The Seductive Doctor (Savage...

By Maria_CarCat

9.1M 246K 56.5K

The Doctor is out. He's hiding something More

The Seductive Doctor
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter
Sequel
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 55

148K 4.3K 1.2K
By Maria_CarCat

Nakabalik










Wala akong sinayang na oras. Sobrang bigat ng aking dibdin habang nasa byahe kami ni Kenzo pauwi sa bulacan. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ay hindi na ako maiyak.



Hindi ko inakala na pwede pala iyon. Sa sobrang sakit ay hindi ka na maiyak kahit ang totoo ay iyon ang unang dapat response ng katawan mo sa oras na makaramdam ka ng sakit. Parang biglang nagshut down ang lahat. Wala na akong ibang maramdaman kundi ang pamamanhid ng aking buong katawan.


Panay ang sagot ni Kenzo sa tawag habang nagmamaneho. Patuloy pa din ang pagbuhos ng malakas na ulan kaya naman mas nagdoble ang pagiingat niya ng binaybay namin ang kahabaan ng north luzon expressway.



"Kasama ko siya. Oo, uuwi kami ng bulacan" seryosong sabi ni Kenzo sa kung sinong kausap niya sa kabilang linya. Hindi ko na masyadong inisip pa iyon. Ang tanging gusto ko lang sa ngayon ay makarating na.


Wala na si Daddy? Si Mr. Serrano. They met an car accident dahil na din marahil sa lakas ng ulan at madulas na kalsadal. Napasinghap ako ng naramdaman ko ang pagtulo ng luha mula sa aking mga mata. Hindi pa nagsisink in kanina at alam ko sa sarili kong ayoko ding tanggapin ito.



"Susunod ang kuya Frank mo dito" pagbasag ni Kenzo sa katahimikan ng sandaling huminto ang sasakyan sa tollgate ng Bocaue exit.


Sinikap kong mariing pagdikitin ang aking mga labi para iwasan ang mga hikbing gustong kumawala. Nang tuluyan kaming makapasok sa bulacan ay mas dumoble ang bigat ng aking dibdib.


This is my hometown for the past years. Siguro nga ay kinalimutan ko ito kasama ng pagtakwil ko sa pamilya Serrano dahil sa ginawa nila sa akin. But this is a part of me. This place still feels like home sa kabila ng lahat ng nangyari.


Lumabo ang aking mga mata ng tingalain ko ang mataas na building ng BMMG hospital. Isa ito sa pinakamalaking hospital sa bayan ng Sta. Maria.


"Sera!" tawag ni Stella sa akin.


Hindi ako nakagalaw ng yumakap siya sa akin habang humahagulgol. Sa gilid ng emergency room ay nakita ko din sina Manang, tahimik na umiiyak. Humigpit ang yakap ni Stella sa akin kaya naman wala akong nagawa kundi ang yakapin siya pabalik.


"Si Daddy...wala na"


Ramdam na ramdam ko ang sakit sa bawat pagbigkas niya ng mga katagang iyon.


Nanatili si Mommy sa emergency room. Critical ang lagay niya kaya nama hanggang ngayon ay minomonitor pa din siya ng mga doctor. Nakita ko ang mabilis na paglapit ni Kenzo sa isa pang doctor ay nagpakilalang doctor din siya.



"Bakit ngayon pa? Bakit?" nagmamakaawang tanong ni Stella sa akin. Mariin akong napapikit ng sunod sunod na tumulo ang aking mga luha.


Hindi ko din alam. Wala din akong makuhang sagot sa mga nangyayari. Bakit nga ba ngayon pa? Kung kailan handa akong patawarin sila, kung kailan...imbes na hayaan silang maghirap at magdusa ay mas gusto kong mag bagong buhay sila.


Hindi kaya ni Stella na bumalik pa sa morgue para puntahan si Mr. Serrano kaya naman si Kenzo at si Manang ang nakasama ko pababa duon. Pilit ko mang tinatagan ang aking loob ay hindi ko kaya. Ramdam ko ang panginginig ng aking mga tuhod habang papalapit ako sa walang buhay niyang katawan.


Gusto kong magmura. Ang makita ang hulma ng kanyang katawan na natatabuna ng puting kumot. Gusto kong magmura!


"Tumayo ka diyan!" madiing at galit na bulong ko.


Aawayin pa kita! Susumbatan pa kita, hindi pwedeng ganito ganito na lang! Tumayo ka diyan ay magtutuos pa tayo!


Nanghihina akong napakapit sa kanyang hinihigaan. Ramdam sa bakal na higaan na iyon ang panginginig ng aking kamay dahil sa aking pagkakahawak duon.



"Daddy..." tawag ko sa kanya. At sobrang sakit nuon. Ang tawagin ko ulit siyang Daddy, ang tawagin ko ang walang buhay niyang katawan ay sobrang sakit.


Hindi na ako nakapagsalita pa at tuluyan na lang na napaiyak.


Ang malupit na si Mr. Serrano ay nasa harapan ko ngayon. Walang buhay, walamg imik at hindi na humihinga. Hindi ko inakala na possible din palang gustuhin kong marinig muli ang kanyang mga pangungutya niya sa akin, ang mga pananakit niya sa akin. Hindi siya naging mabuting ama ngunit hindi naman siya nagkulang sa akin sa pagpapaaral at sa mga materyal na bagay.


"Ibinalik ko na ang Manufacturing. Paano na?" tanong ko sa kanya.


"Bakit?" nagtatakang tanong ko sabay yakap sa kanyang walang buhay na katawan.


Pinili ko na lamang na umalis duon ng nagsimula ng dumagsa ang pamilya Serrano. Hindi sila umimik sa akin, nagiwas kaagad ng tingin na para banv nahihiya pa. Buong akala ko ay makakakuha ako ng masasakit na salita mula sa kanila pero nagkamali ako.


"Calm down please" bulong na pakiusap ni Kenzo ng maupo kami sa bench malapit na emergency room.


Gusto kong lapitan si Stella na mahinahon na ngayon ngunit tulala naman. Marahil ay pagod na din siya kakaiyak.


"Kamusta daw si Mommy?" tanong ko kay Kenzo. Nakausap niya ang isang Doctor kanina.


Umigting ang kanyang panga. May gusto siyang sabihin sa akin ngunit nagdalawang isip pa siya kung ipapaalam niya.


Hinila niya ako at iginaya ang aking ulo para makasandal sa kanyang dibdib. "She can make it...don't worry too much" pagpapagaan niya sa loob ko.


Pero hindi man lang gumaan ang loob ko kahit papaano. Alam kong delikado, masyadong delikado at ang hinihingi na lamang namin ngayon ay himala. Mommy is weak, kahit nuon pa man.



Ilang oras pa kaming nanatili duon hanggang sa inilipat si Mommy sa ICU. Napatayo ako ng makita ko ang humahangos na paglapit ni Kuya Frank sa amin, sa kanyang likuran ay nakasunod sa kanya ang ilan sa kanyang body guard.


Kaagad niya akong niyakap kaya naman niyakap ko din siya pabalik. Hindi na ako naiyak pa dahil masyado ng pagod ang aking mga mata.


"I'm sorry to hear this...Frances" malugkot na sabi ni Kuya Frank. Tumango na lamang ako sa kanya.


Siguro ay kilala din ni Kuya Frank ang pamilya Serrano lalo na at nasabi niyang nagresearch siya tungkol sa naging buhay ko sa mga nagdaang taon.



Bumalik ako sa pagkakaupo ko. Nagulat ako ng lumapit si Stella sa amin, matalim ang tingin kay Kuya Frank. Kumunot ang aking noo ng makita kong matalim din ang tingin ni Kuya dito. Magkakilala ba sila?


"Anong ginagawa mo dito?" matigas na tanong ni Stella sa kanya na para bang may hinanakit siya dito.


Tumikhim si Kuya Frank. Hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa kanilang dalawa na para bang maging ang kanilang mga mata ay naguusap at naglalaban.



"Nandito ako para sa kapatid ko" seryosong sagot ni Kuya Frank sa kanya, tukoy sa akin.


Bayolenteng napalunok si Stella at kaagad na ding nagiwas ng tingin. Sa huli, walang imik siyang lumayo sa amin at nagasikaso na lang sa paglilipat kay Mommy sa ICU.


Napatingin ako kay Kuya Frank na halos panuorin ang lahat ng galaw ni Stella. There must be something? Should I ask them or what?


"Don't ask" bulong ni Kenzo sa akin na ikinagulat ko. Nagtaas siya ng kilay sa akin kaya naman nagtaas din ako ng kilay pabalik.


"I can almost hear what you are thinking" sabi niya kaya naman napairap na lamang ako. Ganuon ba ako katransparent para sa kanya? I'm just curious about my brother. At Ate ko din naman si Stella kahit nagalit ako sa kanya.



Naging busy silang lahat. Si Stella para sa kay Mommy. Si Kuya Frank kausap ang ilan sa mga body guard niya. Kita ko din ang ilang beses na pagpabalil balik ni Manang para sa mga utos ni Ate.


Kami naman ni Kenzo ay nanatiling nakaupo. Nanatili din akong nakasandal sa kanyang dibdib. Ilang beses kong nakita ang pagtikhim ni Kuya Frank sa tuwing nakikita niya kami ni Kenzo na ganito ang posisyon.


Napapanguso na lamang ako sa tuwing nahuhuli ko ang pagirap niya kay Kenzo at hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa oras na malaman kong umiirap din si Kenzo pabalik sa kanya.


"Hindi ko man lang nasabi sa kanya na napatawad ko na siya..." malungkot na sabi ko. Bahagya akong napapikit ng maramdaman ko ang paghalik ni Kenzo sa aking ulo.


"Just pray for his soul. That's the least we can do..." sabi niya sa akin kaya naman napatango ako.


Nang masettle na ang lahat ay muli kaming nilapitan ni Kuya Frank. "Umuwi na muna kayo, hindi makakabuti ito sa kalagayan ni Frances. Magpapaiwan ako ng ibang tauhan dito"


Napatango ako kasabay ng paglingon ko para hanapin si Stella. Naramdaman ko ang paghawak ni Kuya Frank sa akin kaya naman muli kong ibinalik ang tingin ko sa kanya. Tipid niya akong nginitian.


"You should rest, Frances. Ako na ang bahala dito" malambing na sabi niya sa akin. Nginitian ko siya balik, kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam ko dahil marami na akong makakapitan ngayon.


Ito yung nawala sa akin nung nasa Guam ako kaya naman naging madali sa akin nuon ang isiping tapusin ang buhay ko. Pero iba ngayon, kahit anong problema ang darating as long as nandito silang lahat kasama ko ay siguradong makakayanan ko na.


"Pero galit sayo si Ate Stella" sabi ko sa kanya. Hindi ko maiwasang bigyan iyon ng kahulugan para sa kanya lalo na dahil sa mga nasaksihan ko kanina.


Napairap siya kaya naman napanguso ako. "Wag mo ngang tawaging Ate ang babaeng iyon. Hindi ba't hindi siya naging mabuti sayo?" galit na sabi niya sa akin kaya naman nanlaki ang aking mga mata. Ano ba talaga ang nangyari?


Gusto ko pa sanang magtanong pa ulit. Ngunit hindi na pumayag pa si Kenzo at halos hilahin na ako palabas ng hospital.


Ang pamilya Serrano na din daw ang bahala sa magiging desisyon para sa burol ni Mr. Serrano. Magiiwan ng ilang tao si Kuya Frank duon kaya naman mapapanatag ako para kay Stella at Mommy kahit papaano.



"Mabuti pa nga. Buntis ka at hindi makakabuti sayo ang sobrang stress dito. I'll update you about Mommy every now and then. Sina Tito na ang bahala sa burol ni Dad, naguusap usap na sila" sabi ni Stella sa akin ng magpaalam ako sa kanya.


Nangako akong babalik din kaagad. Kailangan ko lang talagang magpahinga para sa baby ko lalo na't hindi na ako papayag na mangyari pa ang nangyari dati. Hindi na ako magiging pabaya at careless. Iingat ko ang sarili ko para na din sa baby ko.



Maaga akong nagising ng sumunod na araw ng malaman kong pupunta si kuya Frank para bumisita. Kahit medyo tanghali na ang maaga para sa akin. Pagkababa ko sa may living room, si Kuya Frank at Kianna kaagad ang aking nakita.


"Anything you want..." rinig kong malambing na sabi ni Kuya Frank sa aking anak. Napairap na lamang ako sa kawalan at napangisi.


Ang daming nang iispoiled kay Kianna. Andyan si Gust, si Kuya Frank, ang Daddy Kenzo niya. Kaya naman tuloy hindi siya makasabay sa mga anak nina Castel at Amary dahil normal na bata ang mga iyon. Samantalang itong anak ko ay maaga atang namulat sa pagdadalaga.



"Mommy!" tawag ni Kianna sa akin. Tumakbo siya para yakapin ako. Napatawa ako at bahagyang nakiliti ng paulit ulit niyang hinalikan ang aking tiyan.


Nakasanayan niya na iyon. Para daw sa baby Brother niya ang mga halik na iyon para maramdaman nitong love na love niya ito.


"Ikaw na ikaw" nakangising sabi ni Kuya Frank tukoy kay Kianna. Nangiti na lamang ako at umupo na din sa may kaharap niyang sofa.


Dumating si Kenzo kasama ang isang kasambahay na may dalang kape para kay Kuya Frank at gatas naman ang para sa amin ni Kianna. "Dito ka na magbreakfast. Patapos ng ayusin ang dinning" yaya ni Kenzo kay kuya. Tumango lang si Kuya Frank sa kanya at muling ibinalik ang tingin sa amin ni Kianna.



Matapos ang sandaling katahimikan ay nagawa ko ng makapagtanong sa kanya sa mga nangyari sa IloIlo.



"They we're under influence of drugs. Ilan din sa mga kasamahan nila ang nahuli namin. That's their living...kidnapping" kwento niya sa amin. Napatango na lamang ako.


"Walang kinalamam si Fidez sa pagkakakidnap mo nuon. It's just that, sa kanya kumukuha ng information ang mga magulang niya tungkol sayo...and I believe wala siyang alam sa mga plano nito" pagpapatuloy pa ni Kuya Frank.


Naniniwala naman ako duon. Ilang taon lang ang tanda ni Fidez nuon sa akin para masangkot siya sa ganuong klaseng krimen.


Napasimsim si Kuya Frank sa kanyang kape. Nanatiki ding tahimik na nakikinig si Kenzo sa akong tabi. Alam kong apektado din siya dito dahil bestfriend niya si Fidez, I won't take it against him. Naiintindihan ko at hindi na kami mga bata para magkaroon pa ng selosan tungkol sa mga kaibigan.



"Ang tanging naging kasalanan niya lang ay nakita ka na niya, highschool ka pa lang at hindi niya iyon ipinaalam sa amin. Sa kagustuhang hindi ka na makabalik"



Halos malaglag ang panga ko. That early!? Kilala na niya kung sino ako, kaya pala nung college!


Nagkatinginan kami ni Kenzo. Nagigting ang kanyang panga ng mukhang naiisip din niya ang naiisip ko.


"Wala ako dito sa pilipinas nuon. Nasa abroad ako para magaral dahil gusto kong simulan ang security agency. Naging madali iyon sa kanya dahil sa mga magulang niyang totoong kumidnap sayo" paliwanag pa ni Kuya.



"Anong pwede ipataw na parusa para kay Fideliz?" tanong ni Kenzo.



Mas lalong nalaglag ang panga ko. Ang isiping siya pa mismo ang may gustong maparusahan ang kaibigan niya ay nakakabigla din para sa akin. Alam ko kung gaano sila kaclose nina Andrew.



Pagod na napailing si Kuya Frank. "She needs a psychiatrist. Bata pa lang ay pansin na naming may pinagdadaanan si Fidez. Kaya nga mas lalo akong naging protective sayo nuon..." turo niya sa akin.



"Then bakit hindi niyo kaagad ipinagamot or ipinatingin sa eksperto?" si Kenzo sa isang seryosong boses.


Nataas ng kilay si Kuya Frank sa kanya. "We already did. Ang sabi ng Doctor normal lang iyon dahil she suffer from trauma" nagkibit balikat siya after nuon. "Nasa sa kanya pa din ang magiging result ng lahat ng test sa kanga. Unfornately hindi niya sineryoso iyon, mas lalo siyang nagpakain sa inggit at galit"



Napabuntong hininga na lamang ako pagkatapos ng lahat ng iyon. Maghahanda din ako para bumalik sa bulacan ngayong hapon. Ilang beses ko mang sabihin kay Kenzo na pwede namang ako na lang magisa ang pupunta ay hindi siya pumayag.



Isang mainit at mahigpit na yakap ang iginawad ni Gust sa akin ng salubungin ko siya papasok sa aming bahay. Nalaman niyang aalis ulit kami pauwi sa Bulacan kaya naman nagpresinta siyang dumito muna para samahan si Kianna.


"I'm sorry to hear about Mr. Serrano. Alam na din nila Dad" sabi niya sa akin. Matalik na magkaibigan ang Daddy ni Gust at si Mr. Serrano kaya naman alam kong apektado din ang kanilang pamilya sa nangyari. Kahit pa nagkagulo nuon dahil hindi natuloy ang dapat sanang pagpapakasal namin.


Imbes na si Kenzo ang magdrive ay nagdala siya ng driver gamit ang isa sa mga itim niyang SUV.



"Pagkatapos ng lahat ng ito. Tsaka namin kakausapin si Daddy" sabi ko sa kanya tungkol kay Doctor Del prado.


Tumango siya sa akin ay muling humalik. Napanguso ako ng makita kong nagiwas na lang siya ng tingin sa akin. "Bakit ba galit ang Daddy at si Kuya sayo?" tanong ko sa kanya.


Tumikhim siya ay bahagyang napanguso. "Iniisip niyang mayroong namamagitan sa amin ni Fidez...ganuon din kay Mandee" pagod na sabi niya.


Napairap ako. Imbes na magalit ay napangisi na lamang ako. "Ang gwapo naman kasi..." mapanuyang pangaasar ko sa kanya kay sumama ang tingin niya sa akin.



"Best friend ko lang si Fidez at si Mande...hindi naman naging kami" laban niya sa akin kaya naman mas lalo akong napangisi. Masyado naman pong defensive doc!


"Tapos ngayon ako. Lagot ka kay Daddy" pangaasar ko pa sa kanya. Umigting ang kanyang panga, mas lalo niya akong inilapit sa kanya.


Napakagat ako sa aking pangibabang labi ng makita ko ang naglalarong ngiti sa kanyang labi. "Papatunayan ko sa Daddy mo na I'm worthy of you. Na mahal na mahal kita" paninigurado niya sa akin kaya naman uminit ang magkabilang pisngi ko.


Isinubsob ko ang mukha ko sa kanyang dibdib. "Tirador ka ng Del Prado ha" pangaasar ko pa din para lang itago ang kilig na nararamdaman ko.


Nagulat ako ng marahan niyang pinalo ang aking pangupo. Puta! Wag ganyan at nagiinit...ang ulo ko!.



"You are not a Serrano nor Del prado. You are mine...My Herrer" paalala niya sa akin.


Hindi na ako nakasagot pa. "Kahit ano pa ang pangalan mo. Sera or Frances? Be it...I will still marry you, over and over again" paglalambing pa niya. Kung hindi ako pagod mamaya paguwi namin, may award sa akin ito. Best in Speech!



Pagkalapit pa lang namin sa ICU ay nalaglag na ang aking panga. "Tapos ka na sa akin di ba? Umalis ka na dito!" galit na pagtataboy ni Stella kay kuya Frank.



"Kuya Frank? Hindi ba nasa manila ka?" nagtatakang tanong ko kay obvious naman na nandito siya sa bulacan. Tangina Sera? Tanga lang?


Napabuntong hininga si Kuya at tsaka inalis ang matalim na tingin kay Stella. "May inasikaso lang" tipid na sagot niya sa akin. Panay pa din ang pagsulyap niya kay Stella na nasa loob na ng ICU ang tingin ngayon.



Humalik si Kuya Frank sa aking noo bago magpaalam. "Fine then, bahala ka sa buhay mo" galit na sabi niya. Parang mga bata, amputa!


Hindi na lang nagsalita pa si Stella kaya naman pinanuod ko kung paano nagmartsa palabas ng hospital si Kuya Frank.



"I'll buy us some food" paalam ni Kenzo sa akin ng medyo dumidilim na sa labas. Ngumiti ako sa kanya at tumango. Dahil sa pagalis ni Kenzo ay naiwan kami ni Stella sa labas ng ICU.


"Magkakilala kayo ni Kuya Frank?" tanong ko. Hindi ko na talaga mapigilan eh, hindi ata ako makakatulog mamaya kung hindi ko malalaman ito. Nagiging chismosa din pala pagbuntis? O matagal na akong chismosa?


Tipid na ngumiti si Stella sa akin, matapos niyang sandaling sumulyap ay muli niyang ibinalik ang tingin sa glasswall ng ICU.


"Nilapitan niya lang ako para makakuha ng impormasyon tungkol sayo" malungkot na sabi niya sa akin. Hindi kaagad ako nakapagreact kaagad kaya naman muli siyang tumingin sa akin.


"Pero ayos lang. Naiintindihan ko naman" sabi pa niya sa akin, parang naiilang siya at ramdam ko ang lungkot.



Napanguso ako. Sabi ko na nga ba may something eh. Saan kayo umabot si Kuya Frank sa paglapit kay Stella para lang makakuha ng impormasyon tungkol sa akin.



"Sorry bout that"


Ngumiti si Stella sa akin at umiling. "Ayos lang. He loves you so much kaya niya nagawa iyon. You deserve all this love, Sera. Bagay na hindi naman naibigay sayo nuon" she say geniunely.



Hinawakan ko ang kanyang manipis na braso. Mas lalo pa ata siyang pumayat ngayon dahil sa problema. "Hindi ko kayo iiwan ni Mommy..." paninigurado ko sa kanya kaya muli siyang naging emosyonal na ikinakunot ng noo ko. Mas tinalo pa niya ata ako sa pagiging emosyonal.



Mas lalong umaayos ang lagay ni Mommy sa ICU ng mga sumunod na araw. Hindi ako nakakapunga duon halos araw araw pero updated naman ako sa lahat dahil kay Stella. Ilang beses na din akong nakapunta sa burol ni Mr. Serrano. Naging casual naman ang pakikitungo sa akin ng pamilya kaya naman napanatag ako.



"Gusto naming ipaalam sayo na lubos kaming nagpapasalamat sayo, sa pagbabalik mo ng manufacturing" sabi ng isa sa mga kapatid ni Mr. Serrano.


Tipid akong ngumiti sa kanya. "Dapat ko lang pong ibalik iyon sa inyo. Sa pamilya niyo po iyon" magalang na sabi ko sa kanya.



Dahil naging busy kami ng mga nakaraang araw ay naisipan namin ni Kenzo na bumawi kay Kianna. Lumabas kaming tatlo para kumain sa paborito niyang italian restaurant.



"I have a lot of new dress...and a color pink of this" kwento niya tukoy sa yellow dress na suot niya. Galing lahat iyon kay Gust. Ang gagang iyon, kung may bayad ang lahat ng ibinibigay niya sa anak ko ay baka habang buhay na akong may utang sa  kanya.



Napangisi ako ng makita ang pagnguso ni Kenzo. Mas rumami ang kalaban niya ngayon dahil mukhang maging si Kuya Frank ay balak ispoiled ang anak namin.



"Atleast ako lang ang pwedeng mag spoiled sayo" laban niya kaya naman pinagtaasan ko siya ng kilay.



"I'll give you that, then. Kawawa ka naman" pangaasar ko sa kanya.


Pinanlakihan ko siya ng mata ng marahan niyang kinagat ang tenga ko habang nakangisi.



"Tigilan mo nga ako. Kakatapos lang ng awarding mo kanina ha!" suway ko sa kanya kaya naman mas lalo siyang napangisi.



"Anong award ni Daddy, Mommy?" tanong ni Kianna na ikinagulat ako.



"Best in Physical Education" sagot ni Kenzo bago humalakhak. Sa sobrang paginit ng pisngi ko ay halos kurutin ko siya sa tagiliran.



Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng napatigil si Kenzo. Dahil duon ay nag angat din ako ng tingin. Nagulat ako ng makita ko si Kuya Frank at si Daddy na nakatayo sa gilid ng aming lamesa.



Napatayo ako ng makita kong nakatitig ito kay Kianna. Napasinghap ako ng makita ko ang kanyang pagiyak. Walang nakapagsalita ni isa sa amin nanatiling tahimik na nakatingin sa kanya.


"Hello po" nakangiting sabi ni Kianna ng mapansin niya ang pagtitig sa kanya nito.


Uminit ang magkabilang sulok ng aking mga mata ng mahigpit niyang niyakap si Kianna. Tama nga siguro talaga sila, kamukhang kamukha ko ito nung bata ako.



"Frances..." tawag niya dito.


"Matagal kang hinintay ni Daddy" pagkausap niya dito na para bang ang pitong taong gulang na si Frances talaga ang kinakausap niya.



Napangiti ako kasabay ng pagtulo ng aking luha. "Daddy..." tawag ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at mas lalong naiyak.


"Nakabalik na po ako" nakangiting sabi ko sa kanya kahit umiiyak.















(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

7.9M 479K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."
92.5K 1.4K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
451K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
2.1M 61.4K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...