Subside Everything (SB19)

By LanehLarry

952 49 0

A SB19 FanFiction wherein; Stell, the owner of the house together with Josh and Ken, the supermodels let Seju... More

Subside Everything
Prologue
GITZ, BREAK! #1
GITZ, BREAK! #2
GITZ, BREAK! #3
GITZ, BREAK! #4
GITZ, BREAK! #5
GITZ, BREAK! #6
GITZ, BREAK! #7
GITZ, BREAK! #8
GITZ, BREAK! #9
GITZ, BREAK! #10
GITZ, BREAK! #11
GITZ, BREAK! #12
GITZ, BREAK! #13
GITZ, BREAK! #14
GITZ, BREAK! #15
GITZ, BREAK! #16
GITZ, BREAK! #17
GITZ, BREAK! #18
GITZ, BREAK! #19
GITZ, BREAK! #20
GITZ, BREAK! #21
GITZ, BREAK! #22
GITZ, BREAK! #23
GITZ, BREAK! #24
GITZ, BREAK! #25
GITZ, BREAK! #26
GITZ, BREAK! #27
GITZ, BREAK! #28
GITZ, BREAK! #30
Epilogue
SB19
PSICOM APP

GITZ, BREAK! #29

15 1 0
By LanehLarry

I'm the main dancer of SB19, my name is Ken.

---

"Full name, please."

Napahinga ako ng malalim nang makarating ako sa lobby ng hotel. Galing ako sa labas kung saan nakakalat ang mga media. Hanggang dito sa New York, napapalibutan ako.

"Felip Suson."

Pagkabanggit ko ng pangalan ko, parang nabuhusan ng malamig na tubig ang babae rito sa frontdesk. Alam ko na, ngayon lang siguro n'ya nakita at nakaharap ang supermodel na kagaya ko.

"S-sorry, Sir. This way..."

Iginya n'ya ang daan sa tagong elevator sa kan'yang kanan. Nang maihatid na ako sa elevator, nginitian ko s'ya. Sumara kaagad ang pinto kaya hindi ko na nakita ang reaction n'ya. Full-mirrored ang lift kaya kitang-kita ko ang sarili suot ang collar cardigan, nasa loob ang cotton t-shirt, simpleng pants at boots. Ako lang ang mag-isa hanggang sa  makarating ako sa 38th floor. Sinalubong ako ng tahimik na hallway. Pagpasok ko sa room ko, roon ko na narinig ang pamilyar na ingay.

"Ken!" Sabay-sabay na sigaw nila.

Tinanggal ko ang cardigan ko at ang boots ko ay naiwan sa entrance. Bumungad sa akin ang mga kaibigan at mga tauhan na nagsisiksikan sa harap ng camera at napapalibutan ng ring light.

"Sir! Dali! Sali ka rito!"

Nasa likod nila ang malaking glass window kung saan tanaw na tanaw ang city lights. Nag-aagaw na ang liwanag at dilim. 'Yun ang napili nilang background. Pumunta ako sa kanila at pumwesto sa gitna. Naka-ilang shots pa bago nila ako pakawalan.

"Grabe! Mami-miss ko ang lugar na ito! Gusto kong bumalik!" sabi ng isang babae na nag-aayos ng kan'yang gamit.

Agad na sumagot ang isa. "Hotel lang 'to, teh! Walang wala sa mga pinuntahan nating mga resort!"

Napangiti ako habang papunta sa maliit na kwarto para sa akin. Nandoon lahat ng mga gamit ko na dinala ko papunta rito. Tahimik akong nagliligpit at inilalagay sa dalawang maleta. Ang mga mahahalagang gamit naman ay nilagay ko sa maliit na body bag.

"Sir Ken."

Kumatok lang s'ya bago n'ya buksan ang pinto. Napalingon ako sa kan'ya. S'ya ang assistant manager ko.

"Saan ka po galing kanina?" tanong n'ya.

"Naglibot-libot lang," sagot ko.

"Hmm..."

"Nakapaglibot po ba kayo ng maayos? May mga media po sa labas kanina, ah?" dugtong n'ya.

Tumango ako, "Maayos naman."

Napangiwi s'ya. "Sayang, Sir! Hindi n'yo po naabutan 'yung celebration kanina."

Kumunot ang noo ko.

"Celebration?"

"Yes, Sir. Kanina lang po s'ya nag-blow ng candle n'ya."

"Oh? Birthday n'ya?"

"Yes, Sir. 'Yung isa n'yo pong make up artist."

"Talaga? Nasaan s'ya?"

Binitawan ko ang ginagawa ko para sundan s'ya palabas. Hinanap n'ya kaagad ang sinasabi n'ya. Nang makita, hinila n'ya ito at hinarap sa akin.

Singkit ang mata at medyo maputla. "B-bakit po, Sir---"

"Happy birthday..." usal ko.

Natigilan s'ya at nanlaki ang mata. Ilang segundo pa ang nakalipas bago s'ya  makapagsalita.

"T-thank you, Sir."

"Sorry, hindi kita mabilhan ng regalo---"

"Naku! Okay lang po, Sir. Baka makaabala pa po ako sa inyo!"

Mariin akong tumango at nag-isip ng birthday wish.

'Many more happy returns.'

Napalunok ako nang maalala ko ang kaisa-isang hiling ko sa birthday n'ya...

"Be happy," usal ko at tinalikuran s'ya para makabalik sa kwarto.

Natapos kaagad ang sa pagliligpit. Rinig ko rin sa labas ang mga kalansing mga nga inililigpit na gamit. Tatawagin naman nila ako mamaya kapag aalis na.

Nandito kami ngayon sa hotel namalagi ng ilang araw sa isang fashion show, conference at ilang mga activities. Masaya ako dahil nakasama ang buong team sa ganitong event. Maswerte kami dahil napunta kami sa isa sa pinakamagandang management.

Mag-aapat na taon na rin ang nakalipas at nasa parehas na industriya pa rin ako nagtatrabaho simula pa noon. Kusa nang pumasok sa isip ko ang takbo ng trabaho ko noon. Gigising ako sa isang bahay, sasalubungin ng pusang sobrang hinhin, kakain kasabay nila, magtatawanan hanggang sa maririnig ko ang busina mula sa labas. Sabay kaming magpapaalam sa iba at sabay na sasakay at magtatabi. Makakatulog s'ya sa balikat ko sa sobrang haba ng byahe. Sasalubungin kami ng mga napakatinis na tili mula sa kababaihan, mga click ng camera, iba't ibang boses ng mga tao na pilit nakikipagsiksikan makausap lang ako...kami at uuwing may mababasang article.

'Yung sinabi ko sa sarili noon na kapag nakita n'ya ang lahat ng balita, baka mailang s'ya...iba ang naging epekto sa kan'ya. Noon ko lang nalaman na nasaktan s'ya sa narinig n'ya mula pa mismo sa akin, umaasa s'yang may mas hihigit pa sa mga ginagawa ko.

Gusto kong magpaliwanag. Gusto kong sabihin lahat pero nawalan ako ng oras. Hanggang sa nasabi ko na lang na huli na ang lahat.

Bumalik ako sa wisyo nang marinig ang paulit-ulit na katok at tawag sa pangalan ko. Hinila ko ang maleta at isinuot ang body bag na hawak. Lumabas kami at matiwasay na makasakay sa van.

"Sir, kailan n'yo po balak umuwi ng Pilipinas?" tanong sa akin mula sa likod.

Nasa daan lang ang tingin ko at ang isip ko ay lumilipad. Ano nga bang madadatnan ko sa Pilipinas?

"Bakit? Sino ba ang nasa Pilipinas?" sabat ng isa.

"Si Justin, s'yempre. Sino pa ba?" bulong ng isa na rinig ko naman.

Napangiti ako. May babalikan pa nga ako sa Pilipinas. Pero hindi p'wedeng sa kan'ya kaagad ako dumeretso. Ilang taon ko ring pinag-isipan ang mga gagawin ko para makapag-sorry sa kan'ya at sa iba.

"Hindi muna ako uuwing Pilipinas, lilipad muna ako sa Korea," turan ko.

Narinig ko ang singhap ng iba. "Sama kami, Sir?"

"Hindi," agad kong sagot. Nasundan ito ng angal ng iba na agad pinatahimik ng assistant manager ko.

"Pupunta kang Korea, Sir? Kailan n'yo po gustong magpa-book?"

"Ngayon na."

Napalingon ako sa rearview mirror at tama nga ako, kitang-kita ko ang paglaki ng mga mata n'ya sa agad na sagot ko. Kumilos lang s'ya ng sikuhin ng katabi.

"Aling airport po kayo lalapag, Sir? Ilang araw po kayo roon at anong klaseng room sa hotel po ang ipapa-reserve ko?" sunod-sunod na tanong n'ya.

Sinagot ko lahat ito at nang matapos, kinuha ko ang cellphone habang nasa kalagitnaan ng traffic. Agad kong sinearch ang pangalan ni Josh sa Twitter. Hindi naman ako nabigong malaman ang location n'ya dahil lantad na lantad sa profile n'ya ang information na kailangan ko. Open DM s'ya kaya p'wede ko s'yang kausapin pero pinigilan ko ang sarili. Inhahanda ko ang speech ko kapag nagkita na kami.

Nakarating kami sa office makalipas ang apat na oras na byahe. Hindi ako nakatulog, naubos ang oras ko kakaisip. Pagkababa lang ng sasakyan, agad na sinabi sa akin ang mga detalye ng pag-alis ko bukas. Maski ang pag-uwi ng Pilipinas, naasikaso na n'ya. Nag-dinner kami saglit at ang lahat ay kan'ya kan'yang uwi na ng bahay nila.

Nag-drive ako papunta sa isang gift shop at katabi nito ang souvenir shop din. Inubos ko ang isang araw na sweldo ko rito at halos sampung bag ang hawak-hawak ko pagkabalik ng sasakyan. Pagkauwi, hatinggabi na, nag-impake na ako kaagad. Nang matapos, naligo at nagpahinga na.

Tumunog ang alarm ko. Parang umidlip lang ako at ginising kaagad. Nakapikit lang ako magdamag pero parang hindi ako natutulog. Nilisan ko ang bahay na kandado at masayang nagdere-deretso sa airport sakay ng cab.

Sa airport na rin ako nag-almusal at nagpalipas ng oras. Nang matawag para sa boarding, tumayo na ako hanggang sa makatapak sa eroplano. Matapos ang take off, doon ako nakabawi ng tulog. Nagigising lang kapag may dumadaan na stewardess para magbigay ng pagkain.

Gabi na ng makarating ako sa hotel na sinabing para sa akin. Hindi ako mapakali. Iniwan ko sa room ang gamit ko bago muling lumabas para hanapin ang location ni Josh.

Mabuti na lang at isang oras ang byahe papunta rito. Tinanaw ko lang ang building nila. At nang papatalikod na ako, narinig ko ang pamilyar na tawa.

Josh...

Agad akong nagtago sa malaking poste at sumilip kung saan s'ya papunta. May inihahatid s'yang mga kalalakihan.

"No problem! See you tom! Annyeong!"

Tinanaw n'ya ito hanggang sa hindi ko na nakita ang sasakyan. Nabasag ang katahimikan ng buntong hininga n'ya.

Umapak ako mula sa pagtatago sa poste, nakagawa ako ng ingay kaya napalingon s'ya sa p'westo ko.

"neo geogi issni?"

Nasa ulunan n'ya ang ilaw ng poste kaya kitang-kita ko ang nakunot n'yang noo. Ganoon at ganoon pa rin ang mukha n'ya, mas lalo lang naging mature ang features at pumuputi na s'ya dahil na rin siguro sa klima.

"Is anybody there?"

Bakas sa tono n'ya ang sanay na pagsasalita sa english. Hindi ko mapigilan ang pagngiti. Mas lumapit ako. Napaatras naman s'ya.

"Who are y-you?" utal na tanong n'ya.

Inalis ko ang sombrero ko at ang mask. Nanlaki ang mga mata n'ya sa presensya ko.

"Josh..."

Mas lalong kumunot ang noo n'ya at nasundan ng pagkamangha. Kilala na n'ya ako.

"K-Ken? Ken!"

Kumaripas s'ya ng takbo para yakapin ako. Mahigpit na yakap. Umugoy kami ng mahina bago s'ya kumalas sa yakap.

"Ikaw ba talaga 'yan?" Natatawang tanong n'ya.

Ngumiti ako at marahan s'yang siniko.

"Yeap, Felip Suson, the supermodel." Ginawa ko ang signature pose ko para masigurado n'ya na ako nga talaga 'yun. Hindi n'ya mapigilan ang tawa sa ginawa ko. Iginiya n'ya ako papasok dahil malamig na.

"Kailan ka pa nandito?" tanong n'ya.

Nasa cafeteria kami at kinuha n'ya ako ng maliit na kape mula sa vending machine. Maayos na maayos ang buhok n'ya, pati ang kilay n'ya ganoon pa rin at mukhang mas makapal pa at hindi mawawala ang nanlalaki n'yang mga mata.

"Kanina lang," sagot ko.

"Talaga? Bakit? May shoot ka rito? Event? Alam ko kagagaling mo lang sa big event, ah?"

Alam n'ya pala.

"Ikaw talaga ang sinadya ko rito," sagot kong muli na nagpatigil sa kan'ya.

Napangisi s'ya. "Miss mo ako, ano?"  Pang-aasar n'ya.

Hindi ko naman mapigilan ang pagtanggi, totoo namang na-miss ko s'ya pati na ang iba. Nagulat ako nang sundutin n'ya ang pisngi ko. Maarte akong napahawak doon at nagkunwaring nasaktan.

"Mapupunit na labi mo sa ngiti mo!" kantyaw n'ya.

"Okay na tayo?" Napalunok pa ako sa tanong na 'yun. Hindi naman maikakaila na nagkaroon din ng labuan sa pagitan namin.

"Sus! Oo naman!" Itinaas n'ya ang kamao at inikot. Nag-fist bump kami ang nagtawanan.

Makalipas ang ilang minutong kwentuhan at kumustahan, naibalik na naman ang usapan sa pagpunta ko rito.

"Hindi ko kayang umuwi sa ibang bahay, hinahanap-hanap ko 'yung kama ko sa bahay ni Stell." Natatawang sabi ko.

"Oh? Ano? Kunin natin? Gusto mo?"

Napangisi ako sa sinabi n'ya. Nasa Pilipinas 'yun at mukhang nakuha n'ya rin ang ibig kong sabihin.

"Kailan mo gustong umuwi?" tanong n'ya.

"Bukas ng gabi, lipad na tayo."

At 'yun ang ginawa namin. Umuwi ako sa hotel para makapagpahinga at magpalipas ng maghapon sa pagkain at panonood. Si Josh na ang pumunta sa akin para sabay kaming makaalis. Hatinggabi na nang marating namin ang Pilipinas. Nagpalipas ng gabi sa hotel at dali-daling kumilos para makaalis kaagad. Hindi na ako nag-abala pang halungkatin ang gamit ko para magdala ng pasalubong dahil pati s'ya, atat na rin makita ang iba.

"Saan ba natin sila hahanapin?" tanong n'ya.

Nasa bangketa kami at naglalakad. Balot na balot ang mukha namin para walang makakilala. Hanggang ngayon, maingay pa rin ang pangalan naming dalawa.

"Edi sa bahay nina Stell? Hindi ko alam, hindi ako nakakasagap ng balita mula sa kanila," sagot ko habang naglilinga-linga sa paligid.

Nadaanan namin ang simbahan at punong-puno ng tao, linggo ngayon at mukhang magsisimula na ang misa. Sumaglit kami para magsindi ng kandila bago bumalik ulit sa daanan.

Natatanaw na namin ang tila gubat na daanan papunta sa dating naming bahay. Akala ko madadatnan namin ang tahimik at abandonadong bahay pero hindi, may ilan kaming naririnig na nag-uusap. Nagkatinginan pa kami bago tuluyang makaliko.

Tumambad sa amin ang isang bakeshop.

Vester's bakeshop.

"Bakeshop? Ni Stell?" Bakas sa boses n'ya ang pagiging excited. Nagtuloy-tuloy kami hanggang sa makarating sa counter. Sumalubong sa amin ang isang babae na 'di katangkaran.

"Anong pong sa kanila?" Magalang na tanong n'ya.

"And'yan ba si Stell?" tanong ni Josh.

Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng bahay. Ang dating terrace at napalitan na ng counter. Nasa gilid ang mga paninda sa loob ng glass. Strawberry ang theme ng bakeshop. May nakikita rin akong mga kape. Ang garden noon na naging shooting place pa ni Josh ay napalibutan na ng mga table at doon kumakain ang mga costumer. Natigil ako nang bumukas ang pintuan at inilabas ang pamilyar na tindig.

"Stell!" Tila nagulat na tawag ni Josh.

Kumunot ang noo ni Stell sa narinig at hinanap kung saan galing ang pagtawag sa kan'ya. Itinaas ni Josh ang kamay n'ya para mapukaw ang atensyon ni Stell.

Lumapit sa amin si Stell. Wala sa sariling napangiti ako hanggang sa maramdaman ko ang pag-init ng gilid ng mata ko.

"J-josh?" Nauutal na tanong ni Stell. Kitang-kita ko na pagiging teary-eye ni Stell mula sa pwesto ko. Nakangisi namang tumatango-tango si Josh.

Bigla silang nagyakap. Paulit-ulit na hinagod ni Josh ang likuran nito. Narinig ko na rin ang hikbi n'ya. Nangingibabaw ang saya sa puso ko nang makita silang ganito.

Nang kumalas sila sa pagyakap, napayuko si Stell at nagpunas ng luha. Napansin n'ya ako kaya yinakap ko rin s'ya at paulit-ulit na nag-sorry.

"Libre naman d'yan!" kantyaw ni Josh.

"Sus! Marami na kayong nakain na libre noon! Kuripot!" Natatawang sagot ni Stell.

Naupo kami sa table na pang-apatan at si Stell na rin ang nag-serve ng mga cake at ilang tinapay. Masaya kaming nagkumustahan at nagkwentuhan. Nasa kalagitnaan na kami nang matigil ang tingin n'ya sa counter.

Nakatalikod ang matangkad na payat na lalaki sa amin at may hawak na bulaklak sa kaliwang kamay. Nakadantay ang kanang kamay n'ya sa ibabaw ng counter.

"Nandito na pala ang regular costumer ko?" Ngumisi si Stell.

Hindi pa n'ya ito tinatawag, lumingon ito sa p'westo namin. Nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ito.

"Justin!"

Napatayo ako mula sa kinauupuan ko. Pati s'ya nagulat sa narinig n'ya. Nakikilala n'ya ba ako? Namumukhaan pa rin ba n'ya ako? Kilala pa ba n'ya ako? S'ya pa rin ba ang g'wapong PA ko?

Lumapit s'ya sa amin pero tikom pa rin ang bibig.

"Saan ka pupunta? Bakit ka may dalang bulaklak?" takang tanong ni Stell.

Napangiti si Justin. Agad naman kaming napalingon sa isa't isa. Si Josh, gulat pa rin ang mukha at nakalaglag pa ang panga.

"Sa sementeryo."

Continue Reading

You'll Also Like

141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
49.1K 2.3K 36
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
10.6M 571K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
3.4K 410 26
A 19 year old girl Adeline grew up in her non biological mother when she gone missing when she was 2 years old. She was a adopted by one of the famou...