Growing Attention (Pueblo Dul...

By Jannasthz

23.5K 925 322

Lauvreen Cassiopeia Herberts is not the typical girl you always see. May mga prinsipyo siyang pinaniwalaan at... More

Growing Attention
Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25

Kabanata 12

512 28 16
By Jannasthz

Site

"Magandang umaga, Architect..." Mula sa pagbating ganoon, nagsunod-sunod na ang pagbati sa akin ng mga tauhan na nadadaanan ko.

Nag-abala pa talaga silang bumati kahit na nag-uumpisa nang umingay ang mga makenarya sa paligid. Sa gilid ng dinadaanan ko ay ang mga ilang daang sako ng semento at mga hollow blocks.

"Magandang umaga," I replied casually.

Earlier today, I decided to fill my mind with the project's process. Wearing my simple white tee and a blue high-waisted blue jeans, I drive myself to the site. Above my head is a white hard hat as I walk around wearing my  favorite white trainers. I will start observing the ongoing construction from this day.

"Nandidito na rin pala si Engineer Zajares, Architect. Kinakausap pa nga lang siya ni Doctor Apollo sa clinic nito," imporma sa akin noong tingin ko'y lider nila.

Ito ang unang kumausap sa akin pagkadating ko kanina. Siya na rin ang nagpakilala sa akin bilang Architect sa mga kasamahan niya.

"Kanina pa ba siya dumating?" napatanong ako.

"Nauna lang ng ilang sandali sa iyo, Architect..."

It didn't surprise me to know that Engineer Zajares is already here. What surprises me is my reaction with the name mentioned after the engineer's name. The side of my lips twitched involuntary... for no definite reason.

"Ay, nandidito na pala si Engineer, Architect! Kasama niya si Dok."

Napalingon ako sa direksiyong itinuro ng tauhan. Natagpuan ko ang sarili ko na nakatitig sa mga kalalaking paparating. Imbes na kay Engineer Zajares, doon nag-landing ang paningin ko sa katabi niya sa paglalakad.

Slowly, I small smile appeared again. The memories of last night came crushing by. The only difference is... it didn't make me dizzy.

"Good morning, Architect," paunang bati ni Engineer Zajares.

"Good morning, Engineer..." balik bati ko sa inhenyero.

I saw how Doc Montravo's lips twitched. Akala ko ay susunod siyang babati sa akin, ngunit ganoon na lang ang gulat ko nang ibang mga kataga ang namutawi mula sa mga labi niya.

"You're up early, Architect. I bet you had a good night sleep," matamang aniya saka ngumisi.

Nanlaki ang mga mata ko doon. He's clearly not putting a bet on his opinion. Alam niyang nakatulog ako ng maaga dahil sa kalagitnaan ng tawag niya kagabi, nakatulugan ko siya. May kung ano kasi sa boses niya na nagpaantok sa akin bigla.

His phonecall saved me from hurting myself last night and I didn't know what to say now that he's bringing the topic back this way.

"Uh, I think we all had a good night sleep last night, Dok. We're up early." Iyon na lang ang nakaya kong sabihin. Hindi pa ako makatingin sa kanya. "So, we're gonna proceed with our observation about the ongoing construction now?"

Nagpatay-mali na lamang ako sa tumutusok na mga titig ng Doktor na nandidito't kasama namin.

"Yes, Architect. Dadating din mamaya si Engineer Arendain at Engineer Gelbolinga para mag-observe. They're also part of the team." Si Engineer Zajares ang sumagot sa tanong ko.

Tumango ako. Napansin kong nakasuot na nga ng hard hat si Engineer Zajares. "Okay. Let's start observing then, Engineer..."

I took a couple of steps for me to find a good spot to observe the construction. Umagapay si Engineer Zajares sa akin. Nang nagtangka akong lumingon sa gilid at saka ko nalaman na hindi pala si Engineer ang naglalakad ngayon sa tabi ko!

"Apollo, you have to check your patients today!" Narinig ko pa ang boses ni Engineer Zajares sa dapit likod ko.

Natigilan ako.

"It's still early, alas nueve ang dating ng unang pasyente ko sa araw na ito, Tobias," sagot naman ni Apollo na kumpirmadong nasa tabi ko!

Sinulyapan ko siya at ganoon na lang ang kabog ng dibdib ko nang makita kong nasa akin ang buong pansin niya.

"Sasama na muna ako sa inyo na mag-observe dito sa construction," sabi pa niya.

Muling nakalapit si Engineer Zajares sa amin at kita ko kung paano kumunot ang noo niya sa sinabi ng pinsan.

"Ano? Nauntog ka ba at tingin mo iba na ang propesyon na tinapos mo? Anong ichecheck mo dito, Apollo? Wala kang pasyente dito!"

"I'm the partial owner of the hospital, Zajares.  It's my right to check the update of the hospital's construction."

Tumaltak si Engineer Zajares. "Ang hina ng diskarte mo, Montravo."

"Hindi ko naman kailangan magmadali. Ikaw nga sa sobra mong pagmamadali, kahit hindi mo pa napuputol ang tali mo sa iba, ginusto mo nang magpatali sa isa. Look what happened, Tobias? It was a wrong move, man."

"Tangina ah. Namemersonal kang doktor ka!" Engineer Zajares hissed.

Ngumisi lang si Apollo at bumalik muli ang sulyap sa akin. "Tayo na nga lang dalawa, Architect..."

"A-Ano?" Tell me, I misheard him!

Mas lumawak ang ngisi niya. "Tayo na nga lang mag-observe sa construction, Architect. Iritado itong inhenyero na kasama natin."

My heart almost sink with his gentle voice. Sa pagkakalmado ng boses niya kapag ako ang kinakausap niya, halos di ko na marecognize na nang-aasar siya sa pinsan niya.

Pinakatitigan ko ang ngisi na nakaukit sa mga labi niya pati na rin ang kabuohan ng mukha niya. Nanlaki ang mga mata ko nang may maalala nang dumako ang titig ko sa may buhok niyang nakaayon sa pamilyar na haircut.

"But, I can't let you observe with no hard hat on the top of your head, Dok. It's always a precautionary measure on the site," sabi ko. "Baka may mahulog na mabibigat na mga bagay sa'yo dito..."

"Nag-aalala ka ba sa akin, Architect?" Bigla'y nagtanong siya. "Put one on my head then, Lauvreen."

Napakurap ako sa huling sinabi niya.

He's just on his black slacks and a gray polo shirt today. He's not wearing any labcoat and a stethoscope around his neck. Kung magsusuot siya ng hard hat, magmumukha siyang... inheyero.

Kakayanin ko bang makita siya sa ganoong pormahan at maikompara ulit sa taong nakikita ko sa katauhan niya?

"Are you ordering the project's Architect for your sake, Montravo? Hindi mo ba maabot ulo mo at ipapagawa mo pa sa iba?" Engineer Zajares suddenly interrupted with a hiss. Mayroon na siyang hawak na hard hat at inaabot niya ito kay Apollo. "Ipapatong mo lang naman yan sa ulo mo, man. As if you didn't know what to do." Tumawa na si Engineer sa huling sinabi niya.

"Tangina ah. Gumaganti ka, Engineer!" Apollo hissed back with a cuss.

Sandaling umawang ang bibig ko pagkarinig ko nun.

Kumbinsido na talaga akong dinadaya na lamang ako ng aking sariling pandinig. Parang mas napapalapit pa yata ako sa banta ng pagkabaliw. Sino ba naman kasi ang matinong tao ang nakakalma kahit na harap-harapan na itong nagmura?

"Uh, it's okay, Engineer. If he wants me to put it on his head, wala naman nang problema sa akin..." Maski ako'y nagulat sa lumabas sa bibig ko.

Napatingin si Engineer Zajares at si Apollo sa akin. Nang makita kong nagulat din sila sa sinabi ko, ako na mismo ang kumuha sa hard hat.

I advanced a step. With a nostalgic feeling, heart sinking, my toes almost curling, I tried so hard to act as if doing this will not affect me.

Lumunok ako at tumingkayad para mailagay ko ito sa itaas ng ulo niya. Napahawak pa ako sa dapit nang balikat niya nang sinubukan kong muling umayos ng tayo. Nanatili ang halimuyak ng kanyang pabango sa aking ilong. Parang bibigay na talaga ang aking mga tuhod dahil doon.

"Y-You're tall... h-hindi kita masyadong abot..." naisaboses ko nang makita kong hindi ko naayos ang paglalagay. Halos matabunan ang kanyang mata.

Tumikhim si Engineer Zajares. "Maybe I'll just check on the other side of this site, Architect. Iwan na muna kita dito sa pinsan ko..." He sounded uncomfortable and awkward with us. Narinig ko na lang ang mga yabag niya papalayo sa amin.

Instead of feeling the aftermath embarrassment, my whole attention was caught by someone else. Imbes na mag-init ang aking pisngi sa pagkapahiya, mas nag-init ang gilid ng aking mga mata sa aking nakikita.

Looking like a gentleman with white hard hat on the top of his head, Doctor Apollo Montravo will pass as an Engineer. Kahit saang anggulo ko tingnan, kahit na hindi naman sila magkamukha, naaalala ko talaga si Fabio sa kanya!

Naramdaman ko ang masuyong hawak niya sa aking pisngi. Sa pagkakatulala ko, hindi ko  namalayan na nakalapit na siya sa akin.

"You don't have to cry, Architect..." bulong niya. "Do I look like him now? You're seeing him on me right now?"

Sinasalo ng mga daliri niya ang pagpatak ng aking luha. "N-No. I am aware that I'm with you right now, Dok."

"But, you're looking at me with him on your mind. Nag-iba ang klase ng pagkakatingin mo sa akin. Don't worry, I won't mind. My attention's all for you, Architect."

Natigil ang aking pagluha. Maybe, he's seeing his girl on me right now, too? Kaya ganito siya sa akin. Is the gentleness I am craving... is actually for her?

Umatras ako ng bahagya. Ang kamay niyang nakalapat sa basang pisngi ko'y naalis at kanyang naibaba. I hastily wiped my tears.

"I'm sorry. My eyes are still adjusting with the sight of the debris," ani ko at itinuro ang isang tauhan na may ginagawa sa pahabang bakal na nandoon.

His jaw pulled tight. "Don't lie to me, Lauvreen. Kaunting atensiyon lang naman ang hinihingi ko mula sa'yo. Di ba klinaro ko na iyon sa iyo una pa lang? So, you don't have to deny. You don't have to lie..."

Isang palaisipan kung papaanong ang bilis niyang mabasa ang mga iniisip ko. The thought of him unleashing my darkest secrets without my knowledge bothered me. I don't wanna look at him this way.

Sa katahimikan, mas nasentro ang pansin ko doon sa iniisip ko kahit na noong nagsimula ang dapat na site observation na siyang ipinunta ko dito.

"This is Architect Lauvreen Herberts." Narinig ko ang pakilala sa akin ni Tobias Zajares.

Pilit ang pormal na ngiti na nakapaskil sa aking labi.

Bandang alas diez ay dumating ang dalawang inhenyero na sinabi sa akin ni Engineer kanina. Ang pinsan niya, ayon at kanina pa bumalik sa ospital para sa mga pasyenteng naghihintay sa kanya. Hindi na siya nagsalita pagkatapos ng huling sinabi niya kanina.

"Architect?" a voice interrupted. Saka ko lang nadungaw ang nakalahad nitong kamay.

"Engineer Lawrence Arendain," he stated his name as we shook our hands. "Looking forward to help you with this project. I hope you can still remember me."

Kumunot ang noo ko.

"We met once. Ikaw iyong ipinagmamalaki ni Architect Angeles na apprentice niya noon. Ikaw pa rin ang basis niya sa mga nag-aapply bilang apprentice niya hanggang ngayon." saad nito.

Nanlaki ang mga mata ko.

Halos hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. My apprenticeship didn't even appeared on my mind these days. Basta, ang gusto ko lang ay ang bumalik sa pagtatrabaho.

"And I am Engineer Gracee Gelbolinga. It's a pleasure to finally meet you in person. Glad that you're back on the field. Ang daming naghanap sa expertise mo." Iyong isa naman ang binalingan ko.

"T-Thank you. Excited to work with you two..."

My new colleagues pulled me out from thinking other things far from work. Pilit kong inalala kung bakit nga ba ako nandidito.

Work your ass, Lauvreen! Hindi ka kikita at gagaling sa mga iniisip mo!

"So, they're going to help you with the project lalo na kapag out of the country ako. I have to fly back and forth from here to US, kaya makakatulong talaga sina Engineer Arendain at Engineer Gelbolinga," ani Engineer Zajares sa akin.

Tumango ako habang sumisilong sa maliit na tent na nandodoon.

Dahil kakasimula pa nga lang ang construction, halos wala kaming masilungan. Mabuti nga't may itinayo na ganito ang ilang mga tauhan para sa amin.

"I will be here almost everyday to monitor the construction, Engineer. I will work things out for this project. It's a blessing that there are other Engineers who can help me with this aside from you," sabi ko.

The topic about the project's construction went on. Nang mag-alas onse ay nagpaalam sina Engineer Arendain at Engineer Gelbolinga na aalis na muna. Halos tapos na rin naman ang observation namin sa araw na ito.

"Sabay-sabay na tayong umalis. I'll treat you all with lunch," paanyaya ni Engineer Zajares.

But, then the Engineers declined the invitation. Mukhang sa isa pang proyekto ang pupuntahan nila at importante talaga.

"Mukhang ikaw na lang ang sasama sa amin na mag-lunch, Architect." Liningon ako ni Engineer nang makaalis na ang dalawa.

"Uh, is it okay, Engineer? Hindi naman kalayuan ang bahay ko dito. I can go home for lunch," anas ko.

"Huwag ka nang tumanggi, Architect. It's my cousin's treat. Maiinis yun sa akin kapag tatanggi ka sa paanyaya ko." Ngumisi si Engineer Zajares.

Just on cue, naintindihan ko kaagad ang sinasabi niya. When I felt the nearing radiating presence of someone familiar, natilian na lamang ako. My strength to decline was gone in an instant.

"Let's go?" anito. "Kanina pa ako tapos sa check ups ko. I'm just waiting for your meeting to be done."

Nang lumingon ako, nakita ko ang nagsasalitang si Apollo habang busy sa kanyang cellphone. He didn't bother to look up. Mukhang may talagang pinagkakaabalahan ah...

"Let's get going..." anas ni Engineer.

Sumunod ako nang maunang maglakad si Engineer. Muntik na akong matigil sa paglalakad nang maramdaman kong may tumabi sa akin. His arm touched the skin of my arm. Kailangan ko pa bang itanong sa sarili ko kung sino itong nasa tabi ko?

My breathing's unstable. Kulang na lang ay hilahin ko ang dila ko para lang makapagsalita. "I-I will be tailing your car, Engineer. I brought my car with me..."

"Iwanan mo na lang ang kotse mo dito sa site, Architect. We'll just eat lunch nearby. It will be hassle for your part if we'll you drive for yourself back and forth. Sumabay ka na lang sa kotse ni Apollo," ani Engineer na siya namang nakadungaw ngayon sa kanyang cellphone.

Mukhang may importanteng mensahe doon kaya nakatutok ang mata niya doon kahit na nagsasalita siya.

Umawang ang labi ko at nilingon si Apollo na kakalagay lang ng kanyang cellphone sa bulsa ng kanyang slacks. Nag-angat siya ng pansin. My gray orbs met his gentle yet bold ones.

"A-Ayos lang bang sumabay ako sa'yo?" naitanong ko habang nalulula sa tapang at lambot ng kanyang mga mata.

"Ikaw? Gusto mo bang sumabay sa akin?" Instead of answering, he retorted back with a  question.

Sinulyapan ko ang nakaparada niyang kotse tapos pabalik naman sa nanghahamon niyang mga titig.

"Let's go, Dok," I said softly.

Pinatunog niya ang kotse niya pagkatapos ay pinagbuksan ako ng pinto nito. Dahan-dahan akong pumasok at pumuwesto sa front seat.

"Seatbelt?" aniya.

Hinagilap ko ang seatbelt at ikinabit. Nanatili siyang nakatitig sa akin habang ginagawa ko ito. Ang simpleng pagkakabit ko sa seatbelt ay naging isang napakahirap na gawin. My fingers are trembling. My insides are churning nonstop.

His eyes were fixed on me, tahasang binabasa pati laman ng kaluluwa ko. It's frustrating...

I was never at ease with his whole attention. Hinahayaan ko siyang titigan ako kahit na nakakabahala ang sayawan ng mga kulisap sa loob ng aking tiyan.

"Am I making you uncomfortable today?" bigla'y nagtanong siya. He's starting the engine of the car.

"No..." halos puro hangin ang lumabas sa aking bibig bilang sagot.

"I know. I'm just making you miss him so much and you don't have to deny that to me..."

Napalingon ako sa kanya, naghihintay sa idadagdag niya.

He gripped on the steering wheel tightly. We're almost ready to go.

"Funny how I told you that we're on the same page. Na makukuntento tayo sa atensiyon na kayang ibigay ng isa't-isa, yet I am craving for more of what you can actually give, Architect..."

Then, we're really on the same page. Kasi, ganito yung nararamdaman ko ngayon.

"But, I won't mind if you're seeing him in me because you won't mind if I'll see her in you, right? Iyon ang usapan natin."

Tumango ako kahit may pagtutol sa sistema ko.

"I don't mind. I won't mind. I won't mind..." He even chanted. "Just don't lie to me when I ask you if you're seeing him on me, Lauvreen. I know that you're trembling because of him. I know that your breathing's unsteady because of him. Para sa kanya di ba at hindi sa akin?"

Tumango ako.

I know that your gentleness and care is not for me too, Doc. Para rin sa kanya at hindi para sa akin. Ngayon ay mas naging malinaw na.

"Now, let's get going to grab our lunch," aniya. "Mukhang nauna na sa atin si Tobias doon..."

Continue Reading

You'll Also Like

827K 38.8K 29
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
1.4M 32.5K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...