Subside Everything (SB19)

LanehLarry

934 49 0

A SB19 FanFiction wherein; Stell, the owner of the house together with Josh and Ken, the supermodels let Seju... Еще

Subside Everything
Prologue
GITZ, BREAK! #1
GITZ, BREAK! #2
GITZ, BREAK! #3
GITZ, BREAK! #4
GITZ, BREAK! #5
GITZ, BREAK! #6
GITZ, BREAK! #7
GITZ, BREAK! #8
GITZ, BREAK! #9
GITZ, BREAK! #10
GITZ, BREAK! #11
GITZ, BREAK! #12
GITZ, BREAK! #13
GITZ, BREAK! #14
GITZ, BREAK! #15
GITZ, BREAK! #16
GITZ, BREAK! #17
GITZ, BREAK! #18
GITZ, BREAK! #19
GITZ, BREAK! #20
GITZ, BREAK! #21
GITZ, BREAK! #22
GITZ, BREAK! #23
GITZ, BREAK! #24
GITZ, BREAK! #25
GITZ, BREAK! #26
GITZ, BREAK! #27
GITZ, BREAK! #28
GITZ, BREAK! #29
GITZ, BREAK! #30
SB19
PSICOM APP

Epilogue

32 0 0
LanehLarry

Kasabay ng pagtila ng nadarama

I'm the youngest member of SB19, my name is Justin.

---

"Kailan ang lipad n'yo ulit?"

Binasag ulit ni Stell ang tahimik na bumabalot sa aming lima rito sa kwarto ni Ken kung saan sila nag-check in ni Josh mula sa Korea.

"Sa makalawa lang din," sagot sa kan'ya ni Josh.

Katulad ng dati, inihahanda nila ang pagkain. Si Ken at Sejun ay nilalaro si Aracelli. Habang ako ang nagtitingin-tingin lang sa kanila. Kanina pa ako hindi nagsasalita, panay sagot lang sa mga tanong nila ang tanging buka ng bibig ko.

"Hindi na kayo babalik?" Si Sejun.

"Nando'n ang trabaho namin," sagot ni Josh.

Hindi kami nakaimik. Naging tahimik na lang din. Siguro umaasa sila na rito na silang dalawa sa Pilipinas. Bumisita lang pala talaga sila para sa amin.

Habang kumakain ng meryenda, biglang nagsalita si Sejun.

"May gagawin tayo bukas..."

"Sama!" Si Aracelli.

Isa rin pala ako sa kinuhang ninong ni Sejun noong binyag ni Aracelli, ilang buwan lang matapos ang pag-alis naming lahat.

Napangiti naman ako nang lumapit sa akin si Ara at naglahad ng braso para makarga s'ya. Kinuha ko s'ya at kinandong na lang.

"Gusto mo ba ng libreng cake ni Daddy Vester, Ara?" tanong sa kan'ya ni Sejun.

Agad na kumunot ang noo ni Stell habang subo ang tinidor. Nagtataka n'yang tinignan si Sejun.

Kung hindi ako nagkakamali, ito 'yung sinasabi n'yang plano para sa bakeshop ni Stell. Nilingon ko rin si Sejun. Nabasa naman n'ya kaagad ang tanong sa mga mata ko.

Tumango s'ya. "Kung naalala mo 'yung sinabi kong plano noon, 'yun ang gagawin ko ngayon." Napangisi s'ya.

"Kung okay lang sa'yo, Stell." Itinuon n'ya ang pansin sa kan'ya. "Sa bakeshop mo, magkakaroon ng free concert. Tapos sasayaw si Josh, at kay Ken magpapapicture kasi nga model." Natatawang paliwanag n'ya.

Ito nga 'yun! Pangarap n'ya noon na kapag bumalik na ang dalawa galing sa ibang bansa, balak n'yang gawing stage ang garden sa bahay ni Stell. Gagawing standee kung saan magpapapicture lahat kay Ken. Ako raw ang bahala sa decoration at ang edit ng mga flyers.

Ganoon nga ang ginawa namin. Si Sejun ang nagplano ng lahat at ipinasa kay Ken ang pag-aalaga ni Aracelli. Matalino. Hindi na lang n'ya inuwi sa bahay nila.

"Mas gusto kong ako ang nag-aalaga kay Ara baka kasi magtampo ang isa d'yan at isumpa ako, eh, ako na nga ang nagsustento ng mga gamit n'ya noon---"

"Manahimik ka, Felip Suson," saway sa kan'ya ni Stell.

"Grabe, biro lang naman 'yun!"

"Hindi nakakatuwang biro." Seryoso ang mukha ni Stell na sinabayan pa ng malaking mga mata ni Josh. Pinatutulungan! Lihim akong napangiti kaso nahagip pa 'ata n'ya.

"Ano, Justin?!"

"HAHAHA! Pikon ka talaga!" Naiiling na sagot ko.

Inabot na kami ng dinner kaya bumaba na kami sa buffet ng hotel. Sinundo na kanina si Aracelli ng sariling yaya. Nagpalipas na kami hanggang hatinggabi habang inaasikaso ang mga kailangang mangyari sa makalawa. Naging madali para sa amin dahil si Stell na rin ang may-ari.

Kinabukasan, bumalik kami sa bakeshop, dalawang oras bago magbukas. Si Sejun na ulit ang nagplano para sa floor setting. Pinuntahan na rin namin ang loob at nilibot ang buong bahay. Ngayon lang ako nakapasok dito at kagaya ng naikwento, gano'n namin nadatnan.

"All set na, si Justin na bahala sa decorations. Mamayang gabi na lang natin i-set up 'yumg mga darating na gamit. Gusto n'yo pa rin ba tumulong?" tanong n'ya sa dalawa. Halata namang walang kapaguran ito dahil gusto n'ya at masasya s'ya rito.

Kinagabihan, biglang hinarangan ni Ken ang nakikita ko. Hindi ko ipinakita kung gaano ako kagulat sa pagsulpot n'ya.

"P'wede ba tayo mag-usap?"

Nilingon ko ang mga kasasma ko at abala na sila sa sight-seeing mula sa counter. Bumalik ang tingin ko sa kan'ya. Nagpalitan lang kami ng tango at lumayo sa mga tao. Napatikhim ako.

"May gusto ka bang ipabili para maibigay ko sa'yo kung sakaling babalik pa ako rito?"

'Yakap mo.'

"Kahit 'wag na..."

Akala ko matatahimik na kami, hanggang sa nagsalita s'ya ulit.

"Kumusta ka? W-wala ka bang girlfriend?"

Napaatras ako sa tanong n'ya. Mukha ba akong magkakaroon ng girlfriend? Halos araw-araw kaharap ko ang computer para i-edit ang mukha mo. Nanggigil ako bigla.

"Wala," sagot ko na lang.

"Nililigawan?" sunod na tanong n'ya.

Nanliit ang mga mata ko. Ang kulit, ah?

"Wala."

"Crush?"

"Wala!"

Natawa naman s'ya sa biglang pagtaas ng boses ko. Mas lalong kumunot ang noo ko habang sinunsundan ang galaw ng ulo n'ya katatawa.

"Boang ka na," bulong ko. Napatigil naman s'ya.

"Narinig ko 'yun, ah!"

"Naintindihan mo?" Mataray na tanong ko.

"Hindi."

Tsk! 'Ta mo.

"Pero seryoso ako...wala kang naging girlfriend? Kasama? Sa loob ng tatlong taon?" Pagbabaka sakali n'ya.

"Nakaharap lang ako sa computer, wala nang iba."

"Tapos ako ang ine-edit mo?" tanong n'ya.

"Bakit sino pa ba? May choice ba ako?"

At hanggang sa nakita ko na naman s'yang ngumisi. Nang-aasar ba ito?

"Bakit sa akin ka pa rin nagtatrabaho? Akala ko kila Sejun ka?"

"Hindi na ako umalis. Pinilit nila ako."

"Gusto mo naman?"

"Malamang! Trabaho 'yun!" sagot ko kaagad.

"Hmm, okay? Then?"

"Anong then?!"

Napaupo kami sa magkatapat na coffee table habang tinatanaw ang mga tao sa 'di kalayuan.

"Mag-kwento ka, kung anong nangyari sa buhay mo..."

"Eh? Bakit ako?"

"Kasi ikaw lang ang kausap ko?" Bumalik sa akin ang tanong. Napairap ako.

"Ano ba mga gusto mong marinig galing sa'kin?"

"Kung paano mo nakayanan ang tatlong taon..."

Nag-iintay pa ako ng kasunod kaya napatingin ako, nagtama ang tingin namin. Malalim ang mga mata n'ya na punong-puno ng kahulugan. Nauna s'ya mag-iwas ng tingin.

"Kung paano mo nakayanan ang tatlong taon na hindi ako kasama." Pagtatapos n'ya.

Hindi ako nakasagot, natulala ako at napapikit.

"Kung paano mo tiniis na hindi sagutin lahat ng tanong ng mga tao noon---"

"Madali lang," pigil ko.

"Nakatulong na rin 'yung pagiging malayo mo. Ayos lang na natatanaw kita, nakikita kita sa harapan lang ng screen."

"G-gusto mo pa rin bang matulog sa balikat ko? Gusto mo pa rin bang inaayusan ako? Inaasikaso ako? Inuuna ako? G-gusto mo pa ba ako?"

Sumikip ang dibdib ko, nanlambot ang tuhod ko at pati ang pagtibok ng puso ko, biglang humarentado. Tama ba ang narinig ko?

"Narinig ko 'yun, Jah. Hindi malinaw pero naintindihan ko kaagad. Sorry kung hindi ko nasabi, sorry kung iniwasan ko, sorry kung itinuon ko ang pansin ko kay Aracelli, sorry...kung mas pinili kong umalis ng bansa nang hindi ka iniisip."

"Responsibilidad mo ba ako?" tanong ko.

"Pero inalagaan mo ako."

"Sapat na ba 'yun na dahilan para mapigilan ka sa pag-alis noon?"

Hindi s'ya nakasagot. Sino nga ba ako para pigilan s'ya sa sariling mga pangarap? Kahit ilang beses n'ya akong isipin, hinding-hindi magbabago ang desisyon n'yang umalis dito noon.

"Nagdalawang isip ka ba noon kung talagang iiwan mo ang Pilipinas para sa pangarap mo?" Muli, hindi s'ya nakasagot. Dahil mukhang hindi lang din ang sasabihin n'ya.

"Okay na ako, Ken. Masaya ako ngayon kaya alam kong naging tama ang desisyon nating dalawa."

"Nating dalawa?" takang tanong n'ya.

"Oo, 'yung piliin ang sarili natin."

"Pero pangarap ang pinili ko."

"Bakit? Nasaan ba ang 'sarili' mo? Anong bang mayroon dito sa Pilipinas---"

"Ikaw."

Natigilan ako. Mariin akong napapikit at nagpakawala ng buntong hininga. Ilang segundong natahimik ang paligid.

"Masaya ka ba sa pangarap mo?" tanong ko.

Imbis na sumagot, iginilid n'ya ang lamesang namamagitan sa amin at tinapik ang tabi n'ya "Halika rito."

Sumunod ako. Pinadausdos n'ya ang sarili sa upuan para magpantay ang ulo ko sa balikat. Mas matangkad ako, ah? Sunod naman n'yang tinapik ng balikat n'ya. Parang dati, kapag inaantok pa ako.

Lumunok ako bago lumapit sa humiga katulad ng utos n'ya. Nagulat ako nang bigla s'yang mapadaing.

"Bakit?!"

"Masakit!" Hinawakan n'ya ang balikat n'ya at hinimas. Alala kong hinawakan din ito. Nagpatong ang mga kamay namin, nagkatinginan kami. Isang maling galaw ko lang, magtatama na ang noo namin.

Nanlaki ang mata ko nang ibaba n'ya ang suot na t-shirt hanggang sa balikat. May naaninag akong itim malapit sa collarbones n'ya. May liwanag pa rin ng buwan kaya nabasa ko ito.

'Home is wherever I'm with you'

"M-may tattoo ka?" Agad kong tanong pagkabasa ko ng sulat dito.

"Henna lang 'yan..."

"Kailan lang?"

"Noong birthday ko," sagot n'ya.

"Bakit hindi pa natatanggal?"

Nagkibit balikat s'ya at itinaas na ang shirt.

"Sa lahat ng bahay na tinuluyan ko at tinulugan ko nitong nakalipas na taon, lagi kong hinahanap 'yung yakap ng mga unan noon sa bahay ni Stell. At alam ko na sa bawat gising ko, may sasalubong na ngiti mula sa inyo..."

"Laging kong hinahanap ang pamilyar na pakiramdam kapag natutulog ako pero wala. Bigo ako. Walang tatalo sa bahay ni Stell."

Natulala lang ako sa mukha n'ya. Ilang beses man s'yang ngumiti, nakikita ko ang malulungkot na mata n'ya.

"Ilang beses ko na bang nasabi sa'yo na hindi ako nagsisisi na nakilala kayo sa kabila ng nangyari?"

"Hindi ko alam..."

"Hmmm...edi ngayon, alam mo na."

Napangiti ako.

"Basta, lagi mo lang tatandaan na kahit ilang bahay pa man ang tutuluyan at tutulugan ko, wala pa rin mas hihigit ang naging gising ko noon kasama kayo. Babalik at babalik pa rin ako rito."

Binalot kami ng mahabang katahimikan. Hindi ko namalayang nakahiga na ako sa balikat n'ya hanggang sa bumagsak ang talukap ko at natulog na.

Nagising ako sa mahinang pagtapik sa pisngi at makailang beses na pagtawag ng pangalan ko. Napabangon ako habang nagkukusot ng mata. Tama nga ako! Nakatulog ako sa balikat ni Ken!

"Hala! Nangawit ka ba? Nangalay ba? Namanhid ba?" sunod-sunod na tanong ko.

Ngumiti lang s'ya at umiling. "Sus, praktisado na 'to ang bigat mo magmula pa noon."

Napatayo na lang kami nang marinig ang ingay sa 'di kalayuan. Natanaw namin ang ilang mga tao na nag-aayos ng stage.

"'Di na dapat pang tumitig pa sa'yong mga mata
Ngayon, ikaw na lang ang nakikita..."

Tinig ni Sejun ang nagmumula sa speaker! Lumapit kami rito at nagsisimula na silang mag-ayos.

Hindi ko na lang ito pinansin dahil nahila ako ni Ken sa taxi at umuwi sa kan'yang hotel. Doon na rin ako natulog kasama ang iba.

Araw ng mismong concert ni Sejun sa bakeshop ni Stell, nauna akong magising para tignan ang ingay mula sa kusina. Nagluluto na naman si Stell. Ginising ko ang lahat para makakain na at makaalis. Saktong nagbukas ang bakeshop at nagsimulang magpapasok ng tao. Isang cake, isang ticket. Akala ko pa naman, gagawing libre ito ni Sejun.

Ilang oras lang, halos mapuno ang buong garden. May mga taong nakasilip pa mula sa kalsada. At nang magtatanghali na, napuno na nang tuluyan at nagkaroon pa ng pila.

Sinimulan ni Stell ang programme.

"Maraming maraming maraming salamat po sa mga taong nagbigay ng kani-kanilang mga oras para manood sa gagawin naming pangtatanghal ngayon. Sana po mag-enjoy kayo! Ang mga pagkain po ay nasa gilid lang. Thank you and enjoy watching!"

Nakapwesto na ako sa pinakaharap para mag-video at mag-cover ng buong event. Pumwesto si Josh sa stage at nagsimula ang tugtog.

Masayang-masaya ang mga tao sa panonood nila kahit nagsisimula pa lang. Hindi naman maitatanggi tunay na galing ni Josh sa stage. Ang angas! Walang kupas!

Ilang beses s'yang sumayaw at pinagbigyan ang mga hiling ng iba sa kan'ya. Marami ang natutuwa sa ginagawa n'ya. Nilingon ko si Stell na masaya ring nanonood sa gilid.

Nagkaroon ng ilang oras na break bago umeksena si Sejun.

"Hello everyone, this is Sejun and I would like you to hear my upcoming song... Hanggang Sa Huli."

Tumugtog ang kaparehas na tono sa ipinarinig n'ya sa amin noon. Nasa kalagitnaan na nang makita kong ang iba ay kunwari na nasasaktan at umiiyak. Napangiti ako.

Biglang umakyat si Stell sa stage at ipanagpatuloy ang kanta."Kung pinagtagpo.
Tayong dalawa'y para sa isa't isa."

"At kung nasabi ko ang lahat noon, ay may magbabago ba?"

Kusa na akong tumigil nang marinig ko ang mataas na pagkanta ni Sejun dahilan para mas maging masakit ang kanta para sa iba. 'Yung mga salita na 'yun ang mga sinabi n'ya noon. Noong nasasaktan s'ya, noong sinisisi n'ya ang sarili sa nagawa n'ya at kung bakit nasira ang lahat.

"Sa aking bawat paghinga, dalangi'y makapiling ka," sagot sa kan'ya ni Stell.

"At kung ito na ang huli
Nais kong malaman mo na..."

"Mahal kita
Mahal kita
Mahal kita."

Nagpalitan sila ng titigan. Hindi ako makahanap ng butas para sabihin wala na ang pagmamahal sa kanila. Sila't sila pa rin ang sinisigaw ng nangungulilang mga mata mula sa kanilang mga puso.

Natapos ang concert sa isang mini-fansigning event para kay Ken. Nagtulungan ang lahat para makapagligpit at maibalik sa maayos ang mga gamit. Nakapalibot kami ngayon sa bukana ng kalsada.

"Aalis na talaga kayo bukas?"

Malungkot na ngumiti ang dalawa. "Babalik din naman kami."

"Kailan pa?"

"Kung kailan p'wede."

Hinawakan ni Ken ang pulso ko at dahan-dahan akong hinila papalapit sa p'westo n'ya. Ibinigay n'ya ang maliit na papel.

'I'll wait for everything to subside. I hope you'll wait for me. Pupuntahan ko lang ang pangarap ko at babalik uli rito. Wanna know where my home is?'

Nang matapos ko magbasa, nag-angat ako ng tingin nang biglang hilain n'ya ako papalapit at saka yinakap. Nakasiksik ang ulo n'ya sa balikat ko at halos hindi ako makahinga sa sobrang higpit ng gapos n'ya. Ilang saglit pa, mula sa dibdib ko, bigla s'yang nagsalita.

"Here. This is my home."


THE END.

Продолжить чтение

Вам также понравится

43.9K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
"SOULMATES" j.sp

Фанфик

117K 3.7K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
188K 5.6K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
817K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...