sa hiya kay Manong Aliyo." Mika kase bakit mo naman binato at ng buko pa talaga ha?" paninisi ko sa sarili.. Hay.. LORD PLEASE HELP ME..

--

ALIYO'S POV

Naglalakad lakad ako ng makita kong tumatakbo si Vic, alam kong sya yon kahit pa nakamaskra ito, nagulat ako ng may tumama sa ulo nito at tumumba agad ko syang nilapitan, ng makiusap ito sa akin bago mawalan ng malay ay binuhat ko na ito papunta klinika. Chineck ito ng doctor at maayos naman daw ito, nawalan lang ng malay, hindi naman pumutok ang ulo nito at ginamot na lang ng doctor sa paraang dapat. Tulog pa rin ito kaya minabuti kong ipakuha ang ambulansya para hindi na to kailangan gisingin upang mailayo at maiuwi.

Andito ako ngayon sa munti nyang bahay, nagkakape  sa labas at hinihintay na sya ay magising. Pumasok ako sa loob upang ito ay bisitahin. At sakto namang ito ay nagising..

Vic: Manong, ano pong ngyari? Ang sakit ng ulo ko. (hawak sa bandang likuran ng ulo nya)

Aliyo: Di ba dapat ako ang magtanong sa iyo nyan toru? Anong ngyari at nabato ka ni Mika ng Buko?

Vic: O__O BUKO?? Binato nya ako ng buko? (gulat nitong tanong)

Aliyo: Oo buko anak.

Vic: Buko talaga ho? As in Buko ho?

Aliyo: (--_--)* VICTONARA paulit ulit?? Buko nga, niyog, coconut!! Ano ba kasing ginawa mo?

Vic: Sorry po, nagulat lang ako.. Kaya pala natatandaan ko bago ko mawala sa ulirat ay napansin Kong may buko sa tabi ko.. Tsk, (naiiling nitong sabi)

Aliyo: Eh ano ngang ginawa mo?

Kinuwento ni Vic ang nangyari at bahagyang natawa si Aliyo sa anak anakan..

Aliyo: hahaha.. Kundangan ka ba naman?! Ay kahit sino ata ay makakapangbato,  kung bigla bigla ka na lang may makitang manghahalik sayo ng hindi mo inaasahan.

Ayan kalokohan at kaduwagan mo nabato ka ng buko.. Bukol inabot mo! Haha..

Vic: Manong naman, hindi ko naman po alam na hindi na Volleball ang sports nya ngayon sa tagal tagal kong walang balita sa kanya!

Aliyo: Anong ibig mong sabihin, at anong kinalaman nuon sa nangyari?

Vic: Eh malay ko po bang nagpalit yun ng sports,di ko akalain na marunong sya ng SHOT PUT!

Aliyo: tamo kang bata ka oh oh.  Kung may kasalanan dito ikaw yun! Bakit ba hindi ka pa magpakita sa kanya?

Vic: Manong hindi ko pa po ata kaya, kinakabahan ako kapag nasa harap na nya, ni hindi na ako makapagsalita. Hindi ko po alam kung kailan ko talaga makakaya. Natatakot pa din po ako na masaktan, kahit nararamdaman ko naman pong may halaga pa ako sa kanya.

Aliyo: Subukan mo muna toru. Subukan mo. Sa makalawa ay ibibigay sa kanya, sa inyo ang premyo ng pagkapanalo nyo. Subukan mo sa pagkakataong iyon..

Vic: Bahala na po si batman. (sigh)

Aliyo: tsk tsk, sya paano, mauna na ako, kailangan Ko bumalik dun at may aasikasuhin pa ako. Sumunod ka na lang kung nais mo at ng makapaghapunan tayo.

Vic: Sige po..

Iniwan ko si Toru upang bumalik sa resort dahil may mga aasikasuhin pa ako. Naglalakad ako papuntang opisina ng makasalubong ko si Mika.

Aliyo: Magandang gabi ija, anong maipaglilingkod ko sa iyo? :)

Mika: Ah eh magandang gabi din po sa inyo, ahm kasi po Ano kasi.. (nauutal at nakatungo nitong sabi)

Aliyo: tungkol ba ito sa nangyari kanina?

(tanong nito saka tinapik ng mahina si mika sa balikat)

Tumango lang si Mika at hindi nagsasalita. Tahimik na parang bata..

Aliyo: Kung ganun ay samahan mo ako sa aking opisina ng mapagusapan naten kasama ng tasa ng kape. :-)

Tumango lang muli si Mika at sumunod kay Aliyo. Nagpakuha naman si Aliyo ng dalwang tasang kape sa kanyang sekretarya. Naupo si Aliyo sa upuan malapit sa kanyang lamesa at ganun din si Mika..

--

MIKA'S POV

Hinihintay namin si Manong Aliyo na makabalik. Magtatakip silim na pero wala  pa rin ito. Nagpasiya ang aking mga kaibigan na umuwi muna upang maghapunan, pero ako ay nais magpaiwan. Hinayaan naman na nila ako, sapagkat sinabi kong pagnakausap ko si Manong aliyo ay agad din akong uuwi. Gusto ko lang maibsan ang pagaalala na nararamdaman ko.

Madilim na ngunit wala pa rin sya, tumayo ako mula sa kinauupuan ko at paalis na ng makita ko si Manong Aliyo. Binati nya ako at ganun din ako, kahit pa hiyang hiya ako sa kanya. Inimbitahan nya ako sa kanyang opisina upang pagusapan ang nangyari at magkape.

Nakaupo ako kaharap si Manong Aliyo..
Tahimik lang akong nagaantay sa sasabihin nya.. At nagsalita na nga ito.

Aliyo: Ija, yung kanina maari mo bang sabihin sa akin ang dahilan kung bakit my sya binato ng buko? (nangingiti ngiti nitong tanong)

Mika: eh kase po di ko naman po akalaing tatamaan sya sa ulo, nagulat po kasi ako kanina nung akmang parang hahalikan nya ako ng hindi ko alam at sakto namang nagising po ako at nagmulat, akala ko po nung una kasi yung kakilala ko, tapos nakita kong nagsuot ng maskara, insip ko pong sya yung nakasayaw ko sa palaro na iniwan ako. Gusto ko lang po sana syang komprontahin kaso nagtatakbo ito, kaya ayun. Sorry po. Kilala nyo po ba yung taong yun? (nahihiya nitong pagpapaumanhin)

Aliyo: lokong bata talaga yun. Pasensya ka na ija sa anak ko. :-)

Mika: O___O po?? A--Anak nyo po?

Naku mika lagot ka na talaga, magdasal ka ng lamunin ka ng lupa, o kaya maglaho na lang bigla. Libre na nga kayo sa bakasyon ganun pang ginawa mo sa anak nya.. Naku ka talaga..

Aliyo: Oo Mika, anak ko si Toru.. :-)

Mika: Naku pasensya na po talaga. Sorry di ko po talaga sinadyang tamaan sa ulo.. Sorry po.. Ayos naman na po ba sya?

Aliyo: Wala yun ija, Oo nabukulan lang haha, dapat lang yun sa Mokong na yun baka matatauhan.. Napakaduwag na napakatorpe pa..hahaha. Hindi dapat ganun ang trato nya sa babae, lalo na kung katulad mo, hayaan mo at babatukan ko paguwi ko.. Haha.. (tatawa tawa nitong sabi)

Mika: bakit naman po Manong? At sya po ba yung partner ko dun sa palaro?

Aliyo: Oo, di ba nga nasabi ko sayo na may crush yun sayo... Hahahahaha..

Waahh..pakiramdam kong namumula na ako sa hiya at ewan nak naman ng tupa oh oh.. Noh ba yan.. Makatawa pa si Manong wagas.. Kalurky..

Aliyo: Namumula ka na ija, haha. At nga pala sa makalawa ay makakamit nyo ang inyong premyo. Sana ay magustuhan mo.

:-)

Mika: Ah eh, opo..

Yan lang ang naisagot ko sa kanya dahil mahihimatay na ata ako sa hiya at ngayon aman kinabahan ako sa sinabi nya. Pano ko haharapin yung taong yun matapos ko syang mabukulan? Hay.. Tapos gwapo pala sya sa likod ng maskra. Naku lalo ng sayang baka naturn off na yun sa akin. Noh ba yan kinakabahan na nga ako naglumandi pa ako. Nababaliw na ata ako..
Naputol ang pagiisip ko ng magsalita muli ang kaharap ko.

Aliyo: May maipaglilingkod pa bay ako sayo ija?

Mika: Ah wala na po, pasensya na po ulit at maraming salamat po. Pakihingi na lang din po ako ng pasensya sa anak nyo. Salamat po.

Aliyo: hayaan mo at ipararating ko. :-)

Nagpaalam na kami sa isat isa. Bumalik ako sa Villa ng dala dala ang isipin na kung paano ang aking gagawin sakaling magharap muli kami.

--

The date..

VIC'S POV

*knock knock*

"Toru, anak, toru.."

Ginising ako ni Manong Aliyo sa mahimbing na pagkakatulog sa pamamagitan ng pagkatok sa pinto ng aking munting tahanan.

"Napakadilim pa naman ano kaya ang kanyang kailangan?"

Bumangon ako sa pagkakahiga upang pagbuksan sya at ng makapasok ito ay muli akong dumapa sa aking kama.

Aliyo: TORU!!! Bumangon ka na dyan, nakalimutan mo ba ang araw na to?

Vic: Birthday nyo po ba? Sorry po, happy birthday po Manong.. (matamlay nitong tugon)

Aliyo: Tamo ka talaga! Hindi ko kaarawan, Date nyo ngayon ni Mika, hala tumayo ka na dyan at ihanda ang mga dapat mo pang ihanda lalo na yang sarili mo!

Napabalikwas ako sa sinabi sakin ni Manong Aliyo at agad nagtungo sa banyo. Naligo na kaagad ako, hindi ko namalayan na ngayon na pala yun sa pagiisip ko bawat araw kung panong aking gagawin. Nagsuot lang ako ng cargo shorts, sando at flipflops. Ay nako bahala na nga! Dinampot ko ang camera, hoodie at maskra sa lamesa.
Patakbo akong lumabas at pasakay na ako ng kotse ng tawagin ako ni Manong..

Aliyo: hoy hoy! Teka nga, bakit mo dala dala yang jacket at maskra na yan?

Vic: Pangback up lang manong, kung sakaling alam nyo na. Sige po Manong mauna na ako sa resort! Salamat po sa paggising sa akin.

Pinaharurot ko na ang kotse ko papunta sa resort. Tinipon ko ang mga empleyadong magaasikaso ng date naming dalawa, este ng premyo para sa kanya. Matapos mapagplanuhan ay agad naman silang kumilos. Andyan na ang bukang liwayway ng puntahan ng isang staff si Mika sa Villa para sabihan at sunduin ito. Sabay na kaming maguumagahan at pagkatapos ay magsisimula na ang pagtotour sa kanya dito sa isla.

"Vic kaya mo yan, kayang kaya mo, tyempo lang, timing sa pinakamagandang oras"

--

MIKA'S POV

Ginising ako ni Cienne dahil andito na daw yung susundo saken. Nagatataka ako kung sino at bakit kaya tinanong ko sya at pinaalala sakin yung araw ng tour sa isla kasama yung nakamaskra. Hindi na ako sumagot pa sa kanya at agad na kong tumakbo sa banyo, naligo, nagayos ng sarili at nagbihis. Nagshorts at nagsuot ng puting manipis na longsleeves at flipflops. Nagtungo ako sa kinaroroonan ng susundo sa akin, sa hardin.

Sinabi nito sa akin ang detalye at nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko. Kinakabahan na nga ako wagas pa ang panunukso sa akin ng apat na luka.. Umalis na kami ng sumundo sa akin at patungo sa restaurant ng resort.

"Wooh this is it pansit..!!"

Ng makarating ako sa restau ay nakita ko ang taong nakatayo at nakatalikod malapit sa lamesa na tinuro saken ng staff kung san daw kami kakain. Nakacargo shorts at hoodie ito..

"Summer nakajacket? So weird talaga"

Nilapitan sya ng sumundo sa akin at may binulong dito. Tumango naman ito at umalis na ang staff. Lumapit pa ako ng bahagya ng lumingon ito sa akin. At hanggang ngayon ay suot pa rin sya ng maskra. Nagtama muli ang aming mga mata. At yun, yun na naman ang kabang nadadama ko, ang pabilis ng pabilis na tibok ng puso ko. Hindi dahil sa kabang napuruhan ko sya ng buko, kundi sa mga tingin nyang sa isang tao ko lang nakikita. Kung gaano sya kawirdo ay ganun din kawirdo ang nararamdaman ko sa tuwing nagtatapat ang aming mga mata.

Hindi ko namalayang nakalapit na ito sa akin. Nagvow ito sa akin saka inabot ang isang bungkos ng bulaklak na hawak nya ng hindi man lang nagsasalita. Kinuha ko naman ito at ang kamay nyang nakalahad sa akin. Tulad ng unang gabing nagkita kami ay para akong robot na sumusunod lang sa nais nyang ipahiwatig. Inalalayan nya ako hanggang makaupo.

"thank you."

Nagpasalamat ako at tumango lang ito sa akin, wala ba talaga tong balak magsalita? Nilagay ko sa gilid ng lamesa ang bulaklak na binigay nya sa akin.

Tahimik lang kami,  wala pa ring umiimik, tumitingin ito sa akin tapos iiwas, tutungo o kayo titingin sa malayo.

Langya makakasama ko to boong maghapon? Eh para namang tood to! Kukulot ang buhok ko dito! Ni good morning nga hindi masabi.

Hanggang maiserve samin ang food ay wala pa rin tong imik. Tumingin ito sa akin at tumango na parang sinasabi na kumain na kami. May kawalan din ng modo tong isang to eh, unti unti akong naiinis. Naiinis dahil hindi ko man lang magawang umapela o pagsalitaan sya ng kung ano sa hindi nya pagsasalita.

Sa ganda kong to, tama bang ganito ako itrato? Chos! Hay, nakakagutom kasama to. Kumain na lang ako ng nakatungo. Naiilang ako bigla dahil pakiramdam ko may pares ng mata na nakatingin sa akin. Tumunghay ako at tama ako, nakatitig ito sa akin.

"What?!" mahina pero iritable kong tanong sa kanya.

Umiling lang ito sa akin at nagpatuloy sa pagkain. Bakit ba hindi ko natanong kay manong kung pipe ba tong anak nya. Hanggang sa matapos na kaming kumain. Sinundo kami ng isang staff at inassist papunta sa dalampasigan kung saan naghihintay ang isang yate. Sa palagay ko ito ang yate na sinakyan naming bullies ng papunta kami dito.

Inalalayan naman nya ako sa pagakyat sa yate, napatingin ako sa kamay naming magkahawak at natigilan. Tumingin ito sa akin na waring nagtatanong kung bakit ako huminto. Umiling lang ako sa kanya.

Panong hindi ako matitigilan? Yung higpit na hawak nya ay parang may milyong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa akin. Hindi kayo ito si Volta? Hala!

Nang makasakay kami ay agad na umalis ang yate. Nandito kami ngayon sa bahagi na parang garden. Nakaupo at tinatanaw ang paligid. Hindi pa rin sya umiimik kaya nagsalita na ako.

Mika: Hi :-)

Tumingin lang ito at tumango. Grabe talaga tong isang to!

Mika: Pipe ka ba? Bakit hindi ka nagsasalita? Tsaka bakit ayaw mong hubadin ang iyong maskra?

Wirdo:.,,,,

Okay Mika kalma, kalma lang..

Mika: di ba anak ka ni Manong Aliyo? Ano nga pa lang pangalan mo?

Wirdo:.....

Grabe ako na nga nagtanong ng pangalan, wala pa rin. Asar naman talaga. Napipika na ako.

Mika: okay, kung wala ka talaga balak magsalita, maiwan muna kita doon na lang ako sa loob, baka dun may makakausap ako sa tour na to. (may halong pagkainis na ang boses nya)

Akmang tatayo na ako ng hawakan nito ang mga kamay ko. Gusto kong alisin ito pero mas gusto ng kamay ko na kumapit dito. Hay. Inaya nya akong tumayo at pumunta sa gilid ng yate. Gamit ang isa nyang kamay ay may itinuro ito sa tubig habang ang isa ay nakahawak pa rin sa kamay ko.

Dun ko rin naramdamang tumigil ang yate. Tiningnan ko ang tinuturo nito.

"Wow!! Ang ganda"

Mangha kong pagkakasabi. May mga nagkukumpulang makukulay na isda. Marami napakaraming isda. Ang iba ay nagtatalunan sa tubig. Sa nakikita ko ay napangiti ako at napalitan ng saya ang inis na nararamdaman ko.

Mga ilang minuto ko pa tong tiningnan ito ng bahagya akong hinila ng kasama ko. Pumasok kami sa loob ng yate. Hinatid nya ako sa may kwarto at nakatayo dun ang isang staff na babae. Binitawan nya ang kamay ko at nagvow muli sa akin at umalis. Kaya tinawag ko ito pero ang staff ang sumagot sa akin. At hindi ako pinansin ni wirdo.

Mika: wait lang..

Staff: Mam Mika, dito na po tayo sa kwarto. Kailangan nyo po magbihis,

Mika: Para saan?

Staff: Scuba diving po.. :-)

Mika: Really? :)

Masaya kong tugon sa kanya, ayos!! Ngumiti at tumango sa akin ang babae. Binigay nya sa akin ang aking mga gagamitin at nalalayan na ako nito sa pagsusuot ng gagamitin. Lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa bahagi ng yate kung nasaan ang instructor. Wala si wirdo.

Matapos akong i-orient ay lumusong na kami ng instructor sa dagat. Malapit na kami sa mga corals ng may dumating pang isang diver. Sa palagay ko si wirdo to. Pero mata pa lang din ang nakikita ko sa kanya.
Medyo nahihirapan ako kasi first time ko kaya bahagyang lumulutang ako. Nagulat ako ng hawakan ni wirdo ang kamay ko saka hinila papalapit sa mga corals. Hindi ko na sya pinansin dahil tuwang tuwa talaga ako sa nakikita ko. Ang makukulay na ibat ibang klase ng isda at mga coral reefs.. Nagikot ikot pa kami sa ilalim ng dagat hanggang sa umahon na kami dahil paubos na ang oxygen.

Matapos yun ay dinala kami ng yate sa bahagi ng isla na may malalaking bato.  Napakaganda dito. May nakaset na table for two. Umupo kami at kumain ng lunch.
Matapos yun ay inilibot nya ako sa lugar at inalalayan paakyat sa napakalaking bato. May nakalatag na dito na tela at may dalwang unan. At may basket ng pagkain.

Umupo kami dito at tinitingnan ko lang ang paligid.

"kung si Vic sana ang kasama ko sa ganito kagandang lugar wala na pang sasaya sa akin. Kahit dito na lang kami maghapon basta kasama ko sya ayos na ayos na Vic, please tell me where you are"

At hindi ko namalayang may mga luhang tumutulo sa aking mga mata. Napansin ko lang ito dahil naramdaman ko na may kamay na nagpupunas sa mga luha ko.. Si wirdo.. Nakatingin ito sa akin. May kinuha ito sa bulsa. Earset, inilagay nito sa aking tenga ang isa at ang isa ay sa kanya. Mas lumapit pa sya sa akin at inalalayan ang ulo ko na ihiga sa balikat nya. Habang ang isang kamay nya ay nakahawak sa isa kong kamay. At nagplay ang kanta...

"Sometimes in our lives

We all have pain

We all have sorrow

But if we are wise

We know that there's always tomorrow

Lean on me!

when you're not strong

and I'll be your friend

I'll help you carry on

for it won't be long

'till I'm gonna need

somebody to lean on

Please! (please)

swallow your pride (pride)

if I have things

you need to borrow

(For) for no one can fill

those of your needs

that you wont let show

So just call (call) on me brother (hey)

when you need a hand (When you need a hand)

we all need (need) somebody to lean on!

(I just might have a problem)

I just might have a problem that you'll understand

we all need somebody to lean on!

Lean on me (hey)

when you're not strong (When you're not strong)

I'll be your friend (I'll be your friend)

I'll help you carry on (help you carry on)

for it wont be long (o it wont be long)

'till I'm gonna need somebody to lean on

(Just lean on me) you just call on me brother (hey)

when you need a hand (when you need a hand)

we all need (need) somebody to lean on! (somebody to lean on)

(I just might) I just might have a problem that you'll understand

we all need somebody to lean on!

Lean on me

If (If)

there is a load! (there is a load)

you have to bare (you have to bare)

that you can't carry

I'm (I'm higher) right up the road

I'll share your load

if you just call me

Call me (I'm calling)

Call me (when you need a friend)

Call me (call me)

Call me (call me) (when you need a friend)

Call me (when you need a friend)

Call me (if you need a friend)

Call me (any time of day

Call me

It won't be long till I'm Gonna need somebody to lean on, lean on, lean on

lean on lean on lean on me when you need a friend

lean on lean on lean on me lean on me

lean on lean on lean on me

I'm gonna need (somebody) somebody to lean on

I'm gonna need somebody to lean on (somebody to lean on)"

Natapos ang kanta at napatingin ako sa kanya. Nakatingin ito sa malayo.  Marahil sinasabi nyang handa syang makinig kung sakaling gusto kong magshare ng problema sa pamamagitan ng kantang pinarinig nya sa akin. Sana nga lang tama ako sa iniisip ko.

Nakaramdam ako ng antok at tuluyan ng pumikit ang mga mata ko.

zzzZZZZZZZZZZZ.....

Nagising ang diwa ko pero hindi pa rin ako nagmumulat ng mata. Masarap humiga sa unan ko lalo sa ganito kapreskong hangin. Napakakomportable. Bahagya kong binuksan ang mga mata ko at napansin na papalubog na araw.

TEKA???!! araw? Hangin? Unan?? Wala nga pala ako sa kama!!

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko, nakahiga ako sa braso ni wirdo at nakayap ang isang kamay ko sa may tiyan nya!! Hala nakakahiya, kaya napabalikwas ako..

Nagising sya at umupo mula sa pagkakahiga. Nakatingin ito sa akin. Ramdam kong namumula na ako.. hindi ko man makita ang buong reaksyon nya ay alam kong sa nangingiti to sa likod ng maskra, Nakikita ko ito sa kanyang mga mata at naiiling iling pa! Ang mokong na to talaga! Inirapan ko na lang sya at nagiwas ng tingin. Tumayo naman ito at kinuha ang basket ng pagkain. Inilagay sa tabi ko at umupo. Hinanda nya ang mga laman nito at ibinigay sa akin. Saktong gutom na rin ako. Kinuha ko ito at nagpasalamat, kumain na ako ng hindi pa rin sya pinapansin.

Naririnig ko ang kanyang munti at mahinang pagtawa. Ang walangya inaasar ata talaga ako. Tumingin ako dito ng masama. Nagiwas naman ito ng tingin at tumalikod sa akin, pero alam kong natatawa pa rin sya dahil sa bahagyang pagtaas baba ng kanyang balikat.

"bahala kang mautot dyan sa kakatawa, Dyan ka na nga!! Kainis! Ughh!!"

Sigaw ko sa kanya matapos kong kumaen.
Nakakaasar na talaga. Nagwalk out ako. Bahagya kong binagalan ko ang lakad ko pero wala pa ring sumusunod o pumipigil sa akin hanggang sa makababa na ako ng bato.

"at talagang hindi ako sinundan? Eh bakit nga naman nya ako susundan?"

Ayan nababaliw na naman ako, Leche!
Umalis na ako ng tuluyan at kasalubong ko ang isang staff ulit ng resort. Sinabi nito na kailangan pumuntang yate para magprepare ng sarili para sa dinner..

--

VIC'S POV

@dinner

Hindi ko na sinundan si Mika nun nagwalk out sya kanina para mapagdahan ko ang dinner. At isa pa ang cute cute nya talaga pagnablush kaya hindi ko mapigilang ngumiti at bahagyang tumawa lalo na nung alam kong naiinis na sya. Mas lalo syang naging cute, sobrang cute..

Simula umaga humahanap ako ng tyempo kung paano ko sabihin sa kanya na ako to. Pero hindi ko pa rin nagawa. Ang tangi ko lang kaya ay hawakan ang mga kamay nya.

Nakita ko syang lumuluha kanina, hindi ko alam ang dahilan pero alam kong nalulungkot sya. Hindi ko kayang makita syang nasasaktan kaya agad kong pinunasan ang mga luha nya, hinilig ang ulo sa balikat ko at pinarinig ko ang kantang naglalaman ng nais kong sabihin sa kanya. Na pwede nya akong paghingahan ng kung ano mang dinadala nya. Tahimik lang ito hanggang sa makatulog sa balikat ko. Inihiga ko sya at umayos din ako ng higa, pinaunan sa braso ko ang ulo nya. Habang tulog sya ay mulat naman akong nagiisip ng dapat kong mga sabihin at gawin. Halos sumabog ng utak ko kakaisip ng maputol ito dahil ramdam kong yumakap ito sa akin. Napangiti ako at bumaling sa kanya. Tinaggal ko ang aking maskra at tinititigan ko sya habang nilalaro ang mga buhok nya.

"wala ka talagang kasing ganda Mika, napakaamo at inosente ng iyong mukha. Namiss ko ang ganito, titigan ka habang natutulog. Mahal na mahal kita.."

Napapailing na lang ako sa naalala kong at napapangiti. Chineck ko ang set up ng lugar, at maayos naman ito. Nakaset ang table for two at mga lampara naman ang nagkalat sa palibot ng lamesa dito sa may dalampasigan, may agwat naman ito sa dagat upang hindi kami maabot ng alon. May orchestra din sa di kalayuan sa amin. At sakto din ang maliwanag na buwan at mga bituwin. Matapos kong icheck ito ay kinausap ako ng isa aming mga staffs.

Staff: okay na po, papunta na sya dito..

Tumango ako, kinakabahan ako,  di ko alam kung ito na ba talaga ang tamang tyempo. Bahala na! This is it!

May hawak akong isang stem ng white rose na ibibigay ko sa kanya. Naglakad ako kung san ko sya dapat sunduin. Sa may dalampasigan na malapit sa yate.

Nakita kong papalapit na ang pinakamagandang dilag sa aking paningin.
Parang nagsslow motion ang lahat habang papalapit sya ng papalapit sa akin.

"She is so gorgeous.."

Kahit sa simpleng suot ay lutang na lutang talaga ang natural nyang ganda. Walang kupas walang katulad. Poker face itong lumapit saken, siguro ay naiinis pa rin sa akin. Haha.

Nagiba naman ang expression ng mukha nito ng iabot ko ang bulaklak na tinago ko sa likod ko. Tila tinatago ang ngiti sa kanyang mga labi. Inilahad ko naman ang kamay ko sa kanya at inabot nya naman ito. Nagtungo kami sa dinner place at halata sa kanya ang pagkamangha na akin namang kinatuwa. Umupo kami hanggang sa sinerve na ang pagkain.

"Vic ito na ang pagkakataon para umamin ka, para harapin sya.. Kaya mo yan" bulong ko sa aking sarili matapos naming kumain. Huminga ako ng malalim at akmang aalisin ang aking maskra.....
.
.
.
.
.

.
.

*kring kring*

"excuse me"

Wika nya.. Tsk wrong timing naman yung tumawag. Kaasar!

"hello jeron?"

Jeron, jeron?!??

"yap, okay naman.."

"Talaga?! Totoo?"

"Oo sige sige, once na makabalik kami ng manila! You're one of the best talaga"

"hahaha..oo syempre! Yah i know, sige thank you."

" okay i'll tell them, miss you too Je"

Miss you too je

Miss you too je

Miss you too je

Paulit ulit sa aking pandinig ang huli nyang sinabi na syang nagpabago ng aking isipan. Bakit hindi ko naisip na baka nagkatuluyan na sila ni Jeron. Na masaya na sya ngayon, na baka ang dahilan ng mga luha nya kanina ay ang pagkamiss kay Jeron. Hayy..

Vic haharap at magpapakilala ka lang muli, bakit hindi mo magawa? Natatakot ka na masaktan sya? Di ba sabi mo tatanggapin mo kung sakaling masaya na sya sa piling ng iba? Duwag kang talaga!

Napabuntong hininga na lang ako habang pinipigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Ramdam na ramdam ko pa rin pala ang sakit na dulot ng nakaraan. Pinipilit kong kalmahin ang sarili ko ng nagsalita si Mika.

"are you okay?"

Hindi na siguro ako magiging okay kahit kailan maliban na lang kung ako pa rin ang nilalaman ng iyong puso at isipan. Hayy..

Tumayo ako at nilahad ang kamay ko sa kanya. Inilayo ko sya ng bahagya sa lamesa at inalagay ang mga kamay nya sa aking mga balikat at tumugtog ang orchestra. Mas nilapit ko pa sya akin na para na kaming magkayakap.

(A/N ito po lyrics ng kanta sa mga di nakakaalam, pakiplay na lang nung nasa media box sa part na to kung gusto nyo.. :-)  )

You're in my arms

And all the world is calm

The music playing on for only two

So close together

And when I'm with you

So close to feeling alive

Mika, gusto ko ng samantalahin ang pagkakataong ito, hindi ko alam baka ito na ang huli para masayaw kitang muli, ang mapalapit sayo ng ganito, ang mahawakan ang mga kamay mo, at maiparamdam sayo kung gano kita kamahal sa pamamagitan ng mga yakap ko. Dito sa lugar kung san tayo lang..

A life goes by

Romantic dreams must die

So I bid mine goodbye and never knew

So close was waiting, waiting here with you

And now forever I know

All that I want is to hold you

So close

Akala ko maamin ko na sayo na ako to, kala ko buo na ako, pero ang marinig at makita kang masayang kausap si Jeron, para akong tinusok sa puso. Andun na eh, malapit ko ng alisin ang maskrang nagtatago sa akin ngunit Nawala lahat ng hinanda kong lakas ng loob kaya siguro hanggang dito na lang ako, ang sumayaw at yumakap sayo.

So close to reaching that famous happy end

Almost believing this one's not pretend

And now you're beside me and look how far we've come

So far, we are, so close

Oh how could I face the faceless days

If I should lose you now?

We're so close

To reaching that famous happy end

Almost believing this one's not pretend

Let's go on dreaming for we know we are

So close

Matagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Pagkakataong makita at makasama kang muli dala ang pagasang magiging tayo ulit. Lahat ng to para sayo, lahat ng bagay sa isla ay inaalay ko rin sayo. Pero mali pa rin pala ata ang tyempo ko...

Siguro nga hindi pa ito ang oras at panahong para sa atin..

"We are so close,  still so far....." yan ang huli kong bulong sa aking isipan.

---

A/N

Ayon natapos ko rin.. Sorry kung baduy.. Hehe.. Thanks po ulit sa mga nagbasa, vote and nag-add ng Story ko sa Reading List nila. Pasensya na din po sa Typos..

Baka po matagalan bago makapagupdate, magfiFiEsta kasi dito samen. So magiging busy..

At yung buko kinuha ko na para gawing SALAD.. Hehe. MAhirap na baka maibato na naman kay Idol ArA.. :-)

Salamat pong muli.. :-)

Continue Reading

You'll Also Like

36.3K 670 51
Paano kung sa gabing di inaasahan at makaka one night nya ay hinahanap-hanap sya palagi? At paano kung sa pag tago mo, sa anak nyo ay malalama't mala...
353K 12.9K 44
Rival Series 1 -Completed-
133K 2.8K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...
75.5K 1.9K 38
Date Started: September 21 , 2023 I didn't lose you,you lost me and you will search for me in everyone you're with and i won't be found baby. And no...